Common Sense is the Best Aid for Legislation…not the limelight-flooded hearings

COMMON SENSE IS THE BEST AID FOR LEGISLATION

…NOT THE LIMELIGHT-FLOODED HEARINGS

By Apolinario Villalobos

 

 

No amount of cover up can deny the ultimate objective of the legislators in conducting “hearing in aid of legislation”. The two Houses keep on denying that they are courts of justice, yet the way they conduct hearings run contrary to their allegation. Hearings drag unnecessarily and are kept on being conducted despite the accumulation of inputs enough to frame a law or laws. It seems that dragging is intentional as the longer the hearings are conducted, the longer they get covered by media…and that’s for free, yet!

 

On the other hand, the situations that they are investigating do not need costly hearings at all. All they need is conduct sensible and honest-to-goodness researches, for which task, they are supposed to have hired Consultants and Researchers. Expenses for these are supposed to be part of their operating budget that runs into millions of pesos!

 

In the case of drug trade inside the Bilibid, for instance, how can these lawmakers not know that such activity is not only proliferating, but has even taken root, too deep, to be budged? How can they not know that something is wrong with practically the whole system of the penitentiary which is under the DOJ, as obviously, too, despite its having an Operating Manual? How can they not give attention to the exposes made since the time of Marcos on the anomalies that began as petty ones? How can they not know that the Bilibid has become bigger than an urban barangay or even two combined, complete with luxurious facilities?

 

On the extrajudicial killings….how can the legislators not know that they are offshoots of double-timing transactions among drug suppliers and their cohorts? How can they not know about drugs being recycled by the police and has become a lucrative business among these rogues in uniform, known as, “police ninjas”? How can they not know that there are vigilantes who take the law into their hands after suffering from disappointments on how cases of their victimized loved ones are shoddily handled by corrupt judges, so called, “rogues in robe”? How can they not know that even remote barangays have been infiltrated by the drug menace, and that hideous crimes, such as rape with murder, kidnapping, hostage-taking, and many others related to it are being committed almost daily?

 

Law makers can better use their tax-paid time in reviewing old laws that need to be updated rather than come up with many more that are just shelved due to lack of funds needed for their implementation. But then, millions are filched by corrupt officials from the government coffer!

 

 

Ang Pangako ni Binay tungkol sa Korapsyon at ang mga Tiwaling Mambabatas

Ang Pangako ni Binay tungkol sa Korapsyon
at ang mga Tiwaling Mambabatas
Ni Apolinario Villalobos

Pinangako ni Binay na kung maging presidente siya, ititigil niya ang korapsyon sa gobyerno. Sa sinabi ni Binay, naalala ko ang kasabihang, ang tao lamang na may alam kung paanong gawin ang isang bagay ang nakakaalam din kung paano ito makontrol o matigil. Hindi tulad ng ibang pangungurakot na diretsahan kung gawin, ang mga nangyaring katiwalian kasi sa Makati ay mistulang ginamitan ng “maskara” ng magandang layunin. Sa simula ay hindi nahalata dahil para nga naman sa mga senior citizens ang mga ito, pati na sa mga mahihirap na pasyente at mga estudyante. Subalit dahil sa kasabihan pa ring, walang naitatagong baho, sumabog ito at kumalat ang alingasaw na ikinadismaya ng mga Pilipino na nag-akalang nakakabilib ang mga pinaggagawa ng mga Binay sa Makati, na itinuring na “model city” ng bansa.

Ang nakakapag-alala lang ay kung sa halip na sawatahin ni Binay ang korapsyon kapag presidente na siya, tulad ng pangako niya…paano kung mag-iba siya ng diskarte dahil napatunayan nang pabago-bago ang takbo ng isip niya, ayon sa dating vice-Mayor niyang si Mercado na nagsasaksi sa mga kaso laban sa kanya? Hindi ito malayong mangyari dahil napatunayan ni Binay ang kahinaan ng mga batas kaya madali lang ang paggawa ng katiwalian.

Ang mga batas ng isang bansa ay ginagawa ng mga taong magaling humubog ng mga ito, lalo pa at karamihan sa kanila ay nag-aral pa ng abogasya. Subalit, sa Pilipinas iba ang layunin ng mga mambabatas – pansariling kapakanan. Sila rin kasi ang nakakaalam kung paanong paikutan ang mga kahinaan ng mga batas upang malusutan at pagkitaan ang mga ito.

Ang pinakahuling pagtatangka ng mga mambabatas upang “makaikot” sa mga batas, ay sa pamamagitan ng pagbago ng isang probiso ng Saligang Batas na sisingitan ng “unless, otherwise provided by law” na paraan daw upang hindi maabuso ang batas na may kinalaman sa pagpasok ng mga dayuhan upang mag-invest sa mga kalakalang may kinalaman sa yamang likas ng bansa. Ang mga tiwaling mambabatas ay nag-akalang hindi masasakyan ng mga Pilipino kung ano ang kahulugan ng isisingit na mga salita. Simple lang naman ang mangyayari: Kapag naisingit na ang gusto nilang linya, saka sila gagawa ng mga batas na aayon dito….na tumutumbok naman sa kanilang pansariling kapakinabangan! Kaya ang mangyayari ay katakut-takot na kurakutan…at legal pa dahil nakasaad na sa Saligang Batas!…ang tawag ko diyan, “Constitutionalized corruption”.

