Ang Makasarili at Mapagbigay

Ang Makasarili at Mapagbigay

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahahalata ang taong makasarili at mapagbigay sa pamamagitan ng isang halimbawang sumusunod: ….sa hapag-kainan, ang pinipiling saging ng makasarili ay ang may pinakamagandang balat at malaki; ang mapagbigay naman ay pinipili ang maliit at may halos nangingitim nang balat dahil nanghihinayang siya kung tuluyang mabulok. Kung piniritong isda o manok ang ulam, ang pinipili ng makasarili ay ang pinakamalaki; ang mapagbigay ay hindi namimili.

 

Walang masama sa pagpili ng pinakamagandang bagay kung ito ay iyong binili. Subalit kung nakalatag sa harap ng isang pamilya kung saan ay kasama ang magulang at mga kapatid, dapat ay kailangang maging mapagbigay lalo na sa magulang at nakababatang kapatid. Kadalasan, ang mga nakatatanda pang mga kapatid ang nag-aagawan ng pinakamaganda habang nakatunganga ang mga nakababatang kapatid at magulang.

 

Ang pagkamakasarili ay nagbibigay-buhay sa kasabihan sa Ingles na, “what are we in power for”…na nagpapairal ng lakas laban sa mahihina. Nangyayari yan sa lahat ng sitwasyon, sa loob man ng tahanan o sa komunidad na maliit hanggang sa kabuuhan ng isang bansa. Dahil diyan ay may korapsyon sa mga pamahalaan at sa loob ng ILANG tahanan ay may magkakapatid na palaging nag-aaway.

 

Sa mga pamilyang mayayaman, ang pagkamakasarili din ang dahilan ng awayan ng magkakapatid dahil sa mga minana mula sa mga namayapang magulang.

Mga Problema ng Nagpapaupa ng Tirahan at ng mga Nangungupahan

MGA PROBLEMA NG NAGPAPAUPA NG TIRAHAN,

AT NG MGA NANGUNGUPAHAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang problema ng mga nagpapaupa ay ang mga propesyonal na mandurugas na nangungupahan na ang style ay pagpalipat-lipat ng mga tirahan kung wala nang pambayad. Sa simula ay advance pa kunwari sa pagbayad pero pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan ay delayed na haggang tuluyang hindi na magbayad dahil wala daw pera, pero kaya namang bumili ng mga mamahaling gadget at palagi pang nagpapainom sa bahay. Kapag malaki na ang naipong utang at pinaalalahanan ng may-ari, sila pa ang galit, at sila pa rin ang unang nagrereklamo sa barangay dahil hina-harass daw.

 

Ang iba namang may-ari ng bahay, apartment o kuwarto na pinauupahan ay hindi man lang tini-check ang background ng gustong umupa. Hindi man lang inaalam kung saang barangay galing, at maski tadtad na ng tattoo ang katawan, may mga hikaw pati ilong at bibig, okey lang. Magugulat na lang ang gahamang may-ari kapag may kumatok nang pulis sa pinto ng nangungupahang drug pusher pala! May isa namang nagpaupa na dahil impress sa kotse at ayos ng mga titira, lalo pa at nagbigay agad ng down payment at ilang buwang advance ay hindi na nagtanong pa tungkol sa uri ng trabaho nila. Ilang buwang makalipas ay hinuli ang mga nangungupahan sa isang grocery sa bukana ng subdivision – mga holdaper pala! Yong isa namang may-ari ng apartment ay tinanggap agad ang mga nag-apply, at hindi pa rin nagduda kahit puro lalaki ang nagdatingan na ang dala ay mga backpack lang, walang gamit pangbahay, pero maraming sasakyang ginagamit. Hindi kalaunan, ni-raid ang apartment dahil ang mga nangupahan pala ay isang grupo ng kilala at notorious na holdaper, ang “Kuratong Baleleng”.

