Ang Panukala tungkol sa mga Kabataan…kinopyang ideya, kaya sobrang palpak!

Ang Panukala tungkol sa mga Kabataan
…kinopyang ideya, kaya sobrang palpak!
Ni Apolinario Villalobos

Sa kakokopya ng mga mambabatas ng mga batas na umiiral sa Amerika, lalo na ang mga tungkol sa kabataan, nakalimutan nilang iba ang kultura ng Pilipino sa Amerikano.

Sa kultura ng Amerikano, kapantay, kung ituring ng mga kabataan ang matatanda kahit pa ang mga ito ay magulang nila. Mayroon pang tumatawag sa magulang ng first name nito. Ang ugaling ito ay lalo pang pinalala ng mga batas nila na may kinalaman sa pagdisiplina ng kabataan, kaya kung sawayin ang mga kabataan nila, kahit ang mga walang muwang ay dapat sa salita lang. Hindi sila pwedeng saktan kahit bahagya, dahil sa kulungan ang bagsak ng nanakit na magulang. Nagagawa tuloy ng mga kabataan doon na sumagot ng pabalang-balang sa kanilang mga magulang at may pananakot pang magsusumbong sila sa pamahalaan o tatawag sa 911 kung sila ay sasaktan, kahit malinaw namang may kasalanan sila.

Sa Pilipinas, maganda na sana ang paraan sa pagdisiplina ng mga kabataan dahil kung lumabis naman sa pananakit ang magulang ay maaari silang isumbong ng kapitbahay o maski sino, sa Barangay, at pwedeng ideretso din sa pulisya dahil may naka-assign namang desk upang mag-asikaso sa ganitong problem na itinuturing na hindi pangkaraniwan. Mula’t sapul, ang ganitong paraan ay katanggap-tanggap na, subalit may gustong magpa-istaring na mambatatas, kaya naisipan niyang gumawa ng panukala, kinopya naman…hindi original.

Sa pagdisiplina, hindi maiwasang saktan ng magulang ang anak lalo na ang mga paslit na hindi pa alam kung ano ang tama at mali. Hindi rin nila masyadong nauunawaan ang mga paliwanag kung sabihin sa kanila, kaya ang paraan lamang upang ipaalam sa kanila na mali ang kanilang ginagawa ay saktan ng bahagya.

Mahalagang matanim sa isip ng mga paslit o madanasan nila ang “katumbas” ng bawa’t maling gagawin nila. Halimbawa, malalaman lamang ng isang paslit na nakakapaso ang apoy sa sandaling hahawakan niya – isang karanasan na hindi na niya uulitin. Kailangan ding saktan ng bahagya ng magulang ang pasaway na paslit sa pamamagitan ng palo sa puwit upang ipabatid, halimbawa, na mali ang ang pagdumi kung saan-saan lang sa loob ng bahay, na susundan pa minsan ng pagsubo nito ng kanyang dumi.

Hindi maganda ang magiging resulta ng bagong batas dahil lalo lamang nitong palalalain ang nasisira nang disiplina ng mga kabataang Pilipino na nalulublob na sa masamang impluwensiya ng makabagong teknolohiya, mga bisyo tulad ng droga, sigarilyo, alak, at barkada.

Kahit kaylan, walang mabuting nagawa ang ibang mga mambabatas. Hindi nila pinag-iisipan ang mga ginagawang panukala, masabi lang na may nagawa sila – pantakip sa kanilang korapsyon!

Ang Pagsi-share ng mga Ideya sa Iba…sa pamamagitan ng blogging

Ang Pagsi-share ng mga Ideya sa Iba
…sa pamamagitan ng blogging
Ni Apolinario Villalobos

Marami na ang nagtanong kung saan daw ako kumukuha ng mga ideya upang i-develop at mai-share sa iba sa pamamagitan ng blogging. Ang sagot ko ay marami akong pinagkukunan, tulad ng mga nabibitawang salita ng kausap ko, mga nakikita ko sa paligid – bagay man ito o pangyayari, mga napapanaginipan ko, mga nakaka-inspire na ginagawa ng ibang tao, Bibliya, at lalo na diksiyonaryo kung saan ay maraming salita na relevant para sa isang paksa.

Alam kong kaya rin ng iba ang ginagawa ko, pero sa sarili nilang style. Ang problema lang ay takot silang maglabas at baka sila ma-criticize, dahil baka daw mali ang English at Tagalog, ang paglagay ng kudlit, ng tuldok, etc. Hindi dapat ganoon ang attitude. Ganoon pa man, marami pa rin akong nadidiskubre na magaling, gamit ang kanilang style tulad ng isang taga-UP na follower ko sa isang site. Akala ko ay estudyante dahil boyish ang mukha, pero yon pala ay may Doctor’s degree! Akala ko pa ay nagri-review lang ng mga librong binibenta niya sa internet, yon pala ay book writer na kinapapalooban ng mga isinulat niyang blogs sa sarili niyang style – mga ilang linya na nakakatawa pero may malalim na mensahe between the lines….yon lang! Inipon niya upang maging libro.

Marami nang Pilipino ang hindi gumagamit ng “diretsong” Tagalog, maski nga sarili nilang salita sa probinsiya. Ang Tagalog ay may halo nang mga English na salita, inispel lang sa Tagalog. Ang Bisaya ay may mga Tagalog na ring salita, pati na ang ibang dialects. Ganoon na kayaman ang ating wika at mga regional dialects kaya ang Pambansang Wika ay tinawag na ring Filipino, subalit hindi pa rin maiwasang matawag sa dati na “Pilipino”.

