Ang isang Tao ay Puwedeng Maging Lider Batay sa Likas niyang Talino at Ugali

Ang Isang Tao ay Pwedeng Maging Lider

Batay sa Likas Niyang Talino at Ugali

Ni Apolinario Villalobos

Ambisyong palpak ang bumubulag sa isang tao na gustong maging lider kahit sa simula pa lang ay alam niyang hindi niya kayang gawin ito. Hindi masama ang mangarap o mag-ambisyon pero dapat ilagay sa ayos upang hindi pulaan ng iba. Ang ganitong sitwasyon ang nakita, hindi lang ng buong bansa, kundi buong mundo nang magdagsaan sa COMELEC ang mga may ambisyon na maging Presidente ng Pilipinas. Ang nakakabahala ay ang isipin ng mga taga-ibang bansa na kaya pala ganito ang kalagayan natin ay dahil sa mga may sayad sa pag-iisip na gustong maging Presidente. Ang karamihan sa nagparehisitro sa COMELEC ay halatang pinag-aralan ang mga kilos at sasabihin upang makakuha ng atensiyon kaya nagmukhang kawawa dahil pinaglaruan lamang ng mga usisero at taga-media. Sa panahong yon, naabuso na naman ang Kalayaan at Demokrasya dahil sa mga taong hangal at may sayad sa utak. Hindi dapat gamitin ang Demokrasya upang “malayang” gawin ang lahat ng gusto, lalo na ang pagsalaula sa sagradong pagpili ng Presidente ng Pilipinas. Hanggang kaylan tatagal ang ganitong kahinaan ng COMELEC, na sana ay may pinatutupad na mga alituntuning maayos, walang mga butas na nasisilip ng mga taong may diperensiya sa pag-iisip? Repleksiyon ba ang kahinaang ito ng uri ng mga taong nagpapatakbo ng nasabing ahensiya?…nagtatanong lang.

Hindi madaling maging lider ng isang maliit na grupo man lang, lalo na ng buong bansa tulad ng Pilipinas. Mapalad ang isang taong may likas na katalinuhan at ugali na angkop sa pagiging lider, dahil ang mga nakapaligid sa kanya ang kumikilala sa mga ito, kaya hindi na niya kailangan pang ipilit upang mapansin. Lumilitaw ang mga katangian niya sa mga kalagayang hindi inaasahan tulad ng kalamidad at agarang pagbigay ng tulong sa iba kahit sa normal na sitwasyon. Subalit maliban sa dalawang nabanggit na katangian, dapat mayroon din siyang tiyaga, determinasyon o katapangan, at pasensiya. Sa madaling salita, ang isang taong likas na matalino, kahit pa nakapagtapos ng kolehiyo, at mabait, ay mahihirapang maging lider kung wala siyang tiyaga at pasensiya, lalo na kung walang determinasyon o tapang sa pagpapatupad ng mga panukala, o utos na dapat masunod. Ang mga iyon ang maglilinang ng respeto para sa kanya bilang lider.

Si Manny Pacquiao ay isang halimbawang nag-ambisyong makilala ng tao. Natanim sa isip niya ang masidhing pagnanais na maipakitang ang kahirapan ay hindi dapat ituring na hadlang upang umunlad ang isang tao. Nagtagumpay naman siya – sa sports. Subalit naudyukan siya ng mga nakapaligid at may balak gumamit sa kanya, na pwede siyang pumasok sa pulitika na ginawa naman niya at nagtagumpay bilang kongresman ng kanilang lalawigan. Tulad ng inaasahan ay ampaw ang tagumpay niya sa pulitika, walang laman, walang sustansiya dahil nakikita namang hindi niya kaya ang trabaho bilang kongresman. Kung gumagalaw man ang opisina niya, ito ay dahil sa mga taong sinusuwelduhan niya upang gumawa ng mga panukala, kaya hanggang pirma na lamang ang papel niya. Nakita naman ng buong bansa na ang panahon niya ay nagamit sa mga ensayo at pagsabak sa boksing. Hindi pa nakuntento ang mga hangal na umuuto sa kanya, dahil gusto pa siyang patakbuhin bilang presidente ng Pilipinas! Ngayon, dahil sa katanyagan niya sa boksing, sumabak na rin sa pulitika ang iba niyang kaanak, lalo na ang asawa, siyempre, dala kasi ang apelyidong “Pacquiao”.

