Pride and Mistakes

Pride and Mistakes

By Apolinario B Villalobos

 

Nobody is free from committing mistakes, be they petty or enormous.

 

Nobody shall ever learn how to improve his ways or do away with bad attitude unless there is an admission that a mistake has been committed, hence, the adage “learn from mistakes”.

 

While some are humble enough to admit their mistakes, the rest are overwhelmed by their pride… they just refuse to do it. The refusal is like a chain that holds them back from moving on.

 

The mistakes we made are among the steps we took towards our destiny. Refusing then, in admitting our mistakes would simply mean that we are stagnant. The arrogant cannot accept the fact that as a human being, he or she is not perfect.

 

Pride feeds on adoration of accumulated wealth, dizzying success, or plain appalling attitude. The arrogant filthy rich thinks, his money can buy anything, including power to hide mistakes. The success-intoxicated man thinks that he can do just anything better than anybody else, otherwise he could have not succeeded. And, there’s the simply conceited who sees himself as the only rightful- thinking creation of God, with the rest, wallowing in mistakes.

 

I think, the best thing to do, is evaluate what we have done and said at the end of each day as we live. It is important to know if we have done anything that could have displeased others, hence, displeased Him, too. That is the reason why He gave us brains….so that we can analyze.

 

 

Ang Pagkakamali ay Hindi Maibabaon sa Limot

Ang Pagkakamali ay Hindi

Maibabaon sa Limot

Ni Apolinario Villalobos

 

Kalokohang sabihin na naibabaon sa limot ang isang pagkakamali. Maaaring hindi na ito banggitin at ang mga taong naapektuhan ay hindi na lang kikibo. Kung baga sa isang nabasag na baso, nabuo uli ito subalit may lamat pa rin.  Ang kabutihang nagagawa ng isang pagkakamali ay nagagamit na itong batayan sa mga gagawing pagkilos upang hindi na maulit ang mga pangyayari…kaya malaking tulong sa mga nakakaalam ng pagkakamali kahit pa sabihing naging eskandalo ito.

 

Kung tanggap naman ng taong nagkamali ang ginawa niya dapat ay hindi sumama ang kanyang loob kung ito ay maungkat o mabanggit sa mga sitwasyong nangangailangan ng pagbanggit, lalo na kung gagamitin itong leksyon para sa iba. Kapag ganito ang mangyayari, nakatulong pa ang taong nagkamali upang mapaalalahanan ang iba, at hindi nangangahulugang binanggit upang laitin siya.

 

Lahat ng tao ay nagkakamali kahit pa ang mga sinasabing mga “tauhan” ng Diyos sa mundo tulad ng mga pari, pastor, Obispo, pati santo papa, mga di-hamak na mga taong tituladong nagtapos sa mga kilalang universidada, mga president ng kumpanya, etc……ordinaryong mamamayan pa kaya? Nagkakaiba lang ang uri ng nagagawang pagkakamali ng bawat tao, at ang antas o bigat ng ginawa na batay naman sa katayuan nila sa lipunan.

 

Hindi dapat libakin ang taong nagkamali, halimbawa, na nagmura dahil si Hesus mismo ay nagmura nang walang mapitas na bunga sa isang puno noong panahong nagugutom siya.  Ayon sa alamat ng “creation” sa Bibliya, ilang beses ding nagkamali ang Diyos sa paggawa Niya ng tao, bago Niya nagawa ang uri na talagang gusto niya. At, hindi pa rin dapat libakin, halimbawa, ang mga babaeng nagkaanak sa pagkadalaga kaya naging “single mom”, dahil tanggap na ang ganyan sa kasalukuyang panahon. Sa panahon ngayon, marami na ring mga dahilan ng pagkakamali ang katanggap-tanggap sa iba’t ibang lipunan, subalit hindi pa rin nangangahulugang kinukunsinti ang kanilang ginawa.

