Wrong Information from Textbooks that Filipino Students are Forced to Learn

Wrong Information from Textbooks

That Filipino Students are Forced to Learn

by Apolinario Villalobos

 

As I gain years in life that slowly push me towards the threshold of my destiny, I cannot help but think about the things that I was “force-fed” as a knowledge-hungry pupil in elementary and a trying student in high school and college. I am now beginning to think that they could be wrong, such as:

  • Reference by Spanish historians to early inhabitants of the archipelago as indolent and have no regard for the future….

 

The original lines of this contention were written by historians who were members of Spanish expeditions to the “spicery” in the East, referring to the archipelago that later became known as Philippines, as well as, Moluccas. These European historians did not give consideration to the fact that the early inhabitants of the islands during the time subsisted on roots (sweet potato, yam, etc.), domesticated vegetables and animals, and which were abundantly available all year round. There was no need to dry vegetables the way they were doing in Europe due to winter. It should be noted that the main reason why Europeans were dead-set on conquering the “spice islands” of the East, was their need for the sought-after spices to preserve their food. Fresh water and marine fishes were likewise readily available anytime of the year. Unfortunately, such impression stuck even up to the American regime.

 

  • The impression of Lapu-lapu as being the first “nationalistic Filipino” who fought foreign intruders….

 

Just like the rest of the early inhabitants of the archipelago, Lapu-lapu was also an “immigrant”. When the Spaniards came, there was no “united Philippines”, yet. Even what is now Manila was ruled by several chieftains. There was also no clear evidence, if Magellan died in the hands of Lapu-lapu, or that, Lapu-lapu was at the battle site which was in knee-deep of water, or just on the shore watching the scene and shouting instructions.

 

  • The Spaniards came to spread Christianity….

 

Although, there were friars on board the galleons, those calling the shots were the leaders of the expeditions, such as, breaking of twigs, throwing of rocks and other symbolic acts of conquest, and the making of declaration of conquest in the name of the King or Queen of Spain. In meeting with the chieftains of the islands, the leaders of the conquerors, made clear their intention of making the villages as vassals of Spain. Only when the chiefs conceded that “baptism” into the new faith was made. In other words, the cross was made as an excuse for the conquest.

 

  • Ruy Lopez de Villalobos named the archipelago, “Philippines” in honor of the Spanish king, King Philip II….

 

During the time of the Villalobos expedition, the archipelago was known as the “Islas del Poniente (Sunset Islands). On February 2, 1543, his fleet reached the current town of Baganga, east of Mindanao and named it, “Caesaria Caroli” in honor of Emperor Charles V. They moved farther on and reached Sarangani Bay, named “Antonia” in honor of Antonio de Mendoza, Viceroy of Mexico. Finally, they reached Leyte which during the time was known as “Tendaya”, but which Villalobos named, “Felipina” in honor of the crown prince of Spain, future king who was destined to succeed Charles V. Clearly, the name that Villalobos gave did not refer to the whole archipelago but only to a particular island.

 

  • The reference to the Filipinos again as “lazy” during the actual Spanish occupation of the populated islands…

 

When the Spaniards occupied the populated islands of the archipelago, the inhabitants were taxed heavily based on their produce. The natives decided to “take it easy” in working on their land as a major slice of their harvest went to the Spaniards. Aside from the demanded big share from the natives’ harvests, they were also made to render forced labor to build churches. The massive churches in the towns of Luzon and Visayas are evidences of this cruelty.

 

Today, the topsy-turvy educational system of the Philippines is such that even the K-12 which is not an assurance of job after finishing the so-called “senior high school” has been implemented post-haste without the necessary preparations. The current errors in the workbooks have compounded the existing ones that are needed to be rectified. The many pages of textbooks that have been transformed into “workbooks” are never without errors, yet, erring publishers are not penalized….”how much” is the reason…I just don’t know.

 

 

 

Katangahan ng isang Iskolar ng Bayan Kuno

Katangahan ng isang Iskolar ng Bayan KUNO

Ni Apolinario Villalobos

 

Sabi ng isang “iskolar ng bayan” KUNO na tuwang-tuwa dahil sa pagpirma ni Duterte ng scholarship program para sa tertiary level, “SIGURADONG MAKAKATULONG ANG ISANG EDUKADO SA BAYAN”…TANGA SIYA!…MAKITID ANG ISIP AT MAIKLI ANG PANANAW!

 

Hindi guarantee ang edukasyon para makatulong ang isang Pilipino sa bayan. MARAMING OPISYAL NG BAYAN NA MGA MASTERS AT DOCTORS NG KUNG ANU-ANONG KAEK-EKAN NA TINAPOS SA MGA UNIBERSIDAD SA PILIPINAS AT IBANG BANSA ANG NAGING DAHILAN NG PAGHIHIRAP NG BAYAN DAHIL SA KANILANG KORAPSYON. SA SOBRANG DUNONG O INTELLECT, NAGKAROON SILA NG IDEYA KUNG PAANONG MANGURAKOT AT MAGPALUSOT KAPAG NABISTO. MARAMI RING NAGDODOKTOR-DOKTORAN SA KUNG ANONG LARANGAN GANOONG BINILI LANG NILA ANG TITULO….MGA KAPALMUKS!

 

Nakalimutan ng taga-UP pa naman na IBA’T-IBANG URI ang pagtulong sa bayan, hindi lang ang pag-upo sa aircon na opisina. Diyanitor man o security guard o pulis o sundalo o messenger o driver o matadero o tindera o manikurista o barber, etc. ay nakakatulong din sa bayan. Ang mga iyan ay maituturing ding mga haligi ng ekonomiya ng bayan. ANG MGA ISKOLAR NG BAYAN KUNO…GUSTO AY MGA PANG-OPISINANG TRABAHO LANG!…SINO SA KANILA ANG GUSTONG MAGING MEKANIKO NG SASAKYAN O COMPUTER TECHNICIAN NA MADALING PAGKITAAN?…WALA!!!!! ANG GUSTO NG MGA HANGAL NA ITO AY NAKA-HIGH HEELS SILA O NAKA-KURBATA KAPAG PUMASOK SA TRABAHO.

