Dasal para sa Kampanyahan at Eleksiyon 2016 sa Pilipinas

Dasal para sa kampanyahan

at eleksiyon 2016 ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Oh, Diyos na makapangyarihan sa lahat

Naglalang sa lahat ng bagay at may buhay sa mundo

Darating na naman ang panahon ng pangangampanya

Susundan ng eleksyon 2016 na inaabangan ng buong bansa.

 

Ipag-adya nyo po kami sa mga sinungaling

Silang nangangako ng langit, ang mukha ay makapal

Sila na ang mga labi ay may pilit at permanenteng ngiti

Sila na maya’t maya ang pagpahid ng alcohol sa mga pisngi.

 

Ipag-adya nyo po kami sa pang-aakit nila –

Gamit ay nakaw na yaman mula sa kaban ng bayan

At bungkos ng salapi na sa harap nami’y iwawagayway

Na ang kapalit nama’y walang katiwasayang pamumuhay.

 

Harinawa naman na ang ibang malilinis pa

Ay hindi matulad sa mga bantad sa mga katiwalian

Silang malinis ang mga layunin ang tangi naming pag-asa

Upang mabawasan man lang kahit kaunti ang aming dusa.

 

Hinihiling namin ang mga ito sa ngalan ni Hesus

Na ang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus

Ay may layuning iligtas kami sa mga kasalanan –

Utang na loob namin sa Kanyang walang hanggan.

 

Amen!

 

Ang Mga Sistemang Korap sa Gobyerno ng Pilipinas

Ang mga Sistemang Korap sa Gobyerno ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Kamakailan lang ay sinabi ni Secretary Abaya ng DOTC sa isang interview na huwag palaging paandarin ang mga escalator at elevator ng Metro Rail Transit upang hindi sila masira agad dahil sa pag-aagawan sa pagsakay ng mga pasahero. Ano kaya ang pumasok sa utak niya at sinabi niya ito? Kaya nga naglagay ng mga ganoong pasilidad ay upang magamit ng mga pasahero dahil kasama ang mga ito sa binabayarang pamasahe. At, lalong kailangan ito ng mga may kapansanan, matatanda, at buntis na pasahero. Para makumpleto ang mga “maganda” niyang panukala, sana ay sinabi na rin niyang huwag palaging ipagamit ang mga kubeta upang hindi pumanghi o bumaho!…yan ang Departmet of Transportation and Communication!

 

Talagang matindi ang virus ng korapsyon sa mga opisina ng gobyerno. Dahil sa kagustuhan din ng mga ahensiyang magkaroon ng malalaking bonus na binabatay sa natipid na pondo ay pinagpipilitan nila ang pagtitipid kahit hindi dapat, kaya ang mga bakanteng puwesto ay hindi nilalagyan ng bagong empleyado upang makatulong sana sa pagpabilis ng serbisyo nila. Ang ibang mga gamit sa opisina ay hindi binibili, at kung bilhin man, ay pinipili nila ang pinakamura kaya mahina ang uri. Halimbawa, ang stapler, kapag bumagsak sa sahig ay siguradong warat agad – sabog! Ang mga ballpen ay yong uri na sandaling gamit lang “naglalaway” na o kumakalat ang tinta kaya nakakadumi ng daliri at papel. May mga “pinapatay” na linya ng telepono upang makatipid, kaya hirap sa pagkontak ang taong bayan, at tinitipid din ang langis ng mga service cars kaya hindi nakakapagtupad ng mga responsibilidad.

 

Karamihan sa mga proyekto ng gobyerno ay magandang-maganda sa simula dahil kailagan para sa mga photo opportunities, pero makalipas ang ilang buwan at taon ay nanlilimahid na, tulad ng LRT at MRT, pati mga gusali. Ang mga concrete divider-cum-planter sa ilalim ng LRT sa simula ng operasyon ay may mga tanim, pero ngayon, ang nasa bahagi ng Baclaran at Pasay ay naging basurahan, at ang nasa bahagi naman ng Maynila ganoon din dahil ang ginawang pagpaganda noon ni Atienza ay hindi naipagpatuloy ng pumalit na si Lim, dahil hinayaang mamatay ang mga tanim. Ngayon ay tinatamnan uli sa ilalim ng administrasyon ni Estrada, subalit marami ang nagdududa dahil siguradong hindi rin tatagal.

