Ang “Kahalagahan” ni Napoles bilang Ugat ng Pork Barrel Scandal

ANG “KAHALAGAHAN” NI NAPOLES

BILANG UGAT NG PORK BARREL SCANDAL

Ni Apolinario Villalobos

 

 

UNETHICAL ANG GINAWA NI SOLICITOR GENERAL NA PAGSALITA TUNGKOL SA KASO NI NAPOLES DAHIL SINABI NITONG ABSUWELTO SI NAPOLES SA KASONG ILLEGAL DETENTION KAY LUY, PARA NA RIN NIYANG SINABI NA WALANG KASALANAN SI NAPOLES. SA ISANG BANDA, MAAARING MAY MABIGAT NA DAHILAN. ANG ILLEGAL DETENTION CASE AY PWEDENG PATIKIM LAMANG SA IBA PANG FAVORS NA PWEDENG IBIGAY KAY NAPOLES BASTA “IKANTA” NIYA ANG MGA “KLIYENTE” NIYANG MGA SENADOR AT KONGRESISTA, AT IBA PANG MGA OPISYAL NG MGA NAKARAANG ADMINISTRASYON.

 

PWEDENG GAMITIN SI NAPOLES NA STATE WITNESS DAHIL SIYA LANG ANG MAY KARAPATANG MAGTUTURO KUNG SINO SA MGA SENADOR AT MGA CONGRESSMAN, AT IBA PANG OPISYAL,  NA NAKIPAGKUTSABA O NAKIPAG-CONNIVE SA KANYA TUNGKOL SA PORK BARREL ANOMALIES. YAN ANG PINAKAMABISANG PARAAN UPANG MAKASUHAN ANG MGA TIWALI SA GOBYERNO DAHIL ANG MGA INFORMATION NA MAKUKUHA KAY NAPOLES AY MAITUTURING NA “FIRST HAND”….ANG MULA KAY LUY AY “SECOND HAND” LANG.

 

KUNG IDADAAN SA MATHEMATICS, SIMPLE LANG NAMAN ANG IPAPAKITA: ISANG NAPOLES NA ANG KATUMBAS AY NAPAKARAMING MGA SENADOR AT KONGRESISTA, AT KUNG SUWERTIHIN PA AY MGA NAGING KALIHIM O MGA OPISYAL NG MGA AHENSIYA.

 

HINDI NA ISYU ANG PERANG NAWALDAS DAHIL GINAMIT NA NG MGA SENADOR AT KONGRESISTA….WALA NA….LUSAW NA! PERO ANG NANDIYAN PA AY ANG MGA TAONG SANGKOT NA DAPAT MAPANAGOT….AT, ANG IBA AY NAKAUPO PA SA MGA BULWAGAN NG MGA MAMBABATAS AT NAGMAMALINIS.

 

ANG TAWAG KO SA MOVE NA YAN NG GOBYERNO AY ANG “PAG-UGAT”, O PAGDUKAL, O PAGHUKAY UPANG MATANGGAL ANG UGAT NG ISANG KASO. KAILANGANG TUMBUKIN ANG UGAT NA SI NAPOLES.

 

KUNG MATALINO ANG MGA ABOGADO NG GOBYERNO, LALO NA ANG SOLICITOR GENERAL, MADYIKIN NILA O GAWAN NG PARAAN KUNG PAANONG MAIPAKITA NA “GINAMIT” LANG SI NAPOLES O “PINILIT” NG MGA  TIWALING MGA SENADOR AT KONGRESISTA UPANG MAGLABAS NG PERANG PAMBILI NG PROJECT FUNDS. PALABASIN NILANG LEAST GUILTY SI NAPOLES UPANG MA-QUALIFY BILANG STATE WITNESS.

 

 

Ang Mga Karumal-dumal na Sabwatan sa Gobyerno

Ang Mga Karumal-dumal

na Sabwatan sa Gobyerno

ni Apolinario Villalobos

Sa Pilipinas lang nangyayari ang karumaldumal na sabwatan sa gobyerno. Sa ibang bansa, may magnanakaw man sa gobyerno, paisa-isa lang ang nasasangkot. Pero iba sa Pilipinas, ang effort sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ay ginagawang wholesale, o bultuhan.

Dalawang klase rin ang mga sangkot – magkakaalyado at magkakapamilya. Systematic pa ang pagnanakaw na ginagawa, mula sa mababang puwesto hanggang sa itaas. Kung baga sa paglinis ng isang lawn gamit ang lawnmower, ay talagang matinding pagsuyod ang ginagawa nila.

Uumpisahan sa level ng barangay, na ang mga grasya ay tila ambon lamang o wisik muna dahil maliliit ang mga proyekto. Sa level ng bayan at siyudad, malaki na ang mga patak na tila ba umuulan na ng grasya. Kung malaki ang isang bayan, walang sinabi ang four digits na numero…dapat ay six digits. Kung siyudad na ang sinisipsipan ng mga lintang ito, hindi lang seven digits ang usapang grasya kundi eight digits na…mga kung ilang palapag na mga gusali ba naman ang ma-involve…kaya talagang limpak-limpak na milyones ang pinag-uusapan.

At ang mga magkakutsaba… ang mga pinuno mismo at ang mga may hawak ng mga proyektong mga kontraktor na ang tagapamagitan ay mga trusted na tauhan ng mga opisyal. Para hindi naman garapal, ang grasya ay tinatawag na “rebate” in cash, hindi “kickback” na sinaunang salita, wala nang class. Upang makuha ang pakikipagtulungan ng mga miyembro ng konseho, siyempre, may mga sobreng para sa kanila. Kahit noong hindi pa pumutok ang eskandalo laban sa mga Binay, ang mga nabanggit na ang karaniwang kalakaran upang mapagkitaan ang mga proyekto ng gobyerno. Hindi ko dito sinisinter ang mga Binay…bahala na sa kanila ang Senado.