 

Ang matindi pa, ang mga iskolar kuno ng bayan ay walang utang na loob dahil sa halip na tumulong kay Duterte ay sumasama pa sa mga TRYING HARD o NAGMAMAANG-MAANGAN NA MGA KOMUNISTA KUNO UPANG MAG-INGAY SA KALSADA AT MAGBATO NG PINTURA SA U.S. EMBASSY…LALO’T HIGIT AY MAGKONDENA KAY DUTERTE DAHIL SA PROGRAMA NIYA LABAN SA DROGA NA ANG LAYUNIN AY MAILIGTAS SA KAPAHAMAKAN ANG MGA KABATAAN! SILA AY MGA NAGKUKUNWARING MATATALINO PERO UTAK IPIS NAMAN NA ANG GUSTO LANG AY MAKI-RIDE ON SA KUNG ANO ANG USO. Kaya, kung tutuusin ANG KARAMIHAN SA KANLA AY HINDI KARAPAT-DAPAT NA GASTUSAN NG PERA GALING SA BUWIS NA ANG KATUMBAS AY PUYAT, PAGOD AT PAWIS NG ORDINARYONG PILIPINO NA NAGHIHIKANOS DIN SA BUHAY.

 

Dapat sa scholarship program ay gawing “study now, pay later plan”…meron na yata nito pero hindi lang naipapatupad ng maayos kaya pumalpak. Dapat papirmahin ang mga gustong mag-avail upang mapilitan silang magbayad sa gobyerno kapag nakakita na ng trabaho. Kapag hindi nila ginawa ay ipatanggal sila sa trabaho upang magkaroon ng leksiyon. Kung nakapasa sila sa programa, dapat din silang palinisin ng kalsada tuwing walang pasok o di kaya ay papuntahin sa slum areas upang magturo sa mga bata.

 

Ang hirap din sa mga iskolar kuno na ito, ang yayabang pa! Nabisto tuloy na hindi lahat sa kanila ay mahihirap, lalo na ang pumapasok sa UP dahil ang requirement lang ay makapasa sa exam. Ang habol nila sa UP ay prestige. Masabi lang na graduate sa UP, kahit pasang awa ay solve na sila. Kung may interview man bago maka-avail ng scholarship,  hindi rin siguradong epektibo….ang dapat ay masinsinang background check (BI). Ngayon, kapag ipinilit ang BI requirement, siguradong magrereklamo ang mag-iimplement ng scholar program dahil sa kakulangan ng mga taong gagawa nito. So, balik na naman sa sisihan kapag pumalpak ang programa tulad ng nangyari sa 4Ps na hindi lahat ng beneficiary ay mahihirap kundi malalakas lang sa Barangay na siyang nagbibigay ng recommendation sa DSW.

 

Sa bandang huli, hindi maso-solve ng scholarship program para sa tertiary level ang problema sa edukasyon. ANG DAPAT NA TUTUKAN AY ANG NAPAKABULOK NA SISTEMA KUNG SAAN AY KASAMA ANG MGA DISPALINGHADONG TEXTBOOKS NA KARAMIHAN AY MARAMING MALI AT GINAWANG WORKBOOKS KAYA HINDI NA NIPAGAGAMIT SA IBA PAGKATAPOS NG PASUKAN. ANG DAPAT GAWIN AY IKULONG ANG MGA NAGKUKUTSABAHANG CHED AT DECS OFFICIALS AT MGA PUBLISHERS….PERO DAHIL WALANG GINAGAWA TUNGKOL DITO, TULOY ANG PAGDURUSA NG BAYAN!

Mga Kuwento ng Tagumpay at ang Inutil na Educational System ng Pilipinas

Mga Kuwento ng Tagumpay at ang Inutil na

Educational System ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil sa pagputok ng balita tungkol sa disgrasyang inabot ng mga estudyanteng patungo sana sa Tanay (Rizal), kanya-kanya na namang hugas-kamay ang mga ahensiyang may kinalaman sa edukasyon. Sa tindi ng pagkawalang puso ng may-ari ng eskwelahan, nagsalita pa ang isa sa kanilang opisyal na ipagpapatuloy pa rin daw ang sinasabi nilang leadership training. Mabuti na lang at may kumilos upang ito ay mapigilan dahil sa tindi ng ngitngit ng mga magulang ng mga namatay, nasugatan, at mga nakaligtas.

 

Wala na talagang pinagbago ang CHED at DepEd dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang ginagawa upang matigil na ang walang silbing mga field trip at kung anu-ano pang kataranduhan ng mga private schools na hatala namang ginagamit lang para sa junket. Pwede namang gumamit ng documentary films na kuha sa aktwal na pasilidad na gusto nilang pasyalan, bakit hindi nila gawin? Ang sinasabi ng iba ay nakakalibre daw ang ilang titser at opisyal ng eskwelahan sa pagsama sa mga estudyanteng gumagastos ng kung ilang libong piso para lang “makapasa”. At ang matindi, ay ginagamit pa ito ng ibang eskwelahan upang pagkitaan! Kung pinatigil man ang mga walang silbing “field trips”, ito ay PANSAMANTALA na naman!

 

Walang silbi ang diploma sa panahong ito dahil karamihan ng meron nito ay wagas na nagsasabing pampayabalang lang daw naman nila, at sa pag-apply ng trabaho, bahala na daw kung may makita o wala . May alam akong walang interes sa pag-apply kaya apat na taon mula nang makatapos ay istambay pa rin. Kung babae naman, nagkandalosyang na sa kapapanganak ay ni hindi man lang nakapasok maski probationary job. Ang kailangan sa panahong ito ay tiyaga at sipag na maaaring dagdagan ng diskarte. Yong iba ay namumuhunan lang ng laway o “sales talk”, pero kumikita….pero wala silang diploma. Hindi nangangahulugang ayaw ko nang mag-aral o makapagtapos ng kurso ang mga kabataan. Ang ibig kong sabihin dito ay baguhin ang pananaw tungkol sa edukasyon at ang sistema upang hindi mahirapan ang mga estudyante at mga magulang…hindi yong eskwelahan lang ang kumikita.

