Love of the Mother

Love of the Mother

By Apolinario B Villalobos

 

When it comes to giving love –

Nothing can beat the one

Who nurtured us within her

And for months endured our weight

A burden that she carried –

Until with hard drawn effort

Brought us forth into this world.

 

While in her womb

We partake of the air she breathes

We partake of the food she eats

We partake of the emotions she feels

Her blood makes our heart beat

And careful that we float with ease

She moves with well-guarded steps.

 

Our heart that beats is her mark in us

Greater than anything, we owe it to her –

She who cries when we succumb to sickness

And dry her breast for precious milk…

Our life, we owe to our dear mother

She, we should love more than any other.

LOVE OF THE MOTHER

 

Ang Tubig at Hangin

Ang Tubig at Hangin

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang tubig at hangin –

Bahagi ng buhay kung sila ay ituring.

 

Sa tubig ng sinapupunan nakalutang

Ang binhi ng buhay na sumisibol pa lamang

Na sa mundong lalabasa’y walang kamuwang-muwang.

 

Gaya ng tubig, ang hangi’y buhay din,

Nagpapatibok sa puso, nagpapapintig;

Ang sibol, nakapikit man, ito ay nakakarinig

Na animo  ay naghahanda na, paglabas niya sa daigdig.

 

Hangin ang unang malalanghap niya

Sa takdang panahong siya’y isinilang na,

At, sa kaguluhan ng mundo

Imumulat ang mga mata –

Kasabay ng malakas niyang pag-uha.

 

Sa tigang na lupa, ang tubig ay buhay

Ito’y ulang bumabagsak mula sa kalawakan

Subali’t kapag lumabis na’t hindi mapigilan

Nagiging baha, pumipinsala sa sangkatauhan

Ganoon din ang hangin na dulot ay ginhawa

Basta ang ihip, huwag lang magbago ng timpla.

 

Baha at bagyo

Dulot ng tubig at hangin sa mundo

Hindi masawata

Kaya dulot ay matinding pinsala

Subali’t sana, kahit papaano’y maiibsan

Kung napangalagaan natin ang kalikasan –

Na ating inalipusta nang walang pakundangan!

 

 

Note:

Sibol – fertilized egg of the woman

Sinapupunan – womb

Kamuwang-muwang (kamuwangan) – knowledge

Pintig – pulse

Tigang – dry

Inalipusta – abused

 

Rhejane Nantes Umali…nagsisikap para sa dalawang anak kaya hindi nahiyang magtinda sa kalye

Rhejane Nantes Umali…nagsisikap para sa dalawang anak

kaya hindi nahiyang magtinda sa kalye

Ni Apolinario Villalobos

 

Huwebes ng umaga, papunta sana ako ng Maynila pero sa “stop light” intersection ng Molino Road at Aguinaldo Highway ay may napansin akong magandang babaeng tisayin na nagtitinda ng mga basahan at lumalapit sa mga nakatigil na jeep. Nagulat ako dahil ang karaniwang nagtitinda sa kalye, kung hindi matatanda ay mga lalaki. Dahil sa curiosity, bumaba ako at hinabol siya upang kausapin kung pwede ko siyang i-blog at nagpaunlak naman kahit naistorbo ko siya sa pagtinda. Ang sabi ko kasi ay interesado ako sa kuwento ng buhay niya na maaaring magiging inspirasyon ng ibang babae. Sa di-kalayuang Macdo ay nag-usap kami.

 

Ang pangalan niya ay Rhejane Nantes at sa pagkuwento niya, single mom siya at taga-Dipolog, Zamboanga…kaya pala tisayin, dahil sa nasabing probinsiya ay maraming tisay na “chavacana” . Ang tatay daw niya ay ang kilalang broadcaster/singer ng Dipolog na si Dan Nantes (Rufdan Quinlog Nantes, Jr.). Sa murang gulang na 16 taon ay nag-asawa siya ng taga-Batangas pero sa Pasig sila nagkita. Nagkaroon siya ng dalawang anak sa nasabing asawa, ang panganay ay 21 taon at ang sumunod ay 17.