 

Ang iba naman ay tinatarantado ang kubeta ng  inuupahan dahil bago sila umalis ay sinasalaksakan nila ang inudoro ng kung anu-anong bagay upang maging barado na! Ang iba naman ay kinakalikot ang electrical wirings upang magkaroon ng short circuit. Meron pang nagbabawas o nagluluwag ng besagra ng mga pinto, kaya ilang bukas-sarado lang bigla na lang silang matatanggal. Kapag ganito ang nangyayari, kawawa ang landlord lalo pa kung ito ay retirado at ang inaasahang pambili ng gamot ay ang upa.

 

Hindi naman lahat ng nangungupahan ay mandurugas o may bisyo. Ang karamihan ay disente lalo na yong may  maayos ang trabaho. Meron ngang tumatagal ng hanggang nagka-apo na. Ang problema naman nila ay ang switik na may-ari ng inuupahan nila pagdating sa singil sa kuryente at tubig na “common” o batay lang sa isang metro. Mataas ang singil ng mga switik na ito sa mga tenants upang silang may-ari ay makalibre na. Kapag umalis naman ang mga nangupahan, hindi binabalik ng ilang landlord ang deposito kahit walang nasirang bagay sa inupahan. Upang hindi maibalik ay kung anu-anong dahilan ang sinasabi ng mga switik na landlord sa mabait na tenant upang hindi na mabawi ang deposito. Kadalasan din ay pinapangakuan ang mga umalis na tenants na bumalik pero wala namang nangyayari hanggang tamarin na lang sila at upang hindi na magkagastos sa pamasahe.

 

May isang switik na landlord akong alam na na-karma kaya ngayon ay tadtad ng sakit ang katawan, lalo na ng psoriasis, isang sakit sa balat kaya iniiwasan siya. Ang isa namang “propesyonal” na mandurugas na tenant na isa palang drug pusher at nagpapagamit ng inuupahan bilang “drug den” ay nadale sa operasyon “tokhang”.

 

 

 

Ang Tungkulin at Responsibilidad

Ang Tungkulin at Responsibilidad
Ni Apolinario Villalobos

Ang tungkulin ay hindi na dapat inuutos pa at ang responsibilidad ay may kaakibat na pananagutan sa lahat ng ginagawa ng isang tao. Bilang isang matalinong nilalang, alam ng bawa’t tao na kasama ang dalawa sa anumang pinasukan at inako niya.

Sa isang trabahong pinasukan halimbawa, alam ng isang tao kung ano ang mga dapat asahan sa kanya kaya may tungkulin siyang tuparin ang mga ito. Nakapatong sa kanyang balikat ang pagpapatupad ng mga ito sa abot ng kanyang makakaya, subalit kung siya ay mabigo, dapat siyang managot – yan ang responsibilidad.

Sa ibang bansang Asyano tulad ng Korea at Japan, ang dalawang nabanggit ay itinuturing na mitsa ng buhay at ang katumbas ay kahihiyan. Kapag nabigo sa mga ito ang mga tao doon, itinutulak sila ng kahihiyan upang wakasan na ang kanilang buhay. Para sa kanila, ang kabiguan sa mga ganoong bagay ay duming didikit sa kanilang pagkatao habang buhay at ang makakapaghugas lamang ay kamatayan.

Sa Pilipinas, iba ang kalakaran at nangyayari, lalo na sa gobyerno. Kung may mga palpak na pangyayari, lahat ng sangkot ay nagtuturuan. Mayroon pang mga walang takot sa pagbanggit sa Diyos na saksi daw nila sa pagsabi nilang wala silang kasalanan. Pati ang kalikasan ay binabanggit, kaya tamaan man daw sila ng kidlat, talagang wala silang bahid ng kasalanan. Mabuti na lang at wala sa mga “matatalinong” ito ang nagdidiin ng kanilang sinabi ng, “peks man”!

