The Threat of Uncontrolled Tourism…signals the downfall of Philippines’ Last Hope

The Threat of Uncontrolled Tourism

…signals the downfall of Philippines’ last hope

By Apolinario Villalobos

Due to the unbecoming effort of the Philippines to become a prime tourist destination in Asia, it disregarded one important factor in this kind of industry – control of infrastructure. One glaring ruthless result of this is the virtual “rape” of Boracay Island. The tiny island fringed with white sand beaches is now suffering from the onslaught of the uncontrolled rise of 5-star hotels and resorts that resulted to the pollution of its water due to overflowing septic tanks. The once pristine and clear waters are now covered with layers of muck and algae.

What happened to Boracay can happen to any other touristic destinations around the country. The problem lies in the failure of the Department of Tourism to spearhead and advocate eco-tourism which is what the Philippines, as a third-world country, needs. The people behind the desks in the offices of the agency seem to have forgotten that not all tourists require luxurious hotels and resorts. These people thought that for a destination to be attractive, it must have 5-star luxurious facilities, that is why, they keep on encouraging investors to put these up in prospective and thriving destinations.

During the 70’s, “backyard tourism”, the precursor of “eco-tourism” has been advocated, primarily, by Philippine Airlines in cooperation with travel agents and the earlier eco-oriented personnel of the Department of Tourism. The idea was to give the opportunity of managing the needs of the tourists to the locals. In line with this, establishment of comfortable facilities, not the type of multi-storied hotels and expensive resorts, were encouraged. The backyard tourism was conceptualized to preserve the exemplar setting of the destination, thereby, preventing the drastic alteration of its landscape. Also, the locals are given the chance to show what the real Filipino hospitality is like. But those former people of the agency are gone, supplanted by another set of personnel with a different outlook.

With agriculture gone because of the once rice fields giving way to malls and condo buildings, slumping fishing due to the problem with China in the West Philippine Sea, denuding of forests due to careless logging, and exhaustion of mineral deposits due to incessant ventures of foreign stake holders, the only hope left is with tourism…but at the rate another form of abuse is going, the Philippines will be finally left with nothing else that can be seriously called “industry”, and which Filipinos can be proud of.

I am a Filipino, proud…yet, suffer, too

I am a Filipino, proud
…yet suffer, too

By Apolinario B Villalobos

“Let us not lose hope…”
This I have to say first
For if I won’t, but instead
Put that line at the end
I will be stirring your anger
That I will just regret later.

When foreign people
Set foot on our sacred shore
Our ancestors welcomed them –
Not just with smile
But warm embrace
Showed them kindness
Showed them love –
The way of Filipinos
As the whole world knows.

The Chinese brought pots and silk
Gave names to our islands and islets,
The Japanese brought their skill
And goods of steel,
Spain sent forth Christianity
Tainted with gracious civility,
The Americans brought more-
More than what we could muster
And all of these-
Supposed to enrich our culture
But instead, defiled our identity
Stained much of it with sheer gravity!

I hear Filipinos speak English with a twang
But should not be when they speak our language –
Filipino, the rich language of every Juan.

I see Filipinos enjoy foreign food, every bit of it
But should not be, when they push aside
Our own sinigang and pinakbet.

I hear Filipinos sing foreign songs so soulfully
It’s just nice, but not when they despise
Our own that should be sung with dignity.

Deep inside, I suffer as I see and hear them
I know that just like me, others out there
Are gritting their teeth but can’t do anything;
Proud as a Filipino, yes I am
But so many things are left undone –
Things that our heroes in the past have begun
They who put color
To the vivid pages of our history;
Things that should have been done
By our heroes of today
But who died just when a new light
Started to shine on our democracy.

Leaders, policy makers, lawmakers…
Are they…really?
They who warble promises
And steal the people’s money?
Paid with lofty sum from the coffer
Where money for those who suffer
Should have come
Should have been done
But only the few – these warblers
Enjoyed no end, they who are supposed
To be brimming with wisdom!

