Si Pnoy talaga…yun lang pala ang sasabihin, pinatagal pa!…huli na nga, palpak pa rin!

Si Pnoy talaga….yun lang pala ang sasabihin, pinatagal pa!
…huli na nga palpak pa rin!
Ni Apolinario Villalobos

Ang kasabihang “huli man daw at magaling, naihahabol din…” ay hindi nangyari sa talumpati ni Pnoy sa graduation rites ng PNP sa Cavite, March 26, 2015. Lalong marami ang nagalit, at lalong lumabo ang kanyang panig. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga puntong binanggit niya at pilit nilulusutan:

1. Hindi niya pagsalubong sa mga bangkay ng SAF 44 upang magpakita ng pakikiramay bilang presidente. Ang paliwanag niya ay upang mabigyan daw ng espasyo ang mga nagdadalamhati at wala rin daw siyang maisasagot kung may magtatanong. Hindi lusot ang paliwanag niya dahil ang mga namatayan ay nakahanda naman kung sasabihin niyang nag-iimbistiga pa, kaya nga ang mga dumalong heneral ay walang narinig na tanong kahit isa. Ang mga heneral, pati si Binay ay nasa tabi lang habang tahimik na nakikidalamhati. Ang pagbibigay ng espasyo bilang dahilan ay hindi rin tanggap lalo pa’t bukambibig niya ang pagiging “ama” daw niya, kaya kung ganoon pala ay dapat lang talagang nandoon siya!

2. Hindi raw siya inabisuhan nang maaga pa lang upang ipaalam na gipit na ang mga SAF commandos, at nang may dumating ay mali naman ang impormasyon, kaya nagalit daw siya dahil sa mga kapalpakan. Sa talumpati niya sa PNP graduation rites, bakit hindi niya diretsong banggitin ang pangalan ni Purisima na siyang pasimuno ng lahat ng kapalpakan? Galit pala siya, bakit wala man lang narinig sa kanya bilang dapat normal na reaksyon noong mga unang araw pa lang? Bakit pinili niyang manahimik kaysa magpaliwanag o magpahapyaw man lang ng galit? Dahil ba ang unang tatamaan ay ang kanyang best friend na si Purisima na pinagkatiwalaan niya sa kabila ng pagiging suspindendo nito? Inamin niya niya na nang magising siya ay saka niya “binuksan” ang kanyang cellphone…ibig sabihin ba ay nagpapatay siya ng cellphone kahit may importanteng operasyon tulad na sa Mamasapano? Iyan ba ang taong may concern o responsible? Di ba dapat ay 24 hours siyang naka-monitor? Talo pala siya ni Gloria Arroyo na halos hindi na natutulog kapag may importanteng activity o bagay na mino-monitor!

3. Hindi siya satisfied sa mga report ng BOI at Senado dahil hindi man lang daw siya ininterbyu. Tinawag pa niyang manghuhula ang mga senador na gumawa ng report. Naman….naman….nasira na naman ang kanyang porma dahil hindi angkop sa isang presidente ang kanyang ginawa. Dapat, sinabi na lang niya na ituloy ang pag-imbistiga upang lalong luminaw ang resulta dahil handa na siyang magbigay ng mga detalya sa abot ng kanyang kaalaman. Sa imbistigasyon ng Senado, sinisisi si Roxas na hindi nagpaabot sa kanya ng abiso para sa interbyu. Bakit hindi niya diretsahang sabihin ito nang magsalita siya sa harap ng mga graduates ng PNP? Hindi ba totoo ang paratang na ito? Putok sa mga balita na noon pa man, ay gusto na siyang isali sa mga kukunan ng detalya pero hindi siya kumilos at nagsabi pa na kung ano man ang resulta ay tatanggapin niya. Bakit ngayon ay bumabaligtad siya? Dahil ba hindi pabor sa kanya ang mga report na nagturo pa sa kanya bilang nangunguna sa mga dapat sisihin?

Ugali na ng taong desperado ang magsabing tamaan man siya ng kidlat, lumubog man siya sa kanyang kinatatayuan, o mamatay man…nagsasabi daw siya ng totoo. Ganyan ang ginawa ni Pnoy nang magsalita sa PNP graduation rites, dahil hindi siya natakot sa pagsabi na sa mata daw ng Diyos, siya ay nagsasabi ng totoo!…kaya tuloy pati mga Obispo ay nagagalit na sa kanya dahil pati ang nanahimik na si Lord ay kanyang sinasangkalan, makapaghugas lang ng kamay! Para niyang tinapunan ang Diyos ng tubig mula sa palangganang pinaghugasan niya ng kanyang mga kamay!

