Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador…pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons

Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador
… pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons
Ni Apolinario Villalobos

Upang maging kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon nila sa Mamasapano massacre, dapat ay pumunta sa Mamasapano ang mga senador. Sa imbestigasyon kay Binay ay nag-spot check ang mga imbestigador, kaya dapat ay pumunta din sila sa Mamasapano dahil may narinig sa ibang senador na wala silang kaalam-alam sa kung ano ba ang hitsura ng lugar na pinangyarihan ng massacre. Baka kapag nakita na nila ang kapatagang tinamnan ng mais na tinakbuhan ng mga minasaker, kaya animo ay naging mga practice target sa shooting gallery ay mababawasan na ang mga walang katurya-turyang mga tanong nila na nagpapatagal lang ng imbestigasyon.

Dapat ay sumabay na rin ang mga nagmamagaling na mga kongresista, na todo ang self-introduction bago magtanong. Dahil sa ginawang self-introduction na kumain ng maraming minuto, kaunting panahon na lang ang natira para sa pagtatanong. Nang sitahin na ng moderator, nakipag-away pa. Doon sa Mamasapano, magsawa sila sa kaiimbistiga at sa katatanong…kung gusto nila, mag-overnight pa sila…magtayo ng tents sa gitna ng maisan kung saan ay minasaker ang mga bayaning SAF 44, para ma-feel nila ang ginagawang pag-imbistiga. Sana ma-meet din nila ang mga BIFF upang maimbistigahan din dahil namatayan din daw.

Dapat sumama ang hepe ng BIR upang ma-asses din ang bahay na tinirhan ni Marwan, kung may buwis bang maipapataw, at baka may makita rin siyang iba pa lalo na yong mga nagtitinda ng tilapia, daing na dalag, pastil at tinagtag. Isama si Dinky Soliman kung may dapat bigyan ng mga pinakatago-tagong relief goods na hindi “inubos” (bakit?) ipamigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda – kung may natira pa dahil sa nangyaring nakawan na “parang wala lang”.

Sumama na rin dapat si Mar Roxas dahil may mga nagtatanong kung may mga ongoing projects ang gobyerno sa Mamasapano, huwag lang siyang umiyak sa site. May nagtanong din kasi na kung maayos naman ang mga proyekto bakit may mga sumama sa grupo ng terorista (wow!!!). Kailangan ding sumama si de Lima bilang kalihim ng Hustisya for obvious reason. Sumama din ang namumuno ng Human Rights dahil maraming mga taga-roon sa Mamasapano ang namatay, pati na mga MILF at BIFF, at may mga taniman din ng mais na napinsala…kawawa naman ang mga magsasakang kababayan natin na nanginginig pa siguro dahil sa takot. At lalong dapat sumama si Purisima, upang ma-feel niya ang epekto ng “pagpayo” niya kay Napeῆas na huwag makipag-coordinate sa AFP at OIC ng PNP….dahil siya na daw ang bahala sa dalawa!…baka si presidente gusto ring sumama bilang “guest”…pagbigyan!

Huwag na palang isama si senadora Miriam dahil may sakit siya, lalo na at dumadanas ng cancer pain. Dapat siyang alagaan dahil sa hanay ng mga senador, siya lang ang may common sense at tapang na bumato ng mga nararapat na tanong sa mga resource persons. Sapat na yong ginawa niyang matapang na pambabara sa mga taong pakialamero maski suspendido, mga sinungaling at may sakit na kalimot sa Senate hearing na dinaluhan niya. Sana ay gawin niya uli ang pambabara sa susunod na hearing at baka sakaling may bumigay sa mga sinungaling, pagkalipas ng ilang gabing hindi pagkatulog dahil sa bangungot at kurot ng konsiyensiya!

Baka gusto ng mga pumunta sa Mamasapano na umupa ng eroplano ng Cebu Pacific nang makapag-avail ng murang pamasahe, siguraduhin lang nilang hindi sila mapagsarhan ng check-in counter…sigurado magmumura sila! Kailangan pala nilang mag-load sa cellphone dahil baka kailangan nilang mag-text…epektibo “yata” ito kaya may pagtitiwalang ginagamit na komunikasyon pati ng military at PNP….maski sa gitna ng barilan.

Suggestion o payo lang po ito…take it or leave it!

