Sa Pagtaas ng Pamasahe sa LRT at MRT…dapat isentro kay Abaya ang Imbestigasyon

Sa Pagtaas ng Pamasahe sa LRT at MRT
Dapat Isentro ang Imbestigasyon kay Abaya
Ni Apolinario Villalobos

Wala nang dapat imbestigahan o ungkatin sa operasyon ng LRT at MRT dahil bali-baligtarin man ang mga riles at tren talagang palpak ang operasyon ng mga ito kaya hindi nararapat ang anumang pagtaas ng mga pamasahe.

ANG DAPAT IMBESTIGAHAN AY SI ABAYA dahil sa pagka-atat nito na ipatupad agad ang pagtaas ng pamasahe kahit na mismong mga senador mismo ay kumokontra, at lalo na ang mga mananakay. ANO ANG DAHILAN NG PAGMAMADALI NI ABAYA?…NA ITINAON PA SA PANAHONG GIPIT KAYA HINDI NAGKAROON NG PAGKAKATAON ANG MGA KUMOKONTRA NA GUMAWA NG KARAMPATANG HAKBANG UPANG MAHARANGAN ANG DESISYON NIYA? MAY NAG-UTOS BA?

Malakas ang bulungan na kaya kailangang itaas ang pamasahe ng LRT at MRT ay ito ang requirement ng interesadog pribadong grupo na gustong bumili ng mga ito. Subalit ito ay hayagang itinatwa ni Abaya, na ipinagtaas ng kilay ng kanyang kritiko dahil ilang beses na siyang nahuling nagsinungaling.

Ang hindi maintindihan ay kung bakit kailangang itaas pa ang mga pamasahe ganoong sa mga huling badyet na inaprubahan ay nakapaloob ang malaking subsidiya para sa operasyon ng mga ito. Dahil sa nangyari, maliwanag pa sa sikat ng araw ang isang mabibistong dahilan na malamang ay gugulat na naman sa taong bayan. Asahan na naman ang isang black-eye para sa Aquino administrasyon na wala nang ginawa kundi magdulot ng pasakit sa mga Pilipino!