Ang malinaw ngayon, nanantiya at nag-obserba muna siya kung okey lang ang mga ginawa niya sa isyu ng Mamasapano, subalit hindi umobra ang kanyang pagiging anak ng isang bayani daw. Nang malaman niya na hindi pala okey dahil talagang galit ang mga taong ginagawa niyang tanga, natataranta na siya ngayon sa pagpaliwanag. Sorry na lang siya dahil hindi pa rin bumenta ang kanyang gimmick.

Sa pangako niyang sa venue ng graduation ng PNP ang huli na niyang pagpaliwanag tungkol sa Mamasapano massacre, may maniniwala pa kaya sa kanya? Asahan ang isa pang hindi pagtupad ng pangako…dahil siguradong babanat pa rin siya uli ng panibagong “paliwanag” na lalong magpapalabo ng kanyang panig sa isyu ng Mamasapano! At, tulad ng dapat asahan, uulitin niya ang paghingi ng pang-unawa dahil tao lang daw siya!…iba na talaga ang sanay sa pagsisi…..ling!

Yan ang pangulo ng Pinas…malakas ang fighting spirit!…to the max!!!!!!

MAY ISANG SALITANG SINABI SI MOMMY DIONESIA, KAYA LOVE KO SIYA, ITO ANG….NAKAKAHIYA!!!!

Noon pa man, sinabi ko nang Masaker ang nangyari sa Mamasapano…hindi incident o encounter

Noon pa man, sinabi ko nang Masaker
ang nangyari sa Mamasapano…hindi incident o encounter
Ni Apolinario Villalobos

Maliban sa hindi incident o encounter ang nangyari sa Mamasapano, kundi masaker, at ang 44 na SAF commandos ay hindi “fallen”, kundi “victims”. Sa salitang “fallen”, maaaring ipakahalugan itong hindi sinasadya, pero sa salitang “victims”, ito ay nangangahulugang sinadya.

Tungkol naman sa MILF, hindi binigyang pansin ang bali-balitang Malaysian citizen si Iqbal. Ano ang ginagawa ng isang banyaga sa pinag-uusapang isyu na may kinalaman sa soberinya ng Pilipinas? Ito ba ang dahilan kung bakit pinilit nila na dapat ay observer ang Malaysia sa usapan? Ano ang interes ng Malaysia sa Mindanao? Ang alam ng mga Pilipino ay may “kinalimutan” ang mga kinatawan ng gobyerno na sina Deles at Ferrer sa usapan – ang tungkol sa sa claim ng Pilipinas sa Sabah, na ayaw namang bitiwan ng Malaysia.

Tungkol naman sa Bangsamoro Basic Law, hindi mawawala ang lambong ng pagdududa dito, hangga’t hindi pinapalitan ang mga kinatawan ng Pilipinas sa negotiating panel na sina Deles at Ferrer, pati na ang Malaysia bilang observer.

At sa kaso naman ni Pnoy, mahihirapan na siyang makabangon sa kanyang matinding pagkalagapak dahil sa PRIDE!

Mamasapano

Mamasapano
Ni Apolinario Villalobos

Palanas na nadilig ng dugo ng kabayanihan
Dugong umagos mula sa mga ugat ng apatnapu’t apat na SAF
Mga piling-piling pulis na walang dudang matatapang, makabayan
Sa sinumpaang adhikai’y hindi umurong, at animo bakal ang katapatan.

Sa liblib na Tokanalipao ng nasabing bayan
Mga teroristang sina Usman at Marwan, sa kadilima’y tinunton-
Kadilimang pinatindi ng mga paing bomba na ibinaon sa kapaligiran
Subali’t hindi inalintana ng apatnapu’t apat, may tatak ng kabayanihan.

Mga mapalad na nabuhay, puso’y nagngitngit
Bakit wala man lang umalalay sa kanilang nasukol, naghihingalo
May mga armas nga sila, subali’t ibang granada’y hindi nagsisabugan
Kaya pagkadismaya’y nadagdag sa nagngangalit na kanilang naramdaman!

