Huwag Pagnasahan ang Hindi Iyo

Huwag Mong Pagnasahan Ang Hindi Iyo

Ni Apolinario Villalobos

 

  • Huwag mong pagnakawan ang iyon boss para lang masabing gumaganti ka dahil maliit ang suweldo mo. Mag-resign ka at maghanap ng ibang trabaho.

 

  • Huwag mong pagnasahan ang magandang asawa ng iba at baka maputulan ka ng pututoy….hindi man gawin sa iyo ng misis mo ay malamang asawa ng pinagnanasahan mo. Kung may pera ka pumunta ka na lang sa beerhouse dahil maraming maganda sa lugar na yan. Kung babae ka magtanong ka na lang sa kumare mo kung saan niya nadampot ang pogi niyang kulukadidang.

 

  • Kung collector ka ng isang kumpanya o gobyeno, i-remit mo ang nakolekta mo dahil darating ang panahong malalaman din ang ginagawa mong panloloko. Tandaan mong kaya ka na-hire ay dahil pinagkatiwalaan ka.

 

  • Huwag mong pagnasahan ang karangyaang pinagsikapan ng iba. Magsikap ka upang magkaroon din. Huwag kang mamatay sa inggit dahil kung ilalamay ka baka walang pupunta kung alam ang dahilan ng kamatayan mo – heart attack dahil sa inggit!

 

  • Huwag mang-apak ng iba upang umangat at maagaw mo ang recognition na dapat ay para sa inapakan o tinungtungan mo. Huwag mong pagnasahan ang kaalaman o skills ng iba dahil may ibang uring ganyan ang ibinigay sa iyo ng Diyos na dapat ay gamitin mo sa maayos na paraan at hindi sa panloloko ng kapwa tulad ng ginagawa ng maraming hinayupak na mga opisyal ng gobyerno.

 

  • Huwag mong pagnasahan na aabot sa inggit ang kagandahan ng iba dahil kapag pinilit mo at pina-retoke mo ang mukha at katawan mo at ang resulta ay hind bagay sa iyo, hindi ka na maibabalik sa dati mong anyo. Tanggapin mo kung anumang katawan o mukha ang ibinigay sa iyo ng Diyos…tandaan mong nandiyan lang palagi ang nanay mo na pupuri sa iyo kahit nililibak ka ng iba…kung buhay pa siya.

 

 

Kung ayaw mong namnamin ang nilalaman ng sini-share kong ito, bahala ka sa buhay mo!

Intimidation, Insecurity, and Envy

INTIMIDATION, INSECURITY, AND ENVY

By Apolinario Villalobos

 

 

Life could be complicated for those who just want to live simply and work hard and honestly, because of people around them, who, they unknowingly intimidate, hence, become incredibly insecure and finally become unbelievably envious. Many people would just be surprised why all of a sudden they have “enemies”.  This is an ordinary occurrence in job sites where the honest and sincere performance of an employee can intimidate his lethargic colleagues.

 

Bloggers, too, are not safe from the envious viewers whose bloated ego made them believe that they are the best and cannot take the success of low-profile, though, serious internet users who just want to share their ideas with others. They are the bashers and the trolls who make fun of the well-intent bloggers. These bad guys enjoy in spoiling the day of unsuspecting bloggers with their uncalled for comments which, as viewed from all angles are not related to the blogged issue. These spoilers do not even know the bloggers personally and worse, the former may not even be capable of articulating extensively what they have in mind, otherwise, they should not be commenting only, or copy/paste materials taken from other sites, and which they tag with either favorable or unsavory remarks, then post on their facebook.

 

The cradle of learning, the school, is not spared by this “phenomenon”. Many stories have surfaced in the internet about bullying which is a clear indication of insecurity masked by “superiority complex” on the part of the perpetrator. Victims are students with strong personality due to their intelligence or good looks.

 

The family is not spared by insecurity felt among siblings. And, most often, the parents are to be blamed due to their favoritism that makes the non-favorites among the brood, feel unloved. Rebellious manifestations in the acts of the “neglected” siblings follow. Ironically, parents wonder why they have a “black sheep” in the family.

 

Finally, many hardworking and serious employees resign from their job because their commendable performance has intimidated envious colleagues who resorted to doing all possible to pull them down. Specifically, on the national level of politics, many envious and ambitious  officials have been intimidated by Rodrigo Duterte. As he is not corrupt, they could not put him down using this issue, so they focused on his personality – brash, cussing probinsiyano, not-good looking, etc. But there is an adage that says, “you cannot put a good man, down”. It is happening to Duterte, and I personally hope, that his persistence to do good can see him through his six-year term…as long as he does not listen to the whispers of what he says is from “God” that tells him to stop his cussing….(joke only!)

