Ang Utang

Ang Utang

Ni Apolinario Villalobos

 

Para sa akin, tatlong uri ang utang – ang may collateral, ang walang collateral, at ang utang na loob.  Ang may collateral ay talagang negosyo dahil may pirmahang nangyayari, subalit ang walang collateral ay maituturing na banal dahil nakasandal lang sa tiwala sa pagitan ng magkakaibigan. Ang pagkakaroon naman ng utang na loob ay nangyayari sa panahon ng pangangailangan ng inaabutan at nag-aabot.

 

Ang collateral ng SSS o GSIS loan ay ang naipong contribution ng umuutang na miyembro. Sa mga malakihang utang na ang pinapataw na interes ay kapareho na halos ng Bombay style na 5/6, and kalimitang collateral ay bahay at lupa, o di kaya ay kotse at alahas na mamahalin. Sa ganitong uri ng utangan, ang panalo ay ang nagpautang makapag-remata man o hindi dahil sa laki ng interes. Marami pang ibang utang na tulad ng nabanggit.

 

Sa mga walang collateral na utangan sa pagitan ng magkakaibigan, ang batayan ay ang magandang samahan, at ang iba ay “pay when able” pa. Masaya ang ganitong uri ng utangan dahil sa nangyayaring “taguan” kapag nakahalata ang nagpautang na ang kaibigang umutang ay walang intensiyong magbayad. Ibig sabihin, inabuso ng umutang ang magandang samahan. May umuutang pa na nanunumbat kapag siningil na kung ang nagpautang naman ang nangailangan. Sasabihin ng balasubas na kaibigan sa kawawang inutangan na, “ang yaman-yaman mo na nga naniningil ka pa”. Ugaling hudas ang ganitong uri ng kaibigan na sana ay tamaan ng kidlat!

 

Ang “utang na loob” ang pinakamatinding uri ng utang at maraming bansa ang nasira dahil diyan. Sa panahon ng kampanyahan para sa eleksiyon, namimigay ng pera ang mga tusong kandidato. Ang makakatatanggap ay automatic na nagkaroon ng utang na loob kapag tinanggap niya ang pera na sa katotohanan ay halaga ng boto niya. Kapag nanalo ang namili ng boto, ang mga taong naging biktima niya ay nagkaroon ng utang na loob. Wala na silang magawa kapag nangurakot ang nanalong kandidato sa kaban ng bayan upang mabawi ang nagastos na pinambili ng mga boto!….ganyan sa Pilipinas!…kaya hindi nakapagtataka kung bakit lugmok na lugmok ang mga Pilipino sa mahirap i-describe na pagdurusa. Marami pang ibang uri ng utang na loob na kung ililista lahat ay aabutin ng maraming pages.

 

Ang pinakamadaling bayarang  utang din SANA ay ang utang sa Panginoon dahil sa pagbigay Niya sa atin ng buhay. ANG MGA SIMPLENG KABAYARAN LANG SANA AY: MAGPAKABAIT TAYO, MAKISAMA NG MAAYOS SA ATING KAPWA, HUWAG MANLAMANG….AT HIGIT SA LAHAT MAGMAHAL AT MAGRESPETO SA KANYA….SUBALI’T ILAN SA ATIN ANG GUMAGAWA NITO?

Advertisements

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob

Ni Apolinario Villalobos

 

Likas na sa tao ang tumanaw ng utang na loob sa kapwang nakapag-abot ng tulong sa kanya. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng tulong din, salita, o sa kilos man lamang.  May mga tao namang nakatulong na ayaw tumanggap ng utang na loob kahi’t na sa anong paraan, at nagsasabi na lang na ipasa sa iba ang tulong na natanggap. May iba namang tumatanggap ng utang na loob lalo na’t  nakita nila kung paanong paghirapan ng mga natulungan nila ang makapagtanaw ng utang na loob sa abot ng kanilang makakaya. May iba namang natulungan na nga ay nagawa pang pintasan ang tulong na naibigay.