Ang mga halimbawa ng mga problema na idinaan sa turuan ay ang Mamasapano Massacre, usad-pagong na pag-rehabilitate ng mga biktima ng typhoon Yolanda, nakawan sa kaban ng bayan, ang pinagkakaguluhang West Philippine Sea, ang nawawalang pondo ng Malampaya, ang mga problema sa LRT at MRT, at mga sunog na ang pinakahuli ay nangyari sa Valenzuela (Bulacan), sa Gentex na pagawaan ng tsinelas. Lahat ng mga sangkot na tao at ahensiya ay ayaw umamin ng kasalanan. Matindi talaga ang sakit ng Pilipino na “feeling linis syndrome” o FLD!

Sa mga pangyayaring nabanggit, malinaw na walang maayos na koordinasyon na pinapatupad. Ang mga ahensiya at mga tao sa likod nila ay nagkukumahog upang makakuha ng credit kung sakaling tagumpay ang mga ginagawa nila, subalit, mabilis ding mambato ng sisi sa iba kung sila ay nabigo.

Sa isang banda naman, ang presidente ng Pilipinas ngayon ay walang humpay ang pagbato ng sisi sa nakaraang administrasyon dahil sa mga kapalpakang dinadanas ng kanyang pamumuno, ganoong ang problema niya ay ang mga taong itinalaga niya sa puwesto, na ang iba ay matagal nang dapat niyang tinanggal subalit hindi niya ginawa.

Sa panahon ngayon, maraming mga magulang ang hindi nakakatupad ng kanilang mga tungkulin sa kanilang mga anak na lumalaking suwail. Ang sinisisi nila ay ang mga makabagong teknolohiya kaya nagkaroon ng internet, at mga barkada ng kanilang mga anak. Yong ibang magulang naman, taon-taon ay naglilipat ng anak sa iba’t ibang eskwelahan dahil palpak daw ang mga titser. Kung tumingin lamang sa salamin ang mga magulang, makikita nila ang kanilang pagkakamali dahil dapat ay sa tahanan nagsisimula ang paghubog ng kabataan. Ang eskwelahan at mga titser ay tumutulong lamang.

Marami na kasing magulang ngayon na mas gusto pang makipagsosyalan sa mga kumare o umatend ng ballroom dancing, makipag-inuman sa mga kabarkada, makipag-shooting, makipag-weekend motoring, atbp., kaysa makipag-bonding sa mga anak. Ang dinadahilan nila ay ang kapaguran sa paglilinis ng bahay, pagluluto, paglalaba, pagpasok sa trabaho, overtime sa office, atbp – kaya kailangan nilang magpahinga naman! Kung hindi ba naman sila nuknok ng ka…ngahan!… papasok-pasok sila sa ganoong sitwasyon, pagkatapos ay sisisihin ang pagod! Kung honest sila, dapat ay sisihin din nila ang libog ng katawan! Sa ginagawa nila, mga anak nila ang kawawa!

Dapat isipin ng isang tao kung kaya niya ang mga tungkulin at responsibilidad sa papasukan niyang sitwasyon. Ang kailangan niya ay katapatan sa sarili, hindi ang nagpapalakas ng loob na, “bahala na”.

The Nail

The Nail
By Apolinario Villalobos

It is just a simple piece of iron with a head, and its other end is terrifyingly pointed. It comes in different sizes. Some come in the size of a match stick, some in the size of a barbecue stick, with the biggest that come as big as a thumb. Before, the nail was just made from crudely cast iron, but later, copper and brass were used so it won’t get deteriorated by rust, and today, even stainless steel is used so that it can puncture delicate materials such as thin plywood.

Our ancestors before were contented in securing their homes with fibrous tall grass and vines due to the lightness of materials that they used branches, twigs and grass. But today, due to the use of heavy materials, the nail is very important in putting together the roof, wall, floor and stairs, to come up with a house. Obviously, the nail is among the primary components in providing strength to the whole structure.

