Ang Pagpapahalaga sa Kalinisan ng Kapaligiran

Ang Pagpapahalaga sa Kalinisan ng Kapaligiran

Ni Apolinario Villalobos


Ang kalusugan ng sangkatauhan ay nakasalalay sa kalinisan ng kapaligiran. Ang kapaligiran ay hindi nangangahulugan lang ng mga nakikita natin sa ibabaw ng lupa subalit pati na rin ang nasa ilalim nito at ang kalawakan.


Ang isang mahalagang pangangailangan ng buhay na bahagi ng kapaligiran subalit hindi nakikita ay ang hangin. Dapat langhapin ang hangin dahil sa taglay nitong “oxygen” na kailagan ng ating katawan. Dahil diyan, dapat ay malinis ang hanging ating nalalanghap dahil kung hindi, ang dumi ay hahalo sa dugo na dumadaloy sa buo nating katawan at ang resulta ay iba’t ibang uri ng sakit.


Ang tubig sa mundo ay may dalawang direksiyon – ang papunta sa itaas at ang papunta sa ibaba. Ang may paitaas na direksiyon ay ang “vapor” na mula sa lupa, katawan ng mga tao, hayop, at mga halaman. Ang may pababang direksiyon naman ay ang ulan na resulta ng pagdami ng “vapor” sa kalawakan na nakikita sa pormang ulap. Kung ang “vapor” ay nahaluan ng singaw at buga ng mga pagawaan o factories, nagiging lason ito na hahalo sa babagsak na ulan sa kalupaan.


Kailangang magtulungan ang mga tao upang mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran. Ang isa sa madaling gawin ay ang paghinay-hinay sa paggamit ng mga bagay na yari sa plastic. At, upang hindi dumami ang mga bagay na plastic sa basura ay ang pag-recycle ng mga mapapakinabangan pang mga plastic containers at pagdala ng sariling bag o basket kapag namamalengke o maggo-grocery.


Kapansin-pansin na marami pang mga LGUs ang hindi nagpapatupad ng mahihigpit na patakaran tungkol sa paggamit ng mga bagay na yari sa plastic. Wala silang problema sa pag-ipon ng mga nakakalat na dumi, dahil kayang walisin. Subalit kapag mga plastic na bagay na ang bumara halimbawa sa mga imburnal, baha ang idudulot nito.


Kung nadadanasan natin ngayon ang pagkasira ng kalikasan at ang pabago-bagong panahon na nagdudulot ng mga pinsala tulad ng bagyo, baha, at sobrang tag-tuyot….walang ibang dapat sisihin kundi sangkatauhan din.





Ang Napariwarang Yamang Likas ng Pilipinas

Ang Napapariwarang Yamang Likas

Ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos


Ang mga Pilipino ay matatalino

At sa likas na yaman ay sagana tayo

Mga karagatan natin ay umaapaw sa laman –

Isda, kabebe, perlas, at iba’t ibang gulaman.


Mga gubat, tahanan ng mga ibon

Pati ng mga hayop, alaga ng panahon

Mga punong namumutiktik ng mga prutas –

At sa mga sakit ay nakakapagbigay ng lunas.


Mga ilog, sapa, lawa, pati baybayin

Mga palanas, burol, at luntiang bukirin

Ang dulot nila sa mga talagang masigasig –

Masaganang buhay na pawis ang nagdilig.


Noon yan….


Dahil ngayo’y sadyang nakakalungkot

Mga pangyayari na napakamasalimuot

Mga biyayang likas na bigay ng Maykapal

Napariwarang lahat….mistulang ginahasa

Na animo ay babae na nawalan ng dangal!

Ang Napapariwarang Yamang Likas

Ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos


Ang mga Pilipino ay matatalino

At sa likas na yaman ay sagana tayo

Mga karagatan natin ay umaapaw sa laman –

Isda, kabebe, perlas, at iba’t ibang gulaman.


Mga gubat, tahanan ng mga ibon

Pati ng mga hayop, alaga ng panahon

Mga punong namumutiktik ng mga prutas –

At sa mga sakit ay nakakapagbigay ng lunas.


Mga ilog, sapa, lawa, pati baybayin

Mga palanas, burol, at luntiang bukirin

Ang dulot nila sa mga talagang masigasig –

Masaganang buhay na pawis ang nagdilig.


Noon yan….


Dahil ngayo’y sadyang nakakalungkot

Mga pangyayari na napakamasalimuot

Mga biyayang likas na bigay ng Maykapal

Napariwarang lahat….mistulang ginahasa

Na animo ay babae na nawalan ng dangal!

