Kung Bubuwagin ang National Bilibid Penitentiary, isama na rin ang Iba Pang Ahensiyang Tadtad ng Korapsyon

KUNG BUBUWAGIN ANG NATIONAL BILIBID PENITETIARY

ISAMA NA RIN ANG IBA PANG AHENSIYANG TADTAD NG KORAPSYON

Ni Apolinario Villalobos

 

Ngayon lang ako bumilib sa Kongreso dahil sa panukala ng isang kinatawan na buwagin na ang National Bilibid Penitentiary upang maiwasan ang problema sa “tenure” ng mga korap na empleyado na protektado ng Civil Service Code. Maaari nga naman na ang ibigay na dahilan ay isyu ng korapsyong nagpaugat sa kalakalan ng droga sa loob nito, at maging sa labas, dahil nakakapag-operate pa rin ang drug lords na preso, kahit ang gamit lang ay lumang cell phone.

 

Kung mabubuwag ang ahensiya upang mapalitan ng bago, dapat ring baguhin ang karamihan ng mga provision sa Operating Manual, at lalong dapat LAHAT ng empleyado ay tangganlin at mag-recruit ng mga bago. At, upang siguradong hindi maakit sa “lagayan”, ay taasan na rin ang suweldo nila. Dapat ding gawing “confidential” ang status ng kanilang trabaho upang kontrata lang ang kanilang panghahawakan, at hindi protektado ng Civil Service Code, kundi ng Labor Code lang. Kapag ganyan ang mangyayari, sinumang mahuling gumawa ng kaaliwaswasan ay pwedeng tanggalin ng diretso pagkatapos ng isang masusing imbestigasyon na magpapatunay ng ginawang kasalanan.

 

Napagkaganda ng nasabing panukala, kaya’t sana ay maipasa agad upang maipatupad. Hinggil dito, sana ay ganoon din ang gawin sa iba pang korap na mga ahensiya tulad ng LTO, LTFRB, Bureau of Customs, BIR, etc. Nagkakaroon ng problema sa pagtanggal ng mga tiwali at korap na mga empleyado dahil sila ay protektado ng Civil Service Code kung saan ay nakapaloob ang “security of tenure” sa bisa ng ordinaryong “eligibility” at “career service certification”. Kung nagkakaroon man ng imbestigasyon, dahil sa katiwalian din mga huwes, nakakalusot pa rin sila. Dahil diyan, kahit ilang beses magpapalit-palit ng mga hepe, kung ang mga tauhang civil service  at career service qualified, ay nasa puwesto pa rin, walang mangyayari sa “paglilinis” na gagawin ng bagong administrasyon. Para lang nagputol ng sanga ng kahoy na magkakaroon uli ng mga panibago dahil ang ugat ay naiwan!

Ang Mga “Pagkakamali” ni de Lima

ANG MGA “PAGKAKAMALI” NI DE LIMA

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil sa kagustuhan ni de Lima na malusutan ang akusasyon sa kanya, lalo na ang sex video na isa sa mga sinasabing ebidensiya na nagkokonek sa kanya sa drug bagger sa loob ng NBP na si Dayan, pilit niyang pinapaling o nililihis ang atensiyon sa direksiyon ni pangulong Duterte gamit ang pinangungunahan niyang imbestigasyon sa Senado laban sa extrajudicial killings. Subalit, sa kamalasan, sa halip na makatulong sa kanya ang mga ginagawa ay lalo pang nagdiin sa kanya ang mga ito….nag-boomerang sa kanya kaya ayon, semplang na semplang siya sa pagkakatimbuwang nang patihaya!

 

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga “PAGKAKAMALI” ni de Lima:

 

  • Na-underestimate niya ang simpatiya at antas ng karunungan ng karamihan sa mga senador nang ipilit niyang imbestigahan si pangulong Duterte tungkol sa extrajudicial killings sa Davao na gusto niyang ikonek ngayon sa mga pangyayaring extrajudicial killings din kuno sa Maynila.