 

Ang mga makukulay na poste ng ilaw sa kahabaan ng Roxas Boulevard, dahil gawa sa plastic, ngayon ay nanlilimahid na kung hindi man basag. Ganoon din ang nangyari sa mga ilaw ng mga tulay sa Quiapo at Sta. Cruz sa Maynila. Makulay sana sila subalit maigsi ang buhay, kaya hantarang hindi pinagplanuhang mabuti kung anong materyal ang nararapat upang tumagal. Hindi na kailangang ipaliwanag pa ang mga kalsadang maya’t maya ang pag-repair dahil obvious na mahina ang timpla ng semento at aspaltong ginamit. Paano nga namang pagkikitaan palagi kung matibay at tatagal ang mga ito ng maraming taon?

 

Noong panahon ni Gloria Arroyo ay sinisita niya ang ahensiyang nakatalaga sa paglinis ng mga estero, kaya kumikilos sila. Ngayon dahil walang pakialaman ang presidente, ang mga duming naipon sa mga estero ay  animo kalsada na dahil tumigas na ang makapal na basurang naipon at ang iba ay tinubuan pa ng damo!

Ganyang-ganyan ang nangyayari sa kawawang Pilipinas…naiipunan ng basurang dulot ng korapsyon. Ang sistemang tumigas na sa kapal ng korapsyon ay hindi na makagalaw, kaya mahirap baguhin.

 

 

Lenny Robredo should stop being Tactless by Attacking the Campaign Style of Duterte

Lenny Robredo should Stop Being Tactless

By Attacking the Campaign Style of Duterte

By Apolinario Villalobos

 

Lately, Duterte was practically forced to declare that if Lenny Robredo does not like him, she does not like her also. In the past, Duterte was mum about Robredo as the running mate of Roxas. Many are wondering what made her utter such unsavory remarks about Duterte which is more personal than political. First her ad lines, such as giving her all if voted to the position, gave her an ugly trapo image…and now she is personally attacking Duterte by saying that she does not like his campaign style. She has no business in saying that because they are vying for different national positions. It would be a pity if she did that to show Pnoy and the Liberal Party that she is worth the opportunity given to her despite the fact that she was the last choice. Clearly, she is showing a “sipsip” attitude, another mark of an ugly “trapo”.

 

She must remember that she is just a “beneficiary” of a grossly unfortunate circumstance – the death of her husband, Jess Robredo who, Filipinos know was not given much importance while still alive by the Aquino administration, as a “proposed cabinet official”, because until the time of his death, he was not confirmed as Secretary of DILG. In other words, I could surmise that had he not met the fatal accident, he would still be on acting capacity, knowing the attitude of the President. And, she would just be an obscure figure in their province. She also benefited from the culture of the Filipinos who “love” the downtrodden…the “inaapi”…the lowly “kasambahay”…and then she as the “widowed” helpless mother of female children whose father was an “inaapi” “acting secretary”.

 

If ever, she should present a personality that oozes with humility, and as an intelligent mother. She cannot show her worth by being feisty in attacking the person of those running against the candidates of “her” Liberal Party. As the Vice-President has no definite position in the government, she should instead, present her views on many issues that beset the country today, such as poverty, low wage, unemployment, influx of foreign exploiters of natural resources, the Lumads, street children, etc. With those, the voters will know that she is prepared for any position that will be given to her by the elected president, be it Roxas or somebody from the opposition.

 

If she is intelligent enough as what her followers are trying to project, she should think twice before doing the dirty trapo tricks because, even if she will be voted, especially, as the Filipinos deem that the administration is trying to move heaven and earth to save Aquino for being prosecuted if the opposition wins, the smear on her image will stay – as long as she lives…a taint on her late husband’s name…not hers.

Nakakadismaya si Coco Pimentel

Nakakadismaya si Coco Pimentel
Ni Apolinario Villalobos

Nakakadismaya ang parunggit ni Coco Pimentel na hindi dahil maraming pera ang isang tao sa bangko ay dapat pagdudahan na. Nangyari itong parunggit nang lumabas ang balita tungkol sa pag-freeze ng lahat ng mga asset ng mga Binay at mga dummies nila na nagkakahalaga sa kabuuhan ng mahigit sa Php11B, at nakapaloob sa 242 bank accounts.

