Ang Pilipino

Ang Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang bawa’t Pilipino ay may mga obligasyon tulad ng mga sumusunod:

 

  • Pagsuporta sa military at kapulisan sa pagsugpo ng kriminalidad upang magkaroon ng kapayapaan sa paligid.

 

  • Pagtulong sa LGU tulad ng simpleng paglinis ng kalsadang natapatan ng bahay, o hindi pagtapon ng basura kahit saan lang lalo na sa gilid ng highway, na upang hindi mahalata ay inilagay pa sa shopping bag.

 

  • Pagbigay ng suggestion sa LGU kung ano ang dapat gawin sa mga problema sa halip na makipagtsismisan agad sa mga umpukan kapag may nangyari. Nakakatulong sa effort na ito ang mga homeowners associations at purok organizations.

 

  • Pagbayad ng tamang buwis.

 

  • Pagprotekta sa imahe ng bansa at pagsulong ng respeto sa bandila.

 

  • Pagpapakita ng magandang ugali, anumang uri ng relihiyon ang kinabibilangan.

 

  • Paggamit ng wikang pambansa sa tamang paraan lalo na sa pagbigkas ng mga salita.

 

  • Pagpapairal ng kaugaliang Pilipino tulad ng paggalang sa matatanda at pagmamahal sa mga anak.

 

  • Pagpapairal ng ugaling makabayan dahil nag-iisa lang ang ating bansang sinilangan.

 

  • Hindi pagnakaw sa kaban ng bayan at paglinlang sa kapwa tulad ng ginagawa ng mga korap sa gobyerno at illegal recruiters, respectively.

 

  • Hindi pagbenta ng droga at pag-rape sa mga inosenteng bata.

 

Ang pagiging Pilipino ay nagsisimula sa tahanan kung saan unang nililinang ang ugali ng kabataan at pinagpapatuloy ng mga guro sa mga paaralan kung saan naman sila natuturuan ng mga dagdag-kaalaman na kailangan nila sa pagharap sa mga pagsubok habang sila ay naghahanda para sa kanilang hinaharap. Ang pagiging mabuting Pilipino ay dapat ding ipaalala ng mga simbahan na kinaaaniban ng mga mamamayan.

Maawain, Maunawain, Mahiyain, at Mapagmalasakit ang Wikang Pilipino

Maawain, Maunawain, Mahiyain, at Mapagmalasakit

ang Wikang Filipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang wikang Filipino ay mayroong mga katagang “medyo” (it seems), “hindi gaano” (not much of…), at “siguro” (sort of, maybe). Ang mga katagang yan ang nagpapalambot ng kahulugan ng nga pantukoy na kataga, tulad ng “pangit”, “mapait”, “mabaho”, “masama”, atbp. Hindi maunawaan kung bakit nahihiya ang Pilipino sa diretsahang pagbigkas ng mga pantukoy na kahit masamang pakinggan ay totoo naman.

 

Kawalan ng katapatan para sa isang tao ang hindi pagsasabi ng totoo na dapat sana ay nakakatulong sa pinagsasabihan upang matutong tumanggap ng katotohanan kung napatunayan naman, at upang magbago siya kung kailangan. Sa isyu ng kagandahan o kapangitan batay sa mapagkunwaring batayan, alam naman ng lahat kung ano ang “kagandahan ng kalooban” at “panlabas na kagandahan”. Upang hindi lumabas na nagsisinungaling, huwag na lang magbanggit ng katagang “ganda” o “gwapo” kung may mga nakikinig na mga taong hindi naman talaga guwapo o maganda…huwag rin magbanggit ng katagang “pangit”, kung dudugtungan din lang ng “medyo”, at pampalubag ng kalooban na “nasa kalooban ang kagandahan ng tao”.

 

Kung talagang korap ang isang pulitiko, diretsahan nang sabihin ito. Huwang nang magpaikot-ikot pa dahil lamang nakikinabang din pala ang nagsasalita pagdating ng panahong nagkakabentahan ng boto. (Pareho lang pala sila!) Kung talagang maganda ang isang babae, sabihin din ito ng buong katapatan upang hindi mapagsabihang naiinggit lang ang nagsasalita kaya nag-aalangan siya sa pagpuri.

 

Maraming taga- media ang mahilig din sa paggamit ng “medyo” kung sila ay bumabatikos ng ibang tao, lalo na mga pulitiko. Ang nakalimutan nila ay walang “medyo” sa kasong libel, kaya gumamit man sila o hindi nito sa hindi nila mapatunayang bintang, kakasuhan pa rin sila, kaya, lubus-lubusin na nila kung matapang sila. Ang mga harap-harapan namang pinupuri na matalino, subalit mahiyain, ay namumula pang sasagot ng: “medyo lang po”. Kung sabihan namang pagbutihin pa ang ipinapakitang galing, sumasama naman ang loob dahil mahirap daw i-satisfy ang naghuhusga.

 

Kahit walang patumangga ang kurakutan sa gobyerno na nagresulta sa kahirapan ay lumalabas pa rin ang  “ medyo” tuwing may iniinterbyu. Tulad nang interbyuhin sa radyo ang isang nanay na tinanong kung nahihirapan sila sa buhay. Sinagot niya ito ng matamis na “medyo”. Ayaw niya sigurong marinig sya ng mga kapitbahay nila at malaman na talagang naghihirap ang kanyang pamilya, dahil hindi naman ito ang pinapakita niya kahit tadtad na sila ng utang. Dahil “siguro” dito, ang mga wala namang budhing pulitiko at opisyal ng gobyerno ay talagang nilubos na ang pagnanakaw…with true feelings pa…talagang wagas sa kalooban! Samantala, ang mga kinukunan naman ng retrato na mga taga- iskwater, ay pabebe pang nagpo-pose!