 

  • Ginamit niya si Matobato bilang” star witness” kuno, na nag-akalang nakasandal siya sa pader (de Lima) kaya malakas ang loob na umaming siya ay miyembro ng DDS para magkaroon siya ng dahilan na ituro ang ilang pulis-Davao na mga nagpapatakbo kuno ng DDS. Ang pagpipilit niyang siya ay miyembro ng DDS ay siyempre nasundan ng mga pagyayabang na marami siyang pinatay upang lumabas na kapani-paniwala ang mga sinasabi niya. Samantalang totoo ngang may mga pinatay batay sa filed records at mga nakaraang mga balita sa Davao, tumanggi naman ang mga pulis-Davao na kanyang idinamay na may kinalaman sila. Lumutang pa ang kaso niyang kidnap-for-ransom na itinago ni de Lima upang palabasing wala siyang masamang record …. ang resulta, hindi na kukunan ng statement si Matobato dahil sa pagkalusaw ng kanyang kredibilidad. Nagmistula naman ito ngayong daga na naghahanap ng lunggang masisiksikan dahil hinahanting siya ng Davao pulis sa pag-amin niya bilang miyembro ng DDS na itinuturing na illegal na vigilante group, lalo pa at umamin siya sa mga pagpatay. Nadagdag pa ang kaso ng illegal possession of firearms kamakailan lang. Dahil sa nangyari kay Matobato, nadagdag ito sa mga pasaning uukilkil sa konsiyensiya ni de Lima habang siya ay nabubuhay…nakahatak na naman siya ng isang buhay tungo sa kapahamakan!

 

  • Hindi pinagsalita ni de Lima si Dayan at JB Sebastian upang mula sa bibig nila manggaling ang pagtangging may kaugnayan sila sa kanya, subalit hindi niya ginawa, sa halip ay kung anu-anong pagtatakip ang kanyang pinagsasabi kahit obvious o malinaw na ang mga pagkakakonek nila sa kanya.

 

  • Noon pa mang unang pumutok ang eskandalo na dulot ng sex video niya kuno, dapat ay nilusaw na niya ang haka-haka na siya ang nakita doong babaeng nangangabayo sa lalaking kaulayaw. Kinasuhan na sana niya ang mga unang nag-upload ng nasabing video, kung hindi sila ni Dayan ang nagtatampisaw sa batis ng kaligayahan, na kasabay ay pahalinghing at paimpit na pagbubulungan ng sweet nothings. At, kung sa motel nangyari ang kulukadidangan nila ni Dayan na sana ay hindi totoo, dapat malaman niyang karamihan sa mga ito ay may mga hidden camera na nilalagay ng mga tarantadong staff at hindi alam ng management. Pero, upang mapairal ang “due process” na nagiging slogan na nila ni Trillanes at iba pang advocates kuno ng human rights, tama lang ang pagkakataong ibinibigay sa kanya upang malinis ang kanyang pangalan.

 

  • Mahilig siyang gumamit ng “bluff” upang maipakitang inosente siya sa mga inaakusa sa kanya at tama naman siya sa pag-akusa kay Duterte na pasimuno kuno sa extrajudicial killing sa Davao na nangyayari naman ngayon sa Manila. Itong style niya ang ginamit sa kanya ni DOJ secretary Aguirre sa isyu ng sex video sa pagsabi bandang huli na wala itong videong hawak upang ipakita sa senate hearing, kundi witness na nakakita. Sa Ingles kung tawagin ito ay, “ a dose of your own medicine”. Siguradong sa kahahalakhak ni Aguirre dahil sa kanyang tagumpay ay umaalsa din ang kanyang sideburns!

 

  • Lumutang din ang ugali niyang hindi maaasahan o kung sa salitang kalye ay “pagka-traidor” nang sabihin niyang “government asset” si JB Sanchez. Dahilan niya ito upang mailusot ang pagbisita niya dito sa kanyang kubol kung saan ay tumatagal siya ng ilang oras. Inilagay niya sa balag ng alanganin ang buhay ng convicted criminal na “kaibigan” niyang si Sanchez dahil pinaliligiran ito ng mga drug lords na anumang oras ay pwedeng magpapatay sa kanya.

 

  • Akala niya ay nakatulong ang “drama” sa muntik nang pagkamatay ni Sanchez sa Bilibid upang ipakita na delikado nga ang buhay nito sa loob dahil nga “asset” siya….bagay na hindi bumenta sa mga tao. Ang malinaw ay, gusto itong patahimikin ng TAONG MADIDIIN niya pagdating ng “tamang panahon”….at sino yon?…eh di si de Lima! Ang isang “asset” ay hindi nagkukuwento ng mga ginagawa niya na dapat ay lihim, na taliwas sa ginagawang pagyayabang ni Sanchez sa kaugnayan nito sa kanya.

