A Call from the Youth of the Land…Let Harmony Breed World Peace!

A Call from the Youth of the Land…

Let Harmony Breed World Peace!

By Ed Palomado

 

Let harmony breed peace the world over…yes!…give it a chance! That is our call, we, the youth of the land to you, our elders and parents with differing advocacies and views that have been splitting the world into segments of disparity. The world is a sphere and should have insured the smooth flow of relationship among men as there are no corners that serve as hindrances…that is why God made it as such.

 

We did not ask to be born into a world beset with chaos due to mere differences in the color of our skin and the diverse tongues that are supposed to bind the world together. Add to them cultures and traditions that have differing propensities.

 

We did not ask to be born into a world quivering on a foundation weakened by uncertainties as to what the future would bring. In the meantime, more innocent newborn are being brought forth as the hands of time tick with reminders about our hazy destiny. Where should we go from where we stand today?…yes!…where, beloved elders and parents?

 

Greed has pathetically overshadowed humane principles, having been fed by the unrelenting selfishness of many world leaders. And, pride has blinded the same arrogant leaders who do not give a damn while treading on the path leading toward aspired success that must be had at all cost. They failed to see the rights of others that they trampled to make their covetous desire come true. We, the youth are among the trampled, a misfortune that have cut short a life that could have made us savor what lies ahead of us.

 

Why must we, the youth, suffer for all of these?

Why can’t there be even a bit of tolerance for all the differences that ensued when God created humanity?

Why can’t tolerance be observed as a show of respect to what others believe in?

Why can’t there be just music instead of the cracking guns that spit forth death?

Why can’t there be love instead of hate?

And, why can’t we extend a hand of compassion, instead of one gripping a gun?

 

If we let tolerance prevail, there would be understanding…if we let love overcome our hate, there will be compassion….and, if we give harmony a chance, there will be a soothing and delightful tranquility, as everything would just fall into their proper places with synchrony that shall bring forth peace!

 

So, now I am asking again…why not give peace a chance to rule the world?

 

(An oratorical peace composed by Ed Palomado for a student in his speech clinic, and which I edited.)

 

Advertisements

Pagtatakda ng Pananampalataya na may Bagong Pananaw sa Mundo ng mga Dukha

Pagtatakda ng Pananampalataya

na may Bagong Pananaw Sa Mundo ng mga Dukha

ni Felizardo “Ding” Lazado

ANG mundo ay kubo ng mga dukha at palasyo ng mga mayayaman. Ang kubo ay napapaligiran ng maraming pananim…mga butil ng kahirapan at ang palasyo ay nababakuran ng bitui’t perlas ng karangyaan. Dalawang mukha ng buhay – mukha ng dukha at maskara ng may pera…………….

SA kabilang dako , bigyan natin ng pansin ang liriko ng awiting “Dukha”….”Kami’y anak mahirap. Mababa ang aming pinag-aralan. Grade 1 lang ang inabot ko, no read, no write pa ako, Paano na ngayon ang buhay ko. Isang Kahig, isang tuka …Ganyan kaming mga dukha” Tama ba si Freddie Aguilar sa kanyang awiting “Dukha’ ? Tama ba ang ama ng “Anak” na sabihin : isang kahig, isang tuka,,,ganyan kaming mga dukha. ? Tama ang mensahe, isang realidad ngunit mali ang pagkasabi sapagkat pinupuri ni Freddie ang ganoong kalagayan ng tao at lubos pa niyang tinatanggap na parang “birthday gift o kaya’y Christmas gift” ang KAHIRAPAN. Sa halip na isang kahig, isang tuka bakit hindi sinabing sampung kahig sampung tuka para marami na rin ang mapakain sa isang dukha.. Tayong mga Filipino ay talagang mahilig sa mga salitang matalinghaga, na para bagang napakatamis pakinggan itong pariralang “isang kahig isang tuka”……….

SA ating pagtanggap , pagpapuri at pagpapasikat sa akay ng kahirapan ay isang masakit na pagtanggap ng katotohanan na tayo ay walang kakayahan na umiwas o lumaban sa karukhaan. Isang kahig , isang tuka isang awit na naging mantra ng mga dukha na isinulat ng isang makatang dukha…………………

NGAYONG gabi, mga kaibigan, dito sa bulwagan ng NDEA ay sumambulat na naman ang panawagan ng NOTRE DAME EDUCATIONAL ASSOCIATION sa PAGTAKDA NG PANANAMPALATAYA NA MAY BAGONG PANANAW SA MUNDO NG MGA DUKHA.