The Filipino Language and its Conversational and Scholarly Characteristics

The Filipino Language and its Conversational

and Scholarly Characteristics

By Apolinario Villalobos

 

The Filipino as a language is injected with many influences from the different traders who frequented the archipelago during the pre-colonial days. The Spanish and American colonizers who stayed for a long time, practically, impregnated the Filipino culture with their own, that made the latter richer, especially, the language. The result is what today, are being spoken and used in writing by the Filipinos – the language that underwent several stages of transformations.

 

The unique Filipino language is originally what the Tagalogs of southern Luzon exclusively spoke as their dialect. Aside from Tagalog, other major dialects in the country are Hiligaynon and Karay-a in the provinces of Panay island, the Cebuano in the island of Cebu and other islands of the region as far down south in Davao, Bikol in the Bicol Peninsula,  Ilocano and Pangasinense in the north. The Moroland in Mindanao has its Maguindanaoan, Iranon, Tausug, and Maranao.

 

To unite the Filipinos, Manuel L. Quezon declared Tagalog as the “common” language, but to give it a bonding character and to remove the exclusive reference to the Tagalogs, it was called “Pilipino”, and still later, “Filipino” which is what it is called until today.

 

There are Filipino words that are better written than spoken, and vice versa. As a scholarly language, there are also words that are better read in “tula” (poetry), and heard in songs, as well as, part of a formal dissertation. Still, there are words that have better use in speeches, as well as, in swearing. That is what confronts the current generation of Filipinos. Most find difficulty in comprehending some Filipino words that is why, the sympathizing writer has to enclose the English equivalent in parenthesis right after them. Some words that are immoral are translated into English before they can be spoken, too.

 

The Filipino language further evolved into what is called “Taglish” (Tagalog/English) and is proved to have manifold benefits. The natives of the Cordillera Region who are more exposed to the English language of the missionaries use it, as well as those of the Visayas , who sound awkward when speaking in straight Tagalog, due to their regional accent.

 

The fast metamorphosis of the Filipino as a language is a manifestation of its steady growth. An outgrowth that many Filipinos did not notice, however, is the “gay lingo” that has become acceptable among the youth. Even the international Aldub TV series employ the “gay lingo” to the delight of its followers. One word worth mentioning is “bey” which is the corrupted form of “baby” and which means “dear”, “love”, “friend”, “sweetheart”, or just anything that connotes closeness. The “pambansang bey” is dearly tagged to Alden Richard, and it means “national love, heartthrob, heart, sweetheart, etc.”

 

Bloggers are doing their best in spreading the appreciation for the highly- alive Filipino language by using regional words or gay words, at times. The blogs that come in different forms such as free-versed “tula” and free-style essays are in the forms which are not found in any corrupted textbooks used in school. The viewers are then, incited to freely ask for verifications as to what they stand for or what they mean.

Ang Mga Dahilan kung bakit Hindi Puwedeng “Puro” ang Ginagamit sa Pagsalita at Pagsulat sa Wikang Pilipino

Ang Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Puwedeng “Puro”

ang Ginagamit sa Pagsalita at Pagsulat sa Wikang Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

Sa titulo pa lang ng blog ay kita nang hindi purong Pilipino ang ginamit ko. Kung gagawin kong

“purong Pilipino” ang titulo, ito ang kalalabasan: “Ang mga Dahilan kung Bakit Hindi Maaaring Lantay na Pilipino ang Ginagamit sa Pagsalita at Pagsulat….”. Siguradong marami ang magri-react sa “lantay” na ibig sabihin sa Ingles ay “pure”. Hindi maaaring gamitin ang “tunay”, dahil ang ginamit ko ay tunay namang Pilipino ngunit, makabago nga lang kaya tanggap ng lahat.

Masakit sa tenga at mata ang ibang katagang Pilipino na halaw o batay sa wikang Tagalog, at may pagka-imoral pa. Halimbawa na lang ay ang salitang “upuan” na kung misan ay tinatawag na “silya”, pero sa tunay na Tagalog ay “salumpuwet” o “salo ng puwet”. Ang “brief” ng lalaki ay hindi puwedeng “karsonsilyo” na may pagka-Kastila o di kaya ay “karsones”, at lalong hindi maaaring “shorts” o “puruntong” na pinasikat ni Dolphy. Kung gagamitin ang “salumpuwet” bilang batayan sa pagsalin ng mga katawagan sa iba pang kasuutan ng tao, ang “brief” ng lalaki ay magiging “salumbayag” o “salungtiti”, ang “bra” ay magiging “salungsuso” at ang “panty” ay “salungpuke”, ang “guwantes” ay dapat “salongpalad” o “salongdaliri” o “salongkamay”, ang medyas ay dapat “salongtalampakan”, at ang sombrero, maliban sa katumbas na “sambalilo” ay dapat “saklob-ulo”. Kahit papaano ay umiiral pa rin ang moralidad ng mga Pilipino dahil ang “condom” ay binigyan na lang ng simpleng katumbas na “supot”, pero para sa mga pilosopo ay siguradong may tanong pa na: “supot ng ano?.”