Ang mga pulitikong pamilya, itinuturing na mayamang “sakahan” ang gobyerno…isang farm na dapat nilang i-“manage” na “maayos”. Kaya pagkatapos ng ama halimbawa sa pagka-mayor, papalitan naman ng anak o asawa. Yong ibang kapamilya naman ay sumasabay na sa ibang level naman ng pamalaan. Kaya hindi lang palitan ng puwesto ang nangyayari kundi, pasahan.

Yong mga hindi namumuno ng political unit, subali’t nasa Kongreso, Senado, o kabinete, ibang style naman ang ginagawa – pakikipagsabwatan sa mga local government unit o mga departamentong nakakahawak ng mga budget para sa mga proyektong idinadaan sa mga NGO’s. Subalit para sigurado ang kita, dumidiretso na sila sa mga NGO, gaya ng iniimbistigahan ngayong mga NGO ni Janet Lim Napoles.

Samantala, ang nasa pinakatuktok ng poder naman, nakapikit ang mga mata. At dahil best friends ang ibang involved, wala itong pakialaman. Pinagtatanggol pa ang mga tiwali sa kabila ng mga naghuhumiyaw na mga katotohanan. Kaya, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at lokohan sa gobyerno ay animo free-for-all. Angkop sa kanila ang kasabihang, “strike while the iron is hot”. Yan ang Pilipinas….ngayon! At ang pananggalang nila palagi ay pinupululitika lamang daw sila, o di kaya ay wala silang kasalanan hangga’t hindi napapatunayan sa korte. Sa Pilipinas lang yan nangyayari!

Ang Maging Successful na Corrupt Government Official, Pulitiko, At Kasabwat

Ang Maging Successful na Corrupt

Government Official, Pulitiko, At Kasabwat

Ni Apolinario Villalobos

Mahirap din ang maging corrupt na pulitiko, government official, o ordinaryong citizen na kasabwat. Hindi basta-basta ang pumasok sa karumal-dumal at umaalingasaw na animo ay pusaling larangang ito. May mga investment at may mga isasakripisyo. May mga requirements wika nga, tulad ng mga sumusunod:

  1. Dapat ay nananalaytay sa mga ugat mo ang dugong kulay itim na siya ring nagpapaitim ng budhi at naglulusaw ng konsiyensiya. Ibig sabihin, may lahi kang kawatan, mandarambong, sinungaling, makapal ang mukha, at asal-demonyo. Habang lumalaki ka ay nahuhubog ang pagkatao mo sa isang buhay na walang kinikilala kundi ang kapangyarihan ng pera. Sa madaling salita, nabe-belong ka sa isang tiwaling pamilya na kung tawagin sa English ay “political dynasty”.
  2. Dapat ay wala kang “tunay” na pananalig sa Diyos. Ibig sabihin, kung makita ka sa simbahan o may hawak na rosaryo, ito ay pakitang-tao lamang. Importante ito dahil, makikipagkutsabahan ka rin sa mga tiwaling alagad ng simbahan na babayaran mo upang mag-manage ng ipapatayo mong retreat house.
  3. Dapat nakapag-aral ka ng Public Administration man lamang, pero mas mabuti kung abogasya na. Importante ito upang makabisado mo ang mga batas ng Pilipinas na maraming butas. Kung abogado ka, kaya mong sumagot sa media na alam mo ang ginagawa mo dahil abogado ka, tulad noong hangal na isang opisyal ng MRT.
  4. Dapat kulay kayumanggi ang balat mo. Kung maputi ka kasi o mestisuhin at mestisahin, halata kung ikaw ay napapahiya dahil magba-blush ka. Hindi baleng pandak ka at hindi makita kung paligiran ka ng sangkaterbang mga bodyguards, huwag lang magka-stampede at baka mapitpit ka na ng mga rumaragasang paa.
  5. Kailangan mong magtiyagang magpraktis umaga, tanghali at gabi sa harap ng salamin, na dinuduro at minumura mo ang sarili mo. Lahat ng mga kadupangang* salita dapat isigaw mo sa sarili mong kaharap mo sa salamin, dapat dura-duraan mo pa – upang masanay ka pagdating ng panahong nasa actual na sitwasyon ka na. Ngingiti ka na lang kahit na natutulig ka na sa mga pagmumura ng tao, at ang nasa isip mo na lang ay…”inggit lang kayo dahil wala kayong bilyones na nakurakot”, sabay finger sign in your mind at dagdag ng: “to hell to all of you, suckers!”. Ibig sabihin noon, talagang sagad-buto na ang kayudiputahang** ugali mo.
  6. Kailangang pumunta ka sa isang reputable university o college man lamang. Tumayming at magbayad ng mga estudyante na magbabato sa yo ng mga nilamukos na papel, sabihan mo silang huwag magkamaling gumamit ng bato, habang sumisigaw ng “corrupt…corrupt”, habang ikaw naman ay parang sira-ulong nakangising-aso. Isang linggong practice nito pwede na, gagastos nga lang sa pambayad ng mga estudyante. Mas maganda sa UP, mga iskolar ng bayan ang mga nandodoon, at baka makalibre ka pa.
  7. Kailangan mong magpa-semi kalbo na gupit o di kaya ay pakalbo na lang upang kung sa actual na sitwasyon na at may matuwang magbato sa yo ng bulok na kamatis o bugok na itlog at tumama sa ulo mong walang buhok, kunting shampoo lang ang gagamitin mo sa paglinis nito.
  8. Kailagang mong magpatubo ng bigote, para kunwari ikaw ay kontra-bida sa pelikula, na dapat lang dahil bilang corrupt, kontra-bida talaga ang papel mo tunay na buhay, di ba? Kung di mo type ang magpatubo ng bigote, clean look na lang para kung masukol ka ng mga nanggagalaiti sa galit na mga tao, sisigaw ka lang ng: “please maawa kayo, sister ako!” Marami namang ganyan sa gobyerno, nagpapaka-macho pa nga kaya walang problema…nagtatakipan ng kasalanan. Nagkakahawahan na kasi, hindi lang sa pagiging “gitna” kundi pati na rin sa pangangawat sa kaban ng bayan…mga “birds of the same feather” nga ang tawag!…yan ang sabi ng mga taga-barber shop, beauty parlor, at bilyaran.
  9. Kailangang buo ang loob sa pagsabi ng “litseng pulitika, nabiktima na naman ako” with matching emotion na pa-humble. Bitsinan ng mga paawang salita na: “galing ako sa hirap at nakatapos ako ng abugasya dahil nagsikap ako”. Pero ang mga ito ay sa isang press conference lang dapat sabihin, hindi pwede sa hearing dahil masusungalngal ka ng mga tanong na hindi mo masagot at kung maliit ka, baka lalo kang manliliit, at kung maitim ka na, baka lalo ka pang matusta sa kagi-grill ng mga kapwa mo kawatan na nagmamalinis!
  10. Kung ikaw ay nasa poder na, dapat kung ilang patong ng balat sa kawalan ng hiya ang meron ka sa pagsabi na hindi ka aalis sa puwesto dahil gusto mong ipagpatuloy ang mga “pagbabago” kahit para kang hunghang**** sa pagsasabi nito na wala namang katotohanan, dahil wala ka naman talagang nagawa. Tingin lang ng iba ay dapat kumita pa ng milyones ang ibang kaalyado bago mag-goodbye sa puwesto.
  11. At panghuli, dapat “do or die” ang stance mo. Kung baga sa pelikula, para kang bida na tinadtad na ng bala ay humihinga pa rin, upang mapangatawanan mo ang pagkaitim ng iyong budhi at kawalan ng konsiyensiya. Alalahanin mo ang mga kung ilang dekadang pangangawat mo sa gobyerno, tapos binabantaang mawala? Ano sila sinuswerte? Yong maraming nauna nga, ngayon ay naghahalakhakan dahil barya lang sa nakulimbat nila ang “nabawi”…ang iba hindi pa nabibisto!