 

Merong mga eskwelahan na sumisingil ng “security fee”, pero wala naman silang security guard. Ang para naman sa mga magulang, kung hindi kaya ang gastos sa kolehiyo halimbawa, bakit hindi ipasok ang anak sa TESDA? Ang masaklap pa dito, dahil sa K-12 program, sa halip na 4 na taon lang ang high school at pagkatapos ay pwede nang mag-vocational school na mura, nagkaroon pa ng dagdag na gastos sa extended high school na tinawag na “senior high school” na bukod sa mahal na tuition ay halos wala ring napapag-aralan ang mga bata.

 

May isa akong kaibigan na nagkuwentong ang nanay nila ay hanggang Grade Four ang inabot subalit naging matagumpay bilang negosyante na ang inumpisahan ay isang maliit na sari-sari store. Lahat silang pitong magkakapatid ay nakapagtapos ng mga matataas at mamahaling kurso tulad ng “Engineering”. Noong nasa elementary pa daw siya, tinuturuan niya ang nanay nila kung paano isulat ang tamang spelling ng mga pangalan ng produktong tinitinda. At, ang nakakatuwa, madalas daw umutang sa kanila ang principal ng kanilang eskwelahan…at lahat ng mga titser niya! Ang sabing pabiro sa kanya ng nanay niya minsan, “….kita mo na, kung naging principal ako, hindi ko kayo napag-aral lahat…”.

 

Yong isa ko pang kilala, hindi rin nakatapos ng high school kaya nagtanim ng palay at mais at namili pa ng mga ito, pati bigas bilang negosyo. Ngayon, may gilingan siya ng palay at mais at dumami na rin ang mga taniman ng palay, at may international resort pa na sikat sa internet!

 

Yong nakausap kong babae sa isang karinderya sa Sta. Cruz (Manila), akala ko ay katulong, yon pala ay may-ari. Hanggang Grade Two ang inabot subalit may karinderya pa sa Blumentritt, Cubao, Pasay at Baclaran. Yong isa namang akala ko ay driver ng isang SUV na mamahalin, yon pala ay mismong may-ari at ang malaking junk shop sa di-kalayuan ay kanya….hindi rin siya nakatapos ng high school.

 

Masama mang sabihin, pero karamihan sa mga kabataan ngayon ay lulong o adik sa mga gadget at barkada kaya maski simpleng report na gagamitan ng English ay hindi magawa….at karamihan ay mayayabang pa.  Makapag-submit man ng project na ni-research daw ay kinopya pa pati tuldok (period) at kudlit (comma) sa internet. Kaya pagkatapos gastusan ng magulang, pagkakuha ng diploma at maisabit sa dingding, balik uli sa mga bisyo – barkada, basketball, lakwatsa, at gadgets. Ang mga masisisi diyan ay mismong mga magulang at ang inutil na educational system ng Pilipinas!

 

 

Tungkol pa rin sa Impractical na K-12 Program ng Pilipinas

TUNGKOL PA RIN SA IMPRACTICAL NA K-12 PROGRAM

Ni Apolinario Villalobos

 

 

KUNG TALAGANG SERYOSO ANG GOBYERNO SA PAGTULONG SA MGA MAHIHIRAP NA MAGKAROON NG TRABAHO AGAD, POSIBLE NAMAN ITO KAHIT HINDI NA NAGKAROON NG K-12 PROGRAM. SA DATING SISTEMA, PAGKATAPOS NG 4 NA TAON AY “HIGH SCHOOL GRADUATE” NA AT MAY DIPLOMA PA, PERO SA KI-12, MAY KARAGDAGAN PANG 2 TAON BAGO MASABING “HIGH SCHOOL GRADUATE” , YON NGA LANG AY MAY PANTUKOY NA “SENIOR”.

 

NAKAKATAWA ANG PINAPALABAS NG K-12 PROGRAM NA KAILANGAN ANG 2 TAON BAGO MAKAGAWA NG DESISYON ANG ESTUDYANTE KUNG ANONG LARANGAN ANG ANGKOP SA KANYANG TALINO AT KAKAYAHAN SA PAGGASTOS NG KANYANG MAGULANG. ANG 2 TAON AY SOBRA-SOBRA KUNG ANG MGA ITO AY GAGAMITIN SA ANIMO AY “TRIAL AND ERROR” NA PAGPILI.  KUNG SA TESDA O IBA PANG VOCATIONAL SCHOOLS NA BUMABAHA SA MAYNILA MAG-AARAL AGAD ANG ISANG 4-YEAR HIGH SCHOOL GRADUATE, SA LOOB NG ILANG BUWAN LANG, SIYA AY MASASABI NANG DALUBHASA AT MAY CERTIFICATE NA BILANG PATUNAY, AT MALIIT ANG BAYAD. KUNG SA KOLEHIYO NAMAN MAGSE-SENIOR HIGH SCHOOL, HINDI BABABA 25 THOUSAND ANG BABAYARAN KADA TAON, AT SIYEMPRE IDAGDAG PA DIYAN ANG SASAYANGING 2 TAON!

 

KUNG MAGTATRABAHO SA IBANG BANSA ANG ISANG PILIPINO, ANG TINI-CHECK AY ANG KANYANG KARANASAN AT MGA CERTIFICATE NG TRAINING DAHIL ANG MADALAS NA INAAPLAYAN AY MGA TRABAHO SA HOTEL, RESTAURANT, OSPITAL, AT BAHAY BILANG DOMESTIC HELPER AT HINDI MGA POSITION NA PANG-MANAGER, KAYA BAKIT PA MAG-EENROL SA UNIBERSIDAD O KOLEHIYO PARA LANG “MAKAPIMILI MUNA” SA LOOB NG 2 TAON, GANOONG ANG AVAILABLE LANG NAMAN AY TUNGKOL SA PAGLULUTO, PAGMEMEKANIKO, PAGLILINIS AT PAG-AAYOS NG BAHAY, PAGKUMPUNI NG COMPUTER, PAG-ASIKASO NG MGA TURISTA – MGA VOCATIONAL COURSES NA PWEDENG MAKUKUHA SA NAPAKAMURANG SEMINAR AT SA LOOB LANG NG ILANG BUWAN?

