Ang Pagmamalasakit ay Hindi Lang Dapat Para sa Tao

Ang Pagmamalasakit

ay Hindi Lang Dapat Para sa Tao

Ni Apolinario Villalobos

Ang sabi ni Francis, ang santo papa ng mga Katoliko, dapat magmalasakit ang tao sa kanyang kapwa….maging compassionate. Sa opinion ko naman, hindi lang sa kanyang kapwa dapat magmalasakit ang isang tao. Lahat ng nilalang ng Diyos na may buhay, kahit nga ang mga walang buhay tulad ng kalupaan, kabundukan, karagatan, at mga ilog ay dapat pagmalasikatan. Kung ang may buhay ang pag-uusapan, dapat kasama ang mga halaman at mga hayop na malaking bahagi na ng buhay ng tao. Samantala, ang mga hayop na sinasabing nananakit o mababangis ay hindi papalag kung hindi sila pinapakialaman ng tao.

May mga taong mahilig mag-alaga ng mga “laruang” hayop o pet, lalo na yong may lahi,  hindi lang upang makaaliw sa kanila kundi upang maging palamuti din sa bahay. At, dahil mamahalin, ginagamit din silang palatandaan ng karangyaan ng isang tao. Nagagamit na rin sila ngayon bilang therapies o pampagaling ng sakit, lalo na ang mga psychological. Sa mga taong talagang taos sa puso ang pag-alaga, okey ito. Ang hindi tama ay ang ginagawa ng mga taong nanggagaya lamang dahil sa inggit sa ibang meron ng mga ito. Bibili sila ng mga nabanggit, subalit dahil likas na walang hilig talaga, ay napapabayaan kaya nagkakasakit hanggang mamatay.

Ang kapalaran ng mga halamang pampalamuti ay hindi nalalayo sa nabanggit na mga hayop na binili ng mga naiinggit sa kapitbahay, kaya napabayaan hanggang mamatay. May mga tao kasing dahil naiinggit sa malagong halamanan ng kapitbahay ay nagtatanim din ng mga ito sa bakuran upang mapantayan o malampasan pa ang nakikita sa kapitbahay. Subalit dahil wala rin talagang hilig sa tanim kundi naiinggit lang, ni hindi nila pinapansin ang mga halamang nagkakandalanta dahil hindi nila nadidiligan.

Ang mga kahayupan sa gubat at kalawakan ay ginagamit na target ng mga mangangaso, pampalipas ng oras lang nila, kaya maraming endangered species ang nawala na talaga. Bandang huli ay nagtuturuan ang mga NGO at pamahalaan kung saan nagkaroon ng diperensiya sa pagpapatupad ng alituntunin.

Ang ibang mga nature lovers kuno, tulad ng mga scuba divers, snorkelers, trekkers at mountaineers ay nagmamalaking mahal nila ang kalikasan. Subalit kung umakyat ng bundok ay nag-iiwan ng basura nila sa camping sites. Hindi man lang nila naisip na magbaon ng trash bags upang lagyan ng basura upang mahakot pagbaba nila, kaya maraming kabundukan sa Pilipinas, na ang mga trails ay maraming candy at biscuit wrappers, aluminum cans ng softdrinks, upos ng sigarilyo, satchet ng instant noodle, sanitary napkin at toilet paper. Ilang taon na ang nakalipas, ang Mt. Everest ay isinara ng kung ilang linggo upang malinisan ang mga trails at camping sites sa kapatagan hanggang sa tuktok na tinambakan ng mga empty oxygen canisters, mga bote, at iba pang klase ng basura.

Ang mga dalampasigan o beaches, tulad ng mga kabundukan ay nasasalaula din ng mga burarang nature lovers kuno at mga negosyante. Ang isang halimbawa ay isla ng Boracay na puno ng mga naglalakihang resorts at hotels na ang septic tanks ay tumatagas sa dagat kaya tinutubuan na ng mga lumot ang ilang dalampasigan, tanda ng pagkakaroon ng mikrobyo sa tubig-dagat. Hindi sapat ang sinasabing paghakot ng basura at sinipsip na dumi mula sa septic tanks at dinadala sa Caticlan, na ginagawa ng gobyernong lokal, dahil hindi naman perpektong nakakalinis ang mga ganitong mga paraan.