Postscipt….Malaki ang pasalamat ng mga taong tiwali dahil ang nakalaang parusa ng Diyos sa mga nagkasala sa lupa ay impiyerno. Nagpapasalamat sila dahil HINDI SILA NANINIWALA SA DIYOS!

Mga ibig sabihin ng mga exotic na salita:

kadupangan*              -hi-tech na kababuyan

kayudiputahan**        -hi-tech na kahayupan

kawatan***                -hi-tech na magnanakaw

hunghang****            -hi-tech na baliw

Ang Mga “Milagro” sa Pilipinas

Ang Mga “Milagro” sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

Ang tao, lalo na ang mga Kristiyano ay naniniwala sa mga milagro. Ang malaking bahagi ng population ng Pilipinas ay Kristiyano, kaya ang bansa ay batbat ng mga milagro kagaya ng imahen ng Virgin Mary na lumuluha, Sto. Niῆo na sumasayaw at sumasapi sa mga taong nagpipilit iniipit ang boses upang maging boses-bata, mukha ni Kristo at Virgin Mary sa dahon, dingding, palapa ng niyog at kung anu-ano pang mga pangyayari. Ito marahil ang nagbunsod sa mga taong tiwali, lalo na yong mga nasa gobyerno, na gumawa ng mga “milagro” dahil iniisip nila na madaling mapaniwala ang mga Pilipino. Kaya’t bukod sa mga nabanggit, may iba’t- ibang klaseng “milagro” pa ang nangyayari sa Pilipinas:

Ang “milagro” ng pagkawala ng pondo mula sa kaban ng bayan. Mula pa noong naging republika ang Pilipinas hanggang ngayon, lahat ng administrasyon ay may mga sariling milagro tungkol dito. Mula sa maliit na bilang, unti-unting dumami hanggang umabot sa nakakamanghang sukdulan sa kasalukuyang administrasyon. Dahil sa ginawa ng tao na batas tungkol sa pagkainosente ng isang pinagbibintangan hangga’t hindi napatunayan, lahat ng mga sangkot ay nagpipilit na wala talaga silang kasalanan, kaya kanya-kanya sila ng upa ng mga magagaling na abogado na kayang ipagpalit ang puri sa salapi, at animo ay mga de-susing manikang nagsasalita ng mga na-memorize na mga batas na pantakip sa mga kalasalanan ng kliyente nilang magnanakaw. Ang magandang dahila nila: trabaho lang!

