DEVELOPING RELATIONSHIP AMONG MEN REGARDLESS OF RACE SHOULD BE LIKE BUILDING A FENCE MADE OF CONCRETE BLOCKS PILED OVER ONE ANOTHER TO REACH A DESIRED HEIGHT. RELATIONSHIP INVOLVES SACRIFICE FOR THE SAKE OF OTHERS WHO HAVE GOOD INTENTIONS. THE PILING OF BLOCKS MANIFESTS SACRIFICE….AND THE WILLINGNESS TO SACRIFICE MANIFESTS COOPERATION
humanity
Ang Pag-abuso sa mga salitang “Karapatang Pangtao” (Human Rights)
Ang Pag-abuso sa mga salitang “ Karapatang Pangtao” (Human Rights)
By Apolinario Villalobos
Maraming Pilipino ang nagmamagaling at nagmamarunong tungkol sa “human rights” ganoong sila mismo ay hindi nagrerespeto nito. Sila ang mga ipokritong human rights advocates….mga walang hiyang mapagkunwari. Akala nila ang tinatawag na “human rights” ay hanggang sa karapatang mabuhay lamang. Ang hindi nila alam dahil sa kanilang katangahan, pati ang pambabarat kapag bumili ng isang bagay mula sa isang mahirap na tindera ay may kaakibat nang “human rights”. Ang isang may kaya sa buhay ay hindi na dapat tumatawad kapag bumili sa mga nagtitinda sa bangketa halimbawa, o di kaya ay mga nagtitinda na ang ginagamit ay kariton na nag-iikot sa mga subdivision. NAPAKARAMI kong alam na ganyan ang ugali, mga nakatira pa sa mga mararangyang subdivision pero kung baratin ang nagtitinda na maghapong nagtutulak ng kariton ay ganoon na lang. Tinatakot pa ang iba na kung hindi sila pagbibigyan ay irereklamo sila (mga nagtitinda) sa barangay upang hindi na papasukin. MGA WALA SILANG KONSIYENSIYA DAHIL KAKARAMPOT NA KIKITAIN SANA NG MALILIIT NA NAGTITINDA AY TILA NINANAKAW PA NILA!
Maraming saklaw o concern ang “human rights” at ang simpleng paalala tungkol sa mga ito ay, “nagtatapos ang karapatan ng isang tao, kapag lumampas siya sa kanyang hangganan at tumapak sa karapatan ng iba”….sa Ingles, “one’s rights end where the rights of others begin”. Para sa akin, ang isang magnanakaw na naaktuhan sa loob ng bahay kaya napatay ng may-ari ng bahay ay walang karapatang mabuhay….o di kaya ang isang drug pusher na sumira sa buhay ng maraming kabataan at gumawa pa ng ibang krimen tulad ng panggagahasa ay walang karapatang mabuhay. At, ang mga yudiputang mga kriminal na ito, kapag nahuli ay may lakas pa ng loob na humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO), na ang mga abogado ay sinusuwelduhan ng taong bayan…all for the sake of “due process” na bukam-bibig naman ng mga ipokritong mga human rights advocates!
Ang hirap kasi sa iba, kapag nahuling nag-shoplift halimbawa sa grocery, ang idadahilan ay mga anak na nagugutom….ang tanong ko diyan ay kung bakit nag-anak sila ng marami ganoong hindi naman pala niya kayang buhayin….nagpakalibog sila at pagkatapos ay walang pakialam kung ang anak nila ay lumalaking nanlilimahid. Marami akong na-check na ganyan ang istilo ng pamumuhay at na-shock ako nang malaman ko na may mga mag-asawang ang “hanapbuhay” ay panloloko sa kapwa o swindling at pagnanakaw. At, habang lumalaki ang mga anak ay ginagamit rin nila sa masama nilang gawain.
Ang mga nang-iiskwat ay abusado rin pagdating sa “human rights”. Alam nilang hindi kanila ang lupang iniiskwatan, subalit hindi sila naghahanda para sa susunod na gagawin kapag pinaalis na sila, at sa halip ay nagsisigaw ng “mayaman lang ba ang may karapatang mabuhay?” kapag pinaalis na. May mga bahay sa squatter’s area na aircon at kumpleto sa iba pang mga gamit tulad ng flat tv, 2-door ref, mga sala set at kamang mamahalin. Ibig sabihin, kaya ng ilang iskwater na mag-ipon ng perang pambili ng kahit 50sqm. na lupa sa mga bahagi ng Bulacan, Cavite, at Laguna. Ang pinakamasama pa ay ang pagiging “professional squatter” ng ilan. Nang-iiskwat sila kahit saan pwedeng iskwatan, patatayuan ng maliit na barung-barong at pauupahan. Ang isang uri pa ng pagiging professional squatter ay pagtanggap halimbawa ng offer ng gobyerno na mailipat sila sa relocation site. Pagkalipas ng ilang taon ay babalik sa lunsod at mang-iiskwat uli, samantalang ang bahay sa relocation site ay pauupahan.