 

Ang taong hindi marunong tumanggap ng pagkakamali ay ipokrito, tulad ng mga naglipanang mga pulitiko at mga opisyal ng gobyerno na kahit hantad na ang mga ginawang pagkakamali ay todo pa rin sa pagkakaila. Ito ang mga taong nag-aakalang sila lang ang may utak sa ulo dahil ang turing nila sa iba lalo na ang mga biktima nila ay mga mangmang o bobo….pag-aakalang napakamaling pagkakamali dahil nagbunga ng matinding nakawan sa kaban ng bayan at kagutuman sa panig ng taong bayan! Maitatala ang mga nakakasukang pagkakamaling yan sa mga pahina ng kasaysayan ng Pilipinas kaya hindi makakalimutan ng kahit kahuli-hulihang Pilipinong mabubuhay sa mundo!

 

 

Palaging Nasa Huli ang Pagsisisi

Palaging Nasa Huli ang Pagsisisi
Ni Apolinario Villalobos

Sa Ingles ay may mga kasabihang, “no pain, no glory” at “no guts, no glory”. Sa literal na katumbas, ang ibig sabihin ay, “kung walang pasakit, walang tagumpay”, at “kung walang lakas ng loob, walang matatamong tagumpay”. Kailangang maging handa tayo sa anumang pasakit na idudulot ng pagkabigo at kailangang mayroon tayong tapang sa pagharap sa anumang pagsubok upang tayo ay magtagumpay. Kung mabigo man, may kasabihan pa rin sa Ingles na, “at least, we tried”, kaya hindi tayo dapat magsisi. Subalit kung wala talaga tayong ginawa dahil sa pag-alinlangan at nakita nating okey naman pala kung tumuloy tayo…diyan papasok ang pagsisisi.

Ang tagumpay ay hinahanap dahil inaasam, hindi hinihintay na baka dumating sa ating buhay. Kaya kung tayo ay lalampa-lampa, gigising na lamang tayo isang umaga at magugulat dahil nalaman nating napag-iwanan na pala tayo ng panahon, na nakanganga, samantalang ang ibang nagsikap ay milya-milya na ang narating. Magsisi man tayo…huli na.

Sa isang banda naman, dahil sa sobrang desperasyon ng iba kung minsan, nakakagawa sila ng mga bagay na pinagsisisihan nila, bandang huli. Halimbawa ay ang pagbitiw sa trabaho nang wala sa panahon, dahil gusto nilang magpasarap agad sa buhay, nainggit kasi sa mga kaibigan nilang ganoon ang ginawa. Nang halos maubos na ang pera, saka sila magsisisi, at kung maghanap man uli ng trabaho, wala na silang mapasukan.

Yong ibang mga nagretiro naman, dahil sa laki ng hawak na separation pay, hindi nila alam kung paano ito gagastusin. Pero dahil nakitang nagpa-renovate ang mga kapitbahay ng bahay, nakigaya…nagpadagdag ng mga kuwarto para sa mga anak daw. Subalit, nang nakapagtrabaho na ang mga anak, nagsi-alisan sa bahay, iniwan na silang mag-asawa dahil ang gusto ay sa condo tumira. Sa laki ng ginastos sa renovation, halos wala nang natira sa separation pay. Silang mag-asawa naman ay naiwang kakalog-kalog sa bahay. Mahirap nang ibenta ang bahay dahil lumaki ang halaga, gawa ng mga renovation. Naramdaman nila ang pagsisisi nang magsimula na silang magpa-admit sa ospital dahil sa maya’t mayang pag-atake ng mga sakit nila.

Madaling maramdaman ang ugali ng mga anak kung walang interes sa mga ginagawa ng mga magulang nila para sa kanila. Halimbawa ay ang binanggit kung pag-alis nila sa ancestral house nang makapagtrabaho na. Ang masakit ay ang pagsabihan nila ang kanilang magulang na ibenta na lamang ang bahay na pinaghirapan nilang ipundar, subalit wala namang babanggiting plano pagkatapos, tulad halimbawa ng pag-imbita upang tumira sa kanilang condo. Para na rin nilang sinabihan ang mga magulang nila ng, “bahala na kayo sa buhay nyo”. Sa pagkakataong ito, walang magawa ang mga magulang kundi maghinagpis dahil ang pera na sana ay inilaan nila sa kanilang pagtanda, ay nauwi sa wala! Hindi na sila appreciated, nawalan pa sila ng sana ay pambili ng maintenance na gamot at pampa-ospital.

