One Dish Meals- My Style

One Dish Meals – My Style

By Apolinario Villalobos

 

We admire blogged photos of one-dish meals, all foreign, such as salads, pastas, risotto, casserole, sandwiches, as well as those of our neighbor countries in Asia. What we fail to do is “fuse” them with our own available ingredients that are available all year round. Let us not limit ourselves in just admiring those photos. Worse, if they are available in local restaurants, we pay enormous sums for a small plate or bowl of any of them. The following are just some of my tried recipes. The idea here is saving on time, effort and fuel.

 

Pinakbet rice. In the rice cooking pan, top the rice with stringbeans, okra, squash, eggplant, bitter gourd, saluyot, tomatoes, garlic, onions and fish sauce (bagoong isda). Estimate the amount of water to be added, giving consideration to the vegetables that will also absorb some of the liquid. When the combined rice and vegetables start to boil, slightly stir for all the ingredients to mix well, and let it simmer till all the liquid has been absorbed. When cooked, allow at least twenty minutes before transferring them in a big bowl.

 

Pinakbet fried rice.  Sauté fish sauce in onion, garlic and tomatoes, add the vegetables that take time to cook such as stringbeans, okra and squash, followed by the batch of bitter gourd, eggplant and saluyot. When almost done, add cold rice, and continue stir-frying till completely done.

 

Heaven and earth. This is a combination of apples, ordinary potatoes, sweet potatoes and pineapple or half-ripe mangoes.  After having been washed and peeled, cube them and sauté in onion, tomatoes, garlic, and salt to taste, till done. In a big bowl, combine them with pre-cooked rice and sprinkle with chopped spring onion. Why the name? heaven refers to the apple and mango,  while the earth, to the potatoes and pinapple.

 

Tropical fried rice. Sauté bagoong alamang (but the best is the Iloilo ginamos) in onion, garlic and tomatoes, when almost done, add cubed pineapple or half-ripe mangoes and cold rice. Stir- fry the combined ingredients till done. Sprinkle with spring onions.

 

Neptune’s casserole. Stir fry the green mussels (tahong)  in onions and ginger, when the mussels open up, add  water, fried filleted galunggong, moringa or malunggay, and tomato sauce. Let it boil for three minutes and add the pre-cooked pasta. As a casserole it should be soupy. Any kind of pasta can be used, even the kind that Filipinos use in fruit or macaroni salad.

 

Fisherman’s fried rice. Stir- fry dried anchovies (dilis) till done, add onion, garlic, and tomatoes. Then, add cold rice, soy sauce or a little salt, and continue stir-frying till done.

 

Farmer’s fried rice. Stir-fry garlic and onion, add bagoong alamang.  When done, add cubed singkamas (jicama) and kamote (sweet potato),continue stir-frying till they are cooked. Add cold rice and continue stir-frying, till completely done.

 

Green fried rice.   Sauté  bagoong alamang in onion and garlic, add chopped pechay and camote tops, continue stir-fying till done. Add cold rice and pre-cooked malunggay, flavor with soy sauce.  Continue stir-frying till completely done.

 

You may have noticed that no meat is part of any of the recipes. The reason is my effort to scrimp, hence, the use of the cheapest and readily available ingredients. The jicama or singkamas is one of the best and versatile vegetable/fruit we have and it can be kept for months, and can also be used for different versions of lumpia or spring roll. When in season it is very cheap. The sweet potato is available year round, just like the ordinary potato. Since the apples will be cooked, the old ones can be purchased instead of the new ones.

 

The café foods that Filipinos enjoy as snacks such as pizza and hamburgher are actually one-dish meals. The pizza was initially referred to as the poor man’s dish, being an open sandwich – stale bread topped with leftovers and herbs found lying around and heated in the oven.  The same is true with the sandwiches. Ilocanos concocted their own versions but limited initially to pizza preparations. That is why, in the north, they have the pinakbet pizza and dinuguan pizza. The next time I know, there will be shops selling dinuguan and pinakbet burghers.

 

Necessity is the best teacher in the concoction of practical recipes such as those mentioned above. In my case, I need to scrimp for many reasons. I tried them all, nothing bad happened to me. So, I guess, they might be okey for you, too. I like them all, so I hope that you may like them, too.

