“Hindi Nakamamatay ang Trapik”…at, “buhay ka pa naman”

“Hindi Nakamamatay ang Trapik”

…at, “buhay ka pa naman”

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mga nakapaloob sa quotation marks sa titulo ay hindi dialogue sa pelikula, sila ay mga sinambit nina DOTC secretary Abaya, at Presidente Aquino. Nasambit ni Abaya ang nasabing linya nang tanungin siya tungkol sa ginagawa ng DOTC sa isyu ng trapik, at ang linya naman ni Pnoy ay nasabi niya nang pumunta siya sa Tacloban at may nagsumbong sa kanyang isang may-ari ng tindahan na ni-loot daw ng mga tao pagkatapos humagupit ang bagyong Yolanda. Sa mga linyang nabanggit, ano pa ang isasagot ng sinabihan, lalo pa at hindi inaasahang ganoon ang mga sagot na galing sa mga taong inaakala nilang bukod sa matalino, may pinag-aralan, at may mga kapangyarihan sa gobyerno pa?

Pwede naman sanang sabihin ni Abaya na: “pasensiya na po kayo, pero ginagawan na po namin ng paraan kung paanong mabawasan man lang ang problema sa trapik…”.

Pwede rin namang sabihin ni Pnoy na: “hayaan ninyo at ginagawan na ng paraan ng kapulisan ang tungkol sa nangyaring looting…at nakikiramay po ako sa dinanas ninyo dahil sa bagyong Yolanda…”.

Common sense lang naman ang kailangan ng isang tao lalo na kung may katungkulan upang maisip kung paano siyang magsalita nang hindi nakakasakit ng kalooban ng kapwa. Ang ginawa ng dalawang opisyal ng gobyerno, lalo pa at presidente ang isa ay nakikitaan ng kawalan ng simpatiya o pagmalasakit sa mga Pilipino na ga-bundok na ang kahirapang dinadanas dahil sa korapsyon. Sa halip na gumawa ng paraan upang mapahupa ang nagngingitngit na damdamin ng mga Pilipino, ay may kayabangan pa sila kung magsalita na kulang na lang ay sabihin nilang: “pakialam ko sa inyo!…”!

Sa sinabi ni Abaya na hindi nakakamatay ang trapik, ang tanong naman ay wala bang namatay sa alta presyon o atake sa puso dahil sa init at inis? Hindi ba nalalagay sa bingit ng kamatayan ang isang pasyenteng isinakay sa ambulansiyang dadalhin sana sa ospital subalit naipit sa trapik? Hindi ba nakamamatay ang makulong sa kotseng nagliyab dahil sa pag-overheat ng makina, dahil naipit sa trapik? Wala bang namamatay sa sunog na hindi napuntahan agad ng mga trak bumberong naipit sa trapik? Noon sinabi rin ni Abaya na ang hindi makatiis sa mga delay ng MRT ay sumakay na lang ng bus. Ganoon lang? Ganoon na ba kayabang magsalita ang mga taga-administrasyon?

Sa Ingles, may kasabihang, “there are many ways to skin a cat”…ibig sabihin, may mga ginagawa tayo na pwedeng ipakita sa iba’t ibang paraan o mga sasabihing masasambit sa pamamagitan ng iba’t ibang salita – mga paraan at salitang hindi dapat nakakasakit ng damdamin ng ating kapwa…bakit kailangang magyabang pa?!

Sa Ingles pa rin, may kasabihang, “rubbing in the salt to the wound”…ibig sabihin, nasasaktan na nga ang ating kapwa, dinadagdagan pa natin ito ng lalong nakakasakit na salita, o kung sa literal na ibig sabihin, ang sugat ay  mahapdi na nga, nilalagyan pa ng asin!

Ang mga sinabi nina Pnoy at Abaya ay lalong nagpalabo sa kanilang imahe na nalalambungan ng galit ng mga Pilipino. Bakit takot silang umamin ng failure o pagkabigo kung katanggap-tanggap naman ang mga dahilan, huwag lang ituro nang ituro ang maliit na aleng may sakit at halos ay hindi na makakain at makalingon dahil sa brace niya sa leeg?

Umamin!!!!!!

Sa pagbatikos at panunumbat ni Pnoy kay Binay…tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya

Sa pagbatikos at panunumbat ni Pnoy kay Binay
…tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya
Ni Apolinario Villalobos

Sa animo ay panduduro ni Pnoy kay Binay ng isang daliri, tatlong daliri naman niya ang nagtuturo sa kanyang sarili. Hindi ko kinakampihan si Binay, ang tinutukoy ko rito ay ang masamang ugaling basta na lang mambintang sa iba, ganoong ang nambibintang ay mas guilty pa.