Naging sukdulan na rin ang pambabastos ng mga tiwaling opisyal sa mga batas ng bansa dahil sa pag-abuso naman ng “Temporary Restraining Order” o TRO. Kapag halimbawa, ay may kaso sila at kailangan silang suspendihin, tatakbo agad sa tiwali ring huwes na mag-iisyu ng TRO. Subalit kung isang ordinaryong mamamayan ang nakakasuhan, diretso siya sa kulungan.

Kung halimbawa lang naman na maging presidente si Binay, magpapang-abot sila ng mga tiwaling mambabatas na nakaluklok pa sa kanilang mga puwesto. Kapag nangyari ito, asahan na ang pagkalusaw ng ekonomiya ng Pilipinas! Dahil uso naman ang lipatan ng partido, yong mga sumisipsip kay Pnoy ay lilipat sa kanya upang tuloy pa rin ang masaya nilang pangungurakot!

The Problem with Legislation in the Philippines…its corruption and abuse

The  Problem with Legislation  in  the  Philippines

…its corruption and abuse

By  Apolinario   Villalobos

There is a move by Philippine Congress to amend a particular section of Constitution to accommodate the administration’s effort to entice foreign investors by liberalizing the provisions regarding this issue. The assurance of the Congress is that nothing else shall be   touched, except the insertion of the “unless, otherwise, provided by law…” which is self-explanatory. However, those four innocent and simply – spelled words could create disaster if triggered by another simple word – abuse. A dangerous scenario is that of future legislators coming up with laws that will favor foreign investors in exchange for favors. Future lawmakers will no longer be interested in pork barrels which are theoretically- scrapped, but in commissions from foreign investors favored by the law that they shall pass.

The Filipinos cannot be blamed for their distrust in Congress which ever since has been perceived as corrupt. There is now an apprehension that even liberal provisions that shall favor the establishment of Bangsamoro shall be inserted in the Constitution because of the four words. What will stop the corrupt lawmakers to make laws that shall be justified by such phrase?

The Filipinos are already suffering from the effect of laws that altered the economic system of the country. Foremost of these are those that privatized the basic service providers and deregulated the oil industry. It should be noted that even without the proposed change in the Constitution, somehow, existing laws as regards investment in the country are being circumvented to favor foreign parties with the use of Filipino dummies…so, why alter the Basic Law of the land, an act which clearly, shall cause an uncontrolled avalanche of corruption?

Not a single case on corruption and plunder has ever been closed under the Aquino administration. Practically, cases were exposed by the so-called “concerned” legislators, but obviously, their objective is just to earn media mileage. As if the plunder of the government coffer is not enough, now they want to distort the very Basic Law that serves as the sinews and essence of the Filipinos’ existence. Where has the common sense of the legislators gone?…or do they have such simple sense at all?

The Problem with Legislation in the Philippines…its corruption and abuse

The Problem with Legislation in the Philippines
…its corruption and abuse
By Apolinario Villalobos

There is a move by Philippine Congress to amend a particular section of Constitution to accommodate the administration in its effort to entice foreign investors by liberalizing the provisions regarding this issue. The assurance of the Congress is that nothing else shall be touched, except the insertion of the “unless, otherwise, provided by law…” which is self-explanatory. However those four innocent and simply spelled words could spell disaster if triggered by another simple word – abuse. A dangerous scenario is that of future legislators coming up with laws that will favor foreign investors in exchange for favors. Future lawmakers will no longer be interested in pork barrels which are theoritically scrapped, but in commissions from foreign investors favored by the law that they shall pass.

The Filipinos cannot be blamed for their distrust in Congress which ever since has been perceived as corrupt. There is now an apprehension that even liberal provisions that shall favor the establishment of Bangsamoro shall be inserted. What will stop the corrupt lawmakers to make laws that shall be justified by the phrase, “unless, otherwise, provided by law”?

The Filipinos are already suffering from the effect of laws that altered the economic system of the country. Foremost of these are those that privatized the basic service providers and oil deregulation. Even without the proposed change in the Constitution, somehow, existing laws regarding investment in the country are already circumvented to favor some parties with the use of Filipino dummies…so, why alter the Basic Law of the land, an act which clearly, shall favor the corrupt parties in the government?