 

  • Ang isang advertisement na ginamit niya noong nakaraang kampanyahan para sa eleksiyon 2016 kung saan ay may taong nagdadala kuno ng pera na panuhol ay inakala niyang makakatulong sa kanya upang ipabatid sa madla na malinis siya dahil ang ad na yon ay nagpapahiwatig na hindi daw niya ito papayagang mangyari sa kanya…dinadalhan ng suhol. Batay sa ad na yon, pumasok tuloy sa isip ng tao si Dayan na nagdadala sa kanya ng mga bag na namumutok sa pera. Dagdag pa nila, akala ni de Lima ay lusot na siya dahil pinangunahan niya ng paghuhugas-kamay ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Nag-boomerang din ang ad sa kanya!

 

  • Nagmistula siyang batang inagawan ng kendi nang magtatarang o magpakita ng tantrum kaya halos nawala siya sa sarili na umabot sa sukdulang pambabastos sa nagaganap na senate hearing noong gabi ng October 4, nang mag-walk-out siya. Ang unang hiningan niya ng paumanhin kinabukasan ay ang mga tao….anong pakialam nila sa hearing, ganoong ang binastos niya ay ang mga senador? Sa galit ni Gordon ay nagsabi itong hindi niya tatanggapin ang anumang apology ni de Lima, at sa halip ay hihingi siya ng suporta sa iba pang senador upang mapatawan ito ng karampatang parusa….dapat lang!

 

Sana ay magbago na ng paraan o style si de Lima sa pagsira kay Dutere….na malamang ang kautusan ay nanggagaling sa kung kanino o kung saan man. Lumalabas tuloy na siya ay nagigiling sangkalan o kung tawagin sa Bisaya at “tapalẳn” (accent on the last syllable) ng mga taong ito. Hanggang kaylan kaya iindahin ng sangkalan ang mga bagsak mula sa mga  matatalas at mabibigat na kitchen knife kung may tinatadtad na karne?

 

Sa panahon ngayon, isa sa mga masasakit na katotohanan sa larangan ng pulitika, tulad din sa show business, ay ang kawalan ng permanenteng taong mapapagkatiwalaan….

 

The Gentleman in President Rodrigo Duterte of the Philippines

THE GENTLEMAN IN PRESIDENT RODRIGO DUTERTE

By Apolinario Villalobos

 

 

JUST BECAUSE THE PRESIDENT APOLOGIZED TO THE PERSONALITIES WHOSE CONNECTION HE COULD NOT SEE IN THE LATEST DRUG MATRIX PRESENTED TO HIM, DOES NOT MEAN THAT HE COULD HAVE ERRED IN HIS PAST PRONOUNCEMENTS THAT IMPLICATED MANY OFFICIALS BASED ON THE PREVIOUS LISTS.

 

HIS BRAVE AND GENTLEMANLY APOLOGIES JUST SHOW THAT HE IS SERIOUSLY ANALYSING REPORTS GIVEN TO HIM….THAT HE IS NOT THE TYPE WHO EASILY BELIEVES IN EVERYTHING REPORTED TO HIM. WHAT HE HAS NOT DIVULGED IS, PERHAPS, HIS BARRAGE OF REPRIMAND TO THE GUYS WHO GAVE HIM THE ERRONEOUS REPORT AND HIS WARNING TO THEM TO BE EXTRA CAREFUL NEXT TIME WHICH IS A NORMAL REACTION OF A SUPERIOR TO HIS SUBORDINATE.

 

HE SHOULD BE CREDITED FOR BEING TRANSPARENT IN TELLING THE PUBLIC ABOUT THE RESULT OF HIS ANALYSIS, AS HE COULD JUST HAVE KEPT IT TO HIMSELF, TREATING IT AS A CONFIDENTIAL MATTER BETWEEN HIM AND THOSE WHO ARE RESPONSIBLE. WHAT IS VERY COMMENDABLE IS HIS OUTRIGHT DECLARATION THAT HE IS ASSUMING THE RESPONSIBILITY FOR THOSE WHO HAVE COMMITED THE MISTAKE.

 

HIS APOLOGETIC STANCE BROUGHT TO MY MIND THE FORMER PRESIDENT PNOY AQUINO, WHO DESPITE BLUNDERS WAS NEVER HEARD TO HAVE UTTERED A SINGLE APOLOGY. AQUINO’S PREDECESSOR, GLORIA ARROYO DESPITE THE DOUBTS IN HER SINCERITY, SAID HER FAMOUS,  “ I AM SORRY” ADDRESSED TO THE FILIPINOS, AS REGARDS THE “GARCI ISSUE” THAT REINSTATED HER AS PRESIDENT OF THE PHILIPPINES.