Ang “milagro” sa pagkawala ng mga donasyon sa pangangalaga ng DSW. Maaaring “milagro” na maituturing ang pagkawala ng mga donasyon para sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng mga naging biktima ng bagyong Yolanda, kahit pa may nakabantay na guwardiya. Lalong milagro rin ang hindi pagkapansin ng mga taga-DSW ng pagka-expire ng mga de-lata kaya hinayaang mabulok, kesa ipamigay lahat sa mga biktima. At lalung-lalong milagro ang parang walang anumang pagsalita ng namumuno sa harap ng TV, at pilit na naghuhugas- kamay sa pagsabi na marami na rin naman daw ang naipamigay na!

Ang “milagro” sa pinamigay na mga materyales pang-repair ng bahay sa mga taga-Zamboanga. Nagmilagro ang paglambot ng kahoy na nakaya pang bulatlatin at taktakin ng matandang nakatanggap nang ipakita sa TV. At ang yero, ay parang walang anumang pinunit na parang manipis na karton, pero siyempre, hiniwa muna ng kapiraso, sabay hila at ayon…napunit nga! Milagro!

Ang “milagro” sa EDSA hulidap. Nang lumutang ang karamihan sa mga sangkot na nahuli sa video at “nagsurender” daw, ang abogado nila ay nagsalita upang ipagpilitang wala sila sa pinangyarihan ng hulidap! Ang laking “milagro”! Hallelujah!

Ang “milagro” ng pagkabawas daw ng kriminalidad sa bansa dahil sa pinuno nitong si Allan Purisima. Nagmimilagro ang report dahil taliwas sa mga tunay na nangyayari. Nagsalita pa ang pangulo at nagdepensa kay Purisima, ganoong ilang araw na ay sunud-sunod ang balita tungkol sa hulidap na ginagawa ng mga pulis! May nagbebenta pa ng droga! Milagro ang pagkaroon ng lakas ng loob ng pangulo na magsalita sa harap ng kanyang mga cabinet secretaries at mga piling kaalyado sa pulitika, sa isang pagtitipon sa Malakanyang – para siguradong masigabo ang palakpakan! Si Jejomar Binay, Bise-Presidente at cabinet member din…hindi naimbita! May sa tagabulag yata kaya hindi napansin…talagang milagro! Ang liwa-liwanag na nga eh, hindi pa nakita!

Ang “milagro” ng pananatiling buhay ng mga gutom na Pilipino dahil halos wala nang kakayahang kumain ng sapat sa maghapon. At sa kabila ng ganitong kagimbal-gimbal na eksena, nagawa pang magsalita ng taga-Malakanyang na “tiis-tiis muna”! Baka ibig niyang sabihin ay “mamamatay din kayo, pagdating ng panahon…hintayin ninyo ang ikalawang sigwada!”

Maitututing na ngang isang “miracle” country ang Pilipinas. Ang daming mga pangyayari na hindi maipaliwanag. Kaya bahala na lang si Lord. Tulad ng biglang pagyaman ng isang ordinaryong mamamayan na taga-Makati… ang pagkapantas ng isang babaeng hindi nakatapos ng kolehiyo subali’t napaikot sa palad ang mga mambabatas upang magkamal ng limpak-limpak na salapi at nagawa pang mag-display ng rosary na bigay daw ng santo papa….. at milagro ding nakakangiti at nakakapagsalita pa sa kabila ng kakapalan ng mukha ang ilang mga opisyal ng gobyerno na ayaw umalis sa puwesto sa kabila ng pagka-inutil nila sa pagpatupad ng tungkulin!

Hindi na Nahiya at Nakonsiyensiya!…si Janet Lim Napoles

Hindi na Nahiya at Nakonsiyensiya!…si Janet Lim Napoles

Ni Apolinario Villalobos

Talagang sagad-buto na ang kawalan ng hiya at konsiyensiya ni Janet Lim Napoles sa pagpapangalandakan ng rosary niyang bigay pa daw ng Santo Papa. Ginamit pa ang relihiyon at Santo Papa. Buti na lang hindi niya sinabi na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon at lakas ng loob sa pagpatayo niya ng mga “negosyo”! Walang pinag-iba ang ginagawa niya sa ginawa rin noon ng dating mayor ng isang bayan sa Laguna na na-convict dahil sa pag-rape ng isang estudyanteng babae na pinatay pa niya pati ang boyfriend nito. Nang makulong ang mayor, karay-karay niya ang isang imahen ng birhen sa kulungan. Subali’t kalaunan, napansing umiba ang kilos niya at pananalita – parang nasasapian. Matindi ang epek ng kakaibang pagkilos niya dahil sa haba ng buhok niyang magulo. Yon pala, palaging high o bangag sa droga! May butas pala ang imahen ng birhen kung saan ay itinatago niya ang drogang dinidiliber pa rin sa kanya dahil bahagi na ito ng kanyang buhay! Yon palang padasal-dasal niya habang nakaluhod sa harap ng imahen, at may hawak pang rosaryo, ay parang pagpapasalamat siguro dahil nakarating ng matiwasay ang rasyon niyang droga. At yong kunwari ay naghihimas siya sa imahen pagkatapos ng dasal, dumudukot na pala ng “gamot” niya!

Yong retreat house ni Napoles na pinamahalaan pa sa mga alagang pari, pinangtakip din sa malasadong gawain niya. Pinalabas pa na hindi daw dinitine si Benhur Luy at pinabantayan sa mga pari upang hindi makatakas, kundi ay pinag-retreat lang daw upang mawala ang kasalanan na panloloko sa kanya…dumiretso ba naman si Luy sa mga kliyente niya, kaya nabawasan ang kanyang kita! May kasabihang ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Si Luy bilang kasangkot ay umamin na, si Napoles kaylan kaya? Baka siguro habang buo pa ang kanyang rosary ay ipagpipilitan niyang inosente siya! At ang mga pari…nakasotana pa rin kaya?