Ang Karumaldumal at Nakakasukang Pagpapa-istaring ng ibang mga Kongresista ng Pilipinas

Ang Karumal-dumal at Nakakasukang Pagpapa-istaring
Ng Ibang mga Kongresista ng Pilipinas
…bato-bato sa langit, ang tamaan – may bukol!
Ni Apolinario Villalobos

Karumal-dumal na, nakakasuka pa ang istayl ng ibang mga kongresista upang makatawag lang ng pansin. Ang isang kongresista, nagpa-interview sa radio at TV dahil gustong imbestigahan ang nasunog na pabrika sa Valenzuela, Bulacan. Dahil ba ito ay sensational kaya naka-headline sa mga pahayagan at binabanggit palagi sa mga balita sa radyo at TV? Ang dami namang sunog na nangyari lalo na sa mga iskwater areas kaya libong tao ang nawalan ng tirahan at sa gabi ay kung saan-saang bangketa na lang sila natutulog… bakit hindi nila imbestigahan? Dahil ba mga iskwater lang ang mga biktima at hindi kinagat ang balita tungkol sa nangyari sa kanila?

Pagkatapos bayuhin ng bagyong Yolanda ang Leyte at iba pang lalawigan at naglutangan ang mga katiwalian sa pagpamudmod ng relief goods at cash donations, pati na sa paggawa ng temporary shelters, bakit hindi sila nag-imbestiga? Dahil ba, palaging nakikita ang pangulo sa mga eksena kaya hindi sila makaporma? Nang mabisto ang pagbenta ng mga relief goods at ninakaw pa ang mga ito na nakaembak sa mga bodegang may gwardiya, at na-video pa…bakit hindi sila nag-imbistiga? Dahil ba nagsalita at nagdepensa ang kalihim ng DSW? Malinaw namang maraming kaalyado ang administrasyon sa Kongreso, kaya alam ng taong bayan na namimili ang mga kongresista ng mga isyung bubulabugin para malagay sila sa balita!

Tumigil na lang sila at tumahimik dahil may kasabihan sa English na: “less talk, less mistake”. Pero hindi yata ito aangkop sa karamihan ng mga kongresista ng Pilipinas dahil kahit hindi sila magsalita o di kaya ay bubuka pa lang ang mga bibig, puro mistake na ang sumisingaw kasama ang kanilang hininga. Karamihan sa kanila ay utak-ipis na naboto lang dahil may pera at dahil kilala ang pamilya sa kanilang lalawigan! Yong iba naman ay naboto dahil kilala sa iba’t ibang larangan, tulad ng sport!

National ID system for the Filipinos?…are the lawmaker serious?

National ID system for the Filipinos?
…are the lawmakers serious?
By Apolinario Villalobos

To be blunt about it…how can it be possible, for a third world country like the Philippines whose agencies are not interconnected by an intricate and reliable IT system?…when even the signals of Telcos are weak and irregular, rendering the use of cellphones and computers unreliable?…when some folks in remote villages have not even seen a cellphone…or even bought a simple cedula or Residence Certificate from their barangay? These quixotic guys in Congress have been wasting precious time in deliberating on such a useless issue, when there are more important things to work on such as better and doable anti-flood program, and fast-tracking of the national defense system, to name just two.

As part of the SOP for an ID, it requires swiping in a verification machine, every time it is used by the holder. What if the holder lives in a remote town somewhere in the south where power outage is frequent? What will happen to his transaction? Will it push through even without the response from the nucleus agency that holds all the information? What is the assurance of every Filipino who will sincerely fill up the application form for the ID that the information about them will be secured properly, when these documents are filed just in unlocked steel cabinets or corrugated boxes? What penalty can be readily imposed on the irresponsible and corrupt employee who leaks confidential information to interested person or parties in exchange for a few thousand pesos?…if ever there will be, will it be implemented strictly? Can the agencies that will be given such responsibilities be trusted enough, in view of the DAP and pork barrel scam concerning ghost projects, etc. involving unscrupulous government officials and employees?

This impractical system will definitely encourage more kidnappings as all information of every Filipino will be exposed to criminal-minded individuals and parties. The lawmakers who thought about such are hypocrites, as they cannot even disclose their real assets, yet they advocate a system which stipulates severe penalties to those who will lie about their declared information! Also, it will just create chaos again just like other policies that do not have clear-cut implementation system and budget! The system will also open another avenue for corruption which has been prevalent in the government.

Clearly, just because the national ID system seems unusual, something special, the congressmen thought, they are doing a monumental job, something heavy, hence, an “impressive” cover up for their ineptness.

Binola Daw Siya ni Napenas…sabi ni Pnoy…..owww, talaga?

Binola Daw Siya ni Napeῆas…sabi ni Pnoy
…owww, talaga?
Ni Apolinario Villalobos

Ang isang libro ay may “preface” o “introduction”, ito ang nagpapaliwanag sa pinakamaiksing paraan kung ano ang aasahan ng mambabasa. Sa libro ng kuwento tungkol sa Mamasapano massacre ay mayroon din – ang talumpati o “paliwanag” ni Pnoy sa “prayer meeting” sa Malakanyang kahapon, March 9, 2015. Sa kanyang talumpati ay lalo niyang idiniin si Napeῆas na siyang may kasalanan, kaya kahit hindi niya diretsong binanggit, parang inabsuwelto na niya si Purisima na nakialam kahit suspendido. Sa naunang blog ko tungkol sa isyung ito binanggit ko na upang malubos ang paghuhugas-kamay niya sa pagbitaw kay Purisima, dapat idiin niyang lalo si Napeῆas, na dapat ay lumabas na ultimate na may kasalanan ng lahat….na ginawa na nga niya sa “prayer meeting”.