 

IN HIS DEPARTURE SPEECH AT THE MANILA INTERNATIONAL AIPORT TERMINAL 2 PRIOR TO HIS FLIGHT TO VIETNAM ON THE SAME DAY THAT DE LIMA CALLED THE PRESSCON, DUTERTE ALSO SINCERELY MENTIONED ABOUT HIS BEING A PERSON OF MANY FAULTS. HOW MANY GOVERNMENT OFFICIALS CAN DO THAT? ON THE CONTRARY THERE IS A GENERAL ATTITUDE AMONG THE GOVERNMENT OFFICIALS ABOUT THEIR BEING “IMMACULATELY HONEST” DESPITE MANIFESTATIONS, COVERT AND BLATANTLY DISPLAYED… OF THEIR REPUGNANT DISHONESTY!

Dapat Huwag Ibalik sa Dating Puwesto ang mga Guwardiya ng National Bilibid Prison

Dapat Huwag Ibalik sa Dating Puwesto ang Mga Guwardiya

Ng National Bilibid Prison

Ni Apolinario Villalobos

 

Okey na sana ang planong pagtanggal sa puwesto ng dating mga guwardiya ng National Bilibid Prison upang ipasa-ilalim ng training. At, pansamantala ang papalit ay ang Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP). Subalit nang banggitin sa balita na ibabalik din pala sa dati nilang puwesto ang mga guwardiya pagkatapos ng kanilang training ay tila hindi maganda dahil ang mga sangkot sa mga katiwalian subalit hindi naaktuhan kaya hindi rin nakasuhan ay SIGURADONG babalik sa dati nilang ginagawa. Ano ang halaga ng “training” kung ikumpara sa libo-libong pisong pantukso ng mga detinadong drug lords sa mga guwardiyang ang tinatanggap kada buwan ay “suweldong gutom”?

 

Kung kamay na bakal ang paiiralin sa Bilibid upang mapaayos ang sistema, dapat gawan ng pagbabago ang mga panukala tungkol sa assignment ng mga guwardiya. Dapat isiping “operational” ang uri ng trabaho ng mga guwardiya kaya maaari silang ilipat ayon sa pangangailangan ng ahensiya. Ito lang ang paraan upang maging “patas” sa lahat ng mga guwardiya ang desisyon – sa mga tiwali man pero hindi nahuli, at ang mga “malilinis” pero ayaw makipagtulungan kaya tuloy sa pamamayagpag ang pag-operate ng mga drug lords kahit nasa loob sila ng kulungan.

 

Hindi tanga ang mga Pilipinong nagpapakahirap sa pagbayad ng buwis, upang pagpaniwalain na hindi alam ng LAHAT sa loob ng Bilibid ang mga nangyayari. Kaya bilang parusa sa mga guwardiyang ayaw makipagtulungan, nararapat lang ang paglipat sa kanila…na siyang inaasahan!

Nakakabilib ang Ginagawa ng BUCOR (Bureau of Correction)

Nakakabilib ang Ginagawa ng BUCOR (Bureau of Correction)

Sa Kasalukuyan

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni Ricardo Rainier G. Cruz III, nakakabilib ang ginagawa ng kagawaran sa kabuuhan upang magkaroon ng pagbabago sa National Bilibid sa abot ng kanilang makakaya. Nagpakita sila ng katapangan at katatagan sa maya’t mayang pag-raid ng mga selda, lalo na ang pagsira ng mga maluluhong pinagawa ng mga detinadong may kaya. Sinira nila ang swimming pool, ang animo ay condo, isa pang mala-hotel room, at marami pang iba.

 

Marami ang nasaktan noon dahil nadamay sa pagbatikos sa mga nakaraang pamunuan bunsod ng kalamyaan nila sa pagpatupad ng mga patakaran, kaya kahit na ang ginawa ni Secretary de Lima noong personal itong mag-inspection ay hindi naipagpatuloy. Hindi lahat ng nakatalaga sa National Bilibid ay masama, lalo na ang mga walang direktang kontak sa mga detinado. Sila ang mga inosenteng nakatalaga sa opisina ng nasabing pasilidad, kaya nabanggit ko noon na walang silbi ang pagpalit ng namumuno kung walang drastic o mapusok na pagbabago tulad ng total na pagpalit-palit ng mga direktang guwardiya upang maiwasan ang fraternal closeness sa pagitan nila at ng mga detinado.

 

Tahimik ang pag-upo ng bagong namumuno sa BUCOR kaya marami ang nagulat nang ma-interview siya sa isang radio station. Nagpapahiwatig na iba ang kanyang pagkatao – tahimik na ang layunin lang ay maisaayos ang kinakaharap na problema. Talagang mahirap ang kalagayan ng Bilibid dahil sa kakulangan ng budget, at dapat ding unawain na ang pagbabago ay imposibleng makakamit sa magdamag. Ganoon pa man, marami ang nagdadasal na sa pagkakataong ito, sana ay talagang magkaroon ng malawakang pagbabago sa loob ng Bilibid.

