Magandang Asal ang Dapat Ipakita ng mga Opisyal ng Gobyerno Upang Sila ay Respetuhin

Magandang Asal ang Dapat Ipakita ng Mga Opisyal

Ng Gobyerno Upang Sila ay Respetuhin

Ni Apolinario Villalobos

Sa nag-viral na video tungkol sa “pagwawala” ng isang babaeng opisyal na taga-NAPOLCOM, na si Anna Paglinawan, at ayon sa balita ay “acting chief” ng Administrative Division ng nasabing ahensiya, marami ang mapupunang blunder o pagkakamali, tulad ng mga sumusunod:

  • Ang “pagwawala” o pag-eskandalo ng babae, na hindi dapat. Nagpakahinahon sana siya at kinausap ang mga sangkot sa kaso, sa loob ng Barangay Hall. Subalit mabuti naman at inamin ng babae na naging emotional siya.
  • Mali ang ginawang pagtapon ng babae sa cellphone ni Kagawad Mike Almanza. Dahil ang pinangyarihan ng insidente ay pampublikong lugar kaya hindi bawal ang kumuha ng video o retrato maliban lang kung may nakapaskel na pagbabawal at galing sa local authority.
  • Hindi dapat nagbitaw ng mga salitang “addict na kagawad” ang babae na ang tinutukoy ay si Almanza dahil hayagang paninirang-puri ito kaya maaari siyang mademanda, maliban lang kung sa oras na yon ay may hawak siyang ebidensiyang magpapatunay.
  • Ang mga pulis na nasa eksena ay mali rin dahil kung hindi sila tinanong ng babae tungkol sa ID nila ay hindi pa nila kinuha upang ipakita. Ang ID nila ay dapat nakadikit palagi sa uniporme nila kung sila ay nagdo-duty. Halatang naunahan sila ng sindak dahil ang babae ay nagpakilalang taga-NAPOLCOM, kaya sa kabuuhan ng video, makikitang wala silang ginawa. Ang lalong nagpasama sa sitwasyon ay ang pagtanggi ng isang “koronel” na kinausap niya ang babae dahil lumalabas  sa video na kausap siya nito sa cellphone. Madalas gamitin ang ganitong style ng mga sinisitang mga matataas na taong may nagawang violation lalo na sa trapiko…gasgas na gasgas na kaya hindi epektibo.

Ang magandang ginawa ng NAPOLCOM ay ni-relieve ang babae sa puwesto habang ginagawa ang imbestigasyon. Subalit malakas ang mga “sigaw” sa social media na dapat daw itong tanggalin agad upang hindi pamarisan. Hindi naman ito puwede dahil may “due process” na dapat sundin batay sa internal administrative policies ng ahensiya at Labor Code ng Pilipinas. Ang malinaw na hindi magandang resulta ng insidente ay pagbigay ng “black eye” na naman sa kapulisan at kay Pnoy. At ang nakapanghihinayang ay ang 27 taon ng babae sa trabaho na mawawalan ng kabuluhan sakaling mapatunayang may pagkakamali siya.  Sa nabanggit na katagalan niya sa trabaho, malamang siya ay magri-retire na. Kaya siya itinalagang “acting” sa isang Division, ay malamang upang gawing regular din talaga para pagdating ng retirement niya ang batayan ng kanyang mga benepisyo at pension ay ang huling mataas na position sa trabaho. Dapat bantayan ang kasong ito.

Maganda ang ginawa ni Almanza na hindi na nakipagbangayan sa babae. Bilang elected na local official, ipinakita rin niya ang kanyang kahinahunan na tulad ng ipinakita ng dalawang pulis.

Maaari namang kontrolin ang hinahon at gumawa ng mga pagkilos na naaangkop sa pangangailangan ng pagkakataon, at ito ay inaasahang gagawin ng mga nasa gobyerno. May mga seminar para dito at malaki ang ginagastos ng gobyerno upang ang mga opisyal at mga empleyado ay maging karespe-respeto sa paningin ng mga mamamayan. Bukambibig sa kapulisan ang “self-control and tolerance” o pagpipigil sa sarili at pagpapaubaya. Sa kaso ng nag-viral na video, nakita ang dalawang katangiang ito sa dalawang pulis na hindi nagri-react sa ginagawa sa kanila ng babae, pati na kay Kagawad Almanza. Ibig sabihin, epektibo nilang nagamit ang natutunan nila sa training at seminar.