Noon pa man, marami na ang nakakaalam na hindi dating mayaman ang mga Binay bago pa pumasok ang pinaka-ama ng pamilya sa pulitika at ang unang naging puwesto ay pagka-mayor ng Makati. At kahit pa doktora na noon si Mrs. Binay, hindi rin nangangahulugan na aabot sa nakakamanghang dami ang mga deposito nila sa mga bangko. Dahil dito, marami ang nagtaka at nagtanong kung saan nanggaling ang yaman nila.

Ang mga katanungan ay tila nasagot paunti-unti nang magsulputan ang mga kaso ng pangungulimbat nila sa kabang-yaman ng Makati, at sa mga gawaing may kinalaman sa mga puwestong hinawakan ng Bise-Presidente.

Ang nakakagulat lang ay nang malaman ng publiko na malapit pala sa mga Binay ang tatay ni Coco Pimentel, na dating senador din, si Aquilino Pimentel. Nabisto kasi sa isang hearing ng Senado tungkol sa katiwalian sa pagpagawa ng University of Makati, na ang tatay ni Coco Pimentel ay isa sa mga Board Members nito. Matapos ang pagkabulgar, napansin na parang nawalan na ng lakas ang mga salita ni Coco laban sa mga Binay, at lalong napansin ito nang magsalita siya tungkol sa malaking perang nakaembak sa mga bangko at hinihinalang may kinalaman sa mga kasong binibentang sa mga Binay.

Questionable and Self-Serving Accomplishments of the Binays…and the desperate quest of Vice-President Jejomar Binay to become President

Questionable and Self-serving Accomplishments of the Binays
…and the desperate quest of Vice-President Jejomar Binay to become President
By Apolinario Villalobos

The picture is clear now that Vice-President Jejomar Binay really had a grand plan ever since, to become president of the Philippines. His humble beginnings could have played a vital role for this quest, as Filipinos have the penchant to favor underdogs, however, he committed the grave mistake of going beyond the limits of tolerable abuse that the Filipinos can take.

From being a humble husband of a struggling doctora, he became Vice-Mayor and worked his way up to become Mayor of the then, fast-developing commercial hub of Metro Manila – Makati. Physically, observers say that he does not have the factor that can make a man standout in the crowd – not good looking, dark-skinned and short. But this handicap was overshadowed by shrewdness which shaken up constituents in Makati used to believe was an inherent benevolence of a man who, long ago was poor, and who derived extra income from a backyard piggery. They thought he was generous at heart with all the projects that were supposed to benefit the poor of Makati. Unfortunately, cases filed against him, are alleging that those projects were concocted for fat commissions.

The people of Makati clearly tolerated him despite floating stories about commissions derived from projects. From cakes given to senior citizens during their birthdays and hospital equipment, commissionable ventures soon grew into infra-structures. The Binays tried to maintain their clout on Makati, as after the father, the wife took over, and lately, the son. Ongoing cases are still being heard on these.

But when the elder Binay became Vice-President and shamelessly floated the idea of his running as President of the country while only barely a year in his position, eyebrows began to rise. It was again a mistake on his part, perhaps due to uncontrolled enthusiasm. In all honesty, he seems to believe, that he should be credited for the development of Makati into what it is now. Unfortunately, his basis for his “success” is the bustling business district of Ayala only. He did not throw a glance at the other nooks of Makati where squatters still thrive along river banks, street corners dumped with uncollected garbage, streets pockmarked with holes, etc. He thought that only the Ayala district is Makati City. He forgot that the real “developers” of the Ayala district are the Ayalas, themselves, and their trusted industrial buddies. He was a salaried mayor and expected to work for Makati to the best of his ability. But what he did, according to investigators of his graft cases, was “milked” Makati for his own selfish motives, which as of late have been exposed, with presidency of the country as the centerpiece!

He has been going around the country as far as Mindanao and Visayas. In the guise of doing his job as housing czar of the administration, he visits cities and municipalities that lately have been exposed as “sister municipalities or cities” of Makati. The number of Makati’s sister LGUs has unbelievably soared with unprecedented pace during his incumbency as mayor. A simple analysis would show that, that early on, he had been tying friendly knots with prospective supporters that he would need when the time comes for him to run for president of the country….and that is a year from now – 2016. What a grand and genius plan, indeed! It has been found out that officials of the sister LGUs who visit Makati are accommodated in condo units which saw better days as low-cost BLISS housing complex for Pag-ibig members. It has been alleged that the purchase and renovation of the building were strapped with fat commission. The free-of-charge accommodation comes with free meals, too.