 

 

Ang “Blogger”, “Basher”, at “Nakawan” sa Internet

ANG “BLOGGER”,  “BASHER”

AT “NAKAWAN” SA INTERNET

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang “blog” ay maaaring ituring na “noun” o “verb”. Kaugnay niyan, kapag “noun” ay pwedeng sabihing “the blog”, kapag “verb” ay masasabing, “to blog”. Subali’t kung tutuusin ay tungkol lang ito sa “pagsusulat” o “pagpo-post” ng buong sanaysay o komento man lang o di kaya ay ng larawan sa sariling facebook o sa facebook ng iba pero may pahintulot nila, at iba pang sites sa internet, lalo na ang mga pag-aari ng blogger.

 

Ang “basher” naman ay mga nagbabasa ng mga blogs at dahil kampon yata ng demonyo, sa halip na tumulong sa pagpapalinaw sa isinulat ng blogger, ay umiikot sa mga personal na bagay ang isinusulat bilang komento. Ibig sabihin ng “personal” ay tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa blogger kaya nade-derail ang mensahe ng blog. Sila yong mga kung tawagin ay “viewers” o nagbabasa ng blogs na hindi nagpaparamdam at tumatayming ng blog na pwede nilang sirain o bulabugin kaya nagagalit rin ang ibang mga seryosong nagbabasa. Kalimitan ay gusto nilang palabasin na mas magaling sila sa blogger sa paggamit ng Tagalog o English, o di kaya ay palabasing mas maganda ang kanilang pananaw. Kung ganoon sana ang paniniwala at pananaw nila, sumulat na lang sila ng sarili nilang blog upang mai-post sa kanilang fb.

 

Sa isang banda, maraming taong matatalino sa larangan ng teknolohiya ang nakakakita ng “ginto” sa internet…mga oportunidad na pwede nilang pagkitaan sa anumang paraan, kahit masama. Ang isang paraan ay ang illegal na pag-hack ng mga sites, gawaing itinuturing ng mga hacker na isang prestihiyosong kaalaman. May mga hantaran pang umaamin na sila ay hacker dahil maraming tao at kumpanya ang umuupa sa kanila upang makapanira ng kalaban o kakumpetensiya sa negosyo. Yong ibang hacker naman ay pumapasok sa sites ng iba bilang katuwaan lang o para patunayan na sila ay magaling. Sa ganitong gawain ay may mga sinuswerte rin, tulad ng Pilipinong nag-hack ng IT system ng Pentagon. Sa simula ay kinastigo siya, pero kalaunan ay kinuha na lang ng Pentagon upang mapakinabangan ang kanyang katalinuhan.

 

Ang iba namang “magagaling” ay gustong kumita sa pamamagitan ng panloloko. Ang mga paraan ay, ang paggamit ng email kung saan ay magpapadala sila ng mga nakakaiyak na kuwento ng kanilang buhay upang makapag-solicit ng tulong; pakikipagkaibigan upang mapagamit sila ng bank account ng kinakaibigan na paglalagakan kuno ng perang minana nila; pagpapadala ng email message tungkol sa isang pasyente sa ospital na kailangang operahan kaya nakikiusap sa pinadalhan na ikalat ang message dahil kapag ginawa ito, bawat isang message na ipinadala sa isang kaibigan ay may katumbas na pisong didiretso sa isang account, kaya kung mag-viral ang message dahil sa dugtung-dugtong na koneksiyon ng mga may-ari ng emails, siguradong hindi lang 1 milyong piso ang malilikom; pagbebenta sa internet ng mga kalakal lalo na gadgets, subalit kapag nakapaglagak na ng bayad sa ibinigay na bank account ang niloko ay parang bulang mawawala ang on-line seller.

 

Ano pa nga ba’t ang magandang layunin sana ng teknolohiya ay sinira ng mga taong may mala-demonyong pag-iisip. Dahil sa mga nangyayari ngayon, nagkaroon ng agam-agam o takot ang mga internet users sa pagpadala ng mga mahahalagang impormasyon sa kanilang mga mahal sa buhay tulad ng numero ng passport, mga kopya ng dokumento, bank account number, numero ng telepono, at pati address ng bahay o negosyo. Yong isa ngang mayabang, nag-post lang ng kopya ng kanyang First Class plane ticket at boarding pass sa facebook ay nakuhanan na ng mga personal na detalye tulad ng contact number at address ng bahay na nakapaloob pala sa “bar code” ng boarding pass gamit ang isang skimming device na gawa sa China! Kaya habang nagliliwaliw ang mayabang at ang pamilya niya, inakyat-bahay sila! Nangyayari ito kapag ang pasahero ay miyembro ng promo program na nangangailangan ng mga personal niyang impormasyon, kaya ang pangalan niya ay naka-connect sa information archive ng information system ng airline.