Hindi ako anti-poor. Galit ako sa mga taong umaabuso ng “human rights” at mga puitikong gumagamit sa kanila. Galit din ako sa mga mapagkunwaring human rights advocate kuno, regular pang nagsisimba kung saan mang sambahan nila pero ang simpleng karapatan ng kanilang kasambahay ay hindi marespeto dahil palagi nilang minumura….at kung mamili sa mga sidewalk vendors ay daig pa ang timawa kung tumawad!
Paalala lang sa mga taong mahilig pumapel….bago magsisigaw ng human rights ng mga iskwater, drug pusher, magnanakaw, at iba pang kriminal ay mag-isip muna ng ilang daang beses para hindi magmukhang tanga! Alam ng mga kapitbahay ninyo ang ugali ninyo kaya siguradong pinagtatawanan kayo kapag nakabasa ng mga mapagkunwaring comments ninyo sa facebook tungkol sa bagay na ito.
AT, HIGIT SA LAHAT, ALAM NG NASA ITAAS KUNG ANO ANG MGA KATARANTADUHANG GINAGAWA NINYO AT PILIT NINYONG PINAGTATAKPAN NG PALUHUD-LUHOD SA SIMBAHAN, PAKOMUNYON-KUMONYON, PADASAL-DASAL NG ROSARYO, AT PASIGAW-SIGAW NG HUMAN RIGHTS NG MGA KAWATAN AT DRUG PUSHER DAHIL PARA SA INYO AY TAO DIN SILA AT MAY KARAPATANG MABUHAY…ISANG ADBOKASIYA NG BULAG, BINGI AT KAPALMUKS!…IBIG SABIHIN, WALANG KONSIYENSIYA!
Ang Buhay at ang Karapatang Mabuhay
ANG BUHAY AT ANG KARAPATANG MABUHAY
Ni Apolinario Villalobos
Sa ibabaw ng mundo lahat ng nilalang ay may karapatang mabuhay, subalit hindi lahat ng kabuluhan nila ay naangkop sa pangangailangan ng iba. May kanya-kanya din silang talino at lakas upang magamit sa pagtanggol ng sarili. Ang prolema lang ay ang mga taong sadyang gahaman o makasarili, kaya hindi nila isinasaalang-alang ang karapatan ng iba.
Ang mga makasariling tao ay nanggaling sa mga pamilya na bahagi ng lipunan. Sa isang pamilya, hindi maiwasang magkaroon ng sutil o “black sheep”. Marami sila kapag naipon na, at ang dami ay depende rin sa laki ng lipunan na kinabibilangan ng mga pamilya. Sila ay mga problema na kung hindi masawata ay aalagwa o lalabas sa tahanan at mamiminsala na rin sa kabuuhan ng lipunan, kaya madadamay ang ibang miyembro. Ang katalinuhan ng tao ay nagdikta sa kanya upang gumawa ng mga kaparaanan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga sutil sa lipunan- isang pagbabakasakaling sila ay magbago dahil sila ay may karapatan din sa buhay. At, ito ang ginagawa ng pamahalaan.
Samantala, ang karapatan ng isang tao sa isang bagay ay may hangganan at dapat na ginagamit sa mga makabuluhang bagay na nakakatulong sa lipunan sa halip na makapanira. Kung ipipilit na gamitin ng isang tao ang karapatang yan upang makapaminsala ng buhay ng kanyang kapwa o makapanira sa lipunan, lalabas na sinaklawan niya ang karapatan ng ibang taong may karapatang mabuhay ng matiwasay. Sa madaling sabi, ang karapatan ng isang tao ay nagwawakas sa hangganan kung saan ay nagsisimula ang karapatan ng iba.
Ang simpleng nakikitaan ng kalagayan tungkol sa usaping ito ay ang taniman ng gulay, kung saan ay may tumubong mga damo. At dahil damo, itinuturing silang salot na magdudulot ng pinsala sa mga itinanim na gulay. At dahil sila ay salot….dapat silang puksain upang hindi na makapanira pa…at ang katumbas nila sa lipunan ng tao ay mga kriminal!
Ang mga Pagkakaiba-iba ng Kaisipan ng mga Tao ay Hindi Dapat Gawing Batayan ng Pagtatalo
Ang mga Pagkakaiba-iba ng Kaisipan ng mga Tao
Ay Hindi Dapat Gawing Batayan ng Pagtatalo
Ni Apolinario Villalobos
Sa pagrerespetuhan ng mga ideya, hindi dapat sabihin ng isang tao na mali ang sinasabi ng iba batay sa kanyang iniisip, maliban na lang kung ang tinutumbok nito ay pamiminsala ng hindi dapat pinsalain o sirain. At, kung nasa kalagayang may mga nakikinig, nagmamasid o nagbabasa, tulad ng debate o balitaktakan sa publiko, at mga pino-post sa facebook, dapat ay magkanya-kanya sa paglahad ng mga ideya upang mapagpilian kung alin ang papanigan.