 

BULAG YATA ANG GOBYERNO SA KATOTOHANANG NAGPAPALIGSAHAN ANG MGA KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD SA PAG-IMBENTO NG KUNG ANU-ANONG KURSO UPANG LALO PANG MAKAPANLOKO NG MGA MAGULANG AT KABATAAN. HALIMBAWA LANG AY ANG KURSO SA LARANGAN NG TURISMO….SA KABILA NG IISANG URI LANG NAMANG TRABAHO NA MAY KINALAMAN SA PAG-ASIKASO SA TURISTA, AY KUNG BAKIT NAPAKADAMING KURSONG DAPAT PAGPIPILIAN SAMANTALANG PARE-PAREHO LANG NAMAN ANG MGA SUBJECTS NA ITINUTURO!

 

SA K-12, ANG MGA MAY KAKAYAHANG KUMUHA NG MEDISINA, NURSING ABOGASYA, AT IBA PA HALIMBAWA, AY KAILANGAN NANG DUMAAN SA  2 PANG TAONG IDINAGDAG SA SENIOR HIGH, BAGO TULUYANG MAKATAPAK SA COLLEGE LEVEL. KAYA HUMABA NG 2 TAON ANG PANAHONG GUGUGULIN UPANG MAKATAPOS NG MGA NABANGGIT NG KURSO….MAHABANG PANAHONG GAGASUTUSAN NG MGA MAHIHIRAP NA MAGULANG!

 

SAMANTALA, KUNG ANG HINAHABOL LANG NAMAN NG GOBYERNO AY UPANG MAKAPASOK AGAD SA TRABAHO ANG MGA KABATAANG PILIPINO KAHIT SA LOOB NG PILIPINAS, ANO NGAYON ANG PAKIALAM NG EDUCATIONAL SYSTEM NG IBANG BANSA, NA PILIT NATING GINAGAYA?

Ang Bagong Sistema ng Edukasyon ng Pilipinas

Ang Bagong Sistema ng Edukasyon

Ng Pilipinas

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Nakakakuba ang mga libro ng mga bata sa elementarya dahil sa bigat ng mga ito na kailangang dalhin araw-araw dahil bawa’t katapusan ng tsapter ay may mga tanong batay sa mga napag-aralan. Kaya mas angkop na tawaging “work book” ang mga ito. Pero, may magandang layunin ba ang pagbago sa porma ng mga textbook? May magandang layunin – para pagkitaan! Maliwanag ang dahilan na ito ay para pagkitaan ng mga tiwaling opisyal na nakipagsabwatan sa mga suppliers. Pati junk shops kumikita dahil ang mga librong ito na hindi na mapapakinabangan pa sa mga susunod na pasukan dahil sa mga tanong sa bawat katapusan ng mga tsapter ay hahakutin sa kanila para ibenta por kilo.

 

Dati, ang mga magulang ng mga bata na magkakasunod ang pagtuntong sa mga antas o grado ay nakakatipid dahil namamana ng mga nakakabatang mga kapatid ang mga librong nagamit ng mga nakakatanda basta pag-ingatan lang, ngayon hindi. Obligado silang bumili ng mga bagong libro o magbayad sa mga eskwelahan na siya na ring nagbebenta ng mga ito tuwing pasukan. Bakit ang ganitong sitwasyon ay hindi maunawaan ng mga opisyal ng kagawarang responsable? Malaking halaga ang dahilan!

 

Maraming librong ginagamit ngayon sa elementarya, kaya sa halip na may matutunan ang mga bata, lalo lang nagdudulot ng kalituhan kaya wala ring silbi. Ibig sabihin hindi makatotohanan ang sistema. Bakit hindi tanggapin ang katotohanang ang mga magulang ang gumagawa ng mga takdang aralin ng mga anak nila pati na mga project? Kung ang inaasahan ng mga guro ay “follow – up instruction” itong maituturing, mali sila, dahil kadalasan, habang nagtutuluan ang ganggamunggong pawis ng nanay sa pagsagot ng mga tanong sa takdang aralin at paggawa ng project, ang mahal na anak naman ay nagko-computer o di kaya ay nanonood ng TV!

 

Ang dagdag kalbaryo sa mga bata at mga magulang ay ang karagdagang antas na kailangang tuntungan ng mga estudyante pagkatapos ng Grade Six. Hindi pinakinggan ang reklamo ng mga guro na siyang apektado, na hindi nakahanda ang sistema ng edukasyon. Una, kulang ang mga silid aralan sa mga pampublikong paaralan, at pangalawa, walang nakahandang kurikulum or “module”. May nakausap akong nanay na nagkwentong ang anak daw niya ay tinuturuang mag-manicure at mag-pedicure, magamit lang ang panahon na ginugugol nila sa paaralan.

 

Ang kailangan ay kagalingan sa pagtuturo na makakamit kung may mga programa sa pagpapakadalubhasa ng mga guro at may kaakibat na suporta ng sapat na budget, hindi dagdag na antas. Nakakalungkot isipin na upang madagdagan ang kaalaman, may mga guro na para lang makadalo sa mga training o seminar o makabili ng mga libro, ginagamit nila ang sarili nilang pera. Hindi maaasahan ang budget ng mga eskwelahan dahil kadalasan, pambili nga ng chalk ay inaabunuhan pa ng mga guro. Upang makabili ng mga walis at iba pang gamit panlinis, nag-aambag ang mga estudyante at mga magulang.

 

Lumabas sa TV ang isang dokumentaryo tungkol sa Kalayaan Island. Maganda na sana ang napanood dahil may ipinakitang paaralan at klase ng mga estudyante pero nakakadismayang marinig sa guro na hindi daw sila “credited” ng Kagawaran ng Edukasyon. Nguni’t dahil gusto ng gurong ito na may matutunan ang mga anak ng mga sundalo at iba pang mga tao na nagtiis tumira sa Kalayaan Island upang maipakita na pagmamay-ari ng Pilipinas ang isla, tuluy-tuloy lang ang pagturo niya sa mga bata. Bakit hindi ito inaasikaso ng Kagawaran ng Edukasyon?