Ang Lumang Kuwento ni Franklin Bucayu…malabong bumenta

Ang Lumang Kuwento ni Franklin Bucayu
…malabong bumenta
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkukuwento ni Franklin Bucayu, ang Direktor ng Bureau of Corrections, tungkol sa mga kapalpakan at kahihiyang tinatamasa ng Bureau ay itinuturo niya ang kanyang sarili. Nakikita sa ginagawi niya ang ugali ng mga taga-gobyernong retirado at binigyan ng bagong trabaho. Sanay na kasi sila sa paghugas ng kamay at magturo ng iba kung may mga bulilyaso. Dapat mabuksan na ang mga mata ng mga kinauukulang may kinalaman sa ganitong klaseng pagtatalaga.

Matagal na palang alam ni Bucayu ang mga kapalpakan ng Bureau ay kung bakit hindi siya nagsumite ng mga rekomendasyon. Ngayong nagkakaputukan ang mga bulilyaso ay saka siya nagsalita tungkol sa mga naobserbahan niya noon pa daw at itinuturo ang gobyerno sa pagsabing “institutional” ang mga diperensiya ng Bureau. Sino ba ang namumuno nitong palpak na institution, di ba siya?…eh, di siya ang may kasalanan! Ni isang kapirasong papel na kinasusulatan ng kanyang rekomendasyon ay wala siyang maipakita…puro siya dakdak! Ibig sabihin, wala talaga siyang ginawa!

Bistadong hindi siya lumalabas sa kanyang opisina upang mag-inspeksiyon at tinatanggap na lamang kung anong report ng mga nasa ibaba niya ang isusumite sa kanya. Hindi man lang siya nag-effort upang i-verify kung totoo ang mga report. Ngayong may mga bulilyaso, puro siya turo sa mga subordinates niya. Malakas pa ang loob sa pagsabi na lingid sa kanyang kaalaman ang mga nangyayari, bagay na pag-amin niya na wala siyang silbi bilang pinuno ng Bureau of Corrections!

Tumigil na siya sa pagpa-interbyu dahil alam na din naman ng mga Pilipino na naghuhugas lamang siya ng kamay. Dapat mag-resign na lamang siya upang maski papaano ay hindi na madagdagan pa ang kahihiyang lumalagapak sa kanyang mukha!

Walang Patawad and Curruption sa Pilipinas…pati sa kulungan ay talamak

Walang Patawad ang Corruption sa Pilipinas
…pati sa kulungan ay talamak!
Ni Apolinario Villalobos

Sa Pilipinas lang nangyayari na ang corruption ay talamak din mismong sa loob ng bilangguan at sa pambansang piitan pa! Talagang masama magkaroon ng halimbawa, na parang wala lang kung ipamayagpag. Dahil mismong mga nakakataas na hantarang bistado na ay nakikipaglaban pa sa kanilang pagka-inosente, naisipan na rin ng mga nasa mababang hanay na gumaya!

Ang mismong Presidente ng Pilipinas ay may bahid na ng corruption batay na rin sa mga sinasabi ng Supreme Court, at damay din ang ilan niyang kalihim. Sinundan ng mga senador na bawa’t isa ay may dapat ipaliwanag na kwestiyonableng transaksyon gamit ang kani-kanilang pork barrel fund. Sumunod ay ang mga nasa Kongreso na nilahat na rin dahil pa rin sa pork barrel. Sa ilalim nila, ay may mga lokal na opisyal na hindi nagpatalo sa pangurakot, pati na ang maliliit na mga kagawaran.

Kaya pati ang hindi inaasahang pambansang piitan ay binubulok na rin ng corruption! Ang institusyong ito ang dapat magpapatino sa mga nagkasala sa lipunan subalit mismong sa loob nito ay may nangyayari palang katiwalian! Nang magsalita ang mga dating opisyal ng Bureau of Corrections ay nalamang matagal na raw palang nangyayari ang corruption sa piitan kaya gumawa sila noon ng mga hakbang at nagbigay ng mga suhestiyon, subalit kahit kapiranggot na suporta ay wala silang nakuha sa mga nakatataas sa kanila. Nagkatanggalan na lang ng mga namumuno dito ay wala pa ring nangyari na umabot pa sa puntong pati drug laboratory daw ay meron na rin ang pambansang piitan. Lumakas kasi ang loob ng mga sangkot na bilanggo, kaya tuloy lang ang ligaya para sa kanila!