Maaaring ang “prayer meeting” sa Malakanyang na ang magbibigay “linaw” kung bakit na-delay ng tatlong beses ang report ng Board of Inquiry (BOI). Sa pinakahuling pangako ng Board na may tunog paniniguro ay sa Lunes o kahapon, March 9, 2015, na nila isa-submit ang report na gagawing isa sa pagbabatayan ng conclusion ng mga hearing ng Senado at pagsisimula na naman ng hearing ng Congress, subalit hindi nangyari at humingi uli ang BOI ng matagal na palugit. Inamin ng BOI na mga “facts” lamang ang kanilang ire-report. Ibig sabihin ay isa-“summarize” lamang nito ang mga resulta ng kanilang mga inquiries…walang analysis upang makagawa sila ng conclusion. Kung ganoon lang pala ang mangyayari, bakit natatagalan ang BOI sa pagsumite?

Hindi maiwasan ang speculation na dinodoktor ng Malakanyang ang mga “facts” upang mapalabas na walang kasalanan si Pnoy, kaya ito (Malakanyang) ang sinasabi ngayon na nasa likod ng pagka-delay ng pagsumite ng BOI summary. At, upang hindi mabigla ang taong bayan, nag-organize ang Malakanyang ng “prayer meeting” na magsisilbing “venue” ni Pnoy kung saan ay ilalahad niya ang lahat ng nalalaman niya – kuno. Kaya maituturing na talumpati niya ang magsisilbing “introduction” o “preface” ng BOI summary. Lumabas man ang “summary” report ng BOI, tanggal na ang mga “facts” na mag-uugnay kay Pnoy. Dapat kasing tumugma ang BOI “summary” sa mga sinabi ni Pnoy sa “prayer meeting” kaya dapat mauna ito kaysa BOI summary. Dahil sa nangyari, asahan nang sisentro ang BOI summary sa paninisi kay Napeῆas …na dasal ng mga taga-Malakanyang ay mag-aabsuwelto kay Pnoy at kay Purisima!

Subalit nakalimutan yata ng Malakanyang ang tungkol sa unang recorded investigation na ginawa kay Napeῆas ng mga representatives ng PNP, AFP at ni Roxas. Ginawan ito ng report ng ABS-CBN, at doon ay ibang-iba ang mga sinabi ni Napeῆas sa mga sinabi ni Pnoy sa “prayer meeting”. Ibig sabihin ay naunahan ni Napeῆas si Pnoy sa paglahad ng “katotohanan” sa likod ng Mamasapano massacre. Kaya hindi dapat umasa si Pnoy na 100% siyang paniniwalaan ng taong bayan. Ang isa pa, makailang beses nang nagsinungaling si Pnoy at mahilig maghugas ng kamay, kaya sa pagkakataong ito, paniniwalaan pa kaya siya ng taong bayan?

Kawawa si Pnoy dahil para siyang nakatayo sa kumunoy at ang mga salita niya ang nagbibigay ng bigat sa kanya, kaya habang nagsasalita siya tungkol sa kahit anong bagay ay lalo lamang siyang lumulubog. Baka, bago sumapit ang 2016, ay sisinghap-singhap na siya!
Maganda sana kung lumapit din si Napeῆas sa mga kamag-anak ni Pnoy upang humingi ng tulong…o di kaya ay sa asawa ni Clooney na isang international human rights lawyer, tulad ng ginawa ni Gloria Arroyo….wild suggestion lang ito. Ang dapat gawin ni Pnoy ngayon ay huwag niyang isama sa mga paninisi niya ang asawa ni George Clooney na international human rights lawyer, tuwing sisihin niya si Gloria Arroyo. Malay natin, baka after 2016, humingi din ng tulong si Pnoy kay Mrs. Clooney, at kung bakit, hindi ko na babanggitin…wild speculation lang din ito!

Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador…pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons

Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador
… pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons
Ni Apolinario Villalobos

Upang maging kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon nila sa Mamasapano massacre, dapat ay pumunta sa Mamasapano ang mga senador. Sa imbestigasyon kay Binay ay nag-spot check ang mga imbestigador, kaya dapat ay pumunta din sila sa Mamasapano dahil may narinig sa ibang senador na wala silang kaalam-alam sa kung ano ba ang hitsura ng lugar na pinangyarihan ng massacre. Baka kapag nakita na nila ang kapatagang tinamnan ng mais na tinakbuhan ng mga minasaker, kaya animo ay naging mga practice target sa shooting gallery ay mababawasan na ang mga walang katurya-turyang mga tanong nila na nagpapatagal lang ng imbestigasyon.