Ang antas ng dunong ng mga tao ay magkakaiba, kaya nagkakaroon din ng kaibahan sa paniniwala depende sa kinalakhang tahanan o kumunidad, at lalong higit, sa kultura ng bansa. Dahil diyan, kung ano ang tama, halimbawa, kay Juan na lumaki sa iskwater ay maaaring hindi katanggap-tanggap kay Richard na lumaki sa isang marangyang tahanan sa high-end na subdivision, kaya magpatayan man sila ay talagang walang pagkakaunawaang matatamo. Ang isa pang halimbawa ay, kung ano ang tama sa mga taga-Africa ay maaaring mali sa mga taga-Asya kaya magkaubusan man ng lahi, hindi rin malalaman kung sino ang tama o mali.
Ang mga halimbawa ay pagputol ng ari ng isang lalaking nanggahasa sa isang bansa sa Gitnang Silangan, na para sa mga Kristiyanong bansa ay mali. Sa ibang bansa sa Silangan ay napapalampas ng pamahalaan ang paghitit ng opium, subalit napakamali naman sa nakararaming bansa. Ganoon din ang paghitit ng marijuana na napakaluwag naman sa ibang bansa sa Yuropa (Europe), kaya naglipana pati mga party drugs na kumalat hanggang sa Pilipinas.
Pang-unawa sa isa’t isa, sa kabila ng mga pagkakaiba ang kailangan upang magkaroon ng kapayapaan. At, kung ang pang-unawa ay sasamahan pa ng pagbibigayan ay lalong matiwasay sana ang buhay sa mundo.
Ang Mundo, Tao, at Diyos
ANG MUNDO, TAO, AT DIYOS
Ni Apolinario Villalobos
Babala: Ang blog na ito ay para lamang sa mga naniniwalang may Diyos…
Ang mga bagay sa ating paligid, pati na ang tao, at ang maayos na pamumuhay ng lahat ang patunay na may Diyos….yan ang paniniwala ko na hindi pwedeng kontrahin ng iba. Hindi naging “aksidente” o basta na lang nagkaroon ng mga bagay, may buhay man o wala sa kalawakang ginagawalan ng mundo, na ginagalawan naman ng tao. Hindi aksidente ang pagkaroon ng kabuluhan ang lahat ng bagay na umangkop sa pangangailangan ng mga hayop, halaman, at taong nagkaroon ng mga ito.
Halimbawa sa tao: ang buhok sa ulo ay pangharang sa init ng araw; ang kilay ay pangharang sa tutulong pawis upang hindi dumiretso sa mata; ang ilong ay para sa paghinga at ang mga balahibo sa loob nito ay pangharang sa dumi upang hindi pumasok habang humihinga ang tao; ang labi ay pangtakip ng bunganga upang hindi pasukin ng langaw o lamok at iba pang kulisap; ang ngipin ay pang-nguya ng kakainin; ang palaypay ng tenga ay pang-ipon ng tunog upang dumiretso sa butas, kaya para itong “bulsa”; ang mga kamay ay panghawak at panuntok, samantalang ang mga paa ay panglakad naman at pangsipa; ang buhok sa kili-kili ay proteksyon upang hindi magkaroon ng friction at magdikit ang balat ng braso at tagiliran sa bahaging yon, etc.
Ang iba’t ibang lahi at uri ng mga hayop at halaman ay may kanya-kanyang magkakaparehong katangian, at hindi pwedeng sabihing nagkataon lang ang pagkakapareho nila. Kung sasabihing “nagkataon” lang, pwedeng may ipapanganak na Amerikano ang isang nanay na Pilipino (pwera dito ang “albino” na naging puti lang ang balat)…o di kaya ay maaaring magkaanak ang elepante ng tigre.
Noong panahon ni Noah, nagkaroon ng malawakang baha na ayon sa Bibliya ay paraan upang mawala ang masasamang lahi sa mundo. Ang hindi lang naitala sa Bibliya ay ang iba pang mga kalamidad na tumama sa mundo upang mabawasan ang dami ng mga may buhay, at tuloy ay magkaroon ng balanse ang dami ng may buhay at pagkaing makukuha o available nang panahong yon. Kung nagawa ng Diyos na magpabaha, ay kaya rin niyang gumamit ng iba pang paraan upang mamintina ang kaayusan at balanse sa mundo.