Sinabi ni Pnoy na hindi daw nagsasalita si Binay sa mga Cabinet meetings upang ilabas ang kanyang saloobin. Paanong ilabas ni Binay, eh, hindi na nga siya iniimbita sa karamihan ng mga meeting, at hindi man lang siguro naiisip ni Pnoy na kung gagawin yon ni Binay, lalabas itong nakikialam sa ibang Cabinet secretaries. Halimbawang nakialam si Binay sa mga maling ginagawa ng ibang secretary, at siya naman ang gantihan, dahil hindi naman perpekto ang kanyang mga pamamalakad sa mga hawak niyang responsibilidad…ano kaya ang mangyayari?…siguradong magkakaroon ng rambol sa Malakanyang!

At, si Pnoy…kaylan naman nakinig sa ibang tao? Isa lang siguro ang pinapakinggan niya – si Purisima, at kung bakit?…silang dalawa lang ang nakakaalam! Kahit “ganoon” si Binay, hindi naman siguro siya tanga at manhid upang hindi makaramdam na parang napilitan lang si Pnoy sa pagbigay ng dalawang trabaho sa kanya – ang para sa housing at para sa mga OFW.

Si Roxas namang nagta-trying hard, nakisawsaw pa, ganoong alam naman ng lahat na biktima din siya ng pambabastos ni Pnoy. Walang siyang karapatang manumbat kay Binay sa pagsabing binigyan naman daw ito ni Pnoy ng trabaho at hatid-sundo pa kung aalis si Pnoy. Talagang pinapakita ni Roxas ang kakitiran ng isip niya…paanong hindi gawin ni Pnoy ang mga iyon, ay SOP para kay Binay bilang pangalawang pangulo – kasama sa protocol. Yong sinasabi ni Roxas na part naman daw ng administrasyon si Binay kaya hindi niya dapat siraan…aba eh, bilang bahagi ng administrasyon noon, ginawa naman ni Binay ang paglilibot, ah! Namigay pa nga ng mga kapirasong papel na nagsasabing may karapatan ang taong nabigyan sa lupang inuukupa (sana ay totoo), sabay sabing balak niyang maging presidente upang dumami pa ang kanyang matutulungan!…pagpapakitang wise siya!

Hindi man lang naisip ni Roxas na kung binuro ni Pnoy si Binay bilang bise-presidente lang, ay lalong nagkandalitse-litse ang sitwasyon, at lalabas pa na wala itong utang na loob dahil malaki ang naitulong nito sa kanyang nanay noong nangangapa ito bilang presidente, kaya nga out of gratitude ay in-appoint niya itong Mayor ng Makati.

Kung hindi ipinaglaban ni Binay ang pagkaroon ng isang disenteng opisina bilang Bise-presidente, hindi ibinigay sa kanya ang Coconut Palace – malayo sa Malakanyang….kaya obvious na gusto talaga ni Pnoy na mapalayo sa kanya si Binay. Kung tutuusin, pwedeng ibigay bilang opisina ang dating tinirhan ni Cory na malapit sa Malakanyang, pero hindi ginawa. Ang isa pang pambabastos sa umpisa pa lang sa bise-Presidente ay ang pagbigay dito ng napakaliit na budget…na isang insulto, at kung hindi nakipaglaban si Binay ay baka hindi nabigyan ng nararapat na budget.

Ang lahat ng mga iyon ay inipon ni Binay sa kanyang isip, damdamin, at puso…nagtimpi pa rin siya. Ang isa pang testing na ginawa ni Binay ay paghingi ng endorsement sa pangulo…palpak! Sinundan ito ng meeting ng pangulo sa mga cabinet secretaries na dapat ay kasama si Binay, pero hindi pa rin siya sinabihan. At ang masakit, siya pa ang sinisi sa hindi pag-attend, dahil “prerogative” naman daw niya kung ayaw niyang umatend. Ganoon lang? Bakit papipiliin siya kung aatend o hindi, eh dapat siyang magbigay ng report sa pangulo, kaya nga Cabinet meeting?

Kaya, ang ginawa ng pobre, pinaputok ang bulkan na bumuga ng “maitim na usok”, animo ay galing sa kanyang puso, inunahan ang Mt. Bulusan. Nag-submit siya ng irrevocable resignation, at idinaan sa talumpati ang paliwanag na may kasamang warning sa Malakanyanga at mga bumabatikos sa kanya…and the rest is another snippet of political history sa kasaysayan ng kawawang Pilipinas!…batuhan ng sisi at sumbat!…as usual.