Si Ferdinand Marcos, si Noynoy Aquino, si Jejomar Binay, at Mga Iba Pa

Si Ferdinand Marcos, si Noynoy Aquino,

Si Jejomar Binay, at Mga Iba Pa

Ni Apolinario Villalobos

“We practically own everything in the Philippines, from electricity, telecommunications, airline, banking, beer and tobacco, newspaper publishing, television stations, shipping, oil and mind, hotels and beach resorts, down to coconut milling, small farms, real estate and insurance.”- Imelda R. Marcos.

Ang quotation sa itaas ay kinopya ko lamang sa isa sa mga naunang pahina ng libro ni Jovito R. Salonga, na ang titulo ay “Presidential Plunder”. Hindi maiwasang hindi magbalik –tanaw sa panahon ng dating Presidente Marcos na naging diktador upang manatili sa puwesto, sa kabila ng pag-iingay ng taong bayan na siya ay bumaba na, dahil sa matinding korapsyon sa kanyang administrasyon. Sa panahon ngayon kasi, dalawang sitwasyon ang matiim na sinusubaybayan ng mga Pilipino. Ang isa ay ang isang sitwasyon ng Presidente Pnoy na pabago-bago ng salita tungkol sa kanyang termino, at ang palaging sinasabi ay makikinig daw siya sa mga “boss” niya kung kailangang ipagpatuloy ang mga “repormang” ginawa niya. Ang isa pang sitwasyon ay kinasasangkutan naman ng Bise-Presidente Binay na nagkamal daw ng yaman sa maling paraan sa loob ng kanyang panunungkulan sa Makati City bilang Mayor, at mariin naman niyang pinabubulaanan.

Sa kamalasan, inuulit ng dalawang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas ang mga kinasusuklaman ng mga Pilipino na ginawa ni Marcos kaya ito napatalsik sa pwesto. Dahil sa angking talino, akala ni Marcos ay hawak na niya sa kanyang palad ang pagkatao ng mga Pilipino, sa kabuuhan. Marami nga siyang ginawa tulad ng mga nakatayong istrukturang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Conventions Center, mga dalubhasaang ospital para sa puso, baga at bato, pagpapalawak ng PGH, at marami pang iba, subali’t batay sa mga imbestigasyong ginawa, pinagkitaan din daw naman niya ang mga ito. Nakikita ang gawing ito sa mga proyekto ni Bise-Presidente Binay, sa Makati noong siya pa ang mayor dito. Nauulit yata ang style. Walang karapatan si Binay na magsabing malaki ang nagawa niya sa Makati. Pero dapat sana niyang isipin na trabaho niya ang magsilbi sa mga tao ng Makati. Ginusto niya ito, kaya hindi siya dapat manumbat. Malalaki ang proyektong pinagawa, na sabi ng mga whistle blowers ay upang malaki rin daw ang kita. Paano na daw kung maging Presidente ito ng Pilipinas na siya nitong ambisyon? Tulad ni Marcos, si Binay ay abogado din…talagang pinaghandaan niya ang sinuong niya.

Sa pagpapalawig naman ng termino, ang hangarin ay namumuo yata sa diwa ni Presidente Pnoy, dahil ang paniwala niya, magaling siya sa pagpapatakbo ng Pilipinas, ganoong hantad na hantad naman ang paghihirap ng mga Pilipino. Kandahilo ang mga tao sa paghanap ng mga sinasabi niyang mga pagbabago. Ganitong-ganito din ang nangyari noong panahon ni Marcos. Binusog ng mga report at istatistika ang mundo at mismong Pilipino tungkol sa pag-usad daw ng bansa dahil sa konsepto ng “Bagong Lipunan”. Subali’t ang katotohanan, ang tumatamasa lang noon ng kaginhawahan ay mga kaalyado ni Marcos. Sa panahon niya nauso ang kasabihang “what are we in power for….” na tumutukoy sa kanyang mga kaalyado na talagang nagpakasasa sa magandang pagkakataong dulot niya bilang sandalan nila. Nauulit na naman yata ngayon sa kasalukuyang panahon.

Sa kabila ng nagdudumilat ng katotohanan na nagpapakita ng mga bulilyaso ng mga kaalyado ni President Pnoy, tuloy pa rin siya sa pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan. Paulit-ulit niyang sinasambit ang mga suporta sa mga pinagdududahang mga tauhan sa kabinete. Pinupuri pa niya ang mga report ng mga ito tungkol sa mga proyektong palpak naman. Ngayon, mismong Ombudsman na ang nagdeklarang dapat imbestigahan si DOTC Secretary Abaya, Vitangcol at marami pang iba dahil sa mga tiwaling ginawa nila tungkol sa pagpapatakbo ng MRT. Sa deklarasyong ito ng mismong Ombudsman, parang sinampal ng malakas ang Pangulo! Dapat matauhan na siya!