Sa palagay ko, kaya binigyan ng Diyos ng “free will” ang tao, ay upang ito na ang gumawa ng paraan sa pagkontrol ng balanse sa mundo, nang lingid sa kanyang kaalaman. Dahil sa “free will”, ang tao ay nagkaroon ng ugaling pagkagahaman, kriminal, kabaitan, pagiging maka-Diyos, at iba pa. Dinagdag sa “free will” ang dunong o karunungan dahil ito ang ginamit ng tao upang gumawa ng mga kagamitang pamuksa sa kapwa-tao sa pamamagitan ng digmaan, terorismo at iba pa, na ang resulta ay paghihirap at kagutuman. Ang mga patayang nangyayari sa mundo ay nakatulong upang mabawasan ang dami ng tao, dahil kung hindi nagkaroon ng mga digmaan at kung asahan lang ang mga kalamidad, noon pa lang ay maaaring umapaw na ang sangkatauhan sa mundo!
Lahat ng tao at hayop, pati mga halaman ay may mga sakit na nananalaytay sa kanilang mga ugat (tao at hayop) at hibla (halaman). Ang dunong na ibinigay sa tao ang siyang gumagawa ng paraan kung paanong mapigilan ang “paglabas” ng mga sakit, sa pamamagitan ng pag-imbento ng mga gamot at ibang kaalaman tulad ng pag-opera. Subalit dahil sa kapabayaan ng tao, hindi niya nakontrol ang sarili upang magpakasasa sa pagkain at bisyo. Dahil diyan naglabasan ang mga sakit na ulcer, kanser, diabetes, high blood, high cholesterol, etc. Hindi nagamit ng maayos ang “free will” kaya naghihirap ngayon ang sangkatauhan dahil sa iba’t ibang sakit….masarap kasing humitit ng sigarilyo at marijuana, suminghot ng cocaine at shabu, lumaklak nang walang patumangga ng alak, lumamon ng maski pagkaing sinabi nang bawal, pagpuyat, etc.
Ang mga kalamidad tulad ng bagyo at baha ay resulta ng pagkagahaman ng tao na sumira sa kalikasan, kaya hindi dapat isisi sa Diyos kung bakit madalas na nagkakaroon ng mga ito. Samantala, ang pagsisisi naman ng tao ay palaging nasa huli na….
Ang “Cause and Effect” na Pangyayari
ANG “CAUSE AND EFFECT” NA PANGYAYARI
Ni Apolinario Villalobos
Ang isang bagay na walang buhay ay hindi matitinag sa kanyang kinalalagyan kung hindi ito pakikialaman ng isang may lakas. Para naman sa mga may buhay at may pakiramdam, kung sila ay masasaktan asahan na ang pag-aray, pero kung halaman ay asahan ang pagkalanta nila hanggang sa tuluyang mamatay. Kung hayop tulad ng aso o pusang inapakan o sinipa, asahan ang kanilang pangangagat. At, ang mga hayop na ang tahanang gubat ay kinalbo ng mga illegal loggers, siyempre bababa sa mga baryo upang maghanap ng makakain tulad ng kambing, manok, kalabaw, at kung minsan ay bata.
Kung ang isang tao ay nainsulto o nasaktan, ito ay magagalit at maaaring magpakita ng sama ng loob sa pamamagitan ng pananakit o pagsabi ng hindi magagandang salita o sa diretsahang sabi, ay pagmumura na ayaw ng mga “moralista”. Kung sa kabila ng pananakit o pang-iinsulto sa kanya, sumigaw pa ang isang tao ng, “Praise the Lord!”, hahalakhak o magpapasalamat pa sa nanakit o nang-insulto sa kanya…maaaring siya ay santo na naligaw sa Pilipinas o saan mang panig ng mundo, o di kaya ay baliw!
Walang dahilan ang isang tao upang basta na lang magalit. Sa panahon ngayon, sino ang hindi magagalit sa paglipana ng mga kriminal at kapabayaan ng gobyerno? Sino ang hindi magagalit sa kawalan ng disiplina ng iba sa pagtapon ng basura kung saan nila gusto? Sino ang hindi magagalit sa mga inutil at gahamang opisyal ng gobyerno na nagpasuhol sa mga illegal na mga minero at loggers? Sino ang hindi magagalit sa mga mayayabang na driver na nag-aakalang pagmamay-ari nila ang kalsada? Sino ang hindi magagalit sa mga rapist na pumapatay pa dahil lulong pala sila sa droga? Sino ang hindi magagalit sa mga taong ibinoto ng mamamayan sa paniniwalang sila ang magiging tagapagtanggol nila subalit kabaligtaran ang nangyayari dahil mas gusto pa nilang pahabain ang buhay ng mga kriminal na sumira sa kinabukasan ng maraming mamamayan, at higit sa lahat ay kumitil pa sa buhay ng mga ito?