Tapos na siya sa pagpatanggal ng cyst daw sa isang bahagi ng katawan niya na nagdulot ng matagal din namang bakasyon sa ospital. Ano na naman kaya ang ipapatanggal upang makapagbakasyon uli?

Inalipusta daw ng netizens ang kanyang pananalig dahil kung anu-anong katatawanan ang pinaggagawa dahil sa rosaryo niyang bigay daw ng santo papa. Kulang pa nga iyan dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng pera ng taong-bayan, na itinatanggi naman dahil wala daw siyang pirma sa mga dokumento. Kung hindi ba naman ung…s! Paano niyang gagawin yon, eh, isa yon sa mga payo sa kanya ng isang magaling na taga-gobyerno – huwag maglagay ng pangalan niya at pumirma sa mga dokumento upang sa paper trail ay walang ebidensiya laban sa kanya!

Huwag daw isama ang anak sa kaso niya. Pagkatapos ipangalandakan nito ang nakaw na yaman sa internet, ganoon lang?…huwag idamay?… eh nakinabang naman ng todo-todo, kaya animo artistang taga-Holywood kung umasta sa mga ipinagyabang na mga eksena sa party niya, sa internet! Estudyante lang daw?…saan naman galing ang perang pinangsosyo niya sa isang anak din ng pulitiko upang makapagpatayo sila ng pagawaan ng sapatos? Yan ba ang “inosente”?

Masama ang loob ni Napoles dahil sa nakikita niyang pamamaraan ng paglabas ng ngitngit at sama ng loob ng mga Pilipino dahil sa ginawa niya. May paiyak-iyak pa siya. Naalala ba niya ang kalagayan ng mga Pilipinong ginamit niya at kanyang mga kasabwat noong panahong ang turing niya sa perang ninakaw ay animo ordinaryong papel na walang anuman kung itambak sa bath tub at kama? Naalala ba niya ang mga Pilipinong nakanganga sa kawalan dahil sa kanilang panloloko habang namimigay siya ng “rebate” o commission sa mga pulitiko? Naalala ba niya ang mga gutom na mga magsasakang lubog sa five-six na utang, at ginamit nila sa ghost projects, habang nagpapakalansingan siya at mga bisita niya, ng mga hawak nilang kupeta ng alak tuwing magpaparty siya nang ubod rangya? Malamang abut-abot ang pagsisisi niya dahil ang mga taong akala niya ay makakatulong sa kanya kaya binusog niya ng pera, ay nagtakwil sa kanya!…na kulang na lang ay magtakip ng ilong tuwing naririnig ang pangalan niya!

Talagang ang taong nasusukol ay kung anu-ano na lang ang sinasabi, pati na ang promise na tamaan siya ng kidlat kung siya ay ngsisinungaling! Nawawala sa sarili kaya pati kalikasan at Diyos ay isinasangkalan!

The Neglected Root of the PDAF Anomaly

The Neglected Root

Of the PDAF Anomaly

By Apolinario Villalobos

 

The Department of Justice (DOJ), the Ombudsman, and other investigating agencies are all out in their effort to dig into the matter of PDAF anomaly (again). In particular, they are trying to pin down the politicians and the supposedly “queen” of the anomaly, Janet Lim Napoles. Sad to say, they seem to be just nipping at the buds, instead of going to the roots. There are questions that need to be answered as to how all these things happened in the first place. What department is in charge or authorized for budget releases? What department is supposed to do all the careful checking to insure that all papers are in order, being the final authority? And, most importantly, what department knows the details to the last and most minute, as to how the funds are to be handled. In the very beginning of the investigation, all observers have already doubted the “expertise” and “knowledge” of Napoles on the technical aspects of the process. Unfortunately, when prominent political names were mentioned, investigators concentrated on them, especially,  as the two have political ambitions set for the 2016 elections while the third is a staunch enemy of a “powerful” politician.

 

Except for the blame thrown to the Xerox guys at DBM who made duplicate copies of the unsigned documents so that fake documents can be fabricated, nothing else has been done. Observers again asked, how could these simple clerks know about the process if they have not “observed” some things going on in the office or even “given instructions” on what to do with documents involved in the process? A simple analysis will tell us that all other departments and the people behind the anomaly will not know what to do, unless they are given instructions on how to skirt the policies on budget management. Obviously, the investigators failed to use technicalities in the investigation. The sad result would be that, even if there is “conviction” which is a quixotic wish, mishandling of the fund will go on because the real brains are still out there.

 

The Department of Justice, in its effort to get Napoles as a state witness, is making moves to enhance the summary of reports that have been finalized. These developments would need another round of hearings.  But this will definitely create a problem, especially on the case of Napoles because during several Senate hearings, she was firm with her statements that she had no transactions with the Senators involved, and these statements were made under oath. To explain her stammering during the Senate hearings, her lawyer said that she lost courage to speak because some of those in the room have been involved.  To further justify her effort to “tell all”, her lawyer said that she felt lost because the lady lawyer whom she was banking on was no longer around, until she thought of approaching former senator Lacson, to whom her husband gave a long list of involved government officials and politicians, the same list that she gave to de Lima who insists that she be given a chance. The original whistle blowers, however, are thinking otherwise. She will practically bungle all the coherent statements that they already gave. A single inconsistency in the collated evidences shall weaken their position in the case.   