After the father, comes the mother
Then the daughter, and the son
Not contented, the cousins and in-laws
All in the family, to power they strut
With a taunt in their face that says:
“What are we in power for,
And you with money has none
Eat your heart out, here we come!”

Rain that used to bless the earth
Filipinos now desist
Especially those who live
Along the river banks of the cities
For with it comes the flood
A curse that only the Bible says
Shall wipe out sinners
From the face of the earth;
But why…the floods?
Simple: the money for saving projects
The conscienceless –
Unscrupulously pocketed!

Innocent lengths of asphalted roads
That for long defied the trash of nature
Helplessly wrecked by greedy contractors
So that low-grade fresh overlay can be spread
Later giving up to rain’s patters
And treading of cars, trucks, and all…

Even the precious school books are not spared
By purported educators blinded with greed
Seeing to it that new ones, yearly will be printed
Exam questions, at the end of every chapter
Are cleverly printed!
So then, closing school years would also see
These books so dear, become useless –
Thrown to the garbage, not to be used
By aspiring younger brood of the family.

I am pained by the sight
Of plates at restaurants
and food stations of the malls –
Half –finished food left with pride
By those who seem to say
“I am rich, I can squander money”
And who never thought
That out there in the dumps
Some brethren try to salvage morsels –
Precious food that could be stuffed
Into their guts so they can live
Better than nothing, or they’re dead.

I said in the beginning of this:
Let us not lose hope…
But wish for the best
If we strive together
And do what is right
Then new life for us
Will be in sight!

Ang Kawalan ng Puso at Isip ng Mga Namumuno sa Gobyerno ng Pilipinas

Ang Kawalan ng Puso at Isip ng
Mga Namumuno sa Gobyerno ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Mula nang mailuklok sa pamunuan si Cory Aquino na akala ng mga Pilipino ay magbibigay ng ginhawa pagkatapos na mapatalsik si Marcos, hanggang sa kasalukuyan ay wala ni isang kapiranggot nito na naramdaman o nadaranasan. Maliban sa kalituhan ng mga nagmamarunong na mga lider, nalambungan din ang bansa ng matinding korapsyon na animo ay kanser na tumatagos hanggang buto. Umabot sa sukdulan ang dusang dinanas ng mga Pilipino nang magsimulang mag-privatize ng mga kagawaran na ang layunin ay pangasiwaan ang mga pangunahing pangangailangan ng bansa tulad ng kuryente, langis at tubig, kaya lalong nahirapan ang mga Pilipino.

Nang ibenta ang lupaing nakatalaga para sa militar upang gawing commercial center, ang ipinaalam sa taong bayan ay gagamitin ang perang malilikom sa pag-modernize ng mga gamit ng lahat ng sangay ng military, subalit inabot ng kung ilang taon na, walang nangyari sa pangako.

Nang ibenta ang kumpanya ng langis (Petron) at sinabayan pa ng pag-deregularize ng bentahan ng langis, ang inaasahang pagsigla ng kalakalan dahil sa kumpetensiya ay hindi nangyari. Nagkaroon pa ng kutsabahan ang mga kumpanya ng langis.

Mabuti na lamang at napigilan ang pagbenta ng mga ospital pampubliko. Tulad ng dati, ang ginawang dahilan sa naunsyaming bentahan ay upang ma-modernize daw ang mga kagamitan ng mga ospital at nang sa ganoon ay maaari na silang makipagsabayan sa mga modernong ospital ng mga mauunlad na bansa. Isang katwirang baluktot! Paanong mangyari ang ganito, ay hi hindi nga makapagtalaga ng mga regular na health workers sa mga barangay health centers?!!! Ang sinasabi palagi ay walang budget. Subalit kung para sa kurakutan, ay mayroon!

