Ang Buhay sa Probinsiya at Lunsod

ANG BUHAY SA PROBINSIYA AT LUNSOD

Ni Apolinario Villalobos

 

Maski saang bansa ay may mga iskwater o mga kapus-palad na nakatira sa kung saan-saang sulok ng lunsod. Hindi naiiba ang kalagayan ng Pilipinas pagdating sa bagay na yan. Nagkaroon ng kahirapan ang bansa nang magdatingan ang mga mananakop na Kastila at Amerikano dahil sa nangyaring pangangamkam ng mga lupain at panloloko sa mga nagtatrabaho sa mga lupain ng mga mangangamkam. Ang mga nahirapan ay nagsilikasan sa lunsod dahil kung hindi man nawalan ng lupang sinasaka, ang kinita nila sa pagiging “casique” sa mga tubuhan o “kasama” o tagasaka ng mga palayan at maisan ay hindi sapat upang mabuhay ang kanilang pamilya.

 

Ngayon, sa lunsod lang ng Maynila ay tumindi ang dami ng mga walang sariling lupa at bahay, o maski lupa lang na kapiraso upang matirikan ng barung-barong. Kung hindi man pag-aari ng pamahalaan ang lupang iniiskwatan nila ay pribadong lupain naman kaya kapag sila ay pinalayas, sa bangketa ang bagsak nila. Kung hakutin man sila sa mga relocation sites na itinalaga ng gobyerno, halos impiyerno din ang kanilang kalagayan dahil bukod sa walang pasilidad tulad ng ligtas na kalsada patungo sa sakayan ng bus o jeep, wala ring tubig at kuryente. Ang nangyayari tuloy, ay binibenta ng mga na-relocate and rights sa bahay at lupa na na-award sa kanila, lalo pa at hindi naman libre ito kaya binabayaran nila buwan-buwan.

 

Ang pagpili ng kalagayan sa pagitan ng probinsiya at lunsod ay parang tinatawag sa Ingles na pagpili, “ between the devil and the deep blue sea”….demonyo at karagatang malalim, na parehong may nakaambang paghihirap at kamatayan. Halimbawa na lang, ay:

 

  • Totoong pwedeng magtanim ng gulay sa probinsiya, subalit kung ibenta naman sa palengke ay binabarat kaya sa maghapon na pagtitinda, ang kinita ay hindi pa rin sapat para sa pangangailangan ng pamilya….kung makapagbenta, pero paano kung walang nabenta?
  • Masarap pakinggan na sariwa ang gulay sa probinsiya…pero hindi naman pwedeng araw-araw na lang ay talbos ng kamote, kangkong, upo, at iba pa ang kakainin dahil kailangan din ang isda kahit daing o tuyo man lang, kahit ang karne ay isang beses sa loob ng isang taon man lang. Paano ang asin, asukal, kape, bagoong, patis, toyo, mantika at lalo na ang bigas?…paano ang pag-aaral ng mga bata?
  • Sa probinsiya pwede na maski hindi mamasahe sa pagpasok sa eskwela o trabaho kuno. Paano ang mga nakatira sa mga liblib na baryo o barangay, kaya kailangan pang tumawid ng ilang burol o ilog bago makarating sa bayan?
  • Karamihan ng mga probinsiya ay hindi na tahimik dahil napasok na rin sila ng droga na nadagdag sa problema sa NPA at pangingidnap ng Abu Sayyaf na wala nang sinasanto. Kahit mga ka-tribung Tausug sa Jolo, Basilan, at Tawi-tawi ay binibiktima na rin. Dahil diyan, hindi nakapagtataka ang pagdagsa ng mga Badjao at iba pang mga kapatid na Muslim sa mga lunsod dahil ayon sa mga nakausap ko, ginagamit daw sila ng mga kidnapper.
  • Hini nagkakalayo ang presyo ng mga bilihin ng mga prime commodities sa pagitan ng Maynila at mga probinsiya. Ang pagkakaiba ay sa sweldo dahil hindi hamak na mas maliit ang suweldo sa probinsiya samantalang mahal ang mga bilihin. Samantalang sa Maynila, mataas ang minimum wage, at napapagkasya depende sa diskarte kung mamalengke, lalo na kung pairalin ang pagtitipid o sabihin na nating pangunguripot.