Kung may raid mang ginawa kaya nabisto ang mga hi-tech at maluluhong tirahan ng mga bigtime drug lords sa maximum security compound, hanggang kaylan mapapanatili ang ganitong pagmamanman upang tuluyang maayos ang mga kalakaran? Baka ningas-kugon na naman!

The Philippine Justice System, Lawyers, and General State of Rehabilitationn Facilities

The Philippine Justice System, Lawyers

and General State of Rehabilitation Facilities

Ni Apolinario Villalobos

A crucial change in the life of a man may be caused by being at the right place at the right time or by having guts to face odds rejected by others. For the lawyer in particular, these are what he needs to prosper with his profession. Too much risk is involved with the thought, “now or never”, that serves as the force that pushes the desirous lawyer towards his ambition to be recognized.

“Sensation” is the keyword for the success of a lawyer. This is the reason why, a lawyer always aspires to handle a case that hugs the limelight, never mind if it seems a losing one due to glaring evidences against the client. The more controversial the case is, the better for the lawyer, because he will benefit from the attention that his client will get.

As dictated by the law books, no person is guilty unless proven beyond doubt. This is the reason why the eyes of the Lady Justice are covered because before the court, both victim and the aggressor are equal, and each side should present convincing evidences to win the case. Woe then, to the innocent client who can only afford an inexperienced lawyer with limited references. On the other hand, the obviously guilty party easily avoids conviction with the help of well-paid “expert” and “seasoned” lawyers.

Philippine prisons are filled to the rafters with erroneously convicted victims of injustice due to their inability to get the right lawyer to defend them, and worse, inability to get one due to their poverty. Despite this glaring defect in the justice system of the Philippines that contributes to the bursting of rehabilitation facilities, the national government remained inept…reacting only when scandals erupt, such as the affluent lifestyle of convicts at the maximum security section of the National Bilibid Prison (NBP) in Muntinlupa which has become an embarrassing national issue.

The rest of rehabilitation facilities, except for penal farms, are in the same situation. Practically all of them suffer from want of decent sanitation facilities. Inmates take turns in sleeping on the floor, while the rest remain on their feet for the rest of the night. Diseases add to the miseries of the inmates, with some, not yet convicted. And the food rations are far from decent.

Rich inmates buy their comfort by bribing corrupt jail guards and officers. Drug trafficking is still operated by drug lords from the maximum security section of the national penitentiary, and prostitution proliferates with the blessing of the paid jail guards. It is only in the Philippines where one can find detention cells inside maximum security section yet, of the national penitentiary, furnished akin to a richy home, complete with spa, jacuzzi, home theater, and aircon units.

When Kabungsuan Makilala, a jail guard of the Bureau of Correction, exposed the anomalies inside the national penitentiary, nothing came out of information extracted from him. A minor change in guards was implemented to show that something is being done. Afterwards there was a deafening lull within the Department of Justice.

It was only when a committee of Congress charged with the programs for the country’s rehabilitation facilities exposed their shock on the state of the national penitentiary, did the Department of Justice (DOJ) again made noise, most especially, because the modernization budget of the facilities is at stake. When the Senate stepped into the picture, the DOJ showed its most convincing move by launching “surprise” inspections, but without de Lima having made threats against the NBP officials on TV, thereby, broadcasting their moves!

Finally, despite the scandalous discoveries made lately, the DOJ statements as regards its plans to rid the country’s rehabilitation facilities of corrupt officials and lower ranking employees are still wanting of sting. With the budget for the modernization of the country’s rehabilitation facilities already in the bag, one can’t help but expect many pockets to bulge.

NAKAKAHIYA!…Dahil sa Kapalpakann ng Bureau of Corrections, pinagtatawanan ng Buong Mundo ang Pilipinas

NAKAKAHIYA!…

Dahil sa Kapalpakan ng Bureau of Corrections

Pinagtatawanan ng Buong Mundo ang Pilipinas!

Ni Apolinario Villalobos

Pinapalala lamang ng kasalukuyang Director ng Bureau of Corrections na si Franklin Bucayo ang palpak na katayuan ng nasabing kagawaran habang nagbibigay siya ng pahayag sa mga interview. Sa unang interview pa lamang sa kanya noon bilang reaksyon niya sa nadiskubre ng nag-inspeksiyon na mga senador ay puro pambobola na ang kanyang mga sinabi dahil siguro inaakala niyang bobo ang mga sumusubayby sa issue.