 

Sa kagustuhan ko minsan na makatulong  sa isang nanay na mag-isang bumubuhay ng kanyang mga anak, at madalas na maglabas ng sama ng loob dahil sa kahirapan ng buhay, naipamili ko sila ng pang-ulam na isda at gulay, pati bigas. Nang dalhin ko sa kanila ang mga napamili at nakita niya, sabi ng nanay, “ay, kuya, hindi kumakain ang mga bata ng isda dahil nalalansahan sila”. Kaya pala sila hirap, kahi’t kapos sa pera, pinipilit ng nanay na pagbigyan ang luho nila sa pagkain, kaya ang binibili niyang pang-ulam palagi ay karne ng manok at baboy, at ang gulay ay bihirang-bihira lamang, kung magkaroon man ay repolyo– yan ang sabi niya sa akin. Mabuti na lang at hindi tinanong ng nanay kung magkano ang bigas at baka mabisto na mumurahin lamang.

 

Hindi na ako nagtagal sa kanila, bitbit ang dalawang plastic bag, dumiretso ako sa bahay ng isang kaibigan na medyo nakakaangat sa buhay. Nang iabot ko ang mga plastic bag ng mga pinamili ko, abot-abot ang kanyang pasalamat. Ang kaibigan kong ito ay volunteer sa isang parokya at kadalasang nagmamaneho ng sasakyan ng pari kung may mga lakad ito. Kung sira ang kotse ng pari, kotse niya ang kanyang ginagamit.  Minsan na akong nakasama sa kanila nang puntahan namin ang isang naghihingalong matanda sa  kanyang barung-barong, sa tabi ng isang malaking ilog sa Pasay. Yong naunang nabanggit kong pamilya naman na ang mga anak ay nalalansahan sa isda ay umaasa lamang sa paabot-abot na tulong ng kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Japan bilang singer sa isang bar.

 

May isa namang pamilya na nagawan ko ng paraan upang may mahanap na malilipatan agad dahil pinapaalis na sila sa kanilang tirahan na pagmamay-ari ng isang masungit na landlord daw. Subali’t inamin naman ng mag-asawa na kaya sila pinaapaalis ay dahil delayed sila ng dalawang buwan sa pagbayad ng upa. Nakiusap ako sa isang kaibigan na may kaya ang pamilya at nagpapaupa ng mga apartment din, na  baka pwedeng ipagamit ang bago pa lang nabakanteng unit. Dahil kaibigan ko, hindi na ako nagdalawang salita dahil kinabukasan din ay nakalipat ang pamilyang pinaalis sa dating apartment. Para walang masabi ang kaibigan ko, ako na rin ang nagbigay ng dalawang buwang deposito. Makaraan ang mahigit isang taon, naringgan ko na ng reklamo ang kaibigan kong nalipatan ng pamilyang natulungan – madalas delayed ang upa. Nang pasyalan ko minsan ang nasabing pamilya, may nakita akong van na nakaparada sa tapat ng apartment, kanila pala. Pinatuloy nga ako subali’t naramdaman ko ang malamig na pakita sa akin- pinahalatang ayaw nila akong tumagal dahil hindi man lang nag-alok ng tubig o kape, ni hindi man lang ako pinaupo. Umalis na lang ako at nang magkita kami ng kaibigan kong may-ari ng apartment, sinabihan ko na lang na ayaw ko nang makialam sa kanyang desisyon.

 

Ang isang klasikong halimbawa ng hindi paniningil sa mga natulungan ay nang sabihin ni Hesukristo na ang pagmahal natin sa ating kapwa ay pagpapakita na rin ng ating pagmamahal sa Kanya. Hindi niya tahasang sinabi na may dapat tayong tanawing utang na loob sa kanya dahil ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa atin. Ang isang pagmamahal na tinutukoy niya ay ang pagtulong natin sa ating kapwa.

 

Kung ang mga pipi ay nakakagawa  ng paraan para maipakita ang kanilang pasasalamat, tulad ng pagyuko man lamang, pagpapalipad ng halik patungo sa nakatulong, pagdampi ng mga daliri sa bibig, pagturo sa dibdib kung nasaan ang puso, at ang pagporma ng mga daliri upang maghugis puso, sabay turo sa tao na gusto nilang pasalamatan, tayo pa kaya na may kakayahang magsalita?

 

Bilang mga panghuling paalala:  hindi dahilan ang pagkalimot ng iba na magpaabot ng pasasalamat o magpakita nito sa anumang paraan, upang mawalan tayo ng ganang patuloy na tumulong sa ating kapwa sa abot ng ating makakaya, dahil hindi dapat magkaroon ng puwang ang pagtanaw ng utang na loob sa ganitong pagkukusa. Isantabi ang sama ng loob at ituloy lang ang pagtulong sa kapwa.