Dapat ay sumabay na rin ang mga nagmamagaling na mga kongresista, na todo ang self-introduction bago magtanong. Dahil sa ginawang self-introduction na kumain ng maraming minuto, kaunting panahon na lang ang natira para sa pagtatanong. Nang sitahin na ng moderator, nakipag-away pa. Doon sa Mamasapano, magsawa sila sa kaiimbistiga at sa katatanong…kung gusto nila, mag-overnight pa sila…magtayo ng tents sa gitna ng maisan kung saan ay minasaker ang mga bayaning SAF 44, para ma-feel nila ang ginagawang pag-imbistiga. Sana ma-meet din nila ang mga BIFF upang maimbistigahan din dahil namatayan din daw.

Dapat sumama ang hepe ng BIR upang ma-asses din ang bahay na tinirhan ni Marwan, kung may buwis bang maipapataw, at baka may makita rin siyang iba pa lalo na yong mga nagtitinda ng tilapia, daing na dalag, pastil at tinagtag. Isama si Dinky Soliman kung may dapat bigyan ng mga pinakatago-tagong relief goods na hindi “inubos” (bakit?) ipamigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda – kung may natira pa dahil sa nangyaring nakawan na “parang wala lang”.

Sumama na rin dapat si Mar Roxas dahil may mga nagtatanong kung may mga ongoing projects ang gobyerno sa Mamasapano, huwag lang siyang umiyak sa site. May nagtanong din kasi na kung maayos naman ang mga proyekto bakit may mga sumama sa grupo ng terorista (wow!!!). Kailangan ding sumama si de Lima bilang kalihim ng Hustisya for obvious reason. Sumama din ang namumuno ng Human Rights dahil maraming mga taga-roon sa Mamasapano ang namatay, pati na mga MILF at BIFF, at may mga taniman din ng mais na napinsala…kawawa naman ang mga magsasakang kababayan natin na nanginginig pa siguro dahil sa takot. At lalong dapat sumama si Purisima, upang ma-feel niya ang epekto ng “pagpayo” niya kay Napeῆas na huwag makipag-coordinate sa AFP at OIC ng PNP….dahil siya na daw ang bahala sa dalawa!…baka si presidente gusto ring sumama bilang “guest”…pagbigyan!

Huwag na palang isama si senadora Miriam dahil may sakit siya, lalo na at dumadanas ng cancer pain. Dapat siyang alagaan dahil sa hanay ng mga senador, siya lang ang may common sense at tapang na bumato ng mga nararapat na tanong sa mga resource persons. Sapat na yong ginawa niyang matapang na pambabara sa mga taong pakialamero maski suspendido, mga sinungaling at may sakit na kalimot sa Senate hearing na dinaluhan niya. Sana ay gawin niya uli ang pambabara sa susunod na hearing at baka sakaling may bumigay sa mga sinungaling, pagkalipas ng ilang gabing hindi pagkatulog dahil sa bangungot at kurot ng konsiyensiya!

Baka gusto ng mga pumunta sa Mamasapano na umupa ng eroplano ng Cebu Pacific nang makapag-avail ng murang pamasahe, siguraduhin lang nilang hindi sila mapagsarhan ng check-in counter…sigurado magmumura sila! Kailangan pala nilang mag-load sa cellphone dahil baka kailangan nilang mag-text…epektibo “yata” ito kaya may pagtitiwalang ginagamit na komunikasyon pati ng military at PNP….maski sa gitna ng barilan.

Suggestion o payo lang po ito…take it or leave it!

Isang Sulyap Kay Manny Pacquiao Bilang Kongresista

Isang Sulyap Kay Manny Pacquiao
Bilang Kongresista
Ni Apolinario Villalobos

Bilib ako kay Pacquiao – bilang boksingero, pero wala pa siyang napatunayan bilang kongresista. Ang pinakahuling pangarap niya bilang coach ng isang basketball team para sa PBA ay nalusaw nang ma-eliminate ang grupo. Hindi rin kinakagat ng publiko ang kanyang pagkanta, pati ang pag-host sa TV na hindi rin tumagal. Dapat maliwanagan si Pacquiao na ang bawa’t tao ay may nakalaang papel sa mundo, isang papel kung saan ang pagkatao niya ay talagang itinugma ng Diyos.

Dahil sa pinanggalingang kahirapan, parang gustong patunayan ni Pacquiao na lahat ay posible kung pagsisikapan. Tama siya. Subalit iba ang posibleng nagawa sa magagawang angkop na ayon sa inaasahan. Hindi yan nalalayo sa isang tao na gustong patunayang kaya niyang maipasa ang pagsusulit ng abogasya, na nagawa naman niya. Subalit hanggang doon lang siya, kung sa pagka-abogado niya ay hindi naman pala siya epektibo, dahil lahat ng hawakan niyang kaso ay puro talo.