Binay keeps on flaunting the benefits of Makati constituents, despite the fact that all of these are based on national policies which any municipality or city can adopt. When the latest survey on who the Filipinos thought is the most appropriate president, and the name of senator Grace Poe tailed behind him by just a very insignificant difference, Binay immediately issued a statement that the President should have enough experience as a government official, particularly in heading a political unit, which of course points to him, being a “successful” mayor of Makati and now Vice-President of the country!

Since the quest of Vice-President Binay affects the whole country, Filipinos who cannot be as tolerant as the constituents of Makati are now apprehensive, especially, with his uncalled for remark when interviewed by a radio station in Samar, during which he insinuated his pro-Chinese leaning. A joke is circulating about his plan to convert the whole country into a vast business empire using the investment of the Chinese, if he becomes the president of the country!…but whose business empire, is the question.

Wala Nang Epek ang Pagbatikos sa mga Tiwaling Opisyal

Wala Nang Epek ang Pagbatikos
Sa mga Tiwaling Opisyal
Ni Apolinario Villalobos

Sa pansarili kong pananaw, wala nang epek ang pagbatikos ng mga Pilipino sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, lalo na ang mga itinalaga ni Pnoy sa mga puwesto. Mabilis ang pag-usad ng panahon at tulad ng dati, ay magugulat na lang tayo dahil 2016 na, mag-eeleksiyon na…bababa na si Pnoy kasama ang kanyang mga “bagahe”.

Ano ang nangyari sa mga anomalya tungkol sa mga hindi maipaliwanag na pagkawala ng limpak-limpak na mga donasyon na dapat sana ay pang-rehabilitate ng Tacloban at iba pang nasalanta ng bagyong Yolanda, at isama pa rito ang mga ninakaw sa isang bodega sa Cebu? WALA! Ni walang narinig kung may nasuspinde man lamang. Ni walang narinig na magandang paliwanag mula kay Soliman.

Nadagdagan ang mga bulilyaso ni Soliman sa paghakot niya ng mga taong kalye sa isang mamahaling resort sa BAtanagas upang makaiwas sa mga paningin ni papa Francis nang dumating ito sa Pilipinas. Sa paliwanag na sinabi niya, inakala niyang ang mga Pilipino ay napakabobo na upang paniwalaan siya! Marami ang nagtatanong tuloy kung magkano ang kinitang komisyon mula sa “proyektong” ito.

Ang Maguindanao massacre case ay usad- pagong. Tulad ng dati, inaasahan na namang may mga palusot na paliwanag si Pnoy bago siya bumaba sa puwesto. Baka pumalakpak pa siya dahil nawalan siya ng malaking sagutin. Ni hindi man lang siya naringgan ng kapirasong salita na magpapakita ng pag-alala dahil sa kakuparan ng kaso. Nadagdagan pa ito ng massacre pa rin sa Mamasapano, Maguindanao kung saan ay pinatay ang 44 na pulis at may nadamay na mga sibilyan. Inaasahan na ang matinding pagtatakip upang hindi masisisi ang sinasabing may pakana at ugat ng lahat ng pangyayari na si Purisima na noon pa dapat nag-resign bilang hepe ng PNP.

Ang isang bagay na napansin sa administrasyon ni Pnoy ay kawalan nito ng “sense of urgency”, ganoong maaari naman siyang makialam upang mapabilis ang pagresolba ng mga kaso. Dahil sa kanyang gawi, ang mga ahensiyang may kinalaman ay pumitik-pitik na rin sa pagkilos. Kaya ang mga proyekto, puro bitin, at nabulgar pa na ang iba dahil sa kakuparan ay nakansela ang nakalaang budget at naging “savings” upang magamit ni Pnoy para sa DAP niya.

Kung ano man ang kahihinatnan ng 2016 election ay talagang nakakabahala. Yong isang taong interesadong maging presidente, nakakarating pa sa Mindanao sa pangangampanya. Ang iba namang may intension ay may kalabnawan ang mga pagkatao, dahil sila mismo ay may mga dapat ding sagutin dahil sangkot din sa mga anomalya.