Nowadays, the nail is unfortunately being used as one of the components in making improvised bombs, and which extortionists and terrorists use in sowing dread throughout the world. In the Philippines, it is also being used as arrowhead for the “Indian pana” (Indian arrow) which hoodlums in Tondo use against their rival gangs. Still another use of the nail, though unbelievably, is in witchcraft. It is purportedly planted in the guts of victims, who claim to painfully and bloodily eliminate them through bowel movement.

The nail is part of Jesus Christ’s suffering on the cross which Christians believe as His ultimate act in saving mankind from sin. He was nailed on the cross. The nail caused Him pain. The Christian church may have just inadvertently failed to mention the nail every time the saving act of Christ on the cross is mentioned. Without the nail, would His suffering for mankind been completed on the cross? If the cross that He carried is mankind’s sin, the nail is its arrogance, the pain from which penetrated even the last sinew of His muscle!

Ang Masaya Kong Nakaraan

Ang Masaya Kong Nakaraan

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi ito isang kuwentong mala-nobela. Kuwento ito ng masasayang araw ng aking kabataan. Makulay pa. Noong nasa elementarya ako, kasama ang ilang abenturista ring mga kaklase, namumutol kami ng kawayang Hapon sa isang bukid upang gawing sumpit. Upang magkaroon kami ng pambalang monggo, pumupunta kami sa palengke upang mang-umit nito sa mga bilaong nakatiwangwang lang, at pinupuno namin ang aming bulsa. Yong kasama naming isa, siguro nagsisisi sa mga ginawang pang-uumit kaya ngayon ay nakikibahagi ng mga salita ng Diyos bilang tanda ng pagsisisi. Yong isa, namayapa na.

 

May mga sinamahan din akong mga kaibigan na mahilig sa pag-akyat sa puno. Sa kanila ko natutuhan ang patiwarik na pagbitin sa sanga. Natuto akong bumaba sa puno ng santol na puno ang damit ng ninakaw na bunga, animo ay buntis, habang ang hindi kayang maipit ng damit ay naglalaglagan sa pagitan ng aking mga hita. Wala kaming pera subali’t masaya kami.

 

Noong panahon na wala pang kuryente sa bayan namin, ang mga nagpapa-party ay gumagamit ng Petromax, at para lang masabi na romantic daw, mga kandila naman ang sinisindihan na kung mangaupos ay pinapalitan ng gaserang de-gas kaya kinabukasan paitiman ng ilong ang mga nagsidalo, dahil sa nalanghap na usok. Ang music naman, mula sa de-bateryang phonograph o “phono”, kaya pabilisan ang pagsayaw ng twist at kung anu-ano pang mabibilis at magagaslaw na “stroke” dahil kapag humina ang baterya, maski kantang “limbo rock” ay nagiging pang- sweet dance na lang, hanggang sa tuluyan nang mamahinga ang “phono”, kaya goodnight na sa isa’t isa kahi’t maaga pa…mahal kasi ang baterya.

 

May mga haranahan akong inabot. Isa sa mga hinarana ay kapatid kong hindi naman kagandahan, nagustuhan lang yata ang hagikhik nito na nakakaaliw. Minsan, nagalit ang tatay namin, kinuha ang arenola, binuksan ang bintana at ibinuhos ang laman sa labas, yon pala may nagpapasakayle ng gitara sa ibaba. Ang nakikita sa sine na sinasabay sa pagharana ang pagnanakaw ng manok ay totoo. Ginawa ito ng isa kong pinsan kasama ang kanyang barkada isang gabi. Nakadalawa sila ng “nasungkit” na manok, habang ang iba sa kanila ay kumakanta. Sa gabi kasi, ang manok na nakadapo sa sanga ng puno at tulog ay nasusungkit ng kawayang may maikling patungan sa dulo, kung saan lilipat ang manok na susungkitin. Ibinababa ang manok sa sungkit kung malayo na sa bahay na hinarana, kaya walang problema maski mag-ingay pa ito.