 

Ang Utang

Ang Utang

Ni Apolinario Villalobos

 

Tatlong uri ang utang – ang may collateral, ang walang collateral, at ang utang na loob.  Ang may collateral ay talagang negosyo dahil may pirmahang nangyayari, subalit ang walang collateral ay maituturing na banal dahil nakasandal lang sa tiwala sa pagitan ng magkakaibigan. Ang pagkakaroon naman ng utang na loob ay nangyayari sa panahon ng pangangailangan ng inaabutan o nag-aabot.

 

Ang collateral ng SSS o GSIS loan ay ang naipong contribution ng umuutang na miyembro. Sa mga malakihang utang na ang pinapataw na interes ay kapareho na halos ng Bombay style na 5/6, and kalimitang collateral ay bahay at lupa o upa, o di kay ay kotse at alahas na mamahalin. Sa ganitong uri ng utangan, kadalasang panalo ay ang nagpautang makapag-remata man o hindi dahil sa laki ng interes. Marami pang ibang utang na tulad ng nabanggit.

 

Sa mga walang collateral na utangan sa pagitan ng magkakaibigan, ang batayan ay ang magandang samahan, at ang iba ay “pay when able” pa. Masaya ang ganitong uri ng utangan dahil sa nangyayaring “taguan” kapag nakahalata ang nagpautang na ang kaibigang umutang ay walang intensiyong magbayad. Ibig sabihin, inabuso ng umutang ang magandang samahan. May umuutang pa na nanunumbat kapag siningil na kung ang nagpautang naman ang nangailangan. Sasabihin ng balasubas na kaibigan sa kawawang inutangan na, “ang yaman-yaman mo na nga naniningil ka pa”. Ugaling hudas ang ganitong uri ng kaibigan na sana ay tamaan ng kidlat!

 

Ang “utang na loob” ang pinakamatinding uri ng utang at maraming bansa ang nasira dahil diyan. Sa panahon ng kampanyahan para sa eleksiyon, namimigay ng pera ang mga tusong kandidato. Ang makakatatanggap ay automatic na nagkaroon ng utang na loob kapag tinanggap niya ang pera na sa katotohanan ay halaga ng boto niya. Kapag nanalo ang namili ng boto, ang mga taong naging biktima niya ay nagkaroon ng utang na loob. Wala na silang magawa kapag nangurakot ang nanalong kandidato sa kaban ng bayan upang mabawi ang nagastos na pinambili ng mga boto!….ganyan sa Pilipinas!…kaya hindi nakapagtataka kung bakit lugmok na lugmok ang mga Pilipino sa mahirap i-describe na pagdurusa. Marami pang ibang uri ng utang na loob na kung ililista lahat ay aabutin ng maraming pages.

 

Ang pinakamadaling bayaran na utang ay ang utang sa Panginoon dahil sa pagbigay Niya sa atin ng buhay. ANG MGA SIMPLENG KABAYARAN LANG SANA AY: MAGPAKABAIT TAYO, MAKISAMA NG MAAYOS SA ATING KAPWA, HUWAG MANLAMANG….AT HIGIT SA LAHAT MAGMAHAL AT MAGRESPETO SA KANYA. BAGO TAYO MAMATAY MAGBAYAD TAYO NG MGA UTANG LALO NA SA ATING PANGINOON!

 

Ang Salamin…

ANG SALAMIN…

Ni Apolinario Villalobos

 

 

HINDI NATIN NAKIKITA ANG ATING SARILI KAYA KAILANGAN NATIN ANG SALAMIN NA MAGPAPAKITA SA ATIN NG MGA DUMI NATIN SA MUKHA. ANG SALAMIN NA ITO AY ANG ATING KAPALIGIRAN KUNG SAAN AY MARAMI TAYONG MAKIKITANG MGA PANGYAYARI, MABUTI AT MASAMA NA MAAARI NATING NAGAWA. SALAMIN DIN ANG IBANG TAO NA NAGSASABI SA ATIN NG DIRETSAHAN O NAGPAPAHIWATIG SA PAMAMAGITAN NG KANILANG KILOS AT MGA PINO-POST SA FACEBOOK AT IBA PANG SOCIAL MEDIA KUNG ANO ANG ATING MGA PAGKAKAMALING DAPAT BAGUHIN.

 

KAYA, HUWAG MAGALIT KUNG TAYO AY NATUMBOK….SA HALIP AY MAGPASALAMAT PA NGA DAHIL SINABIHAN NILA TAYONG “MAY DUMI TAYO SA MUKHA”.