Bakit Hindi Pwedeng Paghiwalayin ang Ispiritwal at Materyal na mga Bagay sa Tao
Bakt Hindi Pwedeng Paghiwalayin
Ang Ispiritwal at Materyal na mga Bagay sa Tao
Ni Apolinario Villalobos
Kaipokrituhang sabihin na dapat paghiwalayin ang mga bagay na ispiritwal at materyal sa buhay ng tao. Ang dalawa ay mga bahagi ng tao. Sa isang banda, maaari lamang mangyari ito – ang paghiwalay ng ispiritu ng tao sa kanyang katawan kung siya ay patay na. Ang tinutumbok ko rito ay mahirap ipaunawa sa isang tao ang mga salita ng Diyos kung siya ay gutom. Ang taong kung ilang araw nang gutom ay kadalasang nawawala sa sarili o di kaya ay hinihimatay dahil sa kahinaan ng katawan, kaya paano niyang mapapakinggan ang mga salita ng Diyos? Paanong mapapalakad ang isang tao patungo sa simbahan o religious rally kung nanghihina ang kanyang mga tuhod dahil sa gutom at upang matiis ay namimilipit na lang sa isang tabi? Common sense lang…dapat busugin muna ang katawan ng tao bago siya magkaroon ng hinahon nang sa ganoon ay pwede na siyang makinig ng mga salita ng Diyos dahil hindi na maingay ang kanyang bituka!
Ang hihilig magsabi ng mga pastor o pari o kung sino mang hangal na “okey lang basta busog ang ispiritu ng tao ng mga salita ng Diyos kahit gutom ang katawan”. Sila kaya ang gutumin ng ilang araw? Masasabi pa kaya nila ang mga kahangalang linya na nabanggit?…o di kaya ay makakaya pa kaya nilang magbukas ng bibliya dahil nagkakanda-duling na sila sa gutom?
Hindi dapat ipangalandakan ng mga “spokespersons” ng mga simbahang Kristiyano ang ginawa ni Hesus na pag-aayuno ng 40 na araw sa disyerto. Sabihin mang totoo ito, dapat hindi i-encourage ng simbahan ang pag-aayuno nang ganoon na lang. Dapat ay may kasamang pasubali na ang gagawa nito ay mag-ingat o magpakunsulta muna sa doktor.
Ang pinagpipilitan ko dito ay: dapat hindi gutom ang katawan ng tao kung siya ay makikinig sa salita ng Diyos. Dagdag pa rito, dapat makialam ang mga simbahan sa mga isyu na magiging dahilan ng pagkagutom ng mga tao, tulad ng kapabayaan ng DSW na mas gusto pang mabulok ang mga inabuloy na pagkain para sa mga sinalanta ng kalamidad, kesa ipamahagi agad. Dapat din silang makialam sa pamamagitan ng pagpuna sa mga kurakot sa pamahalaan. Hindi sila dapat dumistansiya sa mga problema ng mga kasapi nila pagdating sa kahit isyu man lang ng pagkain. Kapag patuloy silang hindi makikialam ay para na rin silang buwitre na nakatanghod sa isang tao habang ito ay unti-unting namamatay dahil sa gutom!
Kung sasabihin ng mga pilosopo na bawal makialam ang mga simbahan sa mga bagay na nabanggit dahil ito ang nakasaad sa Saligang Batas….aba, eh di dapat ay wala na ring eleksiyon dahil ang pagboto sa mga kandidato ay isang paraan ng pakikialam ng mga simbahan sa pulitika sa pamamagitan ng mga kasapi nila!
Dahil lahat ng mga kasapi at opisyal ng lahat ng simbahan maliban na lang sa mga sektang hindi naniniwala sa eleksiyon, ang nagluklok sa mga opisyal sa pamahalaan, may karapatan silang magreklamo kung ang mga ito ay nagkamali, lalo pa at naging korap. Ang ibang sekta ay may mga programa sa radio at TV. Bakit hindi gamitin ang mga ito sa pagpuna sa mga korap na mga opisyal upang sila ay “masindak”, sa halip na puro na lang mga linya sa bibliya ang inuulit ng kung ilang libong beses ng mga nagsasalita na may kasama pang sigaw at kumpas, at paninira ng ibang sekta?
Ang payak kong interpretasyon sa nakasaad sa Saligang Batas na bawal ay ang pagtakbo ng mga opisyal ng simbahan para sa anumang puwesto sa gobyerno. Dapat unawaing may obligasyon ang mga opisyal ng mga simbahan na tumulong sa mga tao upang sila ay iligtas mula sa anumang kapahamakan habang sila ay nabubuhay sa ibabaw ng mundo….hindi lang mula sa hatak ng demonyo!
The Dismal Failure of the “Resettlement” Program for Informal Settlers in Manila
The Dismal Failure of the “Resettlement” Program
for Informal Settlers in Manila
By Apolinario Villalobos
While the effort of the government to “save” Manila’s informal settlers from the danger of their abodes on the banks of esteros, underneath the bridge and unhealthy, as well as, filthy slums, is commendable, the sincerity is questionable. Where is sincerity in the promise about comfort in these resettlement areas that have no water facilities, lighted roads, public transportation, and electricity? To give a raw impression of these projects, footages of “comfortable” life in these areas are shown on TV, though it is purported that they consist just a very minimal percentage of completed units. The resettled families have no choice, but be resourceful to make the “shell” that the government call “house”, comfortable, rather than wait for the agency people to tell them that that at least, they need not worry about any demolition.