Nakikita ang mga kapabayaan ng DSW sa ilalin ni Dinky Soliman na nakangiti pa sa pagsabi na marami na rin daw namang naipamigay na relief goods, na para bang ibig sabihin niya ay hayaan na lang ang mga nabulok at ninakaw! Samantala, ang mga dapat na nakinabang subalit gutom pa rin, ang mga biktima ng bagyong Yolanda ay nagngingitngit sa galit dahil ginamit lang sila para makakuha ng media mileage ang ahensiya, pati na ang DILG na wala ring nagawa sa anomalya sa mga materyales para sa temporary shelters ng mga evacuees. Si Lacson na “czar” daw ng rehabilitation ay walang kibo, tahimik….bakit kaya? Gayong siya ang unang umihip ng silbato tungkol sa anomalya!

Nakabalik sa Pilipinas ang pamilya ni dating Presidente Ferdinand Marcos at nakapasok pa sa pulitika. Samantalang ang sinasabing nakaw na yaman ay halos hindi mabawi-bawi. Malakas ang ipinarating nitong mensahe sa mga Pilipino… ibig sabihin, basta magaling ang gumawa ng katarantaduhan, maaari rin palang lumusot. Napahiya ang mga promotor ng “EDSA People Power”…saan sila ngayon?…ang mga pari?…ang mga madre?…ang mga pinagkatiwalaang lider? Nakakahiya, dahil ginamit pa naman ng mga taga-ibang bansa bilang modelo ang “People Power” nang ipaglaban din nila ang kanilang adhikain at karapatan. Ito ang naging inspirasyon ng mga labor union ng Poland at iba pang bansa. Subali’t ang Pilipinas na pasimuno nito ay lubog sa katiwalian, sa korapsyon! Lumalabas na haggang sa pagsigaw lang ng “ibagsak si Marcos” ang mga Pilipino! …na wala palang kakayahang magpatuloy ng ipinaglabang adhikain.

Nakakalungkot isipin na nawalan ng saysay ang pakikipaglaban ng mga estudyantem mga manggagawa, at mga magsasaka upang magkaroon ng katarungan at maitayo ang bantayog ng demokrasyang may tatak ng Pilipino. Ang mga inaasahang dapat na magpapatuloy ng adhikaing nasimulan sa EDSA ay nangawala na parang bula. At ang sinimulang “People Power”…ngayon ay ikinahihiya! Nawala ang mga pagyayabang ng mga kasapi noon na nagbida ng paglalamay at pagtirik nila ng kandila sa EDSA, pagmartsa tungo sa Malakanyang at Mendiola, at pagsigaw sa Liwasang Bonifacio.

Ang mga Marcos ay isang malaking halimbawang nagpapakita ng pagka-inutil ng sistema ng demokrasya at hustisya sa Pilipinas. Ang demokrasya ay isang maganda sanang sistema ng pamumuhay ng tao, subali’t iba ang naging demokrasya sa Pilipinas. Tinadtad ng butas ng mga mismong mga pinagkatiwalaan ng mga Pilipino. Ito ang mga taong may mga talinong nakuha sa malalaking unibersidad sa Pilipinas at ibang panig ng mundo. Sa huli, gagamitin lamang pala ang kaalamang ito upang manloko ng kanilang kababayan. Ginamit ng mga tiwali at mga kawatang opisyal upang magpayaman. Dahil sa pasimuno ng isa, nagsunuran ang iba dahil nakita nila na pwedeng palang “lusutan” ang mga butas…ang mga naglalakihang butas. Malakas ang loob ng mga pulitiko ngayon na gayahin ang mga ginawa ni Marcos dahil alam nila na makakalusot din sila!

Puro imbestigasyon ang nangyayari sa mga tiwaling nagawa. Ang mga nag-iimbistiga at iniimbistiga, puro nagpapayabangan ng kaalaman nila sa batas na para lang nilang pinaglalaruan, dahil kapag nasukol na, ang sasabihin lang ay pinupulitika lamang daw sila. Mayayaman na sila kaya wala silang pakialam kung ang mga “tunay” na mga Pilipino ay magutom. Magkagulo man sa Pilipinas, “makakauwi” sila sa Amerika o ibang bansa kung saan, may mga bahay sila. Samantala, habang may mapipiga pang yaman mula sa halos tuyot nang Pilipinas ay ginagawa nila.