 

Dahil sa mga nabanggit, pagtatakhan pa ba kung bakit maraming nagtitiyagang tumira sa mga bangketa ng Maynila, na ang mga gamit ay nasa kariton upang kung saan man sila abutin ng gabi dahil sa pamumulot ng mga mapapakinabangan sa mga basurahan, ay doon na rin matutulog? Kahit papaano, sa maghapong pamumulot, may kikitain silang hindi bababa sa isang daang piso at nadadagdagan na lang ng “pagpag” o mga napulot na itinapong tirang pagkain sa basurahan ng mga restaurant,  o mga gulay na napulot sa tambakan ng mga palengke.

 

Marami akong nakausap na nakatira sa bangketa na nagsabing kahit papaano ay naigagapang nila ang pag-aaral ng mga anak, lalo na ang mga nasa elementarya man lang….bagay na mahirap gawin kung sila ay nakatira sa kabundukan ng probinsiya o liblib na barangay sa tabing dagat.

 

Ang mga taga-Tondong kaibigan ko at mga anak nila ay gumigising ng madaling araw upang mamulot ng mga itinapong gulay sa tambakan upang ibentang pa-tumpok nang sa ganoon ay may  pambaon ang mga bata sa eskwela. Sa probinsiya lalo na ang mga liblib, walang tambakan ng mga gulay na binibenta sa talipapa o maliit na palengke, dahil karamihan sa mga ito ay halos walang laman.

 

Kung ang mga nakatira sa mga bangketa ng Maynila ay hirap dahil sa kawalan ng kubeta, ganoon din naman sa probinsiya dahil ang ginagamit ay ang malawak na paligid, yon nga lang ay may matataas na talahib o mga puno na pwedeng kublihan. Sa Maynila naman ay “flying saucer” ang sistema….babalutin at ihahagis sa Pasig river o sa natatanaw na basurahan. Noon, ang mga tarantadong nakatira naman sa tabi ng riles ng tren ay pinapabiyahe pa ang “binalot” hanggang Laguna dahil sa bubong ng tren hinahagis ito, subalit nagawan ng paraan ng PNR…ginawang paumbok o pakurbada kaya hindi na flat ang mga bubong, resulta: ang itatapon sa mga bubong ay ii-slide agad pababa at hindi na madadala ng tren sa Laguna o kung saan pa mang destinasyon.

 

Ang bentaha ng mga taga-probinsiya ay kung namatayan sila dahil maluwag ang sementeryo at kahit papaano ay pwedeng ilibing agad ang mga labi ng namatay kaya walang problema ang mga walang perang panggastos sa lamay. Sa Maynila, nagkakatarantahan kapag kapus-palad ang namatayan dahil bukod sa mahal ang pagpapalibing ay marami pang mga hinihinging pangangailangan ang gobyerno upang magawa ito. Ang masaklap lang ay ginagawang negosyo ng mga tarantado at walang konsiyensiyang namatayan ang bangkay na pinapaupahan sa mga sindikato upang gamiting dahilan ng kung ilang buwang pagpapasugal! Yong isang kabaong na nakita kong pinasugalan ng tatlong buwan ay nagkaroon na ng tagas (katas ng gamot at naagnas na bangkay) at amoy!

 

Sa panahon ngayon, ang matatakbuhan na lang ng isang taong may natitira pang pananampalataya sa Diyos ay Siya na lang….at wala nang iba.

Dahil sa Pahabol na Dalawang Tulong, Nabuo ang Anim na Kariton para sa mga Kaibigan kong Scavengers

DAHIL SA PAHABOL NA DALAWANG TULONG

NABUO ANG ANIM NA KARITON PARA SA MGA KAIBIGAN KONG SCAVENGERS

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Nang mag-“clearing operation” ang Manila social workers ay maraming natutulog sa bangketa ang hinakot sa mga pansamantala nilang detention sites tulad ng Boys’ Town sa Marikina. Sa kuwento ng isang mag-asawa na may dalawang buwang sanggol, sapilitan ang ginawang paghakot – ang sanggol ay hinablot mula sa ina kaya napilitan itong bumaba mula sa karitong hinihigaan, nabinat at muntik pang mamatay. Kinumpiska ang kanilang kariton pati ang mga gamit, kasama ang sa sanggol. Ang nangyari sa kanila ay nangyari rin sa iba pang nakatira sa kariton.