 

 

 

Ang Pagkaing Pilipino at Ugali ng Ilang Kababayan Natin

Ang Pagkaing Pilipino

at Ugali ng Ilang Kababayan Natin

Ni Apolinario Villalobos

 

Ayaw ko sanang magsulat tungkol sa bagay na ito dahil alam kong maraming magagalit sa akin. Subalit hindi ko mapigil ang pagkainis minsang nanood ako ng TV na ang palabas ay tungkol sa mga pagkaing Italyano na pinagyabang ng isang broadcaster na nandoon dahil may kinoberan din siyang isang importanteng pangyayari.

 

Marami siyang mga ipinakitang pagkain na sa kanyang pananalita ay para bang hindi nakikita sa ating kapaligiran sa Pilipinas, tulad ng mga lamang dagat na pusit, maliit na pugita, kamatis, at iba’t ibang hugis ng pasta. Proud na proud wika nga – sa pagkaing Italyano! At ang huli niyang pinagyabang ay ang “risotto” daw, eh, ito ay kanin lamang na malabsa ang pagkakaluto na hinaluan ng mga lamang dagat, kaya siya mismo ay nagsabing, “parang arroz caldo na pinatuyo!”. Pero sa pagpapakita niya, ini-close up pa ang pagsubo, para bang sa Italya lamang ito kayang iluto! Ang ugaling kolonyal nga naman ng ilan nating kababayan…talaga lang!

 

May mga kababayan tayo na naa-appreciate lamang ang mga pagkaing Pilipino kung ang mga ito ay kakainin nila sa mga mamahaling restaurant o hotel. Tulad na lamang ng bulaklak ng kalabasa na naglipana sa mga palengke na iilan lamang ang pumapansin. Para sa iba, bulaklak lamang ito at nakakabahalang kainin. Pero, dalhin mo sila sa isang 5-star hotel, kung saan ang hamak na bulaklak ng kalabasa ay sinisilbi bilang sahog ng isang mamahaling sopas – at dadalawang piraso lamang na lulutang-lutang sa maliit na mangkok! Napapamangha sila sa sarap pero halos himatayin sa presyo. Eh, kung bumili ba naman sa palengke ng kung ilang bungkos, nagsawa na sila. Ito rin ang kapalaran ng bulaklak ng katuray na pinagmamaangang hindi daw kilala ng ibang Pilipino, pero nakakain pala nila sa mamahaling restaurant bilang ensalada.

 

May mga sawsawang banyaga na sinasahugan ng “anchovy”. Ang iba nating kababayan na may pagka-kolonyal ang pag-iisip ay bilib na bilib, imported daw. May de-lata pa nga nito na ang isang piraso ay napakamahal. Pero ang “anchovy” at bagoong dilis natin ay pareho lang! … na ang malalaki ay “monamon” kung tawagin sa hilagang bahagi ng bansa. Tinanggalan lamang ng tinik ng mga Italyano, sinabawan ng konting olive oil, at presto!…ginto na ang halaga! Mas matagal pa ngang tanggalin ang aftertaste nito sa bibig kaysa bagoong natin, eh.

 

Minsang may sinabihan ako na pwedeng ihalo ang konting sabaw ng bagoong-dilis sa mayonnaise upang matanggal ang umay nito, ang mga nakarinig ay napangiwi at napa…”huh?!!!. Subali’t noong sabihin kong paborito itong sawsawan ng piniritong isda ng isang maarteng artista na ang pamilya ay nasa pulitika na, sabi ng mga kausap ko, “talaga?!!!! Nawala ang pagkangiwi ng kanilang mukha, nalaman kasi na paborito pala ng isang taklesang artista – kaya gusto na rin nila! Dinagdagan ko ang impormasyon sa pagsabing puwede itong pang-“twist” ng carbonara sauce para sa spaghetti. Para hindi mapahiya uli, tumahimik na lang ang mga kausap ko.