The Dear Price of Promised Progress from the Mining Industry

The Dear Price of Promised Progress

From the Mining Industry

In the Philippines

By Apolinario Villalobos


Once mined, a particular parcel of land can never recover lost yields – minerals in various forms that sustain life and top soil that enforce the earth’s crust. And, that is what is happening to the archipelagic Philippines which is being eaten up by the industry. Today, the tumultuous political atmosphere of the country is further jittered by the decision of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) to cancel the permit of many mining firms, a decision which is not to the delight of some sectors, especially, those that have been directly and financially affected due to their stakes. A big howl also comes from the purported human rights advocates who use loss of job as their tool for protest, as if only mining offers the opportunity to earn and nothing else.


The root cause of the swarming of mining ventures in the country, mostly foreign-based, is the Philippine Mining Act of 1995 which was authored by Gloria Macapagal-Arroyo when she was yet, a senator. It allowed foreigners to have a 100% ownership of land areas that they have claimed for mining. The blanket authority eventually paved the way towards the virgin mountains and forests of the country for any foreigner who was willing to invest in mining ventures. Rainforests were cleared, hills and agricultural lands were excavated, and chemicals polluted rivers, streams that flowed to the estuaries and coastal waters…and farmers lost their farms. At the rate abuse of the country’s natural resources are going, this law needs to be revoked.


During the presidential incumbency of Benigno Aquino III, the issuance of mining permits multiplied which enriched even local government officials. Although, some of the farmers were employed by the mining firms, their pay was meager compared to the former yields of their farm. The mushrooming of temporary mining communities resulted to the proliferation of crimes and prostitutions that literally eroded the values of the once sedate villagers and scandalized their once laid back way of life. The polluted air and water brought about diseases that emaciated the once healthy locals and the prices of basic commodities, especially, food, soared. Practically, the industry that has been hoped to bring progress, instead, devastated communities and their inhabitants.


Although, the financial effect to the country’s economy by the move to stop the mining operation can be recovered from other ventures, the recovery from its effects to the people and community could definitely be felt for a long time, as it involves cleansing of the polluted soil, the water beneath it and what flows on the surface. The government would definitely be helpless, in fact, more helpless, as shown by its inutile effort in tackling other problems that pester the country. This unfortunate fact leaves Mother Nature to do some kind of a self-healing. The eroded moral values and culture of the people may take generations to recoup. On the other hand, those who have been physically suffering and wasting due to the onset of diseases could just gasp for short breaths of the polluted air while holding on to their dear life!


At the outset, even without mentioning figures to show its devastation, the effects of the ABUSED OPPORTUNITY in mining the natural resources of the Philippines are very obvious. However, if the government decides to put a stop to it to give Mother Nature some respite, it must have READY FALLBACK PROGRAMS, NOT JUST PLANS for the displaced miners, considering that this problem has been plaguing the country for decades. Farming and fishing in the same devastated areas is out of the question because of the polluted land, rivers and coastal waters.


The most realistic move is to relocate the affected people to ANY RURAL AREA of their own choice, an option which means reasonable and realistic compensation. However, this problem could be aggravated if the concerned mining firms would also ask for compensation due to the cessation of their highly-financed operation….a suggestion is to use the confiscated money from drug operations.


The mining industry in the Philippines is proof that progress has a dear price. It glaringly shows that any venture that has got to do with Nature’s exploitation can be devastating…even with promises of proper management, as there is an innate tendency of man to deviate from the proper course due to greed!



The Agony of Mother Nature

The Agony of Mother Nature

By Apolinario Villalobos


Her womb brought forth life of many sorts

On top of the list is man – wise, clever, shrewd

A creature so sharp, with ego that knows no bound

He, whose selfishness, lifted him up from the ground.


At the start, his simple desire brought him food

Also, skins and leaves to cover his bare fragile frame

Then, his carnal yearnings brought him abundant broods

Who later inhabited vast lands – plains, valleys and woods.


Man’s desire has no end, never satisfied, not a bit

He not only breached, what to others are sacred realms

Unmindful and blind to whatever will be the consequence –

He even dares to break Mother Nature’s idyllic, blissful silence.


Greed drove man to scalp mountains of their trapping –

Verdant and lush forests he fell by indiscriminate burning

Reverberating scream of his chainsaw fill nooks and crevices

That drowns panicky calls of birds and their desperate screeches.


Immaculate white and sandy beaches strewn with shells

Though, still practically fringing undiscovered islands and coves

They may no longer be what they are now, as found by those lucky

For their days are numbered just like the rest, now drowned in misery.


Islands pockmarked with diggings for much-coveted minerals

Pitifully belch residues to rivers, lakes, coves even gurgling springs

While man grins his widest for the cash, illicitly and cruelly-gained

Mother Nature just cringes in agony, abused, that for long she’ll pain.


The air that man breaths for whiffs of comfort, relief and dear life –

Now has become a mist of poison, the scourge of his irresponsibility

For bringing forth metallic contraptions belching toxin just everywhere

And even break auditory succor, shaking the world with so much clatter.


With Mother Nature in agony –

man is left…alone,

to determine his destiny!