 

Sa iba pang liblib na lugar, may mga paaralang butas-butas na ang bubong, halos wala nang dingding. Mayroon ding mga akala mo ay leaning Tower of Pisa ang porma dahil hindi diretso ang tayo, gawa ng mga kung ilang bagyong humagupit. Kung interesado ang Kagawaran na makakita ng iba’t ibang sitwasyon, maganda siguradong humingi sila ng kopya ng mga dokumentadong report ng GMA7, ang istasyon ng TV na matiyagang gumagastos upang maipakita at aktwal na maitala ang mga tunay na kalagayan ng mga eskwelahan sa iba’t –ibang panig ng Pilipinas.

 

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit mahina ang pundasyong edukasyonal ng mga kabataan? Mga kahinaang madadala nila sa paglaki nila at maging bahagi ng lipunan. May mga matatalinong bata ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataong ito ay malinang sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-aaral. Ang dahilan ay kakapusan sa pera ng pamilya nila, wala silang magawa kundi tumigil sa pag-aaral. Pinalala ito ng kawalan ng suporta mula sa pamahalaan.

 

Ang mga kabataang nakakapag-aral sa malalaking bayan at siyudad, bihira ang nakikitaan ng pagkaseryoso sa pag-aaral dahil sa mga nakakalat ng computer shops na ang iba nga halos ilang dipa lang ang layo sa mga paaralan. May mga batas na nagbabawal sa pagtatayo ng mga shop na ito malapit sa mga paaralan, ngunit ano ang ginagawa ng mga lokal na opisyal? Wala! Hindi nga nila maipasara ang mga bilyaran at beerhouses na animo ay kapitbahay lang ng mga paaralan, computer shops pa kaya? Ano ang ginagawa ng Kagawaran ng Edukasyon tungkol dito? Wala rin, dahil para sa kanila trabaho ito ng mga alkalde. Ngunit kung tutuusin ang apektado ay mga estudyante na dapat hinuhubog ng Kagawaran sa pamamagitan ng mga paaralan.

 

Kung may mga estudyante mang nagsisikap matuto sa kabila ng mga problema sa sistema ng edukasyon at kahinaan sa pagtuturo sa kanilang paaralan, iilan lang sila na maituturing na pag-asa ng bayan. Sana bago maging huli ang lahat ay mabigyan ng kaayusan ang kasalukuyang sistema sa edukasyon at pagtuturo na siyang inaasahan huhubog sa kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan. Mga ilang taon pa mula ngayon, ang mga henerasyon na nakatamasa ng maayos na paghubog ng kanilang pagkatao ay mawawala na. Papalit ang kasalukuyang henerasyon, nguni’t may maaasahan ba sa kanila ang ating bansa? Nagtatanong lang.

 

 

The Trail to Malipay (Molino 4, Bacoor City)

The Trail to Malipay

(Molino 4, Bacoor City)

By Apolinario Villalobos

My curiosity about Malipay Elementary School (Main), was kindled by a story about it, as a “small school that could be reached on a long trail that snakes through tall talahib grass”.

August 18, a Tuesday, saw me preparing for my jaunt to Malipay which is a Visayan word for “happy”. I was curious about “Amore”, the terminus of my trip on a multi-cab public transport. That was the information given to me by Mr. Antonio Laurio, Teacher In-Charge of the Malipay Elementary School (Main). I thought Amore was a sitio or barangay. To reach it, I took a multi-cab at the SM City-Bacoor for a 20-minute ride to SM-Molino where I took another multi-cab to Amore which I finally reached after 10 minutes of smooth travel along Daang Hari. There was no traffic as I made the trip at 7:00AM. I found out that Amore was a high-end subdivision, owned by the Villars. The locals use the subdivision as a landmark.

A fifteen minute walk from the highway took me to a junction where a foot trail starts for Malipay. There was a complete transformation of scenery. Behind me was the site of the high-end Amore and the wide road, while before me was the rolling terrain covered with talahib.  The trail really wound through clusters of talahib, as I found out, without a single tree around for even a bit of shade. At 9:00 AM, the heat was harsh and with the uneven corduroy trail, I had to gingerly find secure foothold most of the time. I surmised that the clayish soil must be giving locals hell on rainy days. After about twenty minutes of lonely trek, a motor rider overtook me. I asked the driver if I was taking the right trail to my destination. Aside from giving me a confirmation, he also invited me for a ride which I declined when I saw the almost deflated back tire of his motorbike. He was Jomell Flores whose house was incidentally, right behind the school.

When I reached the school vicinity, I went straight to the house of Mr. Flores who offered me a refreshing drink. After a short respite, I proceeded to the school where I was entertained by Mrs.  Levie Laurio, the school’s Guidance Counselor and wife of Mr. Antonio Laurio  who incidentally left that morning for a very important meeting. Mrs Laurio showed me the seven buildings shaded by moss-covered acacia trees, some of which were planted by her husband during his early days as one of the pioneering teachers. The buildings occupy the northern portion of the almost five thousand square meters campus. Their pink color contrasted well with the green surrounding, with one small area occupied by their “Aero Garden”.

One of the buildings is an unpainted structure intended for the clinic. Another small building has multi-functions – that of reception area, office of the Guidance Counselor, Teacher In-charge, and work area for the teachers. All rooms are observably spick and span with waxed floors. Mrs. Laurio confided that the small area occupied by the school campus and some houses outside the perimeter fence is the only piece of land left with trees. The rest of the sprawling and rolling areas are covered with talahib. From a distance,  the area referred to is like an oasis of relief under the scorching beating of the sun.

The school has no library, but to remedy the situation, books are distributed among the rooms depending on the subject, with some accommodated at the multi-functioning small building which is a clever idea.  There is no stage, not even a low or a small structure that could be used for special outdoor occasions. Just like their drainage system, the construction of which was sponsored by an NGO, it is hoped that another benefactor would donate a stage. During my visit, I also found out that the hand-pump of their deep well broke down again, which perhaps was an indication that it needs a total replacement, not just a repair.