Ang maaaring gawin ng mga Pilipino sa ngayon ay magmatyag at mag-ingay na lang kung kinakailangan upang makatulong sa pamamahagi ng katotohanan…may kahirapan mang gawin, maski papaano ay may nagagawa.
Tanggalin natin sa isip ang pagkakaiba ng mga Pilipino sa relihiyon dahil iisa ang mukha ng korapsyon, ang gumawa ay Kristiyano man o Muslim. Hindi rin dapat isipin ang rehiyonalismo upang maiwasang magbanggit kung saang probinsiya siya galing. Basta ang punahin ay ang taong nagkamali at ang kanyang pagkakamali, at iwasan na lang ang mga personal na isyu. Isipin na lang natin ang kapakanan ng mga Pilipino sa pangkalahatan.

Hindi Kawalan si Purisima sa Administrasyon ni Pnoy

Hindi Kawalan si Purisima

Sa Administrasyon ni Pnoy

Ni Apolinario Villalobos

Dahil mismong Ombudsman na ang nagpapasuspinde kay Purisima sa loob ng anim na buwang walang sweldo, nangangahulugang mabigat ang kanyang mga kaso na kinabibilangan ng pagbenta ng kagawaran ng pulisya ng mga AK-47 sa NPA, at paggamit nito ng isang courier agency sa paghatid ng mga lisensiya ng baril sa mga may-ari, na sa simula pa lang ay inalmahan na ng maraming sector.

Hindi kawalan si Purisima sa PNP, ito ang malinaw na pinapakita ng kagawaran sa kabuuhan nito, kahit hindi pa sambitin. Ang sumasampalataya sa kanya ay wala pa nga raw isandaan. Si Purisima ay galing sa “labas” ng PNP. Maraming mga taga “loob” ng PNP ang mas kwalipikadong nakapila na, kaya hindi maikakaila ang lumutang na sama ng loob sa pagkakatalaga sa kanya bilang hepe. Ayon sa karamihan, ang promotion daw niya ay bunsod lang ng pakisama o bayad sa utang na loob ng Presidente, kaya marami daw ang nagulat nang bigla siyang lumutang bilang bagong hepe ng PNP.

Ang PNP na lubog na sa mga kontrobesiya ay lalong nalubog nang pumasok sa eksena si Purisima. Sa simula pa lang ay marami na ang nanawagan para sa kanyang pag-resign, dahil nahalatang wala siyang dynamic leadership na kailangan ng isang “macho” agency na tulad ng PNP. Ni hindi nga narinig ang boses ni Purisima sa loob ng ilang buwan kung may mga katanungan tungkol sa mga hindi magandang pangyayari sa bansa, na dapat ay inaaksiyunan ng PNP. Maraming mga operasyong pumalpak. At ang nagpatindi sa hindi na maganda niyang imahe ay nang bulagain ang taong bayan ng mga nabistong korapsyon na kinasangkutan niya. Sa kabila ng mga mas lalong lumakas na panawagan para sa kanyang pag-resign, kapit-tuko pa rin siya sa pwesto.

Ang kapit-tukong asta ni Purisima sa puwesto ay nakapag-alala sa ginawa rin noon ni Vitangcol na ang hawak naman ay MRT, at tulad ni Purisima ay sinabugan din ng anomalyang may kinalaman sa pangurakot. Bandang huli, si Vitangcol ay binitiwan ng Presidente nang magkaroon ng linaw ang mga bintang sa kanya. Ang nangyari kay Vitangcol ay hindi malayong mangyayari rin kay Purisima, kung magpapatuloy ito sa pagkakapit-tuko sa kanyang pwesto.

Ang hindi makalimutang sinambit ni Purisima noon, tungkol sa maanomalyang paggamit sa courier service na sobra sa doble ang patong at sa kabila ng hindi pa nito otorisado nang panahong nagsimula ito ng operasyon, ay kailangan daw kumita ang mga negosyante….mga negosyante lang kaya ang kumita?