The resettled people worked in Manila business centers such as Divisoria, Sta. Cruz, Quiapo, Intramuros, Port Area, Malate, and Ermita, as well as airport terminals in Pasay City, and Makati. Some were paid the minimum wage. The rest were on daily contracted rates which were way below the minimum such as those working in stores and mall shops, in restaurants as waiters, cooks and waitresses. Some were junk collectors that rummage city dumps. Some were porters in piers and airport terminals, and still some were janitors, street sweepers, and part-time housekeepers. Their children went to schools which were walking distance away from their makeshift homes. Before the resettlement, the working members of the family already had barely enough daily fare, so that some walked to their job sites, making do with just biscuits for lunch. And then, they were forcefully resettled in the middle of school year, cutting short the studies of their children. Resettlement areas are in far off Bulacan, Cavite, Laguna and even Batangas. After the resettlement, most working members of the family quit their job for lack of daily fare to work.
Where is sanity in this supposedly “humane” program of the government? At times, even the rain could not stop the demolition of the makeshift homes, leaving the hapless families shivering, soaked to the bone, wet and hungry, crying their heart out while witnessing the tearing apart of their home that they painstakingly built out of salvaged tins and boards.
Cleared areas give way to malls and condos put up by foreign investors. Some are left as is – vacant, and just fenced in with barbed wire. The esteros or waterways that get cleared of shanties become clogged again by the waste from the upper portion of the Pasig river… floating on the stinking and murky water that flows out to Manila Bay, And the reason?… inconsistent cleaning and monitoring by authorities! Yet, the government blames only the squatters for the perennial overflowing of these esteros! How about the factories and “legal” homes along the rivers which are also responsible for the waste and garbage that clog these waterways?
Meanwhile, the families in the pathetic resettlement areas try to survive on sweet potato leaves, kangkong, malunggay and wild indigenous vegetables, to go with their daily gruel of NFA rice. Some teen-aged daughters whose studies were cut short, try to help their family by trekking to nearby towns to work in market stalls and small eateries at Php100 a day. Mothers who used to gather vegetable trimmings in Divisoria to be sold on sidewalks or as part-time laundress near their former shanties in the city are left with nothing to do. Their husbands on the other hand cannot afford the more than three hundred pesos fare to their former jobs as porters at the port area and busy city wet markets.
As a last resort, desperate families sell the rights to their “home” and go back to where they came from to start another stage of survival. The government and the agency concerned seem blind to this vicious cycle as a result of their program that lack long-ranged planning. They thought that the solution to the urban squatting problem ends in the resettlement of the families. They forgot that the roof over the head is not just the basic need of man in order to survive. They forgot that such man has to work and earn in order to eat and do other endeavors to better his life, such as go to school.
What the government obviously wants are the numbers that they can print on reports about “rehabilitated” indigent Filipinos! Something for the world to see, that, indeed, poverty in the Philippines has been reduced!
Ang Emotional Maturity o Kaganapan ng Damdamin ng Tao
Ang Emotional Maturity
O Kaganapan ng Damdamin ng Tao
Ni Apolinario Villalobos
Kung ang dunong at isip ay sa utak, ang damdamin naman ay sa puso. Ang damdamin mula sa puso ang nagpapalambot ng kung ano mang matigas na desisyon at pananaw ng isang tao. Ang nabanggit ang magsasabi kung anong klaseng pagkatao mayroon ang isang tao, na kalimitan ay sinasabing mabait, maunawain, mapagmahal, matulungin, atbp. – dahil puso ang pinairal. Subali’t kung ang desisyon ng utak ay pinagmatigasan ng isang tao, ibang pagkatao naman ang ipinapakita niya, subali’t damay pa rin ang puso, kaya may tinatawag kung minsan na “pusong bato” – walang damdamin, matigas. Hindi maaaring paghiwalayin ang tungkulin ng isip at damdamin dahil magkaagapay sila sa lahat ng pagkakataon.
Ang taong normal, na ibig sabihin ay walang diperensiya ang katawan, pag-iisip, at puso, ay may sinusunod na panahon upang marating ang kani-kanilang libel ng kaganapan o maturity. Inaasahang sa pagtuntong sa tamang panahon ng kaganapan, ang isang tao ay matatag na sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay – hindi iyakin, malinaw ang mga desisyon, at malawak ang pang-unawa sa lahat ng bagay at kapwa-tao.
Subalit sa mga pagkakataon na sa murang gulang ay napasabak na sa pagharap sa mga pagsubok ang isang tao, mabilis ang pagkakaroon niya ng kaganapan ng damdamin. Dahil dito, may mga batang laki sa hirap na marunong nang gumawa ng mga malinaw na desisyon at ang damdamin ay umabot na sa libel ng kaganapan, kaya tinaguriang “isip- matanda”. May mga tao ring dahil lumaking spoiled sa magulang, kaya hindi nasanay sa pagharap sa mga pagsubok ay nagkaroon ng malamya o mahinang pagkakatao, kaya tinataguriang “isip-bata” at may “malambot na damdamin”.
