The Need to Relocate the Task Force Talakudong (Tacurong City)

The Need to Relocate the Task Force Talakudong (Tacurong City)

By Apolinario Villalobos

 

The Task Force Talakudong is currently located at the former “resort” area where a swimming pool is located within the Magsaysay Park facing the Alunan highway which poses a danger for the city. Military outposts are among the primary targets of unfriendly elements that would like to sow destruction as part of their operation. In this regard, the location of the military outpost definitely poses a danger to the whole city even if only a couple of guided missiles are directed to it, especially, because the City Hall is just a few meters from it.

 

In the past, the former Philippine Constabulary (PC) had a headquarters in Isulan until the said AFP branch was converted into the Philippine National Police (PNP). The location was strategic, considering that it was located in the middle of the “danger zone” that today, still  include Esperanza, Bagumbayan, Tacurong, President Quirino, Lambayong and Tantangan. Esperanza and Bagumbayan are at the foot of Mt. Daguma; Lambayong and President Quirino are adjacent to Ligwasan Marsh; and Tantangan is located at the foothills near Columbio. On the other hand, Tacurong being at the center of all these, still serve as the evacuation center.

 

Another important reason why the Task Force Talakudong should be located is the need for a much bigger area that could accommodate an expanded contingent and additional equipment which is very necessary. The current location is obviously inadequate for such scheme. My suggestion is its relocation outside the heavily populated downtown area where the City Hall is also located, and not outside the city periphery or at the very least in a boundary area with another town where the AFP deems appropriate. It should be noted that both the Ligwasan Marsh and the Daguma mountain ranges though charted, are not completely protected from unfriendly elements. They have been known as lairs of rebels and bandits, if I have to be frank about it. Though the once considered as “rebels” , except the NPA, are now in good terms with the Duterte government, the rest are  viewed as bandits and terrorists. And, their infiltration of the friendly groups is very possible.

 

The unrest today is obviously political, not religious, as the latter is just being used by the ambitious groups for their selfish motives. There is a peaceful co-existence among Christians and Muslims in the area, and that cannot be doubted. Again, the problem could arise if the so-called infiltration which is a terroristic strategy would be employed. There is much to be learned from the Marawi tragedy in this regard. It is high time that the Armed Forces of the Philippines should give the issue on the Task Force Talakudong a serious attention. The current seemingly “peaceful” situation in southern Mindanao should not be taken for granted.

Advertisements

Nagiging OA ang mga Militanteng Grupo…nakakawalang ganang panigan tuloy!

Nagiging OA ang mga Militanteng Grupo

…nakakawalang ganang panigan tuloy!

ni Apolinario Villalobos

 

Malaking bagay ang nagagawa ng mga militante sa pagpapaliwanag ng mga bagay na nangyayari sa ating bansa, sa iba’t ibang larangan lalo na sa ekonomiya at pulitika. Kung baga ay sila ang tagapag-gising ng mga Pilipino dahil sa ingay na ginagawa nila. Subalit ang magpasimula sila ng karahasan o violence tuwing may rally ay hindi maganda.

 

Ang pinakabagong pangyayaring mababanggit tungkol dito ay ang APEC Summit sa Manila.Sinamahan pa ang mga local na mga militante ng mga kasapakat o kaalyado na galing sa ibang bansa. Hindi nagkulang ang mga local na pamahalaang nakakasaklaw ng mga lugar na kinampuhan ng mga grupong militante sa pagbigay ng kaluwagan. Ang mga ahensiya naman ng gobyerno ay hindi nagkulang sa pagbigay ng paalala, lalo na sa mga schedule ng pagsara ng mga kalsada at babala kung hanggang saan lang dapat ang mga raleyista. Subalit may mga balitang nagpipilit pa rin ang mga militanteng grupo sa pagpapakita ng “tapang” sa pamamagitan ng pagsugod sa hanay ng  mga nakaharang lamang na mga pulis.

 

Ayon sa mga field reporter ng radio, ang mga grupo ng mga militante ang unang nangdadarag o nagpo-provoke sa hanay ng mga kapulisan na humaharang sa kanila sa pamamagitan ng pag-agaw ng kanilang mga truncheon o kalasag at pagtutulak sa mga ito. Mabuti na lang at hindi natitinag ang disiplina ng mga kapulisan na nagpakita ng matinding pasensiya sa kabila ng nakakatulig na pagmumura mula sa mga estudyanteng militante.