 

Ang epekto ng teknolohiya sa tao ay hindi nalalayo sa epekto ng mga inimbentong bagay na magdudulot sana ng kaginhawaan sa buhay ng tao. Ang gamot halimbawa, ay inimbento upang makapagpahaba ng buhay, subalit inabuso, kaya may namamatay dahil sa overdose o maling paggamit. Ang baril ay inimbento sana upang maging proteksiyon subalit ginamit sa katarantaduhan. Ang dinamita na gagamitin lang sana sa pagpasabog lang ng malalaking tipak ng bato upang hind maging hadlang sa ginagawang kalsada sa gilid ng bundok ay ginamit sa maling pangingisda at terorismo. Ganon din ang ginawa sa marami pang inimbentong ginamit na pagpuksa ng kapwa-tao at kalikasan. At, lahat ng iyan ay nangyayari dahil sa pagkagahaman ng tao  na umiiral sa mundo!

 

 

Napansin ko lang…

Napansin ko lang….

ni Apolinario Villalobos

 

 

Bago ako nag-facebook at nagbukas ng iba pang websites, sa email ako umasa sa pagbabahagi ng mga isinulat ko. Napansin ko kasing may nagpapadala sa akin ng mga salawikain, tula/poem, at mga kuwento sa email, kaya naisip ko na baka kumalat din ang mga isinulat ko sa tulong nila. May mga messages pang idinidikit ang mga nagpapadala na: “great essay for our spiritual growth”, “nice essay, please share with friends”, “great message in poetry to help the distressed”, etc. Napansin kong ang mga ipinapadala nila ay isinulat ng mga foreigner. Okey lang yong quotes galing sa Bibliya.  Nagkaroon ako ng ideya na sumubok magpadala sa mga ka-email ng mga ginawa ko – maraming beses…sa awa ng Diyos ay may pumansin at ako ay natuwa – dahil marami sila, more than one…. apat sila!

 

May isang kaibigan na nag-suggest na gumawa ako ng poem tungkol sa pakikipagkapwa pero ang ilagay kong pangalan bilang author ay ka-email niyang manunulat din pero Amerikano, na pumayag naman pagkatapos marinig ang layunin namin. Bago ko ikinalat, pinadala ko muna sa Amerikano ang poem para sa approval niya. At tulad ng inaasahan, medyo marami ang pumansin at malugod pang nagkomento, ibig sabihin ay binigyan nila ng pansin ang poem dahil siguro foreigner ang sumulat.  Mula noon hindi na ako nagpadala ng mga ginawa ko via email.

 

Napansin ko rin na habang lumalawak at nagiging prangka ang ibinabahagi ko, unti-unti ring nababawasan ang mga kaibigan ko. Noong mga araw na limitado sa kalikasan, buhay ng tao, at pagtulong sa kapwa na may kasamang spiritual message ang poems, tula, at sanaysay na ibinabahagi ko sa facebook, may” ilang” pumupuri at nagla-like man lang. Yong iba ngang inaasahan kong mga “kaibigan” na makakapansin ay ni hindi nagpaparamdam kung nababasa nila, ganoong may facebook naman sila at naka-public naman ako. Kung sabagay karapatan nilang hindi mag-like o mag-comment kung ayaw nila sa mga isinulat ko lalo pa siguro at natumbok sila ng message kaya guilty at nagalit sa akin. Subalit ang matinding kaplastikan ay kung sabihin nila sa akin kung mag-usap kami sa cellphone o magkita na, “ang galing mo”…para tuloy gusto ko silang sagutin ng, “neknek mo!” Ilan lang naman sila na ganito ang ugaling nabisto ko.

 

Nang isama ko sa mga isinusulat ko ang korapsyon sa pulitika at edukasyon, at pagbatikos sa mga pekeng Kristiyano, ang iilan na nga lang na nagla-like ay nawala pa…subali’t sa awa ng Diyos ay napalitan naman ng iilan pa rin, na sa tingin ko ay may mas malawak na pang-unawa. May kapwa ko blogger na tumulong sa akin sa pagbukas ng ibang sites upang malagyan ng mga ibinabahagi ko pagkatapos niyang marinig ang kuwento ko, sayang din naman daw kasi kung sa facebook lang ako maglalagay.