 

All concerned sectors are clamoring that de Lima should bring out the list immediately as it might be “sanitized” or cleaned of officials and politicians identified with the government. In the meantime, perhaps, those involved are happy because they are witnessing a “circus” in the handling of the case which as predicted will take years to resolve. One even would just smile, for in his mind, the on-goings are nothing compared to what he survived “through” the past administrations, including that of the Martial Law.

 

The well-informed cannot help but ask what will happen to a country….where agencies don’t seem to know where their responsibilities begin and end due to the seemingly absence of an inter-agency coordinative system …where energy in running the government machinery is fuelled by publicity…where press conferences precede official and if need be, discreet implementation of decisions…where some police vehicles have no budget for regular fuel…where projects are neglected after photo opportunities…where agencies publicize their own version of real happenings in the market contrary to what are happening, i.e., consistent soaring of prices of prime commodities…where agency heads do “surprise” checks of concerned areas such as public markets with TV cameras, reporters and squads of personnel in tow…where drug raids are done without netting the real perpetrators or drug lords despite months of surveillance…where some confiscated drugs see their way to the streets, repacked and retailed…where rallyists  do their thing in front of the US Embassy instead of the Chinese embassy to show their support in the dispute about West Philippine Sea…where the land (black sand) is literally hauled out of the country by shiploads to China…where native fishermen are chased out of their fishing domain by intruding coast guards of another country.

 

The above are just a “very few” of the observations by concerned parties that this writer echoes. The most important observation, however, is that despite all those, the resilience of the Filipinos, a proud race of Asia, made them able to survive natural and man-made  onslaughts into their properties and lives. And, that despite predicaments, they can still afford to smile…reason why I am proud, myself, being a Filipino.

Nang Araw na Marami ang Napatulala… (isyu pa rin ng pork barrel)

Nang Araw na Marami

Ang Napatulala…

(Isyu pa rin ng Pork Barrel)

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi yata matutuldukan ang pork barrel –

Isyu na sa maraming kaso ay nagpadiskarel

Sa tagal ng panahon lagi itong bumalandra

Sa anumang klase at porma ng mass media.

 

Subali’t wala na yatang isyu na mas hihigit pa

Sa isang araw nang magpa-presscon si de Lima

Iyan ay noong bago operahan si Janet Napoles

Di makalimutang araw – isang araw ng Martes.

 

Ang sabi ni de Lima, ilang oras din silang nag-usap

At  sa loob nito ay marami din daw siyang nakalap

Mga impormasyon na talagang sobrang  kailangan

Upang kaso ng pork barrel ay tuluyang matuldukan.

 

Napakaraming namangha, marami ding napatulala

Nang si de Lima ay nagbroadcast ng maiinit na balita

Sabihin ba naman niyang mahaba ang lista ng sangkot –

Kaya asahan… isyung pork barrel ay lalong sasalimuot.

 

Si Panfilo Lacson, may listahan din daw na hinahawakan

Bigay ng Napoles group ilang araw pa lang ang nakaraan

Subali’t sabi ni Miriam Santiago, bahagi ito ng istratehiya

Upang malito sa isyu ng pork barrel ang Pilipinong madla.

 

Mga original whistle blowers naman, lahat sila’y nag-alala

Na sa mga sinabi nila, pagsipot ni Napoles ay makakapinsala

May punto nga naman, dahil isang pagsalungat na masasabi –

Hihina, kasong matagal pinaghirapan upang  mabuo’t mahabi.

 

Ano pa nga ba at sa harap ng magugulong pangyayari’t drama

Buong bayan nga ang nalilito at nasasadlak sa kahirapa’t dusa

Dahil hilahod sa kahirapan ang mga Pilipino… ang buong bayan

Kakayanin pa kaya  ang pagtahak sa sinasabing tuwid na daan?

 

 

 

May Isang Social Climber

May Isang Social Climber…

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Sa isang executive subdivision, wala pang 8:AM ay narinig na ng mga kapitbahay ang isang bagong lipat sa kanilang lugar na nakakuha ng malaking halaga ng pera dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa sa Saudi. Ayon sa kwento ng bagong lipat na babae sa kanyang mga kapitabahay, milyon-milyon ang halaga sa piso ng perang natanggap niya mula sa kumpanya ng namatay niyang asawa, bukod pa sa mga insurance nito sa Pilipinas. Nagpa-impress agad ang babae sa kanyang mga bagong kapitbahay upang masabi nilang hindi siya basta-basta. Nguni’t ang katotohanan ay dating nakatira sa isang low-cost subdivision ang pamilya ng babae at high school graduate lang siya. Dahil maganda, nakapag-asawa ng isang engineer. Nang umagang yon ay pinapagalitan nito ang kanilang kasambahay.

 

Misis:   Inday, sa susunod basta ang naghanap sa akin ay nakakotse, tawagin mo agad ako, maski nasa parlor ako sa labasan, dahil baka taga-Congress na naman, tulad noong nakaraang araw na basta mo na lang sinabihang wala ako maski nasa kabilang bahay lang ako, kaya tuloy hindi ko nakausap si amigang Congresswoman…. Huwag kang tatanga-tanga! Alam mo namang marami akong ka-transaksyon na mga opisyales ng gobyerno at mga negosyante. Tandaan mo yan ha?

 

(Sadyang  nilakasan ng babae ang kanyang boses upang marinig ng mga kapitbahay ang mga sinasabi sa kasambahay.)

 

 

Inday:   Opo.

 

(Pagkalipas ng dalawang araw, may bisitang dumating, nakakotse, bumaba ang isang babaeng naninilaw ang mga tenga, leeg, mga daliri at braso dahil sa mga gintong suot…kinausap si Inday na noon ay nagdidilig ng mga halaman.)

