Panahon na Kaya Upang Buwagin ang Commission on Human Rights?

Panahon na Kaya Upang Buwagin ang

Commission on Human Rights?

Ni Apolinario Villalobos

 

Personally, wala pa akong nalamang may ginawang kapaki-pakinabang ang Commission on Human Rights (CHR). Ang napansin ko pa, kung may isyung matunog, saka ito pumapapel upang makisalo sa interes ng madla…yon bang gigitna din sa eksena upang masapol ng limelight at mga camera.

 

Nabahaw na lang ang isyu sa masaker ng 44 na miyembro ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao, ay hindi man lang naringgan ng pahayag ang Komisyon na ito. Dahil kaya nananantiya at tila maraming masasagasaan lalo na ang Presidente? Kahit pa sinabing may mga kakasuhan daw na kung ilan ang  DOJ – mga sundalo at mga rebelde, subali’t, ano naman ang ginawa ng CHR?

 

Nabaon  na lang din sa kalimot ang Maguindanao Massacre ay wala ring narinig na maski paswit o matinis na sipol man lamang mula sa Komisyon na ito. Ang mga Ampatuan ay tila maaambunan ng grasya, kaya ang iba ay nakapag-piyansa na, at napapansin na rin ang kaluwagan sa kanila. Ano pa ang aasahan ng mga mahal sa buhay ng mga biktima kung ganito rin lang ang mangyayari? Wala bang “human rights” ang mga biktima at mga naghihinagpis na mahal nila sa buhay?

 

Ang mga iskwater na inilipat sa mga relocation sites na wala naman palang mga pasilidad na kailangan upang mabuhay ng maayos ay lalo pang naghirap, kaya ang iba ay nagsibalikan sa lunsod kung saan ay may mapupulot na basura upang ibenta…at upang may maipambili ng pagkain. Hindi ba “human rights” ang mabuhay kahit sa paraang isang kahig isang tuka? Hanggang tungkol lang ba sa mga bagay na may kinalaman sa pagpatay ang pakikialaman ng Komisyon na ito?

 

Ang mga Badjao at mga nagra-rugby na mga kabataang nagkalat sa kalye at bangketa, bakit hindi pakialaman ng CHR, ganoong nakita namang inutil din pala ang Department of Social Welfare pagdating sa bagay na ito? Hindi pakikialam kung sumawsaw ang Commission on Human Rights sa mga gawaing para sa mga tinukoy na mga taong dapat tulungan, kundi isang “pakikipagtulungan” sa mga ahensiyang dapat ay may direktang responsibilidad tulad ng Department of Social Welfare at mga local government units. Bakit hindi inspeksiyunin ng Komisyon na ito ang mga rehabilitation facilities ng mga local government units para sa mga kabataan? Baka ang iba ay wala pa ngang maayos na pansamantalang tirahan ng mga kabataan, kaya ang  “social welfare office” ng ibang local government units ay hanggang referral lang, kahit may malaking budget naman!

 

Ang mga biktima ng mga illegal na recruiters, bakit hindi asikasuhin ng CHR, lalo pa at hindi pa sila miyembro ng OWWA? Ang mga nabibiktimang OFW sa ibang bansa, bakit ayaw pakialaman ng CHR sa tulong ng kanilang international counterpart? Akala ko ba, bawa’t bansa ay may Commission on Human Rights. Bakit hindi sila naririnig tuwing may dumadaing na mga Pilipinong OFW na pinagmalupitan ng mga amo nila sa ibang bansa? Ang mga hindi makauwi dahil tumakas lang sa pagmamalupit ng mga amo kaya nagbebenta ng laman upang makaipon ng pamasahe…bakit hindi tulungan ng CHR?

 

Pagdating ng panahon, siguradong mababanggit  sa mga pahina ng kasaysayan ng bansang Pilipinas, na minsan ay may pangulong nagtalaga ng mga tao sa Commission on Human Rights, sa ilalim ng kanyang administrasyon, pero wala palang nagawa…

Faces of Exploitation

Faces of Exploitation

By Apolinario Villalobos

Exploitation can be viewed as the twin of greed. In the biblical legend about the garden of paradise where God put Adam and Eve with the latter created out of the former’s rib, the serpent exploited the curiosity of Eve, and the latter exploited the submissiveness of Adam who readily gave in to her prodding…that is how my simple understanding goes. All of these resulted to their being driven out of the paradise….the beginning of exploitation and betrayal of trust.

Today, exploitation has so many faces that the world practically throbs with it. From the moment a baby is born, exploitation is already doing its thing. For the mothers who prefer to have a comfortable delivery, they are charged by hospitals enormously and they are left with no choice. Mothers who deliver babies in the confine of pushcarts are left with no choice but buy expensive basic infant needs. When babies are supposed to be given a secured spiritual foundation, parents spend for their baptism. For the children to grow, supposedly, on nutrients, parents buy food from opportunistic merchants.

