Hindi na Nahiya at Nakonsiyensiya!…si Janet Lim Napoles

Hindi na Nahiya at Nakonsiyensiya!…si Janet Lim Napoles

Ni Apolinario Villalobos

Talagang sagad-buto na ang kawalan ng hiya at konsiyensiya ni Janet Lim Napoles sa pagpapangalandakan ng rosary niyang bigay pa daw ng Santo Papa. Ginamit pa ang relihiyon at Santo Papa. Buti na lang hindi niya sinabi na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon at lakas ng loob sa pagpatayo niya ng mga “negosyo”! Walang pinag-iba ang ginagawa niya sa ginawa rin noon ng dating mayor ng isang bayan sa Laguna na na-convict dahil sa pag-rape ng isang estudyanteng babae na pinatay pa niya pati ang boyfriend nito. Nang makulong ang mayor, karay-karay niya ang isang imahen ng birhen sa kulungan. Subali’t kalaunan, napansing umiba ang kilos niya at pananalita – parang nasasapian. Matindi ang epek ng kakaibang pagkilos niya dahil sa haba ng buhok niyang magulo. Yon pala, palaging high o bangag sa droga! May butas pala ang imahen ng birhen kung saan ay itinatago niya ang drogang dinidiliber pa rin sa kanya dahil bahagi na ito ng kanyang buhay! Yon palang padasal-dasal niya habang nakaluhod sa harap ng imahen, at may hawak pang rosaryo, ay parang pagpapasalamat siguro dahil nakarating ng matiwasay ang rasyon niyang droga. At yong kunwari ay naghihimas siya sa imahen pagkatapos ng dasal, dumudukot na pala ng “gamot” niya!

Yong retreat house ni Napoles na pinamahalaan pa sa mga alagang pari, pinangtakip din sa malasadong gawain niya. Pinalabas pa na hindi daw dinitine si Benhur Luy at pinabantayan sa mga pari upang hindi makatakas, kundi ay pinag-retreat lang daw upang mawala ang kasalanan na panloloko sa kanya…dumiretso ba naman si Luy sa mga kliyente niya, kaya nabawasan ang kanyang kita! May kasabihang ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Si Luy bilang kasangkot ay umamin na, si Napoles kaylan kaya? Baka siguro habang buo pa ang kanyang rosary ay ipagpipilitan niyang inosente siya! At ang mga pari…nakasotana pa rin kaya?

Tapos na siya sa pagpatanggal ng cyst daw sa isang bahagi ng katawan niya na nagdulot ng matagal din namang bakasyon sa ospital. Ano na naman kaya ang ipapatanggal upang makapagbakasyon uli?

Inalipusta daw ng netizens ang kanyang pananalig dahil kung anu-anong katatawanan ang pinaggagawa dahil sa rosaryo niyang bigay daw ng santo papa. Kulang pa nga iyan dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng pera ng taong-bayan, na itinatanggi naman dahil wala daw siyang pirma sa mga dokumento. Kung hindi ba naman ung…s! Paano niyang gagawin yon, eh, isa yon sa mga payo sa kanya ng isang magaling na taga-gobyerno – huwag maglagay ng pangalan niya at pumirma sa mga dokumento upang sa paper trail ay walang ebidensiya laban sa kanya!

Huwag daw isama ang anak sa kaso niya. Pagkatapos ipangalandakan nito ang nakaw na yaman sa internet, ganoon lang?…huwag idamay?… eh nakinabang naman ng todo-todo, kaya animo artistang taga-Holywood kung umasta sa mga ipinagyabang na mga eksena sa party niya, sa internet! Estudyante lang daw?…saan naman galing ang perang pinangsosyo niya sa isang anak din ng pulitiko upang makapagpatayo sila ng pagawaan ng sapatos? Yan ba ang “inosente”?

Masama ang loob ni Napoles dahil sa nakikita niyang pamamaraan ng paglabas ng ngitngit at sama ng loob ng mga Pilipino dahil sa ginawa niya. May paiyak-iyak pa siya. Naalala ba niya ang kalagayan ng mga Pilipinong ginamit niya at kanyang mga kasabwat noong panahong ang turing niya sa perang ninakaw ay animo ordinaryong papel na walang anuman kung itambak sa bath tub at kama? Naalala ba niya ang mga Pilipinong nakanganga sa kawalan dahil sa kanilang panloloko habang namimigay siya ng “rebate” o commission sa mga pulitiko? Naalala ba niya ang mga gutom na mga magsasakang lubog sa five-six na utang, at ginamit nila sa ghost projects, habang nagpapakalansingan siya at mga bisita niya, ng mga hawak nilang kupeta ng alak tuwing magpaparty siya nang ubod rangya? Malamang abut-abot ang pagsisisi niya dahil ang mga taong akala niya ay makakatulong sa kanya kaya binusog niya ng pera, ay nagtakwil sa kanya!…na kulang na lang ay magtakip ng ilong tuwing naririnig ang pangalan niya!

Talagang ang taong nasusukol ay kung anu-ano na lang ang sinasabi, pati na ang promise na tamaan siya ng kidlat kung siya ay ngsisinungaling! Nawawala sa sarili kaya pati kalikasan at Diyos ay isinasangkalan!

Gumuhong Bantayog ng EDSA People Power…gumuhong pag-asa

Gumuhong Bantayog ng EDSA People Power

…gumuhong pag-asa

Ni Apolinario Villalobos

 

Akala ng karamihang Pilipino, sa pagkawala ng diktaturya sa Pilipinas at sa pagkaluklok kay Gng. Cory Aquino, ang pangarap na pag-ahon sa kahirapan ay matutupad na. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagbunyi. Yong isang heneral ay napatalon pa na naging trademark niya. Subali’t iilang buwan pa lamang sa kanyang pwesto ang bagong nakadilaw na pangulo, ay inulan na ng pagpuna dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nagkaroon agad siya ng sariling mga “ladies in waiting” na katulad ni Gng. Imelda Marcos. Wala rin palang pinagbago, sabi nila. At may mga nakahalata na para siyang dinidiktahan ng mga tagapayo, kaya ang nangyari, nagkaroon ng mga hindi naman nagtagumpay na kudeta.

 

Inasahang ilalatag ni Gng. Aquino ang pundasyon para sa mas matatag na kalayaan ng Pilipinas tungo sa pagbabago at kaunlaran. Ang mga ito ay kalayaan mula sa gutom, kalayaan mula sa kamangmangan, at higit sa lahat, kalayaan mula sa mga mangangamkam na nasa pamahalaan. Subali’t natingga na nga ang mga dapat ay pangkaunlarang proyekto, ninakaw pa ang mga pondo. Ang mga taong manlilinlang na mahilig magpalit ng kulay na parang hunyango, depende sa kung sino ang nakaupo, ay nasa poder pa rin. Kaya ano pang pagbabago ang asahan?

 

Sa kasamaang palad, at ang nakapanghihinayang, ang mga tao na sana ay may mga adhikain para sa pagbabago ay namayapa nang wala sa panahon tulad nina dating Senador Raul Rocco at dating DILG Secretary Jess Robredo. May ibang buhay pa at maski hilahod na, ay pilit pa ring sumasama sa mga rally kaya napapasama sa nabobombahan ng tubig, tulad ni dating Senador Taῆada. Yong iba naman na nandiyan lang sa tabi-tabi ay nanonood lang ng mga pangyayari, lumalantad lang kung sa palagay nila ay ligtas sila at kung maraming TV kamerang nakatutok.

 

Ang mga ilang nakaraang taon ng pagdiriwang ng EDSA People Power ay nilangaw. Nagkahalataan na hindi naman pala talaga para sa masang Pilipino ang “people power” na ito. Kaya nga ang selebrasyon ay sa Ayala Avenue ng mayamang distritong komersiyal ng Makati. Para bang ikinahiya na ito ng ordinaryong mamamayang Pilipino. Yong iba ngang nasa stage noong unang “people power” ay wala nang kibo na para bang isa na lang itong nakakahiyang yugto ng buhay nila o di kaya ay isang masamang panaginip, isang bangungot. Nagkawalaan ng kusa, kaya yong isa na sana ay kasama sa selebrason, naglabas ng sama ng loob sa TV at nagsabi na hindi naman daw siya inimbita!