 

Ang ikinababahala ko lang ay baka lumalaganap na itong sakit sa ugali na gusto kong tawaging “crab mentality syndrome” na laganap din sa mga opisina at umaatake sa mga empleyadong umaasa lang sa paninira ng co-employees at paninipsip sa boss upang umasenso. Isa rin siguro itong sakit na gusto kong tawaging “not me syndrome” na umaatake sa mga mapagkunwaring natumbok na ng pangungunsiyensiya ay deny to death pa rin.

 

Subalit nauunawaan ko pa rin na ang facebook ay para lang dapat sa mga “photos”. Sa pangalan ng site na “facebook” ay dapat nga lang talaga na para ito sa mga “retrato ng mukha”, pero pinalusutan ng mga gustong mag-share ng quotes kaya ini-frame nila ang mga ito. At, ito ang inaasahan ng ilang mga “viewers”, hindi “readers”. Napansin ko lang naman…kaya titigil na ako at baka may atakehin na sa puso dahil sa sobrang inis!

Do Not Feel Bad About Unfulfilled Dreams

Do Not Feel Bad

About Unfulfilled Dreams

By Apolinario Villalobos

 

There is a popular adage, “life is what we make it”. All of us have limitations, hence, it follows that the life we live is based on our best effort, but hampered by limitations. We cannot be like what others are. We can strive, yes…but the result may not be the same as what others have accomplished. The problem with some of us is that they dream to be like somebody else which is impossible. Successful people can be looked up to as models or be admired, but cannot be exactly copied.

 

Success is relative. The degree and kind of success varies. In this regard, to avoid getting disappointed, one should accept what he has accomplished based on his capability and just strive a little harder to be able to accomplish more. He should not feel bad, for instance, because he did not become a manager like his friend, or a physician like another friend, or a mayor, etc.

 

Those who develop grudge because of their “failure” supposedly, equate success to fame which is wrong. Others feel that just because they did not become famous like others, they have become a failure. I can say that such kind of feeling is a manifestation of jealousy which breeds grudge….nothing else. Success in life is the happiness and contentment one feels every morning as he wakes up to another day….it is the joy felt in what he does.

 

We should not be occupied with gawking at what others are doing or be jealous with what they have accomplished. Each one of us has a different kind of life to live and concerns much different from the rest. On the other hand, the jealous attitude is most often the result of unnecessary and unhealthy rivalry in offices and other work sites. This is called professional jealousy which affects the operation and atmosphere.

 

Finally, successful people may wonder why some friends have suddenly kept a distance from them for no reason at all that they know of. There is something for these shunned successful people to ponder about…jealousy developed by their friends who have the habit of comparing themselves with others. Such unnecessary feeling made them jealous resulting to grudge that time may not expunge easily. My suggestion: a change in attitude…by being positive in living one’s life….and changing it for the better.

 

Ipaubaya sa Iba ang Hindi Kayang Gawin, at Huwag Kaiinggitan ang Tinamo nilang Tagumpay

Ipaubaya sa Iba ang Hindi Kayang Gawin,

at Huwag Kaiinggitan ang Tinamo nilang Tagumpay

Ni Apolinario Villalobos

Marami sa atin ay kakambal na yata ang inggit. Ito ang mga taong ang gusto ay kilalanin sila na pinakamagaling kahit wala naman napatunayan o di kaya ay hanggang salita lang ang kayang gawin. Sila rin yong halos ay dapaan ang mundo, dahil lahat ay gustong gawin, at ayaw magbigay ng pagkakataon sa iba. At sila pa rin yong mga taong mahilig mangpuna o mag-criticize pero wala namang nakahandang suhestiyon.

Dahil sa utak na taglay, lahat ng taong normal ay may kakayahang gumawa ng iba’t ibang bagay subalit ang antas ng kagalingan at tagumpay ay hindi pareho, kaya nga sa bokabularyo ay merong mga katagang naghahambing. Inggit ang dahilan kung bakit ayaw tanggapin ng ibang mayroong mas magaling sa kanila. Ang tao ay may kakayahang magsikap upang makaakyat sa mga baytang ng buhay at marating ang tugatog ng tagumpay. Pero hindi lahat ng tao ay may kakayahang gumawa nito, katotohanan na dapat ay tanggapin. Hayaan na ang ibang makapagpatuloy dahil sa kakayahan ng kanilang talino at yaman. Huwag silang kaiinggitan, sa halip ay pagsikapang makagawa ng mga paraang angkop sa inabot na baytang ng pagsisikap. Halimbawang ang kaya lang na negosyo ay isang sari-sari store, at hindi big time na grocery, pagkitaan na lang na mabuti ang sari-sari store at pagpursigihin ang pag-ipon, sa halip na umutang upang maging grocery ang maliit na tindahan. Applicable ang “no guts, no glory” sa mga angkop na larangan, hindi sa lahat, kaya piliing mabuti kung saang larangan ka magaling at doon mo patunayan ang kasabihang yan, sa halip na isiping kung nagawa ng iba ay kaya mo ring gawin.

