On Squatting…Again

ON SQUATTING…AGAIN

By Apolinario Villalobos

 

THE LOCAL GOVERNMENT UNITS, PARTICULARLY, THE BARANGAYS SHOULD BE BLAMED FOR THE PROLIFERATION OF SQUATTERS AS ONLY THEY, ARE THE ONES IN DIRECT CONTACT WITH THE LATTER. INDIRECTLY, THE NEXT LEVEL OF LGU – TOWNS AND CITIES CAN BE BLAMED, TOO. PART OF THE REGULAR  REPORT OF BARANGAYS SHOULD BE THE PRESENCE OF SQUATTERS IN THEIR AREAS AND WHAT THEY ARE DOING ABOUT THEM. AND, THE MUNICIPAL AND CITY GOVERNMENTS SHOULD POUND THE BARANGAYS FOR THEIR INACTION.

 

THE BARANGAY SHOULD IMMEDIATELY PUT A STOP TO ANY ATTEMPT OF SQUATTING. UNFORTUNATELY, IT IS NOT BEING DONE SO THAT IN TIME, THE SMALL CLUSTER OF MAKESHIFT HOMES BECOMES ANOTHER BARANGAY BASED ON POPULATION.

 

WHAT IS THE DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) DOING ABOUT THE IRRESPONSIBLE LOCAL GOVERNMENT OFFICIALS?….NOTHING!!!

 

THE DILG AND OTHER CONCERNED AGENCIES, ONE OF WHICH IS THE DSW, WAIT UNTIL THE SQUATTING PROBLEM HAS COME TO AN UNCONTROLLED LEVEL BEFORE THEY ACT BY DEMOLISHING HOMES AND RESETTLING INFORMAL SETTLERS TO RELOCATION SITES THAT ARE NOT FIT FOR HABITATION DUE TO THE ABSENCE OF BASIC FACILITIES AND SAFE ROADS THAT THE UPROOTED CITIZENS  AND THEIR CHILDREN COULD TAKE TO THEIR JOBS AND SCHOOLS  IN THE URBAN AREAS WHERE THEY CAME FROM.

 

THIS PROBLEM IS “HISTORIC” IN NATURE, AS IT HAS BEEN GIVING THE GOVERNMENT A HEADACHE SINCE THE COMMONWEALTH DAYS OF THE COUNTRY….BUT, OF COURSE, THE BLAME NATURALLY GOES TO THE IRRESPONSIBLE OFFICIALS, AS EARLY ON, CUDDLING OF SQUATTERS FOR THEIR RELEVANCE DURING ELECTION HAS BEEN A CORRUPT TRADITION.

 

TOTAL ELIMINATION OF SQUATTING SHOULD NOT FORM PART OF DUTERTE’S PROMISES TO THE FILIPINOS AS THIS CONCERN IS A WORLD-WIDE PHENOMENON THAT HINGES ON POVERTY, ESPECIALLY, IN THIRD-WORLD COUNTRIES LIKE THE PHILIPPINES. DUTERTE SHOULD PROMISE ONLY DOABLE PROJECTS TO MAKE HIM A “REALISTIC PRESIDENT”….NOT A QUIXOTIC OR A DREAMING ONE.

The Dismal Failure of the “Resettlement” Program for Informal Settlers in Manila

The Dismal Failure of the “Resettlement” Program

for Informal Settlers in Manila

By Apolinario Villalobos

While the effort of the government to “save” Manila’s informal settlers from the danger of their abodes on the banks of esteros, underneath the bridge and unhealthy, as well as, filthy slums, is commendable, the sincerity is questionable. Where is sincerity in the promise about comfort in these resettlement areas that have no water facilities, lighted roads, public transportation, and electricity? To give a raw impression of these projects, footages of “comfortable” life in these areas are shown on TV, though it is purported that they consist just a very minimal percentage of completed units. The resettled families have no choice, but be resourceful to make the “shell” that the government call “house”, comfortable, rather than wait for the agency people to tell them that that at least, they need not worry about any demolition.

