The Brewing Trouble between Iran and Iraq will Definitely Crunch the Philippine Economy

The Brewing Trouble between Iran and Iraq

Will Definitely Crunch the Philippine Economy

By Apolinario Villalobos

 

A statistician’s mind is not needed to understand the negative effect of the trouble between Iran and Iraq to the Philippine economy which is founded on her export of labor to other countries, especially, the Middle East. Even a simple pedestrian will not think deeply what the OFW Filipinos will do in beleaguered Iran and Iraq now that they are at war with each other. Rather than be trapped, they will of course come home – back to joblessness. Worse, the government has not even decided on putting a stop, albeit, temporarily to deployment of OFWs to those countries. As usual, the government waits until the situation becomes uncontrollable and millions will be spent again for the hasty evacuations, and for failures, expect finger-pointing….again.

 

The government is inutile such that it has not come up with fallback programs for situations like this. What OWWA offers as its livelihood program in the form of loan is not reliable. A success story from this venture is yet to be heard or read or viewed.

 

The agriculture sector which should have been given attention very long time ago yet, is practically gasping for breath. Literally, it is dying, as the once rice and corn fields are converted now into golf courses and subdivisions. Had these lands been preserved, they could have been used as fallbacks for displaced OFWs. In the first place, the reason why they left the country is to seek a greener pasture, as they say, because they are exploited by loan sharks that control the price of their farm products. This fact is known even by a high school student. Why can’t the appropriate government agency or agencies do something about this problem?

 

Self-reliance in agriculture has never been in the priority list of the government. A very clear manifestation of this negligence is the unabated importation of agricultural products from other countries. And, the situation is aggravated by smuggling that further chokes the local farmers. There is no effort in improving the agricultural products such as vegetables and rice to make them competitive with those from other countries. Ironically, the International Rice Research Institute (IRRI) the cradle of knowledge for high-tech rice production is located in the Philippines, particularly, Los Baἧos, Laguna, where rice technicians of other countries learn the rudiments of high-tech rice farming. Yet, the Philippines imports rice from the countries of these foreign scientists!

 

Trading as a gainful venture in the country is left in the hands of foreign businessmen whose stalls cram the mushrooming malls. What is left to the Filipinos are the “bilao and bangketa” business, in which merchandise are patiently arranged in piles in the round bamboo winnower and sidewalk, or the “sari-sari store”, a hole-on-the-wall “grocery”. And, this is what the OWWA expects the displaced OFWs would do with their pittance capital that it loans to them.

 

It is a shame that despite the availability of funds that were exposed to have been just pocketed by the corrupt in the government, the Filipinos are left with nothing, especially, for the so-called new heroes of Philippine economy, the OFWs.

 

Expect again the Philippine government to promise labor contracts sought from other “safe” countries…but for how long will this exportation of labor go on? Why can’t the government do something about the home-based industries and revive agriculture which was the country’s primary revenue earner? Is corruption blocking the way?….your answer is good as mine!

 

 

Congratulations kay Secretary Lina!…lalo niyang pinasabog ang damdamin ng mga Pilipino laban sa administrasyon!

Congratulations kay Secretary Lina!

…lalo niyang pinasabog ang damdamin ng mga Pilipino

laban sa administrasyon!

ni Apolinario Villalobos

Malamang ay nagtitinginan ang mga taga-Malakanyang sa ginawang pambulabog ni Lina, bagong Komisyoner ng Bureau of Customs (BoC) sa nananahimik na mga OFW, na ang mga pamilya ay naghihirap at nagngingitngit na sa galit kay Pnoy dahil sa mga nangyayaring korapsyon na naging sanhi ng nakawan sa kaban ng bayan at kagutuman.

Ang tanong: PLANTED BA SI LINA NG OPOSISYON? Kung ang sagot ay OO…magaling sila!

Ayaw ko nang banggitin kung paanong nag-umpisa ang mga Lina sa kanilang mga negosyo dahil hahaba lang ang blog na ito…at isa pa, marami na rin ang nakakaalam. Tulad ng ibang “matitibay” ang kapit sa kanilang kinalalagyan ngayon, palipat-lipat din sila ng mga bakod, mula pa noong panahon ni Marcos.

Hindi inalintana ng administrasyon ni Pnoy ang sasabihin ng mga tao at mga kakumpetisyon sa negosyo ng cargo forwarding ang pagtalaga kay Lina bilang bagong Komisyoner ng BoC, dahil sa mga koneksyon nito sa iba’t ibang negosyo na may kinalaman sa cargo forwarding. Mapapaniwalaan ba naman ang sinabi nilang “pinutol” na nito ang kanyang mga koneksyon? Sino ba naman ang matinong magsasakripisyo ng pinaghirapang mga negosyo upang ipagpalit sa isang masalimuot na puwesto sa ilalim ng administrasyong uuga-uga ang pundasyon at iilang buwan na lang ang natitira sa pagpatakbo ng bansa…at kuwestiyonable pa ang mga accomplishments, kaya ang mga kandidadto sa 2016 ay mahihina?