Masigasig si Pacquiao at walang kapaguran kung mag-ensayo. Malakas siyang sumuntok at magaling ang mga istratehiya batay sa istratehiya ng mga kalaban. Ang mga ito ay katangian ng isang magaling na boksingero, kaya lumutang siya sa larangang ito. Subalit bilang kongresista ay wala pa siyang ginawa upang patunayan na epektibo siyang representative na dapat ay gumagawa ng lahat para sa ikauunlad ng kanyang mga kalalawigan dahil na rin sad alas ng kanyang pagliban. Madali sa kanya ang humugot ng pera mula sa kanyang bulsa kung kailangan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng ibang mahal niya ang kanyang mga kalalawigan. Subalit ito ay panandaliang konsuwelo lamang. Paano kung hindi na siya ang kongresista? Iba ang mga batas na naipasa at naitala nang panghabang buhay para sa kapakanan ng isang lalawigan.

Naging popular siya dahil sa kanyang pera…bilyonaryo siya, at sa kultura ng Pilipino, isa ito sa mga katangian upang makilala. Ang mga sinasabing batas daw na siya ang author ay hindi maikakailang gawa ng kanyang matitinik na mga tauhan sa opisina. May nagagamit siyang pera para kumuha ng magagaling na researchers at writers. Ganito naman ang mga kalakaran kahit saang opisina. May alam nga akong mga “kolumnista” sa magazines at diyaryo pero may mga “ghost writers” na ginagamit. Marami ring mga mambabatas na kahit simpleng talumpati ay pinapagawa pa sa mga “ghost writers”… panukala pa kaya? Kaya walang dapat pagtakhan kung may mga mambabatas na akala natin ay magaling subalit umaasa lang pala sa matitinik na ghost writers at researchers. Alam ko yan, dahil nadanasan ko ang ganyang trabaho.

Nagbitaw pa si Pacquiao ng paghanga kay Jejomar Binay na sa tingin niya ay karapat-dapat daw na maging presidente ng Pilipinas kaya siniguro niya ang kanyang suporta para dito sa 2016. Malinaw namang ginawa niya ito bunsod ng sama ng loob niya sa administrasyon dahil sa isyu ng tamang buwis na pilit pinababayaran sa kanya ng BIR. Alam ng mga Pilipino kung hanggang saan umabot ang ginawa ni Binay sa pagkamal ng salapi na kwestiyonable. Sa pinapahiwatig niyang suporta sa isang taong tingin ng mga Pilipino ay nangamkam ng pera ng bayan, pati ang kanyang reputasyon ay nalagay sa balag ng alinganin. Paano na ang pinipilit niyang pagpapakita ng isa pa niyang katauhan bilang “pastor”.

Bayani si Pacquiao dahil nagbigay siya ng karangalan sa Pilipinas ng hindi matawarang dangal, subalit sa larangan ng boksing lamang. Malaking kaibahan ang mga responsibilidad ng isang manlalaro sa isang mambabatas. Hindi rin magandang dahilan bilang pagsuporta sa kanya, na sabihing mabuti nga siya at ang kinita niyang limpak-limpak na pera ay galing sa boksing, hindi tulad ng sa maraming pulitiko na ninakaw sa kaban ng bayan. Hindi yan ang isyu…kundi ang tungkulin niya bilang kongresista na ang kaakibat ay tiwala ng mga kalalawigan niyang bumoto sa kanya. At nakadikit din dito ang reputasyon ng buong kamara na dapat ay inuupuan ng mga maaasahang mambatatas.

Matalino si Pacquiao at may pag-iisip ng isang negosyante. Naisip niyang sa pagboboksing ay malaking pera ang malilikom niya para sa mga darating pang mga araw lalo na kung magretiro na siya sa lahat ng pinagkakaabalahan niya. Sa puntong ito, kahit alam niyang may dapat siyang importanteng gampanan bilang kongresista ay pinipilit pa rin niyang paibabawin ang kanyang pagkaboksingero na maswete namang sinuportuhan ng mga kasama niya sa kamara, kahit kapalit nito ay mga pagliban niya. Ginagamit din kasi siya ng mga kaalyado niya dahil sa katanyagan niya.

Isang halimbawa si Pacquiao na pumasok sa pulitika gamit ang katanyagan. Kung ang iba ay ginamit ang pagka-artista, siya naman ay gumamit ng pagiging kampeon sa boksing. Samantalang ang iba naman ay ginamit ang pangalan ng angkan na nakalista sa kasaysayan ng bansa bilang mga tanyag na mambabatas. Ang mga Pilipino ay mahilig sa katanyagan. Ito ang dahilan kung bakit magulo ang pulitika sa Pilipinas, kaya hindi na dapat pang magtanong ang mga Pilipino kung bakit animo ay pusali ang kalagayan ng bansa dahil sa mga tiwaling nakaupo sa gobyerno. Pulitika ang dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas at mga Pilipino noon pa man, lalo na ngayon. Kaya ang malaking katanungan ay….sino ang may kasalanan?