 

Marami ang nagpumilit na makatulong upang mabago ang mga maling sistema ng gobyerno na umaabot sa corruption ng namamahala ng ilang ahensiya kaya nagkaroon ng palasak na katawagang “whistle blower”. Nandiyan si Sandra Cam, at iba pang limot na ang pangalan o nagtago na lang dahil naramdaman nila na walang saysay ang ginawa nilang pagsakripisyo. Ang hindi makalimutan ay si Kabungsuan Makilala na nagbunyag ng katiwalian sa pamamalakad ng National Bilibid Prison o “Muntinglupa”. Si Sandra Cam ay palaban kaya hanggang ngayong may issue sa pagwaldas ng pork barrel fund, ay nandiyan pa rin siya at sumusuporta sa mga whistle blowers. Si Kabungsuan Makilala na may magandang pangarap sa buhay at sa Pilipinas kaya iniwan ang probinsiyang Sultan Kudarat upang makapag-ambag ng kaalaman sa pagpatakbo ng Muntinglupa, ay pinili na lang na tumahimik muna. Subali’t sa panibagong pagkabunyag ng mga katiwalian sa Muntinglupa, para na rin siyang nanalo sa mga pinaglaban niya noon. Lumalabas na tama pala talaga siya!

 

Kaliwa’t kanan ang mga nakaambang panganib sa Pilipinas. Nariyan ang patuloy na banta ng panganib mula sa hagupit ng Inang Kalikasan. Nariyan ang banta ng Tsina na gustong kumamkam ng ilang bahagi ng ating bansa. Nariyan ang hindi pantay na patakaran sa pagpapatupad ng pandaigdigang kalakalan. Nariyan ang banta ng gutom dahil sa kawalan ng trabaho ng karamihan sa mga Pilipino. At higit sa lahat, nariyan ang mga nakawan sa kaban ng bayan, na ang paglilitis sa mga sinasabing sangkot ay maaaring abutin ng kung ilang panunungkulan o administrasyon pa pagkatapos ng kay Presidente Pnoy.

 

Ang bantayog sana ng EDSA People Power ay pinakahuling sagisag ng ating kasarinlan at katapangan. Subali’t dahil sa pagkaguho nito na hindi kayang itayo ng mga nasa katungkulan dahil sa pagkawala ng tiwala sa kanila ng taong bayan, ang magagawa ng huling nabanggit ay gumawa ng paraan upang magtayo ng panibagong bantayog. Kung ano man ito, ay dapat abangan…

Kuwento ng Mga Buwaya at Linta

Kuwento ng Mga Buwaya at Linta

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mga buwaya at linta ay kinatatakutan. Ang mga buwaya ay sa katihan madalas matatagpuan o hindi kaya ay sa mga sapa at ilog. Meron din nito sa mga tabing dagat na may mga bakhawan. Ang mga linta naman pati na ang pinsan nilang limatik kung tawagin ay sa ilalim ng mga tuyong dahon sa kagubatan matatagpuan, meron din sa mga tabing- ilog. Ang mga linta na madalas makita ay yong may kalaparan ang katawan, at ang limatik naman ay kulay itim na parang toothpick ang laki ng katawang maigsi, subalit limang doble ang nilalaki kapag nabundat na sa dugong masipsip. Pagdating sa kainan, sakmal ang ginagawa ng buwaya, at ang linta naman ay paninipsip.

 

Sa ating bansa hindi na kailangang pumunta sa katihan o ilog o gubat upang makakita ng mga ganitong uri ng nilalang ng Diyos. Sa mga malalaking bulwagan na aircon ay marami nito, naglilipana. Ang mga katawan ay nababalot ng kumikinang na mga alahas at mga damit na ang halaga ay kahalintulad sa dalawang taong budget ng isang mahirap na pamilyang Pilipino. Ang mga gahaman ay animo buwaya kung sumakmal ng pera sa kaban ng bayan. Ang iba naman ay may kahinhinang sumisipsip ng paunti-unti ng pera ng taong bayan sa hangaring hindi mabisto agad.

 

Magagaling din silang umarte na animo ay walang kasalanan, kaya tuloy ang pobreng babae na promotor daw ng pork barrel scam ay nakayuko lang at ang nasasambit ay, “I invoke my rights….”, hindi makatingin sa mga taong naglilitis sa kanya sa loob ng isang malaking bulwagan. Tingin kasi ng nalilitis sa mga taong lumililitis sa kanya ay mga buwaya na sa konting pagkakamali niya sa paglahad ng kanyang saloobin, pagtutulungan siyang lalapain ng mga ito. Kaya para feeling safe siya, naghanap muna ng mga kakampi. Nagpa-opera pa para makumpleto ang drama, at naglabas ng lista, na para bang sinabi niyang, “….ayaw nyo rin lang akong ituring na kauri ninyo… iyan…magdusa kayo…susunod na lang ako!” Kaya ang nangyari, nagkabulasawan sa lubluban ng mga buwaya, nagpisikan ang mga linta!

 

Ang taong “keeper” nila, siguro hindi na rin mapakali.

 

Ang Ospital ng Makati na may Letrang “B” At Ang Pagdugo ni Janet Lim Napoles

Ang Ospital ng Makati na may Letrang “B”

At Ang Pagdugo ni Janet Lim Napoles

Ni Apolinario Villalobos

 

Marami ang nalungkot nang hindi ibinalik si Napoles sa kanyang bahay-bakasyunan sa Tanay, pagkatapos ng itinakdang panahon ng pamamahinga nang siya ay operahan sa Ospital ng Makati. Inasahan ko na ito – gagawa at gagawa ng paraan upang maantala ang paglabas niya sa ospital, at ang naisip ay ang pagdugo daw niya at diabetes.

 

May kaibigan ako na ang asawa ay sumailalim din sa operasyong katulad ng ginawa kay Napoles. Nakatira sila sa isang maliit na bahay, kinakapos pa ng pagkaing masustansiya, kung minsan pati gamot na nireseta, pero nakakaraos. Ang sabi ng doctor ni Napoles, sa Tanay daw ay hindi siya pwede dahil pati tubig na pampaligo at pambuhos sa kubeta ay sinasalok niya sa poso, at ang balde ay siya daw mismo ang nagbibitbit.

 

Kung diabetes ang problema, may mga gamot naman at ang mga sosyal niyang doctor na taga-St. Lukes ay pwedeng regular na pasyalan siya. Pansamantala, pwede sigurong bigyan siya ng female warden o police woman na aalalay sa kanya. Marami ring tauhan doon na maaaring maghakot ng tubig para sa kanya. Kung gusto niyang madagdagan ang lamig ng bahay, dagdagan ang bentilador.

 

Sa pagka-wise ng mga abogado at mga doktor ni Napoles, baka pinag-iisipan na nilang papedikyuran ito at sadyang pasugatan ang mga daliri sa paa upang hindi gumaling, dahil diabetic nga. Ang nagagawa nga naman ng pera! Maraming nababayarang taong kayang lunukin ang prinsipyo.

 

Nagustuhan yata ni Napoles ang ospital ng Makati. Ang sabi ng isa kong kaibigan paborito siguro niya ang letrang “B” na nakikita sa mga sulok nito. Pati daw sa kisame meron ding ganitong letra…yan ang sabi naman ng isang kilala ko na-confine na doon. Sabi ko sa kanya, hindi lang sa Makati merong letra na animo ay tatak ng pag-aari. Meron din sa ibang lunsod, subali’t upang hindi mahalata ay dinadaan sa kunwari ay mga slogan subali’t hina-highlight ang tatlong letra, mga initial ng pangalan ng nakaupong mayor.

 

Ang payo ko sa mga naghihimutok, magdasal na lang, nasanay na rin lang sila sa mga epekto ng mga kabalbalang pagnanakaw ng mga corrupt na mamababatas at iba pang opisyal ng pamahalaan. Pati ako sanay na rin, kaya nauunawaan ko na ang mga letra ay nagpapahiwatig na saang sulok man ng ating kawawang bansa tayo tumingin, nakikita natin ang mga nakakasukang tatak ng corruption.

 

The “Honest” Corruption, “Dirty Money”, and the Lenient Filipino

The “Honest” Corruption,

“Dirty” Money, and the Lenient Filipinos

By Apolinario Villlaobos

 

A lawmaker blatantly and sounding with authority declared that receiving money from Napoles is not bad, because it is “her own”, from her bank account, not from any government account. Simply said, only Napoles alone is guilty of corruption because she “directly” stole the people’s money, not those in the government whose palms she greased with money that she sanitized by temporarily depositing and transferring them into several bank accounts before finally depositing them in her own account. If this is how our lawmakers think, our country is really going to the dogs!

 

No wonder why, years before election, there is a quandary in “raising funds” by politicians, thinking that the money they will eventually amass  are theirs, because they did not directly come from the government coffer. That is how the lawmaker was trying to say, exposing himself to the people, because of his thorough knowledge of the plunder process in the Phlippines. It looks like, he knows the process by heart, and his statement implies that he is doing it himself.  I wonder if he is also a high school graduate.

 

Corruption in the Philippines has sadly become part of its political culture. A popular adage is that if one would want to get rich instantly, he should join politics.  The People Power did little, if ever, to improve the lot of the people, because only faces changed when Cory Aquino assumed the presidency. The same corrupt attitude is still there, saturating the air of Senate, Congress, even the Palace. The good thing that the People Power did was inspire other countries, especially, Poland. It showed again, that the Philippines is only good in initiating… there is no consistency in what we do.