 

Sa isa namang party na pinuntahan ko, ang isa sa pinag-usapan ng umpukang nasamahan ko ay tungkol sa veggie diet. Kilala ako ng karamihan sa mga kausap ko bilang vegetarian kaya halos ako ang nagsi-share. Nang banggitin ko ang “saluyot”, may isang senior lady na sa tingin ko ay hindi naman mayaman ang nagtanong, “ano yon?”. Sa inis ko, habang kinikindatan ko ang iba, sinabihan ko siya na ito ay “imported” na gulay, paborito sa Japan bilang sopas, pinupulbo at ginagamit din na panghalo sa mga pang-snack na inumin. Nainis ako dahil sa tanda niya, para bang nakakaloko sa pagsabi na hindi niya kilala ang saluyot, eh.., kung ituring sa bansa natin ay parang damo na lang. Pero sa totoo lang, isa ito sa mga ini-export na gulay ng Pilipinas sa Japan at ginagawa ngang sopas at sangkap sa snack drinks. Sa ibang bansa, lalo na sa Saudi, sinasapaw ito sa lutong chicken curry. Hindi ko lang natanong sa babae kung saang probinsiya siya galing.  Sa pagkwento ko sa kanya tungkol sa saluyot binaligtad ko ang sitwasyon dahil pinalabas ko na Pilipinas ang umaangkat nito at hindi nagpapadala sa ibang bansa.  Bandang huli, nagsisi rin ako sa ginawa kong biro, kaya hinanap ko siya para humingi ng dispensa pero hindi ko na nakita.

 

Sa internet, lalo na sa facebook, malalaman kung sino ang mga bloggers na makabayan. Sila yong buong pagmamalaking ibinabalandra sa kanilang pahina ang mga larawan ng pagkaing Pilipino. Makikita sa kanilang facebook ang mga larawan ng ginisang monggo, piniritong tuyo, bagoong alamang na may kamatis at sibuyas, tortang talong, maalat na itlog, mayroon pang sinigang na ulo ng bangus, pesang ulo ng salmon, adobong kangkong, at marami pang iba.  Ang mga bloggers na ito ay nasa ibang bansa – America, Europe, at ibang bansa sa Asia. Malayo ang asal nila sa ibang Pilipino na nandito mismo sa Pilipinas, na halos ikinahihiya ang mga pagkaing Pilipino. Nakakalungkot isipin na iilan lamang ang mga Pilipinong nagmamalaki ng mga sarili nating pagkain, kaya hirap makilala ang mga Filipino  restaurants sa ibang bansa, hindi tulad ng mga restaurant ng Indonesia, Malaysia, Thailand, at nitong huling mga araw ay Vietnam.

 

Dapat magtulungan ang mga Pilipino sa pagpapaangat ng sarili nating pagkain upang makilala sa buong mundo. Ang hari mismo ng Thailand ay nagsabing ipinagmamalaki niya ang patis na gawa sa Thailand. Magawa rin kayang makapagmalaki ng ating Presidente o maski na lang mga taong namamahala ng turismo o industriyang pangkabuhayan, ng isang partikular na pagkain natin? Ni minsan wala pa akong nabasa o narinig na may pagmamalaking endorsement na ginawa para sa produkto ng Pilipinas ang kung sino sa ating mga opisyal. Ang mga nababasa ko ay blogs tungkol sa balut, na ginagawa ng mga netizens. May mga nanay pa nga na ipinagmamalaki ang hindi pagkain ng anak nila ng pagkaing Pilipino tulad ng pinakbet o galunggong.  Madalas sabihin, “ewan ko ba kung bakit napakahilig niya sa hamburdyir!”.

 

Mayaman ang Pilipinas sa mga gulay at prutas na hindi pinapansin ng ibang kababayan natin. Hindi tulad ng ibang bansa na dahil sa apat nilang panahon, kaunti lamang ang klase ng mga gulay at prutas na kaya nilang itanim. Sinasabing, sa Pilipinas, maghagis ka lang ng buto o tangkay ng gulay sa isang sulok ng bakuran, ilang buwan lang may aanihin ka na. Subali’t napakalungkot dahil hindi ito binibigyang pansin. Mas gusto pa ng ibang Pilipino ang mga imported. Para bang gusto nilang ipahiwatig  na mga imported lamang ang masarap at masustansiya. Iyan ang isa sa mga balakid na hinaharap natin, kaya halos usad-pagong ang ating pag-asenso sa ganitong bagay.