The resettled people worked in Manila business centers such as Divisoria, Sta. Cruz, Quiapo, Intramuros, Port Area, Malate, and Ermita, as well as airport terminals in Pasay City, and Makati. Some were paid the minimum wage. The rest were on daily contracted rates which were way below the minimum such as those working in stores and mall shops, in restaurants as waiters, cooks and waitresses. Some were junk collectors that rummage city dumps. Some were porters in piers and airport terminals, and still some were janitors, street sweepers, and part-time housekeepers. Their children went to schools which were walking distance away from their makeshift homes. Before the resettlement, the working members of the family already had barely enough daily fare, so that some walked to their job sites, making do with just biscuits for lunch. And then, they were forcefully resettled in the middle of school year, cutting short the studies of their children. Resettlement areas are in far off Bulacan, Cavite, Laguna and even Batangas. After the resettlement, most working members of the family quit their job for lack of daily fare to work.

Where is sanity in this supposedly “humane” program of the government? At times, even the rain could not stop the demolition of the makeshift homes, leaving the hapless families shivering, soaked to the bone, wet and hungry, crying their heart out while witnessing the tearing apart of their home that they painstakingly built out of salvaged tins and boards.

Cleared areas give way to malls and condos put up by foreign investors. Some are left as is – vacant, and just fenced in with barbed wire. The esteros or waterways that get cleared of shanties become clogged again by the waste from the upper portion of the Pasig river… floating on the stinking and murky water that flows out to Manila Bay, And the reason?… inconsistent cleaning and monitoring by authorities!  Yet, the government blames only the squatters for the perennial overflowing of these esteros! How about the factories and “legal” homes along the rivers which are also responsible for the waste and garbage that clog these waterways?

Meanwhile, the families in the pathetic resettlement areas try to survive on sweet potato leaves, kangkong, malunggay and wild indigenous vegetables, to go with their daily gruel of NFA rice. Some teen-aged daughters whose studies were cut short, try to help their family by trekking to nearby towns to work in market stalls and small eateries at Php100 a day. Mothers who used to gather vegetable trimmings in Divisoria to be sold on sidewalks or as part-time laundress near their former shanties in the city are left with nothing to do. Their husbands on the other hand cannot afford the more than three hundred pesos fare to their former jobs as porters at the port area and busy city wet markets.

As a last resort, desperate families sell the rights to their “home” and go back to where they came from to start another stage of survival. The government and the agency concerned seem blind to this vicious cycle as a result of their program that lack long-ranged planning. They thought that the solution to the urban squatting problem ends in the resettlement of the families. They forgot that the roof over the head is not just the basic need of man in order to survive. They forgot that such man has to work and earn in order to eat and do other endeavors to better his life, such as go to school.

What the government obviously wants are the numbers that they can print on reports about “rehabilitated” indigent Filipinos! Something for the world to see, that, indeed, poverty in the Philippines has been reduced!

Ang Mga Maralita sa mga Lunsod at Malalaking Bayan…dapat unawain

Ang mga Maralita sa mga Lunsod

at Malalaking Bayan…dapat unawain

ni Apolinario Villalobos

Maraming nagagalit sa mga maralitang kababayan nating nakatira sa malalaking bayan at lunsod. Nakakaperhuwisyo nga naman dahil ang mga barung-barong nila ay nakatirik sa tabi ng mga daluyan ng tubig, mga tambakan ng basura, mga gilid ng pader, ilalim ng tulay, mga abandonadong gusali, at mga bakanteng lote. Kapag dumami na sila, mahirap namang kontrolin kaya naging taguan na rin ng mga kriminal at adik ang kanilang lugar. At, lalong nakakaasiwang makita sa mga lugar na ito  ang mga tin-edyer na ina na may mga kargang sanggol. Sa kanila ay maraming nagagalit na mga nakatira sa maayos na tirahan – condo, apartment o single unit na bahay, dahil nakakasira daw sila ng tanawin!