By the way, hindi ko pa rin inaabsuwelto si Binay sa mga paratang sa kanya na dapat ay kanyang sagutin. Gagawin ko pa rin itong uri ng blog maski sa ibang tao ginawa ni Pnoy ang ginawa niya kay Binay.

Ang Hindi Pagpatawag ng National Security Council Meeting at iba pang Kapintasan ni Pnoy

Ang Hindi Pagpatawag ng National Security Council Meeting
at iba pang Kapintasan ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Isa sa mga dapat ipaliwanag ni Pnoy ay ang hindi nito pagpatawag ng National Security Council Meeting sa kabila ng banta ng mga ginagawa ng Tsina sa West Philippine Sea na sumaklaw na sa teritoryo ng Pilipinas. At, hindi lang pagsaklaw ang ginawa ng mga Tsino, kundi ang pagtaboy pa sa mga Pilipinong mangingisda mula sa dati na nilang pinangingisdaan na saklaw naman ng teritoryo ng Pilipinas. Ang ginawa na lang mga apektadong mga mangingisda ay dumiretso sa United Nations upang magsampa ng reklamo, na dapat ay sampal kay Pnoy. Subalit ang aksiyon nila ay wala pa ring epekto sa kanya, kaya lumalabas na talagang wala itong pakialam sa kapakanan ng mga Pilipino at buong bansa. Ang tanong: ano ang problema niya?

Hindi lang iisang tao ang nag-udyok sa kanya upang magpatawag ng miting ng National Security Council…marami, at kasama na diyan ang dating presidente, Fidel Ramos. Subalit wala siyang pakialam sa mga panawagan, at ni walang paliwanag man lang kung bakit ayaw niya. Dahil ba natatakot siya na ang ano mang “payo” ay lalabas na “utos” ng mga miyembro ng konseho…bagay na ayaw niyang mangyari dahil ayaw niyang “mautusan”??? Subali’t ngayong pati ibang bansa na ang pumupuna sa ginagawa ng Tsina, nagpapa-istaring na siya sa pagsalita at kinumpara pa ang Tsina sa East Germany noong panahon ni Hitler, na napakalayong paghahambing kaya pinagtawanan siya ng mga ito! Sa kata-try hard niya na magtunog man lang na “matapang”….pumalpak na, napahiya pa siya!

Inatake ng MNLF ang Zamboanga, pero manhid pa rin siya. Hindi pa rin pinulong ang National Security Council ganoong may banta na sa seguridad na pangloob ng bansa dahil gusto ng MNLF na itiwalag ang Mindanao sa Pilipinas, na umabot pa sa tangkang pagwagayway ng kanilang bandila. Ni hindi man lang niya hiningan ng payo ang nasabing konseho nang gawin ang ikalawang draft ng BBL, dahil ang una ay ni-reject ng Supreme Court. Ilang kalamidad na ang inabot ng Pilipinas – bagyo, baha, lindol, pero ganoon pa rin ang asta niya na animo ay normal lang ang mga nangyari…hindi pa rin binigyang halaga ang konseho na sana ay kaagapay ng National Disaster Coordinating Council.

Nakitaan na ng tunay na kulay at pagkatao si Pinoy mula pa noong mga unang araw ng kanyang panunungkulan subalit pinagbigyan siya dahil anak siya nina Cory at Noynoy. Napuna ang hindi niya pagiging bukas sa mga saloobin ng ibang tao…hindi siya nakikinig. Napuna din ang kawalan niya ng damdaming makatao, nang hindi niya sinilip mang lang ang mga bangkay ng SAF 44 nang unang araw na dumating ang mga ito mula sa Mamasapano, Maguindanao, na dapat ay SOP sa kanya bilang pinuno ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at Presidente. Ipinagpalit niya ang mahalagang pagkakataon sa isang simpleng inagurasyon ng pagawaan ng sasakyan sa Laguna na pwede namang daluhan ng uutusan niyang kinatawan.

Nang pumaimbulog ang mga presyo ng mga pagkain lalo na bigas na hangga ngayon ay hindi na bumalik sa mga dating presyo, nagkibit-balikat lamang siya, at itinuro ang Department of Agriculture at Department of Trade. Nang nagkasabugan ng problema sa mga international airports ng Manila, pati na sa MRT, hindi siya naringgan man lang ng pag-alala. Nang sumabog ang mga eskandalo ng pork barrel at PDAF, dedma pa rin siya. Nang pumagitna na naman sa kontrobersiya ang National Bilibid Prison at Bureau of Customs, pikit-mata pa rin siya. Nang nagbatuhan ng sisi dahil sa hanggang ngayon ay masikip na pier dahil sa nakatambak na mga container kaya naapektuhan ang pag-release ng mga kargamento, ganoon pa rin ang pinakita niya – walang pakialam…walang imik.