 

Narinig ko mismo ang live coverage sa isang pangyayaring pinarinig ng isang AM radio station. Sa background ng coverage ay maririnig ang tilian at sigawan ng mga nagra-rally, na sinisingitan ng komento ng reporter kung paanong itulak ng mga estudyante ang mga pulis na ang iba ay inaagawan pa ng kalasag, subalit nang gumanti ng tulak ang mga pulis, narinig agad ang pagsigaw ng isang estudyanteng: “….hayan mga kababayan, nakikita ninyo ang karahasan ng mga pulis…”. Napamura tuloy ako – pero sa hangal na estudyanteng lider pa man din yata ng grupo. Sila itong nanguna sa pagtulak, pero sila pa ang may ganang magreklamo at magpakita sa taong bayan na sila ay inaapi ng mga pulis!

 

May nagsabi sa akin na karamihan sa mga militanteng grupo sa Pilipinas ay sinusupurtahan ng mga Komunistang lumalaban sa Demokrasya, kaya kung mapapansin, dominante sa mga kulay na ginagamit nila sa mga streamers at banners ay pula, simbolo ng komunismo at sosyalismo. Isa sa mga pinag-aaralan din daw nila ay kung paanong epektibong makadarag o maka-provoke ng mga anti-riot police na humaharang sa kanilang daraanan tungo sa mga bawal na gustong pagdausan nila ng rally, tulad ng harapan ng mga embassy, Mendiola, at Malakanyang. Maituturing na nagtagumpay sila sa pag-provoke kung papaluin na sila ng mga pulis na makukunan ng retrato. Nang mabisto ang strategy nilang ito, gumamit na lang ng water cannon ang mga anti-riot police.

 

Sa ganang akin, hindi masama ang mag-rally pero dapat ay sa tamang paraan,  sa pamamagitan ng pagrespeto sa mga itatalagang alituntunin ng mga ahensiya, lalo na ng mga local na pamahalaang masasakop ng aktibidad. Kung ano ang bawal, dapat ay sundin. Kahit saan ay pwedeng gawin ang rally dahil kokoberan naman talaga ito ng mga reporter ng diyaryo, radio at TV. Kahit halimbawa ay laban sa Kongreso na nasa bandang Quezon City ang rally, ito ay maaaring gawin sa Luneta o Liwasang Bonifacio o sa bakuran ng UP, atbp.  Ang ilalabas naman sa TV, diyaryo at ibo-broadcast sa radio na layunin ay aabot pa rin sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Dahil dito, hindi kailangang mag-provoke ng mga pulis na naatasan lamang na magmintina ng kaayusan at pumigil sa anumang pinsala na mangyayari, upang masabing nagpakita ang mga ito ng “police brutality”. Trabaho lang ang ginagawa ng mga pulis. Maaaring marami rin sa kanila ang galit sa gobyerno pero hindi lang nila mailabas…yan ang dapat ding isipin ng mga nagra-rally.

 

Hindi kailangang sumigaw na ang background ay Congress o Malakanyang dahil ang importanteng malaman ng mga Pilipino ay mensahe ng mga nagsasalita sa rally. Bakit kailangan pang may masaktan o dumanak ng dugo? Paanong papanigan ng maraming Pilipino ang mga bistado nang mga komunistang nagra-rally, kung sila mismo ay naninira ng mga gamit ng mga embassy, plant boxes, poste ng ilaw, nang-aagaw ng truncheon ng pulis na nakaharang lamang sa kanila, at nag-iiwan ng basura mula sa sinunog na mga effigy, at mga balot ng pinagkainan nila, pati mga basyo ng mineral water?

 

Dahil sa hindi magandang gawi ng mga militanteng nagra-rally, ipinapakita nila na kailangan pang maging marahas upang magtagumpay sa pagpaparating ng mga mensahe. May napagtagumpayan ba naman sila? Hindi na ba pwedeng gumamit ng mahinahong paraan? Ang orihinal at tunay na layunin ng rally ay upang magkaroon ng pagkakataon ang mga grupong makapagparating ng kanilang mga hinaing sa mga kinauukulan. Nasira lamang ang layuning ito nang makarating sa bansa ang ideyolohiyang sosyalismo na ang pamamaraan sa pagtamo ng inaasam ay idinadaan sa karahasan.

 

Kawawa ang mga Pilipinong ang kaisipan  ay hindi na nga “nahinog” sa ideyolohiyang Demokrasya na ibinigay ng mga Amerikano, ay ginulo pa ng “Sosyalismo” na talaga namang hindi angkop sa kultura ng mga ito na nakasalig sa mga relihiyong Kristiyanismo at Islam!

 

Kalaban din ako ng korapsyon pero malayo sa isip ko ang patayan o pagdanak ng dugo upang matanggal lamang ito sa gobyerno…