Ang ala-Showbiz at Mapangarap na Talumpati nina Grace Poe at Chiz Escudero

Ang  ala-Showbiz at Mapangarap

na Talumpati nina Grace Poe at  Chiz Escudero

Ni Apolinario Villalobos

Malalaman ang katapatan ng isang pulitiko sa kanyang mga layunin kung sa mga talumpati niya ay iiwasan niyang gumamit ng mga corny at  “matulaing” mga pangako. Parehong maraming ipinangako sina Poe at Escudero, kaya lumabas tuloy na para silang nagbasa ng mahabang “wish list”. Mga napaka-imposibleng matupad ang ipinangako nila, kahit pa sasabihing makikipagtulungan ang mga Pilipino. Sa anong paraan? Upang mabawasan ang gutom, gusto yata nila ay isang beses na lang sa maghapon kakain ang mga mahihirap na tao. Upang masabi lang na may trabaho, gusto yata nila ay tanggapin na lang ng isang ama ng tahanan ang trabaho na ang sweldo ay kulang pa sa pamasahe niya sa pagpasok at pag-uwi.

Maraming nakalimutan ang dalawa, habang animo ay nakalutang sa alapaap nang magtalumpati:

Una, hindi sigurado kung may magagamit na pondo ang bagong administrasyon dahil sa ginawang pangungurakot sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay halos wala nang natirang pera, kaya nga ang mga proyekto sa kasalukuyan ay pinonduhan ng mga bagong inutang. Hindi mawawala ang korapsyon dahil maski matanggal ang mga korap na namumuno sa mga ahensiya, ang mga “ugat” – mga kawaning may kinalaman ay maiiwan.

Pangalawa, walang napilit maipatupad na mga proyekto na saklaw ng kani-kanilang mga komite sa Senado sina Poe at Escudero bilang mga senador. Ang boses nila ay narinig nitong huling mga buwan lamang kung kaylan ay naghahanda na sila para sa kanilang pagtakbo. Sa nakalipas na maraming buwan at taon, sa kabila ng sunud-sunod na problema ng bayan, wala man lang silang ibinahaging kahit pakunswelong mga solusyon bilang mga mambabatas, hindi tulad ni Senador Miriam Santiago, na sumasawsaw sa halos lahat ng isyu, kahit pa ikasasama ng kanyang kalagayan dahil sa kanyang sakit.

Pangatlo, ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino, isang masakit na katotohanan na nagkaanak pa ng ugaling “palusot”…lahat na lang ay gagawin upang kayaning lumusot. Kahit na anong ganda ng proyekto, kung iiral ito, mawawalan din ng saysay. Ang mga halimbawa para dito ay ang hindi pagsunod sa alituntunin sa pagtawid ng kalsada at paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko. Hanggang saan aabot ang hinihingi nilang tulong mula sa mga mamamayan?

Pang-apat, ang ugaling ningas-kugon na nakadikit sa kultura ng Pilipino. Magaling lang sa simula ng mga proyekto dahil may mga kodakan at press release na nangyayari kaya marami ang gustong makibahagi. Makaraan ang ilang buwan at taon, “nalanta” na ang proyekto. Tingnan na lang ang LRT at MRT na sa simula ay “nangingintab” sa ganda, subalit bandang huli ay nanlilimahid na, naging dugyot – marumi, palyado. Ang mga ‘tree planting” projects na para makatulong sa Inang Kalikasan, yong mga lugar na malalapit sa lunsod o bayan, ni hindi nadamuhan at hindi man lang o nadiligan, kaya walang nangyari sa mga tanim. Ang pagpapaganda ng mga center island ng mga kalsada na tinamnan ng mga bulaklak, pagkatapos ng kodakan, naging tapunan ng basura. Ang project para sa Pasig river, hanggang kodakan lang din ang inabot. Ang paglinis sa Roxas Boulevard at mga daluyan ng tubig ng Manila, hindi rin consistent. Etc. etc. etc.

