Nilapastangan ng PCSO Chairman ang Tiwala ni Duterte…dahil sa walang katuturan Christmas Party

Nilapastangan ng PCSO Chairman ang Tiwala ni Duterte

…dahil sa walang katuturang Christmas Party

Ni Apolinario Villalobos

 

Bulag yata at hindi nakikinig sa mga balitang paghihirap ng mga Pilipino at sa mga sinasabi ni Duterte ang Chairman ng PCSO. Kahangalan ang ginawang paggastos ng 14.3 million pesos para lang mapasaya ang ilang empleyado ng ahensiya. Ikinatwiran pang mas mababa daw ang gastos kaysa mga nakaraang ginastos…ANONG PAKIALAMAN NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NI DUTERTE SA NAKARAAN? …GALIT NGA ITO SA MGA KAPALPAKANG GINAWA NG MGA NAKARAANG ADMINISTRASYON!

 

BANTAD ANG BAGONG CHAIRMAN NG PCSO…WALANG PAKIRAMDAM DAHIL SA GINAGAWA NIYANG BATAYAN NG KANYANG MGA DESISYON ANG MGA GINAWA NG MGA NAKARAANG PAMUNUAN NG AHENSIYA,  AT ANG ISANG HALIMBAWA AY ANG NAKAKAHIYANG CHRISTMAS PARTY NILA NA OKEY LANG DAW DAHIL “NAKAMURA” SILA!….ANG MGA TAONG GANYANG MAY PAG-IISIP ANG NAGBIBIGAY  NG DUMI SA ADMINISTRASYON NI DUTERTE. ANG DAPAT LANG IHAMBING NG PCSO SA MGA NAKARAAN AY ANG KINITA NITO UPANG MALAMAN KUNG RELEVANT PA ANG AHENSIYA O HINDI NA.

 

Ang PCSO ay kinukunan ng gobyerno ng mga contingency funds kaya hindi dapat ituring na excess o labis ang mga kinikita sakali mang humigit sa kinita ng nakaraang taon. Mas malaki ang kinikita, mas pabor sa pamahalaan at sambayanang Pilipino na maraming pangangailangan, KAYA HINDI DAPAT PAGNASAHAN maski sino mang opisyal ng goyerno. Dapat ay iniipon ang mga sinasabi nilang “excess” sa budget.

 

Ginagawang dahilan ng PCSO chairman ang kagustuhan ng mga kawani  ng “cultural show”…bakit hindi siya kumuha ng mga grupo ng kabataang taga- Payatas o mahihirap na eskwelahan upang mag-perform….o di kaya ay mga batang Badjao upang magsayaw sa saliw ng tambol nilang yari sa lata at kantang Tausug?….nakatulong pa ang ahensiya. Isa pa, hindi naman siya pulitiko upang “manligaw” sa mga empleyado upang magustuhan nila. Siya ay presidential appointee at ang dapat niyang gawin ay magtrabaho nang maayos dahil ang kanyang pagtagal sa puwesto ay “at the pleasure of the president”….at, hindi dahil ayaw siya ng mga empleyado…maliban na lang kung i-sabotahe siya na madalas gawin ng mga tarantadong empleyadong protektado ng civil service eligibility pero wala namang binatbat…mga inutil at magaling ang sumipsip.

 

Ang malinaw ay inabuso ng Chairman ng PCSO ang tiwala ng presidente na todo-todo nga ang pagtitipid…KAYA ANG DAPAT SA KANYA AY SIBAKIN DIN TULAD NG GINAWA SA IBA PA. WALA SIYANG KARAPATANG HUMAWAK NG AHENSIYA NA SIMULA’T SAPOL AY TADTAD NA NG INTRIGA DAHIL SA MGA KUWESTIYONABLENG MGA PROYEKTO.

 

HINDI PRIVATE CORPORATION ANG PCSO ….YAN ANG DAPAT TANDAAN NG MGA NAMUMUNO SA AHENSIYA, LALO NA ANG PAPALIT SA SANA AY MASIBAK NA SA PUWESTO.