 

Nang panahong sa Pasig siya nakatira, nag-negosyo siya ng “packed” buko juice at nagsu-supply siya sa mga kainan na nakapaligid sa mga construction sites sa Pasay, lalo na sa Mall of Asia mula pa noong taong 2000. May owner jeep siya noon at siya rin ang nagmamaneho, gamit niya sa negosyo. Balak sana niyang bumili ng isa pang jeep subalit siya ay naaksidente at naospital nang matagal noong 2013. Ang alaala ng aksidenteng yon ay ang peklat (scar) sa ilalim ng kanyang bibig na nasa kanang bahagi. Naubos ang kanyang ipon dahil sa pagpaospital niya.

 

Nang maghiwalay silang mag-asawa ay nagpaubaya siya kaya iniwan niya sa pangangalaga nito ang kanilang dalawang anak at siya naman ay nakitira muna sa kanyang lola, si Lola Dionisia, 82 taong gulang, na nagtitinda pa rin ng mga basahan. Nagkaroon ng pangalawang asawa si Jane at nagkaroon ng dalawang anak, subalit dahil hindi niya nakitaan ng pagsisikap ay nakipaghiwalay siya dito, at kasama ang dalawang anak ay nangupahan sa Talaba (Bacoor). Noon siya pinayuhan ng kanyang lolang nagtitinda ng mga basahan sa tapat ng St. Dominic Hospital sa Bacoor na tumulong sa kanya sa pagtinda.  Hindi nagdalawang isip si Jane dahil talagang mahilig siya sa negosyo at higit sa lahat ay para na rin sa dalawa niyang anak na ang mga gulang ay 7 at 5 taon, at parehong nag-aaral.

 

Kung minsan daw ay nagtitinda din siya ng barbecue, pero yong mumurahin lang para maging mabenta agad. Upang hindi mahirapan sa pagbayad ng upa sa tinitirhan nilang mag-iina sa Talaba (Bacoor), araw-araw ay nagbibigay siya sa may-ari ng 100pesos dahil ang buwanang upa ay 3,000pesos. Pinipilit din daw niyang makaipon uli upang makapag-negosyo uli ng “packed” buko juice na hinahango niya noon sa Pasig.

 

Hindi nawawalan ng pag-asa si Jane at hindi nahihiyang magtinda sa kalye kahit marami ang nagsabi sa kanyang hindi daw siya nababagay sa ganoong trabaho. Ang sagot niya ay wala siyang magagawa dahil may dalawa siyang anak at ayaw din niyang umasa sa iba kahit sa mga kamag-anak niya, at ang isa pa ay talagang hilig daw niya ang pagnegosyo kaya nag-iipon uli siya.

 

Sana ay magsilbing inspirasyon si Jane ng mga single mom na nagsisikap upang mabuhay ng marangal sa anumang paraan.

 

 

Sa Ugoy ng Duyan

SA UGOY NG DUYAN

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Tulog na bunso…sa ugoy ng duyan –

Umidlip ka’t huwag pansinin ang paligid

Palakbayin mong matiwasay ang iyong diwa

Nang kahit sa maikling pagkakatao’y panatag ka

At hindi makarinig o makakita ng mga nakakabahala.

 

Tulog na bunso…sa ugoy ng duyan –

Damhin mo ang biyaya na dulot ng buhay

Buhay na bigay ng Diyos at sa ati’y nagmahal

Hayaan mong sa iyong puso’t diwa ay kumintal

Habang payapa ang paligid at dilim ay di pa dumatal!

 

 

kumintal – impressed

dumatal – occured; happened

Lawton

 

 

Wilma Palagtiw: Repairs Junked Shoes and Bags to be Sold for a Living

Wilma Palagtiw: Repairs Junked Shoes and Bags

To be Sold for a Living

By Apolinario Villalobos

 

One early morning, while cruising the old railroad track of Divisoria where junks were sold, I chanced upon a woman who was engrossed in repairing a shoe. Her various wares on display were repaired bags, shoes, and other junk items. She obliged for some photos when I asked her, adding jestingly that I would send them to a movie outfit.

 

She was Wilma Palagtiw who hails from the island of Negros, so that we comfortably conversed in Cebuano and Ilonggo. She learned the skill of shoe repairing from her husband who has been in the trade for a very long time even before they met. That morning, Felix, her husband was out doing the rounds of garbage dumps for junks.