Panglima, ang kanilang mga talumpati ay namumutiktik ng mga pantukoy sa kanilang mga “inspirasyon”. Ang kay Grace Poe ay sa kanyang tatay na si Fernado Poe, Jr., isang aksiyon star ng mga pelikulang may kabayanihan, na animo ay pelikulang “Panday” ang mga tema. Kaya halos bawa’t talata ng kanyang talumpati ay may salitang “magpanday”, sa halip na “gumawa” o “humubog”, upang simple lang sana ang dating. Si Chiz Escudero naman ay hindi nagpatalo – gumamit ng  “puso”, tulad ng pagsabi halimbawa ng “mga proyektong may puso”, etc. Gagawin pang tanga ang mga nakikinig ganoong ang pinapatungkulan niya ng “puso” ay si “Heart Evangelista”, asawa niya! Hinaluan pa ng showbiz ang pulitika! Siguro ang mga speech writers nila ay mga script writers ng pelikula, kaya ang laman ay pang-pelikula ang dating! Ganyan ang nangyari nang mangampanya si Erap, at nang umupo, karamihan ng mga itinalaga sa puwesto ay mga artista. Ang hindi ko makalimutan ay ang itinalaga niyang matabang komedyante sa PAGCOR na nagsabi ng “weather weather lang yan”, kaya walang naipakitang ambag ang nasabing pasugalan para sa bayan na siya nitong layunin, kung saan napunta ang pera, siya lang ang nakakaalam.

Kung babasahin ang kasaysayan ng bansa, ang mga pinangako ng dalawa na pagsugpo sa katiwalian, kriminalidad, gutom, etc. ay mga pangako din ng mga pulitiko noon pa mang binigyan ng mga Amerikano ng kalayaan ang mga Pilipino na nagkumahog sa pag-upo sa mga puwesto sa gobyerno. Walang natupad sa mga pinangako nila sa mga kampanya dahil tuloy pa rin ang korapsyon sa gobyerno at kagutuman sa bansa, at lalo pang tumindi sa pag-usad ng panahon. Ngayon, binabanggit na naman nina Poe at Escudero ang mga problema na saang anggulo man tingnan ay talagang hindi mawawala, hangga’t hindi napapalitan ang sistema ng gobyerno upang maaalis ang mga tiwaling mambabatas na gumagawa ng mga batas para sa kanilang kapakanan. Samantala, pwedeng asahan ang “tulong” ng mga korap na ito subalit siguradong may kapalit. Ang isang pruweba ng masamang ugali ng mambabatas ay ang kawalan palagi ng quorum sa Kongreso kaya hindi matapos-tapos ang pagtalakay sa Basic Law para sa Bangsamoro Autonomous Region….sabi nga ng iba, naghihintay yata sila ng “regalo” mula sa presidente, na siya nilang nakagawian.

Paanong matitigil ang kriminalidad kung mismong sa hanay ng kapulisan at ibang opisyal ng gobyerno ay may kakutsaba ang mga sindikato lalo na sa droga? May mga kuwento pang lumalala ang mga kidnapping tuwing panahon ng kampanyahan dahil kailangan daw ng mga financier na pulitiko ang pera para sa pagtakbo nila sa eleksiyon. Paanong matitigil ang gutom kung ang mga ahensiyang nagpapatupad ng mga programa para dito ay korap? Paanong masugpo ang nakawan sa kaban ng bayan kung ang mga batas na dapat nagpopotrotekta dito ay tadtad ng mga butas na sinadyang ginawa upang mapaikutan ng mga opisyal, nang maluwag silang makapagnakaw? Paanong mapaayos ang sistema ng edukasyon, kung kinukunsinte ng mga ahensiya ng gobyernong may kinalaman dito ang pagsulputan ng mga kursong wala namang pakinabang, kundi mapagkitaan lang ng mga kolehiyo at unibersidad, pati na ang pag-commercialize ng mga textbooks?

Nakakapangamba ang mangyayari sa darating na eleksiyon dahil sa simula pa lamang ng kampanyahan ay puro “pangarap” na ang mga sinasambit ng mga may masidhing layunin “daw” na mag-angat sa kalagayan ng Pilipinas at mga Pilipino!