Hindi rin maaaring maging puro sa paggamit ng wikang Pilipino ang karamihan sa mga makabagong manunulat, para sa kapakanan ng mga taga-ibang rehiyon ng Pilipinas na hindi nagta-Tagalog. Ang mga taga-Norte, halimbawa, lalo na yong sa Cordillera region na nasanay sa Ingles at hindi sa Tagalog, upang maintindihan ay dinideretso na nila sa English ang mga katagang hirap sila sa pagbigkas o talagang hindi nila alam. Ganyan din ang kalagayan ng mga taga-Visayas at Mindanao na akala ng mga taga-Manila ay nagpapasosyal din sa pagsalita ng Ingles. Ang totoo ay hirap din silang mag-Tagalog, lalo pa at pinagtatawanan sila sa pagbigkas at sa “punto” o accent. Upang hindi mapahiya, halos 40% ng mga katagang gamit  ng mga Bisaya at Muslim kapag nakikipag-usap sa mga Tagalog, ay Ingles. Yan din ang dahilan kung bakit sa buong mundo, alam na Ingles ang second language ng mga Pilipino.

Sa totoo lang, talagang gusto kong magsulat ng tula o sanaysay sa purong Pilipino, pero baka isipin ng ibang mambabasa na taga-ibang planeta ako. Noong minsang may ini-translate akong Ingles na talumpati sa Pilipino, ang kaibigan kong taga-National Library of the Philippines mismo ay tawa ng tawa dahil sa mga “lantay” na katagang ginamit ko. Kailangan kong gawing “lantay” ang pagsalin o pag-translate dahil ang gagamit  ng talumpati ay hepe ng isang ahensiya na may kinalaman sa kulturang Pilipino. Sa kasamaang-palad, mismong taga-National Library ay hindi alam ang ibig sabihin ng maraming katagang ginamit ko.

Ang wika ay isa sa mga batayan ng pag-asenso ng isang lahi. Hangga’t maaari, taun-taon ay may nadadagdag na mga bagong kataga sa ating wika upang ito ay maging “buhay” o  magpakita ng “paglago” o “pagyabong”. Hindi masamang manghiram ng mga kataga sa ibang wikang banyaga lalo pa at napatunayang nagagamit silang tulay upang lalong madali tayong maunawaan ng mga lahing hiniraman natin ng mga kataga o salita nila. Kung mapapansin, ang mga banyagang turista na nagpipilit na maunawaan ng mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t ibang kataga ng Kastila, na pandagdag sa Ingles at pagmumuwestra o pag-action upang sila ay maunawaan. Ganyan din ang ginagawa natin kung tayo ay pumunta sa ibang bansa, dinadaan natin sa pag-aksyon at pa-Barok na paggamit ng kanilang wika, na pandagdag din sa English o Spanish upang tayo ay maunawaan nila…at, kaya ko binabahagi ay nadanasan ko mismo ang ganyang sitwasyon. Noong nakarating ako sa isang liblib na bahagi ng Germany, upang makahanap ako ng ihian ay kailangan kong hawakan ang harap ko…yong sa ibaba, sabay gamit ng daliri na parang “kuwan” upang maipaunawa na ako ay iihi. Ganoon din nang gusto kong magbawas na ang itinuro ko naman ay puwet ko sabay ang pag-emote na umiiri.

Kung lahat ng mga tao sa buong mundo ay maghihiraman ng mga kataga o words, darating ang panahon na magkakaroon ng “global language” ang sangkatauhan. At, hudyat o palatandaan din ito sa pagbalik ng sangkatauhan sa nakaraang panahon “noong hindi pa binuwag ng Panginoon ang tore ng Babel”…panahong ang lahat ng tao ay iisa ang wika…kung pagbabatayan ang alamat na ito sa Bibliya. Ito ang isa sa mga dapat na gawing project ng United Nations…ang magkaroon ng “Global Dictionary”.

Ang problema natin ay kung paanong magkaroon ng kataga o mga kataga na ang tunay na katumbas ay “welcome” kung bumabati tayo sa mga dumarating na mga turista o balikbayan. Kung “Maligayang Pagdating” na literal translation, napakahaba naman at okey lang kung nakasulat sa tarpaulin pero kung bibigkasin ay tunog-corny. Mahirap din itong isigaw sa airport o pantalan dahil ang dating ay pang-rally. Ang “Mabuhay” ay parang hindi angkop dahil hindi tugma sa pagdating kundi parang wish na “mabuhay” ang isang patay o huwag tuluyang mamatay ang maysakit. Tatanggapin kaya ang katumbas na: “Tuloy Kayo” para sa “Welcome”?  Okey lang ang “Paalam” kung paalis na, subalit hindi rin natin ginagamit dahil ang naririnig sa mga nagsi-send off ay “Bye” o “Goodbye”…ang “Paalam” kasi para sa iba ay napakamatulain o pangtula lang, nakakaiyak, na para bang pang-dialogue lang sa drama.

