The “Community Outreach”…a give and take effort

The “Community Outreach ”
…a give and take effort
By Apolinario Villalobos

The effort of “reaching out” to the community sounds benign, caring, compassionate, generous, etc. This “effort” has given birth to Foundations and NGOs. What I know of such groups, is that they are supported by patrons whose generosity, they have solicited. Or they are maintained by the establishments and organizations that they represent.

However, there is a big “but” in the operation of these “generous” groups…as they also get some kind of a “rebate” for their “effort”. For the big establishments, the expenses they incurred for benevolent projects through their Foundations are tax deductible. And, aside from the tax deductions, the establishments that cater to the information and entertainment needs of the people, also get very significant mileage.

For other NGOs, people behind them, derive a direct “cut” from grants and donations. While there is no problem with popular establishments that regularly dole out financial and material help to the victims of catastrophes, the rest are being used as conduits for ill-gotten grants from the government, and worse, the existence of some are even fictitious, so are their projects!

There is a joke now, that brilliant guys who graduated even with honors from reputable universities but could not find a decent job, better establish an NGO. If an undergraduate woman who is now languishing in detention while awaiting a final verdict on her misdoings was able to amass wealth with her Foundations and NGOs, how much more if one is a magna or summa cum laude from a State University or colleges administered by religious educators?

Ang Mga Karumal-dumal na Sabwatan sa Gobyerno

Ang Mga Karumal-dumal

na Sabwatan sa Gobyerno

ni Apolinario Villalobos

Sa Pilipinas lang nangyayari ang karumaldumal na sabwatan sa gobyerno. Sa ibang bansa, may magnanakaw man sa gobyerno, paisa-isa lang ang nasasangkot. Pero iba sa Pilipinas, ang effort sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ay ginagawang wholesale, o bultuhan.

Dalawang klase rin ang mga sangkot – magkakaalyado at magkakapamilya. Systematic pa ang pagnanakaw na ginagawa, mula sa mababang puwesto hanggang sa itaas. Kung baga sa paglinis ng isang lawn gamit ang lawnmower, ay talagang matinding pagsuyod ang ginagawa nila.

Uumpisahan sa level ng barangay, na ang mga grasya ay tila ambon lamang o wisik muna dahil maliliit ang mga proyekto. Sa level ng bayan at siyudad, malaki na ang mga patak na tila ba umuulan na ng grasya. Kung malaki ang isang bayan, walang sinabi ang four digits na numero…dapat ay six digits. Kung siyudad na ang sinisipsipan ng mga lintang ito, hindi lang seven digits ang usapang grasya kundi eight digits na…mga kung ilang palapag na mga gusali ba naman ang ma-involve…kaya talagang limpak-limpak na milyones ang pinag-uusapan.

At ang mga magkakutsaba… ang mga pinuno mismo at ang mga may hawak ng mga proyektong mga kontraktor na ang tagapamagitan ay mga trusted na tauhan ng mga opisyal. Para hindi naman garapal, ang grasya ay tinatawag na “rebate” in cash, hindi “kickback” na sinaunang salita, wala nang class. Upang makuha ang pakikipagtulungan ng mga miyembro ng konseho, siyempre, may mga sobreng para sa kanila. Kahit noong hindi pa pumutok ang eskandalo laban sa mga Binay, ang mga nabanggit na ang karaniwang kalakaran upang mapagkitaan ang mga proyekto ng gobyerno. Hindi ko dito sinisinter ang mga Binay…bahala na sa kanila ang Senado.

Ang mga pulitikong pamilya, itinuturing na mayamang “sakahan” ang gobyerno…isang farm na dapat nilang i-“manage” na “maayos”. Kaya pagkatapos ng ama halimbawa sa pagka-mayor, papalitan naman ng anak o asawa. Yong ibang kapamilya naman ay sumasabay na sa ibang level naman ng pamalaan. Kaya hindi lang palitan ng puwesto ang nangyayari kundi, pasahan.

Yong mga hindi namumuno ng political unit, subali’t nasa Kongreso, Senado, o kabinete, ibang style naman ang ginagawa – pakikipagsabwatan sa mga local government unit o mga departamentong nakakahawak ng mga budget para sa mga proyektong idinadaan sa mga NGO’s. Subalit para sigurado ang kita, dumidiretso na sila sa mga NGO, gaya ng iniimbistigahan ngayong mga NGO ni Janet Lim Napoles.

Samantala, ang nasa pinakatuktok ng poder naman, nakapikit ang mga mata. At dahil best friends ang ibang involved, wala itong pakialaman. Pinagtatanggol pa ang mga tiwali sa kabila ng mga naghuhumiyaw na mga katotohanan. Kaya, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at lokohan sa gobyerno ay animo free-for-all. Angkop sa kanila ang kasabihang, “strike while the iron is hot”. Yan ang Pilipinas….ngayon! At ang pananggalang nila palagi ay pinupululitika lamang daw sila, o di kaya ay wala silang kasalanan hangga’t hindi napapatunayan sa korte. Sa Pilipinas lang yan nangyayari!

Ang Pagtulong sa Kapwa

Ang Pagtulong sa Kapwa

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi na kailangang lumayo pa upang makatulong sa kapwa, sa makatotohanang paraan. Sa mga tinitirhang subdivision, kung minsan may mga “nangangalakal” na mga bata, ang iba nakapaa dahil ang tanging isang pares ng tsinelas ay pinag-iingatan upag magamit sa pagpasok sa eskwela. Hindi na nila kailangan pang tanungin kung gusto nila ng damit, o sapatos na pampasok sa eskwela, o ng isa pang pares ng tsinelas, o kung nakakain na. Masaya na sila kung abutan ng lumang tinapay o binalot na kaning lamig o ilang pirasong piniritong isda o ilang dakot na bigas.