The pupils numbering 231 and who belong to kindergarten up to grade six, live several kilometers away from the school. While trekking is good enough to reach the school during rainless days, it is a different story when the rainy season sets in according to Mr. Alejo Ignacio, one of the teachers. During the wet season, teachers with motorbikes leave their reliable two-wheeled contraption at the guardhouse of Amore, roll up their pants and slip into rubber boots to brave the almost ankle-deep slippery mud and nerve-wracking and almost an hour of hike to school. Meanwhile, I cannot just imagine how the children do it without rubber boots!

The children of Malipay Elementary School showed that, for the less fortunate like them, education really has to be earned the hard way. Their teachers on the other hand, not only share their knowledge with them, but practically go through the same sacrifice. And for such, I believe nobody ever complains, as the name of their school implies that despite their travails, they are trying their best to remain “malipay” or “happy”.

The Malipay elementary schoolchildren need general reference and story books for kindergarten and higher levels, as well as, pencils, ballpens, notebooks, raincoats, and umbrellas. And, in addition to those needs are a stage and brand new deep-well pump, too. This blog is trying to reach out to the viewers with sympathetic heart…

The Government should Review the Performance and Relevance of the Commission on Higher Education (CHED)

The Government should Review the Performance

and Relevance of the Commission on Higher Education (CHED)

By Apolinario Villalobos

There is an observed saturation of related courses in the colleges and universities which is the cause of unabated soaring of unemployment of yearly graduates in the country. Experts wonder what are causing the phenomenon which is a precursor of distress among the present generation. They look around, but failed to see the educational breeding grounds – the colleges and universities with their redundant courses.

When tourism boomed, for instance, there was an immediate scramble of colleges and universities in coming up with courses such as BS Tourism, Hotel and Restaurant Management, Airline Secretarial, and many others. All of them four-year courses, when all that the industry needs are people who can communicate well in different languages, especially, English, Japanese and Chinese. Hotels and restaurants need only waiters, bar tenders, cooks, front room personnel. Airline companies need only secretaries who are computer-literate, adept in filing and knowledge in office courtesy. Tour operators and agencies need only tour guides who are proficient in languages, as well as, office staff who can prepare tour packages, answer phoned-in queries, cut tickets, and make bookings. So why the tedious and expensive four years, then, when all the required skill can be had in two-years and several hours of on-the-job training?

The saturation of useless courses offering of colleges and universities is a clear sign that these institutions are not sensitive to what are happening in the country, especially, on the issue of unemployment. They just refuse to acknowledge the fact that their graduates languish in pitiful state of unemployment, after spending hard-earned money and time for four years. I wonder if the “intelligent” guys who run these diploma mills ever make simple analysis about the situation that even a simple cigarette vendor on the street understand. Yet, these institutions proudly display on tarpaulins outside their campuses, photos and names of their graduates who passed board and bar examinations….but beyond that, what?

Surveys are made about unemployment, but again, they never touch the source of unemployed graduates who have been idle for so many years and the shocked newly-graduates to find out why. The government mentioned something about “mismatching” of courses with the requirements of employers…and, the “concern” if ever it can be called such, ends there. Is the government so helpless, such that it cannot even issue mandates to colleges and universities to put a stop to their money-making ventures in the form of useless and redundant courses?

As a last recourse, why not just do away with CHED so that the money saved can be used in enhancing the programs of the Department of Education (DepEd) and TESDA?

All that the DepEd needs is a division or two to handle higher education or collegiate concerns which are all but, as mentioned, useless and redundant courses, while TESDA programs can be expanded to include specializations that may include trainings for flight attendants, cruise crew, flight ticketing personnel, airport check-in staff, reservations agents, tour package specialists, multi-lingual tour guides, in addition to what it already offers such as hotel servicing, development of building construction skills, and computer-related short courses. On the other hand, the colleges and universities should be mandated to streamline their course offerings that should jive with the demands of the current job requirements.

If “productivity” is what the government wants for the college and university graduates, then, a thorough review should be done if CHED is really doing its job or not. Unfortunately, it seems that such call is impossible under the present administration, as the latter is all praise to the agency for its “reports” that beautifully punctuate the SONAs of Pnoy.

The Library, Books, and Museum in the Philippines

The Library, Books, and Museum

In the Philippines

By Apolinario Villalobos

The library and museum are the brain and heart of a community, be it a village, town, city, province or a nation. While the library is the repository of books for the acquisition of knowledge, the museum is for the culture and history of the people.

History can attest that even pre-Biblical peoples took pains in recording snatches of stories, songs, legal transactions, medical instructions, etc. on slabs of stones, papyrus, shards of potteries and animal skins to be “archived”. Alexander the Great was known for his propensity of carting back home books and records as part of his war booties. That is how the famous library of Alexandria has amassed various collections that represented different cultures. Everything was saved and even copied for perpetuity by scribes.

On the other hand, other materials, aside from records and books were hoarded in repositories, the equivalent of which today are the cultural and arts galleries – the museums. One of the measures of the greatness of the early kingdoms was the quantity of hoarded war booties in these repositories.

Today in the Philippines, school libraries maintain only books that are not beyond five years from their date of publication according to the guidelines of the Commission on Higher Education (CHeD). The books beyond such prescribed period are thrown away as they have outlived their usefulness as references. On the other hand, the Department of Education, Culture and Sports (DECS) has condoned the conversion of textbooks into workbooks with the inclusion of test questions at the end of each chapter, practically making such references non-reusable at the end of each school year, so that tons of them find their way to junk shops. This practice is a glaring commercialization of the educational system in the Philippines – a shameless manifestation of greed. And, schools have “museums” that contain nothing but native handcrafted products. Schools that maintain these “museums” are not aware that old books from their libraries can be archived in such facilities. Obviously, their knowledge of the museum is limited to antique vases, jars, bowls, etc. – any item, except books!