Dahil sa mga nabanggit, marami tuloy ang nagtatanong kung may presidente ba ang Pilipinas!

Pero may kagalingan din si Pnoy…ang magbato ng sisi sa iba upang mapagtakpan ang mga sarili niyang kapalpakan. Kaya kawawa ang isang maliit na ay lalo pang pumayat na babaeng dating presidente na hindi na nga makalingon at makalunok ng pagkain ay maya’t maya pang sinisisi sa lahat ng kabantutang naamoy ngayon sa administrasyon. Magaling din siyang manumbat, tulad ng ginawa niya nitong nagdaang araw nang magresayn si Binay. Sa ginawa niyang panunumbat kay Binay, naging bulag siya sa mga ginawa rin niyang pagkakamali…dahil ang gusto yata niyang mangyari ay lumabas na hindi siya nagkakamali maski kapiraso, na masigabo namang pinalakpakan ng mga nasa Malakanyang, lalo na ng “maamong” si Roxas!

Sa pagbaba niya sa puwesto, bitbit ni Pnoy ang mga tatak na: “presidenteng masyadong bilib sa sarili“ at “ang taong hindi tumitingin sa salamin”. Sikat siya dahil maitatala din ito sa kasaysayan ng Pilipinas, kaya mababasa ng mga kaapu-apu-apohan ng mga Pilipino ngayon. At, kung direktor lang ako ng pelikula, gagawin ko ang siguradong award- winning na: “Pilipinas: Anim na Taong Walang Presidente”…siyempre, ang idol kong si Nora Aunor ang babaeng maliit na inaapi! …at ang istaring naman, maraming makukuha diyang pakalat-kalat lang sa paligid…

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016
Ni Apolinario Villalobos

Binay…..kailangan niyang manalo upang hindi tuluyang makulong dahil sa patung-patong niyang kaso. Ang hindi lang malaman ng mga tao ay kung ang ambisyon bang maging presidente ang nagtulak sa kanya upang “mag-ipon” ng panggastos mula pa noong Mayor siya ng Makati, kaya nangyari ang sinasabing pangungumisyon niya ng malaki sa mga proyekto sa Makati na ang ginawang dahilan na alam ng mga tao doon ay pagmamahal daw niya sa mga ito. Lumalabas kasi, gumawa siya ng long-ranged plan na nakakabilib!

Pnoy….kailangan niyang makahanap ng isang matapang at may paninindigang kandidato na mai-endorso upang kung sakaling manalo bilang presidente, ay ligtas siya sa mga balak ihaing kaso laban sa kanya. Hindi pwede si Roxas dahil walang mga ganoong katangian, kaya maski manalo ay siguradong matatalo lang ng mga kalaban niya (Pnoy) na may balak magpakulong sa kanya.

Roxas….kailangan niyang ma-endorso ng pangulo dahil maski simbahang Katoliko ay wala na ring tiwala sa kanya; ang huling hirit niya ay ang lumapit sa El Shaddai, Quiboloy Group na naka-base sa Davao, at ang Iglesia ni Kristo – kung papansinin siya dahil noon pa man ay hindi naman talaga siya nakitaan ng kahit kapirasong gilas. Ang pinapakita kasi niya hanggang ngayon ay ang pagiging “bow man” ng presidente – bow na lang ng bow!

Allan Peter Cayetano….noon pa man ay maingay na sa pagsabi na lahat naman daw ay may ambisyong umupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno – kasama na siya doon; kailangan niyang manalo bilang presidente upang lalong malampaso ang mga Binay sa Makati na kapitlunsod ng Pasig.

Trillanes….kailangan niyang maging presidente upang maipakulong ang pinanggigigilang si Jejomar Binay; kung hindi pwede, maski bise-presidente na lang upang patunayang may anghang talaga siya bilang pulitiko…kailangan niyang patunayan na bilang dating taga-military ay matapang siya, kaya nga siya nasangkot sa mga coup d’etat noon.

Ang ibang mga taong binabanggit na maaaring tumakbo ay hindi naman ganoon ka-desperado, tulad ni Grace Poe na hanggang ngayon ay walang pakialam kahit mataas ang rating sa survey. Si Duterte naman ay neutral ang image kaya maski sinong manalo ay pwedeng kumuha sa kanya bilang isang kalihim ng gabinete na aangkop sa kanyang katapangan, at kung hindi naman niya kakagatin ay makakabalik siya sa pinakamamahal niyang Davao City, nagmamahal din sa kanya!