 

Madalas ang sunog sa amin kung pasko – mga parol, hindi bahay. Mahilig kasing gumamit ang mga nagkakaroling ng parol na ang ilaw sa loob ay sinindihang kandila. Malalamang may nasusunog na parol kung may nagtatakbuhan at nagkakahulang aso. Ang usong ibigay noon ay hindi pera, kundi kung anong mahahagilap sa mesang prutas o tirang kakanin. Siguradong pera ang matatanggap ng nagkakaroling kung magbibigay sila ng sulat sa mga tatapatang bahay. Ang mga mahiyain naman na nagkakaroling, kumakanta habang nakatago sa likod ng puno, malapit sa bahay o di gaya ay sa halamanan. Maghahanap pa ang maybahay kung saan ang kumakanta para abutan ng saging o kamote na nilaga.

 

Ang mga sinehan sa amin, amoy- ihi at ang mga upuan ay maraming surot, pero napapagtiyagaan. Ang isang sinehan ay naging dalawa, naging tatlo, hanggang naging apat. Nauso ang mga “plus bom” na palabas. Ito yong mga pelikulang may mga isiningit na malalaswa kaya ang tawag ay “plus bom” na ibig sabihin ay “plus bomba”. Bomba ang tawag noon sa mga pelikulang malaswa. Kung magpalabas nito sa amin ay walang pakialam ang mayor. Abot hanggang kalsada ang ingay ng halinghingan ng mga artista, para bang nang-aakit pa ng mga manonood, kaya ang mga abenturista kahit menor de edad, nagkandapunit ang mga high school ID dahil sa pagpapalit ng birthday. Hindi pinatawad ang mga pelikula ni Joseph Estrada at Fernando Poe, Jr. na siningitan din ng mga “plus bom”, pati ang kay Nora Aunor. Nagkakagulatan na lang sa loob ng sinehan, ang hindi makatiis, lumalabas.

 

Masaya sa bayan namin kapag may dumating na van ng “cortal” dahil magpapalabas sila ng libreng sine sa plaza. Kanya-kanyang puwesto ng upuan sa harap ng van, magdadapit-hapon pa lang. Pagkatapos ng palabas, magbebentahan na ng mga gamot, na kung isipin ko ngayon ay baka mga expired na kaya pino-promo. Pero wala akong nalamang namatay sa amin dahil sa expired na gamot. Nagbebenta ako ng sinangag na mani kung may libreng palabas na sine.

 

Madalas ding magpa-“amateur” ang mayor namin na ang ibig sabihin ay amateur singing contest, sa plaza. Ang mga pampalubag- loob na premyo ay tinapay na donasyon ng nag-iisang bakery sa amin. Obligadong magbigay ang may-ari dahil baka isara ang bakery niya, matapang kasi ang mayor namin. Marami palang may magagandang boses sa amin. Ang isang maalala ko ngayon ay may apelyidong Levita. Naalala ko rin sina Grace Perales, at Eufemia Alcon na naging wedding singer. Parehong mga elementary pupils sina Grace Perales at Eufenia Alcon noong sumikat sila sa amin.

 

May dalawang “unit” ng combo ang mayor namin. Ang isa ay tumugtog sa isang beerhouse sa Pasay na nakita ko pang kasama sa isang eksena ng pelikula ni Joseph Estrada. Yong isa ay permanente sa bayan namin upang magpasaya sa mga tao tuwing Linggo. Nagdala ang mayor namin ng dalawang magagandang singer mula sa Maynila. Nagbukas din siya ng isang “night club” sa may bandang palengke, katabi ng katayan o slaughter house. Tinawag itong “Kayumanggi Club”. Ang combo naman ay tinawag na “Firebrand Combo”, dahil ang mga tumutugtog ay nakalista sa payroll ng munisipyo bilang mga bumbero. Yong tumutugtog sa Pasay ay “self-liquidating” dahil ang sweldo ng mga miyembro ay galing sa kita nila, pagkatapos kaltasan ni mayor. In fairness sa kanila, talagang magagaling tumugtog at kumanta, lalo na ng mga kanta ng Bee Gees at Tom Jones. Sa buong probinsiya, bayan lang namin ang may combo, dalawa pa.