 

Several elections were held, and always, vote-buying was involved. The latest election showed the most scandalous vote buying ever, but although apprehensions were made and cases filed in the COMELEC, nothing came out of them. It is this indifferent attitude of concerned agencies that embolden corrupt officials, and further cultivate this wicked aspect of Philippine political culture. Compared to a tree, it has grown robustly and become deeply rooted to the ground, and only God knows how the bad tree can be uprooted.

 

People in the government see peso opportunity in everything that they do. This embarrassing attitude has put the image of the Filipinos in a bad light, even on the issue of donations. A glaring situation is how billions of dollars of donations for the rehabilitation of the victims of typhoon Yolanda are being handled. Foreign donors were shocked to learn that after many months, only fifty relocation houses were built for the victims in Tacloban. The government’s rehabilitation effort with the support of the donated dollars and deposited in fat accounts pales in comparison as regards the extent of progress accomplished by the private NGOs in building relocation structures.  Even the rehabilitation czar himself, Ping Lacson, complains about the indifference of two agencies that are supposed to be actively involved. This is just the tip of iceberg, as they say, because nothing has been mentioned yet, about sold donated goods, which concerned agencies, expectedly deny to death.

 

Let us see what will happen to the planned extensive construction of facilities that will be used by the Americans in the Philippines, as part of the enhanced defense agreement. I am pretty sure that voluptuous lobbyists a la Napoles are already honing their English vocabulary. And, I am sure that strategies are already being planned in connivance with the “insiders”…where they are now, I know that intelligent viewers also know.

 

The Christian is us made us soft-hearted…easy to forgive. We are supposed to be proud of this, yes, supposedly proud. Unfortunately, we also abuse it to the fore, to the point of being lenient, indifferent. Most Filipinos are contented as fence-sitters, observers, waiting for bigger things to happen. Some are even blind, barking at the wrong tree, holding rallies in front of the US embassy when the hot issue is on the bullying of China. It took an emotional call from a brave and young Vietnamese woman for a support from the Filipinos to join them in their rally in front of the Chinese embassy, before a small contingent of “militant” Filipinos with red flags finally joined them. It took world-wide publicities on the rampant burning of Chinese factories in Vietnam, before the Philippine Department of Foreign Affairs again spoke and “complained” about the bullying of China. Filipinos do not have the heart to burn Chinese factories  in our country because doing so will aggravate poverty among our people, and we know why. What we can afford to burn are just effigies of grinning Pnoy and Obama and a small Chinese flag. But what else can we do when the Chinese are sending out strong messages that they do not want any mediation in the settlement of the confrontation? While the National Defense people spend precious time in front of TV cameras showing photos and talk about issues already known, the Chinese are making leaps in the construction of helipads, air strips and multi-story structures on reclaimed shoals in question.

 

I am proud as a Filipino, but suffer, too, in a way, because of what some of my countrymen are doing – the government people personalities who breathe corruption and some countrymen who tolerate them. The shame cannot be overshadowed by what some of my countrymen are doing to excel in some fields of endeavor. Yes, I am proud because Filipino entrants give chills to other contestants in international singing and beauty competitions. And, Pacquiao showed that a Filipino can be a pugilist with international caliber, too. But, can we have a singing president? A pugilist congressman, yes, but can he assume responsibilities as president? They can inspire, but to what extent?

 

Personally, I think, the Philippines is ripe for a mediatory takeover by a third party. The United Nations is there with this purpose. With the internal anomalies and external threats, aggravated by helplessness due to the lack of a sound defensive machinery, we are practically exposed. Without being vocal about it, the government seemed to have conformed with what some government lawmakers call as one-sided provisions of the enhanced defense agreement in favor of the Americans, hoping that Uncle Sam can prop up the country in case of a confrontation with China. Propping up is different from defending. USA has a vested interest in China economically, so how can the former afford to lose such a precious economic ally? The Philippines can just become a compromised “state” in the long run. Economically, it is clear that the country is dependent on the Chinese, such that even toothpicks and cotton balls are from China, we have vast deposits of natural resources but we have no capability to exploit them so we need moneyed foreigners to do this, and in running the government, well, many groups are asserting that the US government has already been pulling the strings since time immemorial, as if doing a puppet show. So, what “surprising” else is new?

 

If the nightmarish scenario happens, our rich brethren with ready passports duly marked with visas can easily evacuate to countries of their choice. Some with families permanently residing in the US have no problem. The rest can stay behind, hoping that new blessings will be savored. I am just presenting a real picture here, so I just hope that readers or viewers will not consider me as a negativist. I am just being realistic and in my own small way, articulate observations that most of the Filipinos refuse to let go off their mind.

 

 

 

 

My Words…or Your Words (the battle of credibilities)

“My words ….or your words”

…the battle of credibilities

 

By Apolinario Villalobos

 

The Senate, Congress and even the Palace are in a quandary. With the Lacson list out in the open, funny remarks are heard from those named in the list. One stands out…the lawmaker whose name is included in the Lacson list, looks forward to the “authenticity” of the Luy list. But when rumor spread that even the said lawmaker’s name is also included in the Luy list, a loud disavowal from the said lawmaker was heard, even condemning the poor whistle blower!

 

All named lawmakers are one in saying that for as long as they are not proven guilty, they are innocent, that is how their nasty mind can be – filled to the brim with disgusting allegations . As expected, a battle of credibility has ensued…a case of “my words against your words”. Lawmakers against a high school graduate but “wise businesswoman” who did not know that giving commission to lawmakers was illegal…and lawmakers against whistle blowers who are not yet totally free from guilt. Poor Lacson is caught in the middle. What he thought as a rewarding effort by announcing to the world that he has a list, boomeranged and did him more damage than good…even his personality is dragged into the picture, so he fought back, calling the accuser names. What is sad is that the embarrassing fracas will be written down on the pages of our history, highlighted by the ruined personas.

 

Credibility is at the forefront of the hodgepodge case, the resolution of which most Filipinos doubt can be resolved just before Aquino steps down from his post. The case is pityingly jumbled that the poor Secretary of Justice, de Lima seems at a lost whether to start again or go on at the expense of the result’s credibility. There is also the question on the credibility of the lists, one given personally to de Lima and duly signed, one from Lacson which is unsigned, one from Luy’s laptop backup, and still one, to be submitted yet by Sandra Cam, president of the whistle blowers’ association. And, then, there’s the credibility of the sources – Napoles and Luy. Yet, again, there is the credibility of the named lawmakers who are denying the allegations.

 

The political arena of the Philippines is full of hasslers. And the country is literally going to them, and being shredded into pieces by their greed. The year 2016 is fast approaching. Will the current President stay put, as he is seemingly sure of being voted again as President, so that he can make sure that Filipinos can take the straight path towards progress? Are we seeing another Providential Act that will thwart the early decision of Pnoy not to run again? Will he follow the footsteps of Gloria Arroyo who made a strong promise not to run again, but was purportedly given a Providential sign that she had to fulfill, hence, the need for her to run for another term, an effort which eventually pushed her towards the brink of her career?

 

The problem with our culture is that we always swear to high heavens to prove our innocence, one senator even raising two hands for the lightning’s strike, another swearing sudden death if he is proven lying. Most Filipinos have abused God’s goodness…and, in the process, become “catlics” instead of Catholics, and “greasetians”, instead of Christians.

Ang Napo-list at si Ping Lacson

Ang Napo-list at Si Ping Lacson

Ni Apolinario Villalobos

 

Maraming senador ang natataranta dahil sa sinasabing Napo-list. Sinabi ni Ping Lacson na may kopya din siya, at dahil sa pagbunyag niya na ang dami ng mga senador sa listahan ay katumbas ng quorum, lalong nabulabog ang Senado. May mga nagpapa-interview na at nagpapauna na hindi sila kasangkot, yong isa nagsabi pa na isabay ang mga ebidensiya, na mangangahulugan ng pagkaantala ng pagbunyag dahil kailangang kumalap pa ng mga ebidensiya para sa lahat ng nasa listahan na kinapapalooban din ng mga pangalan ng maraming kongresista. Yong isa, dating maingay na nagtatalak sa mga interview, as usual, at kailangang ibunyag daw sa publiko ang listahan subali’t nakahiging yata na kasama siya, kaya, biglang nagbago ang mga salita…siguradong ang mga nasa listahan ay pakana daw ng mga kalaban niya.