Iba naman ang kaso ng mga kaibigan kong mag-asawa na nakatira sa isang exclusive subdivision. Nang pareho silang magretiro, itinodo nila ang pagbiyahe kung saan-saan. Noong pumirmi na sa bahay, sa umpisa ay masaya silang nagsi-share ng mga karanasan nila sa ibang bansa. Nang kalaunan, napansin kung malungkot na sila at palaging nagsisinghalan kung mag-usap, lalo na pagdating sa mga gastusin sa loob ng bahay. May isa pa kasi silang pinapaaral sa kolehiyo. Noong minsang napadaan ako at kinausap ko ang kumpare ko sa labas ng gate, nilapitan siya ng kumare ko at humingi ng pamalengke. Ang sagot sa kanya ng kumpare ko, “gamitin mo yong itinabi mong gamit nang mga tiket ng eroplano…litse ka!…aga-aga, eh, nambubuwisit!”. Sagot naman ng kumare ko, “litse ka ring matanda kang panot!…gusto mong biyahe nang biyahe, ngayon, maninisi ka!”. Ganoon sila kasaya kapag nag-uusap…with feelings!

Sa sinabi ng kumare ko, naalala ko tuloy ang isang taong panot din na walang konsiyensiya kahit marami nang naperhuwisyo dahil sa mga desisyon na akala niya ay da best, dahil akala niya ay bright siya! Pinuno siya ng isang bansa……at lahat ng ginawa ay puro bulilyaso. Magsisi man siya ngayon dahil sa mga maling desisyon niya, ay huli na!

(Note: Exception sa title ang hindi ko pagsisisi dahil sa pag-type ng huling paragraph. May kasabihan naman kasi sa Ingles na, “for every rule, there’s an exception”. Kaya itinuring kong exception yong panot na binanggit ko sa last paragraph! Gusto ko pa ring ipaliwanag na ang ibang panot basta hindi nangmumulestiya at nang-aapi, ay hindi ko tinutukoy….exception din sila….dahil ang pagkapanot ay tanda ng pagkamatalino!)

Ang Pagbatikos

Ang Pagbatikos
Ni Apolinario Villalobos

Ang pagbatikos ay hindi nangangahulugang galit ang nambabatikos sa kanyang binabatikos, kung malinis ang kanyang hangarin o layunin. Ang hindi maganda ay ang pagbatikos na ang dahilan ay mababaw lamang at pansarili tulad ng inggit. Ang malinis na layunin ng pagbatikos ay ang pagpamukha sa taong binabatikos tungkol sa kanyang pagkakamali na maaaring hindi niya alam.

Madalas mangyari ang pagbatikos sa larangan ng pulitika tulad ng nangyayari sa mga Binay. Sa kabila ng lampas-taong batikos na natatanggap ngayon ng pamilyang ito, pinipilit pa rin nila na sila ay pinupulitika lamang. In fairness na lang sa kanila, siguro naman, ayon sa standard of morality ng kanilang pamilya ay wala talaga silang ginawang masama. Naalala ko tuloy ang isa kong kaibigan na sinabihan kong may bahid ng lipstick ang kanyang pisngi. Sinagot niya ako ng, “ah, yan ba? biniro lang ako sa opisina”, pero umaalingasaw din siya ng pabangong pambabae na dumikit sa kanyang damit. Kahit halata namang dumaan siya sa bahay ng kanyang kerida na alam ng mga kaibigan niyang ibinabahay niya, todo palusot pa rin siya.