Bilang pagtatapos, marubdob pổ akong nagpapasalamat sa inyong lahat na nagtiyaga at matamang nagbasa nitong aking ibinahagi na pinigᾁ ko pa mula sa kasuluk-sulukan ng aking diwa. At, nawa ay mapagmuni-muni ninyo upang maunawaan na sa abot ng malinggit kong kakayahan ay pinilit kong magbigay-linaw sa usapin kung bakit sa panahong kasalukuyan ay mahalagang nagkakaunawaan tayong lahat na magkababayang Pilipino. Ito ay kahit na sa kabila ng katotohanang magkakalayo  ang ating kinalalagyan dahil sa watak-watak na kalagayan ng mga isla ng ating bansa. Malayo sa hinagap at layunin ko na may mawalan sa inyo ng katinuan sa pag-iisip o di kaya ay manggalaiti sa inis at tuloy ay isumpa ako dahil lang dito, na baka umabot pa sa inyong pagkakaila na ako ay isang abang kaibigan ninyo sa fb at sa tunay na buhay….huwag naman sana. Ayaw kong gamitin ang dialogue ni Gloria Arroyo na, “ I am sorry…”

Mga Dapat Ipagpasalamat ng mga Pilipino

Mga Dapat Ipagpasalamat ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

Kahit malaki ang problema ng mga Pilipino dahil sa mga nangyayaring  korapsyon sa gobyerno pero iniimbistigahan pa, marami pa rin namang dapat ipagpasalamat, tulad ng mga sumusunod:

  1. Buhay pa naman tayo, ayon kay Pnoy Aquino, yon nga lang kumakalam ang tiyan dahil sa hindi pagkain ng tama sa oras…kapos kasi sa perang pambili man lang ng NFA rice o bagoong. Nakatikim na kaya si Pnoy ng kahit isang kutsarang sinaing na NFA rice?
  1. May mga siksikang bus na masasakyan tuwing pumalya ang MRT at LRT, dahil hindi naman nakamamatay ang trapik, ayon naman kay Jun Abaya na dating kalihim ng DOTC na ngayon ay may lakas ng loob na tumakbo bilang senador kaya gusto niyang iboto siya ng mga taong galit sa kanya. Subukan kaya niyang pumila sa MRT o di kaya ay maglakad sa riles papunta sa terminal kung biglang tumigil ang tren?
  1. Ang gobyerno natin ay sobrang “maluwag”, kaya aakalain mong walang pinapatupad na batas. Pero kung meron man, marami silang butas na sinadyang gawin upang maisakatuparan ng mga korap na mambabatas ang masama nilang layuning tumagal sa puwesto. Dahil dito, hindi nila ipinasa ang  “Anti- political Dynasty” Bill, hindi rin nagbigay ng karapatan sa mga mamamahayag na umusisa sa mga problema sa gobyerno kaya hindi ipinasa ang “Freedom of Information Bill”, at napakamarami pang iba.
  1. May mga nagtitiwala pa rin sa Pilipinas na mga bangko, salamat sa mga maling report tungkol sa progreso daw ng bansa, kaya tuloy pa rin ang pangungutang ng gobyerno upang may maipambili raw ng buffer stock ng NFA rice, yon nga lang ay kinukumisyunan ng mga sagad-butong kurakot na mga opisyal, o di kaya ay magamit sa pagpapatupad ng mga infra-structure projects, yon nga lang ay pinagkikitaan din ng mga nagkukutsabahang kontraktor at ahensiyang may pakana ng mga ito….at kung anu-ano pang mga dahilang paggagamitan ng inutang na dahil sa sobrang laki, hindi na kayang bayaran kahit ng mga apo natin sa talampakan.
  1. Hindi binabaha ang Maynila, yon nga lang ay kung tag-init lang kung kaylan ay marami ang nagkakaputukan ng kili-kili dahil sa kakapusan ng tubig pampaligo, kaya nagmamahalan ang tawas at deodorant. Kung tag-ulan naman, at sasabayan pa ng pag-ihi ng ang mga asong kalye, pusa, at dagang estero, lubog naman ang buong siyudad!
  1. Nakakausad pa rin naman ang bumper to bumper na mga sasakyan sa mga main roads ng Maynila, sabi naman yan ni Tolentino ng MMDA na kinarma dahil sa regalo niyang mga dancer na nagkikisay sa stage ng isang bertdey party.  Nakakausad nga ang trapik, dumadami naman ang nagkakaroon ng varicose sa tuhod dahil sa panggigigil nila sa pag-apak ng preno at selenyador, bukod pa rito ang pagkakaroon nila ng high blood pressure dahil sa sobrang inis, at sakit sa bato dahil sa pagpigil ng ihi, sa loob ng kung minsan ay apat o limang oras, bago maka-dyengel sa isang pader o poste. Yong iba pa ay natutong kumausap sa sarili upang malibang…na nakababahala naman, lalo pa at mahal ang professional fee ng psychiatrist.
  1. Lumalabas na napaka-edukado ng mga Pilipino dahil sa libo-libong nakakapagtapos sa kolehiyo at unibersidad, isang nakaka-proud na phenomenon, yon nga lang istambay ang nangyayari sa karamihan dahil walang mahagilap na trabaho, kaya nganga sila pagkatapos ng masayang graduation na may selebrasyon pang kainan sa mamahaling restoran, o halos walang tigil na inuman sa bahay.

Marami pa sana akong babanggiting dahilan, na magpapakitang wala tayong dapat ikabahala sa ilalim ng administrasyon ng sobrang bait na pangulo na gustong magpatawag ng “Pnoy”…pero huwag na lang, upang may matira naman para sa pagmumuni-muni ng mga mambabasa, lalo na kung sila ay nagpapalabas ng sama ng loob sa isang maliit na kuwartong may upuan sa gitna. Mahalaga ang mental exercise na ito. Ganyan ako ka-considerate.