 

Babae: Nandiyan ba si Mrs……?

 

Inday:   (Halatang na-impress sa ayos ng babae at sa kotse nito.) 

Opo! Sandali po at tatawagin ko.

 

            Ma’am….may naghahanap po sa inyo, nakakotse po, at maraming suot na alahas! (sadyang nilakasan ang boses upang marinig ng mga kapitbahay)

 

Misis:   Aba’ y papasukin mo sa sala …at bigyan mo ng kape. Naliligo lang ako.

 

Inday:   Opo!

 

(Sa sala, hindi ginalaw ng bisitang babae ang kape, halatang nabubugnot. Nang lumabas si Misis ng kwarto at pumunta ng sala, muntik na siyang matapilok.)

 

Babae:  (Sumisigaw habang dinuduro si Misis)

Hoy! Balasubas! Bayaran mo ang utang mo. Walanghiya ka! Lumipat ka pala ng tirahan hindi mo man lang ako sinabihan! Buti na lang nakausap ko si Mrs….at sinabihan ako kung saan ka lumipat! Walanghiya ka! Apat na buwan mo na akong pinagtataguan ah! Kailangang magbayad ka ngayon din, kung hindi ipapupulis kita! Magrereklamo ako sa homeowners association ninyo at sa barangay! Titingnan ko kung may magagawa ang  pagkabalasubas mo!

 

(Naglabasan ang mga kapitbahay na nabulahaw dahil sa sigaw ng babaeng nagwawala. Dinig na dinig nila ang mga pinagsasabi nito pati na ang tungkol sa dalawang Bombay na naniningil din at nakasabayan niya noong huling hanapin siya nito. Para mapatahimik ang babae, nag-issue ang Misis ng post-dated check, subali’t nagpagawa pa rin ng kasulatan ang naniningil na kailangang mapirmahan din ng presidente o maski sinong opisyal ng homeowners’ association ng subdivision. Pagkatapos ng pirmahan, isinama ng babaeng naniningil ang Misis sa isang abogado upang ma-notarize ang kasulatan. Ang nilalaman ng kasulatan ay ang pagpayag ng Misis na kukunin ng babaeng inutangan ang kotse nito kapag hindi  nagkabayaran sa petsang ipinangako. Two days after, umalis ang katulong at driver, nabahala na baka hindi sila maswelduhan dahil nabisto nilang hindi na pala ito nakakabayad ng mga utang. Ikinuwento ito ng isa kong malapit na siya ngayong boss ng driver ng Misis na mayabang. Ininterview kasi niya ang driver tungkol sa pinakahuli niyang trabaho at kung bakit siya umalis, maski pa rekomendado ng kaibigan namin, bago niya  kinuha bilang driver. Sinabi pa pala ng driver na sa sala ng dati niyang among Misis ay may mga larawan ito na kasama yong kontrobersiyal na babaeng naka-detain sa isang “safehouse” sa Tanay at mga pulitiko. Pamilyar nga daw ang ilang mukha na kung minsan ay nakikita niya sa tv habang ini-interview..  Naihatid niya na rin daw niya ang dating amo sa isang party sa loob ng isang sementeryo sa Pasig … na ipinagtataka niya.)

 

 

 

 

 

The Eerie Silence of Legislators Over the Pork Barrel Issue

The Eerie Silence of Legislators

Over the Pork Barrel Issue

 

By Apolinario Villalobos

 

 

When before, legislators would scramble over each other to get media mileage, now they shy away from the cameras and reporters who cover the pork barrel issue at the Senate and Congress. They are afraid to be asked questions about the issue. Sign of guilt?

 

Not only one senator or congressman said on TV that they were approached by “brokers” or “buyers” of PDAF , but they did not bite the offer. Could it be because of the small SOP (commission), hence, they wait for better  offers to come by? At the Discovery, it is an open secret that some of these guys converge in a coffee shop, purportedly to discuss business or projects. Janet Lim Napoles occupies a whole floor of that building according to the whistle blowers. Coincidence?

 

If these elected officials knew long long time ago yet, about the “buying” of these funds by brokers, why did not one of them mention such in a privilege speech? In a “heroic” defensive speech of Jinggoy Estrada, lately, that boomeranged, one of the colors he gave to his material was the adage that if a person points an accusing finger at others, only the forefinger does such, while the four fingers point at himself. (His speech writer erred in this, because only three fingers point to the accuser…try the gesture). What was funny was that while he was right all along, he himself is guilty as his “confessions” would show, while ranting on his supposedly exposė. The best thing that he could have done was keep a low profile and not put up a stance of innocence. Unfortunately for him, because of what he did, those who were mentioned in his speech are now using all means to dig up his records of transactions that include acquisitions. Worse for Jinggoy, one by one, those whom he accused,  release statements that seem to justify themselves.  He has practically committed a self-destruction, ruining his bid for the next presidential election.

 

But one worth discussing in Jinggoy’s material is the so called Disbursement Acceleration Program (DAP) that he alleged to have been given by the President to those who vote for the conviction of Corona, months after the procedure was completed. While Malacanang is alleging that it is not a pork barrel, still others insist that as the money was given out based on the President’s “discretion”, it is a pork barrel that assumed a different name. As a last effort to bail itself out from this scandalous issue, the DBM explains that the money came from the savings of the national government. If so, why must the DBM release the money to the legislators who still allow implementing agencies to handle it when the COA is supposed to have already come out with their findings on the anomalous spending on questionable projects? Why was there no effort to stop it and what agency is supposed to stop it? It is sad that it needs an exposition by media before anomalies could reach Sandiganbayan or the Ombudsman, but still, acted on only when a formal complaint is filed by an “interested party”.