The Superficial “Economic Boom” of the Philippines

The Superficial “Economic Boom”
Of the Philippines
by Apolinario Villalobos

One need not have to be a statistician or an expert analyst to come up with an honest view of the real state of the Philippines and the Filipinos. All that one has to do is go beyond the affluent peripheries of the cities where vast areas of slum can be found. In those crannies of the cities, one can find the different faces of poverty. Not all of those who live there are indolent. Most of them survive on hope and perseverance. It is not fair, therefore, to say that they are just idly waiting for the dole outs from the government. The president is overwhelmed by the big remittances from Filipinos laboring in foreign lands. But for the knowledgeable Filipinos, such revenue is unreliable, as it depends on the economic stability of host countries, hence, should not be viewed as a sign of development.

Surveys say that the country has gone up by leaps and bounds as far as employment and food sufficiency are concerned. Those paid guys who made the surveys must be out of their mind! They interview the wrong people and they seemed to be blind on the high prices etched on cardboards that mark bins of different varieties of commercial rice, that have not returned to their previous prices during the early part of 2014. Even local vegetables are ridiculously marked with high prices. The skyrocketing of the price of fish is crazily attributed to the cold weather! A promise was made by the government to ensure the return of the jacked up prices soonest as the price of fuel has gone down, but despite their slide, nothing has materialized out of the promise made. On the other hand, thousands of sacks of imported rice are on their way…is this food sufficiency?

Commercial and residential infrastructures continuously pockmark the landscape of highly developed towns and cities, but conglomerates that own them are dominated by foreign names, if ever Filipino names are found in incorporation papers, they are consistently the same. The country’s development is haplessly geared for the enrichment of foreign investors and few Filipinos, albeit, with foreign ancestry. It is good for the country, but not for the Filipinos whose taste of these developments are in the form of meager wages as housemaids, chambermaids, clerks, drivers, busboys, room boys, dishwashers, call center agents, and other lowly jobs, though decent. Filipinos have become servants in their own land! The government clearly failed to come up with opportunities that would make the Filipinos decently self-sufficient. Even agriculture is hopelessly neglected!

The number of scavengers that forage in the dumps for recyclable trash to be sold to junkshops, and even for bits of food did not dwindle a bit. Families relocated to the sites without basic facilities such as water, roads, and electricity are trekking back to the esteros where they were pulled out or find nocturnal comfort on sidewalks. Questions on where the budgets for habitable relocation sites went, are never answered. This government indifference is shown even by its inaction to anomalies regarding the unexplained plight of donations for victims of calamities, such as typhoon Yolanda.

Reliable mass transit system is one of the gauges for a country’s development, and which the Philippines is pitifully lacking. The aging Metro Rail Transit (MRT) and Light Rail Transit (LRT) systems are in a sorry and shameful state due to mismanagement, but which some sector claim as corruption. Every time the president speaks, promises are mumbled, to the point that Filipinos got tired of his verbal rattling. His spokesperson even shamelessly told Manilans not to rely so much on the train systems for there are options available such as buses and jeepneys. What happened then, to the ease and comfort promised by the government when the two elevated train systems were built?

With the onset of Pnoy’s departure from Malacaῆan Palace in 2016, he confidently presumes that he has delivered what have been expected of him as the president of this distraught country that wallows in poverty, unemployment and corruption. He must be dreaming!

Nasaan si Purisima?

Nasaan si Purisima?
Ni Apolinario Villalobos

Kung hindi siya guilty, dapat lumabas si Purisima upang magpaliwanag o pabulaanan ang mga ibinabato sa kanya na siyang pasimuno sa pumalpak na operasyon ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao. Mismong si Pnoy ang nagsabing matagal nang hawak ni Purisima ang mga detalya ng operasyon. At isang heneral din ang nagsabi na si Purisima nga ang nasa likod ng operation at nagri-report siya kay Ochoa o direkta kay Pnoy.

Hanggang kaylan bibigyan ng problema ni Purisima at Pnoy ang bansa? Bakit ayaw siyang bitawan ni Pnoy? Bakit hindi na lang siya magkusa sa pag-resign na hinihingi ng mga Pilipino? Nagbabasa naman siguro si Purisima ng mga diyaryo at nanonood ng TV kaya dapat ay alam niya ang sentimyento ng mga Pilipino.

Ilan pang kahalintulad na massacre sa Mamasapano ang hihintayin ni Pnoy bago siya makinig sa mga hinaing ng mga Pilipino?