 

Ang pinakamurang kariton ay nagkakahalaga ng Php1,700 kaya ang mga taong kinumpiskahan ay hirap sa pagkaroon uli. Sa ganitong kalagayan nang makilala ko ang unang apat na pamilyang nakilala ko, na nadagdagan ng dalawa pa. Pinarating ko ang kanilang problema sa ilang pinagkakatiwalaang kaibigan na nag-ambag ng pampagawa subalit ang nalikom ay para lang sa unang apat na pamilya. Mabuti na lang at may sumalong dalawa pang donor para sa pinahabol na dalawa pa.

 

Ang dalawang humabol sa pagbalikat ng gastos para sa dalawang kariton ay sina “Mr. F” at “Angel Baby”, ayaw kasi nilang magpabanggit ng tunay nilang pangalan. First time nilang magpaabot ng tulong sa ginagawa ko. Napag-alaman kong may sarili rin pala silang paraan sa pagtulong ng mga nangangailangan. Maraming natulungang ibang tao at kamag-anak si “Mr F”.

 

Si “Angel Baby” naman ay madalas din magbigay sa mga kapus-palad na kumakatok sa kanilang gate. Tuwing summer naman o bakasyon sa eskwela, ilang mga batang nakatira sa squatters’ area malapit sa kanila ang tinitipon niya sa garahe nila upang turuan ng mga Marian songs na pang-Flores de Mayo at pinapakain ng meryenda. Marami rin siyang mga nakalaang damit, sapatos at iba pa na hindi nila ginagamit, na maingat niyang itinatabi para sa mga naghahakot ng basura.

 

Ngayon, ang mga nabigyan ng mga kariton ay tuwang-tuwa dahil hindi na sila nahihirapan tuwing sila ay maglibot upang mamumulot ng mga mapapakinabangan sa mga basurahan. May lagayan na rin sila ng mga bagong naipong gamit, na dala-dala nila saan man sila makarating, subalit tuwing Sabado o Linggo ay bumabalik sila malapit sa lugar kung saan sila hinakot ng mga Social Workers noong mga unang ni Duterte bilang presidente.

 

 

 

Ang Genetically Modified Organism (GMO) at ang Buhay

ANG GENETICALLY MODIFIED ORGANISM (GMO)

AT ANG BUHAY

Ni Apolinario Villalobos

 

Malinaw ang sinasabing alamat sa Bibiliya na pinaniniwalaan naman ng marami na kung ilang beses ang pagsubok na ginawa ng Diyos bago tuluyang nakagawa siya ng tao ayon sa mga gusto niyang katangian nito. Sa ganang ito, ang hindi napansin ng mga taong may adbokasiya sa kalikasan ay ang katotohanang noon pa man ay ginagawa na ang mga pagbabago sa mga halaman na ang bunga ay pinapakinabangan ng tao hanggang ngayon. Ang hitsura ng mais noon ay hindi katulad ng mais ngayon dahil noon ito ay may iilang butil lang at maliit pa, samantalang ngayon, ito ay malalaki at puno ng butil. Ang mga kahoy na dating namumunga ng maliliit, mapakla o maasim, ay nagawang ma-modify upang lumaki, maging  mabango at matamis. Ang pakwan noon, bukod sa maliit ay malaki rin ang guwang o espasyo sa gitna at maraming buto, pero ngayon mayroon nang seedless. Ang kamote at patatas noon ay maliit at maraming hibla o fibers, pero ngayon ay malalaki na at halos walang hibla. Etc.