 

Regular ang pagdating ng mga peryahan tuwing piyesta sa amin. Kinakaibigan naming magkakabarkada ang mga nagbabantay sa entrance ng circus upang makapasok nang libre. Binibigyan namin ng prutas na nahihingi namin. Nasuyod naming magkakasama ang buong bayan sa paghanap ng mga prutas upang hindi kami pabalik-balik sa ilang bahay. Minsan, nakawala ang ahas na kasama sa palabas, paliliguan sana subali’t gumapang palabas ng tent, takbuhan ang mga batang nag-iistambay. Sa takot ko, dalawang araw akong nilagnat.

 

Magandang magbalik-tanaw sa mga masasayang araw noong kabataan natin. Nakakapagbigay ng ngiti. Iba talaga ang panahon noon, masaya kahit walang computer at malls.

 

 

 

 

The Senior Citizens (…a message to the youth)

The Senior Citizens

(…a message to the youth)

By Apolinario Villalobos

 

Never scorn or despise the senior citizens. Without them, there is no world fit for habitation. Without them, there would have been no bright guys running governments. Senior citizens are the seeds of humanity that brought forth different races that roam the earth. Senior citizens are what the youth have become –intelligent, ripened, seasoned, experienced, toughened, esteemed, honored, valued, appreciated, and many more.

 

The senior citizens toiled day and night to earn so that the youth in their care can eat decent meals and earn knowledge from prep schools, middle schools, colleges and universities. They sat it out all night when the youth in their care contacted diseases. They cried when the youth in their care succumbed to sickness and finally go to eternal sleep. The woman senior citizen carried what would become a child, for nine months which is  the fulfillment of her life as a mother. The elderly man, literally broke his back in carrying loads to earn an honest living for the growing youth in his care.

 

Never hate the senior citizens just because they break cups and plates due of trembling hands. Never call them useless creatures just because you feed them, after they have exhausted their savings to buy you nice clothes, gadgets and pay for your tuition. Never neglect their needs for medical attention, because for you, they can finally rest if their deterioration is hastened. You, the youth, are treading the road that leads to where they are now.

 

The senior citizens should be venerated. They deserve the same care that they once gave you as a growing youth. They should not be caricatured because of their wrinkled skin, stooped posture, bowed legs, gummy smile and chinky eyes due to dimming sight. They should not be shunned because of a typical smell, as they can no longer take a bath on their own.

 

The senior citizens should be loved the way they loved you since the first minute you saw the light of the world. They deserve it more than anything else…more than any weight of gold…more than the brightest sparkle of a diamond. They need to feel the warmth that they once wrapped your frail body.

 

You will become one, like them…ripened by time and toughened by trials.  They are you, years from now…

 

 

What’s Wrong With Us?…and other questions

What’s Wrong With Us? …and Other Questions

By Apolinario Villalobos

 

 

High intelligence quotient sets man apart from the rest of creatures of God that roam the planet earth. At the center of his “self” is supposedly, the conscience which guides him in his decisions. No creation of God is useless, even those that man regards as pest. How much more with us whom the Bible says, He created in His own image? We are like Him. And, because of that we are supposed to exude an image bursting with goodness. But what is wrong with us?

 

Without regard to what will happen next, some of us just let go of our lustful emotion that bring forth, what others call “unwanted” children. Unprepared mothers throw the innocent bundle of joy away – leave it in garbage dumps, in waiting sheds, or flush it down the toilet! What a crime in exchange for a few minutes of happiness! When allowed to grow, the child is neglected. Everyday we see many of them roaming the streets begging or picking morsels of food in garbage bins and dumps.