May mga tao namang hindi nakakaalam kung sa aling larangan sila magaling kaya kailangan nila ang payo ng iba bilang pag-alalay sa kanila. Kapag nagtagumpay sila sa ini-suggest na gawain, sila mismo ay nagugulat at nagsasabing hindi nila akalain na kaya pala nila. Kabaligtaran ang nabanggit, ng ugali ng ibang Pilipino na mahilig magsabi ng, “kaya ko rin yan”, kahit alam nilang hindi nila kayang gawin ang ginagawa ng taong kinaiinggitan. Sa isang banda,  ang ibang Pilipino ay mahilig ring magsabi ng “nakakainggit ka” na hindi maganda ang dating. Sa halip, ang sabihin dapat ay “nakabibilib ka, gagayahin kita”.

Tulad na lang ng kuwento tungkol sa isang nanay na mahilig maiinggit sa kanyang mga kaibigang magaling magluto, at ang expression ay, “nakakainngit ka”. Ang isang sinabihan ay napuno na kaya binara siya ng “gumaya ka!”. Puro salitang inggit kasi ang palaging lumalabas sa bibig ng nanay na ito sa halip na gayahin ang magandang ginagawa ng iba, kaya hanggang sa nakapag-asawa ang mga anak, ay hindi man lang natutong magluto ng adobo! Kung makita namang maayos ang hitsura ng mga kaibigan dahil marunong mag-manage ng oras, kaya may panahong maligo at maglinis ng katawan, siya namang tamad maglinis man lang ng bahay ay burara pa sa katawan, kaya sa tingin pa lang ay mabaho na!

May isa namang kakilala lang ang tahasang nagsabi sa aking, “kaya ko ring gumawa ng tula”. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi naman ako nagbabanggit sa kanya ng ginagawa kong blogging. Siya ang nagpasimula ng usapin tungkol sa mga tula na nababanggit pala sa kanya ng mga kakilala naming nakakabasa ng mga isinulat kong ina-upload ko sa facebook. Inisip ko na lang na talagang magaling siya dahil taal siyang “Tagalog”, taga-Batangas kasi, samantalang ako ay hindi dahil taga-Mindanao. Upang hindi na humaba ang usapan, sinagot ko siya ng, “okey lang…trying hard lang naman ako”. Inimbita ko siyang magbigay ng isang tula upang ma-ipost sa mga sites ko….mag-iisang taon na ngayon, ni isang talata ng tula ay wala siyang naibigay sa akin. Mataas ang puwesto niya sa isang kumpanya, kaya feeling niya, dahil sa kanyang trabaho, walang ibang dapat lumamang sa kanya – sa lahat ng bagay, pati na sa paggawa ng tula. Kawawa naman ang tula, ginamit sa walang kapararakang naramdamang inggit!

Hindi magandang pairalin ang inggit dahil nakakahila ito pababa ng ibang taong nagsisikap na mabuhay nang maayos sa abot ng kanilang makakaya. Lalong maganda sana na yong mga nakakaangat na sa buhay, na may napansing nagsisikap na kaibigan o ibang tao kahit hindi kilala, dapat ay tumulong sa pamamagitan ng pagtulak sa mga ito upang mapadali ang kanilang  pag-angat o pagsulong. Ang pagsisikap ng mga taong ito ay hindi naman nakakasakit ng kapwa nila tao, at ang layunin lang nila ay upang magkaroon ng marangal na pamumuhay at upang maiwasan nilang umasa sa limos ng iba!

Kaya bilang pangwakas, sa halip na maiinggit, tanggapin ang mga kahinaan, o kung hindi kayang tanggapin ay doblehin ang pagsisikap sa abot ng makakaya…makipagtulungan sa magagaling na nakakatulong naman sa kapwa at bayan…at, higit sa lahat, tumulong sa pag-asenso ng iba, sa halip na manghila, upang hindi sila makadagdag sa bilang ng mga taong binibigyan ng limos!