 

Dahil sa mga peste at pagbago ng panahon na hindi na umaayon sa dating cycle nito, maraming pananim ang nasisira at mga hayop na namamatay. Kung hindi man masalanta ng balang (locust), virus, at iba pa, marami rin ang nanguluntoy nang itanim sa nakagawiang panahon pero dahil sa sinasabing hindi inaasahang “climate change”, sa halip na ulan ang dumating ay matinding init ang nagpatigang sa lupa. At, dahil diyan ay nadanasan ang gutom sa lahat ng panig ng mundo.

 

Upang malabanan ang epekto ng “climate change” at upang lalong maging kapaki-pakinabang ang mga punong kahoy at hayop na pinanggagalingan ng pagkain ay gumagawa ng paraan ang mga siyentipiko na nilalabanan naman ng mga maka-kalikasan kuno. Ang sabi nila, baka daw ang mga gagamiting elemento o gamot sa pag-modify ng mga gulay, prutas at hayop ay makakasama sa tao. Ang tinutukoy nila ay ang pagbago kuno ng ugali ng tao dahil sa paghalo sa dugo nito ng mga katangiang galing sa hayop at halaman. At, dahil diyan ay magkakaroon kuno ng ugaling hayop ang tao. Hindi man lang inisip ng mga taong ito na noong unang panahon pa man ay iniinom na ng tao ang gatas ng mga hayop at ang ibang tribu ay umiinom din ng dugo ng alaga nilang hayop upang may panlaban sila sa sakit at maibsan ang gutom at uhaw! Kung sa Pilipinas ang pagkaing “dinuguan” ay galing sa dugo ng kinatay na hayop, sa ibang bansa naman ang pinanghahalo sa lugaw na trigo ay galing sa buhay pang hayop na alaga nila, na pinakakawalan pagkatapos masipsipan ng dugo.

 

Bakit ngayon lang umaalma ang grupong maka-kalikasan kuno? Bakit hindi sila mag-picket sa mga pagawaan ng plastic dahil ang produktong ito ang isa sa mga dahilan ng pinsala sa mundo, lalo’t hindi sila nalulusaw? Sa halip na kung anu-anong kabalbalan ang ginagawa nila, dapat ay isulong na lang nila ang tama at napapanahong pagputol ng kahoy man lang upang hindi agad nakakalbo ang mga kagubatan. Dapat isulong nila ang adbokasiya sa pagtatanim ng kahoy sa mga nakalbong kabundukan. Dapat unawain nila na ang tanging layunin ng mga siyentipiko ay patibayin ang panlaban ng mga halaman at hayop sa mga peste, sobrang init ng panahon at matagal na pagkalublob sa tubig tuwing panahon ng baha…isang layunin para sa kapakanan naman ng sangkatauhan.

 

May nagawa na ba ang grupong ito upang maiwasan ang mga kamatayang sanhi ng gutom ng mga tao na bahagi rin ng kalikasan? Sa kakitiran ng kanilang pag-iisip, akala nila ang kalikasan ay sumasaklaw lang sa gubat, dagat, ilog, kalawakan, kahanginan, kahayupan….nakalimutan nila ang tao na may karapatan ding mabuhay at napakalaking bahagi ng kalikasan.

 

Ang mga pagbabago sa ibabaw ng mundo ay hindi mapipigilan at ang tanging magagawa lamang para sa kapakanan ng pangkalahatang kabutihan ay pagpapalumanay ng epekto ng mga pagbabagong ito sa sangkatauhan at kapaligiran…at higit sa lahat ay dapat bigyan ng bigat ang layunin para sa nakararami, at hindi ang kapakanan ng iilan lang na mga maka-kalikasan kuno!

Ang Dalawang Uri ng Problema

Ang Dalawang Uri ng Problema

Ni Apolinario Villalobos

 

Problema ng iba’y kung anong ihahalo

Sa isang kilong karne

Samantalang ang iba…hapon na subalit

Hindi man lang nakainom ng kape.

 

Problema ng iba’y kung saan kakain

Sa Jollibee ba o MacDo

Samantalang ang iba…hanggang tanghod

ang magagawa’t laway ay tumutulo.

 

Problema ng iba’y ‘di bago ang celfon

Nahihiya sa mga kaibigan

Samantalang ang iba…isang pares na tsinelas

Ay naituturing nang isang karangyaan.