Binabatikos din si Pangulong Pinoy na dahil sa hindi malamang kadahilanan ay bihirang sumagot at kung mangyari man ay idinadaan na lang sa paulit-ulit na pagsabi ng mga pangako niya noong panahon ng kampanyahan na sumentro sa “matuwid na daan” at pagmamalaki ng mga report tungkol sa pag-asenso daw ng bansa na hindi naman pinaniniwalaan . Yon nga lang sinasabayan naman niya ng pagbatikos sa isang babaeng pasyente na may brace sa leeg, na dahilan daw kung bakit naghihirap ngayon ang Pilipinas. Dahil sa ginawa ni Pnoy, biglang nalusaw ang good breeding, na inakala ng mga taong meron siya. Teacher din pala niya ito noong siya ay nag-aaral pa sa Ateneo kaya lalong hindi maganda ang ginagawa niya…batikusin ba naman ang mahal niyang teacher! Dapat ay magpasalamat siya dahil very obvious na may natutunan siya sa kanyang teacher….nakikita naman ng mga tao kung ano ang mga ito.

Sa isyu kay Purisima, ang gusto lamang siguro ni Pnoy ay tumanaw ng utang na loob dito dahil iniligtas daw siya nito mula sa bingit ng kamatayan . Ang pag-apura naman sa pagpasa ng BBL na ngayon ay BL na lang ay dahil siguro sa tangka sanang pagtulong ni Iqbal sa kanyang ama kung hindi ito pinaslang sa NAIA. Ang ganitong pagtanaw ng loob din siguro ang gusto niyang ipakita sa mga taong sinasandalan niya tulad ng mga tagapagsalita niya, lalo na si Abad na itinuturing niyang matalino sa “paghawak” ng budget….marami pa sila sa kanyang gabinete. Siguro para sa presidente, hindi masama ang tumanaw ng utang na loob sa mga best friends. Kaya dahil best friend siya ng mga ito, sinasalag na lang niya ang mga kaliwa’t kanang batikos ng mga tao na gustong pumalit sa kanya. Isa siyang maituturing na best friend na martir na handang sumalag ng mga batikos!…siya ay maituturing na isang rare na species ng tao.

Ang mga mambabatas naman, binabatikos dahil marami daw sa kanila ay mukhang pera, mga korap, mga magnanakaw sa kaban ng bayan, nagbebenta ng budget sa mga taong ang negosyo ay pekeng NGO. Subalit may napatunayan ba? …yan ang tanong nila! Dahil sa fair kuno na justice system, sila ay “innocent until proven guilty”, kaya lahat sila ay matamis pa rin ang ngiti kung humarap sa tao. Meron ngang gusto pa ring tumakbo sa susunod na eleksiyon kahit nasa kulungan na siya. Masama nga namang batikusin ang halos himatayin na sa pagsabing inosente sila, kahit nagsusumigaw ang mga ebidensiyang biglang pagkaroon nila ng mala-palasyong bahay, maraming mamahaling sasakyan, malalawak na lupain, nagkikislapang alahas sa katawan, at maya’t mayang weekend outing sa ibang bansa. Pero ang iba ay wise dahil gumagamit ng mga kaibigang dummy.

May mga nagsabi pang naiinggit lang daw ang mga nambabatikos sa kanila, kasama na diyan ang mga pari dahil hindi nakakagawa ng gusto nila. Dagdag pa nitong mga malilinis kuno, kung gusto daw ng mga nambabatikos, pumasok na rin sila sa pulitika upang madanasan nila kung paanong maipit sa trapik sa pagpunta sa Malakanyang upang maki-tsika sa Pangulo; makipaggitgitan sa elevator sa pagpunta sa opisina ng NGO upang makipag-business talk tungkol sa mga “projects”; makipaghalakhakan sa mga sosyalan after office hours na umaabot hanggang madaling araw kaya nagkakaroon sila ng sore throat; matulog nang nakaupo sa session hall habang ang mga kasamang mambabatas ay nagbibigay ng walang katurya-turyang talumpati; lumamon ng nakakasawang pagkain sa mga 5-star restaurants at hotels; sumakay sa eroplano ng kung ilang beses sa isang linggo dahil ayaw sumakay sa walang class na barko kung umuwi sa kanilang bayan; piliting pangitiin ang mga labi habang ang talukap ng mga mata ay lumalaylay sa sobrang antok, o hindi kaya ay nanlilisik dahil nakipag-away sila sa asawang nahuli nilang may kabit. Ganoon pala kahirap ang maging mambabatas! Kawawa naman pala sila!