Ang Pinaniniwalaan ay Dapat Gawin

Ang Pinaniniwalaan ay Dapat Gawin

Ni Apolinario Villalobos

Marami ang may gustong maging “in” sa lahat ng bagay, kasama na diyan ang tungkol sa mga bagay na ispirituwal. Yong iba ay dumadalo sa mga weekend preaching ng mga sikat na evangelists, dahil alam nila na may mga dumadalo ding celebrities. At lalung-lalo kung may slot ito sa TV, kaya sikat, magandang pag-usapan sa mga party. Para bang sinabi nila na dahil okey sa mga celebrities ang preacher at may TV slot, okey ito sigurado. Ito yong mga excited sa pagkuwento na ang preacher ay magaling dahil mga de-kotse pa nga ang dumadalo, mga sikat na tao, mga artista.

Ang mga sini-share ng mga preachers na ito ay ganoon lang din naman, mula pa noong magsimula ang Kristiyanismo hanggang ngayong may mga pari at mga pastor na, na ang iba ay nasobrahan yata ng “paniniwala” kaya naging makasalanan na rin. Lahat ay tungkol sa pagmamahal sa Diyos at kapwa. Bakit kailangan pang makarinig ng salita ng ibang tao upang gawin ito, ganoong marami na tayong nakikita sa ating paligid na dapat ay gamitan nito? Ilang libong taon na mula nang sabihin ito ni Hesus, nababasa sa Bibliya, naririnig sa mga simbahan….hindi pa rin ba natin naiintindihan?

Marami sa mga ganitong mga spiritual kuno ay ni wala ngang concern sa mga miyembro ng kanilang pamilya, lalo na mga anak. Marami diyan na hindi na natakot sa pagsabi na pagod na sila sa pagiging tatay at nanay nila, ganoong may mga anak pa silang maliliit. Nirereklamo ang masamang ugali ng anak…kaya yong isang nag-open sa akin ay binara ko ng, “bakit hindi mo tinuruan ng magandang ugali ang mga bata noong maliit pa lang sila?”.  Dinagdagan ko pa ng pasaring na alangan namang kapitbahay pa ang magtuturo sa mga anak niya. Mayroon diyang nag-aalaga ng mga hayop at halaman, hindi naman inaasikaso na mabuti, dahil ang gusto lang pala ay ayaw patalo sa mga kapitbahay na may mga ganito ring alaga. Ang inggit ay isang napakasamang ugali, hindi man ituro ni Hesus….common sense lang ang kailangan.

Nakakapanindig-balahibo ang ugali ng iba na ang pakay lang pala sa pag-attend ng mga religious activities, tulad ng Misa at weekend preaching sa mga kilalang venues ay upang magdispley ng bagong damit, ang iba backless at plunging neckline pa, pati mukha ay may makapal na make-up! Ang iba, ginagawang dahilan ang pagdalo sa ganitong mga pagtitipon, para sa susunod pa nilang “family bonding” kuno….isang biyahe na nga lang naman. Pero masama pa rin ang dating ng dahilan, dahil sa halip na magkaroon ng sincerity sa pakay ng pagdalo sa religious na pagtitipon, ang isip ay nakatuon na sa kung saang restaurant kakain pagkatapos. Para ring “paggunita” sa pasko na nakalimutan nang ito ay tungkol sa questionable na birthday ito ni Hesus….dahil ang sa isip nila tuwing pasko ay mesang puno ng pagkain, gifts, kumukutitap na bumbilya, Christmas tree, etc.

Simple lang naman ang dapat paniwalaan ng tao pagdating sa spirituality….na may Diyos, mahalin Siya, mahalin ang kapwa-tao at ibang nilalang na may buhay, respetuhin ang kalikasan at mundong tinitirhan natin…at ipakita ito sa mga kilos, hindi lang sa salita upang masabi lang ng iba na may alam ang isang tao…at nang hindi isiping nagkukunwari lang pala siya.

Ang Mga Taong Mainggitin, Makasarili at Mapang-api

Ang Mga Taong Maiinggitin, Makasarili at Mapang-api
Ni Apolinario Villalobos

Sa bawat komunidad, hindi maiiwasang makakita ng mga taong may iba’t ibang ugali tulad ng pagkamainggitin, pagkamakasarili, at pagkamapang-api. Dahil dito, hindi rin maiwasan ang kadalasang pakikipagplastikan na lamang ng magkakapitbahay o magkakaibigan upang masabi lang na maganda ang kanilang samahan.