 

Ang matindi ay si Ping Lacson na sa unang interview, ang dating ay may katapangan kaya pinalakpakan. Subali’t nang interbyuhin sa radio, biglang lumamya. Kailangan pa daw imbestigahang mabuti at baka naman hindi lahat ng nakalista ay talagang sangkot, at kung magsisiwalat siya, gusto niya ay sa executive session –closed door, bawal ang media. Ang inaalala daw niya ay baka masira ang Senado kung ibubulgar sa publiko ang listahan. Hindi yata niya alam na matagal nang walang tiwala ang mga tao sa Senado. Sa isyu naman ng security, matagal nang wala nito ang Pilipinas. Harap-harapan nga kung bastusin ng mga banyaga ang mga batas natin, lalo na ng  Tsina na kung ituring ang Pilipinas ay isa nitong probinsiya. Kung baga, nakatiwangwang na ang kabuuhan ng Pilipinas, lalo na sa mga banyaga na hayagan kung magnakaw ng natural resources natin tulad ng black sands at iba pa.

 

Ibibigay daw ni Ping Lacson ang listahan sa Senado. Sana linawin niya na magbibigay lang siya ng kopya. Dahil kung bibitawan niya ito at sasabihin niyang wala na siyang kopya ay para niyang sinabi na hindi na siya makikialam sa isyu. Hindi yata niya naisip na kaya siya nilapitan ng pamilya Napoles upang bigyan ng listahan ay dahil siya lang ang sa tingin nila ay natitirang pwedeng pagkatiwalaan sa gobyerno. Sa gagawin niya, sisirain niya ang tiwalang ito. Gusto yata niyang maghugas-kamay. Tahasang sinabi niya na kung isasapubliko niya ang listahan, ayaw niya na malagay on-the-spot. At gusto niya na ang magsisiwalat ay si Napoles mismo sa Senate hearing. Mga imposibleng kahilingan na parang sinabi niyang ayaw niyang sumawsaw sa isyu.

 

Kung ang kinatatakutan ni Lacson ay makitaan ang Pilipinas ng ibang bansa ng kahinaan dahil sa pagbagsak ng Senado sa pagkawala ng tiwala ng mga tao dito, huwag na siyang mangamba dahil matagal nang nakikita ng ibang bansa ang kahinaan ng Pilipinas dahil sa talamak na corruption, at kung saan, kaliwa’t kanan ang bilihan ng boto tuwing eleksiyon. Sana isinama niya ang pangamba niya sa pagbagsak ng Kongreso, na ang sitwasyon ay kapareho lang ng Senado – tadtad din ng corruption at hindi na pinagkakatiwalaan ng taong bayan. At bakit  Senado lang ang tinitira nila? Dahil ba ang matunog na mga pangalan ng mga taong tatakbo sa pagka-Presidente at Bise nito, pati na ang mabigat na fiancier ay manggagaling sa Senado?

 

Hindi maintindihan si Ping Lacson kung ano talaga ang kanyang punto. Noon bigla siyang nagpa-interview para sabihing napasukan ng corruption ang mga programa para sa rehabilitation ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Sinabi niyang may overpricing, under-delivery at kung anu-ano pa. Ipinakita sa TV ang mga inferior na materials na ginamit, totoo nga yata, dahil sa halip na softwood man lang ay mga coco lumber ang ginamit, ilang pulgada lang ang angat sa lupa ng mga sahig na plywood, manipis ang yero at dahil tag-ulan nang ipakita sa TV, napansin pa ang marka ng daloy ng tagas ng tubig-ulan mula sa bubong, ang sukat ay maliit at imposibleng tirhan ng komportable ng isang pamilya na ang average na dami ng miyembro ay apat. Sa kabuuhan, halata ngang pinagkitaan ang proyekto.

 

Subali’t makaraan ang ilang araw, nagpa-interview uli si Lacson at kumambyo na…wala daw overpricing na involved, kundi under-delivery lang. Ang tinutukoy niya ay ang mahinang klase ng materyales na taliwas sa specifications, at marami pang ibang paliwanag. Para sa mga nakakaintindi, wala namang kaibahan ang bagong sinabi niya sa talagang corruption na una niyang binanggit. Kaya tuloy nawala ang tiwala at pagka-bilib sa kanya ng mga Pilipino. Kaya siya inilagay sa pwesto niya ay dahil nakitaan siya ng katapangan sa pagsawata ng katiwalian, subali’t sa katamaran lang ng dalawang ahensiyang sinabi niyang ayaw makipagtulungan ay wala siyang nagawa. Wala daw siyang power upang manita. Bakit hindi siya humingi nito bago niya tinanggap ang trabaho? Ano pa ang gagawin niya kung wala siya nito? Para ano pang tawagin siyang “czar” ng rehabilitation program? Nawalan ng saysay ang kanyang pwesto. Nagpa-interview pa uli para sabihin ang sama ng loob bago nagsumbong sa Pangulo. Talaga din naman….

 

Noong pumutok ang isyu ng Napoles case, nagpa-interview din si Ping Lacson at sinabi niyang may lumalapit nga daw sa kanya at nag-alok para sa kanyang pork barrel pero hindi niya pinansin, at kaya daw ayaw niyang gumamit nito ay dahil magulo. Bakit hindi niya ibinulgar na may nangyayari palang ganoon? Bakit kailangan pang hintaying magsalita ang grupo ni Luy upang mabulgar ang katiwalian bago siya nagsalita? At, hindi nangangahulugan na corrupt na siya kung gagamit siya ng pork barrel, dahil ang issue dito ang ang tamang paggamit ng pondo, kaya tuloy pati yong para sa kanya ay naibulsa na rin ng iba. So ganoon pa rin ang nangyari, nadagdag sa ninakaw ang pondo na dapat ay ginamit niya sa tamang paraan.

 

Hindi na lang sana nagpapa-interview si Ping Lacson. Sa isyu ng Tacloban rehabilitation, dapat dumiretso siya sa Presidente dahil, presidential assistant/consultant naman siya. At sa listahan naman galing kay Napoles, dapat, nakipag-usap siya sa Senate President. Lahat ng pakikipag-usap dapat ay ginawa niya ng pasikreto. Pero, ayaw yata niyang makalimutan siya ng mga Pilipino dahil sa balitang may balak siyang tumakbo uli bilang senador. Kaya pala panay ang pa-interview niya, na siya namang naglalagay sa kanya sa alanganing sitwasyon.

 

Maraming sumuporta kay Lacson sa isyu ng Kuratong-Baleleng dahil nakitaan siya ng tapang sa pagpigil ng mga malakihang holdapan at nakawan noon. Iniisip pa nga ng iba na baka lumusot siya sa pagka-Presidente dahil ang tingin sa kanya ay malinis. Subali’t  para sa isang namumuno, bukod sa  busilak at kalinisan ng pagkatao, dapat mayroon ding matatag na prinsipyo at may isang salita, mga tanda ng pantay at makatarungang desisyon na gagawin niya ng buong tapang.

Don’t Cry Mama…may kasalanan ka

(Ito ay isang monologue…marubdob kong isinulat para sa isang estudyante na contestant sa isang declamation contest…sabi ko sa kanya, kathang-isip ito…di ko alam kong siya’y  nanalo, natalo, inalipusta, pinagbabato, o hinuli ng pulis.)

 

Don’t Cry, Mama

…may kasalanan ka

Ni Apolinario Villalobos

 

Don’t cry, mama…malayo yan sa pagkakilala ko sa iyo. Sinabi mong bata ka pa lang ay humarap ka na sa hindi mabilang na pagsubok kaya tumibay ang iyong loob at tumapang ka, kumapal din ang iyong mukha. Sinabi mo noong bata ka pa lang ay na napasabak ka na sa pagtitinda, naging kasambahay pa sa isang kamag-anak natin, at kung anu-ano pa. Ang awa ninyo sa mga lolo at lola na naghihirap ang maya’t-maya sa iyo ay nagpapaluha, kaya siguro, pansinin ang mga eye bags sa ilalim ng iyong mga mata…dahil bata ka pa lang ay panay na ang iyak mo.

 

Kayo kasi, eh…sinabi ko na sa inyo noon na tama na yong nagtitinda tayo ng mga office supplies na pinaghihirapan nating bitbitin sa mga opisina ng mga government officials, pati na sa mga kampo ng mga sundalo at navy. Subali’t hindi pa rin kayo naging kuntento. Gusto ninyo may kotse tayong ginagamit. Ayaw na ninyong sumakay tayo sa jeep dahil sa dami ng malalaking plastic bag na ating bitbit. Hindi tayo pwedeng sumakay sa taxi dahil walang budget para dito.

 

Ang bilis ng mga pangyayari, mama. Ako ay nalula. Parang sa isang iglap, naging milyonarya ka. Limpak-limpak palang salapi ang naging kapalit ng maganda mong pakisama sa mga opisyal. Nalula ako sa mga binili mo – condo dito, condo doon…mga kotseng maski sa local na catalogue ay hindi ko nakita dahil mga smuggled yata. Pati ang mga opisina mo, matindi! Nagkaroon ka pa ng maraming empleyado, yong iba ay mga kamag-anak natin. Hindi na ako nagtanong dahil pinadala mo ako sa Amerika upang mag-aral ng isang sosyal na kurso. Ibinili mo pa ako ng isang flat na milyones ang halaga…thank you for that, mama.