Ang Pagtanggal ng Pambansang Wika mula sa mga Aralin dahil lamang sa K to 12 program ng CHED

Ang Pagtanggal ng Pambansang Wika mula sa mga aralin
dahil lamang sa K to 12 program ng CHED
ni Apolinario Villalobos

Umaabot na sa sukdulan ang pagkasira ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas dahil sa balak ng CHED na pagtanggal ng Pambansang Wika mula sa mga aralin ng mga estudyante dahil lamang sa pagpapatupad ng K to 12 program na tinututulan ng mga magulang, kabataan, at pati na ng maraming titser.

Nakakagulat ito dahil nawawala na yata sa porma ang mga namumuno ng ahensiyang dapat ay naghuhubog ng kaisipan ng mga kabataang Pilipino. Bakit isasakripisyo ang Pambansang Wika na dapat ay ituring na pinakadiwa ng ating kultura? Kung papansinin, marami pa ngang dapat matutunan ang mga estudyante na sa katigasan ng ulo ay ni hindi mabigkas nang tama ang letrang “R” kung magsalita sa Pilipino, dahil pinipilit ng mga ito ang bigkas-Amerikano, kaya pilit na pinapalambot ang nabanggit na letra.

Dapat ay tutukan din ng CHED ang kahinaan sa pagtuturo ng mga paaralan na hindi man lang matawag ang pansin ng mga estudyanteng lumilihis sa kagandahang asal dahil din sa hindi na nila pagturo ng tradisyonal na “Good Manners and Right Conduct”.

Ang elementarya ay napakakritikal na yugto sa paglinang ng pagkatao ng isang estudyante. Ang yugtong ito ay dapat matatag dahil dito itutuntong ang isa pang yugto na kinapapalooban ng mga dapat matutunan sa kolehiyo upang mabuo ang kaalaman tungo sa napiling propesyon. At, ang lubos na kaalaman sa Pambansang Wika ay magpapatibay sa pagkatao ng isang estudyante bilang Pilipino.

Ang nakakabahala pa sa inaasal ng CHED ay ang matunog na kawalan ng kahandaan ng mga paaralan upang maipatupad ng maayos ang pinipilit na K to 12 program. Dahil lang sa panggagaya sa ibang bansa, asahan na ang malaking bulilyaso ng CHED – gagastos ng malaki sa isang programang walang kahihinatnan.

Huwag Ikahiya ang Kaalaman sa mga Salitang Pilipino, lalo na ang Pambansang Wika

Huwag Ikahiya ang Kaalaman
Sa mga Salitang Pilipino, lalo na sa Pambansang Wika
Ni Apolinario Villalobos

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga magulang na pilit pinagsasalita ng English lang ang maliliit anak sa loob ng kanilang bahay. Okey lang sana na kahit na pinagsasalita sa English, ay pagsalitain pa rin sila ng sariling wika o salita ng kanilang probinsiya. Tuwang-tuwa ang mga magulang na itong marinig na nagsasalita lang sa English ang mga anak, ganoong ang punto o accent ay Pilipino naman dahil silang mga magulang mismo ay limitado lang din ang kaalaman sa nasabing banyagang wika. Ang maling akala nila ay mas madaling makahanap ng trabaho ang taong Inglesira o Inglesiro. Ang hindi nila alam ay mas gusto ng mga kumpanya sa panahon ngayon ang mga aplikante na maraming alam na salita.

May isa akong kumpare na nagsisisi kung bakit pinilit niya ang English sa kanyang anak na humantong sa pagiging bulol nito sa mismong sarili nating wika na Pilipino. Nang dalhin niya sa Amerika ang kanyang anak upang doon pag-aralin, pinagtawanan daw ito ng mga kaklase nang malaman na bulol sa sariling wika, at kinutya pa, samantalang ang ibang mga kaklase ay natutuwang makipag-usap sa isa’t isa gamit ang Mandarin, Thai, o Tagalog na natutunan nila sa kanilang mga yaya.

May mga galing naman sa probinsiya na ikinahihiya ang sariling salita o dialect, pero kung mag-Tagalog naman ay lutang na lutang ang punto ng sarili nilang salita. May isang babaeng broadcaster na tungkol sa trapik ang nirereport, ang kahit nagta-Tagalog na ay nagpupuntong English pa rin, lalo na kung magsambit ng mga salitang may letrang “R”, na “pinapalambot” upang may kayabangang ipahiwatig na dahil sa kagalingan niya sa English ay lumalabas na natural ang “parang” nai-English na Tagalog kung gamitin na niya…ibig sabihin, gusto niyang palabasin na nananaig o nasasapawan ng English ang Tagalog niya! Nang minsang may kumausap sa kanya on air, nadulas siya sa kanyang pagsalita kaya nabistong siya pala ay Ilongga! Ikinahihiya yata niya ito, ganoong kilala ang Hiligaynon o Ilonggo bilang malambing na dialect kaya marami ang nakakagusto.