Tulad na lang ng isang kwento sa akin ng isa kong kaibigan tungkol sa isa nilang kapitbahay na noong naghihirap pa, halos lahat sa kanilang lugar ay inutangan. Madalas, umaga pa lang ay umiistambay na sa labas ng bahay ng madalas niyang mauto upang hingan ng pagkain. Subalit nang magkaroon ng pera dahil nakapagtrabaho ang mga anak sa abroad, ni hindi na makabati sa mga inutangan niya. Yong katapat lang na kapitbahay daw na madalas niyang hingan ng pagkain ay hindi man lang maimbita kung may okasyon o madalhan man lang ng sobrang pagkaing inihanda. Naging biyang sosyal daw kasi, kaya ang mga iniimbita sa bahay niya lalo na kung may okasyon ay mga kaibigang de-kotse.

Yong isang kapitbahay naman daw niya, tadtad na nga ng mga sakit, pahiwatig siguro ng Diyos na dapat baguhin niya ang masama niyang ugali, ay nagpapairal pa rin ang kanyang pagkamapang-api ng kapwa. Minsan ay nagreklamo daw ito dahil ang kubo na pinagawa ng homeowners’ association nila ay pinagpahingahan o tinulugan ng isang taong nangungupahan lamang sa kanilang lugar. Dapat nga daw ay matuwa ito dahil napapakinabangan ng lahat ang kubo. Kung inuutos nga ng Diyos na dapat ay buksan natin ang pinto ng ating bahay sa mga taong nangangailangan, ito pa kayang kubo na nasa labas ng ating bakuran na walang pinto?

Yong isa pa, umasenso lang ang kapitbahay niya na masipag magnegosyo ng kainan, kinainggitan na. Gusto yata niya, lahat ng kapitbahay niya ay gumaya sa kanyang walang ginawa kundi tumunganga sa maghapon!

Ang pakikipagkapwa-tao ay isa sa mga kautusan ng Diyos sa mga taong naniniwala sa Kanya. Kahit araw-araw pang magsimba, halimbawa, ang isang Kristiyano, hindi siya maaaring tawaging ganoon kung ang kanyang puso ay tumitibok sa pulso ng inggit, pang-api, at pagkamakasarili. Kaya nagkakagulo ang mundo ay dahil sa ganitong uri ng mga tao….

Ang Kasabihang “Mamatay Ka Sa Inggit”…tungkol ito sa taong mainggitin

Ang Kasabihang “Mamatay Ka sa Inggit”

(tungkol ito sa taong mainggitin)

Ni Apolinario Villalobos

Totoo pala talaga ang kasabihang nasa titulo. Akala ko noon ay kantiyaw lang na pabiro, yon pala ay talagang totoo. Nahuli ko ang isa kong kaibigan na idinaan sa mga kantyaw ang kanyang pagkainggit sa mga natamo ng kanyang kaibigang sikat na kolumnista. Masakit ang mga kantiyaw niya sa kanyang kaibigan. Hindi ko personal na kilala ang kolumnista pero bilib ako sa galing niya sa pagsulat kaya bukod sa diyaryo ay may lingguhan din siyang sinusulatang magasin. Ang kaibigan ko namang mainggitin pala ay walang natamo sa buhay, maliban sa negosyong pumalpak kaya nalugi. Nakarma siguro dahil s ugali niyang pagkamainggitin.

Nang minsang hindi na ako makatiis ay pinagtanggol ko ang kolumnista sa pagbatikos ng kaibigan ko kahit walang dahilan. Para bang nabubuo lamang ang araw niya kapag may naibulalas siyang masama laban sa kaibigan niyang kolumnista. Pati sa akin ay nainis na rin ang kaibigan kong maiinggitin kaya mula noon ay iniwasan ko na lang. Para namang pinagtiyap ng pagkakataon ang pagkurus ng landas namin ng kolumnista sa isang handaan. Nagulat ako nang sabihin niyang ang iba pala niyang mga sinusulat sa kolum ay hango sa mga blogs ko na nababasa niya sa internet, kaya pala napansin kong may pagkahawig ang mga ideya.

Mula noon ay nagpalitan na kami ng mga mensahe sa internet at nagtulungan sa pagbuo ng mga sinusulat namin. Ilang beses na rin niya akong nahingan ng pormal na pahintulot na magbatay ng mga isusulat niyang pananaw, sa mga naisulat ko na. Buong lugod ko naman siyang pinagbigayan.