Ilang Paraan Upang Mabuhay ng Simple at Makatulong sa Kapwa-tao, lalo na sa Inang Kalikasan

Ilang Paraan Upang Mabuhay Nang Simple at
Makatulong sa Kapwa-tao, lalo na sa Inang Kalikasan

Ni Apolinario Villalobos

Nababanggit ko na noon pa man na ang isang paraan upang mabuhay nang angkop sa kakayahan ay ang pagkakaroon ng buhay na simple o payak. Maaaring simulan sa mga pang araw-araw na pagkain tulad ng NFA rice na murang hindi hamak sa commercial rice (upang ang matipid ay maipantulong sa iba), pagbili ng mga ulam na mura subalit masustansiya, ang paggamit ng kahoy bilang panggatong sa halip na gas kung ligtas na gawin ito sa lugar na tinitirhan, ang pag-recycle ng mga gamit upang mapakinabangan pa ng matagal upang hindi na makadagdag pa sa basura, at upang makaiwas na rin sa karagdagang gastos.

Maliban sa mga nakatira sa condo, ang mga nasa maliliit na subdivision, lalo na ang mga nasa probinsiya ay dapat samantalahin ang kapanibangang dulot ng mga sanga ng kahoy na sa halip na mabulok lamang at maging basura ay gamiting panggatong. Hindi dapat maging maluho pagdating sa mga gamit sa bahay na tulad ng ginagawa ng iba na maluma lang ng wala pang isang taon ay pinapalitan na. At lalong hindi dapat ikahiya ang pagbili ng gulay, murang maliliit na isda, o di kaya ay ang murang buto-buto ng baboy at baka na masustansiya din naman. Ang iba kasi, ayaw ng mga isdang maliliit na pangpangat o pangpaksiw dahil pang-mahirap lang daw kaya mas gusto nila ang malalaking isdang tulad ng tuna at lapu-lapu dahil pang-sosyal kahit mahal, at lalong ayaw nila ng butu-buto dahil pang-aso lang daw.

Ang kailangan lang natin ay pairalin ang imahinasyon upang makatipid. Hindi rin tayo dapat mag-atubili sa pagsubok ng mga bagay na hindi nakagawian. Halimbawa na lang ay ang pag –recyle ng tirang spaghetti na sa halip na itapon o ipakain sa aso na hindi rin naman papansin dito ay gawing “pudding”. Dagdagan ng ilang rekado kahit na gulay, at gamitan ng kaunting arena upang mamuo, ilagay sa hurno at pasingawan o iluto kahit sa maliit na oven-toaster. Kung ang mga tirang tinapay ay maaaring gawing pudding, bakit hindi ang spaghetti? Ang tirang spaghetti na iluluto sa ganitong paraan ay maituturing nang “one dish meal”.

Ang mga tsinelas na goma ay madaling mapigtalan ng strap. Kung isang tsinelas lang ang napigtalan ng strap, huwag itapon ang magkapares dahil pagdating ng panahong magkaroon ng isa pang tsinelas na napigtalan din ng strap, ang mga walang sira ay pwedeng pagparesin upang magamit uli, kahit pambanyo lamang, pangloob ng bahay, o pangtrabaho sa garden. Ang apakan na goma ng mga kapares na napigtalan ng strap ay maaaring gamiting kalso ng mga paa ng silya o mesa upang hindi makagasgas sa sahig na tiles. Ang usok ng sinusunog na goma ay isa sa mga nakakasira sa lambong ng kalawakan o atmosphere, kaya makakatulong ang nabanggit kong pag-recyle upang maiwasan ito.

Ang mga lumang libro at magasin ay mura lamang kung bilhin ng mga junkshop dahil turing sa mga ito ay “reject”. Ilang beses na rin akong nakatiyempo ng mga lumang Bibliya sa mga junkshop na ang turing ay “reject” din. Mas mapapakinabangan ang mga ito ng mga NGO na ang adhikain ay tumulong sa mga batang kalye na gustong matutong magbasa at magsulat subalit hindi nakakapasok sa eskwela. May mga NGO rin na nagmimintina ng library upang magamit ng mga estudyanteng kapos sa budget. Hindi naman siguro masyadong kapaguran ang mag-browse sa internet o sa telephone directory upang makahanap ng magustuhang NGO na maaaring pasahan ng mga nasabing ididispatsa nang mga babasahin. Pwede silang pakiusapang pumik-ap ng mga naipong mga libro sa bahay ng mga nakaipon nito.

May ibang nagtuturing na basura sa mga bagay na pinagsawaan na nila. Sana, magbago ang pananaw ng mga taong may ganitong ugali. Buksan sana nila ang kanilang mga mata at lawakan pa ang kanilang pang-unawa upang mabigyang pansin ang kanilang kapwa na hindi naging mapalad na magkaroon ng kahit na kapiranggot na kaginhawahan sa buhay. At, sa pamamahagi nila ng kanilang pinagsawaan, nakakatulong pa sila sa pagbawas ng naiipong basura sa kapaligiran…na lalong malaking tulong din sa Inang Kalikasan.