Siguro ang maganda ay hayaan na lang dumami ang dumi nila sa kanilang mukha upang lalo pang kumapal at upang lalong hindi nila maramdaman ang kahihiyan dahil sa mga karumaldumal nilang ginagawa!

Ang Pag-amin ng Pagkakamali at Pagsisisi

Ang Pag-amin ng Pagkakamali at Pagsisisi
Ni Apolinario Villalobos

Dahil sa katalinuhan ng tao, dapat ay wala siyang dahilan upang hindi malaman kung ano ang tama at mali. Subali’t ang paggawa ng desisyon ay naapektuhan din maraming bagay, tulad ng kinalakhang tahanan at pamilya, ginagalawang komunidad, at mismong uri ng damdamin ng tao kung ito ay mahina o matatag.

Kung lumaki ang isang tao sa isang tahanan na ang kapiling na pamilya ay nagpapairal ng pagmamahal, kalimitan, ang kanyang isip ay mapayapa kaya ang kanyang kilos at mga desisyon ay walang kaakibat na pagsisisi sa huli. At, dahil hindi niya nakasanayan ang ganito, kung sakaling hindi inaasahang siya ay magkamali, madali rin siyang nagsisisi.

Kung siya ay nakatira sa isang komunidad ng mga taong ang paggawa ng kasalanan ay bahagi na ng kanilang araw-araw na pamumuhay, mahahawa siya sa ganitong ugali kung hindi siya mag-iingat. Ganito rin ang mangyayari kung ang mga taong pinakikisamahan niya ay may kaparehong ugali. Kaya may kasabihan sa Ingles na ang katumbas sa Pilipino ay, “sabihin mo sa akin kung sino ang mga kaibigan mo at sasabihin ko kung anong uring tao ka”. Ang isang eksepsiyon dito ay ang mga nakikihalubilo o nakikipagkaibigan sa uri ng mga taong nabanggit, at ang layunin ay tulungan silang magbago ng ugali.

May mga taong malambot ang damdamin kaya sa konting pagkakamali ay abut-abot agad ang pagsisisi, na tanda ng pag-amin. Ang iba naman ay matigas ang damdamin dala na rin siguro sa sobrang pagkabilib sa sarili kaya kahit malaki na ang naging perhuwisyo ng kanyang pagkakamali sa iba ay bale-wala pa rin sa kanya. Ito ang uri ng mga taong hindi nakikitaan ng kahit maliit na pagsisisi man lang. Ito rin ang mga taong tumutugma sa kasabihang, “siya na nga ang nagkamali, ay siya pa ang galit”, na sa madaling salita ay mayabang.

Ang buhay natin sa mundo ay may hangganan, at sa loob ng panahong ito, mahirap ipunin ang mga pagkakamali. Maganda sanang mangyari na bago tayo mamaalam ng tuluyan ay wala na tayong inaalala pang mga pagkakamali na dapat ay inihingi ng kapatawaran sa ating naperhuwisyo. Kung hindi natin aminin agad ang ating mga pagkakamali, baka ang mga ito ay makalimutan natin habang umuusad ang panahon, subalit ang hindi makakalimot ay ang mga nagdusang biktima. Kung umabot sa ganito, ang kamatayan natin ay hindi mapayapa dahil hindi patatahimikin ng mga kuwentong patuloy pa ring pag-uusapan….mga kuwentong hindi natuldukan.

We Never Learn From Past Mistakes

WE  NEVER   LEARN   FROM  PAST   MISTAKES

 

By  Apolinario Villalobos

 

 

Some   legends of  creation say  that it took several errors before God was able to  create  man according to His likeness.  Where He erred, he made    amends.  When man was finally settled in paradise, he erred by not following the instructions laid  down  by   God   for   him to follow.  Finally,   despite   having   been   driven out of paradise, man continued to err, never learning from his mistakes.  God learned from His mistakes, but man did not and until now… refuses to.