 

Malimit tayong mag-party noon, di ba, mama? Nakakalula ang mga kilalang taong  iniimbita mo. Sikat ka kasi, marami kang pera, pati mga senador at kongresista kaya mong tawag-tawagan ng ganoon na lang sa telepono, ewan ko lang kung ano ang pinag-uusapan ninyo noon. Iba ka, mama, biruin mong nagawa mong gawing ball room ang libingan ni lolo! Kung sa bagay, sa ganda ng loob nito, para na ring 5-star hotel. Marami ngang mga pulitikong natutuwa tuwing pupunta doon, panay pa selfie nila, yong iba nga lumabas sa mga diyaryo…pinagpyestahan ng mga tao. Paano ba naman, maski ang mga taong nagdi-deny sa iyo ay katabi mo sa mga selfie nila!  Iba talaga ang technology, maraming naibubulgar!

 

Pero, bakit ganito, mama? Ang mga salaping pansamantalang tinatambak mo sa bath tub at kama ay biglang nawala?…nawala nga ba? o binawasan mo lang ng para sa mga taong kausap mo at ang iba ay diniposito mo sa pangalan ng ibang tao. Sabi ng mga empleyado mong kamag-anak natin, ang dami naman palang pera, pero bakit ang Christmas bonus na bigay ninyo sa kanila ay barya lang daw? Kaya sa inis nila sa iyo, mama…sinilipan ka! Ibing kong sabihin, sinilip nila ang mga butas ng iyong buhay…ang iyong illegal daw na pinagkikitaan…ang mga deals mo daw sa mga taga-gobyerno…at iba pa. Kaya ngayon, naalala ko tuloy ang kanta ni Freddie Aguilar na may linyang, “nasadlak  ka sa dusa…”.

 

Okey na sana mama, yong pinagsadlakan mo sa isang lugar sa isang probinsiyang malapit sa Manila…yon bang kubo pero napapaligiran ng barbed wire para siguro hindi pasukin ng mga magnanakaw. Tahimik ang dating. Yong ibang malalaking taong “nagbakasyon” doon noon ay nagtanim pa ng mga gulay. Pero bakit biglang nagbago ng desisyon ang mga taong nagbabantay sa iyo? Bakit gusto ka nilang ilipat sa bilangguan? Mabuti na lang at wise ang abogado mo, mama. Ginamit ang sakit mo para makalabas ka at makapagpa-opera sa isang ospital, yon nga lang cheap, pang-masa, hindi tulad ng ospital na suki mo, yong St. Martin, ma-sosyal. Minus two ka na ngayon, mama, dahil dalawang organs mo ang tinanggal. Pero okey lang yan dahil nailabas mo na ako sa mundo.

 

Ngayon, dahil nakapagpahinga ka na raw sa pagkaka-opera, gusto ka na nilang ibalik sa iyong kubo. Palagay ko ay may mga nagsusulsol! Yong mga naiinggit sa beauty mo na maski nawalan na ng matris at obaryu, ay parang wala lang. Naiinggit sila dahil nabawasan ang timbang mo. Bakit hindi ninyo tanungin ang mga doctor ninyo na taga-St. Martin hospital kung mayroon pang pwedeng tanggalin sa inyo para tumagal pa kayo sa ospital? Take a chance mama, wala namang masama sa pagtanong. Mabuti nga naisipan ninyong magdahilan na hindi ninyo kayang bayaran ang mahigit 90 thousand na gastos sa operasyon ninyo.  Talagang cheap pa rin, dahil kung sa St. Martin yan, malamang mga 200,000 pesos na.  Ano sila hilo? Gusto pa yata nilang ibenta natin ang isa sa mga cars natin para bayaran sila. Gusto nilang bawasan ang perang pinaghirapan ninyong kurakutin, eheste…inipon pala, sorry, mama, nadulas lang!

 

Kung mag-no comment ang iyong mga doctor o ayaw nilang makipag-tulungan, tingnan ninyo kung may balakubak kayo, dahil sa pagkaalam ko, nakaka-cancer din daw ang balakubak na matagal nang pabalik-balik, nagiging skin cancer yata. O di kaya ay ang inyong kuko. Di ba diabetic kayo? O, ipatanggal ninyo ang isa ninyong kuko para magkaroon kayo ng sugat na hindi gagaling, at pag lumala ay baka maputulan pa kayo ng paa, tulad ng isa kong kaibigan na wala nang kanang paa dahil nagkaroon ng sugat na nagnaknak at hindi gumaling nang siya ay magpa-dedicure. Kapag nagkaganoon, talagang tatagal kayo sa ospital.

 

Patulong kayo sa abogado ninyo sa pag-isip ng maraming paraan para may- choice kayo. Kung gusto ninyo maglo-launch ako ng pakontes sa facebook ko para sa pinakamagandang paraan upang makaiwas sa pagka-confine…maliwanag yan mama, huh, hindi pagkakulong. Disente tayo kaya dapat sa sitwasyon mo, ang tawag ay naka-confine, kung hindi sa kubo ay sa ospital. Isang milyon ang ibigay nating pabuya sa bawa’t magustuhan nating dahilan. Pumili tayo ng twenty na dahilan para by the time na maubos na ang mga ito, siguro, halos ninety years old ka na. Pwede nang humingi ng clemency sa presidente. Maawain ang Pilipino, di ba? Tag-gutom ngayon, sigurado marami ang sasali sa pakontes. Yong iba nga, nagpa-plagiarize o nangongopya ng mga isinasali sa kontes, nananalo pa!

 

Pero, sa ngayon mama, huwag kang umiyak…muna. Palagay ko malulusutan mo yan dahil marami pa silang naglilipana na pwedeng bayaran…pakalat-kalat lang sila. Hindi ba marami sila sa listahan mo? Bakit hindi mo subukang tawagan ang ilan, total, hindi pa naman inilalabas ng binigyan ninyo ang lista. Malay ninyo, gumawa ng petisyon yong mga inambunan ninyo ng limpak-limpak na salapi. Yong iba nga, nakita ko ang mga kotse…walang less than dalawang milyong piso. Gusto yata nilang ungusan ang ganda ng Porsche natin.

 

Ayan, lumuluha ka na naman, mama. Huwag kang umiyak dahil lalong mamamaga ang inyong mga eye bags. Babalikan ko kayo next week. Pupunta lang ako sa Switzerland para mag-withdraw dahil humihingi na naman ng pera ang hayupak mong abogado, malamya na kung magsalita, bulol pa. Dadaan na rin ako sa Morocco para tingnan yong dalawang bahay na binili ko. Ano man ang mangyari, may matatakbuhan tayo. Always remember, mama, na ang kapalaran ninyo ngayon ay walang kapantay, hindi na siguro malalampasan. Lalo na ang ginawa ninyo na pinagpipilitan nila…biruin ninyong ni hindi kayo nakatapos ng kolehiyo, natalo nyo pa ang abogado, accountant, public administrators…pero nagkamal daw kayo ng bilyones na piso. Hindi ba pang-Guinness Book of World Record yan? Kaya, cheer up!

 

Basta, mama, don’t cry, huh? Just between us (pabulong)…..may kasalanan ka. Secret natin yan. Love you…mwaaahhhhhh!

 

May Isang Social Climber

May Isang Social Climber…

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Sa isang executive subdivision, wala pang 8:AM ay narinig na ng mga kapitbahay ang isang bagong lipat sa kanilang lugar na nakakuha ng malaking halaga ng pera dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa sa Saudi. Ayon sa kwento ng bagong lipat na babae sa kanyang mga kapitabahay, milyon-milyon ang halaga sa piso ng perang natanggap niya mula sa kumpanya ng namatay niyang asawa, bukod pa sa mga insurance nito sa Pilipinas. Nagpa-impress agad ang babae sa kanyang mga bagong kapitbahay upang masabi nilang hindi siya basta-basta. Nguni’t ang katotohanan ay dating nakatira sa isang low-cost subdivision ang pamilya ng babae at high school graduate lang siya. Dahil maganda, nakapag-asawa ng isang engineer. Nang umagang yon ay pinapagalitan nito ang kanilang kasambahay.

 

Misis:   Inday, sa susunod basta ang naghanap sa akin ay nakakotse, tawagin mo agad ako, maski nasa parlor ako sa labasan, dahil baka taga-Congress na naman, tulad noong nakaraang araw na basta mo na lang sinabihang wala ako maski nasa kabilang bahay lang ako, kaya tuloy hindi ko nakausap si amigang Congresswoman…. Huwag kang tatanga-tanga! Alam mo namang marami akong ka-transaksyon na mga opisyales ng gobyerno at mga negosyante. Tandaan mo yan ha?