Sa pinakahuli niyang interview pagkatapos ng operation ng DOJ at PDEA sa National Bilibid Prison (15 December), ay “inaako” niya ang pangunguna sa nasabing operation, ganoong ito ay sa initiative ng DOJ. Kaya nga pumasok sa eksena ang DOJ at humingi na ng tulong sa PDEA ay dahil walang nagawa si Bucayo sa kabila ng kung ilang buwang palugit na ibinigay sa kanya. Wala nang ginawa si Bucayo ay nang-agaw pa ng credit!

Sa bibig ni Bucayo mismo ay lumabas ang impormasyon na nag-iinspeksiyon lamang siya kung may mga kaguluhang nangyayari. Ang isa pang dahilan kaya hindi niya regular na nai-inspection ang maximum security compound ay dahil sa lawak ng kulungan, at maraming pasikut-sikot kaya nakaliligaw. Wala siyang dahilan na hindi pag-ukulan ang pag-iinspeksyun dahil sa loob din naman siya ng compound nag-oopisina. Dahil sa mga sinabi niya, parang siyang isda na nahuli o nabingwit dahil sa bibig niya. Dahil sa pagmamagaling niya, hindi niya naisip na ipinagkanulo niya ang kapalpakan ng kanyang pamumuno!

Nakakatawa pa ang pagrerekomenda niya ng mga patakaran, ganoong ang mga ito ay siya niyang mga dapat ginawa o ginagawa bilang hepe ng kagawaran! Gusto niyang palabasin na may laman din pala ang isip niya subalit mali naman ang diskarte niya. Baka kaya siya nagrerekomenda ay gusto niyang si de Lima ang magpatupad ng mga ito!

Marami na siyang dapat ginawa mula pa noong unang araw pa lamang ng kanyang pagkatalaga na ang dahilan ay mismanagement din ng pinalitan niya. Dapat noon pa man ay gumawa na siya ng mga hakbang batay sa mga problemang pinaputok noon ni Kabungsuwan Makilala, subalit nagsayang siya ng panahon mula noong unang araw na pag-upo niya hanggang ngayon. Kung talagang may laman ang mga sinasabi niya sa mga interview, dapat nagpakita siya ng mga plano niya o mga rekomendasyon na nakasulat – in black and white, sa mga reporter! Hindi yong salita siya ng salita ng harap pa mismo ng kamera kaya nagmumukha siyang katawa-tawa. Kung naka-black and white ang mga sinasabi, hindi masasabi ng mga tao na wala siyang ginawa, sa halip ay susuportahan pa siya dahil hindi pinansin ang kanyang mga isinumite kung kanino man…subalit talagang hanggang salita lang siya. At, lalo sanang hindi siya masisisi ngayon.

Maaalala na noong pumutok naman ang isyu tungkol sa paglabas-labas ni Leviste sa kanyang kulungan ay pumunta pa si Miriam Santiago sa NBP at ang unang hinanap ay ang “operating manual” subalit wala silang nailabas na updated. Ibig sabihin hanggang ngayon ang mga security measures nila ay outdated! At sila ay nag-ooperate lamang sa mga paisa-isang memo na iniisyu kung kinakailangan. Dapat ang puntong yon ang pinagtuunan ng pansin ng bagong Director dahil ang mga patakaran ang siyang gagabay sa kanya sa pagpapatakbo ng national penitentiary.

Ang planong modernisasyon ng NBP ay noon pa pinag-uusapan, maraming taon na ang nakalilipas at may napirmahan na ngang batas para dito at anumang oras ay maglalabas na ng budget, kaya hindi dapat akuin na naman ni Bucayo. Kasama sa modenisasyon ang pagtataas ng sweldo ng mga kawani at pagpatayo ng mas malaking national penitentiary. Ang mga ito ang binabanggit ni Bucayo na “sana” daw ay mangyari. Ang hirap sa kanya, papasok sa isyung ito na tapos na, at wala pa siyang kinalaman. Kaya ang mga inaasta niya ay malinaw na nagpapakita ng kawalan niya ng kaalaman sa pagpapatakbo ng isang kagawaran. At dapat lang na LAHAT mga kasalukuyang kawani lalo na ang mga namumuno ay hindi makinabang sa mga benepisyo na ibibigay ng bagong batas para sa modenisasyon ng NBP.