 

The lucky child who comes forth into this world with the proverbial silver spoon in his mouth grows up pampered by his “loving” parents. These parents mistake pamper for love. They forgot that the growing child needs to be developed and this effort concerns all aspects of his personality. If a child grows in a pampered atmosphere, it will be ingrained in his consciousness that he can get anything what he wants. His childish demands overwhelm the values that the parents are supposed to teach him. Add to this the influence of the environment. A child who recognizes the golden arch that heralds fried chicken, spaghetti and burghers that appear on TV is cute. But is there an effort on the part of the parents to make the same child recognize and appreciate the taste of more nutritious fresh fruits and vegetables? Later on, the parents become frustrated as the same child would raise hell when served foods other than those advertised. Or the parents wonder how their child could become sick when he is fed everyday with spaghetti or hamburger or pizza or fried chicken etc. These are the poor “loving” parents who are now faced with sky-high cost of medicines and hospitalization for the child!

 

Prices of commodities are unpredictably rising. Everybody is complaining about the inadequacy of take home pays. Rallies and demonstrations are held with the wage as one of the issues. Some of those shouting to raise the wage are sporting high end cellphones with prices that range not less than 10 thousand pesos. Some of these guys go to coffee shops where a cup of the black hot beverage costs not less that 50 pesos. Some of these guys leave food on their plates (for the gods?) when eating in swank restaurants or fast foods joints. (I can say this because I know them, I have been with them for a long time.)

 

Why can’t these guys go straight to the agencies responsible in the formulation of wage standards or Department of Labor and Employment for an honest- to- goodness confrontation with the right people? Why march to Malacanang when the president is just waiting for the final bill to be signed into law after having been deliberated in the Congress and Senate?  Why march along busy streets? Everybody already knows about the problem, but why create a situation that would exasperate others who are not part of the activity by causing heavy traffic? Or better, why not conduct press conferences so that matters are clearly laid out for the people to know via the radio, TV or dailies? Why shout the issues in front of the cameras? I wonder if they will still shout their tonsils out if the mediamen covering them have no cameras, just papers and pens.

 

Some mothers seem lazy to try other options to be able to cut on their home expenses. Yet, they pester their husbands for additional allowance. These same mothers never miss scheduled trips to beauty parlors for weekly make-over including the clipping of their nails complete with a paint-over using expensive polishes. One mother was seen on TV being interviewed about the issue on rising prices. As she wiped her tears, she inadvertently displayed her fingernails polished in blazing green with dots of black, one of the fingers with a sparkling ring and from her wrist dangled a gold bracelet.

 

Despite a small take home pay, why do some still have “enough” for several bottles of beer every Friday or Saturday and then cry their heart out on the day that they are supposed to pay the rent, electric and water bills, and kids’ tuition? Why do they always blame the government for the misfortune that befell them when they advertently left their provinces to live in depressed areas in Manila, supposedly to seek their fortune?  Is it the government’s fault when their family bloats with many siblings because of lust? Is it the government’s fault why they miss some opportunities because they spend more time in street corners with their drinking buddies?

 

When shopping either for clothes or grocery, why can’t others check first those with drastically cut price, instead of going straight to the regularly-priced sections? Why insist on preparing meat-based meals almost every day of the week, when they can be alternated with fish and vegetables? At the end, they wonder why they have developed diabetes, high blood pressure, heart diseases and many other illnesses that manifest as they advance in age.

 

Home remedies in the form of condiments, herbs and vegetables that may prevent sicknesses are just waiting around for use anytime at very minimal costs. Vegetables considered before as just food, are now acknowledged as preventive cure for diseases. Others have information about this, but why do they refuse to try them? Why wait until diseases have developed into advanced stages in their bodies before they thought of trying the alternative preventions? Did they not anticipate the high cost of western medications taking a big slice of their budget?  Well, realization and regrets always come late!