Mga Kayamanang sa Iba ay Basura…tulong sa Inang Kalikasan kung pakikinabangan pa

Mga Kayamanang sa Iba ay Basura

…tulong sa Inang Kalikasan kung pakinabangan pa

Ni Apolinario Villalobos

Nang minsang papunta ako sa Tondo, may nadaanan akong tambakan ng mga basura at napansin ko ang malaking tumpok ng mga tarpaulin na pinagtabasan. Nang busisiin ko ay malalaki pala ang mga sukat at maaaring pagtagpi-tagpiin. Pumasok agad sa isip ko ang mga nakatira sa bangketa na wala man lang banig at ang mga nagkakariton na ang tanging pananggalang sa init at ulan ay mga punit na plastik. Mabuti na lang at may dumaang traysikad at nagpatulong ako sa drayber nito upang matupi nang maayos ang mga tarpaulin. Tinanong ko ang bata kung may alam siyang mananahi, tiyempo rin na may alam din siya pero tatawid kami ng Recto dahil malapit ang mananahi sa Bambang market kung saan ay matatagpuan din ang original na “ukay-ukay” sa Maynila. Pagkalipas ng halos dalawang oras ay nakayari kami ng 14 na tarpaulin na ang sukat ng bawat isa ay 4 feet by 6 feet, pagkatapos na pagtagpi-tagpiin ang mga retaso!

Minsan naman, may nadaanan akong namamasura na nag-aayos ng kanyang mga kalakal sa isang tabi. Napansin kong maraming mga notebook. Pumasok agad sa isip ko na malamang maraming pahinang wala pang sulat, na tama nga. Nakiusap ako sa nangangalakal na tulungan akong ipunin ang mga pahinang malilinis pa at babayaran ko siya ng doble sa inaasahan niyang halaga kung ipapatimbang niya sa junkshop ang mga notebook. Nang makatapos kami sa pagpilas ng mga malilinis na pahina, nakaipon kami ng mahigit dalawang dangkal na malilinis na mga pahina! Walang problema sa paghati-hati at pag-staple dahil may malaki akong stapler sa bahay. Para ang mga ito sa mga batang halos hindi makabili ng gamit sa eskwela na nakita ko sa bangketa ng Divisoria. Tamang-tama rin dahil may ipinadalang mga lapis naman ang isang kaibigan ko na nasa Amerika.

Sa tambakan naman ng basura sa tabi ng isang bodega, may nakita akong mga gomang tsinelas. Maayos pa ang karamihan ngunit nangitim lang dahil sa pagkakaimbak. May mga sapatos din na goma, maayos pa rin subalit bakbak na ang mga disenyo at marka. Naalala ko ang mga batang nakita ko na nakapaa habang namumulot ng mga lantang gulay sa Divisoria at kung pumasok sa eskwela ay nakatsinelas lang. Mabuti na lang at may isang tindahan sa hindi kalayuan na nagtitinda ng bigas, kaya may nabili akong dalawang basyong sako na pinaglagyan ng mga naipon kong tsinelas at sapatos.

Kung panahon ng baha, maraming matitiyempuhang itinapong binahang mga damit. Hindi rin ako nahihiyang ipunin ang mga maaayos at pinalalabhan ko sa asawa ng nakaibigan kong nakatira sa tabi ng Ilog Pasig, upang maipamigay naman. Yong mga kaibigan nila na gustong magkaroon, hinahayaan kong pumili, basta sila na ang maglaba. Ang mga natuyo na natira pagkatapos nilang pagpilian ay binibigay ko sa iba kong kaibigan.

Ang mga ikinuwento ko ay maaari ring gawin ng iba basta ang itanim lang sa isip ay, maliban sa makakatulong sa iba… nakakabawas pa ng matatambak sa basura. Isa sa mga paalala ng mga grupong maka-kalikasan sa Pilipinas ay “may yaman sa basura”, na para sa iba ay tumutukoy sa mga piraso ng bakal, tanso, at plastik. Subalit hindi dapat limitahan sa mga nabanggit ang pagtukoy sa yaman, kundi pati na rin sa iba pang bagay na direktang mapapakinabangan tulad ng mga napulot ko.

Isa sa dahilan kung bakit nasisira ang normal na sikulo ng panahon ng mundo ay ang walang patumanggang pagtapon ng basura, kaya ang iba’t ibang mga bansa ay nagkanya-kanya sa pagpanukala ng “recycling program”. Obligasyon ng bawa’t mamamayan ang makiisa sa ganitong uri ng panawagan na ang makikinabang ay buong sangkatauhan at malaking tulong din kay Inang Kalikasan.