The Binay Camp has ran out of gimmicks against Poe…so it resorted to the adoption issue

The Binay Camp has ran out of gimmicks against Poe

….so it resorted to the adoption issue

By Apolinario Villalobos

Desperate is how the Binay camp can be described in its effort to disintegrate the persona of Grace Poe as the formidable opponent of Jejomar Binay in his quest for the presidential post. With nothing else to throw to her face, they used the adoption issue…and the technicalities, yet! The spokesperson of the Binay camp sounded dolefully as its spokesperson, read a litany of technical errors on the adoption process, especially, on the date that Grace Poe was adopted by a yet-to-be-married Susan Roces and Fernando Poe, hence, a question on their “capability” to adopt as “unmarried persons” which shows their lack of “parental personality”.

Whoever thought of such strategy clearly is out of his mind, as it just drives voters to the side of Poe because of the Filipino culture that makes them love the underdog and the oppress. Not even the issue on “inexperience” can be used against Poe, as not all presidents of the Philippines or any country for that matter did not become vice-presidents first. The primary issues on the forthcoming 2016 election are “cleanliness” and “integrity”.

In the Philippines, the experience of the president who held several elected positions in the past, especially, vice-presidency, clearly show that it did not help in improving the situation of the country. On the contrary, because of the experience which is heavily tainted with learned corruption, the situation of the country just got worse. How much more if a guy has decades of such kind of “experience”?

What Osmena, Roxas and Pnoy should Do to Help the Country at this Time

What Osmeῆa, Roxas and Pnoy

Should Do to Help the Country at this Time

By Apolinario Villalobos

On Osmeῆa….he should stop analyzing the presidential capability of Grace Poe, even declaring that she is just good for the vice-presidency. Osmeῆa, himself, has proved nothing as a lawmaker so he is not in the position to judge his fellow politicians. It is a good thing that Grace Poe fought back by saying that many so-called seasoned politicians assumed responsible positions but proved to be just disappointments due to their misdoings. Osmeῆa should open his eyes and ears to understand the message of Poe.

On Roxas….he should stop talking like a puppet echoing the “tuwid na daan” and “reforms” that are the daily mumblings of Pnoy, his boss, to whom he kowtows with all loyalty and sincerity. Roxas is just showing his lack of backbone in all his statements and actions. He should come up with his own platform that may be related to what his boss promised but did not accomplish, if that is what he wants to do – at least he can be original somehow. He should prove that he has his own will power, and not a copycat.

On Pnoy….he should stop talking about his “tuwid na daan” and “reforms” because Filipinos have not seen anything yet that can give substance to those promises. All he showed was insensitivity to the popular clamor of the populace to remove from their positions his inept and questionably performing buddies. Because of his inaction, the country slid miserably more into helplessness. The guy’s promises have been proven to be shams that just became butts of joke. Corruption under his administration got worse, and even assumed a somewhat legal image. He may not be corrupt, himself, but his tolerance of such misdoing makes him one, as he is aware and even becomes a party. If he is not aware of this, it just proves that he is not really listening to his “bosses” as he promised. Unsavory stories about his attitude never fail to fill to pages of tabloid and broadsheets, even the airwaves.

Of late, it has been discovered that the much and perpetually questioned pork barrel is again inserted in the 2016 budget. Is this what Pnoy is saying about his “reforms”? What reform is he talking about when he is obviously tolerating the commission of corruption? He must stop talking about his two trademarks to give relief to the Filipinos who are getting tired of his mumblings!

As Expected, the Binay Camp has started its Smear Campaign against Grace Poe

As Expected, the Binay Camp
has Started its Smear Campaign Against Grace Poe
ni Apolinario Villalobos

This early, the color of VP Binay as a “trapo” (traditional politician) can be clearly discerned. He is gravely disappointed due to the signing of Grace Poe in the recommendation, that plunder be filed against him and his son, Junjun, the current mayor of Makati City. His feelings are aggravated by Poe’s plan to run for president.

The camp of the Binays erred in using against Grace, the issues on her being an adopted, dual citizenship, and lack of residency. All the accusations are practically ineffectual. Ever since she was a student, Grace already that knew that she is not a biological daughter of Susan Roces and Fernando Poe, Jr. She is even sharing with much pleasure, the story on how she was adopted. The issue on her dual citizenship has long been resolved, as her American citizenship has already been revoked. And her lack of residency has, likewise, been answered.