Subalit kung lilingon tayo sa kasaysayan, kahit pa noong wala pa ang mga Kastila, nagkaroon na talaga ng pagkakaiba sa uri ng pamumuhay sa pagitan ng “may kaya” at “mahirap”. Ang “datu” system ng ating mga ninuno ay patunay na noon pa man ay mayroon na nitong uri ng mga pamumuhay. Nang dumating ang Kastila, lalong tumindi ang kahirapan dahil mistulang naging alipin ang ating mga ninuno sa sariling bayan. Nang umalis ang mga Kastila, ang mga katutubong nilahian nila na naging mga asyendero o yumaman sa ibang paraan ay lalong nagpalala sa kalagayan ng mahihirap, kaya lumalabas na mismong mga kababayan na ang nagpahirap sa kanila. Nang dumating ang mga Amerikano at kahit nagkaroon pa ng kasarinlan ang Pilipinas, wala ring nangyari sa problemang ito dahil nagkaroon naman ng korapsyon sa gobyerno na nagpalala pa ng kagutuman, resulta ng pagyaman ng iilan at lalong paghirap ng marami.

Sa makabagong panahon naman,  “tinakasan” ng mga maralita ang mahirap nilang kalagayan sa mga probinsiyang nawalan ng katahimikan dahil sa labanang nagaganap sa pagitan ng pamahalaan at kung hindi man mga bandido ay mga taong may adbokasiyang Komunista. Kung hindi man sila naipit ay kinutungan sila, ganoong halos wala na nga silang makain.

Sa mga iskwater ng mga lunsod na kanilang binagsakan,  may natutulugan sila kahit sa ilaim ng kapirasong tarpaulin man lang at kung magsipag lamang na mamagpag ng mga itinapong pagkain sa basurahan ng mga restaurant, o mamulot ng mapapakinabangang basura ay mabubuhay sila. Ang nakakalungkot lang ay niloloko pa rin sila ng mga opisyal ng bayan o lunsod na nakakasakop sa kanilang tinitirhan dahil napapansin lamang sila bilang mga “boto”tuwing eleksiyon, hindi tao na may buhay. Niloloko sila ng mga sindikatong bugaw kaya ang mga tin-edyer na babae man o lalaki ay napapasubo sa pagbenta ng laman. Dahil sa pangangailangan, ang iba ay pumayag na maging “runner” o tagahatid ng mga binibentang illegal na gamot. Ang mga gustong magkapera agad dahil sa tindi ng pangangailangan ay nahahatak naman sa gawaing pagnanakaw.

Hindi nila kasalanang mapunta sa mga kalagayang nabanggit, dahil mula pa man sa kanilang pinanggalingan, sila ay biktima na ng pang-aapi. Hindi sila abot ng mga programang sinasabi ng gobyerno tulad ng maayos na edukasyon. Wala ring suporta sa kanilang mga maliitang pinagkikitaan. May mga naitanim nga at naani subalit dusa naman ang paghatid sa bayan, at kung makarating man, binabarat pa. Kaya ang kilo-kilometrong nilakad nila na ang karga ay isang sakong kamote halimbawa, ang katumbas ay wala pang dalawang kilong bigas! May mga tumatawid pa sa ilog dahil ang tulay na ipinangako ng mga nangangampanya tuwing eleksiyon ay hindi naman natutupad. Ang mga farm to market road naman ay hanggang drowing lang dahil wala ring nagagawa pagkakuha ng budget ng mga pekeng NGO sa pakikupagkutsabahan nila sa tiwaling mga taga-gobyerno.

Hindi dapat maliitin at ituring na masama ang mga kababayan nating nakatira sa mga iskwater dahil sa kasabihang walang sinumang may gustong ipanganak na mahirap. Sa mundong ito, nag-unahan lang sa pagkamal ng pera ang mga tao, kaya maswerte ang naging mayaman dahil sa ibayong pagsisikap. Yon nga lang, ang iba ay gumamit ng hindi magandang paraan. Minalas mang nakapagmana ang karamihan ng kahirapan, hindi nila gusto ito…ni hindi nga nila ginustong ipanganak sa mundo!

Sino ba ang may gustong magutom, mauhaw o maglakad ng nakayapak o hubad sa mundo?

Lord…Help Us!

Lord…Help Us!

(a prayer of hope and remorse)

(inspired by Glace Tecson Lapuz-Fernandez)

 

By Apolinario Villalobos

 

With all the turmoil that beset our country

Nagpapataranta sa amin, kaya hindi mapakali

Lost in the murky depth of confusion, we pray

Tulong mo, Lord…dumating sana… baka sakali.

 

From the plague of diseases, killings… spare us

Sana man lang, gigising pa kami na ligtas bukas

The gnawing pain of poverty that makes us lean

Sa tulong mo, Lord…lahat ito, pilit naming titiisin.