 

MAY PROBLEMA ANG IBA NA ANG TINGIN NILA SA SARILI NILA AY PERPEKTO KAYA HINDI SILA MAAARING MAGKAMALI. DAHIL DIYAN, FEELING NILA HINDI SILA DAPAT “PAGSABIHAN” NG DIRETSAHAN O SA PAMAMAGITAN NG MGA PAHIWATIG….SILA ANG MGA TAONG MAY MATAAS NA PRIDE!

 

MAS NAKAKABILIB ANG TAONG UMAAMIN NG MGA NAGAWA NIYANG  PAGKAKAMALI AT KUNG ANO  ANG KANYANG MGA KAHINAAN AT HINDI KAYANG GAWIN KAYA MAPAGPAKUMBABA NIYANG PINAPAUBAYA NIYA ITO SA IBA…PAGPAPAKITA NA HINDI SIYA SUWAPANG.

 

ANG GANITONG PAALALA NA PALAGING BINABANGGIT SA MGA SEMINAR AT NG MGA MATATANDA AY PALAGING NAKAKALIMUTAN NG MARAMI…KAYA PALAGING MAY PROBLEMA ANG ATING BANSA.

 

SA PUNTONG YAN DAPAT SUMENTRO ANG PAGBABAGO NG MGA PILIPINO PARA SA IKABUBUTI NG ATING BANSA!

 

Ricardo Jamorabon, Jr.: “Mr. Discipline” and Among the Pillars of Notre Dame of Tacurong College

Ricardo Jamorabon, Jr.: “Mr. Discipline”

And Among the Pillars Of Notre Dame of Tacurong College

By Apolinario Villalobos

Even before I entered the gates of Notre Dame of Tacurong College as a first year high school student in the early part of the ‘70’s, I already heard the name “Jamorabon”, who was known for being “strict”. He was in-charge of the PMT (Preparatory Military Training) and ROTC (Reserved Officer Training Corp) of the school. When I finally enrolled in first year high school, I saw and heard him talk – with an intimidating booming voice that became his signature for years to come. It was Boy Scout for the first two years of my high school, but on my third and fourth years, there was no choice but to undergo the rigid PMT drills in the amor seco –filled activity ground of the campus. He was indeed, strict, having proved it myself after several push-ups and runs that I did for being late during several formations.

Our school was small compared to other Notre Dame campuses in Cotabato that time, before the province’s partition that made our part become Sultan Kudarat, with the rest as, South Cotabato, North Cotabato, and Maguindanao. We were also among the smallest in population. But every time there were inter-campus drill competitions, we were always on the top three. Thanks to Mr. Jamorabon who took pains in sharing with the corps, platoon, and squad commandeers what he knew about military drills. To be a “commandeer” then, was a sacrifice on the part of the chosen outstanding students, as practice drills after classes would last up to the “novena hour” which was six in the afternoon. On the other hand, the string of patience was practically extended as needed by the big-voiced mentor.

The rigid discipline that was imposed by him among the PMT cadets was also experienced by the college students who took up ROTC, and that included me later on, because he was with us, until our graduation…with our batch of college graduates in 1975 being the last. The college department was closed temporarily due to the lack of enrollees that could sustain its operation. While we left the campus as graduates, Mr. Jamorabon stayed behind as the High School Department was still in operation, besides, he was also teaching Mathematics, and most especially, he was the coach of the basketball team. That was also the last time that I saw him.

More than ten years later, while I was attending a seminar as a PAL employee, at the Development Academy of the Philippines in Tagaytay, I received a note from, of all people, Mr. Jamorabon! He was also attending a seminar in the same facility. He saw my name among those in the list posted on the door of the room where my group was having sessions and took chance in sending me a note for the confirmation of his curiosity. When we finally met, I could not explain what I felt, for having been honored by such curiosity. I was not expecting him, a well-respected teacher in our school, to remember me, as I considered myself an insignificant student when I was in high school and college. After that meeting, it took years again before we saw each other, and that was when I was invited by our school as Commencement Exercises speaker during the last term of the Dominican Sisters as administrators. That meeting was followed, after a long time again, which was when I visited his wife, Ma’am Emma, after her stroke.

When I had a rare chance to talk to Mr. Menandro Lapuz, a respected pioneer resident, I asked him for names of people in our city, whom he consider to be outstanding as local citizens. He mentioned “Jamorabon” among the first five names without hesitation, before groping for the rest of names in his memory.