Nakakabilib malamang maraming banyaga ang gustong matuto ng Tagalog o iba pang provincial dialect ng Pilipinas. Ang mga ito ay mga exchange students o nagtatrabaho sa mga multi-national companies. Dahil itinuturing na pangalawang wika ang English sa bansa, kahit hindi na sana sila mag-aral ng Tagalog ay maaari, subalit pinipilit pa rin nilang matuto. Sa mga ganitong tao dapat mag-ingat ang mga kababayan nating mahilig manlibak ng kapwa na hindi nila type ang kulay ng balat o hitsura.

Sa isang jeepney na nasakyan ko noon, may dalawang babae na nangutya sa isang pasaherong maitim ang balat. Sa porma ng nililibak, ay mukhang estudyante ito. Dahil marunong ako ng Cebuano, naintindihan ko ang ang usapan ng dalawang babae na mga Bisayang Cebuano pala. Ang isa ay nagsabi na mukhang unggoy daw ang maitim na pasaherong kaharap nila. Nang iabot ng maitim na pasahero ang pamasahe niya sa drayber, sabi niya: “kuya…ito po ang bayad ng unggoy”. Sa hiya, biglang nagpapara ang dalawang babae at bumaba!

Ang Wikang Pilipino na Nagiging Hybrid na

Ang Wikang Pilipino na Nagiging Hybrid na
Ni Apolinario Villalobos

Darating ang panahon na ang pagiging dalisay ng wikang Pilipino ay malulusaw, hindi na ito magiging “pure” Pilipino language. Magiging isang wikang “hybrid” na ito. Marami na ang nagtuturing o nagko-consider na corny pakinggan ang purong Pilipino na batay sa balarila o grammar. Sa pagsusulat ay hindi pa ito masyadong pinapansin dahil hindi naririnig, subalit kapag ginamit na sa pakikipag-usap, ang gumagamit ng mga talagang salitang Pilipino ay tinatawag na corny. Iba kasi ang dating ng binabasa sa naririnig. Para sa iba masakit sa tenga ang epek ng purong Pilipino kaya mas gusto pa nilang may halong English na “converted” upang maging tunog Pilipino.

Kahit ang ginamit sa titulo na “wika” ay corny sigurado ang dating sa iba na mas gugustuhin pang marinig o mabasa ang “salita”. Kaya sa tanong halimbawa na “ano ang language ng Finland”, ang mangyayari ay, “ano ang salita sa Finland” sa halip na “ano ang wika sa Finland”. Pati ang salitang “dialect” ay walang talagang katumbas sa Pilipino kaya ang ginagamit ay “salita”. Kaya sa magtatanong halimbawa kung “what is the dialect of those in Batanes”, sa Pilipino ito ay magiging, “ano ang salita ng mga taga-Batanes”. Pero, dapat alalahanin na ang ibig sabihin ng salita ay “word”.

Tanggapin ang katotohanang dahil sa hindi nagagamit o naririnig palagi ang maraming salitang Pilipino, ang turing sa mga ito ay “malalalim” na. Halibawa ang salitang “nilinang” o “kalinangan” o “linang” na may kinalaman sa “culture”, “cultured” o “developed” o “development”. Halos nakalimutan na ang mga nabanggit na salitang Pilipino ngayon, dahil mas ginagamit ang salitang “dinibelop”, “nadebelop” o “na-developed” o “ini-developed”, ang matindi ay “na-culture”, at ang “culture” ay “kultura”.

Para sa akin, hindi masama ang ganitong nangyayari. Ang mga pagbabago sa isang bagay ay tanda ng isang kaunlaran. Hindi nagiging kolonyal ang takbo ng kaisipan ng isang Pilipino kung sa kanyang araw-araw na pananalita ay gumagamit siya ng ibang salitang banyaga na naiintindihan naman ng ibang Pilipino. Ganito ang nangyari sa Pilipinas noong kapanahunan ng Kastila, kaya nagkaroon ng dialect na Chavacano sa Zamboanga at Cavite na may mga salitang Kastila na hindi conjugated. At dahil palasak ang paggamit ng Kastila noon, kinilala ang mga Pilipino bilang isa sa mga lahi sa mundong gumagamit nito. At ngayon, dahil Ingles naman ang umiiral, marami na ring salitang Ingles na kino-convert upang magamit sa wikang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit sa buong mundo, kinikilala ang Pilipinas ngayon na isang bansang mahusay gumamit ng wikang Ingles.

Sa blogging, upang “maunawaan” ng mga mambabasa ang sinusulat, hanggang maaari ay mag-convert na lang ng ibang salitang Ingles upang maging Pilipino, at hindi lumabas na corny dahil sa malalalim na mga salitang madalas na lang gamitin sa mga tula. Dapat pagbigyan ang mga mambabasa dahil sila ang makikinabang sa mga blogs, at instrument lamang ang mga manunulat. I hope my message will be apresyited. Thanks din to you all sa pagbasa nito….

Ang Ugaling Gaya-gaya

Ang Ugaling Gaya-gaya

Ni Apolinario Villalobos

 

Madalas binabatikos ang ugaling ito ng Pilipino. Masakit  mang aminin, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan tayong umusad patungo sa mas maunlad na pamumuhay.  Subali’t hindi naman lahat ay may ganitong ugali. Yong may diskarte na hindi nanggagaya, sila yong umaasenso at sila ang ginagaya ng mga naiinggit sa mga tinamo nilang tagumpay sa buhay.