 

From the greed of others, our rights they trample

Kaming mahihirap, nagdarahop, kanilang iniismol

They squash our precious honor and sip our blood

Tulong mo, Lord…puksain itong mga linta’t higad.

 

From the painful lashes that Mother Nature gives us

Hindi na kami makagulapay, hanap sa sugat ay lunas

We know, we erred…with regrets, we bow and pray

Tulong mo Lord…sa amin iparating…kami’y nagsisisi!

 

Lord…Help us!

 

(The inspiration to write the prayer, came when I viewed the disgusted feeling of Glace which she expressed in three words, “Lord, help us”…as a comment to the photo of contrasting houses of opportunists and informal settlers.)

Ang Magagawa ng Gobyerno at Mga Mambabatas…suhestiyon lang naman

Ang Magagawa ng Gobyerno

at Mga Mambabatas….suhestiyon lang naman

Ni Apolinario Villalobos

 

Para sa isang third world na bansa tulad ng Pilipinas, ang hinahangad lamang ng mga mamamayan ay magkaroon ng maayos na trabaho, sapat na sweldo, mga presyo na abot-kaya, malinis at mapayapang kapaligiran. Ang pamahalaan naman, hindi na dapat mag-isip ng mga kung anu-anong hindi makatotohanang adhikain at proyekto upang umangat ang antas ng kalidad ng buhay-Pilipino. Sa ganang ito, ang mga sumusunod ay suhestiyon lamang:

 