 

Problema ng iba’y saan magbabakasyon

Sa Hongkong ba o Amerika

Samantalang ang iba…malaking problema na

Ang baon at pamasahe patungo sa opisina.

 

Problema ng iba’y luma na raw ang kotse

Dapat palitan, at nakakahiya

Samantalang ang iba…wala man lang sapatos

Na magagamit sa pagpasok sa eskwela.

 

Problema ng iba’y wala daw laptop o tablet

Kailangan daw sa school nila

Nguni’t ang iba …ballpen man lang at papel

Pati notebook ay punit, ni textbook ay wala.

 

Bakit hindi muna tumingin ang iba sa paligid –

Silang nagsasabing kapos daw sa pera?

Bulag ba sila o manhid…walang pakiramdam?

O talagang sagad sa buto ang pagkaganid nila!

The “Other Side” of Divisoria

The “Other Side” of Divisoria (Manila, Philippines)

By Apolinario Villalobos

 

While Divisoria has always been known as the shoppers’ Mecca, especially, during Christmas, there is” another side” of it which I do not want to present as an image of poverty but that of perseverance, patience, and honest endeavor. This is the “other Divisoria” which many people just refuse to see as it might cause them to puke! The accompanying photos show how these honest Filipinos contentedly strive to live in sheer honesty.

 

The skeptics always say, “it is their fault for going to Manila and suffer deprivation”. These hypocrite skeptics have  TV, radio, and occasionally read newspapers, so they should know that the provinces from where these people who are eking out an honest living on the “other side” of Divisoria, are infested with NPAs, Abu Sayyaf, opportunistic landlords, and loan sharks. For the arrogant, the world is just for those who can afford to live decently. On the other hand, as these skeptics have not endured days of hunger, they may not understand how it is to make a difficult decision to live a hand-to-mouth life in Manila by scavenging in garbage dumps, rather than die of hunger and be in constant fear for dear life in the province.

 

It is true that the slums have been in existence for many decades now, but there would be no slums had the government ever since the time the nation has become independent, did not get infested with corrupt lawmakers and officials. The slums have been around since the time that deprivation and exploitation have been propagated by learned Filipinos who found their way in the halls of Congress and Senate, as well as, agencies, even at the helm of the government. Unfortunately, the seed of exploitation has grown into an uncontrollable proportion today, making corruption as wrongly and unfairly viewed to be always a part of the Filipino culture.

 

The striving people from the slums near Divisoria, and other districts of Manila, in this regard, may be viewed by the arrogant as akin to dogs and cats, because of their many children, oftentimes making them utter unsavory remark, such as, “they know they are poor, yet, they keep on having children”.

 

How I wish these skeptics can also openly, make biting remarks –

  • to the corrupt politicians and government officials, such as, “they graduated from prestigious universities and colleges, yet, they do not know what is right or wrong”

 

  • to the filthy rich, such as, “they have plenty of money, yet they can’t even throw a piece of bread to a beggar”

 

  • to the stiff-necked Catholic priests, pastors, and other religious ministers such as, “they are supposed to be representatives of the Lord, but they can’t afford to take a look at the spiritually hungry”

 

Finally, compared to the disgusting hypocrites, loan sharks, corrupt government officials, arrogant “religious ministers” and conscienceless rich, who are supposed to be learned and intelligent, the people who honestly make a living such as those who belong to the “other side” of Divisoria, are worthy to be called creatures of God – true human beings…slum denizens who are viewed by aforementioned with utter repugnance.

 

(This blog will definitely, not hurt those who do not belong to the mentioned “classes” of loathsome Filipinos.)

 

We Blame Everybody, but Ourselves

We Blame Everybody, but Ourselves

By Apolinario Villalobos

I have to mention again that every time we point an accusing finger to others, the three other fingers are pointing at us. For every fault, we have the habit of blaming it on others, but forgot that we may be faulted, too, for what we are accusing others.