Kung ang pinagbabasehan ni Lina ng kanyang nakakabiglang plano ay ang dating batas na ginawa ni Marcos, dapat ay nagkunsulta muna siya sa mga senador dahil ang maselang isyu ay may kinalaman sa lehislasyon na trabaho ng senado. Hinayaan muna sana niyang may gagawing bagong batas na dadaan sa proseso na siya naman niyang gagamiting batayan. At wala nang magrereklamo dahil may mga gagawing konsultasyon din sa mga grupong may kinalaman sa isyu ng balikbayan box. Yan ay kung talagang “tapat” ang kanyang “layunin” na kumita ang BoC para sa gobyerno. Subalit magkano lang ba ang kikitain sa isyu ng balikbayan box kung ikukumpara sa mga nakakalusot na mga kontrabando, na sinasabi ng marami na pinapalusot ng mga tiwali sa kagawaran?…na ang iba ay basura pa!!!!

Sinasabi ng BoC na sinisingitan ng mga OFW ang mga kahon ng mga mamahaling bagay para sa kanilang pamilya at yong iba ay nagagamit pa para sa droga. Bakit ngayon pa lang sila bumili ng scanning machines at bakit hindi sila gumamit ng sniffing dogs sa mismong BoC noon pa man? Sa kasalukuyang proseso, hinahayaan ng BoC ang pag-scan ng mga kahon sa mga receiving freight forwarding companies. Para bang sinabi nila na para wala nang tanungan at busisi-an, gamitin ang mga kumpanya na identified kay Lina.

Ang tungkol naman sa mga branded items na sinisingit daw, gaano kalawak ang kaalaman ng mga taga-BoC na original ang mga ito, ganoong alam naman nila na 8 out of 10 sa mga “branded” na produkto sa panahon ngayon ay peke? Nag-training ba sila para dito? At lalong walang sinabi ang mga shampoo, sabon, toothpaste, lumang damit, “Gucci” bag, sapatos, gamit na cellphone, at maraming pang iba na iniipon pagkatapos mabili sa mga “sale” upang makapuno ng isang kahon na nangyayari sa loob ng halos dalawang buwan kung ikumpara sa bilyon-bilyong pisong pinupuslit gamit ang malalaking container vans, at mga mamahaling kotse na idinadaan sa malalayong pantalan ng bansa!

Hindi pa ba kuntento ang gobyerno sa mga remittances ng mga OFW na ang iba ay nabubugbog at napapatay ng mga amo nila sa ibang bansa? Hanggang sa ganitong bagay ba ay bantad pa rin ang damdamin ng pangulo sa kalagayan ng mga OFW na itinuturing na makabagong bayani, at ang mga remittance ay isa sa mga inaasahan ng bansa? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nauunawaan ng gobyerno na kaya nangibang bansa ang mga Pilipino ay dahil walang trabaho sa bansa o kung meron man ay kontraktwal na ang sahod ay hindi sapat?

Malamang kung hindi sa banta na talagang lalangawin ang Liberal Party sa darating na eleksiyon ay hindi nagpasabi si Pnoy na huwag munang ituloy ang balak ng BoC. Pero, sorry na lang siya dahil sa kasabihan sa Ingles na: “the harm has been done”.

Ngayon, dahil sa ginawa ni Lina, dalawa ang problema ng Malakanyang: i-check kung planted siya ng oposisyon, at ang kampanya ng mga OFW kasama ang mga naghihirap nilang pamilya at mga kaibigan na ibasura lahat ng mga tatakbo sa ilalaim ng Liberal Party!

Dapat alalahanin na lahat ay nangyayari pagdating sa pulitika – kahit patayan ng magkakapamilya! At ang palipat-lipat ng mga pulitiko sa iba’t ibang “bakuran” ay isa pang malaking pruweba!

Pag-asensong sa Statistics Lamang

Pag-asensong Nasa Statistics Lamang

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi nakakatuwa  ang  pinagyayabang  ng gobyerno na umaasenso na ang Pilipinas at ang patunay dito ay ang mga numero sa  istatistiko, mga report at mga resulta daw ng surveys na ginawa.  Kamangha-mangha ang mga report!

 

Kaylan lang ay may lumabas na ibang report naman na mahigit sampung porsiyento ang walang trabaho ngayon kung ihambing sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Bilang pagbawi sa kahihiyang tinamo, napagdiskitahan ng gobyerno ang tatlong kalamidad na magkasunod na humagupit  sa bansa. Hindi naman mangmang ang Pilipino para maunawaan na ang sitwasyon na may kalamidad man o wala, talagang walang mahanap na trabaho ang maraming mga Pilipino na ang hanay  ay nadadagdagan bawa’t taon ng mga bagong gradweyt ng mga kursong walang pakinabang.