 

May pinuntahan akong party minsan, at habang nagkakainan na ay may kumatok sa gate na mga batang “nangangalakal” upang humingi ng plastik o kung anong pambenta sa junk shop. Tinawag ng kaibigan kong maybahay ang kasambahay at nagsabing, “oh, yong nakatabi na sa tabi ng lababo, balutin mo yong iba at ibigay mo sa mga bata, siguraduhin mong may matira para sa mga aso ni Mareng……..”, na-shock ako dahil ang ibibigay pala sa mga bata ay mga itinabing pagkain para sa aso. Palagay ko hindi naman siguro panis o mga buto-buto, pero ang ituring niya ang mga bata na animo mga aso ay hindi maganda. Ano ba naman yong papasukin ang mga bata at pakainin maski sa garahe, eh di, talagang bukal sa kalooban niya ang ginawang pagtulong, hindi yong parang naghagis siya ng buto sa aso.

 

Kung walang nakakadayong “nangangalakal” sa ibang subdivision dahil sa umiiral na istriktong patakaran, may makikitang ganito sa labasan, nagtutulak ng kariton. Yong ibang pwedeng tulungan ay nakatira sa mga bangketa, nadadaanan ng iba sa atin at hindi binibigyan ng pansin. Ang iba namang pwedeng abutan ng tulong ay mga batang nagbebenta sa palengke upang kumita ng babaunin sa eskwela, o pambili ng mga gamit sa eskwela, o di kaya ay makatulong sa magulang. Pwede silang gawing regular na beneficiaries ng tulong.

 

Ang mga nakikita sa TV na kalagayan ng mga iskwater ay pangbukas lamang ng ating mga mata at isip tungkol sa talamak na kagutuman sa ating bansa. Maraming gustong tumulong subali’t hindi kasanib sa anumang grupo o NGO na tumutulong sa mga taong ito. Hindi na kailangang sumali pa sa ganitong grupo ng isang tao na may balak na tumulong sa makatotohanang paraan. Kaya ko nabanggit ang tungkol sa mga “nangangalakal” sa mga subdivision ay upang ipaliwanag na pwede namang tumulong kahi’t mag-isa, at hindi na kailangang lumayo pa upang gawin ito. Yong mag-abot ng tulong ng diretso sa mga humihingi ay sapat na kung gagawing may katapatan at bukal sa kalooban.

 

May mga ahensiya o non-government organization (NGO) tulad ng Red Cross at mga Foundation ng malalaking kumpanya na epektibo sa malawakang pagtulong, yong abot ang libu-libong nangangailangan, bagay na hindi kayang gawin ng ilan kahi’t na nagsisigaw ang puso nilang gawin ito. Inuulit ko ang pagtukoy sa malawakang pagtulong na hindi pwedeng gawin ng ilan lamang lalo pa ng mga nag-iisa. Isang halimbawa ay ang maliit naming grupo (apat kami) na pumipili ng ilang pamilyang matutulungan sa abot ng aming makakaya, at ang mahalaga, hindi kami nagpapakilala. Ipinapakita namin sa kanila na hindi rin kami iba sa kanila, na may mga pangangailangan din, at ang ibinabahagi namin o sini-share ay “extra” lamang naming pera. At kaya ko ibinabahagi ang karanasan namin ay upang bigyan ng ideya ang mga makakabasa na kaya rin pala nilang gawin ang ginagawa namin…wala nang tanungan pa ng kung anu-ano.

 

Simple lamang ang makatotohanang pagtulong sa kapwa:

-huwag mong garapalang ipakita na nakakaangat ka sa mga tinutulungan mo

-kung ang pagtulong ay ginagawa sa mga lugar na hindi ka naman kilala, huwag kang

magpakilala at magsuot ng mga simpleng damit lamang

-huwag mag-selfie kasama ang mga tinulungan mo, maski pang- souvenir

-kung sa palagay mo ay sapat na ang ibinigay mong tulong sa isang tao o pamilya,

kalimutan mo ang ginawa mo sa kanila, at maghanap ka ulit ng ibang matutulungan

 

Huwag maging plastik kung tutulong sa kapwa. Dapat may katatagan ang adhikaing ito sa abot ng makakaya. Hindi maambisyong kinukunan pa ng litrato upang ipagyabang sa iba. Dapat kasing- tigas ng bato ang layunin upang hindi basta-basta madudurog ng mga pangugutya dahil sa “liit” ng tulong na inaabot. Alalahanin nating ang bato ay tumatagal kaya libong taon man ang nakalipas, may mga “dokumento” pa ring inukit dito noong kahi’t hindi pa ipinanganak si Hesus, na hanggang ngayon ay buhay pa…subali’t ang plastik ay nalulusaw ng init, at lumalambot sa tagal ng panahon.

 

Sa mga taong talagang walang panahon, o walang kayang iabot dahil sa matindi rin nilang pangangailangan, okey na rin ang ipagdasal nila na mabigyan pa ng lakas ang mga taong gumagawa nito at sana ay dumami pa ang mga donors ng mga charitable Foundations at NGO’s.