Ang isa sa mga pagsubok ng buhay ay ang sitwasyon ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa. Kahit ang isip nila ay umabot na sa kaganapan, subalit dahil sa hindi mapigilang bugso ng damdamin tuwing maalala ang pamilya, bumibigay ito at humahantong sa pag-iyak, pagkawala ng katinuan ng pag-iisip, at ang pinakamasaklap ay pagpapatiwakal. Ang isa pa ay ang sitwasyon ng isang “spoiled” na taong nag-asawa. Kahit may mga anak na ay nakasandal pa rin sa mga magulang na maya’t maya niyang hinihingan ng payo, dahil hindi siya nasanay na gumawa ng sariling desisyon kaya mahina ang damdamin. Ibig sabihin, kahit nasa hustong gulang na siya ay hindi pa rin siya emotionally- matured.
Kung sa relasyong magkapatid, ang isip ay “nakakatandang kapatid” ng damdamin o emosyon. Sa panahon ng “pagi-emote” ng isang tao, ang isip niya ang magsasabi kung siya ay tama o mali. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang utak ng tao ay nasa ulo, bandang itaas ng katawan, at ang pusong nagpapadamdam ay nasa dibdib o kalagitnaan ng katawan…nangangahulugang mas mataas ang utak kaysa puso, kaya dapat lang na umiral kung kailangan. Sa kasamaang palad, may mga pagkakataon ding umiiral ang damdamin na nawawala sa ayos lalo na pagdating sa pag-ibig, na para bang sa magkapatiran, kung saan ang nakababata ay ayaw makinig sa nakatatanda, na umaabot sa “disgrasya” , kaya may tinatawag na mga batang babaeng “disgrasyada” – nabuntis ng wala sa panahon.
Dahil sa magandang dulot ng pag-iral ng isip sa damdamin, ang ginagawa ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa halimbawa, ay iniisip na lang ang kapakanan ng kanilang mga anak na naiwan sa Pilipinas, na siyang dahilan kung bakit sila nagtitiis na mapalayo sa kanila. Sa ganitong paraan, ang anumang panghihina ng damdamin ay natatalo ng isip…isang uri ng ipinilit na maturity ng damdamin.
Sa pangkalahatan, ang mga nakakaapekto sa damdamin ng isang tao upang umabot ito sa kaganapan o maturity ay ang angkin niyang likas na talino, paraan ng magulang sa paghubog sa kanya, nilakhang pamilya, mga kasama sa tahanan, at ang kapaligiran ng nilakhang tahanan o ang komunidad. Ang mga nabanggit na salik o sanhing nabanggit ang makakapagdetermina sa aabuting libel o taas ng kaganapan ng isang tao.
Ang Lason sa Pagkain ng Tao at iba pang Nagkontrol sa pagdami niya sa Mundo
Ang Lason sa Pagkain ng Tao at iba pang
Pangkontrol sa pagdami niya sa Mundo
ni Apolinario Villalobos
Nang minsang mamalengke ako nang maaga, nadaanan ko ang mga sariwang isda na nasa banyera at balde – galunggong, dalagang bukid, isdang lapad, belong-belong, karpa, tilapia at dilis. Ang iba sa kanila ay frozen, subalit ang nakatawag sa aking pansin ay ang kulay ng tubig na pinagbababaran nila. Tulad ng sa galunggong na kulay dark blue, at sa dalagang bukid na kulay pula. Nakita ko naman ang isang tindera na may pulbong inilagay sa balde na binababaran ng belong-belong at karpa. Nang tanungin ko ang tinderang may-ari ng mga isda, ang sagot niya ay kulay daw talaga yon ng mga isda. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil ayaw kong masira ang araw ko. Alam ko naman talagang may ginagawa ang mga tindera at tinderong ito sa mga binebentang mga isda upang magmukhang sariwa at matigas sa buong maghapon.
Napabalita noon pa man na gumagamit pa nga raw sila ng formalin o yong gamot na ginagamit sa bangkay ng tao upang hindi ito maagnas agad. Pati tuyộ ay hindi pinalampas dahil ginamitan din ng formalin upang maging makintab at magmukhang malinis ang kaliskis. Mabibisto lang na may formalin dahil, kapag pinirito na ay may amoy at sumasabog ang laman. May nagsabi sa akin, na dyubos (pangkulay ng sapatos) naman daw ang ginagamit upang mapanatili ang sariwang kulay ng mga isda, kaya iba’t iba ang kulay depende sa natural na kulay ng isda.