At, ngayon naman ay pinipilit ng gobyerno, sa pamamagitan ni Abaya na itaas ang pamasahe sa LRT at MRT, at halatang-halata ang ginamit na paraang mapanlinlang. Hindi naman bulag ang mga sumusubaybay sa nakikitang hudyat para sa isa na namang nakaambang bentahan. Dahil sa bulok na sistema ng operasyon ng LRT at MRT, walang bibili nito, maliban na lang kung itataas muna ang mga pamasahe na magsisilbing garantiya sa kikitain ng bibili…ganoon lang naman, kaya pursigido ang DOTC na itaas agad ang mga pamasahe.

Hindi dahilan ang noon pa sanang pagtaas ng pamasahe dahil nabisto mga kwestiyonableng transaksyon ng mga namumuno dito, lalo na sa aspeto ng pagmimintina. Bakit hinayaang mamayagpag ang problema na matagal na palang nangyari? Kaya siguro hindi nagtaas ng mga pamasahe noon pa man, ay upang mapagtakpan ang mga kabulastugang nangyayari. Kung hindi pa pumutok ang isyu sa pagmamalabis ni Vitangcol, ay hindi inilantad ang korapsyon sa sistema. At, ngayon ay sinisisi ang mga mananakay ng MRT at LRT na hindi daw umuunawa sa kaawa-awang kalagayan ng mga ito!…ganoon lang? Pagkatapos makurakutan, ay ibabato sa mga tao ang sisi?

Kung walang balak ang gobyerno na ibenta ang LRT at MRT, bakit kailangang magtataas pa ng mga pamasahe ganoong sa mga naaprubahang mga badyet ay nakapaloob ang malaking subsidiya para sa mga ito? Saan gagamitin ang perang kikitain sa pagtaas ng mga pamasahe?…o di kaya ay, saan gagamitin ang inaprubahang subsidiya?

Dahil sa mga nangyayari, malinaw ang pagkamanhid ng mga nakaupo sa gobyerno sa hirap na nararamdaman ng mga Pilipino…wala silang puso…at hindi na yata nag-iisip ng kung anong maganda para sa taong bayan!

Kung Maibabalik Lamang Ang Nakaraan Panahon

Kung Maibabalik Lamang

Ang Nakaraang Panahon

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa diretsahang salita, ang Pilipinas ngayon ay tila naghihingalo sa dami ng karamdamang tinitiis. Nariyan ang corruption sa gobyerno, ang mga dilubyo, baha, gutom, karahasan sa mga lunsod at kanayunan. Tila ba hindi lang simpleng sakit na maaaring mapagaling ng ilang gamutan, kundi kanser na kumalat sa kanyang kabuuan…kanser na sagad sa buto at unti-unting sumisira sa iba pang bahagi nito at wala nang pag-asang malunasan pa.

 

May nakausap ako minsan na isang kababayang travel writer na may asawang nagtatrabaho sa Singapore. Nang dumalaw daw siya sa kanyang misis, medyo natagalan siya sa kanyang pagbakasyon doon kaya nagkaroon ng mga kaibigang katutubo. Sinabi ng mga Singaporeans sa Pilipinong travel writer na ini-idolo daw nila si Marcos. Katunayan, ang sistema daw sa pagpapatakbo ng Singapore ay batay sa mga sistema ni Marcos noong siya ay Presidente pa ng Pilipinas. Nagulat daw ang travel writer sa kanyang narinig, lalo rin akong nagulat nang banggitin niya ito sa akin. Hindi ito alam ng maraming Pilipino. Kaya pala ganoon kabilis ang pag-asenso ng Singapore.

 

Kung ihahambing nga naman sa mga administrasyong pumalit kay Marcos ang pamamalakad nito sa Pilipinas, lalo na kung isama ang kasalukuyang administrasyon, napakalaki ng kaibahan. Pagkatapos na pagkatapos pababain si Marcos, ang inaasahang mga pagbabago ay hindi natupad, kaya dalawang beses nagkaroon ng kudeta. Lalong lumala ang kalagayan ng bansa nang sinundan ang pamamahala ni Cory Aquino ng iba pa, na lalong nagpalala ng kurakutan sa kaban ng bayan. Nadagdagan ang mga kurakot na nagkaroon ng lakas ng loob dahil napansin nila ang mga butas sa sistema ng gobyerno. At lalong tumindi sa kasalukuyan, dahil mismong mga ordinaryong mamamayan ay sangkot na sa pangungurakot.