Sa mata ng buong mundo, nakakahiya ang nangyayari ngayon sa Pilipinas kung saan ay may mga nakawan sa kaban ng bayan… batuhan ng mga sisi ng mga pulitiko at mga opisyal… at, turuan kung sino ang may sala…habang ang Pilipino naman, ay mukhang timawa na nakatalungko at nakatanghod sa isang tabi, kumukulo ang tiyan at luwa na ang mga mata dahil sa gutom! At sa hindi kalayuan naman ay ang mga buwitreng makapangyarihang bansa na naghihintay ng tamang panahon upang makapasok sa eksena!

Kung ang mga Katoliko ay nagsasambit ng “Jesus, Mary and Joseph” sa kanilang dasal upang hingan ng tulong…sa Pilipinas ngayon, maliban sa tatlong nabanggit, marami pang iba ang nasasambit kung makakita ng naghihikahos.

Ang “Squid Tactic”

Ang “Squid Tactic”

…bebenta kaya?

Ni Apolinario Villalobos

Ang “squid” tactic ay isang sistema na ang layunin ay malambungan ang mga kasiraan at kahinaan ng isang gobyerno. Panglambong din ito sa mga isyu na nagbibigay ng problema sa nakaupong administrasyon. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng mga kasiya-siyang proyekto upang malibang ang mga tao o di kaya ay magpakalat ng nakakabahalang mga isyu tungkol sa seguridad upang mabaling dito ang atensiyon ng mga tao.

Noong panahon ni Marcos, upang ma-divert ang attention sa mga naiipong tanong tungkol sa mga gastos ay nagkaroon ng iba’t ibang international events sa bansa, tulad ng Miss Universe pageants at international film festivals. Nang lumala ang pagkadiskuntento ng mga tao na idinaan sa sunud-sunod na mga protesta, maraming mga isyung naglabasan tungkol sa seguridad ng bansa, lalo na ang mga tungkol sa komunismo, na ang pinakamatindi ay ang pagpasabog sa Plaza Miranda na naging dahilan sa pag-impose ng Martial Law.

Ngayon kaliwa’t kanan ang mga isyung nagpapalubog sa kasalukuyang administrasyon. Ang pinakamatindi dito ay ang pagkurakot sa kaban ng bayan. Sinundan ng mga pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin. Lalong nagpataranta sa gobyerno ang panawagan ng taong bayan na bumitiw sa tungkulin ang maski mga pinagdududahang mga opisyal tulad ni Abad, Alcala at marami pang iba, na hanggang ngayon ay kapit-tuko sa kani-kanilang pwesto dahil “they serve at the pleasure of the president” daw.

Biglang lumutang ang isyu sa seguridad. Lulusubin daw ng mga terorista ang Davao City, at iba pang malalaking karatig na lunsod tulad ng Cagayan de Oro, General Santos City, Koronadal City, at Zamboanga City. Ang nagbabalak daw nito ay isang grupong pinamumunuan ng isang lider ng Abu Sayyaf na bihasa sa paggawa ng bomba. Ang dahilan daw ay tutol sila sa namuong peace agreemenent sa pagitan ng gobyerno at MILF na nagbigay hudyat sa balak na pagkakaroon ng “sariling pamahalaan” ng pinagkaisang mga piling bayan at lunsod sa Mindanao. Baka daw umabot sa Maynila ang terroristic activities.

Mismong ang presidente pa ang tumawag daw sa mayor ng Davao City. Bakit siya at hindi ang intelligence unit ng Armed Forces at bakit binrodkast agad sa mga media? Bakit noong bago lusubin ng MNLF faction ni Misuari ang Zamboanga, hindi niya tinawagan ang mayor ng Zamboanga? Ano ang gustong palabasin ng administrasyon ngayon?

Dati nang gumagala ang mga terorista sa Mindanao at sa Maynila, media din ang nagsabi nyan. At, ang mga pangingidnap nila ay walang patid, subalit walang magawa ang gobyerno, kaya hindi na ito issue. Nakikita daw ang mga terorista, may sightings – bakit hindi nila hulihin? Bakit kailangang magpalabas pa ng press release? Upang malaman ba ng taong bayan na kumikilos ang Armed Forces at kapulisan, eh, obligasyon naman nila talaga ito?