Sa isyu tungkol kay Pacquiao, dapat lang siyang mag-resign, o kung hindi man ay magbakasyon, at hindi lumiban lang, upang hindi lalabas na niloloko niya ang taong bayan na tuloy pa rin ang pasweldo sa kanya tuwing may workout o laban siya. Huwag siyang mag-alala dahil barya lang naman ang suweldo niya bilang kongresista kung ihambing sa mga kinikita niya sa boksing. Ang tawag sa gagawin niya kung sakaling maliwanagan siya ay….delikadesa, common sense, o sense of fairness.

Kung katanyagan ang pagbabatayan sa pagbigay ng espesyal na konsiderasyon sa isang Pilipino dahil namumukod-tangi siya, dapat ang mga nagbigay ng karangalan sa bansa na tulad ni Lea Salonga, Charise Pempengco, mga beauty title holders, at iba pa ay dapat libre sa buwis at bigyan din ng iba pang pribiliheyo.

Walang dapat alalahanin si Pacquiao dahil para sa mga Pilipino ay bayani talaga siya sa larangan ng palaro…pero, magbayad din siya ng tamang buwis upang masabi niyang nakikinabang ang bansa sa kanya. Subalit ang pinakamalungkot ay ang malinaw na paggamit sa kanyang katanyagan ng mga mapagsamantala sa gobyerno…isang hudyat na talagang mahihirapang makaahon ang Pilipinas sa pagkalugmok dahil sa kultura ng Pilipinong pagmamahal sa katanyagan!

Ang Mga Malabong Gawin ng mga Opisyal At Mambabatas sa Pilipinas

Ang Mga Malabong Gawin ng mga Opisyal

At Mambabatas sa Pilipinas

ni Apolinario Villalobos

Kung noon, ang isinulat ko tungkol sa mga dapat gawin ng mga opisyal at mambabatas sa Pilipinas ay inismiran at dinedma, palagay ko, sa pagkakataong ito, may mga papalakpak, sabay thumbs up, at bigkas ng, “yan ang tama!”.