Taghoy ng Sangkatauhan at Inang Kalikasan

Taghoy ng Sangkatauhan at Inang Kalikasan

Ni Apolinario Villalobos

Noon, ang bigas kung bilhin, gatang ang sukatan

Ang sampung pisong dala, sangkaterba ang katumbas

Umaapaw sa dalang bayong- isda, gulay at panghimagas

Mayroon pang kapirasong karne ng baboy, o baka, o manok

Kaya sa mga tao, reklamo’y walang marinig, kahit na himutok.

Ngayon, ang isang libong pisong bitbit kung mamili

Hindi kailangan ang bayong, basta may maliit na supot –

Kasya na ang mga napamiling tingi-tingi, mga kakarampot

Sa palengke lang yan, dahil kung sa isang grocery ka pupunta

Sa halagang isang libo, ang mailalagay sa supot- nakakamangha!

Noon, mga pulis, sa pananamit pa lang ay bibilib ka na

Komportable’t maayos ang sukat, di parang suman sa ibus

Kaya sa habulan at bakbakan ay nakakaarangkada ng maayos

Di rin katatakutan sa gabi kung masasalubong kahit na sa dilim

Ngayon, may mga sangkot sa hulidap at pangongotong – mga sakim!

Noon ang mga kabataa’y ubod ng sipag, bait, at galang

Kusang nagmamano sa matatanda, namumupo, hindi suwail

Takot sa karahasan, ayaw humawak ng punyal o kahit na baril

Walang bisyong sigarilyo, alak, di babad sa kung saan-saang sulok

Di tulad ngayon, umaalagwa sa bisyo, umaalingasaw sa ugaling bulok!

Noon, kapita-pitagan ang mga mambabatas, sila ay tapat

Malinis ang kanilang hangarin, listo sa pagtupad ng tungkulin

Kagalang-galang sila kaya ang pagdudahan sila, hindi mo iisipin

Di tulad ngayon, pabantutan sila, pahabaan din ng buntot at sungay

Sa kademunyuhang ginagawa sa bayang walang tigil, walang humpay!

Noon, karagatan ay hitik sa buhay, bahid ng dumi ay wala

Mga isda ay malusog, mga laman ay walang lason na kemikal

Mga lasong itinapon ng mga balasubas na tao, at ugali ay hangal

Walang patumanggang itinapon ay mga isinuka ng mga pagawaan

Walang pakialam, hindi alintana ang resulta ng kanilang kapangahasan!

Noon, ang hangin ay mahalimuyak, masarap pang langhapin

Lalamunan ay di masasamid sa usbong ng langis at mga basura

Walang nakakasulasok na amoy na nakakapanghina at nakakasuka

Ang mga ibong at ibang mga nilalang ng malawak na kahanginan

Nanghihina, namamatay, tulad din ng taong nalulunod sa kadugyutan!

Noon, ang ilog ay buhay na buhay sa bulasaw ng mga isda

Mala-kristal ang kulay, ginhawa’y bigay sa lalamunan na uhaw

Kaginhawahan ang dulot sa mga inosenteng batang nagtatampisaw

Ang mga batis ay kaaya-ayang pagmasdan, sa mga naglalabang dilag

Subalit ngayon, kulay kalawang na dumadaloy ay may halong kamandag!

Noon, ang mga tao ay di pumapalya sa pagtitika, pagdadasal

Takot sa Panginoon ang umiiral sa pusong tinitibok ay pag-ibig

Balot din kapayapaan ang animo ay paraiso at luntian nating daigdig

Subalit ngayon, saan man pumaling at tumanaw, kita’y mga pagdurusa

Mga pasakit yata’y sumpa ng Poon sa sangkatauhang nakalimot sa kanya!

Help Mother Nature…Save our Habitat

Help Mother Nature…Save Our Habitat

By Apolinario Villalobos


The footages on TV about floods, mountains of garbage, beaches littered with refuse, bald mountains mercilessly destroyed by loggers, rivers and city sewers clogged with plastic wastes and even carcasses of animals, can give chills down the spine of even an emotionally-strong person. To ask what’s wrong is no longer relevant. Everybody knows the what and why, even the who of this issue. But despite the worldwide movement to salvage Mother Nature, majority of the humanity is far from cooperating.


Businesses involving manufacture of gadgets, equipment, home appliances, and other enhancements of a “comfortable” life are flourishing at a fantastic alacrity. New inventions are coming out every year. Despite the call to minimize the use of nature and climate-damaging materials, those coming out of factory assembly lines are with even more notoriously destructive components.


The call to recycle seems to fall on deaf ears – mostly. If ever, countries do not have encompassing legislations on this. In the Philippines for instance, the response comes in clusters…few cities and towns with their respective local laws prohibiting the use of plastic bags when shopping in the wet market. On the other hand, the national agency, Metro Manila Development Authority (MMDA) is running out of ideas on how to eliminate or at least minimize the indiscriminate disposal of waste materials that are blamed for the perennial city flood.