Ang mga bundok ay kinakalbo ng mga illegal loggers na ang iba ay mga gahamang opisyal ng gobyerno at ang iba naman ay dummy ng mga foreign financiers. Animo ay minamasaker nila ang mga kabundukan. Kaya tuwing tag-ulan, ang rumaragasang tubig mula sa kabundukan na nagdudulot ng baha sa kapatagan ay kulay brown o pula, na ibig sabihin, mga lupa silang hindi na napoproteksiyunan ng mga ugat ng mga kahoy o mga damo man lang. May mga yumamang iilan, subalit ang nagdusa ay libo-libong mahirap na mamamayan, at ang masakit pa, ay mga dayo ang yumaman!

Ang mga bigtime na mangingisda ay gumagamit ng makabagong mga instrumento na kumakayod sa sahig ng karagatan, kaya lahat ng madaanan ay tangay – mga korales na kung ilang milyong taon na ang gulang, mga maliliit na isda, at mga inahing isda na dapat ay mangingitlog pa lang.  Ang ilan pa ay gumagamit ng lason at dinamita, at itong mga tao ang may gana pang magtaka kung bakit nauubos ang mga isda malapit sa dalampisagan kaya wala na silang mahuli!

Ang tao pa rin, sa kagustuhang umasenso agad ay gumagamit ng makabagong teknolohiya para sa mga pagawaan. Gagamit ng langis upang magpaandar ng mga makina, at ang latak ay tinatapon sa ilog na dumadaloy hanggang sa dagat o lawa. Ganoon din ang mga nagmimina na ang latak ng kemikal na ginagamit sa paglinis ng namimina ay iniimbak sa mga reservoir subalit ang katatagan ay hindi mapagkatiwalaan, kaya pagdating ng panahon ay tumatagas rin kaya sinisipsip ng lupa na ang resulta ay pagkalason ng mga nakapaligid na bukal. Kung ipampaligo ang tubig mula sa mga ito, sakit sa balat ang dulot, lalo na kung gamitin sa pagluto na ang dulot ay tiyak namang kamatayan. Sa isang banda, ang usok mula sa mga pagawaan ay pumupunit sa kalawakan na dapat ay humahadlang sa tindi ng init ng araw na tumatama sa mundo.

Pagkagahaman at kawalan ng pagmamalasakit ang dahilan ng lahat ng mga nabanggit, at kakambal na yata ng tao. Walang mangyayari sa panandaliang pagsasantu-santohan upang makapagpakita ng pagmamalasakit dahil sinabi ng santo papa. Kailangan nating maging consistent o tuluy-tuloy sa pagpapakita ng malasakit. Paanong maisasakatuparan ito kung ang maayos na pagtapon nga lang ng basura mula sa bahay ay hindi nagagawa kaya naaanod sa mga ilog, dagat, at estero? Kaylan tayo magbabago?

The World Becomes Eerily Silent…

The World Becomes Eerily Silent…
By Apolinario Villalobos

The world becomes ghostly silent –
…without the chirps of the birds
…without the splash of the ocean waves
…without the undulating leaves caressed by the wind
…without the cry of the newborn baby wriggling in the crib

Can we let the eeriness of silence
be broken by the burst of guns
and explosion of bombs?

Can we let the eeriness of silence
be broken by screams and shouts
of those tangled in deadly bouts?

Think about these…before it’s late!!!!

Thoughts in Loneliness

Thoughts in Loneliness

By Apolinario Villalobos

 

Alone with just the whisper of the wind that breaks the silence,

the moment of bliss seems to float me on the ocean of happiness.

Mind void of frenzy, becomes filled with thoughts…overpowering

And like in a forest, they all become jovial birds…singing, chirping.

Meandering thoughts bump each other in my once empty mind

And, puzzling though, got to choose just one of them at a time:

 

-on the world that seems to shatter…is there hope?

 that, even at the last moment

 whatever remains of its innards

 be spared to weld its fragments

 long molested without diffidence?

    

-on man’s greed, selfishness…will he still survive?

 despite never ending quest for more

 that stacks up hatred from disquieted

 who hesitate to act for the sake of unity

 but now feeling abused due to disparity?

 

-on man’s blatant arrogance…to where does it lead?

  when his reason for being, he questions

  thinking that a force alone has made him

  into what he is now, thinking all the while

  with intelligence, to no one he’ll reconcile?

 

-on the children’s gleeful prancing…will this go on?

  when the air they breathe, stained with death

  fill their aching lungs, makes their head spin

  and the river they wade in is grossly infected

  but, sadly makes only a few sincerely worried?

 

-on oceans and forests…how long can they hold on?

  for the sake of the fish and others on ocean floor

  the birds seeking shelter on their lush, cool foliage

  and many other creatures that call them their home

  when dynamites and chainsaws spelled their doom?