Amerika’y itinuturong may pakana nitong lahat
Maraming pangyayari ang magpapatunay daw, lahat ito’y totoo
May pinalipad pa daw na “drone” kung saan nagkaroon ng bakbakan
Subali’t sa kabila ng mga nangyari ay walang tulong na kanilang inasahan!

Ang presidente ng Pilipinas na tawag nila ay Pnoy
Nasa Zamboanga, umaming umaga pa lang, lahat ay alam na niya
Mga heneral niya, nakapaligid sa kanya, pati si Roxas, kalihim ng DILG –
Ni isa ay hindi nagkibuan kung sino sa kanila ang sa presidente ay nagsabi!

Akala ni Pnoy, tropeo na ang matatanggap niya
Akala, dahil Amerika ang sa lahat ay nagpakana, sa SAF ay nagtulak
Natigalgal siya dahil napatay man si Marwan, kung napatay man talaga
Ngitngit ng bayan ang naging kapalit, na kahit ano ay di kayang magpahupa!

Malaking batik sa kasaysayan ang Mamasapano
Kahihiyan ng isang presidenteng nagmamagaling, kung tawagi’y Pnoy
Dinamay niya ang “dangal” sa pangalang nakadikit sa kanyang pagkatao
Bangunot sa kanya na hindi magpapatahimik kaya tuluy-tuloy ang pagtatago!

Dahil sa Mamasapano, nagkaroon ng katanungan-
Nararapat bang sa MILF ay magbigay ng tiwala sa itatatag na Bangsamoro?
Sila na ba ang kahuli-hulihang grupo na dapat kausapin ng ating pamahalaan –
Upang sa Mindanao ay magkaroon ng inaasam… habang-buhay na kapayapaan?

(The 44 commandos of Special Action Force (SAF) of the Philippine National Police (PNP) were massacred at Tokanalipao, Mamasapano in Maguindanao, on the island of Mindanao, on 28 January, 2015 when they tried to serve the warrant of arrest to two international terrorists, Marwan and Usman who were entrenched in the Moro Islamic Liberation Front (MILF) territory. Purportedly, the USA has a hand in the operation which also points to the president of the Philippines, Noynoy Aquino and suspended PNP Chief Allan Purisima as the ones directly responsible for everything. This has yet, to be proven with the so many investigations going on which many Filipinos believe, will lead to nowhere, as usual.

Meanwhile, Filipinos are now doubtful if MILF can be trusted with the authority to be given them for the creation of a self-governing region, the Bangsamoro, as the group’s leadership is now viewed with incompetence and having a continued cordial relationship with their supposedly breakaway group, the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Prior to the creation of the Bangsamoro, the Bangsamoro Basic Law (BBL) will have yet, to be passed by the Philippine Congress and Senate….and, that is now the primary concern, if the lawmaker will pass it, in view of the massacre of the 44 SAF commandos at Mamasapano.)

Lalong Nilulubog ni Napenas ang Sarili sa Pagdududa dahil sa kanyang Pambobola at Paghuhugas-kamay

Lalong Nilulubog ni Napeῆas ang Sarili Sa Pagdududa
dahil sa kanyang Pambobola at Paghuhugas-kamay
ni Apolinario Villalobos

Gustong bilugin ni Napeῆas ang ulo ng mga Pilipino, sa pagsabi na “daan-daan” ang napatay ng SAF. Paano nilang nabilang ang mga nalagas na mga kalaban ganoong hilong talilong sila sa paghanap ng mapagkukublihan dahil sa ginawang ambush? At isa pa, halos pumuputok pa lang ang araw nang mga sandaling nagkaroon ng palitan ng putok! Ang galing naman nila dahil tuwing putok nila ay iniisip agad na may tinamaang kalaban. Ang gustong mangyari ni Napeῆas ay pahupain ang galit ng mga kapamilya at ibang miyembro ng SAF sa kanya, kaya panay ang puri niya sa mga lumusob na SAF sa Mamasapano, lalo na sa mga nasawing 44 at mga nasugatan. Pinapalabas niya na tagumpay ang operasyon subalit matindi ang kapalit na kamatayan nga ng 44 at pagkasugat ng marami pa. Maski hindi niya sabihin ito, talagang bayani ang turing ng mga Pilipino sa mga pinatay na 44 SAF commandos. Tumigil na nga siya!

