Sa Pilipinas, Pakapalan ng Mukha ang Labanan sa Pulitika

Sa Pilipinas, Pakapalan ng Mukha

ang Labanan sa Pulitika

Ni Apolinario Villalobos

Kung hindi matapang ang hiya ng isang tao, hindi siya pwedeng pumasok sa larangan ng pulitika sa Pilipinas kung saan ang labanan ay pakapalan ng mukha. Nakakatulong din ang pagkakaroon ng pangalan na kilala na sa larangang ito, kaya sumibol ang “political dynasty”. Ang palaging sinasabi kahit kahiyaan na ay, “nandito na rin lang sa pulitika, lubusin na”…kaya nagkakanya-kanya ng hakot ng kapamilya ang mga walang hiyang pulitiko upang maipasok sa larangang ito.

Para sa baguhan at hindi kilala, nagsisimula ang pakapalan ng mukha sa araw na magpilit siyang kaya niyang tumakbo sa isang posisyon at wala siyang pakialam kung pagtawanan man siya o laitin kahit na ng mga kaibigan niya. Hindi rin ligtas sa mga panglalait ang mga kilala na sa pulitika na gustong tumakbo sa mas mataas na puwesto o di kaya ay tumakbo uli para sa dating posisyon hangga’t pasok pa sa alituntunin, subali’t bistado namang walang ginawa o nagawa kundi mangurakot lang. Talagang makakapal ang mukha!

Sa kaso ng mag-amang Binay, nang tanungin daw ang nakakatandang Binay kung ii-endorso niya ang kanyang junior kung tatakbo ito sa pagka-senador, ang sagot niya: “siyempre, dahil anak ko yan”. Ganoon sila kakapal sa garapalang pagpapakita ng mga tunay nilang layunin sa pulitika – ang magkaroon ng dinastiya o dynasty. Kung ang Makati ay literal na tinatakan nila ng letrang “B”, ang buong  Pilipinas pa kaya na sa tingin nila ay malaking oportunidad para sa isang malaking negosyo?

Si Mar Roxas ay ehemplo ng pinakamatinding pakapalan ng mukha dahil sa layuning tumagal sa larangan ng pulitika, kesehodang sa tingin ng mga kritiko niya ay nagmumukha siyang tuta ng kanyang iniidolo. Dahil sa ginagawa ni Roxas, nawalan na siya ng “self-respect”, isang palatandaan ng kahinaan kaya lalong nawawalan siya ng pag-asang manalo. Sino ba naman kasi ang boboto sa isang tao na walang sariling disposisyon at umaasa lang sa iba?…ang pagkakamali niya ay ang sumandal sa isang taong ampaw pala! Kung gusto niyang mabawi ang kanyang “self-respect” dapat ay mag-resign siya bilang Secretary ng DILG ngayon na, at tumigil sa kaaasta na parang loud speaker ni Pnoy sa pagsabi ng “tuwid na daan” at “reporma” na puro kathang isip lamang!

Kahit hindi tumakbo uli sa pagka-presidente, kinakapalan din ni Pnoy ang mukha sa pangungulit ng pakikipag-usap kay Grace Poe na sa tingin ng mga Pilipino ay may malaking potensiyal na maging presidente. Natataranta si Pnoy dahil kung hindi niya makukuha ang isang pangako mula sa isang tingin niya ay magiging presidente, siguradong makakasuhan siya at madadagdag sa listahan ng mga babatikusan dahil sa maling paggamit ng pondo ng bayan. Hindi nakakalimutan ng taong bayan ang sinabi ni Grace Poe bilang konklusyon ng imbestigasyon sa Mamasapano massacre, na dapat ay managot si Pnoy dahil sa kapabayaan. Hindi ito pwedeng bawiin ni Poe dahil siya naman ang malalagay sa kahihiyan.

May mga tumatakbo rin na ang habol lang ay makalikom ng mga “donation” na pera para sa pangangampanya, subalit tinitipid naman upang malaki ang matirang pambulsa. Diyan nagkaroon ng malaking bahay at iba pang ari-arian ang isang kilalang pulitiko na tumakbo sa pagka-presidente pero natalo. Inamin niya sa isang interbyu na galing sa natirang donasyon daw ang kanyang pera upang palabasing hindi siya nangurakot sa kaban ng bayan. Wala siyang choice kundi aminin ang nakakahiyang ginawa kaysa naman madiin sa mga akusasyong may kinalaman sa pangungurakot, subali’t dahil sa kamalasan ay hindi pa rin natanggal ang akusasyon dahil malinaw naman na isa siya sa mga ginamit ni Napoles.

Ang iba naman ay buong kayabangan at katapatang nagsasabi na ang pagpasok nila sa pulitika ay isang “investment” kaya walang problema kung gumastos man sila ng malaki dahil inaasahan naman nila na sa loob lamang ng isang taong pangugurakot ay apat na doble ang maibabalik sa kanila!…at yan ay napatunayan na!

“Whoever has the Gold…Makes the Rule”

“Whoever has the Gold, makes the Rule”
By Apolinario Villalobos

The title was sent as a comment by one of the viewers of my blog about the “Golden Rule”. She told me that it was said by a classmate in college during a discussion that touched on the primary source of oil – the Middle Eastern countries. Gold as we know it, is touted as the “black gold” or “liquid gold”.

Gold can be equated with wealth, hence, whoever is wealthy usually makes the effort to have an upper hand in anything. The wealthy has the tendency to dictate his terms in any transaction, so he makes the rule eventually. And, that is what’s happening today. The sources of this fossil fuel can dictate the prices of the oil thereby indirectly controlling the economy of consumer countries.

On the other hand, in the political situation of a country, with special mention of the Philippines, it is obvious that the wealthy practically controls the government, and with such hold, the majority of the population that comprised the impoverished chunk of the population. This situation has given birth to political dynasty in which political power is passed on among the immediate members of the family and even relatives. Corrupt officials plunder the government coffer to be able to “raise funds” that they can use in buying votes when election time comes.

Today, Filipinos who monitor the cases on plundering have finally came out to boldly ask questions on how some government officials have become filthy rich which is a far cry from their humble beginning.

The wealthy government officials, who are suspected of graft, even have the guts to defy orders for their suspension to give way to an investigation…a clear confirmation of this blog’s title. Worst, they have an unbelievable courage to deny their already obvious “accomplishments”. It is another case that happens only in the Philippines!