Ang English ay ganoon na rin…marami na itong hybrid na mga salitang modern kung ituring, lalo na kung mga Pilipino ang gumamit. Halimbawa ay ang hindi na pag-conjugate sa ibang salitang verb. Tulad ng salitang “invite”….sa halip na sabihing, “thank you for the invitation”, ay sinasabi nang “thank you for the invite”. Kung dati, hindi pwedeng umpisahan ang sentence ng “and”, ngayon ay pwede na. Kung minsan sa halip na gumamit ako ng “at”, ang ginagamit ko ay tatlong tuldok na magkakasunod. Inuumpisahan ko rin kung minsan ang sentence ng tatlong tuldok upang palabasing dramatic at bitin ang sentence.

Pero, kung hindi talaga maiiwasan ang pagkakamali ng spelling, pwedeng idahilan na lang ang palyadong keyboard ng computer, lalo na kung nagsusulat sa Tagalog dahil pinipilit ng computer na ispelingin ang ibang salitang Tagalog sa English kaya dinudugtungan nito ng mga letra. Kaya kung minsan sa pagmamadali ko ay nakakaligtaan ko tuloy na balikan upang ayusin ang mga salitang dinugtungan ng computer ng iba pang letra upang mabasa sa paraang English!

Huwag ikahiya ang sariling style sa pagsulat. Yong isang kaibigan kong nasa Amerika, kung mag-blog, dire-diretso, kung baga sa driver ay pag-jingle lang ang pahinga. Pero marami ang nag-aapreciate dahil kung sa isang bulsa ay namimintog sa laman ang mga bina-blog niya. Maingat din siya sa mga ginagamit na salita dahil refined ang kanyang pagkatao. Kung minsan pa nga ay cellphone lang ang gamit niya sa pag-blog pero dahil sa tiyaga ay nairaraos niya ang kanyang passion na mag-share. Ayaw lang niyang ipabanggit ang pangalan niyang “Ding”, kaya nga ingat na ingat ako at baka magalit siya sa akin!….oooppppps!

Ang mga blogger ay nagtutulungan sa isa’t isa sa pamamagitan ng “sharing” o paglilipat ng blogs ng iba sa sarili nilang site. Kaya huwag isiping ito ay pangongopya o plagiarism. Ang paghanap ng makabuluhang blog upang maipamahagi ay binabatay sa isip o ideya ng nagsi-share. Dahil gusto ng nag-share ang nai-share niyang blog, para na rin niyang ideya ito – naunahan lang siya ng iba. Kaya nga may expression na, “…ah, oo nga ano!”. Para bang binuhay lang ng nai-share niyang blog ang “natutulog” na ideya sa utak niya. Ganoon lang…kaya sa mga nagsi-share, ituloy nyo lang!

Ang pagla-like ng blog ay tanda ng pakiki-ayon kaya lumalabas na ang nag-like ay siya na ring gumawa ng blog, lalo na ang nag-comment upang ma-enhance o ma-improve ang blog. Ibig sabihin may mga ideyang hindi nailabas ng blogger na nasa isip ng commentor…na lalong ikinaganda ng blog!

Kung hindi naman mahilig magsulat, pwede na ring i-share ang mga nilulutong pagkain upang maturuan ang viewers na walang alam gawin kundi kumain, at upang hindi alipustahin ng mga mister na naghahanap ng mga pagkaing lutong-bahay. Maganda ring i-share ang mga litrato ng masasayang yugto ng buhay – nakaraan man o kasalukuyan lalo na ng pamilya, upang ipaalam sa iba na mahalaga sa buhay natin ang magpakita ng pagkakuntento sa ibinigay sa atin ng Diyos.

Ang ibang bloggers ay nagsi-share ng mga kaalaman sa kalusugan, pagkain, mga bakasyunan, hotel, at marami pang iba tungkol sa buhay ng tao. Ano pa nga ba at dahil abot-kamay na natin ang isang instrumento upang makatulong sa kapwa, dapat ay huwag nang palampasin pa ito.

Ideas Are not Owned by Writers Alone

Ideas Are not Owned by Writers Alone

By Apolinario Villalobos

Ideas that suddenly crop up in blogs are not owned by the writers alone. They are also ensconced in the minds of others, waiting to be tapped. It just happened that there are some people – the writers, who happen to bring them out ahead of others. Writers are just articulators of ideas that are innate in all of us. It just happened that they have the nerve to do so. Others may already be thinking about them but are hesitant to bring them out. While others are made aware by the blogs that they have the same ideas in their mind, only, they did not give them much attention.

The writer who comes out with ideas can be helped by others through comments, be they negative or positive. Negative comments do not mean that the commenter is mad at the writer, as the written ideas are the issue, not the writer. Also, those who are harboring the same ideas should not feel bad because others beat them in the posting.

Expression of ideas should not be competitive, as proving who writes the best dissertation. Writers should treat each other as comrades in risks, enhancing each other’s works. If the commenter feels that what has been blogged is lacking or wanting in substance, he should enhance it by giving comments – for the sake of the readers. Writers should not be selfish as to keep information from the public and fellow writer, as these could be made as basis for the ensuing relevant additional information.

Most importantly, ideas that have been exposed by writers should be put into action if necessary by others who have encountered them. This is where role playing comes in. In other words, as not all can be articulate in writing, the others must be good in implementing. Also, if ideas found to be beneficial that have been exposed are worth sharing with others, let us not hold ourselves from doing the necessary action. However, it is expected that writers practice what they preach.

Finally, the popularity of writers, if indeed they become such, is just an incidental result of his effort, and should not be viewed as a big deal at all, because primarily, the objective in writing is to share or expose ideas for the sake of others.