 

(Sadyang  nilakasan ng babae ang kanyang boses upang marinig ng mga kapitbahay ang mga sinasabi sa kasambahay.)

 

 

Inday:   Opo.

 

(Pagkalipas ng dalawang araw, may bisitang dumating, nakakotse, bumaba ang isang babaeng naninilaw ang mga tenga, leeg, mga daliri at braso dahil sa mga gintong suot…kinausap si Inday na noon ay nagdidilig ng mga halaman.)

 

Babae: Nandiyan ba si Mrs……?

 

Inday:   (Halatang na-impress sa ayos ng babae at sa kotse nito.) 

Opo! Sandali po at tatawagin ko.

 

            Ma’am….may naghahanap po sa inyo, nakakotse po, at maraming suot na alahas! (sadyang nilakasan ang boses upang marinig ng mga kapitbahay)

 

Misis:   Aba’ y papasukin mo sa sala …at bigyan mo ng kape. Naliligo lang ako.

 

Inday:   Opo!

 

(Sa sala, hindi ginalaw ng bisitang babae ang kape, halatang nabubugnot. Nang lumabas si Misis ng kwarto at pumunta ng sala, muntik na siyang matapilok.)

 

Babae:  (Sumisigaw habang dinuduro si Misis)

Hoy! Balasubas! Bayaran mo ang utang mo. Walanghiya ka! Lumipat ka pala ng tirahan hindi mo man lang ako sinabihan! Buti na lang nakausap ko si Mrs….at sinabihan ako kung saan ka lumipat! Walanghiya ka! Apat na buwan mo na akong pinagtataguan ah! Kailangang magbayad ka ngayon din, kung hindi ipapupulis kita! Magrereklamo ako sa homeowners association ninyo at sa barangay! Titingnan ko kung may magagawa ang  pagkabalasubas mo!

 

(Naglabasan ang mga kapitbahay na nabulahaw dahil sa sigaw ng babaeng nagwawala. Dinig na dinig nila ang mga pinagsasabi nito pati na ang tungkol sa dalawang Bombay na naniningil din at nakasabayan niya noong huling hanapin siya nito. Para mapatahimik ang babae, nag-issue ang Misis ng post-dated check, subali’t nagpagawa pa rin ng kasulatan ang naniningil na kailangang mapirmahan din ng presidente o maski sinong opisyal ng homeowners’ association ng subdivision. Pagkatapos ng pirmahan, isinama ng babaeng naniningil ang Misis sa isang abogado upang ma-notarize ang kasulatan. Ang nilalaman ng kasulatan ay ang pagpayag ng Misis na kukunin ng babaeng inutangan ang kotse nito kapag hindi  nagkabayaran sa petsang ipinangako. Two days after, umalis ang katulong at driver, nabahala na baka hindi sila maswelduhan dahil nabisto nilang hindi na pala ito nakakabayad ng mga utang. Ikinuwento ito ng isa kong malapit na siya ngayong boss ng driver ng Misis na mayabang. Ininterview kasi niya ang driver tungkol sa pinakahuli niyang trabaho at kung bakit siya umalis, maski pa rekomendado ng kaibigan namin, bago niya  kinuha bilang driver. Sinabi pa pala ng driver na sa sala ng dati niyang among Misis ay may mga larawan ito na kasama yong kontrobersiyal na babaeng naka-detain sa isang “safehouse” sa Tanay at mga pulitiko. Pamilyar nga daw ang ilang mukha na kung minsan ay nakikita niya sa tv habang ini-interview..  Naihatid niya na rin daw niya ang dating amo sa isang party sa loob ng isang sementeryo sa Pasig … na ipinagtataka niya.)

 

 

 

 

 

Ang Mga Isyung Hindi Maiwasang Mapansin

Ang Mga Isyung Hindi Maiwasang Mapansin

Ni Apolinario Villalobos

May mga pangyayaring hindi maiwasang mapansin dahil maski papaano ay nagdudulot din ang mga ito ng pagkabahala, tulad ng mga sumusunod:

1. Ang hindi mapigilang tuluy-tuloy na pagtaas ng singil ng mga nagko-control ng basic necessitities tulad ng kuryente at tubig. Hindi lang iilan ang nagsabi na maliwanag pa sa sikat ng araw ang kutsabahang nangyayari. Maski ang mga opisyal ng gobyerno na naatasang mag-imbistiga ay nagpapahiwatig ng kutsabahang ito. Bakit walang ginagawa ang pamunuan ng gobyerno? Bakit hindi palitan ang mga taong namumuno ng mga ahensiyang dapat ay nagbabantay sa mga ganitong pangyayari? Kung ang batas na nagpa-deregulate ng mga singilan ay ginawa ng senado at kongreso, bakit hindi sila gumawa ng batas na magpapawalang-bisa nito dahil napatunayan namang hindi epektibo ang hakbang na pag-deregulate? Noon pa man, marami ang humarang sa pag-deregulate ng mga bayarin sa basic necessities na kailangan daw upang “sumigla” ang business dahil sa inaasahang kumpetisyon. Nasaan ngayon ang kumpetisyon ng mga providers dahil talaga namang pangunahing pangangailangan ng tao ang mga nabanggit na necessities, kaya walang magagawa ang mga apektado kundi ang gumamit ng mga ito, subali’t itinuloy pa rin ang pag-deregulate. Sinong “matalinong” mambabatas o mga mambabatas ang pasimuno? Ngayon, nangba-blackmail ang MERALCO sa pagsabi na kung hindi sila makasingil ng bayaring itinakda nila, maaaring magkaroon ng rotating blackout. May isa pang opisyal na nagsabing mas mabuti na ang magbayad ng mahal kesa walang magamit kuryente. Asahan na rin siguro ang pangba-black mail naman ng mga ahensiyang may hawak sa tubig. Yan ang kumpetisyon! …Kumpetisyon ng mga kinauukulan sa paghugas ng kamay at pagmamarunong!

2. Ang hindi mapigil na pag-imbulog ng mga presyo ng pagkain at langis. Sa kalamyaan ng namumuno sa bansa natin, hindi na halos napansin ang tuluy-tuloy na pagsirit ng presyo ng mga pagkain na hindi na inaasahang bumaba pa uli. Inutil ang mga ahensiyang dapat ay nagbabantay. Pinagyayabang nila ang salitang “SRP” na dapat ay nakakabit sa mga presyo ng mga bilihin. Ito ay kahangalan dahil ibig sabihin ay “suggested retail price” kaya hindi obligado ang mga negosyante na sundin ang mga presyong gusto nilang ipatupad, suggestion lang naman kasi. Bakit hindi ipatupad ang “ceiling price” na nagsasaad ng limitasyon sa pagtaas? Mga matatalino sila kaya napili sila ng pangulo, subali’t bakit hindi nila naisip ito? Yong babaeng taga-gobyerno rin na nagsabing kasya ang minimum wage sa mga gastusin ng bawa’t pamilya ay tanga! Ang mga binanggit niyang pagkain na dapat bilhin ay mga talbos ng gulay lalo na ng kangkong na isa nga lang tale na may limang tangkay ay limang piso na, isda na para murang mabili ay kailangang sa hapon bilhin kung kaylan ay pabulok na, at NFA rice na kailangang hugasang mabuti upang matanggal ang amoy. Ni hindi niya isinama sa kwenta ang baon ng mga bata sa eskwela, pamasahe, bayarin sa tubig at kuryente at lalong-lalo na ang upa sa tirahang maliit na maski kapirasong espasyo sa isang barung-barong ay nagkakahalaga ng hindi bababȃ sa 500 pesos isang buwan. Ang nasa isip yata niya ay yong mga nakatira sa bangketa at kariton. Siyanga pala, ang babae ay mataba! Siya kaya ang pakainin ng mga kinwenta niyang pagkain?

3. Ang pagkabisto na may PDAF pa rin pala. Kung hindi naggirian sina Trillanes at Jinggoy tungkol sa Php100M pondo na PDAF pala ng huli (Jinggoy), para mare-align niya sa lunsod ng Maynila kung saan ay mayor ang tatay niya (Joseph), hindi malalaman ng taong bayan na naisingit pala ito ng mga mambabatas sa 2014 budget. Mismong Korte Suprema na ang nagsabi na illegal ang PDAF, bakit naipilit pa rin ito? Ano ang gustong patunayan ng Senado at Kamara? Na kaya nilang paglaruan ang pera ng bayan? Na kaya nilang suwayin maski desisyon ng Korte Suprema? Saan hahantong ang ganitong kayabangan at pagbabale-wala sa kapakanan ng bayan?