 

In  our   case   as  a  people  in  this  part   of   Asia,  we  also   seem  to   refuse  to  learn    from  past   mistakes.   Today,  we  are  practically   wallowing   in  miseries,   and  for  that  we   are   blaming   the   government.   But   who  put those  greedy   people  in  their  posts,  anyway?  We   failed   to   put   to   good   use   one   important   tool   of   democracy  –  election.    That  tool   is   supposed   to  give   us   the   power   to  choose  the   right   people   whoare expected   to   champion  different   causes   of   the  various   ethnic   groups   that   comprise   our   proud   race.   That  power puts   everyone  on    equal  footing  regardless of  social   and  financial   status  in our society.  But   we    failed    to     seize   the   opportunity.

 

Many   of  us   refuse   to   see  the truth, thatour decisions   come  election  time   are  swayed   by   either   money  or  impression.   When   before,  Filipinos   in  general   look  at   electoral  bribery   with  disgust  and  discussed  only  among  close   friends   and  used   as  a  dirty   accusation,   after   the  Marcos   administration,   such  subject   has   become    a  common  topic  during   campaigns,   with  constituents  comparing  amounts  given  by  candidates.   On  the   other   hand,  those   who  belong  to  the   financially  better-off   group   of   voters,   rely  on  the  eloquence  of   candidates   in  mumbling   promises,   aside   from  remarkability   of   tract  record  of  family  involvements  in  politics,  a   practice  tagged  as  dynasty.

 

We   are   emotionally  carried  by  sad  stories   of  candidates   about   “martyred”   father  or   mother   for  the  sake  of   the  country.  We   are   captivated   by   fluently   delivered   speeches   in  different   dialects.   We   are   mesmerized   by   the   seemingly   permanent   smile  of  pretty  candidates.   We   are   spellbound   by the   regal   bearing  of   candidates   who      suddenly   emerged    from    the  glittering   show business  world.   We   are   awed   by   the   mathematical   geniuses   who   promised   billions   for   the   government’s   coffer   if   given   the   chance   to   steer   the   country   towards   the     vast   international    economic   arena.  

 

And   now,   with   the    sorry   state   that   our   country   is   in,   we   blame   those   guys   up   there.   As   always,   we   forgot   that    the   dictionary  has   such   words  as   regret,  mistake   and   lesson.     

 

As Time Moves On…So Does Life

As Time Moves On

       …so Does Life

 

By Apolinario Villalobos

 

 

Life is a never ending cycle

that moves with time

there is no turning back

not even retracing of steps

to where we have been;

whatever time has been wasted

cannot be regained

but there is always the chance

to make amends

for mistakes committed

…as lessons learned.

 

We grow with time 

we can’t be forever young

we have a purpose in life

and this we should fulfill  

hence, live  a sensible life

it should be –

replete with gladness and contentment

not voraciousness for material things

for at the end of our day

such a load is just too heavy

as we embark on our final journey.

Pride and Mistakes

Pride and Mistakes

By Apolinario B Villalobos

 

Nobody is free from the guilt of committing mistakes, be they petty or enormous.

Nobody shall ever learn unless he or she has committed mistakes, hence, the adage “learn from mistakes”.

 

While some are humble enough to learn from mistakes…the rest are overwhelmed by their pride… they refuse to admit their mistakes. The refusal is like a chain that holds them back from moving on.

 

The mistakes we made are steps we took towards our destiny. Refusing then, in admitting our mistakes shall imply that we did not move on, since we did not make any step at all!

The arrogant cannot accept the fact that man is not perfect…or that man is bound to commit mistakes in life.

 

Pride feeds on adoration of accumulated wealth, dizzying success, or plain appalling  attitude. The arrogant filthy rich thinks, his money can buy anything, including power to hide mistakes. The success-intoxicated man thinks that he can do just anything better than anybody else, otherwise he can’t be successful. And, there’s the simply conceited man who sees himself as the only rightfully thinking creation of God, with the rest, wallowing in mistakes.

 

I think, the best thing to do, is evaluate what we have done and said at the end of the day. It is important to know if we have done anything that could have displeased others, hence, displease Him. That is the reason, perhaps, why He gave us brains. Let us put to proper use that one attribute which makes us superior to the rest of His creations.