Ang Masamang Halimbawa…ng mga opisyal ng gobyerno

Ang Masamang Halimbawa

…ng mga opisyal ng gobyerno

ni Apolinario Villalobos

Ang pagkakataon na ibinibigay ng batas at husgado, na pinaigting ng “katalinuhan” ng abogado, at lalo pang pinatingkad ng kabagalan sa pag-usad ng hustisya ay nagpapalakas ng loob ng mga may kaya sa buhay upang makaligtas sa kaparusahan kung may nagawa silang kasalanan. Palagi nilang sinasabi na “magkita na lang tayo sa husgado”, o hindi kaya ay “kailangang mapatunayang may kasalanan ako bago ako husgahan…”.

Dahil sa dami ng mga makabagong gadyet na naglilipana at nakakapag-record ng mga nangyayari, ang isang krimen ay nakukunan ng CCTV o di kaya ay camera ng cellphone man lang. Sa kabila nito, ang nahuli sa aktong nagkasala ay binibigyan ng karapatang ipagtanggol niya ang kanyang sarili sa hukuman, isang bagay na magastos kung ang naapi o naagrabyado ay walang perang pambayad ng abogado. Ang nahuli naman sa aktong gumawa ng krimen ay nakakapag-piyansa para sa “pansamantalang” kalayaan kuno, pero sa katagalan ay nakakagawa ng paraan upang “mabili” niya ng tuluyan ang kalayaan, di kaya ay umaabot sa puntong nagkakalimutan, o di kaya ay tuluyang pagkabura ng kaso dahil sa teknikalidad.

Ang nararamdamang sakit ng katotohanan tungkol sa mabagal na pag-ikot ng gulong ng hustisya ay lalo pang nadagdagan ang hapdi dahil mismong mga nanunungkulang mga opisyal ng gobyerno ay nagpapakita ng gilas na kaya nilang paikutan ang mga batas. Gamit ang mga standard na salitang nabanggit na tulad ng “magkita na lang tayo sa husgado” at “kailangang mapatunayang may kasalanan ako bago ako husgahan…”, parang walang ano man kung sila ay may kayabangang umasta sa harap ng mga kamera upang magdeklara ng kanilang kainosentihan.

Dahil sa nabanggit na asal ng mga opisyal sa gobyerno, nagagaya tuloy sila ng mga may isip-kriminal na pangkaraniwang mamamayan. Ang resulta, maraming krimen ang hindi nalulutas sa kabila ng pagkahuli ng mga sangkot na dahil sa pera ay nakakayang magpabagal ng kaso o maglagak ng piyansa, o magbayad ng huwes.

Sa kaso ng Pilipinas, mahirap mangyaring mawala ang mga masamang halimbawa na naglilipana sa mga bulwagan ng pamahalaan. Ang magagawa lamang marahil ng mga matitinong Pilipino ay mag-ingat.

The Commission on Audit Admits its Inadequacy in Checking Government Projects

The Commission on Audit

Admits its Inadequacy in Checking

Government Projects

By Apolinario Villalobos

Listening to the Commissioner of COA during the latest Senate hearing on the Philippine Science High School Building (November 18), makes one conclude that it is a useless agency of the government. Something is wrong with its mandated responsibilities. To a layman’s knowledge, an audit is supposed to be conducted to know if a certain project is in order or not. There is not even a complete transparency on how it operates. The COA is supposed to provide the check and balance, so that it is shocking to know that the agency has no capability to assume such role due to so many inadequacies, including the budgetary constraint. This helplessness of the agency gave corrupt agencies and local governments to skirt rules in funding projects, out of which they can derive scandalous commissions, as payments are based on their recommendation

The honesty of the COA Commissioner is commendable in admitting the agency’s handicaps so that the Senate can finally legislate rules to help it effectively operate. In other words, the agency has been wanting for support that was denied it. Instead of considering their latest proposed budget, for instance, it was drastically slashed. The additional budget that was disapproved was supposed to have been used for the needed logistics such as construction of offices so that its auditors shall no longer plead for a table space or cubicle in town or city halls, as well as, other government agencies where they serve as in-house auditors.

The Commissioner revealed that their system is not even hi-tech, and that they make use of boxes for their other files, thereby, endangering their confidentiality. She admitted that some important documents were lost because of their inadequate filing system, to which one Senator added, that because of lost documents some cases have been dismissed due to technicalities involving original documents.

The COA is supposed to be a formidable government agency tasked to assess if acquisitions and projects of the government are in order. The agency is an important check against graft and corruption. Unfortunately, its inadequacy has become a big loophole which dishonest officials and politicians have exploited to systematically rob the government coffer of people’s money.