4. Ang overpricing at hindi pagsunod sa mga itinakdang batayan sa paggawa ng bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Nakakahiya! Ang iginigiit nating imahe ng Pilipino na kayang tumayo uli sa kabila ng nadanasang kalamidad ay nagdulot ng pagdududa ngayon sa uri ng ating pagkatao. Kung hindi nabisto at nabunyag agad ay maaaring nagresulta na naman sa turuan kung sino ang maysala, lalo na kung sakaling magdudulot ng kapahamakan ang palpak na istruktura ng bunkhouses. Palagi na lang ganyan…magtuturuan…magkakaroon ng imbestigasyon…babalewalain ang resulta kaya hindi napaparusahan ang may kagagawan… balik uli sa nakasanayang pangungurakot! Pilit pang pinagtakpan ni Singson, hepe ng DPWH ang mga nabunyag, sa pagsabi na baka dala lang daw ng kalituhan kaya nagkaroon ng ganoong problema. Yong isang opisyal naman, nagdagdag pa ng kahangalang mga salita na mabuti nga at may apat na dingding at bubong kesa nakabilad ang mga biktima sa ulan at araw.

5, Ang pag-isyu ng China ng patakaran na dapat kumuha ng pahintulot sa probinsiyang pamahalaan ng Hainan ang sinumang mangisda o dumaan sa “kanilang teritoryo” na sa katotohanan ay pinagtatalunan pa ng ibang bansa kasama ang Pilipinas at Vietnam. Humihingi ng paliwanag ang Pilipinas sa China, sabi ng tagapagsalita ng DFA ng Pilipinas. Nahihibang na yata siya. Pinagpapaliwanag ng unano ang higante! Sa susunod, ang aangkinin naman ng China ay ang Palawan at Batanes…o higit pa, dahil sa ngayon, wala silang pasubali sa paghakot ng itim na buhangin mula sa dalampasigan ng mga probinsiya sa norte, na akala mo ay pag-aari nila. Ang nakatatawa, pati si de Lima ay nakisawsaw sa isyu kaya nag-spot check bitbit ang sangkatutak na tv cameras sa mga nasabing lugar. May nangyari ba? Wala! Baka pati Mindoro na nakatala sa kasaysayan na may Chinese name na Ma-i, at pinaniniwalaang nakapatong sa tone-toneladang ginto ay angkinin din ng China dahil ayon sa kasaysayan nga ay may Chinese name …kaya marapat lang na angkinin nila!

Siyanga pala, ano kaya ang mangyayari kung biglang itinigil ng China ang pakikipagkalakalan sa Pilipinas? O di kaya ay mag-pull out ang mga mangangalakal na Intsik sa Pilipinas? Napapaligiran tayo ng katotohanang ang ekonomiya ng bansa ay naka-angkla sa pakikipagkalakalan natin sa China. Pati nga toothpick ay galing sa China! Ang katotohanang kontrolado ng China ang malaking hiwa ng kalakalan sa buong mundo ay tanggap na ng maski mga malalaking bansa. Karamihan ng mga pagawaan ng cell phones ay nasa China, pati na ng iba pang mga gamit gaya ng damit, bag, sapatos, telebisyon, computer. At ngayon, humihingi ng paliwanag ang Pilipinas sa China dahil sa patakaran nito sa South China Sea o West Philippine Sea? Para ano…? Malakas ang loob ng China dahil nakikita nito ang kaguluhan sa ating gobyerno at kahinaan na sa tingin ng karamihan ay kalituhan…yon lang!

6. Ang New Year’s Resolution ng pangulo na hindi niya bibigyang pansin ang kanyang mga kritiko. Ang sinabi niyang yan ang talagang nakakabahala. Paano siyang magkaroon ng malawak na pananaw upang makagawa ng tamang hakbang o desisyon kung ang pakikinggan lamang niya ay ang mga sipsip na alalay niya? Makailang beses na ba siyang nalagay sa alanganin dahil sa kapalpakan ng kanyang mga “alalay”? Lahat ng kamalian ng mga ito ay pinalampas niya. Tuwid na daan ang palaging namumutawi sa bibig niya. Paano niya itong matatahak kung mananatili siyang bulag sa katotohanan? Paano niya tayong matutugaygayan sa pagtahak sa tuwid na daan kung siya mismo ay hindi nagagawa ito?

7. Ang tila hindi pag-usad ng mga kasong nakabinbin sa mga korte at Ombudsman laban sa mga tiwaling opisyal. Hahayaan na lamang bang mabalot ng alikabok ang bulto-bultong mga kaso hanggang makalimutan habang umuusad ang mga araw? Kaya malakas ang loob ng mga tiwaling opisyal at mga tauhan nila na gumawa ng kaaliwaswasan ay dahil alam nila na kanila ring malalampasan ang mga kasong isinampa o isasampa pa laban sa kanila. Ang problema natin sa ating bansa ay ang ugaling pauso-uso maski sa pagsampa ng mga kaso…magaling lang sa umpisa dahil pinag-uusapan at maraming nakaumang na kamera at mikropono para sa interbyu, subali’t kung may iba nang isyu, natatabunan na ang iba maski mahalaga. Ito ang ugaling ningas- kugon na hindi na yata matatanggal sa ating kultura.

8. Ang mga patayan at holdapan. Kaliwa’t kanan ang mga patayang nagaganap ngayon. Walang nangyari sa paghigpit sa pag-isyu ng lisensiya ng mga baril. Hindi naipatutupad ang mga bawal sa paggamit ng motosiklo na karaniwang ginagamit ng mga mamamatay-tao, hindi pinapansin ang panawagan ng pulisya sa mga may-ari ng malls na higpitan ang pagrikesa sa mga taong pumapasok upang matiyak na walang nakatagong nakakapatay na bagay sa mga dala nilang bag. Malakas ang loob ng mga pumapatay dahil tinanggal na ang parusang kamatayan sa ating bansa. Ang sabi ng iba, maski meron pang parusang kamatayan, hindi pa rin maiiwasan ang pagpatay. May punto sila, pero maski papaano ay magdudulot ito ng takot sa mga magtatangkang gumawa ng ganitong krimen. May mga batas upang mabawasan ang mga kahalintulad na krimen subali’t wala namang ngipin, walang lakas…at lalong hindi rin naipapatupad ng maayos. Sa Davao City, ang mga batas ay naipapatupad ng mahigpit at maayos kaya maski ang pagbawal ng paputok kapag New Year ay sinusunod. Isa itong sitwasyon na dapat ay nagbibigay ng leksyon sa mga namumuno ng bansa, subali’t bakit hindi nila mapuri at gawing huwaran? Dahil ba kontra-partido si Duterte?

9. Ang mabilis na pagkilos ng otoridad kung kilala ang mga biktima ng krimen. Kamakailan ay nabaril ang apo ni Willie Nepomuceno, kilalang impersonator. Kinabukasan, may isa agad na nahuli at tinutugis na ang iba pang nakilala na rin. Hindi lang ito ang pagkakataon kung saan nakakagawa agad ng aksyon ang pulisya kung kilala ang biktima ng krimen. Kung minsan sila pa nga ang nagsasampa ng reklamo matuloy lang ang kaso na pinik-ap at pinagpipistahan ng media, maski ayaw na ng biktima. Sayang nga naman ang media mileage kung palalampasin. Bakit kung hindi kilala ang mga biktima, halos nagmamakaawa pa sila mai-blotter lang ang reklamo? Kung ide-deny ito ng pulisya, sagot ko…owww, come on! Malaki kasing bagay ang “kalinisan” ng blotter para masabing tagumpay ang pamamalakad ng isang istasyon sa mga nasasakupan nito. Sabagay hindi naman “siguro” lahat ng pulis ay ganito kalamya sa pag-asikaso ng mga reklamo at pag-aksyon sa mga nagyaring krimen, subali’t ang inaasahan, lahat sila ay dapat maging matikas sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin. Ilang namuno na ng pulisya ang nagsabi na hindi nararapat ang “bulok na kamatis sa isang buslo na kinalalagyan ng mga sariwa”?…marami na. Nguni’t nalulusutan pa rin ang PNP Academy ng mga aplikante na ang ambisyon ay makapagsuot ng uniporme ng pulis upang makapangutong o magtrabaho bilang asset ng drug lords! Bakit kanyo, eh bakit tuwing may raid na gagawin sa mga drug laboratories at hide out, puro mga tauhan ang nahuhuli at nakakatakas ang mga lider at pasimuno? Nasaan na ang mga nakumpiskang droga? Maghihintay na naman ba ang tayo ng balitang nawala ang mga ito? At gaya ng dati ay ipagkikibit-balikat na lang gayong matutukoy naman kung sino ang mga responsible? Mga lumang tugtuging nakakarinde na ng tenga! Kaya tuloy hindi na naubusan ng mga nabebentang droga sa kalye.