An important note on Mr. Lapuz…he and his two brothers, Eusebio and Felipe, arrived in the area when Tacurong was yet a vast land of rice paddies and swamp. They came from Luzon and upon arriving in the wharf of Cotabato they took a local ferry plying the Rio Grande de Mindanao that took them to one of the villages in Sultan sa Barongis. The Lapuzes were already comfortably settled in Tacurong when it was weaned from Buluan as one of its sitios known as Pamansang. He was around when the foundation of the Notre Dame, one of the first Catholic schools in the whole of Cotabato was established by the Oblates of Mary Immaculate (OMI) fathers. He was also around when the pioneering teachers and staff of the school, together with the “working students” joined forces to construct the basketball court and multi-purpose stage, as well as, in undertaking projects for the parish church. Among those in the “volunteer labor force”, according to him, was “Ric” Jamorabon who caught his attention because of his intimidating “big voice”.

I am in touch today with Mr. Jamorabon through his sons who follow my blogs in facebook. I see in the statements of his sons when they make comments, the same rigidly- disciplined personality and wit that I experienced from their father. I do not know if my “remarkable teacher” could still recall how he let me clean the “armory” during one afternoon of PMT formation, to escape the “hair cut inspection” that he would conduct. I failed during the time to have a hair cut simply because I had no money… that, I told him straight before the formation in the field when he beckoned to me. With a straight face, he told me to run to the “armory” and sweep its floor which saved me from suffering the humiliating “crisscross” hair cut that he would give to the long-haired cadets. That recollection triggered my desire to write this blog, for how can I ever forget such kindness behind the intimidating booming voice? He knew for a fact, that being on my own, and also a working student that time and without parents, a peso meant so much.

My ardent wish is for this unassuming guy to be given due recognition that he more than deserve after spending and sacrificing the best time of his life in molding the early waves of the students of NDTC – I, being one of them, a proud graduate of an equally- proud campus in the whole of Cotabato, that used to be a struggling parochial school, but today garnering recognitions for excellence!…I am just looking back to where I came from.

Mga Dapat Ipagpasalamat ng mga Pilipino

Mga Dapat Ipagpasalamat ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

Kahit malaki ang problema ng mga Pilipino dahil sa mga nangyayaring  korapsyon sa gobyerno pero iniimbistigahan pa, marami pa rin namang dapat ipagpasalamat, tulad ng mga sumusunod:

  1. Buhay pa naman tayo, ayon kay Pnoy Aquino, yon nga lang kumakalam ang tiyan dahil sa hindi pagkain ng tama sa oras…kapos kasi sa perang pambili man lang ng NFA rice o bagoong. Nakatikim na kaya si Pnoy ng kahit isang kutsarang sinaing na NFA rice?
  1. May mga siksikang bus na masasakyan tuwing pumalya ang MRT at LRT, dahil hindi naman nakamamatay ang trapik, ayon naman kay Jun Abaya na dating kalihim ng DOTC na ngayon ay may lakas ng loob na tumakbo bilang senador kaya gusto niyang iboto siya ng mga taong galit sa kanya. Subukan kaya niyang pumila sa MRT o di kaya ay maglakad sa riles papunta sa terminal kung biglang tumigil ang tren?
  1. Ang gobyerno natin ay sobrang “maluwag”, kaya aakalain mong walang pinapatupad na batas. Pero kung meron man, marami silang butas na sinadyang gawin upang maisakatuparan ng mga korap na mambabatas ang masama nilang layuning tumagal sa puwesto. Dahil dito, hindi nila ipinasa ang  “Anti- political Dynasty” Bill, hindi rin nagbigay ng karapatan sa mga mamamahayag na umusisa sa mga problema sa gobyerno kaya hindi ipinasa ang “Freedom of Information Bill”, at napakamarami pang iba.
  1. May mga nagtitiwala pa rin sa Pilipinas na mga bangko, salamat sa mga maling report tungkol sa progreso daw ng bansa, kaya tuloy pa rin ang pangungutang ng gobyerno upang may maipambili raw ng buffer stock ng NFA rice, yon nga lang ay kinukumisyunan ng mga sagad-butong kurakot na mga opisyal, o di kaya ay magamit sa pagpapatupad ng mga infra-structure projects, yon nga lang ay pinagkikitaan din ng mga nagkukutsabahang kontraktor at ahensiyang may pakana ng mga ito….at kung anu-ano pang mga dahilang paggagamitan ng inutang na dahil sa sobrang laki, hindi na kayang bayaran kahit ng mga apo natin sa talampakan.
  1. Hindi binabaha ang Maynila, yon nga lang ay kung tag-init lang kung kaylan ay marami ang nagkakaputukan ng kili-kili dahil sa kakapusan ng tubig pampaligo, kaya nagmamahalan ang tawas at deodorant. Kung tag-ulan naman, at sasabayan pa ng pag-ihi ng ang mga asong kalye, pusa, at dagang estero, lubog naman ang buong siyudad!
  1. Nakakausad pa rin naman ang bumper to bumper na mga sasakyan sa mga main roads ng Maynila, sabi naman yan ni Tolentino ng MMDA na kinarma dahil sa regalo niyang mga dancer na nagkikisay sa stage ng isang bertdey party.  Nakakausad nga ang trapik, dumadami naman ang nagkakaroon ng varicose sa tuhod dahil sa panggigigil nila sa pag-apak ng preno at selenyador, bukod pa rito ang pagkakaroon nila ng high blood pressure dahil sa sobrang inis, at sakit sa bato dahil sa pagpigil ng ihi, sa loob ng kung minsan ay apat o limang oras, bago maka-dyengel sa isang pader o poste. Yong iba pa ay natutong kumausap sa sarili upang malibang…na nakababahala naman, lalo pa at mahal ang professional fee ng psychiatrist.
  1. Lumalabas na napaka-edukado ng mga Pilipino dahil sa libo-libong nakakapagtapos sa kolehiyo at unibersidad, isang nakaka-proud na phenomenon, yon nga lang istambay ang nangyayari sa karamihan dahil walang mahagilap na trabaho, kaya nganga sila pagkatapos ng masayang graduation na may selebrasyon pang kainan sa mamahaling restoran, o halos walang tigil na inuman sa bahay.