For the heavy traffic for instance, all motorists blame the government and its concerned agencies. But they forgot about their car collections and fleet of expensive cars so that each member of their family drives one. They forgot that because of vanity, or just the sheer of showing off a little opulence despite just renting a room, they buy cars and park them on streets. They forgot that they do not observe traffic rules, thereby adding to the chaos and confusion, further resulting to the unmoving traffic. They forgot that their cars are the old type that conk out without warning in the middle of the street. They forgot that they give grease money to corrupt traffic enforcers, at times.

Motorists blame the government for the incessant rising of fuel prices. But they forgot that buying cars and motorcycles that made them suffer the consequence was their choice, not anybody else’s. They forgot that they were tempted by the low down payments offered by the wise salesmen, so they bit the bait.

For the perpetual flooding of the streets, city dwellers blame the government, yet, they forgot that they are also guilty of dumping garbage just anywhere when there is an opportunity. They forgot that they do not recycle plastic materials so that these will not add up to accumulated garbage. They forgot that they practically let everything – fish bones, veggie scraps, rice, etc. down the drain when they prepare their meals and when washing dishes. They forgot that they dump garbage-filled shopping bags in any open manhole that they can find on their way to the office. They throw garbage along freeways as they cruise along on their car, or into the Pasig River and its tributaries that flow to Manila Bay. They also forgot that they remove manhole covers during flood to allow the fast flow down them – with garbage!

For the landslides in the countryside resulting from the denuding of forests, affected people blame the corrupt stakeholders and financiers of illegal logging concessions, some of whom are government officials. They forgot that they are employed by these unscrupulous people as chainsaw operators and haulers of logs down the streams to the lowlands, practically, every able member of their family floating with logs to pick up points. They, who live in huts under the heavy foliage of forest trees, even get angry at the site of people from the Bureau of Forestry, and who walk over their “kaingin” to serve them notice of desistance.

For corruption in the government, Filipinos condemn the officials, the lawmakers. But the big question is, “who installed them in their positions by virtue of suffrage?” Whose hands were greased with cold cash in exchange for their sacred votes?

Nobody is Free from Corruption…but there is a difference in the degree of guilt

Nobody is Free from Corruption

..but there is a difference in the degree of guilt

By Apolinario Villalobos

To corrupt the mind is to pollute it, an act which is a deviation from what is universally accepted as good. In other words, such act is not only about stealing money from the government coffer or people’s money. It is also about influence-peddling, showing of pornographic films to minors, etc. In this view, practically, everybody is guilty of corruption. However, the degree of guilt differs as regards the situation, environment and objective. That is the reason why Mr. Webster came up with such comparatives as, “bad, worse, and worst”.

An ordinary government clerk who stole a petty cash worth Php200.00 cannot be fairly compared with his boss who accepted “grease money” worth Php1million. Simply put, ordinary Filipinos who are guilty of stealing groceries because of hunger, cannot be fairly compared with rich politicians who are habitually accepting commissions from projects at 30-60 percent, instead of the tolerable and traditional 5 to 10 percent. What they are pocketing are people’s money, yet. Although, the acts of theft are the same, the degree of guilt and objectives are different. In this regard, ordinary Filipinos who themselves, are also guilty of corruption should not be viewed with culpability or hypocrites when they are accusing their fraudulent congressmen and senators, or anybody in the high hierarchy of the government of such act.

It is wrong for others to insist that since nobody is “clean”, no one has the right to accuse a corrupt politician. If that kind of reasoning is followed, then mankind might as well, do away with the “justice system” in any form. Instead, every man should be allowed to apply justice as he sees fit, and the norm, “innocent unless proven guilty” should be done away with, too. Justice should be done on the spot, soon as the culprit is caught without the benefit of a trial.

Today, the world is bereft with greed, and corruption in the government is one of the clear manifestations. Those who sit on the fence and view the happenings around them, one of which is the hurling of accusations to suspected government officials, should not get “hurt” and insist on the familiar and already mentioned line, “innocent unless proven guilty”. They should open their mind and be analytical to understand the situation, instead of bringing out narrow contentions that tend to be one-sided.

Those who are courageous enough to even mentally admit that they are corrupt, should be thankful if their commission is in a lesser degree compared to others, especially, those in the government. But it should not stop them from telling the latter to change their ways or vacate their position…and in bringing out what are in their mind about the matter so that others may know.