Some of us have the instinct of immediately throwing away, anything that we can’t put to immediate use. Fortunately, there are some sectors which are initiating moves in recycling what for others are useless scraps – cloths, cans, old shopping bags, rice sacks. These are transformed into bags, flower pots, vases, tote bags, etc.  Such commendable effort, however, constitute just an insignificant percentage of what is expected.


To give a semblance of respectability to the recycling effort, the junks are now called pre-owned. I have come across an inspiring blog about a pretty multi-awarded American actress who claim to prefer pre-owned dresses and accessories, and in the accompanying photo she looks glamorous in one of the dresses with less than five dollars price tag.


Why be ashamed of pre-owned things? In the case of garments, it is how you fit in them neatly that counts, and in the case of other things, such as tools and household furnishing, it is your practical perception of their use that should matter . During my college days, three sisters, all of them popular campus personalities earned such recognition because of their pretty faces and the way they carried themselves in dresses tailored from pre-owned oversized skirts, dresses, and Hawaiian shirts that were transformed into elegant mini-skirts and blouses. The eldest among them, did the transformation by dint of her basic knowledge in sewing.


A friend has the habit of framing things that others should have thrown, such as old keys, buttons, bottle crowns, etc.  Another friend stacked several old car tires, topped them with a junked table top, and presto!, he now has a lanai table in the center of which are found objects clumped together with strips of bronze electric wires.


A well-to-do acquaintance’s home is filled with eclectic assemblage of furnishing he salvaged from junk shops. He could well afford to buy brand new things for his home, but he prefers to rummage in the junk shops for things that he could tinkle with to come up with new contraptions that even surprise him at the end. Sometimes I would join him in rummages and eventually, came up with my own collection of recycled items.


Going to the simpler things, recycling is not limited to plastics, rubbers, metals, cloths. It is also about how we treat water and leftover foods. Some of us have the habit of washing utensils under the open faucet or brushing our teeth while water copiously gushes out of it.  This habit is beyond comprehension. When doing the laundry, even clear water is thrown away instead of being used to flush the toilet and clean the garage. Leftover foods are left to the elements on the table so that there will be an excuse to throw them away for being spoiled, when they can be re-cooked with flavor enhancers to transform their delectability. Cold rice is thrown away instead of being fried.  And the worst of all habits is leaving morsels of food on the plate!… which of course, will definitely be thrown away or fed to the pets. This worst habit is very evident in fast food joints and restaurants, with the culprits even showing proud expressions on their faces, as if saying that they can afford to do it.


Mother Nature is terribly sick, our habitat is dying, but despite all these, we just shrug our shoulders with indifference.





Tayo ang Nagpaparusa sa Ating Mga Sarili

Tayo ang Nagpaparusa sa Ating Mga Sarili

Ni Apolinario Villalobos

Kung malalim na ang inabot ng ugat ng isang tanim, mahirap na itong bunutin. Ang magagawa na lamang ay bawasan ang kayabungan ng mga sanga at dahon sa pamamagitan ng pagputol at pagtabas. Nababawasan nga ang inaabot ng puno sa pamamagitan ng mga sanga nito, hindi naman ito mamamatay at napipigilan lamang ang lalong paglaki nito. Dapat talaga ay bunutin ang ugat.

Ganyan din ang tradisyon o kaugalian ng tao. Kung hindi sasawatain sa simula pa lang ang isang maling kaugalian o tradisyon, sa katagalan, makakasanayan na at aakalain, lalo na ng mga bata na ito ay tama. Maaaring may simpleng pagsaway subali’t hanggang doon na lang. At ang kaugalian ay nagpapatuloy. Sa pagkawala ng mga magulang, maiiwan ang mga anak na siyang magpapatuloy ng nakalakhang gawi na akala nila ay tama. Maipapasa nila ito sa mga susunod pang mga henerasyon. Sa ganitong paraan, lalong nadadagdagan ang kamalian sa mga kaugalian.


Tulad na lang ng pasko na ginugunita bilang kapanganakan ni Hesus, itinakdang tagapagligtas ng tao sa kasalanan. Sa halip na imahe niya bilang sanggol kasama ang mga magulang na si Jose at Maria ang simbolo ng pasko, ang kinilala ng tao ay Christmas tree, nagpapaligsahan sa pataasan at padamihan ng palamuting ilaw at mga regalo. Hindi maipagkakailang pati mga broadcaster sa TV at radyo ay mataginting at buong kayabangang nagsasambit sa Christmas tree bilang simbolo ng pasko. Paanong naging simbolo ng kaligtasan ang isang puno? Lahat ng paraan ginawa ng tao upang makagawa ng mataas na Christmas tree, abot hanggang langit – na nagpapaalala tuloy sa ginawang tore ng Babel na ginawa ng mga taong nasa Bibliya, na sa galit ng Diyos ay kanyang binuwag. Kung Mahal na Araw, ang biglang papasok sa isip ng karamihan ay magbakasyon sa halip na mangilin at magnilay-nilay sa mga kasalanang ginawa. Bakasyon ang gusto nila dahil tag-init, pupunta sa tabing dagat at magpiknik. Nawala ang kahulugan ng paggunita na dapat sana ay pagkakataon na upang magsakrispisyo upang maski papaano ay mabawasan man lang ang mga nagawang kasalanan.