Habang Buhay na Bangungot ni Pnoy

Habang na Bangungot Ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Hindi kayang palambutin ang puso ng mga Pilipino ng animo ay pagpapaawa ni Pnoy sa paulit-ulit na pagbanggit niya ng kamatayan ng kanyang tatay, na sa kanyang tingin ay bayani. Pinalampas niya ang pagkakataong maski papaano ay makaamot ng kaunting pang-unawa mula sa mga Pilipino kung sinalubong niya ang pagdating ng mga bangkay ng apatnapu’t-apat na mga pulis na pinatay… minasaker sa Mamasapano, Maguindanao. Sa halip ay minabuti pa niyang magsalita sa pasinaya ng isang pagawaan ng mga sasakyan, na maaari naman niyang italaga sa Bise-Presidente o sa kalihim ng ahensiyang may kinalaman sa negosyong ito. At, siguradong mauunawaan naman ng nag-imbita sa kanya.

Pero, nakitaan niya ang okasyon ng pasinaya ng isa na namang pagkakataon upang mabuhat ang bangko ng kanyang pamilya. Sa kanyang talumpati, sinabi niya na kahit sa panahon ng Martial Law ay umasenso pa rin ang pagawaan. May parunggit na naman siya sa namayapang si Ferdinand Marcos. Alam din ng lahat, na banggitin lang ang Martial Law ay maaalala rin ang pagkamatay ng tatay niya na si Noynoy… alaalang namantsahan ng mga kapalpakan niya bilang presidente ngayon. Pati ang alaala ng kanyang nanay na naging presidente ay wala na ring epek sa mga Pilipino dahil wala rin naman itong nagawa upang makaahon ang mga Pilipino sa epekto ng Martial Law.

Nang magsalita si Pnoy sa necrological service ng minasaker na apatnapu’t-apat na pulis ay binanggit na naman niya ang kamatayan ng kanyang tatay, na masakit na sa tenga ang dating. Kaylan kaya siya titigil sa pagbanggit ng kamatayan ng kanyang tatay, na dapat pala ay hindi dinaluhan ng mga hindi kilala ng kanilang pamilya dahil ito naman pala ang kanyang panuntunan?…na ang lamay ng isang namayapa ay hindi dapat daluhan ng hindi kilala nito.

Ang alaala ng mga problema sa kanyang pamamalakad ng gobyerno na lalong idiniin ng kamatayan ng mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao ay magsisilbing bangungot na nakadikit sa kanyang diwa, na parang aninong hindi humihiwalay sa katawan. Bangungot din niya ang nakapanhihinayang na mga pagkakataon na kanyang pinalampas dahil pinairal niya ang kanyang pagkamakasarili. Bangungot din ang mga mukha ng kanyang mga kaibigan na dahilan ng kanyang pagbagsak na may matunog na lagapak.

Kung hindi siya naging presidente, maaaring napanatili ang paniwala ng mga Pilipino na “bayani” ang kanyang tatay at “nagsakripisyo” ang kanyang nanay upang maging tulay tungo sa pagbabago mula sa panahon ng Martial Law. Lahat nang mga iyan ay kanyang nilusaw sa loob ng panahon ng kanyang pagiging presidente na malapit nang magtapos, na ang dulot sa mga Pilipino ay dusa lamang.

Maitatala sa iba’t ibang aklat ng kasaysayan ng Pilipinas na bukod tangi siyang presidente na maraming pinagtakpang anomalya…sa ngalan ng pagkakaibigan. Maitatala rin ang record breaker na nakawan sa kaban ng bayan, pati ang nakakahiyang pagnakaw ng mga donasyon na nakalaan para sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng bagyong Yolanda. Maitatala pa rin ang kawalang aksiyon sa mga anomalya dahil maski isang pagsuspinde ng mga sangkot ay walang nangyari. At higit sa lahat, ang sinasabi niyang asenso ngunit nasa papel lamang.

Magsisi man siya at maghinagpis, ay huli na….bangungot na lang ang asahan niya – habang buhay. At tuwing gigising siya sa umaga, malamang na ang unang mamumutawi sa kanyang mga labi ay mga salitang “sana” at “sayang”… kung mayroon pa siyang maski kapirasong konsiyensiya.

Dapat Nang Magpakitang Gilas si Pnoy ngayong taon…

Dapat Nang Magpakitang Gilas

Si Pnoy ngayong taon…

Ni Apolinario Villalobos

Marami na sanang pagkakataong dumating para makabawi si Pnoy at makapag-pakitang gilas sa mga Pilipino subalit parang pinalalampas lamang niya ang mga ito. At ang matindi, hindi pa man siya nakakapagpakitang gilas ay umarangkada na naman ang isa niyang “pinagkakatiwalaan” na si Abaya na Secretary ng DOTC na umapruba sa pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT.