If only the role of school libraries is seriously observed, old books in their custody, can then be properly catalogued for systematic archiving. It should be noted that there are some books that contain perpetual information. Lack of space for this purpose is not an acceptable excuse, as archiving is part of the library’s function in tandem with the school’s gallery or museum. Also, having an electronic section for references is not another acceptable excuse for discarding old books. Computer units could easily break down due to poor maintenance and intermittent power outage, leaving researchers helpless, especially during blackouts. In a third- world country like the Philippines, where the power supply is very irregular, especially in provinces, e-libraries have been proved inutile! That is why, for most schools, e-libraries are just for status symbol!…just for show!

When I had an opportunity to visit Germany for a backpacking tour with some of my mountaineering buddies, we explored its villages which are miles from cities. We were delighted to find libraries and galleries that contain books printed during the 1500s, some in early European languages. We do not find such in the Philippines as even the National Library is wanting of Filipino- authored books, how much more for historical ones. It is for this reason that Filipino scholars who do extensive research for a cultural and historical dissertation, would go to libraries in Spain and the United States where libraries that archive books about the Philippines can be found. On the other hand, in the Philippines, books printed during the 1800s are discarded by school librarians to be carted to the junk shops by junk collectors!

So now, do we ever wonder why, the intellect of the young generation of Filipinos, are so IT-dependent to the point of deterioration culturally? They see photos of sparkling white beaches of Boracay in the internet but they do not know to which province it belongs. One student when asked such question over the radio during a phoned-in quiz, answered that Boracay is in the province of Caticlan! Students see the image of the Philippine Eagle in the internet, but they do not know that it is the national bird. Some of them do not know where Camiguin is, etc., etc., etc.

Such is the unfortunate general state of the country’s repositories of the cultural and intellectual resources, as well as, the demeaning of textbooks due to greed, resulting to the deterioration of the country’s culture and educational system. Some teachers affirm my insistence that something must be done to “remedy” the situation.

But how can it be done when the agencies that are charged with responsibilities for the literary uplift of the people, are themselves replete with corruption? How can it be done when even most schools do not know what to make of their libraries to function sanely? How can the schools be effective in their role when they do not even know what archiving means? How can the country be saved from intellectual devastation with the tons of un-reusable textbooks finding their way to the junk shops at the end of each school year, leaving parents in a quandary where to find money at the start of each school year for the purchase of new set of text books?…resulting to most of them, losing heart in sending their children back to school!

Yes…to where is the insanity of our grossly corrupt educational system leading the country?

Ang Mga Bokasyon o Propesyon Sa Kasalukuyang Panahon ng Pilipinas

Ang Mga Bokasyon o Propesyon

Sa kasalukuyang Panahon ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Lahat tayo ay may pangarap sa buhay na nagsimula noong tayo ay nagkaroon ng muwang o sariling pag-iisip. Kadalasan ang pangarap natin noong ating kabataan ay naimpluwensiyahan ng sulsol ng mga mahal natin sa buhay, tulad ng magulang o nakakatandang kapatid. Maaari din na ito ay nahubog dahil sa nakita natin sa ibang tao na nakagiliwan natin. Habang lumalaki tayo, pabago-bago din ang mga pangarap dahil lumalawak na rin ang abot ng ating pananaw.

 

Subali’t sa panahon ngayon, marami na ang mga impluwesiyang-labas na nakakatulong sa paggawa ng desisyon kung ano ang propesyon na gusto talaga o ang bokasyon na tutuparin. Isa na dito ay ang kakayahan ng magulang sa pagtustos sa pag-aaral ng anak at ang kinakailangang trabaho sa iba’t ibang larangan, at higit sa lahat, ay kung ano ang kursong makakasiguro ng malaking sweldo. Kaya sa pagpili, hindi maiwasang madugtungan ang desisyon ng mga salitang “na lang”.

 

Sa panahon pa rin ngayon, dahil sa sitwasyong kawalan ng maayos na trabaho sa Pilipinas, marami ang kumukuha ng kurso na kailangan ng ibang bansa tulad ng pagiging nurse, na kung minalas dahil sa illegal recruitment, sa halip na ospital ay home for the aged ang bagsak, hindi pa legal ang estado ng trabaho. Ang pangangailangan ng nurse sa ibang bansa ay halimbawa lamang kung paano nadidiktahan ng pangangailangan ang mga dapat sanang kurso na ituro sa mga kolehiyo at unibersidad. Subali’t tila bulag ang mga nagpapatakbo ng mga eskwelahan dahil sa halip na tugunan ang mga pangangailangan sa teknikal na mga kurso ay mga pang-opisina ang nilalatag upang pagpilian ng mga estudyante. Kaya ang madalas na mangyari ay ang hindi pagtugma ng tinapos sa mga bakanteng trabaho.

 

Ang mga pinakapalasak na mga sosyal na kurso ay abogasya, accountancy, at management. Kung hindi man makapag-abroad, ang mga naging abogado ay maaaring pumasok sa pulitika at tumakbo bilang mayor muna, pagkatapos ay gobernador, pagkatapos ay kongresman, at pagkatapos ay senador. Kung medyo malakas ang hatak upang tumakbo bilang presidente, pero kailangang magfund-raising muna…gamit ang pork barrel. Yong mga abogadong may simpleng pangarap lang naman, pwedeng magbukas kunwari ng bupete o law office, pero ang gagawin ay mag-notarize lang, sigurado pa ang kita, maski walang hawakang kaso. Mahirap kasing mag-research at magsulat ng mga kung ilang pahinang mga dokumento para sa mga hearing.

 

Ang mga naging accountant o CPA, maaaring mag-apply pa rin sa anumang ahensiya ng gobyerno dahil ang ganitong propesyon na pwedeng magmadyik ng mga financial report ang kailangan upang maitago ang napitik na pondo. Lalo na sa ahensiyang namamahala ng budget ng gobyerno, kailangang magaling sa pagpalipat-lipat ng pondo upang maitago ang halaga ang pinitik na pondo, yong magaling magbura ng paper trails.