Naghugas- kamay naman siya nang ituro ang sisi sa Armed Forces na hindi tumulong sa kanila. Ang tinuran ay tahasan namang itinanggi ng tagapagsalita ng Armed Forces. Malinaw na talagang may nagpapalakas ng loob sa kanya…sino ito o sinu-sino ang mga ito? Bandang huli, ang inaasahan niya o ng sinasandalan niya na tagumpay sa pagsisinungaling, pambobola at paghuhugas-kamay ay nag-boomerang kaya nagmukhang tanga si Napeῆas, gumaralgal ang boses sa pagpaliwanag. Kung may nagpaasa sa kanya na maski tanggalan siya ng pension kung mag-retire siya, maswerte siya dahil milyonaryo na rin naman ang backer niya.

Yan ang hirap sa gobyerno ng Pilipinas. Dahil hantaran ang ginagawang paghuhugas-kamay ng mga sangkot sa kaso at binibetsinan pa ng pambobola, akala ng iba pa sa kanila, sa lahat ng pagkakataon ay makakalusot sila.

Mindanao

Alaala ang tula para sa apatnapu’t-apat na minasaker at iba pang nasugatang mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao. Sampal din ito sa mga ipokritong tao sa pamahalaan na umitim na ang budhi’t kaluluwa dahil sa kasakiman, mga taong sumisira sa adhikain ng mga Pilipino, at sa isang taong patuloy sa pagmamaang-maangang siya ay magaling, nguni’t ampaw naman pala, dahil magaling lang sa pagsalita, kahit pa diretsong managalog.

Mindanao
By Apolinario B Villalobos

Itinuring na lupang ipinangako –
Ng mga Pilipinong dito ay napadako
Mga naglakas -loob na makipagsapalaran
Hindi inalintana panganib na madadatnan.

Maraming kuwento ang aking nalaman –
May mga kulay ng lungkot at kaligayahan
Nguni’t lahat ay puno ng hangarin, ng pag-asa
Sa lupang ipinangako, magigisnan, bagong umaga.

May mga Pangasinense, Kapampangan, Ilocano
Mayroong Bicolano, Bulakeño, Caviteño, Batangueño
Mga taga-Luzon silang dala ay lakas ng loob, kasipagan
Hindi ininda ang init sa pagbungkal ng tigang na kabukiran.

Mayroon ding galing sa Antique, Negros, isla ng Cebu
Sumunod ang mga taga-Leyte, Romblon, Guimaras at Iloilo
Ano pa nga ba’t sa malawak, mayaman at luntiang Mindanao
Iba’t iba man ang salita, pagkakaisa pa rin, pilit na nangibabaw.

Hitik sa kwentong makulay ang buong isla ng Mindanao
Unang tumira’y mga kapatid nating sa relihiyon, iba ang pananaw
Silang mga taal na katutubo, makukulay, matatapang at mahinahon
Tanging hangad ay mabuhay ng matiwasay, tahimik, sa lahat ng panahon.

Ang mga Kristiyano, Muslim, Lumad – lahat sila ay nagkakaisa
Nagtutulungan, nagbibigayan, mga paniwala man nila ay magkaiba
Nguni’t dahil sa makasariling hangad ng ilang gahaman sa kapangyarihan
Animo kristal na nabasag, iningatang magandang samahan at katahimikan.

Nguni’t tayo ay Pilipino, iba tayo – lumalaban na may masidhing pag-asa
Sa harap ng masalimuot na mga problema, matatatag na kalasag ay nakaamba
Ito’y ang masidhing paniniwala sa Maykapal, malalim at marubdob na kapatiran
Ugaling nagbuklod sa mga taga-Mindanao, magkaiba man ang pananaw at kaugalian.

Ating isigaw-
Mabuhay ang Mindanaw!

Habang Buhay na Bangungot ni Pnoy

Habang na Bangungot Ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Hindi kayang palambutin ang puso ng mga Pilipino ng animo ay pagpapaawa ni Pnoy sa paulit-ulit na pagbanggit niya ng kamatayan ng kanyang tatay, na sa kanyang tingin ay bayani. Pinalampas niya ang pagkakataong maski papaano ay makaamot ng kaunting pang-unawa mula sa mga Pilipino kung sinalubong niya ang pagdating ng mga bangkay ng apatnapu’t-apat na mga pulis na pinatay… minasaker sa Mamasapano, Maguindanao. Sa halip ay minabuti pa niyang magsalita sa pasinaya ng isang pagawaan ng mga sasakyan, na maaari naman niyang italaga sa Bise-Presidente o sa kalihim ng ahensiyang may kinalaman sa negosyong ito. At, siguradong mauunawaan naman ng nag-imbita sa kanya.