 

Noong nauso ang negosyong tapsilog sa Dongalo, Paraῆaque, at dinagsa ng mga kostumer maski hatinggabi na, may nanggaya, tapsilog din daw sila ng Paraῆaque, pero ang pwesto ay nasa Pasay. Meron pa ngang sa Caloocan naman ang pwesto. Noong nauso ang ensaymada ni Niῆo Muhlach, marami ang nakigaya at nagbenta rin ng kanilang ensaymada na “melts in the mouth” din daw na tulad ng kay Muhlach. Yong iba, pati kulay at disenyo ng karton ay halos ginaya. Noong nauso ang lechon-kawali, marami ring nagsunuran na nagsilutuan din ng pata at liempo ng baboy sa kawali.

 

Ang matindi sa ibang gumagaya, tinatabihan pa ang ginagaya. Kaya hindi kataka-taka na may mga lugar sa Maynila o saan mang lunsod o bayan sa Pilipinas na hili-hilera ang mga pwesto ng barbecue, bananacue, pares, lugaw at iba pa. Katwiran ng mga nanggaya, mas marami, mas masaya, parang sinabi nila ng hindi diretsahan na may karapatan din silang magbenta ng kaparehong kalakal, kaya ang sinabi na lang na dahilan ay para masaya daw! Hindi nga naman obvious ang pagka-inggit.

 

Ang ganitong ugali ay nakakaapekto din sa pagkatao ng ibang Pilipino, dahil ayaw nilang patalo. Gusto nila, kung ano ang nakikita nila sa iba, meron din sila. Nangyayari ito kalimitan sa mga biglang-yamang mga tao dahil pakiramdam nila, kaya na nila kung ano man ang gustuhin nila sa buhay dahil may pera na sila. Delikado din ito sa isang banda, dahil sa kagustuhan nilang mahigitan ang ginagaya, ang kalabisang natamo ay nakasira sa kanila.

 

Tulad ng kwento ng isang babae na nainggit sa kapitbahay na nagpalaki ng dibdib ng katamtaman lang naman. Nagpalaki din siya, pero mas malaking di-hamak kaya ang nangyari ay para siyang may dalawang lobo sa kanyang harap na nagpaliyad sa kanya. Ewan lang kung hiniwalayan siya ng asawa niyang nagtatrabaho bilang seaman, dahil tingin sa kanya ay trying hard na exotic dancer sa isang beerhouse, dahil nagpakulay pa ng buhok.

 

Yong isang kwento naman tungkol sa isang babae na nainggit sa kapitbahay na nagpatanggal ng matris na cancerous. Ang nainggit, nagpatanggal din, hindi lang matris, kundi obaryo din – nalamangan niya ng isang organ ang kinainggitang kapitbahay. Ibinalita pa sa mga kaibigan, tingin tuloy sa kanya, babaeng kulang-kulang!

 

Pati sa pag-alaga ng hayop, may mga nagkakainggitan din. May isang kapitbahay na kinainggitan dahil sa binili niyang malaking asong St. Bernard, ang nainggit, bumili ng kabayo. Yong bumili ng pot-bellied pig, ang nainggit bumili ng barakong baboy na bulugan may dalawang bilog na kumakampay sa pagitan ng dalawang paa sa likod…panalo ang nainggit na kapitbahay, dahil napapasaya niya ang mga kapitbahay tuwing iwo-walking niya ang baboy niyang bulugan sa loob ng subdivision. May nagkakamali pang nagtatanong sa kanya kung magkano ang singil niya sa serbisyong pakasta ng baboy niya!

 

May isang nainggit sa kaibigang nagpa-tattoo ng kilay. Nagpa-tattoo rin siya, subalit dahil allergic pala siya sa chemical na ginamit, nagka-keloid kaya ang mga kilay, tattoo na, naka-alsa pa. Pati ang maliit na kalapating tattoo ng kaibigan sa kaliwang braso, kinainggitan. Nagpalagay din siya, sa magkabilang braso pa, at hindi kalapati, kundi malalaking agila! Naging talk of the subdivision siya, kaya panalo siya.

 

Sa seryosong usapan, nakakainggit ang pag-usad ng mga kapitbahay nating bansa tungo sa kaunlaran. Napapag-iwanan ang Pilipinas maski man lang sa larangan ng turismo na siya nating kayang ipamayagpag, subali’t sa puntong ito, halos ay nauungusan na tayo ng Vietnam at Cambodia. Noong panahon ni Marcos, tayo ang ginagaya nila dahil napaunlad niya ng kung ilang laktaw ang turismo sa Pilipinas. Ngayon kabaligtaran ang nangyayari.

 

Nakakalungkot isipin na ang isang bagay na mahirap gayahin ng Pilipino ay ang disiplina. Marami na akong nakausap na kababayang madalas bumiyahe, tungkol dito at ang sabi nila, nakakapagpakita ng disiplina ang ilang kababayan natin kapag sila ay nangingibang- bansa, subali’t kapag nasa Pilipinas na, mahilig siyang “magpalusot” kapag may nalabag na patakaran.

 

Maganda sana ang panggagaya kung ang ginagaya ay magagandang kaugalian na makakatulong sa pag-unlad. Subali’t nakakalungkot isipin na kung minsan, ayaw nating tanggaping tayo ay nagkakamali rin, kaya ang matuto ng tama ay masakit sa ating kalooban.