The camp of Binay has been committing blunders in its strategies, the reason why it failed in its effort to cover up the piling of cases resulting to the plunder case filed against him and his son, Junjun.

Good thing that Grace boldly issued a statement that she does not mind the accusations against her, unlike the plunder case being filed against “somebody”. Many are saying that in the issue of presidency, Grace is an “underdog”, unlike the other party who is definitely a “dog”. The penchant of the Filipinos for melodrama made them love underdogs.

Tulad ng Inaasahan, sinisiraan na ng Kampo ni Binay si Grace Poe

Tulad ng Inaasahan
Sinisiraan na ng Kampo ni Binay si Grace Poe
ni Apolinario Villalobos

Sa ganito kaaga, napapaghalata na ang pagka-trapo ni VP Binay. Dahil sa pagkadismaya sa pagpirma ni Grace Poe sa rekomendasyon upang imbestigahan na siya korte pati ang kanyang junior na anak, lalo na dahil sa ugung-ugong na tatakbo pa ito sa pagka-presidente, mga personal na bagay na kinakalkal ng kampo niya.

Ang mali ng kampo ni Binay, ginamit pa ang isyu sa pagiging adopted ni Grace, dual citizenship, at kawalan ng residency, kaya hindi daw ito kwalipikadong tumakbo sa pagka-presidente. Puro palpak ang mga isyu laban kay Grace. Noon pa mang estudyante si Grace, alam na nitong ampon lang siya at ikinuwento pa nga niya kung paano nangyari ito. Ang dual citizenship ay matagal na ring nasagot ni Grace na nawalan ng bisa ang kanyang American citizenship. Ang sa residency issue naman, history na rin ito dahil matagal na ring nasagot.

Kaya kinakasuhan ang mga Binay sa mga ginawang pagnanakaw ay puro mali ang mga stretehiya ng kampo niya. Nagmumukha tuloy silang timawang nakatalungko sa kangkungan.

Mabuti naman at sumagot si Grace na nagsabing okey lang ang mga binabato sa kanya, kaysa naman sa kasong plunder – pagnanakaw.

Sa isyu ng pagtakbo sa presidency, si Grace ay ang tinatawag na “underdog” o inaapi, pero sabi ng marami, si Binay naman ay “dog” daw. Mahal ng mga Pilipino ang mga inaapi dahil sa pagkagusto ng mga Pilipino sa mga ma-dramang kwento.

Ang Kapos sa Karanasan pero Malinis ang Budhi at ang May Karanasan pero Kadudaduda naman ang Layunin…at iba pang natataranta at ninenerbiyos dahil sa darating na eleksiyon

Ang Kapos sa Karanasan pero Malinis ang Budhi
At ang May Karanasan pero Kadudaduda naman ang Layunin
…at iba pang natataranta at ninenerbiyos dahil sa darating na eleksiyon
Ni Apolinario Villalobos

May desperadong nagparinig na kandidato sa pagka-presidente na malalagay sa alanganin ang Pilipinas kapag nagkaroon ng Presidenteng walang karanasan. Bilib ako sa lakas ng loob ng taong ito sa pagmamalaki ng mga ginawa niya na kinukwestiyon naman dahil sa korapsyon. At ano ang ibig niyang sabihin sa “karanasan”?….karanasan saan?….karanasan sa “pag-ano?”….dapat liwanagin niya!

Yong isa ay pa-simpleng nagdududa pa kung makakaya niyang tumakbo dahil kapos sa makinarya o suporta. Pero sabi naman ng mga supporter niya, hindi kailangan ang maraming pera dahil hindi naman siya mamimili ng boto. Hindi rin isyu ang kawalan niya ng karanasan dahil maraming aalalay sa kanya na desperado dahil sa mga katiwaliang nangyayari, kaya naghahangad ng makatotohanang pagbabago kahit hindi matuwid na daan ang tatahakin.

Ang walang karanasan ay may malawak pang espasyo sa kanyang utak para sa mga bagong ideya, pero ang may karanasang kaduda-duda, nag-uumapaw sa utak ang katiwalian. Ang walang karanasan, lalo na kung wala pang bahid ng katiwalian, ang nahahatak na mga supporter ay may malinis na layunin. Subalit ang nakakadudang may karanasan ay napapaligiran ng mga kapareho niyang sakim at ang utak ay puno na ng mga maiitim na balak.