 

Ang pagkatalamak ng sakit ng pamahalaan ay tila walang kagalingan dahil mismong mga kawaning nagpapatakbo ng mga ahensiya ay kabahagi na rin sa mga pangyayari. Mapalitan man ang mga opisyal na ibinoto ng mga mamamayan, naiiwan pa rin ang mga taong bantay-salakay dahil protektado ng civil service code. Ibig sabihin, hindi pwedeng basta mapapatalsik ang mga sangkot na empleyado, sa halip ay masususpindi lamang habang dinidinig ang kaso nila, na animo usad pagong sa kabagalan. Wala man sila sa opisina, nakokontak nila ang mga naiwang kakutsaba at napapagsabihan kung ano ang gagawin.

 

Yon namang mga ibinotong opisyal na may mga kasong iniimbistigahan, ayaw mag-resign, kahit dahil man lang sa delikadesa. Ang katwiran, may mandato sila galing sa mga botante. Mga botanteng binayaran? At isa pa, noong kasagsagan ng eleksiyon, malay ng mga botante na mangungurakot pala ang ibinoto nila. Kaya hindi pwedeng gamitin ang mandato dahil bukod sa hantarang talamak na vote buying, ay ngayon lang nagkaputukan ng mga kaso.

 

Dahil sa kawalan ng pag-asa, ang kawawang Pilipino ay nakatingin sa kawalan, nangangarap na sana ay ibalik ang nakaraang panahon.

Isang Kuwento ng Katatagan (tungkol pa rin sa bagyong yolanda)

Isang Kuwento Tungkol sa Lakas ng Kalooban

(tungkol pa rin sa bagyong Yolanda)

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang umaga, nang ako’y bumisita sa mga kaibigan ko sa Baseco (Tondo), nagdala ako ng pandesal na binili ko sa isang maliit na panaderya malapit sa bukana ng compound. Dahil medyo malaki ang ekstrang pera na dala ko, bumili ako ng 100pesos na halagang pandesal dahil dumami na sila gawa ng mga nagdatingang mga bisita (mga evacuees) galing sa Tacloban. Pagdating ko sa bahay na tinitirhan ng dalawang pamilyang dayo, sumigaw ang pinakabunso sa mga bata, “Lola, may pa-bertdey na kayo, maraming pandesal dala ni Tito …..”(ibang pangalan ang pakilala ko sa kanila, hindi ko pwedeng sabihin). Tinawag ng isa pang bata ang ibang mga dayo sa likod lang ng tinitirhan nila upang maki-bertdey ng pandesal. Sila yong mga taga-Tacloban na pansamantalang nakikitira sa mga kamag-anak nila sa Tondo. Upang kumita, namumulot sila ng mga reject na gulay na itinapon ng mga biyahera, upang linisin at ibenta naman sa dating riles ng tren sa Divisoria, at kung tawagin nila ay “bangketa”.

Share-share na lang kami sa kape dahil kulang ang tasa at mug. Ang mabubulunan na lang ang humihigop. Ang iba ay nagkasya sa pagsawsaw ng pandesal sa mga tasa. Nagkakatuwaan ang mga bata at mga magulang na nagkwento kung paano nilang iwasan ang backhoe na siyang naglalagay ng mga basura sa malaking dump truck. Ang lolang nagbertdey nakangiti lang, habang sinasawsaw ang pandesal niya sa kape upang lumambot dahil wala siyang ngipin. Sabi niya, 92 years old na siya kaya hindi na siya sumasama sa mga namumulot ng mga reject na gulay upang ibenta. Naiiwan siya sa bahay upang magtalop na lang ng pabulok na sibuyas upang matangal ang mga sirang balat. Ang mga sibuyas  na galing China at Taiwan daw ay sako-sako kung itapon ng mga bodegero.