Kaakibat ng kaugalian ang pangangailangan. Kung noong unang panahon, ang pangangailangan lamang ng tao ay pagkain, saplot sa katawan at bubong na masisilungan, ngayon dumami na ang mga pangangailangan upang ang tao ay masiyahan. Dahil sa mga pangangailangan, ang mga payak na ugali ay naging marahas, mapusok at makasarili. Upang makamit ang mga pangangailangan, umaabot ang iba sa sukdulang paggawa ng hindi mabuti sa kapwa gaya ng pagpatay at pagnakaw.


Kung noong unang panahon, pumunta lang sa gubat ang tao, may mahuhuli nang hayop upang makain, di kaya ay pumunta lang sa dagat o ilog may mahuhuli nang isda, di kaya ay pumunta lang sa mga bukirin may mapipitas nang mga prutas at makakaing dahon at talbos. Ibang-iba ang panahon ngayon: kung walang trabaho, walang pera, walang pagkain; upang malamnan ang sikmura ng iba, kailangang mangalkal sa basura upang may madampot man lang na tira-tirang pagkain, at ang matindi, kailangang magnakaw na siyang pinakamadali subali’t maselang paraan upang kumita.

Kung noong unang panahon, dahon, prutas o talbos lang ng tanim, balat ng kahoy o mga ugat ng mga damo, nakakagamot na ng mga sakit ng tao. Sa panahon ngayon, kailangang may perang pambili ng mga gamot sa botika; kailangang pumunta sa isang doktor o ospital upang makapagpagamot na nangangailangan pa rin ng pera. Subali’t kung wawariin, ang mga gamot ngayon ay galing din sa mga tanim na dinagdagan lamang ng kung anu-anong kemikal upang tumagal sa pagkakatabi habang hindi pa ginagamit. Alam na ito ng marami subali’t dahil sa katamaran ay ayaw maglaga ng dahon o ugat upang magamit na gamot. Ang masaklap, may mga gamot ngang itinuturing na nakakapagpagaling subali’t kailangan pa ang nakaresetang maayos na paggamit upang hindi maging lason sa katawan.


Noong unang panahon, walang sine, telebisyon, radyo, cellphone, bisikleta, kotse, barko, eroplano at kung anu-ano pa. Sa pag-usad ng panahon, naging malikhain ang tao at nagkaroon ng mga nabanggit na bagay. Nadagdagan sa mga nilikha ng tao ang bomba, granada, matataas na de-kalibreng baril, mga nakakapinsalang kemikal, sasakyang panghimpapawid na nakakarating na rin sa iba pang planeta…marami pang iba. Natuklasan ang panggatong na galing sa matagal nang nabulok na halaman at mga organismo – ang langis. Natuklasan din ang ilang klaseng panggatong na mas nakakapinsala sa halip na makatulong.

Ang tao natutong kumilala ng mga pagkakaiba sa iba pang komunidad ng kapwa tao kaya nagkaroon ng mga iba’t ibang bansa. At natanim sa isip ng tao na upang mabuhay, kailangang matatag ang kabuhayan, kailangang maraming nakaimbak na kayamanan, kailangang napoproteksyunan ng mga sandata. Nagtakda ang tao ng mga hangganan ng nasasakupan sa kalupaan man o sa karagatan, pati na sa kalawakan.


Nalango ang tao sa kaalaman. Naging sakim. Naging makasarili. Nakalimot na siya ay inilagay sa mundo ng isang Makapangyarihan upang mangasiwa lamang sa mga likas na yaman. Nakalimutan ng tao na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi niya pagmamay-ari.

Akala niya, habang buhay siyang masaya kung nakalubog siya sa yaman at ligtas kung napapaligiran ng may matataas na kalibreng mga sandata. Akala niya, sa paglisan niya sa mundo ang kayamanan ay madadala niya.

Nakakaalala lamang ang taong tumawag sa Kanya sa panahon ng  pangangailangan. Nakalimutan niyang magpasalamat man lamang sa mga biyayang sa kanya ay ibinigay, at kadalasan ay hindi pa siya kuntento! Ang tao ay naging mapagkunwaring maka-Diyos, gayong ang katotohanan, inaakala niyang hindi siya nakikita habang gumagawa ng mga katiwalian.