May nahuli na isang financier daw ng Abu Sayyaf – fine, dapat lang naman dahil trabaho nila. Nagawa nila ito dahil, tahimik lamang ang ahensiyang nagsagawa. Nalaman nga lang nang mahuli na. Ngayon, sa issue ng terorismo daw na banta sa Davao, bakit kailangang “mag-ingay” to the point na parang nagpa-panic, dahil presidente na mismo ang tumawag sa mayor ng Davao?

Ang mga bagay na may kinalaman sa seguridad ng isang bansa ay hindi inaanunsiyo para hindi mag-panic ang taong bayan. At lalong, upang hindi malaman ng mga kalaban ang mga hakbang na gagawin ng gobyerno. Bakit hindi ituloy ng mga intelligence units ng gobyerno ang tahimik nilang mga pagkilos upang makahuli uli sa paraang, malaman man ng bayan sa bandang huli ay nagawa na nila? Isang malaking pagka-iresponsable sa panig ng gobyerno ang manguna na pagpakalat ng pangamba sa sambayanan…. maliban lamang kung may dahilan.

May gusto yata silang lambungan o takpan o i-cover, etc….magtagumpay naman kaya ang layunin nila upang ma-divert ang attention ng taong bayan mula sa isyu ng korapsyon at mga nakakagutom na pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin na nagsisilbing mga blackeye ng gobyerno?

Ang nakakatawa, pinakalat pa sa mga radio stations ang balitang “hindi pa raw nakakakapasok sa Davao City ang mga terrorists at malayo pa sila sa Maynila”, binanggit pa ang pangalan ng lider ng mga terorista! Nasusubaybayan pala ng mga “matatalinong” taong gobyernong ito ang kilos ng mga terorista, kaya alam kong saan sila, eh, bakit hindi nila hulihin, para matapos na ang laban? … ungas lang ang maniniwala diyan! Ang nakakabahala ay baka maglabas ng mga fall guys… na naman! Remember…malapit na ang State of the Nation Address (SONA). Dapat may magandang masabi, di ba? Abangan….na lang.

Kung ganito ng ganito ang mangyayari, talagang lalabas na inutil ang gobyerno dahil mismong Armed Forces ay ampaw ang kakayahan sa paglutas ng mga kahalintulad na mga problema, na sinabayan pa ng isyung paglustay ng pera ng taong bayan para sa “pagpaganda” ng tirahan ng namumuno ng Philippine National Police. Ano pa ang aasahan ng taong bayan?

The Government Has A Lot to Explain

The Government Has A Lot to Explain

By Apolinario Villalobos

No suavely delivered rhetoric can splash gay color over the miserable picture of the Philippines today. The president keeps on mumbling economic turnarounds, increased jobs, decreased unemployment, invigorated business atmosphere, investments, etc. It is a shame that he is blind to what are really happening around him. He is seemed to be solidly sanitized by his confidantes, his cordon sanitaire, that he cannot even afford a peek beyond the walls of Malacaῆan Palace.

On the second day of the World Economic Forum, while he was delivering his speech without emotion, pockets of rallies were being held to open the minds of the Filipinos that not even such a “world class” gathering of businessmen can guarantee a realistic economic growth for the country. While he was shown on one TV station delivering his speech about the country’s enjoying a “miracle” economy, another station showed the unfinished school buildings at Tacloban and the rest of its countryside that are obviously untouched by the promised rehabilitation. “Miracle” may just be the right word in describing the economic state of the Philippines, very apt for such a gathering of humbug economists who scratch each other’s back, and because the country is predominantly Catholic, the faithful are “waiting” for a miracle to happen, yet!

Now, it can be told, that indeed, one reason why the rehabilitation of the areas devastated by typhoon Yolanda is the turtle-paced action of the DBM in releasing funds. This allegation is splashed all over the front pages of the dailies. What happened to the billions of donated funds? Why is the agency having a strangling hold on the strings of donated fund’s purse? With its attitude, Filipinos are suspecting that the agency is concocting a way to filch the fund systematically.

Newspapers carried headlines about the president’s trusted DBM Secretary, Abad, as the first “client” of Napoles, while he was yet, a congressman, and also the “brains” that bred the idea on how NGOs and Foundations can be used in suctioning funds from DBM. The suspicion has been, in fact floating around when the issue on forged SARO’s surfaced, but the president just shrugged his shoulders. Nothing is heard about any thorough investigation of DBM…not even on where the Xerox boys of the agency got their idea about switching documents to facilitate the release of funds, and most especially, the issue on the issuance of two SARO numbers that seemed to have victimized complaining lawmakers, they who are currently dragged into the anomaly. I recalled the lanky governor whose SARO number (when he was yet a congressman), appeared on the SARO document of a government agency to which billions of funds were released. The release was accredited to his name, although his SARO was good only for a few thousand pesos of fund for his project. When the “mistake” was “discovered”, all that was published on the dailies was the simple apology of the staff of the agency! The agency on whose SARO document the governor’s SARO number was made to piggy-ride is notoriously known for its corruption, highlighted by ghost and half-finished infra-structures.