  1. Ibalik sa pangangalaga ng pamahalaan ang pamamahala ng langis at mga produkto nito dahil napatunayan nang hindi maganda ang kinahinatnan ang deregulation.
  2. Ibalik sa pangangalaga ng pamahalaan ang pangangasiwa ng pailaw at patubig dahil nadanasan ang hirap nang isa-pribado ang mga ito.
  3. Kumuha ng mga talagang “managers” na may angkolp na kaalaman sa pagpapatakbo ng mga ahensiya at hindi mga taong pinagkakautangan ng loob nang nakaraang eleksiyon. Dapat ituring ang buong bansa na isang malaking “kumpanya” na ang nagpapatakbo ay isang bihasang “manager” – ang Presidente. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng propesyonalismo sa bawat tungkulin.
  4. Ayusin at i-update ang mga operating manuals ng lahat ng mga ahensiya para malaman ng mga kawani kung ano ang dapat nilang gawin sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon. Napansin na kung kaylan may problema ay saka pa lamang naghahagilap ng mga memo o dokumentong pagbabasehan ng mga karampatang aksyon at solusyon
  5. Gumawa ng isang mega-operating manual na ang mga sentro ay Malakanyang, Hudikatura, Kongreso, at Senado. Sa ganitong paraan ay hindi magtuturuan kung sino ang nagkamali at kung saan ang pagkakamali. Kalimitan, walang maayos na koordinasyon ang apat na itinuturing na mga haligi ng bayan.
  6. Damihan ang mga barko at helikopter ng Philippine Navy na dapat ay naka-deploy sa mga major na daungan ng bansa upang mapabilis ang pagresponde sa mga pangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad. Nakita ang kakulangang ito ng Pilipinas noong hagupitin ng bagyong Yolanda ang Leyte at Samar, dahil dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos humagupit ang bagyo ay wala pa ring dumating na tulong sa mga tao. Dapat alalahanin na ang Pilipinas ay isang bansa na binubuo ng mga isla. Hindi kailangan ang mga eroplanong pandigma kung ito ang binabalak ng gobyerno upang mapangalagaan ang karapatan ng Pilipinas sa mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea, dahil wala ring magagawa ang mga ito sa mga dambuhalang gamit ng Tsina.
  7. Bigyan ng insentibo sa pamamagitan ng subsediya at tulong teknikal ang mga Pilipinong imbentor. Pangunahan din ng gobyerno ang pagbili ng mga imbensyon nila. Magtalaga ng isang permanente at malaking showroom ng mga imbensyong Pilipino na madaling puntahan ng mga mamamayan, lalo na ng mga neyosyante.
  8. Palabasin mula sa mga aircon na opisina nila ang mga Municipal at City Administrators upang personal na mag-check ng kalagayan ng kanilang nasasakupan, upang hindi lang umasa sa mga dinadayang report ng mga field workers. Hindi isinasama sa mga report ang mga palpak na contracted projects na hindi maayos ang pagkakagawa lalo na ang mga drainage at kalsada. Hindi rin isinasama sa mga report ang mga manhole na ginawang basurahan. Isama pa rito ang mga establesimento na nagpapabaha ng mga bangketa kung maglinis sila ng pwesto, kaya may mga taong nadidisgrasya dahil sa pagkadulas, at mga tulay na ginawang palikuran. Mga maliliit na bagay ito kung ituring subali’t kapag pumutok ay yumayanig sa kredibilidad ng pamunuan ng mga lokal na pamahalaan.
  9. Gawin sa paraang incognito o hindi halata ang pag-iinspeksyon ng mga palengke upang mahuli ang mga nandadayang negosyante pagdating sa presyuhan.
  10. Bilhin ang mga matitibay na mga pasilidad na pang-ilaw sa mga kalsada, tulay at iba pang nakatiwangwang na mga lugar, hindi yong makukulay at magaganda nga ay plastic naman kaya, isang bagyo lang ang dumaan ay warat na.
  11. Magkaroon ng batas na magbabawal sa mga lokal na pamahalaan sa wala nilang patumanggang pagpalit ng mga simbolo at kulay sa mga bayan o lunsod, ayon sa kagustuhan ng bagong nanalong mayor, na nagiging dahilan ng pagkalito ng mga tao.
  12. Palakasin ang mga ahensiya na may kinalaman sa pagpapalago ng small at medium businesses, at pagsasaka, upang mapatatag ang pundasyon ng mga ito na siyang magsusustina sa mga Pilipino sakaling hindi na bagsakan ang bansa ng mga produktong galing Tsina, sakaling lumala ang alitan dahil sa pinag-aagawang mga isla.
  13. Magpasa ng batas upang ang mga Pilipinong maski 50 taong gulang na o mas higit, pero malakas pa, ay mabigyan ng pagkakataong magtrabaho. May mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga senior citizens upang magtrabaho tulad ng MMDA, pero hindi ito sapat.
  14. Ibalik ang dating sistema sa edukasyon na paggamit ng mga libro sa tradisyonal nitong ayos, at hindi pormang workbook, upang magamit pa ng iba. Ang pormang workbook ay may mga tanong- pagsusulit kada tsapter kaya hindi na nagagamit ng iba.
  15. Magtayo ng mga paaralan sa mga liblib na lugar ng Pilipinas, at palakihan ang mga nakatayo na upang madagdagan ang mga kwarto. Lagyan din sila ng maayos na mga palikuran.
  16. Ayusin ang mga sirang parola o lighthouse sa mga isla at maglagay sa mga baybabayin na wala nito upang matulungan ang mga maglalayag, lalo na ang mga mangingisda.
  17. Magtayo ng mga istruktura para magamit na palengke o talipapa sa mga liblib na bayan o malalaking baryo.
  18. Seryusuhin ang pag-aaral tungkol sa isyu ng basura.
  19. Magkaroon ng makatotohanang gamutan sa mga barangay. May mga nurse nga, wala namang stock na mga gamot.
  20. Rebisahin ang kabuluhan ng mga ahensiya upang malaman kung alin ang mga inutil at walang silbi upang hindi na kumain pa ng budget mula sa kaban ng bayan.

 

Kung ang mga mambabatas at ang pamahalaan ay kumikilos ayon sa inaasahan ng mga taong bayan, wala sanang nangyayaring pagmamartsa sa kalye ng mga taong sumisigaw at nambabato ng paninisi sa kanila. Wala nang naniniwala sa mga report ng maski anong international na grupong bihasa daw sa estatistika dahil ang pinagbabatayan nila ng kanilang report ay mga dinayang report ng mga ahensiya upang mapagtakpan ang mga kakulangan ng pamahalaan. Ang kailangan ng bansa ngayon ay totoong mga lider at mga mambabatas na hindi inakala ng mga botante nila na magiging kurakot at mahihina pala pagdating sa paggawa ng makatotohanang desisyon.