 

For office workers, Mondays are days of called-in sick leave, late arrival in the office and worst, outright absence, because the day before was Sunday – family day or gimmick day! Then, there’s the Friday sickness that again necessitates called-in excuses in the desire of some to start a long weekend. If they are serious with their jobs why not treat those days just like the rest of the work days? Why not accept the fact that work week is from Monday until Friday? Why not see to it that enough time for rest is allotted every Sunday even without sacrificing the gimmick or activities with the family? Where is their discipline?

 

Before the arrival of computers, students were contented with books, magazines, journals, newspapers and other printed materials as references for their research. Now, there is the internet which flashes information as soon as tags are encoded in search bars. The internet is a great bank of information that in one instance, the researcher can have as much information as he wanted. But why do students devote more time in browsing the pages of peers in social networks for posted photos,  than enhance their knowledge on matters taken up in school by surfing for added information so that when asked for reports they will not scramble for these to be “copied and pasted” to comprise their submission? Why do professors allow them to just copy and paste their supposedly researched projects? Can’t they tell the difference between an honest-to-goodness write up and a copied one? Or are they guilty, too, of this crime called plagiarism? A question of a viewer about my blog on plagiarism is this: “what if the teacher plagiarizes the work of his student?” The viewer must be a student whose work was plagiarized by his teacher but could not do anything about it. I have yet to check the reactions and comments of other viewers. For now, all I could do is take a long heavy sigh.

 

Why do some people scramble for elected posts in the government? Why do they spend millions during the campaign period and deny this violation when found out by the COMELEC? Why do they hold on to their post when the COMELEC found a reason for them to come down due to violations? Is it because of the people’s money waiting for their taking without questions due to the loopholes in the control system of the agencies which are supposed to protect it? Or is it because the people themselves who are supposed to protect it are themselves involved?

 

Why do elected and appointed government officials blatantly deny their corrupt practices, an act that insults the intelligence of the Filipinos? Is it because they have a gut-feel that nothing will come out of the investigations being made? Is it because if a serious investigation shall be made, only a handful honest officials will be left? That this crisis situation shall never be allowed to happen? How in the world can all “truckloads” of testimonies be checked to prove the guilt of the lawmakers and officials? Are the investigators serious about the probes? or they hauled in those papers just for show!

 

What is wrong with the Congress? the Senate? the President? Why are long overdue bills not considered urgent, such as the one for Freedom of Information (FOI), hence, not enacted  into law until now? Is it because with such law, the media and the ordinary citizens will be able to access more revealing records about malversed funds? Who are being protected? Has the Ninoy and Cory magic went puff that it can no longer lend sparkle to the image their son?

 

Why do we always blame God every time we stumble when we have all the choices to do what is good for us? What is wrong with us?

 

The Path Towards Home

THE PATH TOWARDS HOME

By Apolinario Villalobos

 

Nothing is sweeter

To hear than “home”,

A word that tickles the ear

And pricks the heart, so hard to bear-

A sensation that drowns the soul

With a feeling that only a wordless awe

Can give it vividness

To satisfy a long harbored

Pang of loneliness.

 

Here I am

Treading the path towards home

Dizzy, not for the searing and blinding sun

Thirsty, not for a swig of sweet cool water

Nor hungry, not for want of food

Though my guts do twirl and growl

It is the thought that not for long

My journey is ended

As I make my last firm step

At the threshold of my home.

 

At last I can again feel on my soles

The granules of earth that I coaxed

To nurture the grains of life

That I patiently dropped

From morn till noon, until twilight

Until hot salty sweat dimmed my sight

Then a prayer to Him I said fervently

That all my toils will bear fruit someday.

 

Home at last!

I thank the Lord for His guiding hand

That prod me to tread the same path

Towards a new life- a gainful life,

Though as He designed I had to strive

Which made me strong

To make the trek back home…