Maya-maya pa, dumating ang isang nanay na may dalang plastic bag, may lamang talong at petsay. Nagpabili ako ng tinging mantika, halagang 10peso panggisa. Sabi ko yong ibang talong iihaw na lang. Naggisa ng petsay at talong sa maraming sibuyas, toyo ang pampalasa. Ang mga inihaw na talong, nilamog ko pagkatapos mabalatan at ginisa sa marami ding sibuyas at tinaktakan  ng toyo, sabi ko, pwedeng palaman sa pandesal. Naalala ko kasi na kumain ako nito sa isang restaurant sa Makati, pero mas maraming spices. Itinabi ang lahat ng niluto dahil maaga pa para mananghalian.

Nang maubos ang pandesal, binati namin si lola ng happy birthday.  Dahil nasa tabi lang namin ang kalahating sakong sibuyas na kailangang talupan, naki-bonding na rin ako sa pagbalat.

Para sa pananghalian, inilabas naman ng kaibigan ko may-ari ng bahay na tinutuluyan ng isang pamilyang bisita ang anim na labong plastic bag (yong nilalagyan ng kanin at ulam sa mga karinderya) na puno ng kaning tutong na binili niya sa isang karinderya sa labasan (ni-refund ko na lang ang ginastos niya). Inilagay ang kanin sa isang maliit na plastic na palanggana at ipinwesto sa gitna ng mesang yari sa dalawang crates ng prutas. Ang mga nilutong gulay naman na nasa mga kaldero pa, inilagay din sa gitna at nilagyan ng mga sandok. Kanya-kanya kaming hawak ng pinggan habang naghihintay ng toka sa pagsandok ng pagkain. Pero ang mga bata ipinagsandok ng mga nanay, ang kay lola ako na ang naglagay ng kanin na pinili ko upang walang masyadong sumamang tutong.

 

Habang kumakain kami, may nagsimulang magbanggit na sa probinsiya, maski papaano meron sanang sariwang isda man lamang. Nagpalitan na ng kwento tungkol sa buhay nila sa probinsiya hanggang noong manalanta na ang bagyong Yolanda. Palihim kong tiningnan ang mga mukha nila…wala akong nakitang lungkot o galit.  Sabi ng isa, “walang magawa ang tao sa lakas ng Diyos”.  Totoo nga naman, isip-isip ko. Dugtong pa ng isa, “kailangang tanggapin natin dahil baka parusa upang magising tayo, at kung hindi tayo kikilos, aba eh, maninigas tayo sa guton!”. Lalong totoo nga naman isip-isip ko pa rin. Bandang huli, nagtanong ako kung sinubukan nilang lumapit sa DSW dito sa Maynila.  Walang  umimik,  pero yong iba, tiningnan ako at ngumiti lang, sabay iling. Pagkatapos kumain, iniligpit ng mga bata ang mga pinagkainan, at kami naman balik sa pagtalop ng mga bulok na sibuyas.

Bandang 3pm na ako nagpaalam upang makaiwas sa trapik dahil malayo pa ang uuwian ko. Ang pagkaalam nila sa bandang Antipolo ako umuuwi. Nangako akong babalik sa susunod na Sabado at magdadala ulit ng pandesal. Habang naglalakad ako patungo sa sakayan ng dyip, medyo napaluha lang ako ng bahagya (dahil pinipigilan ko) at ang lalamunan ko ay naninikip, nang maalala ko ang kasiyahan sa mukha ng mga kaibigan kong nagsasawsaw ng pandesal sa kape. At sa kwentuhan nang mananghalian kami, wala ni maliit na bahid man lang ng galit sa kanilang mukha habang sinasabi sa akin kung paanong ginawin sila ng kung ilang araw bago naabutan ng “tulong” – 4 na sardinas, ilang pirasong biscuit, 3 kilong bigas, 6 na pirasong instant noodles, mga nasa loob ng isang plastic bag na may tatak ng isang ahensiya ng gobyerno.  

Napahanga ako sa katatagan ng loob nila, at lakas ng pananampalataya dahil sa paniwalang makakabangon silang muli.