While the President has the gull to announce the fast recovery of the country from calamities that befell it, TV stations splash on screens the sorry state of evacuees in Zamboanga, skeletons of school buildings in Leyte and Samar complete with salvaged books that may no longer be readable, broken chairs, shaky hanging bridges precariously spanning rivers, and undistributed stacks of bags of rice, some of which were reported to have been left rotting.

Add to the abovementioned, the announcement about checks made on jueteng and other gambling in the country which has become a funny topic among radio broadcasters, as it sounds just like a fairy tale. And, security of the nation that according to him is well in place, to which observers say, “ohhh…really?”.

Mountains that are supposed to be forested and protected have been denuded by unscrupulous illegal logging companies some of which are owned by politicians and government officials. Hills that are supposed to be thick with shrubs and tall grasses have been bulldozed, some practically flattened and converted into subdivisions. Why are these government properties titled? And why is the intrusion of foreign miners tolerated despite their having been exposed by idealistic media men? What the media men earned for their brave effort are marks for liquidation! Even a seasoned senator has the temerity to reveal in front of TV cameras when he was interviewed, that his money came from logging, hence, not from the coffers of the government, and which would therefore prove, that he is not corrupt!

The president cannot claim honest-to-goodness accomplishments despite his stay in the palace for many years. He keeps on blaming the past administration for what for him are “inherited problems”. He is implying that he cannot just let the nation be saddled with so many problems. Is he hinting on something? Is he aiming for another presidency, a reason why the three guys of the senate are viciously “maimed” – politically? Are all the problems that he keeps on mumbling to the point of repugnance be used as “signs” for him to stay put? If he will mention divine intervention despite his avowal not to run for a second term, only God knows if the Filipinos will believe him or trust him…again.

The president has a lot to explain. While there is still a fraction of chance for him to save what is left of their family’s honorable name, he should double up his effort in coming up with answers to the floating questions that just aggravate the polluted air of the country. While there’s still an opportunity left for him, he should sweep the palace with sincere effort to eliminate the egoistic whisperers who are obviously pulling him down. He has a little more than one year to do it, and he should take note, that time flies fast.

On the Philippine Leadership’s Integrity

On the Philippine Leadership’s Integrity                           

By Apolinario Villalobos

The world is ruled in pockets by different kinds of government. They differ in ideology, as while some espouse democracy, others adhere to communism. Some are found to be effective, but some are beset with unrest, indication of their constituents’ mistrust. The people’s trust is hinged on the integrity of leadership. These are shown by giant nations such as Russia, the People’s Republic of China, and North Korea, all of which have leaders who had a steadfast hold on to their mandate because of their people’s trust. On the democratic side, worth mentioning are the United States of America and Japan. Command responsibility as the kernel of leadership makes the leader feel that his being at the helm of his nation could cost his life and honor.

Lately, the leader of Korea vacated his post due to the sensational mishap that involved the sinking of a ferry carrying students on their way to an island. Japan is no stranger to this honorable observance of “command responsibility”, even the Chinese and the Americans. But in the Philippines, although, the evidences of crimes committed by government officials would cram the pages of dailies, as well as, testimonies straight from the lips of their cohorts, they still hold on shamelessly to their posts. Even the conditional leave of absence while investigations are going on, is far from their mind. This attitude that smacks of egocentricity puts the whole nation in a dubious situation in the eyes of the whole world.

In the Philippines, the justice system is shamelessly abused by personalities with doubtful integrity – they, who are supposed to be models of righteousness, well-educated, progenies of some respectable families whose names even grace the pages of the country’s history. Unfortunately, they have become the stains of the Filipino race. 

Every time the current president speaks about accomplishment or difficulty to move on, he always mentions the supposed corruptions of the previous administration. But unconsciously, as he points one accusing finger at the previous administration, three fingers of the same hand are pointing at him…his own administration which is cowering due to simultaneous investigations of his people on the same issue – corruption. And, yet, he has the courage to ask the Filipinos to choose the right person who will replace him, a person who would continue what he started. Those who read in dailies his rhetoric just raise their eyebrows, as they have yet to know what he did worthy of what he is asking for.