  1. Malabong umamin ng kasalanan ang mga mambabatas na sangkot sa mga kasong tongpats o kickback, yaong may kinalaman sa mga pang-uumit nila sa kanilang pork barrel. Nahirapan nga naman silang magpalipat-lipat ng mga kinupit na pera, sa iba’t ibang bank accounts upang mabura ang paper trail…malaking sakripisyo yon sa kanilang panig. Kaya kahit na ikamatay pa nila, at kahit na masasakripisyo ang dangal ng kanilang pangalan, no way silang aamin.
  2. Malabong magpakamatay o mag-resign ang isang opisyal dahil sa kahihiyan at kapabayaan niya sa trabaho. Bawal daw kasi sa batas ng Panginoon ang kumitil ng sariling buhay, kaya talagang sumusumpa siya na wala siyang kasalanan, tamaan man siya ng kidlat, at sa mata ng Diyos, siya ay tapat sa tungkulin. Hindi rin siya magre-resign dahil ayaw niyang sumaya ang kanyang mga kalaban, at lalong ayaw niyang iwanan ang puwesto na masaganang bumabalong ng milyones na grasya!
  3. Malabong itakwil ng mga mambabatas ang mga kaalyado nilang hantaran nang napatunayang may ginawang kasalanan sa mga imbestigasyon ng Senado. Hindi maaaring itakwil dahil kahit libo mang pahina ng report ang maglilitanya ng kasalanan, wala ring mangyayari….puro pakita lang. Baka ang sinasabing may kasalanan ay maging Presidente pa ng Pilipinas…tagilid sila! Marami nang beses na napatunayan, na ang “dark horse” ay nagtatagumpay…ibig kong sabihin sa dark horse ay yong hindi inaasahan, hindi kulay ng balat.
  4. Hindi maaaring tanggalin ng Presidente sa puwesto ang kanyang mga BFF sa gabinete na malinaw na may mga ginawang hindi kaaya-aya, dahil….BFF nga! Kulang na lang sabihin ng kanyang mga tagapagsalita sa mga Pilipino: “…asa pa kayo… ano kayo sinisuwerte?!”. Paano ang kanyang matuwid daw na daan? Ah, para sa kanya hindi problema….dahil pangako lang iyan. Hindi lang alam ng mga nagtataka kung saang libro o eskwelahan niya natutunan ang prinsipyo ng “ pagpako sa pangako”. Sa prinsipyo niyang ito, dapat isa lang ang gawin ng ng tao kung mangako siya….hanggang diyan na lang, at kailangang nakapako na. Nakasanayan na niya ang ganitong prinsipyo na buong tamis na pinamumutawi sa mga bibig, sabay ngiti ng ngiting aso na pagkatamis-tamis!
  5. Hindi maaaring magsalita ang Presidente laban sa Amerika, kahi’t may Pilipino nang namatay sa kahindik-hindik na paraan sa Olongapo kung saan ay nakahiligang palipasan ng libog ng mga walang konsiyensyang Amerikano. Kung paalisin nga naman ng Presidente ang mga Amerikano sa Pilipinas, pagpipiyestahan naman tayo ng Tsina. Hindi madaling manikluhod sa Amerika upang mag-display ito ng lakas sa kanlurang bahagi ng Pilipinas, makapanindak man lang sa Tsina. Siguro para sa kanya, hindi kawalan ang isang buhay sa isandaang milyong populasyon ng Pilipinas, kaya hanggang ngayon ay hindi man lang siya umiimik…ni hindi man lang nakiramay sa namatayan!
  6. Hindi maaaring hindi saluhin ng Department of Justice ang mga saltik ng pagbatikos sa Presidente dahil, yong Secretary ay nakalinya yatang isama sa lista ng mga kandidatong senador ng administrasyon sa 2016 eleksiyon…kaya kunting pakitang gilas naman! Sa pagkamatay ng isang transpinay sa Subic na si Laude, itinuro ng Malakanyang ang DOJ na siya nang bahala…kaya naman, salo na lang ito ng salo at inda ng mga pagbatikos ng bayan….for the sake of 2016 eleksiyon. Sigurado ay pakiyeme pang sasabihin ni de Lima na ano ang magagawa niya kung isinali siya sa listahan ng mga “mananalong” senador ng administrasyon.
  7. Hindi maaaring bilisan ang paglitis sa mga kaso sa mga bulwagan ng mga hukuman. Masuwerte nang may kasong matutuldukan sa loob ng limang taon. Nakakagulat ngang marinig sa balita na may mga kasong natuldukan makalipas ang labing-apat na taon! At ang kaso…pagnanakaw daw ng isang maliit na empleyado ng pamahalaan at ang sangkot na halaga ay wala pang limampung libong piso! Sinasabi ng ahensiya kulang sila ng mga abogado, walang budget. Sa pagdinig ng budget deliberation naman, sisisihin ng senado ang ahensiya kung bakit hindi ipinaglaban ang kakulangan ito, sabay tapyas sa budget nitong aaprubahan…nantakaw lang! At ang Supreme Court na walang magawa, tatahimik na lang kaya, kaya kahit na ang karumal-dumal na krimen, lalo na ang Maguindanao massacre, ay hindi pa rin nalulutas sa kabila ng mga ebidensiya, at makalipas ng mahabang panahon. Ni hindi rin kinu-convict ang mga promotor na mag-aamang Ampatuan.
  8. Hindi maaaring pagdadamputin ng DSW ang mga naglilipanang mga batang sumisinghot ng rugby, mga palaboy, mga nakatira sa bangketa, at mga nagkakalakal ng laman sa Avenida, Quezon Boulevard, Cubao, at iba pang sulok ng prostitution sa Maynila. Para sa ahensiya, palamuti ang mga ito ng isang third world country na bansa tulad ng Pilipinas…mga requirements upang makakalap ng mga donasyon, grants, at kung anu-ano pa mula sa ibang bansa. Masisira ang na-facial na mga mukha ng mga social workers kapag lumabas sila at mainitan. Bago matapos ang taon, magpapakita uli sila sa mga tv camera habang nag-iikot kuno, sa gabi, upang ipunin ang mga taong ito at “matulungan”. Pagkalipas na ilang buwan, balik na naman sa square one ang lahat, dahil hindi sila consistent sa kanilang trabaho. Kung sa bagay, may mabigat silang dahilan…mahirap kasi ang maging seryoso sa trabaho!
  9. Hindi maaaring bilisan ang paggawa ng mga evacuation shelters sa Leyte, Samar at kung saan pa mang nasalanta ng bagyo. Kailangang pitik-pitik ang mga project upang may panahon sa pagkuwenta ng maki-kickback mula sa pagbili ng mga materyales na mababa ang kalidad. Ganito rin kabagal dapat ang mga paggawa sa mga relocation shelters ng mga na-relocate na mga pamilya sa Maynila. Kailangan ding walang pasilidad upang mainis ang mga na-relocate na squatters at bumalik uli sa mga gilid ng ilog sa Maynila….masaya na naman ang kumikita sa relocation projects!
  10. Hindi maaaring magsabatas ng anti-dynasty dahil mawawalan ng tsansang umupo sa puwesto ang mga asawa, anak, uncle, auntie, pinsan, pamangkin, pati na driver at katulong upang tuloy ang piyesta ng pangurakot.
  11. Hindi rin maaaring isabatas ang freedom of information dahil ibibisto ng matatapang na mga taga media ang mga kademunyuhan ng mga tao sa gobyerno – opisyal, mambabatas, empleyado at mga kakutsaba nila!

Sa Pilipinas, dahil malabong asahan ng taong bayan ang mga dapat gawin ng mga opisyal at mga mambabatas, upang hindi ma-disappoint, dapat asahan na lang ang hindi ginagawa at magagawa ng mga buragwit at kawatang ito!