Masakit na sa tenga ang parang sirang plakang linya ni Pacquiao na, “gusto kong makatulong sa mga kababayan (o kapwa) ko”, dahil malabo itong matutupad kung ang iniisip niya ay “gumawa”  ng mga panukala na maaaring hindi maaprubahan, at kung maaprubahan man ay hindi rin maisasakatuparan tulad ng mga libo-libong panukala na inaagiw sa kongreso at senado dahil walang budget. Kung gusto niyang tumulong, lumabas siya sa pulitika para hindi siya magamit ng ibang pulitiko, magtayo siya ng mga boxing gyms sa buong Pilipinas at Foundation para sa mga scholars, at higit sa lahat, ng mga negosyo upang magkaroon ng mga trabaho… ganoon lang ka-simple at wala pang gagamit sa kanya. Sa madaling salita, pasukin niya ang larangan ng negosyo at maging pilantropo, tulad ni Henry Sy ng SM. Huwag na niyang dagdagan ang mga panlolokong ginagawa ng mga pulitikong nagkaugat na ang mga puwet sa pagkakaupo sa kongreso at senado dahil sa hangaring magpayaman. Huwag na niyang dagdagan ng batik ang nagpuputik nang dumi ng pulitika sa Pilipinas.

Ang tao ay hindi dapat maiinggit sa tagumpay na tinatamo ng iba. Ang ugaling maiinggitin ang lason sa kaisipan ng isang taong baluktot ang takbo ng isip. Tulad ng isang taong nakilala ko na nakabalita lang na tatakbo sa pagka-meyor ang kaklase niyang dating councilor sa kanilang bayan, ay gusto na ring tumakbo para sa nasabing puwesto, dahil hindi hamak na mas matalino daw siya, kaya valedictorian siya noong gumadreyt sila. Sana binalikan niya ang nakaraan nila noog nag-aaral pa sila, dahil nagkuwento ang pinsan niyang kumpare ko, na ang kaklase niyang tatakbo sa pagka-meyor ay magaling makisama, nagkukusa sa pagkilos kung may mga school activities, nangunguna sa sports, at higit sa lahat, may lakas ng loob. Taliwas naman sa ugali ng pinsan niyang makasarili kaya walang barkada, at umiiwas sa mga gawain kung may school activities. Ayaw daw paawat ang pinsan niya kaya nag-file ng candidacy.

Hindi dapat magyabang ang taong may ambisyong maging lider. Walang masamang gumamit ng lakas ng loob sa pagsuong sa pulitika. Lalong maganda kung magsimula sa ibaba, maliban na lang sa mga taong miyembro ng mga pamilyang nakababad na sa pulitika, yong mga tinuturing na “political dynasty”, kaya naging senador, kongresman, gobernador o meyor agad. Subalit para sa mga nag-aambisyon pa lang, dapat ay magsimula sa unang baytang ng pagsisikap – sa pinakamababa, tulad ng barangay o homeowners association o non-government organization (NGO). Doon masusubukan ang kanilang kakayahan at pagkatao kung angkop sila sa mas mataas pang tungkulin. Kung ang taong may ambisyong maging barangay chairman, halimbawa, ay hindi naman pala marunong makisama o tumutulong sa mga kapitbahay, kalimutan na lang niya ang ambisyon at magtraysikel na lamang, sigurado pa ang kita at hindi siya hihingan ng tulong, sa halip ay siya pa ang babayaran….. ng pamasahe.

Humanga at tumulong sa mga kaibigan o mga kakilalang nasa larangan ng pulitika upang lalo pa silang magtagumpay, o di kaya ay kahit sa mga hindi kilala ngunit maganda ang mga hangarin para sa bayan. Kailangang marunong tayong tumanggap ng ating kahinaan at kakulangang mga katangian, kaya hindi tayo pwedeng maging isang epektibong lider. Sa isang banda, kung hanggang suporta lang ang kaya, gawin natin ito ng maayos at taos sa puso, dahil kung hindi matibay ang suporta ng isang lider, magiging dahilan ito ng kanyang pagbagsak, na upang maiwasan ay kinakailangang suportahan, simpleng tulong nga…..mahalaga naman.