10. Ang nakalimutang kaso ng pagpatay kay Marilyn Garcia Esperat at iba pa. Nakalimutan na yata ang kasong pagpatay sa kawawang Marilyn Garcia Esperat na ang hangad ay maglahad ng katotohanan, o kung hindi man ay usad-pagong ang nangyayari. Kung wawariin, ang kasong ito ang dapat na itinuring na susi upang mabuksan ang mga katiwalian sa paggastos ng pondo ng gobyerno. Subali’t bulag ang mga nanunungkulan. Lumabas si Lozada upang magbigay ng testimonya na magpapatunay ng mga pangyayari sa Department of Agriculture, pero siya mismo kinasuhan din! Bandang huli, pumutok lalo ang mga isyu at nagdiin sa ahensiya na siyang pinagkukunan ng mga pondong tumalsik sa kung saan-saang bulsa dahil sa mga pagbubunyag ng mga whistle blowers na ang ilan, tulad ni Lozada, nasa lista rin ng mga kinakasuhan ng gobyerno. Sa “kalituhan” at “kaguluhan” ng mga magagaling at matatalinong ahensiya ng gobyerno, nakalimutan nilang silipin ang DBM, na bandang huli ay nabisto nilang pinanggagalingan ng mga pekeng dokumento…bandang huli na lang talaga, ganoong maski sinong hindi nakapagtapos ng kolehiyo ay makapagsasabi na walang ibang panggagalingan ang mga dokumento, peke man o hindi, kundi DBM lang. Katangahan uli? O talagang sinadya! Sa kaguluhang nangyayari, saan hahantong ang mga kaso? Habang nagkakagulo sa gobyerno kung anong landas ang tatahakin tungo sa isa kunong hustisya, may mga taong nagbubunyi – ang mga opisyal ng gobyerno na “untouchables”, mga mambabatas na “magagaling”, at ang babae sa isang “safe house” sa Tanay, si Janet Lim-Napoles.

11. Ang kaso ng massacre sa Ampatuan, Maguindanao. Nandiyan pa ba yan? Naghihintay yata ang mga kinauukulan ng “tamang panahon”, kung kaylan ay may makakatakas na naman, o may mababayaran upang mag-urong ng reklamo dahil sa kawalan ng pag-asa kaya kakapalan na lang mukha kaysa walang mapala sa pagkawala ng mahal sa buhay. Bakit kailangan pang hintaying mahuli lahat ng mga nasangkot ganoong imposibleng mangyari ito? Bahit hindi na kasuhan ang mga nahuli na lalo na ang mga utak o pasimuo? Tulad ng nasabi ko na sa iba kong naisulat, bulag ang babaeng simbulo ng hustisya, hindi nakikita ang mga tamang pangyayari maski ipinagsisigawan na ng mga testigo!

12. Sa kabila ng panawagan ng Papa Francis sa mga kapari-an na maging payak sa kanilang pamumuhay at lalo pang pag-igtingin ang pag-abot ng kamay sa mga miyembro ng simbahang Katoliko, marami pa rin ang animo’y walang pakialam. Nakakabasa naman ang mga paring ito ng mga diyaryo kung saan ay nakabalandra ang mga isinusulat tungkol sa mga kapayakan ng buhay ni Papa Francis, at nakakabukas naman sila ng computer upang mag-browse sa internet kung saan ay mababasa ang maraming kwento tungkol sa mga ginagawang halimbawa ng nasabing santo papa, bakit nananatili sa pagmamatigas ang ibang mga pari sa hindi pagtupad? Mapapansin ang katigasang ito tuwing pasko kung kaylan mayroong ibang mga kura paroko na nagri-require sa kanilang mga parishioners kung anong klaseng offerings ang ibigay bilang kasama sa ritwal ng misa. Ang dahilan nila, para raw ipamigay sa mga “kapos”, sa mga “squatters”. Meron pa ngang nagsasabi kung anong brand ng mga produktong pagkain ang gawing “offering”. Istrikto ang pagpapatupad ng territorial authority ng mga parish, na ibig sabihin, maski pagbendisyon sa naghihingalo ay dapat gawin ng parish priest na nakakasakop sa lugar kung saan nakatira ang naghihingalo. Kung noon ay pwedeng magdaos ng misa sa bisperas ng libing ng isang patay sa bahay kung saan ito nakaburol, ngayon hindi na. Kailangang dalhin ang patay sa simbahan sa araw ng libing upang mabasbasan. Paano kung ang bahay ay kilo-kilometro ang layo sa simbahan nguni’t ilang hakbang lang mula sa sementeryo? Kailangan bang magsakrispisyo ng ganoon ang namatayan madala lang ang patay sa simbahan? Matindi bang kapaguran para sa mga pari ang pumunta sa burol ng patay upang magdaos ng misa o magbasbas man lamang? Ang mawalan ng mahal sa buhay ay sakripisyo na, lalo pang pinabigat ng ganitong patakaran!

Marami pa ring mga pari ang gumagamit ng mamahaling sasakyan. Maski sabihin nilang bigay ng magulang nila o kaibigan ay hindi pa rin naaayon sa kanilang misyon na dapat makitaan ng simbulo ng kasimplehan. Bakit kailangang “bayaran” ang pari na galing sa labas ng parish kung magdadaos siya ng misa sa loob nito? At ang bayad ay “fixed” pa, hindi boluntaryo. Paano kung barya-barya lang ang kayang malikom sa mga dumalo sa misa? Bakit nagtatalaga ngayon ng mga santo ang mga parish sa mga maliliit na kapilyang saklaw nito? Para madagdagan ang dahilan upang makalikom ng “abuloy” sa mga miyembro? Tuloy, nadagdagan ang gastos ng mga tao dahil sa bagong idadaos na kapistahan para sa nasabing santo. Hindi pa ba sapat ang parochial fiesta para sa patron nito? Sana ang pagtuunan ng pansin ay ang pagturo ng katekismo sa mga kabataan, isang bagay na nakakalimutan nang gawin ng simbahang Katoliko, kaya maraming mga batang napapariwara, tumatambay sa kalye at internet shops, nagda-drugs, nawawalan ng respeto sa mga nakakatanda at magulang at kung lumaki na ay lilipat sa mga grupo ng born-again Christians! Naalala ko tuloy ang ginawang pagbenta ng isang santo papa noong unang panahon, ng indulhensiya sa mga taong dahil sa kamangmangan tungkol sa kanilang kinaanibang relihiyon ay naguyo. Akala nila ay mabubura ng salapi ang mga kasalanang nagawa nila at maliligtas sila mula sa apoy ng impyerno. Ito ang dahilan kung bakit sumulpot ang sektang Protestante. Hindi pa ba natututo ang simbahang Romano Katoliko? Parang nauulit ang mga pangyayari. Kaya siguro itinadhanang si Papa Francis ang mamuno sa simbahang Katoliko Romano ngayon upang pumitik sa katinuan ng mga nagsasabing sila ay Katoliko. Hindi kataka-takang maraming nagsulputang mga “sektang kristiyano” ngayon na itinatag ng mga hindi nasisiyahang Katoliko. At, lalong kumukunti ang pumapasok sa mga seminaryo upang maging pari, kaya halatang nagkukulang ng mga ito ang simbahang Katoliko sa kabuuhan…na lalong napapansin tuwing pasko kung kaylan maraming misa ang kailangang idaos dahil sa tinatawag na simbang gabi.

13. Ang kaso ng mga empleyado sa DBM na nameke ng mga SARO documents. Ito na kaya ang magsisilbing tuldok sa mga kasong isinampa sa mga mambabatas na mula’t sapol ay nagpipilit ng pagkawala nilang alam sa mga nangyari? Sana maisipan ng mga nag-iimbestiga ang anggulo tungkol sa kanilang “consent” man lamang. Nabanggit minsan ni Luy sa isang televised interview na gamit ang tawag sa telepono ay nakakakuha sila ng pagpayag ng mga mambabatas upang pekehin ang lagda nila mapabilis lang ang proseso ng mga dokumento. Inamin tuloy niyang dahil sa nakasayan na niyang gawin ay naging magaling siya sa pagpeke ng mga lagda. Ang problema ngayon ay kung sino ang mas paniniwalaan…ang mga mambabatas na dahil sa “kagalingan” ay nakarating sa Senado at Kongreso? o mga whistle blowers tulad ni Luy na hindi man lang nakatapos ng kolehiyo. Malamang abut-abot na ang pagsisisi ng mga whistle blowers ngayon na ang ilan ay kinasuhan pa rin, kung bakit sila lumantad. Nasaan ang proteksyong pangako sa kanila ng gobyerno? Paano pang makumbinse ang mga susunod pa sanang mga whistle blowers na may alam sa mga hindi pa nabubunyag na mga katiwalian kung palagi na lang ganito ang mangyayari?

Isang malaking katanungan ngayon na may kasamang pag-aalala ay: saan hahantong ang kawawa nating bansa at tayong mga Pilipino?