The Birthplace or Hometown and Democratic Life

The Birthplace or Hometown

And Democratic Life

By Apolinario Villalobos

 

The “birthplace” in case we are an indigenous resident, or “hometown” in case we are an immigrant/migrant is the only place that we can officially claim as our “place of residence”. Common sense then, dictates that we should love and respect it. We should not badmouth it, rather, if not satisfied with the prevailing situation or how it is administered politically, we have an option to move out and transfer to another place that suits us. We should not be grossly ingrate to the town, city, province, or country that provides us with a niche. It should be noted that whatever dissatisfaction develops in us points to the people who administer the locality we live in, NOT THE PLACE, so that there is no sense in destroying its image. It has got nothing to do with the proliferation of drugs, or any crime for that matter, or if developments did not happen as expected…BLAME THE CONCERNED AUTHORITIES. IF YOU SOLD YOUR VOTE DURING THE ELECTION…BLAME YOURSELF!

 

The place where we live permanently or temporarily is what we write down in documents required in any legal transaction as “residence”, whether we like it or not….. or whether we hate or love it…..we got no choice. Without such information, we become “stateless”. In this regard, as we are citizens of a democratic country, we live by the rule of the majority. We have the right to make protests against any act of our leaders that do not suit our taste but should be ready with options to support our stand….and, protests should be done with sanity and sense. It is our right to belong to the opposition, albeit, minority in number. But, again, we must abide by the rule of the majority….because, IT IS ASSUMED that in a democratic country, the majority rules…if it does not happen, we are bound to suffer.

 

The best thing that we can do if we persist on living in a certain place despite dissatisfaction is to cooperate as best as we could. For our consolation, we should look at the brighter side of our locality and not meddle in politics, as much as possible, for it may just aggravate our bad feelings. We should open our eyes and look around us to know where we could pour in our support. And, we could best do it if we are non-political so that regardless of who wins in an election, we can still wholeheartedly extend our hand without any trace of pretension.

 

Finally, the focus of our loyalty should be the “place” not the “people” who administer it.

Advertisements

Mga Kayamanang sa Iba ay Basura…tulong sa Inang Kalikasan kung pakikinabangan pa

Mga Kayamanang sa Iba ay Basura

…tulong sa Inang Kalikasan kung pakinabangan pa

Ni Apolinario Villalobos

Nang minsang papunta ako sa Tondo, may nadaanan akong tambakan ng mga basura at napansin ko ang malaking tumpok ng mga tarpaulin na pinagtabasan. Nang busisiin ko ay malalaki pala ang mga sukat at maaaring pagtagpi-tagpiin. Pumasok agad sa isip ko ang mga nakatira sa bangketa na wala man lang banig at ang mga nagkakariton na ang tanging pananggalang sa init at ulan ay mga punit na plastik. Mabuti na lang at may dumaang traysikad at nagpatulong ako sa drayber nito upang matupi nang maayos ang mga tarpaulin. Tinanong ko ang bata kung may alam siyang mananahi, tiyempo rin na may alam din siya pero tatawid kami ng Recto dahil malapit ang mananahi sa Bambang market kung saan ay matatagpuan din ang original na “ukay-ukay” sa Maynila. Pagkalipas ng halos dalawang oras ay nakayari kami ng 14 na tarpaulin na ang sukat ng bawat isa ay 4 feet by 6 feet, pagkatapos na pagtagpi-tagpiin ang mga retaso!

Minsan naman, may nadaanan akong namamasura na nag-aayos ng kanyang mga kalakal sa isang tabi. Napansin kong maraming mga notebook. Pumasok agad sa isip ko na malamang maraming pahinang wala pang sulat, na tama nga. Nakiusap ako sa nangangalakal na tulungan akong ipunin ang mga pahinang malilinis pa at babayaran ko siya ng doble sa inaasahan niyang halaga kung ipapatimbang niya sa junkshop ang mga notebook. Nang makatapos kami sa pagpilas ng mga malilinis na pahina, nakaipon kami ng mahigit dalawang dangkal na malilinis na mga pahina! Walang problema sa paghati-hati at pag-staple dahil may malaki akong stapler sa bahay. Para ang mga ito sa mga batang halos hindi makabili ng gamit sa eskwela na nakita ko sa bangketa ng Divisoria. Tamang-tama rin dahil may ipinadalang mga lapis naman ang isang kaibigan ko na nasa Amerika.

Sa tambakan naman ng basura sa tabi ng isang bodega, may nakita akong mga gomang tsinelas. Maayos pa ang karamihan ngunit nangitim lang dahil sa pagkakaimbak. May mga sapatos din na goma, maayos pa rin subalit bakbak na ang mga disenyo at marka. Naalala ko ang mga batang nakita ko na nakapaa habang namumulot ng mga lantang gulay sa Divisoria at kung pumasok sa eskwela ay nakatsinelas lang. Mabuti na lang at may isang tindahan sa hindi kalayuan na nagtitinda ng bigas, kaya may nabili akong dalawang basyong sako na pinaglagyan ng mga naipon kong tsinelas at sapatos.

Kung panahon ng baha, maraming matitiyempuhang itinapong binahang mga damit. Hindi rin ako nahihiyang ipunin ang mga maaayos at pinalalabhan ko sa asawa ng nakaibigan kong nakatira sa tabi ng Ilog Pasig, upang maipamigay naman. Yong mga kaibigan nila na gustong magkaroon, hinahayaan kong pumili, basta sila na ang maglaba. Ang mga natuyo na natira pagkatapos nilang pagpilian ay binibigay ko sa iba kong kaibigan.