 

Without telling me her exact age, she confided that she was almost fifty and has six children with four already doing part-time and contractual jobs in different stalls in Divisoria. The two younger ones are both in Grade 7. Their pooled financial resources are enough to get them going every day with even a few pesos set aside for emergency needs, especially, for school needs of the two younger kids.

 

I did a quick mathematical estimate of their joint income, such as if a sales attendant of a stall in Divisoria receives 200 pesos a day, multiply it by 4, so that’s 800 pesos a day, and for a straight duty in a month without day off, the four elder children should be earning 24,000.00 pesos. Deduct the lunch for the 4 of them at 50 pesos each, so that’s 200 pesos…hence, 800 (total earning of the 4) less 200, that leaves 600 pesos net earnings of the 4 in a day.  Finally, multiply the 600 pesos by 30 days that leaves 18,000 pesos net total earnings for the 4 kids.

 

Meanwhile, Wilma shared that she and her husband don’t earn much from selling junks. For every item sold, they earn from 5 to 20 pesos “profit” after deducting the cost of materials that they use for the repair of the junks. They cannot afford to offer their goods at a higher price due to stiff competition among “buraot vendors” like them.

 

The small room that they rent gives them just enough comfort as they retire for the night, especially, for the kids. The worst days for them are those of the “flood months”, as there could be no income for several days. Despite the hardship, Wilma was still all-smile while conversing with me. I had to leave her as customers were beginning to stop by to gawk at her items that are neatly displayed, while she braved the biting heat of the sun at eight that morning.

 

If only the rest of us are brave and contented like Wilma, then, there would be no more crying to the Lord, blaming Him why there is no pork dish on the table, or why the money is not enough for a brand new cellphone, or why the remittance from a toiling husband abroad is delayed in coming, etc. etc.etc…..

IMG7816

 

Prayer for ALL Mothers…

Happy Mothers’ Day!!!

 

 

Prayer for ALL Mothers…

By Apolinario Villalobos

 

Most Benevolent Creator of the vast universe

and controller of our destiny, to you we pray…

 

For all the mothers, that You have brought forth

On the face of the earth –

They, that walk the ground, crawl and slither, swim in the ocean,

And, glide in the air as they fly…

Grant that they be safe and healthy at all times

So, they can give warmth and milk to their offspring…

Grant that they be well-concealed and distanced from their predators…

Grant that they be spared from hunger and thirst

So, their offspring can suckle from them the juice of life.

 

For those whose offspring came out of brittle eggs,

Grant that their wings be strong

To protect their brood from the whipping wind,

From incessant patter of rain and scorching heat;

Grant that their mates fly home safe

With worms and morsels in their beak

For the helpless and fragile chicks in their nest;

 

For our mothers who pained to bring us forth

Into the world in all our innocence of nakedness,

They, whose sacrifice did not end in grunt and moan…

Grant that they may live longer,

So, we may make them savor the joy of living

As we let out the love –

Long-harbored in our heart for them!

 

Amen!

Ang Pinaniniwalaan ay Dapat Gawin

Ang Pinaniniwalaan ay Dapat Gawin

Ni Apolinario Villalobos

Marami ang may gustong maging “in” sa lahat ng bagay, kasama na diyan ang tungkol sa mga bagay na ispirituwal. Yong iba ay dumadalo sa mga weekend preaching ng mga sikat na evangelists, dahil alam nila na may mga dumadalo ding celebrities. At lalung-lalo kung may slot ito sa TV, kaya sikat, magandang pag-usapan sa mga party. Para bang sinabi nila na dahil okey sa mga celebrities ang preacher at may TV slot, okey ito sigurado. Ito yong mga excited sa pagkuwento na ang preacher ay magaling dahil mga de-kotse pa nga ang dumadalo, mga sikat na tao, mga artista.

Ang mga sini-share ng mga preachers na ito ay ganoon lang din naman, mula pa noong magsimula ang Kristiyanismo hanggang ngayong may mga pari at mga pastor na, na ang iba ay nasobrahan yata ng “paniniwala” kaya naging makasalanan na rin. Lahat ay tungkol sa pagmamahal sa Diyos at kapwa. Bakit kailangan pang makarinig ng salita ng ibang tao upang gawin ito, ganoong marami na tayong nakikita sa ating paligid na dapat ay gamitan nito? Ilang libong taon na mula nang sabihin ito ni Hesus, nababasa sa Bibliya, naririnig sa mga simbahan….hindi pa rin ba natin naiintindihan?