Maynila…sa mata ng Bagong Salta

Maynila…sa mata ng bagong salta

ni Apolinario B Villalobos

Hindi ko na maalala pa

Ang ibang yugto ng aking buhay

Mula’t sapul nang ako ay lumisan

Sa aking sinilangang bayan

Kung saan ang nakagisnang pagdarahop

Ay bahagi na ng buhay

Ng mga taong kakambal ay hirap

Nguni’t hindi nagsisisihang magkakapitbahay.

Musmos na isip at murang katawan

Ang nagpati-anod sa tawag ng pangako

Kumukulo ang tiyan sa kawalan ng laman

Dahil iilang pirasong barya

Hindi magasta-gasta

Sa pag-aalala   na kapag mga ito’y nawala sa bulsa

Sa laot ng buhay na malupit pala

Ay lalo akong magmumukhang kawawa.

Puyat at pagod ay di ko inalintana

Sa pag-aakalang bukas ako’y may pera na

Kaya halos hilahin ko ang araw

Sa kanyang pagbaba doon sa kanluran

Para mapadali ang pagdatal ng kinabukasan

At mga ilang araw pa nga ang nagdaan

Narating ko ang Maynila

Lunsod ng iba’t- ibang kulay at mukha.

Hindi ko mawari ang unang naramdaman

Nang ako ay unang tumapak sa pantalan

Para pa rin akong namamalikmata

Sa aking mga narinig at nakita-

Walang kapatirang daloy ng tao

Ingay ng nagtatawanan at naglalako

Kaya’t ang dating masaya

Kagya’t na pumalit ay takot

Nabahid sa aking mukha…

Sa sarili, nasabi ko na lang –

“Ah, ito pala ang Maynila”.

(Batay sa kuwento ni Ramon na taga-Calbayog, Samar…namulot ng plastik at lata, pati tirang pagkain sa mga burgeran upang ilutong batsoy, may makain lang ang asawa at anak. Tumira sa Baseco Compound, Tondo, nguni’t bumalik sa probinsiya pagkalibing ng anak na namatay sa dengue, noong huling linggo ng Setyembre 2014.)

Kaylan Kaya?

Ginawa ko itong kanta, noong ako ay nasa second year high school. Isinali ko sa isang songwriting contest noong 1980 sa Manila, at ang sponsor ay isang maliit na recording company… sarado na ngayon. Hindi ko nabawi ang original tape ko. Ilang buwan makalipas, may lumabas na kantang kapareho ng tema ng ginawa ko, pati title pareho, at ang tono, halos kapareho din…unang tikim ko ng pambibiktima ng plagiarist. Hindi ko na lang pinansin at kinalimutan ko na. Pero kinakanta ko pa rin ito sa mga folkhouse noong nagsa-sideline pa ako bilang folk singer, dahil maliit ang sweldo ko sa isang regular job, hindi ko na babanggitin ang company na may pakpak. Ang folkhouse ay ang original na Bodega, sa  Mabini St. (Ermita) kung saan ay kumanta din si Freddie Aguilar at ang Asin, na ang dating pangalan ay Salt of the Earth. Sinadya kong hindi lagyan ng punctuation marks ang mga lines dahil nag-iiba ang rendition depende sa kumakanta.

 

Kaylan Kaya?

ni Apolinario Villalobos

 

Nitong huling mga araw

Malimit ang patayan

Gutom at sakit

Babala sa sangkatauhan

 

Sa munting bagay

Mga tao’y nag-aalitan

Baril at punyal

Panlunas sa sama ng loob

 

Ref:

Kaylan kaya

Magkakaroon ng katahimikan

Ang sandaigdigan?

Kung lumipas na

Ang panahon ng tao? (repeat)

 

Lupang nabubungkal

Kalimitan ay tigang

Bagyo at baha

Mga sanhi ng kahayukan

 

Pera’y dini-Diyos

Ng mga gahaman

Pati kapwa-tao

Ay handa nilang yapakan.

 

(Repeat Refrain twice and fade)