The Philippine Justice System, Lawyers, and General State of Rehabilitationn Facilities

The Philippine Justice System, Lawyers

and General State of Rehabilitation Facilities

Ni Apolinario Villalobos

A crucial change in the life of a man may be caused by being at the right place at the right time or by having guts to face odds rejected by others. For the lawyer in particular, these are what he needs to prosper with his profession. Too much risk is involved with the thought, “now or never”, that serves as the force that pushes the desirous lawyer towards his ambition to be recognized.

“Sensation” is the keyword for the success of a lawyer. This is the reason why, a lawyer always aspires to handle a case that hugs the limelight, never mind if it seems a losing one due to glaring evidences against the client. The more controversial the case is, the better for the lawyer, because he will benefit from the attention that his client will get.

As dictated by the law books, no person is guilty unless proven beyond doubt. This is the reason why the eyes of the Lady Justice are covered because before the court, both victim and the aggressor are equal, and each side should present convincing evidences to win the case. Woe then, to the innocent client who can only afford an inexperienced lawyer with limited references. On the other hand, the obviously guilty party easily avoids conviction with the help of well-paid “expert” and “seasoned” lawyers.

Philippine prisons are filled to the rafters with erroneously convicted victims of injustice due to their inability to get the right lawyer to defend them, and worse, inability to get one due to their poverty. Despite this glaring defect in the justice system of the Philippines that contributes to the bursting of rehabilitation facilities, the national government remained inept…reacting only when scandals erupt, such as the affluent lifestyle of convicts at the maximum security section of the National Bilibid Prison (NBP) in Muntinlupa which has become an embarrassing national issue.

The rest of rehabilitation facilities, except for penal farms, are in the same situation. Practically all of them suffer from want of decent sanitation facilities. Inmates take turns in sleeping on the floor, while the rest remain on their feet for the rest of the night. Diseases add to the miseries of the inmates, with some, not yet convicted. And the food rations are far from decent.

Rich inmates buy their comfort by bribing corrupt jail guards and officers. Drug trafficking is still operated by drug lords from the maximum security section of the national penitentiary, and prostitution proliferates with the blessing of the paid jail guards. It is only in the Philippines where one can find detention cells inside maximum security section yet, of the national penitentiary, furnished akin to a richy home, complete with spa, jacuzzi, home theater, and aircon units.

When Kabungsuan Makilala, a jail guard of the Bureau of Correction, exposed the anomalies inside the national penitentiary, nothing came out of information extracted from him. A minor change in guards was implemented to show that something is being done. Afterwards there was a deafening lull within the Department of Justice.

It was only when a committee of Congress charged with the programs for the country’s rehabilitation facilities exposed their shock on the state of the national penitentiary, did the Department of Justice (DOJ) again made noise, most especially, because the modernization budget of the facilities is at stake. When the Senate stepped into the picture, the DOJ showed its most convincing move by launching “surprise” inspections, but without de Lima having made threats against the NBP officials on TV, thereby, broadcasting their moves!

Finally, despite the scandalous discoveries made lately, the DOJ statements as regards its plans to rid the country’s rehabilitation facilities of corrupt officials and lower ranking employees are still wanting of sting. With the budget for the modernization of the country’s rehabilitation facilities already in the bag, one can’t help but expect many pockets to bulge.

Ang Paghahanap ko ng Isang Daan…na matuwid daw? (part 1)

Ang Paghahanap Ko ng Isang Daan

…na matuwid daw? (Part 1)

Ni Apolinario Villalobos

Palagi kong naririnig sa radyo ang isang taong nagsasalita sa matatas na Tagalog ang tungkol sa isang daan – matuwid daw. Meron bang ganoon sa Pinas? Ang alam kong mga daan sa Pinas ay putol, hindi tinapos pagkatapos pagkitaan ng mga tiwaling pulitiko. Yong ibang aspaltado, tadtad ng mga butas na animo ay mukha ng buwan. At yong iba pa ay maputik, mabato at maraming damong makahiya…ito yong nakita ko sa malalayong lugar na hindi binibigyang pansin ng gobyerno. Nang minsang manood ako ng TV na binili ko sa surplus, galing Japan sa halagang Php800.00, bago naging malabo ang screen, may nakita akong taong nakasalamin na may ngising aso…at tuwid na daan din ang sinasabi. Ito din yata ang narinig ko sa radyo. Nasaan kaya ito?