 

 

 

 

 

 

Ang Maling Paggamit ng “kung saan”

Ang   Maling   Paggamit   ng “kung saan”

Ni   Apolinario Villalobos

 

Nakakalungkot  isipin   na kung sino yong mga nasa broadcast media (mga announcer, commentator , field reporter) at  mga  taga print media ay sila pang   nagkikibit-balikat  sa  maling  paggamit  ng “kung saan”. Ang  mga  kasama   nito ay “kung paano”,  “kung kaylan”, at “kung sino”. Ang   malimit   gamitin   sa   maling   paraan   ay ang “kung saan”. At kung   kaylan  nagsimula   ay   hindi   na   malaman  ngayon.   Ang    mga    kumpanya    na may kinalaman    sa   ganitong   mga    bagay   ay    may  mga  editor o director na   dapat ay  sumisita   sa   mga   tauhan  nilang    malimit  na   gumawa   ng   nabanggit   na   pagkakamali. Ang   mga   taga-media ay tinutularan   ng    mga   batang    nakakarinig    sa    kanila o di kaya ay nakakabasa   ng   kanilang   mga   naisulat. Kaya, hindi   na    nakapagtataka kung kumalat   ang   nakagawiang  pagkakamaling    ito   maski   sa   loob   ng    mga campus ng    mga    eskwelahan.

Mga    halimbawa:

  1. Mali:   Nandito    ako    ngayon   sa crime scene at kasama    ko   ang    mga    pulis   ng station____. Nakahandusay    ang    biktima   na “kung saan” ay naliligo   sa   sariling   dugo.

Dapat:   Nandito    ako  ngayon   sa crime scene at kasama   ko   ang   mga   pulis   ng station_____. Nakahandusay   ang    biktima “na” naliligo   sa    sariling   dugo.

Suggestion:   Nandito   ako   ngayon   sa crime scene at kasama   ko   ang   mga   pulis  ng station____. Nakahandusay ang  biktima “sa   bangketa  kung saan” ay naliligo   siya   sa   sariling   dugo.

  1. Mali:   Marami   ang   nagtataka   kung   bakit    marami pa rin  ang   naghihirap ganong sunud-sunod  na  ang   ang   pagdating   ng   mga relief goods   “kung saan” ay nanggaling    pa   sa   iba’tibang   grupo  sa abroad.

 

Dapat:   Marami  ang  nagtataka   kung   bakit   marami pa rin   ang   naghihirap  ganong  sunud-sunod  na   ang   pagdating   ng   mga relief goods “na” galing pa sa  iba’tibang  grupo   sa abroad.

 

Suggestion: Marami   ang   nagtataka kung bakit   dito  sa   Tacloban “kung saan” ay sunud-sunod   ang   pagdating   ng   mga relief goods na   galing abroad,  marami pa rin   ang    naghihirap.

 

Sana ay iwasan  na   lang   ang   paggamit   ng “kung saan” at dumiretso   na   lang  sa  pagtukoy   ng   kung anong    bagay,    pangyayari,o kung ano pa man gamit    ang “na”  o  “dahil”    tulad  ng   mga  nabanggit   na    halimbawa.

 

Bilang   mga    “pandugtong”, sa   Ingles, ang “kung saan” ay “in which” o “wherein”, ang “kung paano” ay “ “by which”, ang “kung sino” ay “by whom” o “whose”.  Sila  ang  ginagamit  na  mga“pandugtong” upang  mapag-isa   ang   dapat ay dalawang sentences,    kung kinakailangan.

 

Hindi    ako   nagmamarunong   sa   tamang   paggamit   ng   sarilinating   wika.    Hindi naman   siguro   kailangang   maging    sobrang   dalubha    ang   isang Pilipino upang   makagamit  sa   tamang   paraan   ng   ating   wika. Marami   na   akong   narinig   na   mga foreigner na    artista at    mga   estudyante   na   mas di hamak   na   maayos   ang   paggamit   ng   wikang  Filipino kaysa   mga Pilipino mismo.  Kawawa  ang  mga  bata  na  patuloy na  makakarinig   ng  pagkakamaling    tinutukoy.   Ang   malungkot ay maipapasa pa nila   ito   sa   kanilang   mga   anak  kung hindi   maagapan  at    maiwasto.

 

Noong    nabubuhay    pa    si   Tiya   Dely, tanyag    na broadcaster ng DZRH, palagi   siyang   naglalaan   ng  ilang  minuto  sa  kanyang programa upang punahin  ang  mga  maling  paggamit  ng  ating   wika.  Subali’t  natigil  ito   nang   kunin   siya   ni Lord at walang   nagkainteres  na  ipagpatuloy   ang   nasimulan   niyang adhikain.

 

Ang   pagdagdag   ng    mga    bagong   salita    sa   wika ay tanda  ng   kaunlaran   subali’t  ang  maling   paggamit   ng  ano man sa   mga   ito ay  isang   kasiraan   na   magpapaguho  sa  kabuuhan  nito.   Kung ihahambing   sa   isang   maliit   na   sugat   na   mapapabayaan, ito ay maaaring   magnaknak  at magiging   bakukang!

 

Sana    ang    simpleng   pagpunang    ito ay makatulong   upang    mapigilan   ang   pagkalat pa ng   maling    nakagawian,    at bilang    pag-alala   na   rin   sa effort ni   Tiya   Dely, malaking   bagay kung ang    makakabasa    nito ay mag-share sa   iba,   lalo  na  sa  mga    estudyante at  iba pang mga   kabataan.