Nang minsan namang biglang magkita kami ng kaibigan kong maiinggitin at banggitin ko sa kanya na magkaibigan na kami ng kaibigan niyang kolumnista sabay sabing nagtutulungan kami, ay napansin kong namutla siya, na para bang aatakehin sa puso. Halos wala akong narinig sa sinabi niya nang talikuran niya ako at biglang lumayo na nakatungo ang ulo. Hindi ko nasakyan ang kanyang inasal dahil ang inaasahan ko ay matutuwa siya dapat.

Makalipas ang dalawang araw, may nagbalita sa aking naospital ang kaibigan kong mainggitin dahil inatake daw sa puso, pero hindi naman natuluyan…tumabingi lang ang mukha at bulol na kung magsalita.

Ang leksiyon: huwag tayong mainggit sa tagumpay ng kaibigan natin sa larangang hindi naman natin kaya. Dapat ikatuwa natin ang tagumpay ng kaibigan natin. Ang inggit ay nangyayari kung ang isang tao ay gustong magpakitang gilas upang masabing lahat ay kaya niyang gawin, kaya ang gusto niyang mangyari ay ituring siyang nag-iisa lamang na magaling at wala nang iba. Ang isa pang gustong mangyari ng taong mainggitin ay pare-pareho na lang sila ng kanyang mga kaibigan na walang pinagtagumpayan dahil siya ay hindi rin nagtagumpay!…ang tawag sa huli kong nabanggit ay ugaling hilahan pababa!

How Friendship Can Turn Sour

How Friendship Can Turn Sour

By Apolinario Villalobos

 

Friendship is a very complicated relationship because it is the foundation of the rest of human bonds that include love. Even within the family, the relationship among the members should be sturdily founded on friendship. Without friendship, there could be no trust and finally, love.

 

Some people profess to be friends, but they do not even show it through action which is the best manifestation of such feeling. Even the mute who cannot express themselves verbally, show their feelings and what are in their mind through sign language. Lately, the thumbs and forefingers of both hands can even form the heart shape to indicate friendship or love. Add to this the adage, “action speaks louder than words” which I need not explain further.

 

Unfortunately, such relationship that may take even a decade to develop can easily turn sour. This happens when jealousy gets into the picture. There are some people who cannot accept the metamorphosis of their friends into successful personalities because of hard-earned accomplishments, including seemingly unlimited financial blessings. For these jealous people, to recognize such success is accepting defeat on their part. This happens among those who have been competing with each other while growing up or while classmates. Those who found their friends way ahead of them years later, develop depression which turns the relationship into sourness or bitterness.

 

I have been in situations clouded with bitterness many times and heard dismal remarks about people who I leaned later were friends of those talking among each other. The remarks were disheartening, such as: “look at her wear her jewelries…she looks like a Christmas tree!”, (referring to their friend who finally tasted some luxuries after working hard)… “the next time he comes around, let us ignore him, he always talks about his visit to the Holy Land” (referring to their friend who just wanted to share his experiences in Jerusalem)… “let us not like or make comment on his posts in facebook…he might think he is that good in taking photos and writing poems” (referring to their photo hobbyist friend who accompanies his posts with poetic lines), etc., etc. etc.

 

Some people cannot accept the reality that blessings are distributed among the creatures on earth. These blessings are not “handed over” but given as awards to those who strive for them. The Creator provided all creatures with means that they can use to be able to achieve them.  The stationary creatures, for instance, such as plants find ways to capture the rays of the sun, through their branches, twigs or vines. Even carnivorous plants have adaptations so that they can capture insects. Those with mobility, move towards what they need in life, such that creatures of the wild would stealthily sneak towards their prey, and man would sweat it out in pursuing jobs or struggle hard to take a hold on food.

 

The degree of success in gaining what are being strived for, especially, in the case of man, depends on his environment and persistence. Therefore, those who have been lazy to strive have no reason to feel bitter towards their hardworking friends who gained so much in life.  Additionally, those who chose not to venture beyond their comfort zone should not be jealous of friends who became rich because by dints of courage and perseverance, tried their luck abroad despite fearful apprehensions, and eventually succeeded.

 

Jealousy should not be harbored in one’s heart, as when such feeling takes root in there, its limbs can eventually overwhelm and creep all over his persona. Or, it can sour up the sweet relationship that for years friends have concocted. It can also disengage the link among the members of a group to which the jealous belong, thereby, sacrificing even the sake of unsuspecting members. It is unfair for the jealous friends to act in such a manner.

 

God did not intend us to be jealous of each other. He gave us the freedom to choose what is best for us, and that includes nurturing of friendship because, as another popular adage says, “no man is an island”. We need each other…