 

Ang management course naman, pwede pa rin sa gobyerno dahil nangangailangan ng magaling na mangasiwa ng mga pinangakong patung-patong at hindi natupad na mga proyekto, yong mga may budget na ay nasa papel pa rin. Kailangang maayos ang pag-manage ng mga filing cabinet na namumutok sa mga patay na mga dokumento at para hindi malito ang mga pamunuan kung ano yong dapat nang warat-waratin sa pamamagitan ng shredding machine, o kung ano yong kunwari ay active file na maipapakita sa media kung may maurirat na reporter na magtanong.

 

Yon namang gusto ay matikas ang dating, pagpupulis na lang ang papasukin lalo na yong mga dating drug addict na na-rehabilitate na daw. Kung sa pwesto na, tiyak, piyesta na sa mga nakumpiskang droga, may nai-enjoy na, may negosyo. Ganito ang katwiran ng isang nakilala kong pulis na PO1 pa lang. Bangag pa yata nang mamilosopo sa pagbigay ng katwiran. Alam ko naman kasi na hindi lahat ng pulis ay baluktot ang pagkatao. Meron ngang nagtitiyagang umupa ng maliit na kwarto sa mga iskwater na lugar upang makatipid at mapagkasya ang sweldo. Sila ang mga kahi’t minsan ay hindi gumawa ng kung anong kamalasaduhan madagdagan lang ang kita. Marami ang ganitong klaseng matitinong pulis, nadadamay lang dahil sa mga naligaw na bulok sa kanilang hanay.

 

Meron akong nakilala na seminarista, gusto daw niyang magpari na lang dahil konting salita lang, pera na agad. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Subali’t giit niya, ang pagpapari ay katulad lang din naman ng ibang trabaho. Kaya yong iba nga daw na hindi makatiis sa tawag ng kamunduhan ay naghuhubad na lang sotana upang mag-asawa. Sa pagmimisa daw kasi ngayon, may mga sobre nang nakalaan talaga sa pari – kanya lang. Sa tantiya niya, kung kada Linggo ay magmimisa daw siya sa apat na kapilya o simbahan at bawa’t isa ay may maipong mga sobre na ang kabuuhang laman ay dalawang libo man lang, tumataginting na walong libo ang kita niya. Idagdag pa rito ang mga basbas sa patay at mga pabinyag sa ibang araw naman– hindi bababa sa 60thousand ang kikitain niya sa isang buwan – para na rin daw siyang manager ng isang kumpanya. Mag-iipon daw siya bago mag-asawa.

 

Ang pinakamagaling na propesyon sa tingin ko ay ang pagiging titser. May kahirapan lang dahil maliit ang sweldo at kadalasang sakit na makukuha dito ay TB o sakit sa baga, o di kaya ay cancer sa larynx o lalamunan. Huwag nang banggitin ang ulcer, dahil talagang sa umpisa pa lang ay garantisado nang magkakaroon nito ang titser. Ganoon din ang sakit sa bato dahil sa pagpigil sa pag-ihi. Pwede rin ang cancer ng colon dahil sa pagpigil sa pagdumi kaya madalas ay nagreresulta sa pagtitibi. Ang malaking problema nga lang ngayon, marami na ang nagtatanong kung sino ang mga titser ng mga tiwaling mambabatas at opisyal sa gobyerno, dahil pumalpak daw sila sa pagturo sa mga ito! Mabuti nga lang at sa mga rally, hindi nasisisi ang mga titser ng mga militante sa pagbatikos nila sa mga tiwaling opisyal at mambabatas. Ibig sabihin, sa mga propesyon, ito pa rin ang pinakarespetado. Subali’t para sa ibang makukulit na militante, dapat daw na kanta ng mga tinutukoy na titser ay: “Saan ako Nagkamali?”.

 

Ang Pahamak na “F” at “Sh”

Ang Pahamak na “F” at “Sh”

ni Apolinario Villalobos

 

Usapan ng dalawang estudyante na ang hilig ay tumambay sa computer shop:

 

#1:       Pare…huwag na nating iboto si Brenda bilang presidente ng Student Council.

 

#2:       Bakit?…teka, yon ba yong babae na akala mo palaging bagong galing sa parlor dahil palaging nakaalsa ang buhok, kaya nagmukha siyang may pugad sa ulo?…yong inglesira, pero hirap namang mag-pronounce ng “th”?

 

#1:       Oo, pare…yon nga. Wala ka kasi kahapon nang nag-room to room campaign, eh. Okey na sana ang pa-ingles-ingles niya na may halong tagalog, pati ang pagtalsik ng laway niya kung mag-pronounce ng “th”, pero ang sama pala ng tabas ng dila niya.

 

#2:       Bakit?

 

#1:       Aba’y tawagin ba naman niyang utot ang buong klase! At may isa pang masamang salita na binanggit! Nakakahiya talaga at nakakainis! Pinagmukha niya tayong tungaw!

 

#2:       Aba’y masama nga…ano ba ang sabi?

 

#1:       Ganito kasi ang isang bahagi ng speech: “I am fighting for our karapatan bilang mga students na matatalino nitong university. Lahat I will do for you…and I want you all to be fart of my struggle! I will work hard na makinig ang administration to give us mga bagong upuan so that everybody can shit comfortably.”

 

#2:       Aba’y masama nga! Tinawag tayong utot ng kanyang pagsisikap? Ano siya sinuswerte? Aba’y kung mapapa-utot siya sa pagsisikap, sarilinin na niya ang pagbuga ng kabantutan…maski pa sa buong campus! Huwag niya tayong idamay! At pati ang pagdumi natin…wala na siyang pakialam doon. Dapat i-petition siya upang ma-kick out sa school!

 

#1:       Tagilid pare…ang tatay ni Brenda, pinag-iingatan daw ang  taynga ng Presidente.

 

#2:       Ganoon kalapit ang tatay niya sa Presidente? Nakakabulong sa Presidente ng Pilipinas? Bakit anong trabaho niya?

 

#1:       Private barber ng Presidente, pare….private barber!

 

 

Tagilid nga! Para bang kalsada na maski diretso, kung marami namang malalalim na lubak dahil dinaya ang pagkagawa, kinurakot ang budget… ang mga tao ay talagang patagilid-gilid sa pagtahak nito.