Pati ang babaeng may timbangan na tinawag ng tao na Hustisya ay may piring sa mata, kaya hindi niya nakikita ang mga katiwaliang ginagawa ng mga abogado at huwes na natatapalan ng pera. Mali ang sinasabing “pantay-pantay ang lahat sa harap (hindi mata, dahil may mga piring nga) ng Hustisya”. Bakit ipapantay ang mali sa tama? Kaya tuloy sa kawalan ng perang pambayad sa isang “magaling” na abogado, marami ang nabubulok sa kulungan na walang kasalanan. May katumbas na pera ang pagpapatunay ng kawalan ng kasalanan ng tao. Sino kayang hangal  ang nakaisip na gawing bulag sa katotohanan ang Hustisya? Bakit hindi siya bigyan ng mabalasik na mga mata upang ang may kasalanan na tumingin sa kanyang mukha ay makonsiyensiya?


Tao at hindi Diyos ang nagtatakda ng kanyang pagbagsak at pagkawala sa mundo. Patunay dito ang mga giyera na nangyayari sa ating kapaligiran na ginagamitan ng iba’t ibang sandata upang magpatayan, mga makabagong gamit na sumasabog at nakamamatay, mga nakakalasong kemikal na pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng pagkain,  mga sasakyang bumubuga ng lason sa kahanginan, o pumapalya na nagreresulta sa disgrasya. At ang pinakamatindi ay ang pagsira ng tao ng kalikasan na nagdudulot ng iba’t ibang trahedya gaya  ng baha at bagyo.

Ngayon, may karapatan ba tayong magtanong sa Diyos kung bakit para niya taong pinarurusahan? Sino ang may kagagawan ng lahat ng mga ito? Di ba tayo?

(Bago ko nagawa ang komentaryong ito ay makailang beses kong pinag-isipan dahil alam kong marami ang masasagasaan at matutumbok…magagalit. Kung hindi man sila magbago….bahala sila… nakikita sila ng CCTV ni Lord!)

The Slow Death of Mother Nature

The Slow Death of Mother Nature

By: Apolinario B. Villalobos

            Ever wonder why Mother Nature seems to be losing her balance lately?  It’s because of indifference and greed of most of the world’s denizens. Actually, one need not take a second look at what are happening around to understand what the question asks.

We are destroying the very womb that conceived the molecule from which man emanated. Although religion and pure science differs tremendously as to how man and where man originated, it boils down to one source – Mother Nature.  It is unfortunate that in time, as man further developed his knowledge on life in general, greed is not far behind, bred by the unquenchable need for survival.

Mother Nature is the essence of life.  She is the thread that weaves the earth together into an immense globe of life. We all live because of a system which science dubbed symbiotic relationship.  It is a system that works by inter-living or in the layman’s language – giving and taking.  All creatures accommodate each other in a way that everyone  becomes dependent to each other. The system is also like that of a clock that functions properly if all parts are likewise functioning accordingly.  A breakdown of one part causes the breakdown of the clock as a whole. In other words, there is some kind of mutual responsibility that holds the whole system together. And within that responsibility is Mother Nature. We are all part of Mother Nature’s ecological system.

We cannot afford to break the very thread of system that sustains life on earth.  It is suicide. But despite warnings by concerned groups about the imminent danger of our actions in general that slowly destroy Mother Nature, we have become oblivious even to the resulting catastrophes: flood, soil erosion, fishkill, diseases, etc.

Alas! Progress has given a prescription of slow death to the already ailing Mother Nature. Factories along rivers and the coast wantonly spill their wastes to these geographic arteries aside from belching their carbon dioxide into the atmosphere. Housing developers who are in need of gravel and sand indiscriminately mine rivers for these,  causing the erosion of their banks. Garbage haulers dump their collections in landfills without safety measures causing seepage to underground sources of drinking water. Production of transportation is uncontrolled necessitating usage of more fossil fuel that worsens the already polluted state of the air that we breath. The ocean has become a vast dumping ground of toxic waste products.

What can a handful of environmentalist groups do?  They have practically become a voice in the wilderness so to speak, in their fight against corporations involved in the passionate destruction of Mother Nature. Some towns and cities declared their territories to be plastic – free. Fine. But why are the rest having second thought in following suit? Is it because big politicians protect the interest of plastic factory owners in their turf? Why can’t the national agency concerned in the preservation of forests put a stop to wanton destruction of the remaining vegetated mountains? Is it because big politicians themselves are involved in the logging industry? Why can’t the same national agency put a stop to unscrupulous mining activities that result to landslides? Is it because of the wads of bills that greased the palms of the people who administer this agency?

Regrets always come at the end. And, with what is happening around us, no amount of regret  can put a stop to the slow death of Mother Nature.