Marami pa sana akong babanggiting dahilan, na magpapakitang wala tayong dapat ikabahala sa ilalim ng administrasyon ng sobrang bait na pangulo na gustong magpatawag ng “Pnoy”…pero huwag na lang, upang may matira naman para sa pagmumuni-muni ng mga mambabasa, lalo na kung sila ay nagpapalabas ng sama ng loob sa isang maliit na kuwartong may upuan sa gitna. Mahalaga ang mental exercise na ito. Ganyan ako ka-considerate.

The Best Ways to Show Gratitude

The Best Ways to Show Gratitude

By Apolinario Villalobos

Benefactors may be generally classified into two: individual and institution. The individual may be classified further into two: discreet and obviously selfish. There is no problem with the institutions which may be government agencies or non-government organizations (NGO), because their projects need to be publicized so that people, especially, their donors will know where the donated money and commodities go.

The obviously selfish individual benefactors could be politicians, attention-hungry career and show business personalities, or any attention-hungry person who does selfies every time he or she extends a helping hand. On the other hand, the discreet benefactors are those who would rather keep their identity confidential because of their limited resources, hence, the consistency of their projects are dependent on the availability of funds. The latter do not even give their real name to their beneficiaries.

While receiving help gives much relief to the needy, it is important to know how gratitude should be properly expressed. Those who received help from institutions should not despise what have been given to them, if they are not what they have expected, except when they are spoiled food items from government agencies that should be reported immediately. In fairness to the NGOs, they have no habit of giving spoiled food items to the victims of calamities, that the Department of Social Welfare is wont to do, based on reports. If there is an opportunity available to share the information through the social media, such as, facebook, by all means, it should be done. The same should also be made for sincerely given unspoiled foods.

Individuals who are given financial assistance should put the money to proper use as originally intended. If the help is for reviving a losing business, so be it….and, should not be used in buying a tour package to Boracay. If the money is intended for the tuition fee, it should not be used to buy a new cellphone. If the money is intended for medicine, it should not be used to buy groceries, etc. Using the financial assistance in some other ways, other than its original intention is tantamount to fooling the benefactor.

Discreet benefactors always tell their beneficiaries to pass on the help to others, and this should be respected. The beneficiary will only irritate the benefactor of this kind, if he insists on returning the favor to the latter. If there is an added request to keep the act of charity a secret, then, this should be respected, too.

But the greatest and the best way to show gratitude for the help received from any of the abovementioned benefactors, is by praying for them, be their intention is sincere or selfish.