May isa namang ninenerbiyos dahil baka hindi na naman matutupad ang pangarap niya noon pang makaupo sa Malakanyang. Baka iniisip niya ngayong kahit puro puti na ang kanyang buhok ay “segunda persona” pa rin siya ng bansa. Subali’t no regrets para sa mga botante dahil nakita naman ang kahinaan niya at kawalan ng backbone at self-respect dahil maraming beses nang binastos ng kanyang amo ay kapit-tuko pa rin sa pwesto na para bang itong amo na ito lang ang makakapagbigay sa kanya ng buhay.

Yong isang nagmamarunong, biglang tumiklop dahil nabisto ng taong-bayan na kaibigan pala ng kanyang tatay si Binay, baka kumpare pa. Tatakbo pa kaya sa kabila ng kahihiyan dahil noon nagpipilit na “straight” siya? Yong isa pa rin na kung magsalita ay parang robot, inakala ng maraming Pilipino na matalino pero mababaw rin pala dahil nabisto ang matinding kapit niya sa administrasyon, kaya walang narinig mula sa kanya tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kanyang close friend doon sa malaking bahay sa tabi ng Ilog Pasig. Nakakaaliw ang kanyang pananahimik…” nasa “tahimik” na kasi siyang kalagayan .

Yong isang matapang daw, noon pa man, parang sirang plaka sa pagsabing talagang interesado siya sa ano mang dalawang puwesto sa “itaas”, pero hindi siya pinapansin maski ng mga kapartido. Hindi kasi siya kapani-paniwala at pruweba ang pag-abandona niya sa kanyang mga kasama sa adhikain, dahil mas binigyan ng bigat ang career niya sa pulitika. Kapag nalaman na ang mga nominado at hindi siya napasama, interesado pa kaya siyang ipagpatuloy ang imbestigasyon ng mga Binay?…wala na kasing kabuluhan ang kanyang pa-istaring tuwing may hearing.

Sino sila?

Will the Filipinos be driven by Despair and Vote for Grace Poe as President of the Philippines?

Will the Filipinos be driven by Despair and Vote for Grace Poe
as President of the Philippines?
By Apolinario Villalobos

For the coming 2016 election, will Grace Poe serve as a floating log, a savior, for the desperate Filipinos who are perpetually left with no choice every time such political process is held, but just left to choose between the devil and deep blue sea?

When she ran for senator, she got an overwhelming number of votes, much more than what Noynoy Aquino who was vying for the presidency got. She had inadequate machinery, being a neophyte in the field, yet she was able to earn the confidence of the voting populace. The election returns that propelled Poe to Senate showed that, somehow, she had an awesome following that used its wise judgment.

The craftiness in Pnoy Aquino saw the glitter of opportunity in the person of Poe and tried his best to establish a connection by offering an option via his Liberal Party. This early, the poor senator could be confused considering that she also vowed during her senatorial campaign not to run for a higher position, plus her own admission of financial inadequacy and freshness in the field of politics. If Poe bites the bait being dangled by Aquino, however, she will be indebted to him and the Liberal Party, endangering the plan of the opposition to file charges against him (Aquino) and other Liberal Party members for committed grafts.

The situation before was much different from today, because before, even Pnoy was presumed to become a reliable president, that is why the Filipinos voted for him, but of late, he proved to be just the opposite. The coming presidential race presents a wary picture because Jejomar Binay the most interested party, has standing lawsuits for graft and corruption, and the rest of the interested ones are either viewed as having limp personality or soiled with dishonesty, too.

Perhaps, this early, what Poe can do first is decide to run as an independent candidate so that the voters will be guided accordingly as regards the support that she would need. As she presents an image that exudes with neutrality, she could seek the help of sitting lawmakers later on for support, especially, if during the campaign days, she will bring out her real agenda which will surely suit everyone. She should make use of her “clean image” advantage to the fullest, if only for the memory of her father whom she adored very much, in case she decides finally to run for president.