SA usaping karukhaan o kahirapan, minabuti ng NDEA na mag-ambag ng ideya o bagong pananaw. At sino ang makapagsabi na baka ang ideya ng NDEA ay siyang katanggap-tanggap na solusyon sa problemang kahirapan? ARAW-ARAW ang radyo’t telebisyon , mga pahayagan at mga bunganga ng taumbayan ay hitik sa malagim na mga balitang kamatayan at karukhaan: Patay ang isang tatay dahil sa pagnanakaw. Patay ang isang binatilyo dahil sumungkit ng isang pirasong tinapay. Patay ang isang nanay na nagnakaw dahil tumalon upang iwasan ang mga pulis. Patay ang isang bata matapos masagasaan at tumilapon pa ang ninakaw na pagkain. Mga kaibigan ito ay ilan lamang sa mga tagpo…mga tagpo ng kamatayan sa lansangan na itinulak ng karukhaan. Silayan mo ang isang mundo sa ilalim ng tulay-  ayan nakaluray ang mga inakay na walang pagkaing iniwan ang tatay at nanay.. Sundan mo sa mabahong estero si Juan at si Pedro sa isang ektaryang sementeryo ang kanyang pamilya ay nasa loob ng nitso. Malagim na buhay . At marami pa diyan hanggang sa kanayunan. Hindi sila mabibilang ngunit kung bilangin mo ulit ang 7,100 na isla ng Pilipinas doblehin mo ang bilang at doblehin uli ang bilang – ganyan karami ang mga dukha…………….NGAYON anong bagong pananaw ang itutuon natin sa mundo ng mga dukha? Itatakda na lang ba natin sa pananampalataya ang mga dukha? Hanggang saan? Hanggang kaylan? ………….ANO ang itinuturo ng paaralan hinggil sa kahirapan,? Ano ang sinesermon ng simbahan tungkol sa karukhaan? At anu-ano ang mga dekrito ng pamahalaan para tugunan ang kahirapan?

Ang turo ng paaralan, ang sermon ng simbahan, at mga dekrito ng pamahalaan ay nag-umpisa pa sa kapanahunan ni Magellan na hanggang ngayon ay wala pang solusyon. Lalo pang lumalala……………ANG pananampalataya na walang kaakibat na gawa ay patay na tupa, iyan ay ayon sa Banal na Bibliya. Call me crazy ngunit ito ang masasabi ko: ang leksyon sa paaralan, ang sermon sa simbahan at dekrito sa pamahalaan ay pawang mga retorika lamang. BAKIT hindi natin bigyan ng daan ang makabuluhang ugnayan ng simbahan, paaralan at pamahalaan upang lumikha o magtatag ng BAGONG PAMAYANAN para sa mga dukha? Imposible ba na magkaroon ng SIMBAHAN, PAARALAN at PAMAHALAAN “PARTNERSHIP” sa diwa’t sigla ng kahirapan? The church, the educational institution and the government shall give way for the creation of a new human settlement for the poor………….

KUNG gustuhin pwedeng gawin ng simbahan na maglaan ng 10% mula sa lingguhang koleksyon. Kung gustuhin pwedeng gawin ng paaralan na maglaan ng 10% galing sa koleksyon sa magtrikula. Kung gustuhin pwedeng gawin ng pamahalaan na maglaan ng 10% koleksyon sa buwis. Sa isang taon mahigit sa isang milyon ang mailaan sa isang bayan sa bawat lalawigan ng Pilipinas. Magtatag ng superbody na mamahala nito. Labag sa batas? Tanungin ang Economous Council ng simbahan, ang Board of Trustees at Board of Regents ng paaralan, Department of the Budget and Management, Commission on Audit at Department of Finance ng pamahalaan upang talakayin ito. Ipaalam sa kongreso at senado upang magtatag o maglikha ng proseso. Makipag-ugnayan sa mga kritiko’t cause-oriented na mga grupo laban sa DAP at PDAF kung mayroon mang ganito upang mapalaganap ang transparency ng mga ito……………

HINDI ako naniniwala na ang simbahan ay poor. Sila ay may mga palasyo…Hindi ako naniniwala na ang paaralan ay poor. Sila ay may mga hotel at condo…Hindi ako naniniwala na ang pamahalaan ay poor. Sila ay may barko, eroplano yate, banko at palasyo. Ngunit ako ay lubos na naniniwala na ang sambayanan ay very poor…………..HUWAG nating sabihin na ipagdasal na lang at sambitin sa pananampalataya ang mundo ng mga dukha……………SANA walang FOREVER sa mga DUKHA.

(Note: Ito ay isang talumpati. Ang mga patlang na nilagyan ng mga tuldok at pinalaking mga titik ay pananda ng mga pagdiin na gagawin ng magsasalita. Itong talumpati ay gagamitin ni Bb. Vhon Padernal ng Notre Dame of Tacurong College, sa Oratorical Contest na gaganapin sa Notre Dame of Midsayap, sa darating na Notre Dame Educational Association (NDEA) Socio-Cultural Contest, sa Ika-22 ng October, 2015. Ang may-akda ay dating professor ng Notre Dame of Tacurong College, naging unang curator ng museum at event organizer ng nasabing kolehiyo, at “Ama” ng Talakudong Festival ng Tacurong City. Nagsimula siyang magsulat ng mga tula at sanaysay noong siya nasa elementarya pa lamang.)