Ngayong lumabas na ang resulta ng NBI tungkol sa pagkakartel ng bawang halos dalawang taon na ang nakaraan, dapat ipakita naman niya na seryoso siya sa paglinis ng kanyang administrasyon. Ang problema nga lang ay sangkot na naman ang kanyang matalik na kaibigang itinalaga niya bilang Kalihim ng Department of Agriculture na si Alcantara. Ayon sa report ng NBI, malinaw ang koneksyon at partisipasyon niya sa nakakahiyang pagsirit ng presyo ng bawang, kaya ang impresyon ng mga ibang bansa sa Pilipinas ay bayan na walang pinapatawad pagdating sa korapsyon!

Ang tungkol sa isyu ng mga pamasahe sa MRT at LRT naman dapat ay makisawsaw na rin siya upang ipabatid sa taong bayan na inaalala rin niya ang kapakanan ng mga ito. Iwasan na ang mga teknikal na batayan nila sa pagpataas ng pamasahe. Ang malinaw ay nagkakandabulol na naman si Abaya si pagpapaliwanag kung bakit itataas pa ang pamasahe ganoong mayroon namang naaprubahang badyet para sa mga ito. Nalito pa siya sa pag-unawa kung ano ang ibig sabihin ng “subsidy”, na akala niya ay tulong sa mga mahihirap na mananakay, ganoong ito ay garantiyang kita ng ahensiyang nagpapatakbo ng MRT at LRT.

Sa bilis ng panahon, magugulat na lang si Pnoy isang umaga paggising niya na araw na pala ng botohan. Papalitan na siya, at ang iiwanan niyang impresyon kung hindi siya makakabawi, ay lalong magpapalubog ng pangalang dala niya sa kasaysayan ng PIlipinas.

Ang “Squid Tactic”

Ang “Squid Tactic”

…bebenta kaya?

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang “squid” tactic ay isang sistema na ang layunin ay malambungan ang mga kasiraan at kahinaan ng isang gobyerno. Panglambong din ito sa mga isyu na nagbibigay ng problema sa nakaupong administrasyon. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng mga kasiya-siyang proyekto upang malibang ang mga tao o di kaya ay magpakalat ng nakakabahalang mga isyu tungkol sa seguridad upang mabaling dito ang atensiyon ng mga tao.

 

Noong panahon ni Marcos, upang ma-divert ang attention sa mga naiipong tanong tungkol sa mga gastos ay nagkaroon ng iba’t ibang international events sa bansa, tulad ng Miss Universe pageants at international film festivals. Nang lumala ang pagkadiskuntento ng mga tao na idinaan sa sunud-sunod na mga protesta, maraming mga isyung naglabasan tungkol sa seguridad ng bansa, lalo na ang mga tungkol sa komunismo, na ang pinakamatindi ay ang pagpasabog sa Plaza Miranda na naging dahilan sa pag-impose ng Martial Law.

 

Ngayon kaliwa’t kanan ang mga isyung nagpapalubog sa kasalukuyang administrasyon. Ang pinakamatindi dito ay ang pagkurakot sa kaban ng bayan. Sinundan ng mga pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin. Lalong nagpataranta sa gobyerno ang panawagan ng taong bayan na bumitiw sa tungkulin ang maski mga pinagdududahang mga opisyal tulad ni Abad, Alcala at marami pang iba, na hanggang ngayon ay kapit-tuko sa kani-kanilang pwesto dahil “they serve at the pleasure of the president” daw.

 

Biglang lumutang ang isyu sa seguridad. Lulusubin daw ng mga terorista ang Davao City, at iba pang malalaking karatig na lunsod tulad ng Cagayan de Oro, General Santos City, Koronadal City, at Zamboanga City. Ang nagbabalak daw nito ay isang grupong pinamumunuan ng isang lider ng Abu Sayyaf na bihasa sa paggawa ng bomba. Ang dahilan daw ay tutol sila sa namuong peace agreemenent sa pagitan ng gobyerno at MILF na nagbigay hudyat sa balak na pagkakaroon ng “sariling pamahalaan” ng pinagkaisang mga piling bayan at lunsod sa Mindanao. Baka daw umabot sa Maynila ang terroristic activities.

 

Mismong ang presidente pa ang tumawag daw sa mayor ng Davao City. Bakit siya at hindi ang intelligence unit ng Armed Forces at bakit binrodkast agad sa mga media? Bakit noong bago lusubin ng MNLF faction ni Misuari ang Zamboanga, hindi niya tinawagan ang mayor ng Zamboanga? Ano ang gustong palabasin ng administrasyon ngayon?