 

Alas! All I can do is shiver in anger and helplessness

With those thoughts in my abject state of loneliness…   

Ang Paghihirap ni Inang Kalikasan

Ang Paghihirap ni Inang Kalikasan
Ni Apolinario Villalobos

Sa kanyang sinapupunanun ang pintig ng buhay ay nalinang,
Nagkaroon ng iba’t ibang anyo – hugis, kulay at mga katangian,
Na nagdulot ng paghihirap niya sa halip na maging kayamanan.

Dumami ang tao, isang anyo ng buhay
May malawak na pag-iisip, siya’y matalino
Ang masaklap nga lang, siya’y naging gahaman
Pagkagahamang nagpahamak sa buongsangkatauhan!

Dahil sa pagnanais niyang lahat na lang ay kanyang makamtan
Hindi alintana kung sino at ano ang mapapahamak, masagasaan
Kaya’t walang patid kung siya ay humataw ng mga pagkamkam!

Biyayang likas ay hindi niya inalagaan
Nasalaula’t nasira dahil sa kanyang kaburaraan
Di man lang niya naisip na itong pagkakamali
Ay di maiwawasto, tumiwarik man siya sa pagsisisi!

Mga kagubatang nakalbo na, mga palanas na wala man lan gpuno,
Mga dalampasigan na dati’y kay igayang lakaran, ngayo’y itim na,
At ang inuugoy ng matamlay na alon- mga umaalingasaw na basura!

Hanging kaysarap langhapin, naging lason
Ulan na inaasam-asam, ngayon ay hindi na mainom
Mga bukal na bumulwak ng tubig, malamig at matamis
Wala na sila, natuyo pati na ang mga dinadaluyang batis.

Hanggang kaylan matututo ang tao, isip ay mabuksan upang magbago?
Hanggang kaylan tatagal, paghihingalo’t paghihirap ng Inang Kalikasan?
Makakaya pa kaya ng tao na ito ay tuluyang mapigil o di kaya’ymaibsan?

The Slow Death of Mother Nature

The Slow Death of Mother Nature

By: Apolinario B. Villalobos

            Ever wonder why Mother Nature seems to be losing her balance lately?  It’s because of indifference and greed of most of the world’s denizens. Actually, one need not take a second look at what are happening around to understand what the question asks.

We are destroying the very womb that conceived the molecule from which man emanated. Although religion and pure science differs tremendously as to how man and where man originated, it boils down to one source – Mother Nature.  It is unfortunate that in time, as man further developed his knowledge on life in general, greed is not far behind, bred by the unquenchable need for survival.

Mother Nature is the essence of life.  She is the thread that weaves the earth together into an immense globe of life. We all live because of a system which science dubbed symbiotic relationship.  It is a system that works by inter-living or in the layman’s language – giving and taking.  All creatures accommodate each other in a way that everyone  becomes dependent to each other. The system is also like that of a clock that functions properly if all parts are likewise functioning accordingly.  A breakdown of one part causes the breakdown of the clock as a whole. In other words, there is some kind of mutual responsibility that holds the whole system together. And within that responsibility is Mother Nature. We are all part of Mother Nature’s ecological system.

We cannot afford to break the very thread of system that sustains life on earth.  It is suicide. But despite warnings by concerned groups about the imminent danger of our actions in general that slowly destroy Mother Nature, we have become oblivious even to the resulting catastrophes: flood, soil erosion, fishkill, diseases, etc.

Alas! Progress has given a prescription of slow death to the already ailing Mother Nature. Factories along rivers and the coast wantonly spill their wastes to these geographic arteries aside from belching their carbon dioxide into the atmosphere. Housing developers who are in need of gravel and sand indiscriminately mine rivers for these,  causing the erosion of their banks. Garbage haulers dump their collections in landfills without safety measures causing seepage to underground sources of drinking water. Production of transportation is uncontrolled necessitating usage of more fossil fuel that worsens the already polluted state of the air that we breath. The ocean has become a vast dumping ground of toxic waste products.

What can a handful of environmentalist groups do?  They have practically become a voice in the wilderness so to speak, in their fight against corporations involved in the passionate destruction of Mother Nature. Some towns and cities declared their territories to be plastic – free. Fine. But why are the rest having second thought in following suit? Is it because big politicians protect the interest of plastic factory owners in their turf? Why can’t the national agency concerned in the preservation of forests put a stop to wanton destruction of the remaining vegetated mountains? Is it because big politicians themselves are involved in the logging industry? Why can’t the same national agency put a stop to unscrupulous mining activities that result to landslides? Is it because of the wads of bills that greased the palms of the people who administer this agency?

Regrets always come at the end. And, with what is happening around us, no amount of regret  can put a stop to the slow death of Mother Nature.