Ang dapat kay Bucayo ay patawan ng kasong administratibo dahil sa kapabayaan, batay sa prinsipyo ng “command responsibility”. Isa si Bucayo sa mga patunay na hindi lahat ng mga retired general ay maaasahan sa pagpapatakbo ng mga ahensiya na nangangailangan ng bruskong namumuno….dapat ay may talino rin. Ang lahat ng mga nakatalaga sa NBP ay dapat tanggalin at suspindihen habang may imbistigasyong ginagawa. Maaari silang palitan pansamantala ng mga military police upang mawala ang “familiarity” sa mga nakakulong.

Dahil sa mga nakakahiyang anomalya na kinasasangkutan ng Bureau of Corrections, napatunayan na hindi epektibo ang mga retiradong opisyal ng military o police sa pagpapatakbo nito. Ang mga detinado sa NBP ay mga taong napariwara ang buhay, nagkasala sa lipunan, hindi nakipag-away sa giyera. Kaya sila ipinasok sa kulungan ay upang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang magbago at sa paglabas nila ay maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

 

Ang kailangang mamumuno sa Bureau of Corrections ay may alam sa “office management” upang makagawa ng mga alituntuning maayos at pang-sibilyan, at lalong dapat ay may alam din sa sikolohiya o psychology. Ang mga kulungan ay hindi military camps kaya dapat itigil na ng mga presidente ng Pilipinas ang pagtalaga ng mga retired generals ng military o police para sa pamunuan nito. Dapat ang mga italagang mamumuno ay mga taong nakakaunawa sa mga taong ang takbo ng isip ay dapat maibalik sa katinuan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

 

Dapat ituring na leksiyon ang anomalya sa national penitentiary at ang parusa sa mga nagkamali ay dapat mabigat upang maging babala sa ibang mga empleyado ng gobyerno na korap at pabaya sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin!

Ang Mga Kahihiyang ng National Bilibid Prison at Cebu City Jail

Ang Mga Kahihiyan ng National Bilibid Prison

At Cebu City Jail

Ni Apolinario Villalobos

Hindi maiwasang mainis ng mga sumusubaybay sa eskandalong nangyayari sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, na nadagdagan pa ng kahalintulad na eskandalo na inabot naman ng Cebu City Jail. Hindi nahiyang magsabi ang NBP Superintendent na si Roberto Rabo sa harap ng kamera na hindi niya alam ang nangyayari sa loob ng NBP, ganoong ang mga tirahan ng mga drug lords na nakakulong ay nandoon lang, hindi naman nakatago, kaya walang dahilan upang hindi niya makita. Malas lang niya dahil pumutok sa media kaya nabunyag din ang kanyang kapabayaan.

Ipinakita sa TV ang mga hi-tech na gamit sa loob ng tirahan ng mga drug lords na hindi aakalaing mga “selda” pala sa loob ng national penitentiary. May nasamsam ding kilo-kilong shabu, pera, mga cellphone at baril sa mga selda. Subalit sa kabila ng nakakahiyang pagbubunyag, nagpakita pa si Rabo ng pagkagulat! Aba, eh di, natapalan pala ang kanyang mga mata! At, para na rin niyang sinabi na hindi siya lumalabas sa opisina niya upang mag-inspeksiyon kung minsan man lang, o di kaya ay wala man lang siyang ginawa sa kabila ng pagsabog ng eskandalo pagkatapos mag-inspeksiyon ang mga senador ilang buwan na ang nakaraan. Dapat siyang mag-resign dahil sa hantarang kapabayaan.

Hindi dapat mag-atubili ang Department of Justice sa pagtanggal agad ng mga taong hayagang sangkot sa anomalya, mula sa pinakamababang empleyado hanggang sa pinakamataas. Halatang ang umiiral na kalakaran sa NBP ay “palakasan” at “lagayan”. Kailangang magkatanggalan kahit na magsagawa pa sila ng isang mas malalim na imbestigasyon.

Tulad ng rekomendasyon noon ni Senadora Grace Poe, dapat LAHAT ng empleyado ay suspindihin at palitan ng bago. Ang mapapatunayang walang sala ay ilipat sa ibang detention facilities ng Bureau of Correction sa ibang panig ng bansa, at ang mga mapatunayan namang nagkasala ay dapat na tuluyang tanggalin, lalo na ang Director o Superintendent. Dapat magkaroon ng leksiyon dahil sa kapalpakan sa pamamalakad ng mga kulungan sa bansa upang maipakita na may pangil ang mga batas na pinaiiral.

Kung ano ang gagawin sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa ay dapat gawin din sa Cebu City Jail. Ito na ang pagkakataon ni de Lima na magpakitang gilas sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin bilang kalihim ng Hustisya upang makabawi sa mga kahihiyang inaabot ng kanyang kagawaran.