Ang mga ikinuwento ko ay maaari ring gawin ng iba basta ang itanim lang sa isip ay, maliban sa makakatulong sa iba… nakakabawas pa ng matatambak sa basura. Isa sa mga paalala ng mga grupong maka-kalikasan sa Pilipinas ay “may yaman sa basura”, na para sa iba ay tumutukoy sa mga piraso ng bakal, tanso, at plastik. Subalit hindi dapat limitahan sa mga nabanggit ang pagtukoy sa yaman, kundi pati na rin sa iba pang bagay na direktang mapapakinabangan tulad ng mga napulot ko.

Isa sa dahilan kung bakit nasisira ang normal na sikulo ng panahon ng mundo ay ang walang patumanggang pagtapon ng basura, kaya ang iba’t ibang mga bansa ay nagkanya-kanya sa pagpanukala ng “recycling program”. Obligasyon ng bawa’t mamamayan ang makiisa sa ganitong uri ng panawagan na ang makikinabang ay buong sangkatauhan at malaking tulong din kay Inang Kalikasan.

Malaki ang Badyet sa Edukasyon…palpak naman ang sistema

Malaki ang Badyet para sa Edukasyon

…palpak naman ang sistema!

ni Apolinario Villalobos

Malaki na naman ang badyet para sa edukasyon sa taong 2015 na nagpangisi sa mga tiwaling opisyal ng mga kagawarang may kinalaman dito dahil may makukurakot na naman sila. Subalit sa kabila ng laki ng badyet na itinatalaga para sa edukasyon, na tinapatan pa ng badyet ng DSWD para kuno sa mga mahihirap na pamilyang may pinaaaral sa elementarya, ay nakapagtatakang lalo pang lumobo ang bilang ng mga batang hindi nakakapag-aral.

Kung talagang seryoso ang gobyerno sa pagpa-angat ng kalidad ng edukasyon at pagbawas sa bilang ng mga out-of-school youth, dapat linisin ang DEPEd at CHeD – tanggalin ang mga tiwaling opisyal. Alam naman ng lahat na hindi lang sa Senado at Kongreso may ala-Napoles na mga kinurakutang transaksyon. Noon pa man ay kalat na ang usapang may katiwalian sa pagpapalimbag ng mga aklat, halimbawa, dahil sa ginagawang pangungumisyon ng ilang opsiyal. Bakit hindi ito imbistigahan ng mga mambabatas?

Ang pinakahayag na katiwalian ay ang pag-convert ng mga textbook sa workbook. Dahil diyan ay hindi na naipapasa o naipapahiram ang mga textbook sa mga batang hindi kayang bumili. Nagmistulang test paper ang mga textbook dahil sa mga tanong sa bawat huling bahagi ng mga tsapter. At ang mga bata naman ay halos makuba sa bagbibit ng sangkaterbang mga aklat na maaari naman sanang iwanan sa bahay pagkatapos pag-aralan.

Ang mga opisyal ng mga kagawaran ng edukasyon ay animo nakikipag-usap sa hangin tuwing may ipapalabas silang mga patakaran dahil halos hindi naman sila pinapansin ng mga opisyal ng mga eskwelahan. Isa sa mga isyu ay tungkol sa pag-abuso ng maraming eskwelahan sa kabuluhan ng Educational Tour. Mayroong mga eskwelahan na kabubukas pa lamang ng klase ay nagpatupad na agad nito. At ang matindi ay ang pagsali ng shopping mall o resort sa listahan ng mga destinasyon ng mga estudyante. Ang estudyante namang hindi sasama dahil walang magagamit na pera ay tinambakan ng mga requirements na halos doble din ang gagastusin upang magawa…lumabas tuloy na parang pinatawan sila ng parusa!

Bukod sa walang silbing Educational Tour, ay marami ring mga pinapagawang “project” sa mga bata – mga bagay na alam naman ng mga guro na ang mga gumagawa sa bahay ay mga magulang. Subalit may mga magulang na tumutulong lang talaga sa mga anak. May mayayabang lang na mga magulang na mismong gumagawa para lumabas na magandang-maganda ang project, kaya hindi na nakakapaniwala na kayang gawin ng bata. Ang ibig kong sabihin, ay hindi makatotohanan ang mga projects na binibigay sa mga bata, kaya ang karamihan ay wala ring natutunan.

Tukoy na ng mga kagawaran ang problema sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, at marami na rin ang mga bumabatikos, subalit mahigit kalahating dekada na ang lumipas ay wala pa ring nabago. Ang mga textbook na giwang workbook, andiyan pa rin. Pinalala pa ang kapalpakan dahil ang mga pahina ay hindi na nawalan ng mga mali – spelling at mga impormasyon mismo. Ang mga Educational Tour ay namamayagpag pa rin, lalo pang umarangkada dahil may kasama nang biyaheng gamit ay eroplano, hindi lang bus.

Dahil sa malaking gastusin sa pagpapaaral ng mga anak, ang mga magulang na ang buhay ay isang kahig-isang tuka, ay nagpasya na patigilin ang mga anak nila sa pag-aral, at sa halip ay pinatulong na lang sa pangangalahig ng basura sa tambakan upang may pambili ng bigas man lang. Dahil sa ginawa nilang ito ay sinisisi sila ng gobyerno na sa isang banda naman ay nagpabaya sa pagpabuti ng sistema.

Hindi mahirap unawain kung bakit padami nang padami ang mga batang hindi nakakapag-aral, dahil alam na ng lahat ang mga dahilan – ang kahirapan sa buhay at katiwalian…na ang solusyon ay hindi abot ng tanaw! At, sa kagawaran ng edukasyon, hindi lahat ay masasabing tiwali, dahil marami rin namang hindi sumasang-ayon sa kanilang nakikita subalit wala silang magagawa dahil wala silang kapangyarihan bilang mga karaniwang kawani.