Marami sa mga ganitong mga spiritual kuno ay ni wala ngang concern sa mga miyembro ng kanilang pamilya, lalo na mga anak. Marami diyan na hindi na natakot sa pagsabi na pagod na sila sa pagiging tatay at nanay nila, ganoong may mga anak pa silang maliliit. Nirereklamo ang masamang ugali ng anak…kaya yong isang nag-open sa akin ay binara ko ng, “bakit hindi mo tinuruan ng magandang ugali ang mga bata noong maliit pa lang sila?”.  Dinagdagan ko pa ng pasaring na alangan namang kapitbahay pa ang magtuturo sa mga anak niya. Mayroon diyang nag-aalaga ng mga hayop at halaman, hindi naman inaasikaso na mabuti, dahil ang gusto lang pala ay ayaw patalo sa mga kapitbahay na may mga ganito ring alaga. Ang inggit ay isang napakasamang ugali, hindi man ituro ni Hesus….common sense lang ang kailangan.

Nakakapanindig-balahibo ang ugali ng iba na ang pakay lang pala sa pag-attend ng mga religious activities, tulad ng Misa at weekend preaching sa mga kilalang venues ay upang magdispley ng bagong damit, ang iba backless at plunging neckline pa, pati mukha ay may makapal na make-up! Ang iba, ginagawang dahilan ang pagdalo sa ganitong mga pagtitipon, para sa susunod pa nilang “family bonding” kuno….isang biyahe na nga lang naman. Pero masama pa rin ang dating ng dahilan, dahil sa halip na magkaroon ng sincerity sa pakay ng pagdalo sa religious na pagtitipon, ang isip ay nakatuon na sa kung saang restaurant kakain pagkatapos. Para ring “paggunita” sa pasko na nakalimutan nang ito ay tungkol sa questionable na birthday ito ni Hesus….dahil ang sa isip nila tuwing pasko ay mesang puno ng pagkain, gifts, kumukutitap na bumbilya, Christmas tree, etc.

Simple lang naman ang dapat paniwalaan ng tao pagdating sa spirituality….na may Diyos, mahalin Siya, mahalin ang kapwa-tao at ibang nilalang na may buhay, respetuhin ang kalikasan at mundong tinitirhan natin…at ipakita ito sa mga kilos, hindi lang sa salita upang masabi lang ng iba na may alam ang isang tao…at nang hindi isiping nagkukunwari lang pala siya.

Emma…single Mom na mapagpaubaya at may malasakit sa kapwa

Emma…Single Mom na Mapagpaubaya

At may Malasakit sa Kapwa

(para kay Emma Mendoza-Duragos)

Ni Apolinario Villalobos

Palangiti si Emma at masayahin, hindi dahil kinukubli niya ang mabigat na pasanin bilang single mom, kundi dahil likas na siyang ganyan noon pa man daw na bata siya. Maliban sa aura niyang masaya, maayos din siya sa sarili. Noong na-confine siya sa ospital upang operahan sa matris, animo ay bisita siya sa ospital sa halip na pasyente dahil, bukod sa pakikipag-usap sa ibang pasyente, ay kuntodo make-up din siya at nakabihis pa. Ngayong meron siyang maliit na karinderya, kung mamalengke at humarap sa mga kostumer, ganoon pa rin siya – maayos ang sarili at naka-make-up. Hindi siya tulad ng ibang carinderista na nanlilimahid at amoy suka dahil sa pawis.

Single mom si Emma, pero hindi biyuda. Nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan silang mag- asawa. Ganoon pa man, pinilit ni Emmang magpakumbaba sa pagsunod sa probinsiya ng asawa na nakausap naman niya ng maayos. Naiwan sa kalinga ni Emma ang bunsong anak na nasa Grade 7, at sa kabila ng nangyari sa kanila ng kanyang asawa, malapit sa kanya ang mga kamag-anak nito sa kanya. Hindi rin siya nagtanim ng sama ng loob sa asawa, at lalong hindi niya isinara ang pinto ng bahay nila sa pag-uwi nito.

Noong unang mga araw na naiwan siya, wala siyang pinagkitaang permanente hanggang maisipan niyang magbukas ng maliit na karinderya dahil dati na rin naman silang pumasok na mag-asawa sa ganitong negosyo. Sa awa ng Diyos ay tinangkilik ang mga niluluto ni Emma na ang puwesto ay nasa bakuran lang bahay nila.