 

Again, if the DAP that involves an amount to the tune of more than a billion pesos constitutes the savings of the national government and given out with discretion by the President, why did he not think of the poor government employees whose hazard pays are not yet given them in view of the lack of savings by their respective agencies? Why did the President not think of the far-flung provinces that are in dire need of school rooms in view of the lack of DEPEd fund? Why did he not think of filling up the rank and file vacancies in government agencies that are now sacrificing the quality of their services due to manpower shortage? Why did he not think of the relocation areas where skeletons of row houses stand without piped water system and electric power installations? Why did the President not distribute the DAP among the government agencies in need of additional funds, instead of requiring the senators to submit a list of their “projects” to the DBM as a basis for allotment? There are many questions that now put the President in limbo. His credibility as a leader who espouses the “tuwid na daan” (straight path) is now doubtful. And to think that he is supposed to be surrounded by technocrats as advisers! His spokespersons are even making a fool of the whole nation with their nonsensical mumblings of hollow defensive statements to protect the image of the President.

 

When the lawyer of Enrile came out in public and released statements that put the former Chief of Staff of the legislator in a bad light to cover the latter, the lady concerned from where she is now, posted a biting retort via the social network – Facebook.  It was a very great professional stumble that the lawyer has committed. Imagine presuming that the lady will not react as she is out of the country already! Now, they must be pulling their hair for such mistake, as the Department of Justice is contemplating on getting the support of the lady as a state witness against Enrile.

 

The popular joke now is that during the time of Marcos, the SOP (read: commission) is 30% for him, while the 70% goes to the project. But now, it is different, it is 70%-30%, the bigger share going to the legislator, and the smaller chunk going to the broker who either pockets the entire amount or allot a very insignificant share for the project resulting to underdelivery or delivery of substandard materials. But the big difference is that while during the time Marcos there were clear evidences of project implementation, today, the projects are only on papers. I would reiterate that this is a joke, a typical outpouring of Filipino humor to cool off varied boiling emotions. A friend who works now as an auditor of COA somewhere in the far south told me about his discoveries, such as, a multi-purpose building project that required a consultant and for almost one year now, the project is still a project – still going on! He also mentioned about threshers (kuliglig) that shine in their bright colors as if newly delivered, but gives out a loud almost explosive noise when the engine is turned on. He discovered that while the body is new, the engines are second hand from China!

 

I know of a friend who conducts research on the “needs” of government agencies. As soon as he came up with one or several, he would approach a concerned agency and convince the latter about the necessity of the project or projects. My friend does the solicitation for funds by approaching implementing agencies or go straight to legislators whom he know. Of course, he gets a significant chunk of the fund.

 

For the legislators to say that it is not their job to check on the projects is unacceptable. Common sense dictates that copies of all pertinent papers about the projects including completion or liquidation reports should be furnished them to “close” the projects which they funded. These papers should be on top of the earlier disbursement papers that they signed. That is the reason why they have staff – people who are paid by the peoples’ tax. Their staff are supposed to be checking on these projects if indeed, they were  properly implemented. That is the only way that they can justify their disbursements. Most especially, as a way of protecting themselves later on. Now that the bomb has exploded on their faces, they are fumbling for supporting papers and blaming agencies and LGUs for loopholes.

 

What is clear now is that there are no standard operations procedure manuals that should guide all the government agencies to ensure that there is harmonious co-operation among them. I remember Senator Miriam Defensor asking the head of the National Penitentiary for their operating manual when an investigation was conducted on their negligence resulting to the “escape” of a big time convict. Also, in an interview on TV the new lady Chief Justice said that among her priorities is to manualize their procedure. It is unfortunate to note that there is even no coordinative protocol among agencies. Interviews on TV show some officials saying that they came to know about certain decisions by this and that office from papers! What happened to the telephones, cabled and cellulared, as well as,  fax machines? For any activity in the government, concerned agencies are supposed to be “furnished” with copies of papers involved. The flow of activity should point to agencies along the way that are involved and their expected actions to be taken. Is there a written procedure on this? How sad that most often, mediamen get the ire of officials who claim that they were misquoted if something gets wrong along the way.

 

It is no surprise, therefore, that the check and balance within the government system is very very weak …..or, perhaps, not existing at all? For how can a simple businesswoman who started her business by supplying government offices with ballpens and other office items could gyp the government manned by so called economists, managers, accountants, lawyers, Ph. D. holders from state universities, Harvard graduates – all so called technocrats? She has practically bloomed into a big time manipulator of government fund, so they say, or is she? Is she not just being used as a scapegoat? For, where did she get the idea of systematic manipulation if she was not “told” of the loopholes in the way government funds are allocated? Who told her or who practically gave her instructions?

 

It is only in the Philippines that millions of pesos can be withdrawn from a commercial bank so easily, stashed in a box or bag and brought home by the driver, received by the maid, then stacked in a bath tub! All done under the very noses of the so-called government “gurdians”! These allegations are supposed to be under investigation, yet, the evidences are as clear as day. Of late, the Senate President, Franklin Drilon adamantly refuses to issue a subpoena to Janet Lim Napoles for her appear in Senate. Why?

 

Meanwhile, the silence that pervades the halls of the Senate and Congress is eerie, sickening…but, for how long?  When shall the guilt be melted by remorse? Can the Filipinos still hope for justice?