Pero, nakitaan niya ang okasyon ng pasinaya ng isa na namang pagkakataon upang mabuhat ang bangko ng kanyang pamilya. Sa kanyang talumpati, sinabi niya na kahit sa panahon ng Martial Law ay umasenso pa rin ang pagawaan. May parunggit na naman siya sa namayapang si Ferdinand Marcos. Alam din ng lahat, na banggitin lang ang Martial Law ay maaalala rin ang pagkamatay ng tatay niya na si Noynoy… alaalang namantsahan ng mga kapalpakan niya bilang presidente ngayon. Pati ang alaala ng kanyang nanay na naging presidente ay wala na ring epek sa mga Pilipino dahil wala rin naman itong nagawa upang makaahon ang mga Pilipino sa epekto ng Martial Law.

Nang magsalita si Pnoy sa necrological service ng minasaker na apatnapu’t-apat na pulis ay binanggit na naman niya ang kamatayan ng kanyang tatay, na masakit na sa tenga ang dating. Kaylan kaya siya titigil sa pagbanggit ng kamatayan ng kanyang tatay, na dapat pala ay hindi dinaluhan ng mga hindi kilala ng kanilang pamilya dahil ito naman pala ang kanyang panuntunan?…na ang lamay ng isang namayapa ay hindi dapat daluhan ng hindi kilala nito.

Ang alaala ng mga problema sa kanyang pamamalakad ng gobyerno na lalong idiniin ng kamatayan ng mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao ay magsisilbing bangungot na nakadikit sa kanyang diwa, na parang aninong hindi humihiwalay sa katawan. Bangungot din niya ang nakapanhihinayang na mga pagkakataon na kanyang pinalampas dahil pinairal niya ang kanyang pagkamakasarili. Bangungot din ang mga mukha ng kanyang mga kaibigan na dahilan ng kanyang pagbagsak na may matunog na lagapak.

Kung hindi siya naging presidente, maaaring napanatili ang paniwala ng mga Pilipino na “bayani” ang kanyang tatay at “nagsakripisyo” ang kanyang nanay upang maging tulay tungo sa pagbabago mula sa panahon ng Martial Law. Lahat nang mga iyan ay kanyang nilusaw sa loob ng panahon ng kanyang pagiging presidente na malapit nang magtapos, na ang dulot sa mga Pilipino ay dusa lamang.

Maitatala sa iba’t ibang aklat ng kasaysayan ng Pilipinas na bukod tangi siyang presidente na maraming pinagtakpang anomalya…sa ngalan ng pagkakaibigan. Maitatala rin ang record breaker na nakawan sa kaban ng bayan, pati ang nakakahiyang pagnakaw ng mga donasyon na nakalaan para sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng bagyong Yolanda. Maitatala pa rin ang kawalang aksiyon sa mga anomalya dahil maski isang pagsuspinde ng mga sangkot ay walang nangyari. At higit sa lahat, ang sinasabi niyang asenso ngunit nasa papel lamang.

Magsisi man siya at maghinagpis, ay huli na….bangungot na lang ang asahan niya – habang buhay. At tuwing gigising siya sa umaga, malamang na ang unang mamumutawi sa kanyang mga labi ay mga salitang “sana” at “sayang”… kung mayroon pa siyang maski kapirasong konsiyensiya.

The “Forty-four”…policemen heroes of Mamasapano

The “Forty-Four”
…policemen heroes of Mamasapano
By Apolinario Villalobos

At Mamasapano…there at Maguindanao
the “forty-four” met their fate,
Pawned by one whose selfish desire,
Led them to the fatal mire.

Wasted youth …..
but never their courage,
Wasted strength ….
But never their ideals,
That like the wind ……
shall blow without end.

(The “forty-four” policemen, mostly young, were massacred at Mamasapano, Maguindanao on January 25, 2015. They were members of the Special Action Force (SAF) of the Philippine National Police who tried to serve the warrant of arrest to two notorious terrorists, Abdulbasit Usman and Zulkipli Bin Hir alias Abu Marwan. Unfortunately, the contingent was surprised by an ambush staged by the BIFF, and Moro Islamic Liberation Front (MILF) that claimed “misencounter” due to the lack of coordination, but which most Filipinos did not believe.)