 

Dati nang gumagala ang mga terorista sa Mindanao at sa Maynila, media din ang nagsabi nyan. At, ang mga pangingidnap nila ay walang patid, subalit walang magawa ang gobyerno, kaya hindi na ito issue. Nakikita daw ang mga terorista, may sightings – bakit hindi nila hulihin? Bakit kailangang magpalabas pa ng press release? Upang malaman ba ng taong bayan na kumikilos ang Armed Forces at kapulisan, eh, obligasyon naman nila talaga ito?

 

May nahuli na isang financier daw ng Abu Sayyaf – fine, dapat lang naman dahil trabaho nila. Nagawa nila ito dahil, tahimik lamang ang ahensiyang nagsagawa. Nalaman nga lang nang mahuli na. Ngayon, sa issue ng terorismo daw na banta sa Davao, bakit kailangang “mag-ingay” to the point na parang nagpa-panic, dahil presidente na mismo ang tumawag sa mayor ng Davao?

 

Ang mga bagay na may kinalaman sa seguridad ng isang bansa ay hindi inaanunsiyo para hindi mag-panic ang taong bayan. At lalong, upang hindi malaman ng mga kalaban ang mga hakbang na gagawin ng gobyerno. Bakit hindi ituloy ng mga intelligence units ng gobyerno ang tahimik nilang mga pagkilos upang makahuli uli sa paraang, malaman man ng bayan sa bandang huli ay nagawa na nila? Isang malaking pagka-iresponsable sa panig ng gobyerno ang manguna na pagpakalat ng pangamba sa sambayanan…. maliban lamang kung may dahilan.

 

May gusto yata silang lambungan o takpan o i-cover, etc….magtagumpay naman kaya ang layunin nila upang ma-divert ang attention ng taong bayan mula sa isyu ng korapsyon at mga nakakagutom na pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin na nagsisilbing mga blackeye ng gobyerno?

 

Ang nakakatawa, pinakalat pa sa mga radio stations ang balitang “hindi pa raw nakakakapasok sa Davao City ang mga terrorists at malayo pa sila sa Maynila”, binanggit pa ang pangalan ng lider ng mga terorista! Nasusubaybayan pala ng mga “matatalinong” taong gobyernong ito ang kilos ng mga terorista, kaya alam kong saan sila, eh, bakit hindi nila hulihin, para matapos na ang laban? … ungas lang ang maniniwala diyan! Ang nakakabahala ay baka maglabas ng mga fall guys… na naman! Remember…malapit na ang State of the Nation Address (SONA). Dapat may magandang masabi, di ba? Abangan….na lang.

 

Kung ganito ng ganito ang mangyayari, talagang lalabas na inutil ang gobyerno dahil mismong Armed Forces ay ampaw ang kakayahan sa paglutas ng mga kahalintulad na mga problema, na sinabayan pa ng isyung paglustay ng pera ng taong bayan para sa “pagpaganda” ng tirahan ng namumuno ng Philippine National Police. Ano pa ang aasahan ng taong bayan?

 

 

GAmitan ng Pera ang Paglutas ng Mga Problema

Gamitan ng Pera ang Paglutas ng Mga Problema

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung nagbibigay ng pabuya sa mga makakapagturo sa mga “wanted” na kriminal, bakit hindi gawin ito upang maituro kung sino ang nagho-hoard ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, bawang, sibuyas, asukal at iba pa. Siguradong maraming mahuhuli dahil ang mga bodega ay hindi naman makakatakbo. Baka ang magturo ay mga trabahador pa ng mga hoarder.

 

Gawin nang pera sa pera ang paglutas sa problema. Gawin din ito sa mga smugglers at siguradong ang magtuturo ay mga porters na nagtatrabaho sa pantalan. Hindi kasi maaaring walang lumulutang na mga kwento tungkol sa mga bagay na ito. Ang mga nagtatrabaho sa opisina pangakuan ng promotion kung makakapagreport ng katiwalian sa kanilang opisina…siguradong maraming ulo ng mga namumuno sa mga ahensiya ang gugulong!

 

Huwag tipirin ang pabuyang ibibigay dahil hindi hamak na pinsala ang binibigay ng mga ismagling at hoarding, hindi lamang sa ekonomiya ng bansa kundi pati sa buhay ng mga taong hilahod na sa hirap. At mga gawaing ito ay mas masahol pa sa pagpatay ng isang tao, dahil buong bansa ang sinasaklaw.

 

Ang isang milyong pisong pabuya sa bawa’t imagler o hoarder na maituro ay barya lamang kung kung ihambing sa mga kinita ng mga gahamang taong ito at pinsalang idinulot nila sa pamayanang Pilipino. Ang problema lang, baka yong mga taong dapat magpatupad nito ay siya ring sangkot…