 

Ang palaging sinasabi ng gobyerno, maraming trabaho hindi lang tugma sa mga kurso. Siguro ang tinutukoy ng mga magagaling na nagpapatakbo ng gobyerno ay mga trabaho sa export processing zones – mga factories na ang tinatanggap  ay puro kontrakwal na panglimang buwan lamang. Tinutukoy din siguro nila ang mga call centers na ganoon din ang patakaran sa pagtanggap – kontrakwal. Kung meron man, bibihirang mga kumpanya na ang tumatanggap ng mga empleyadong gagawing regular. Marami akong nakausap na nursing ang tinapos, ang trabaho kung hindi sales girl sa mall, ay bilang drug store attendant. Mayroon  pa ngang Medtech ang tinapos pero ang trabaho, announcer sa bingo parlor o delivery agent ng pizza parlors. Matindi ang mga graduate ng management course na bumagsak sa pagwi-weyter. Yong isa, BS Tourism ang natapos, ang trabaho ngayon, nagtitinda ng mga cellphone cards sa labas ng mall. Sabagay bilib ako sa mga taong nakausap ko, dahil nagsisikaps ila at hindi nahihiyang bumanat ng buto – mga dapat tularan.  Kung pagtugma ng kurso satrabaho ang gusto ng gobyerno, bakit hindi nito kausapin ang mga nagpapatakbo ng mga eskwelahan upang matigil o di man kaya ay mapalitan ng mga angkop na kurso ang mga walang pakinabang?

 

May TESDA nga at maganda ang layunin, subali’t ganoon din ang nangyari – binaha ng mga kursong pang-abroad tulad ng pagwi-weyter, bartendering, hotel management at housekeeping, pati pang-construction tulad ng pag-welding,  paghalo ng semento at pangangarpintero, subali’t ilan ang nakaalis?  Ang problema kasi, walang pambili man lang ng passport ang mga manggagawa! Kaya ayon, ang mga certificate, nakasabit sa dingding.

 

May mga desperado na umutang sa “mobile banks” – mga Bombay,  20% interest sa loob ng 35 days. Pinamuhunan sa negosyong pambangketa dahil ito lang ang kaya ng inutang na pinakamalaki na ang 5 thousand pesos. Yong iba, sa bilao nilagay ang mga kalakal. Pero, nangawala din dahil sa mga habulan tuwing may sidewalk clearing operation ng MMDA!

 

Sa istatistika, ang tinitingnan lang yata ng gobyerno ay ang pumasok na puhunan mula sa mga dayuhan– malaki nga, pero tinitingnan din kaya nila ang kinita ng mga ito na  kanilang inilalabas ng bansa upang ilagak o ipamuhunan sakani-kanilang bansa? Paano kung biglang nag-alsa balutan ang mga  namumuhan at nag-goodbye sa Pilipinas? Kawawa  naman ang Pilipinong maiiwang nakanganga!

 

May mga natural resources ang Pilipinas, pero sino ang mga nakikinabang? Iilang opisyal sa gobyerno, ang iba mga mambabatas pa na umaming may mga logging concessions maski ipinagbabawal na ang mga ito. Nitong huling mga araw, pumasok ang  mga   nagmimina ng itim  na  buhangin sa hilagang panig ng Pilipinas at hayagan kung sirain nila ang mga dalampasigan makakuha lang ng itim  na buhangin na hinahakot ng mga naghihintay na mga barge o barko nila. Ang matindi, ang dating pinagkukunan ng lamang dagat ng mga kababayan natin na ilang oras lang ang layo mula sa kanilang bayan ay inaangkin na rin ng isang makapangyarihang bansa, ang Tsina, at sa harap nitong problema, walang magawa ang ating gobyerno.

 

Nakaka-high blood ang katotohanang pumunta sa mga bulsa ng mga tiwaling may  katungkulan sa gobyerno ang mga pondong dapat ay magamit para sa kapakanan ng mga Pilipino. Ang mga magsasaka na dapat kumita ay nasasapawan ng mga nagpupuslit ng bigas. Ang pondo ng Malampaya na pwede sanang magamit upang maisulong ang paggawa ng mga paraang pagkukunan ng alternatibong power supply ay nakukurakot. Ang perang dapat sana ay magamit para sa pagpapatayo ng mga  kooperatiba at pagsasanay ng ilan nating kababayan ay pinaghahatian ng mga sindikatong nagpapatakbo ng mga pekeng NGO at ilang mambabatas.

 

Di  hamak na mas angkop marahil kung ang i-report ng gobyerno ay ang                           istatistika ng mga nagugutom at walang trabahong Pilipino para kapani-paniwala, o para lahat ng Pilipino ay maniwala – wala nang magtataas ng kilay dahil talagang totoo naman!