Nasa ka-Maynilaan kaya ang matuwid na daan? Imposible ito dahil kung ang tinutukoy na matuwid na daan ay diretsong matatahak, sa Maynila ay wala nito. Kung maglalakad ka sa daan sa Maynila, iiwas ka sa mga nakatambak na basura sa mga tabi-tabi. Iiwas ka sa mga animo ay nagpapaligsahang mga jeepney na walang pakundangan kung lumusot sa trapik. Iiwas ka rin sa mga hukay na ginagawa ng mga kontraktor dahil sa mga proyektong pinagkitaan lamang, kaya kunwari ay sinimulan, pitik-pitik na ginawa, hahayaang nakatiwangwang, upang maging kalbaryo ng mga mamayan. Lalong wala ring tuwid na daan sa Maynilang diretsong mababagtas kung gabi dahil sa mga naglipanang holdaper – naglalakad at riding in tandem, kaya ang mga tao, paiwas-iwas sa madidilim na kanto.

Nasa probinsiya kaya? Imposible din ito dahil ang mga kalsada sa mga liblib na bayan at mga baryong nasa paanan ng mga bundok ay hindi inaasikaso…nananatiling maputik at mabato, mahirap daanan kahi’t na nang karitong hila ng kalabaw. Kung may makitang aspaltado na nasa labasan lang mga siyudad o maasensong bayan, asahan ang iba na kung hindi man putol ay kalahati lamang ang ginawa. Inumpisahan at hinayaan, matapos na makuha ang budget. Yong ibang mga daan, hanggang papel lang – mga multo, ginamit na batayan sa pagkubra ng budget. Yong ibang daan, may “palamuting” skywalk, tawiran ng mga pedestrian – nasa liblib na highway!…hindi naman matrapik, bakit meron nito?

Maaaring ang tinutukoy nang nagsalitang taong nakasalamin at may ngising aso ay daan na iniimadyin niya – nasa kanyang diwa, o di kaya ay napapanaginipan niya, pagkatapos niyang maglaro ng games. Ang mga sinasabi niya ay hindi naman nakikita sa paligid o nararamdaman ng mga tao. Paulit-ulit pa kung magbanggit tungkol sa daan na matuwid daw….hindi lang parang sirang plaka, kundi ay talagang sirang plaka talaga!

Nag-aanyaya pa ang taong ito na samahan daw natin siya sa kanyang pagtahak sa tuwid niyang daan. Sabi nang isang bangag sa gamot na mas matino pa ang sinasabi kaysa sa taong ito: “manigas ka….in your dreams!”

Ipagdasal Daw ang Mga Sangkot…sabi ng isang “banal”

Ipagdasal Daw ang Mga Sangkot

Sa PDAF Anomaly…sabi ng isang “banal”

Ni Apolinario Villalobos

 

May isang Fr. Delfin Castro na nagbitaw ng mga salitang hindi yata niya inisip muna. Sabihin ba namang ipagdasal daw ang mga sangkot sa eskandalo ng PDAF. Pari ng simbahang Katoliko ang nagbitaw ng mga ganoong pahayag. Para na niyang sinabi na kawawa naman ang mga sangkot dahil wala silang ginawang masama. Bulag yata siya, o isa sa mga naambunan ng “grasya”, isang bagay na inamin na ng mga kasama niyang nakasotana. Kung hindi rin lang sila nakakatulong sa mga kaso ng anomalya sa gobyerno, dapat tumahimik na lang ang mga katulad niyang “pari”. Dapat ituon na lang nila ang kanilang panahon sa pagtulong sa mga taong sa bangketa nakatira, mga batang namumulot ng plastik at bote upang may pambaon sa eskwela, mga namamalimos na Badjao, at iba pang dapat tulungan. Ang mga paring tulad niya ang nakakasira sa simbahang Romano Katoliko.