Malaki ang kailangang kitain ni Emma upang matustusan ang pag-aaral ng anak, pati na ang ibang gastusin sa bahay. Subalit sa kabila nito, ay nagawa pa rin niyang kumalinga ng isang batang babaeng hirap paaralin ng mga magulang. Tumutulong ito sa kanya at tinutulungan din niya sa pag-aaral. Anak din ang turing niya dito. Pinapasa-Diyos niya ang lahat, yan ang sabi niya sa akin nang minsang mag-usap kami habang namumungay pa ang mga mata sa antok. Gumigising siya, kasama ang kapatid na si Baby, bandang alas-tres ng madaling araw upang simulan ang pagluluto dahil alas-sais pa lamang ay dagsa na ang mamimili.

Ni minsan ay hindi ko nakitang nakasimangot ang may lipstick na mga labi ni Emma…palagi siyang nakangiti sa pagharap sa ibang tao. Ang umaapaw na kasiyahan sa puso ay ipinamamahagi niya tuwing may kausap siyang may problema. Ang palagi niyang payo na ginawa na rin niya sa akin ay, huwag pansinin ang problema, dahil magkakaroon din daw ito ng lunas pagdating ng panahon. Subalit hindi ito nangangahulugang magpapabaya na ang isang taong may problema.

Bukod sa kanyang karinderya, abala din si Emma sa mga gawain bilang opisyal ng religious group na Holy Face of Jesus, at bilang Presidente ng sangay sa Barangay Real Dos ng St. Martin de Porres Pastoral Council. Ang mga regular na gawain ng Holy Face ay ang pagdasal ng nobena at rosary, at sa mga pinaglalamayang namayapa.

Ang pinaka-utang na loob ko kay Emma pati sa kanyang kapatid na si Baby ay ang pagsita nila sa akin tuwing ako ay nawawala sa porma, o yung hindi ko alam ay nagtataas na pala ako ng boses kapag naiinis o nagagalit. Ayaw siguro nila akong mamatay agad dahil sa high blood pressure, kaya nahalata kong iniiwasan nila kung minsan na makibahagi ng mga kuwentong alam nilang ikatataas ng presyon ko. Ang nabanggit ay isa sa mga bagay na gusto ng mga kaibigan ni Emma sa kanya…may taos-pusong pagmamalasakit sa mga kaibigan, sa halip na siya ang pagmalasakitan o kaawaan na ayaw niyang mangyari. Buo ang kanyang loob na isa sa mga katangian ng mga taga-Maragondon isang makasaysayang bayan ng Cavite.

Ang Pagmamahal ng Ina sa Anak…para kay Miguel Kurt Padua

Ang Pagmamahal ng Ina sa Anak

(para kay Miguel Kurt Padua)

Ni Apolinario Villalobos

Mula sa sinapupunan niya nang ito ay sumibol

karugtong na ng kanyang buhay

ang anak na walang kamalay-malay

at sa marahang pagpintig ng puso nito

ramdam ng ina’y ligayang hindi matanto.

Nagmamahal nang walang pasubali, yan ang ina

na lahat ay gagawin para sa anak

nang ito’y lumigaya’t ‘di mapahamak

gumapang man at magtiis, o maghirap

matupad lang para sa anak, ang pangarap.

Ina lang ang kayang magtiis sa mabigat na pasakit

kakayanin ang lahat para sa anak

na sa mundo’y iniluwal na may galak

biyaya ng Diyos, sa kanya’y ipinagkaloob

kaya, pagmamahal niya’y taos, marubdob!

Life’s Sorrows and Joys, Pleasures and Pains

Life’s Sorrows and Joys,
Pleasures and Pains
By Apolinario Villalobos

Life is not a bed of roses, so they say…
And it is not always pleasure that we feel
But pain that can be like death, as well…
Life is also specked with sadness and sorrow
But beyond them, is always a bright tomorrow.
The pain of birth that convulses a mother
Becomes a joy, with her babe’s cry like no other.
There is sorrow for those who cry for food
But joy with thought, they’re more loved by the Lord.
The world wallows in pains of greed and abuse
But there is always hope that in life hereafter –
Man’s face will shine with joy… forever!