While the world throbs with exploitation, man breathes it. Practically, everything that man does is tainted with exploitation. Survival of the fittest has become the norm of life. If one is weak, he gets trod on by the strong. So now, we see weak countries that are overly dependent on economically strong ones. The more, that this disparity has become vicious with the strong ones aligning themselves to better exploit the weak.

No amount of hypocritical “assistance”, be they in the form of food or finances can hide the true intention of the “helpful big brother” countries. While they extend their right hand, their left hand behind them has crossed fingers. The purse of solace, being handed out, on the other hand, has a long string attached to it. “Grants” are debts that are contracted between the haves and the haves-not, renewed just before they are paid out, leaving the latter in the helplessness of seemingly eternal indebtedness. These are the two kinds of nations in the world today. The United Nations seems to play the role of a guarantor to ensure that this exploitation goes on.

At the rate the deterioration of peace and man’s morale values are going, thanks to the machination of the few strong nations, the world may eventually be “united” under them. Strong manifestation of this direction can be clearly discerned around us.

Ang Pagpapakatotoo

Ang Pagpapakatotoo
ni Apolinario Villalobos

Hindi kailangang magkunwari ang isang tao upang magkaroon ng kaibigan, kahit pa best friend. Kung ano ang tunay na katayuan sa buhay, ito ang dapat ipakita sa mga kaibigan.

May isa akong nakilala noon sa isang okasyon na ang impresyon ko ay mayaman, dahil may kotse, at ang mga damit ay hindi ang mga tipong nabibili sa sale o bargain section ng department store. Magaling siyang magdala ng iba pang burloloy sa katawan, hindi trying hard ang dating. At, sa maliitang umpukan na inuman, siya palagi ang taya sa gastos. Subalit ni minsan ay wala siyang inimbita sa kanilang bahay kahit sinuhestiyon na namin ito upang makatipid.

Sa isang hindi maiwasang pagkakataon, nagpatsek siya sa akin ng mga dokumento na kailangan niya sa kanyang trabaho…kailangang i-edit. Dahil emergency, isinama niya ako sa kanyang bahay. Doon ko nalaman na isang maliit na kwarto ang inuupahan niya, kasama ang asawa at dalawang anak, walang sariling kubeta at importanteng refrigerator. May computer siya pero lumang modelo. Ang kotse ay pinaparada niya sa harap ng barangay hall, isang bloke mula sa kanila, dahil eskinita ang daanan papunta sa tinitirhan niya na entresuwelo lang ng isang lumang bahay.

Nang magawa ko ang mga papeles, nagpasalamat siya sa akin at bibigyan sana ako ng bayad. Subalit tinanggihan ko, sa halip ay may hiniling ako. Nang tanungin ako, diretsa kong sinabing magbago siya. Akala ko magagalit sa sinabi ko, hindi naman, yumuko at tumahimik. Sinundan ko ang sinabi ko ng paliwanag na hindi niya kailangang “bumili” ng kaibigan. Dahil kaya naman ng suweldo niya, sinabihan kong lumipat ng tirahang maayos para sa kapakanan ng mga bata.

Mahigit isang buwang hindi namin siya nakita, kaya maraming naghanap sa kanya dahil nawalan nang maglilibre ng alak. Isang araw nakatanggap ako sa kanya ng text, may ipapagawa daw uli at magkikita kami sa isang lugar, ibinigay ang address na pinuntahan ko. Isa palang maliit na apartment sa Pasay. Nakalipat na pala. Ang ginawa niya ay ibinenta ang kotse upang magamit ang pera sa paunang bayad at deposito, ang natira itinabi para sa emergency.

Pagkatapos kong batiin sa bagong buhay niya, sinabi niya na noon pa pala niya gustong tumigil sa pagporma pero natatakot siyang mawalan ng kaibigan kaya panay ang gastos niya sa inom upang hindi sila mawala. Mula noon ay hindi na siya nagpakita sa kanyang mga “kaibigan”.

Dapat mag-ingat sa pagpapakita ng hindi totoong pagkatao dahil ikakapahamak lang ito. Gagamitin din ang ipinakitang impression na batayan ng iba upang makapag-abuso. Ang iba ay nakikidnap dahil akala ay mayaman kaya itinuturo sa kakutsabang kidnaper. Yong iba ay isinasangkalan sa mga kagipitan dahil ang akala ay may kayang makatulong sa pamamagitan ng pera na wala naman pala. Yong iba ay sinasakripisyo ang panahon para sa pamilya para lang maipakitang marunong silang makisama kaya halos hindi na maipagluto ang mga anak at asawa.
Ang tunay na kaibigan ay hindi kailangang bilhin sa pamamagitan ng pera at sobrang pakisama. Lulutang ang tunay na pakikipagkaibigan kung ang samahan ay walang bahid ng pagkukunwari at taos sa puso ang pinapakita.