 

Isang kapwa niya pari ang sumalo sa kanya sa pagsabi na ang sinabi daw ng Fr. Castro ay hindi pahayag ng simbahang Katoliko. Ganoon sila. Kung may bulilyaso, kanya-kanyang hugas ng kamay. Dapat lahat ng pari, bigyan ng instruction na bago magsalita tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa simbahan, unahan nila ng: “This is my own opinion, o sarili ko itong pananaw, bahala na ang Diyos sa akin…” Ang hirap kasi sa mga ito, dahil nakasuot sila ng abito o sotana, akala mo otoridad na sila sa lahat ng bagay dahil sila ay “maka-Diyos”…kaya?

 

Dapat pagsabihan ng pinakamataas na Obispo ng Pilipinas na gayahin na lang ng mga pari ang mga aksiyon o ginagawa ng bagong Santo Papa na umiikot sa mga taong masa, mga nangangailangan ng mga bagay na hindi lang material kundi pati na rin ispiritwal. Ilan na ba sa mga pari ang pumunta sa mga lugar ng iskwater? Mabuti pa yong isang pari o Obispo ng simbahang Aglipay na ang simbahan ay nasa pusod ng isang squatter’s area sa Malumot, Barangay ng Real 2, Bacoor. Diretso sa mga taong nangangailangan ang kanyang pagsisilbi. Hindi na kailangan pang pumunta sa malayo ng mga tao upang makinig ng mga salita ng Diyos. Simple lang din ang pamumuhay niya…na paulit-ulit na panawagan ng bagong Santo Papa sa lahat ng kaparian.

 

Huwag magmaang-mangan na matalino at kayang magbitaw ng mga salitang tulad ng bagong Santo Papa, ang ibang paring Katoliko, lalo na sa mga isyung nangyayari ngayon sa Pilipinas dahil nakakagulo lamang sila. Tama na yong may umamin na naambunan nga ng “grasya” ng pork barrel. At least, honest yong umamin, dahil bandang huli na lang niya nalaman, kaya lumalabas inosente siya. At, malamang nagamit din niya sa tamang paraan.

 

May isa pa ring pari na pinaniniwalaang “nakakagamot” daw. Dahil sa paniwalang ito ng ilang “nagamot” daw, nag-take chance naman ang pari. Nag-fund raising na animo ay pulitiko na naghahanda sa eleksiyon. Ang pera daw ay gagamitin sa pagpapatayo ng “shrine”. Subali’t natuklasan na marami pala siyang perang natanggap at hindi niya nire-remit sa “foundation” na in-charge sa project. Nagbago pa ang lifestyle niya. Sa kabila ng lahat na nadiskubre, ayaw pa ring umamin. Yong pera na hindi ni-remit, kanya daw dahil pangalan niya ang nakalagay sa sobre. Paanong hindi lagyan ng ng pangalan niya, eh, siya ang namumuno sa fund raising? Akala niya ay birthday o Christmas gift para sa kanya! Yong tungkol sa mga dibersiyon niya, tao lang naman daw siya! Nang makita sa TV ang mukha niyang nakangisi habang iniinterbyu ng isang may edad nang babae, ang nakita ay parang mukha ng demonyo na nakangisi! Malamang sa bagong parokyang pinaglipatan sa kanya ay gumagawa na naman siya ng mga “milagro”. Marami siyang maloloko doon dahil maraming mga katutubo.

 

Ang mga pulitikong nakasuhan dahil sa mga ebidensiya at ang paring “nagmimilagro” ay alam ang kanilang ginagawa at nagkubli pa sa lambong ng panlillinlang. Deserved ba nila na sila ay ipagdasal? Aminin muna nila ang kanilang pagkakamali, at tutulungan sila ng mga dasal, dahil kung sila mismo ay nagpipilit na wala silang kasalanan…walang dahilan na sila ay ipagdasal. Ganoon lang kasimple! Hindi na kailangang maging pari o graduate ng kung anong prestihiyosong unibersidad para maunawaan ang ganoong bagay. Ibig sabihin…ano ang gagamutin, eh, wala namang sugat!