MALAYA KA BA?

MALAYA KA BA?

Ni Apolinario Villalobos

Ang KALAYAAN ay maraming saklaw at ibig sabihin, hindi lang tungkol sa pagiging malaya mula sa kamay ng mga kaaway.

KUNG IKAW AY TAMAD….HINDI KA MALAYA!

KUNG IKAW AY INGGITERO O INGGITERA….HINDI KA MALAYA!

KUNG IKAW AY KORAP….HINDI KA MALAYA!

KUNG IKAW AY IPOKRITO….HINDI KA MALAYA!

KUNG IKAW AY PUMIPIGIL SA PAG-ASENSO NG BANSA….HINDI KA MALAYA!

KUNG IKAW AY TERORISTA….HINDI KA MALAYA!

KUNG IKAW AY CARELESS O BURARA…HINDI KA MALAYA!

KUNG IKAW AY NAG-AAKSAYA NG PAGKAIN….HINDI KA MALAYA!

ETC…..

ETC…..

ANG IBIG KONG SABIHIN, KUNG MASAMA ANG IYONG UGALI, IKAW AY NAKATALI PA RIN SA MAKAMUNDONG KASALANAN…NAKA-KADENA KA PA RIN.

KUNG HINDI KA MAGBABAGO, MARAMI KANG MADADAMAY – MGA KAIBIGAN, MGA KASAMA SA BAHAY, MGA KAPITBAHAY, MGA KASAMA SA TRABAHO, AT IBA PANG MGA INSOSENTENG TAO NA NAGPIPILIT MABUHAY NG MAAYOS.

KUNG SA BUONG PILIPINAS AY MARAMING TAO NA ANG MGA UGALI AY TULAD NG BINANGGIT KO, O DI KAYA AY HINDI KO NABANGGIT, PERO MASAMA PA RIN…….MAHIHIRAPANG UMUNLAD ANG BANSA!….SUBALI’T ANG KAHIRAPANG YAN AY MAGSISIMULA SA LOOB NG TAHANAN MISMO!

MAGBAGO KA!!!!!

Kalayaan

Kalayaan

ni Apolinario Villalobos

Minimithi ng lahat, itong kalayaan kung tawagin

Walang pagkagapos sa tanikala, pati damdamin

Mitsa ng pag-aklas noon pa mang unang panahon

At ang sindi’y nag-aapoy sa lahat  ng pagkakataon.

Maraming buhay ang naibuwis dahil sa kalayaan

Masagana ring dugo ang dumanak sa mga digmaan

Dahil ang sindi ng mitsa ay hindi maaaring patayin

Ng mapang-abuso, at mga nanunupil ng damdamin.

Dahil sa kalayaan ay marami na ring tao ang nakilala

Mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa inang bansa

Mga pangalan ay naitala sa mga pahina ng kasaysayan

Hindi mababaon sa burak ng limot, magpakaylan man.

Hitik ang Pilipinas sa mga bayani, may tapang at talino

May paninindigan silang maipagmamalaki nating ninuno

Mga  dayuha’y di pa man dumating sa ating dalampasigan

Malalim nang nakatanim sa puso at diwa nila ang kalayaan.

Subali’t ngayo’y ibang klaseng kalayaaan ang pinaglalaban –

Kalayaan mula sa pagkagahaman ng ilan nating kababayan

Pagkagahaman sa kayamanang kaydali nilang nakukulimbat

Sa kaban ng bayan na natira para sa Pilipino’y hindi na sapat.

Sa bagong panahon ay ibang pakikibaka ang ginagawa natin –

Laban sa mga garapal at may masidhing sakim na damdamin

Nabulagan ng kinang ng yaman na kung ituring nila ay kanila

Nakakahiyang mga Pilipino, walang puso, walang konsiyensiya!

Kalayaan

Isang tula para sa kalayaan ng Pilipinas…ng Pilipino…