Kamakailan lang napabalitang dahil sa katusuhan ng ibang nag-aalaga ng mga baboy, hinahaluan daw nila ang pagkain ng mga nito ng gamot ng tao para sa asthma upang hindi kumapal ang taba nila at magandang tingnan ang karne sa kabuuan nito. Ang masama lang, kapag nakain ng tao ang karne ng baboy na ginamitan ng gamot, hindi na siya tatablan nito sa panahong kailangan na niyang uminom dahil sa sakit na asthma.
Ang mga gulay ay “ini-embalsamo” na rin ng mga nagtitinda. Ang langka na panggulay, talong, kalabasa, kamatis, patola, at sitaw ay binababad na rin nila sa isang klase ng gamot na magpapasariwa sa mga ito nang kung ilang araw, kaya ang talong na tinapyasan ng bulok na bahagi kaya na-expose ang laman at langkang nahiwa o tinadtad na ay hindi nangingitim, ganoon din ang kalabasang nahiwa na at binabalot sa plastic bag kasama ng iba pang gulay na pang-pinakbet; ang kamatis ay hindi lalambot agad; ang patola ay hindi mangungulubot sa loob ng ilang araw, pati na ang sitaw. Natuklasan ko itong masamang gawain nang minsang magluto ako ng langka na mapait ang lasa at kahit mahigit isang oras na ay hindi pa rin lumalambot, ganoon din ang talong na kahit nadurog na ang ibang gulay na kasama sa tagal ng pagkakagisa, ito ay matigas at amoy sariwa pa rin. Ang sabi ng ilang nakausap ko, tawas daw ang ginagamit na “gamot” para sa gulay.
Noon, napabalitang walang pakundangan ang pag-spray sa mga NFA rice na iniimbak sa mga bodega, ng gamot na panlaban sa bukbok, bigas kuto, at iba pang kulisap na sumisira dito. Subalit, ang masamang epekto naman ay napupunta sa tao – masama na ang lasa, may amoy pa. Kawawa naman ang mga mahihirap na Pilipino dahil nakakakain nga maski paano ng murang bigas, may lason naman pala! Bandang huli, dahil sa pagkabulgar nitong hindi magandang gawain, ay siniguro na yata ng ahensiyang responsable na ang bigas ay talagang ligtas na makakain ng mga Pilipino. Subalit hindi man NFA ang bigas, kahit ang mga pangkaraniwang lokal na klase ay hindi rin ligtas dahil upang masiguro na hindi sila mapeste, ini-espreyhan din sila ng insecticide, kaya hindi maaaring wala silang nasipsip upang mapasama sa mga butil.
Ang mga gulay bukid na itinuturing na ligaw at nabubuhay sa palayan at tabi ng pilapil tulad ng kangkong, lupộ, at apat-apat, na masustansiya sana ay halos hindi na rin ligtas kainin dahil sa mga fertilizer na inii-spray sa mga palay na humahalo sa tubig kaya nasisipsip ng nabanggit na mga gulay. Pati ang kuhol at tulya na nakukuha sa linangan at gilid ng mga kanal ng arigasyon o patubig ay may mga deposito na ring lason sa kanilang laman.
Ang mga prutas tulad ng saging at mangga ay inii-espreyhan na rin, kaya kahit pa sabihing binabalatan muna sila bago kainin, hindi maaaring walang nasipsip na insecticide na humalo sa laman. Ang saging na pinapadala sa ibang bansa ay binababad sa isang klase ng kemikal upang maantala ang paghinog nito. Pati ang mga itinuturing na prutas-gubat tulad ng durian at mangosteen ay tinatanim na sa mga orchard at inii-espreyhan na rin. Ang tubo na pinagmumulan ng asukal ay kailangan din ispreyhan habang lumalaki upang siguradong hindi mapeste o di kaya ay ginagamitan ng abuno upang tumamis ang katas, kaya ito ay may bahid na rin ng lason.
Ang mga halamang gamot ay may bahid na rin ng lason na galing sa hangin dahil sa dumi nito. Kaya maski pa sabihing gamot sila at organic ang sistema ng pag-alaga sa mga green house, may posibilidad pa rin na may lason sila.
Ang ibig kong ipabatid sa isinulat kong ito ay: nagsi-self liquidate o pinapatay ng tao ang sarili, gamit ang mga ginawa o inembento niya. Iyan ang halaga o katumbas ng pag-unlad. Sa madaling salita, sariling karunungan ng tao ang pumapatay sa kanya. Hindi man idaan sa pagkain ang paliwanag, ibig kong sabihin, mismong mga gamit na magpoprotekto sana sa kanya na inimbento niya, tulad ng baril, itak, at bandang huli, granada at mga bomba, ang pumapatay din sa kanya.
Idagdag pa rito ang kasakiman na umaabot sa pag-abuso sa kalikasan tulad ng walang patumanggang pagto-troso at pagmimina na nagiging sanhi ng baha at pagkasira ng normal na takbo ng panahon. Dito lumalabas ang katalinuhan ng Diyos…dahil sa mga ganitong pangyayari, nakokontrol ang “pag-apaw” ng tao sa mundo!