Ang babae naman ay hindi nakapagpakita ng pagkontrol sa sarili na inaasahan sa kanya, bilang bahagi ng isang ahensiyang nagsisilbing “Ombudsman” o “Sandiganbayan” ng kapulisan. Ang mga nasa NAPOLCOM ay inaasahang mga piling-piling mga pulis o sibilyang empleyado na malawak ang kaalaman sa pagpapatakbo ng hukbo ng kapulisan. Ang ahensiyang ito ang nagsisilbing “utak” ng nasabing hukbo kung saan ay ginagawa ang mga patakaran. Kaya sana ang pangyayaring napanood sa nag-viral na video ay “isolated case” lamang.

Ang isang government official na alam na rin ng buong Pilipinas na hindi nahihiyang magpakita ng galit subalit tinatanggap ng publiko dahil sa magandang dahilan ay si Mayor Rod Duterte ng Davao City. Hindi siya nagagalit ng walang dahilan at ang pinagbubuntunan ng galit niya ay mga masasamang tao. Kaya siya nagagalit ay hindi siya pinapakinggan ng mga taong binibigyan niya ng babala at pagkakataong magbago…sa halip ay tila sinusubukan pa nila ang kanyang pasensiya kung hanggang saan aabot ito. Walang magawa si Mayor Duterte kundi ang kumilos ayon sa hinihingi ng mga taong tinutukoy, kaya napipilitan siyang dumesisyon ayon sa nararapat – ang ipakita sa mga tiwaling ito kung sino ang tama dahil ang inaalala niya ay kapakanan ng nakararami.

Inaasahang kumilos para sa kapakanan o pangangailangan ng mga mamamayan ang mga nagtatrabaho sa gobyerno lalo na ang mga nakatalaga sa matataas na puwesto, sa paraang karespe-respeto. Ang tawag sa mga taong ito sa Ingles ay “public servants” o “tagapagsilbi sa publiko o mamamayan”. Sinusuwelduhan sila ng mga mamamayan upang magtrabaho ng maayos. Ang masama lang, marami sa kanila na wala naman masyadong binatbat, kundi nakasuot lang ng uniporme ng isang kilalang ahensiya, animo ay presidente na ng Pilipinas  kung umasta.

Ang dapat tandaan dito ng mga ordinaryong mamamayan ay: kung may mga kamag-anak  na may mataas na katungkulan sa gobyerno, huwag nilang ipagyabang at isalang sa kompromiso. At yon namang mga nasa gobyerno lalo na ang may sakit na kayabangan, huwag ipagmalaki ang  mataas na katungkulan nila. Ang pagtawag sa kanila ng mga “inaapi” daw na mga kaanak o kaibigan ay hindi rin nila dapat gamiting  oportunidad o pagkakataon upang makapagyabang.

Taos-pusong Serbisyo: tatak ng Lunsod ng Bacoor…salamat kay Nolasco S. Espiritu at Jessica S. Sarino

Taos-pusong Serbisyo : tatak ng Lunsod ng Bacoor

(…salamat kay Nolasco S. Espiritu at Jessica S. Sarino)

ni Apolinario Villalobos

Matagal ko nang narinig ang magagandang kuwento tungkol sa mga nagtatrabaho sa City Hall ng Bacoor. Sinasabi nilang iba ang pakiramdam kapag nasa loob ka na ng bulwagan dahil halos lahat ng mga kawani ay handang sumagot nang walang pagkayamot sa mga tanong. Mararamdaman daw talaga ang taos-pusong pag-asikaso ng mga empleyado sa lahat ng may nilalakad sa City Hall.

Akala ko ay hanggang kuwento lang ang maririnig ko, hanggang sa madanasan ko rin ang sinasabi nilang kakaibang serbisyo nang minsang may nilakad akong mga papeles. Dahil sa kalituhan, pumasok ako sa kuwarto ng mga kawani sa halip na magtanong sa naka-assign sa counter. Mali na ako doon dahil kailangan ko palang kumuha ng number sa Information Desk. Ganoon pa man, pagpasok ko sa kuwarto, ang una kong nakausap ay hindi nag-atubili sa pagbaba muna ng hawak na dokumentong binabasa upang abutin naman ang mga dokumentong hawak ko. Matiyaga niyang binasa ang iniabot ko at pagkatapos ay sumangguni rin sa isa pang kawani. Magkatulong silang nagpaliwanag sa akin tungkol sa hawak kong mga dokumento – sa napakamahinahong paraan, na aaminin kong noon ko pa lang naranasan.

Parehong halos umapaw sa mga nakasalansang dokumento ang mesa ng dalawang nakausap ko, na ibig sabihin ay “hanggang leeg” ang kanilang ginagawa. Sa kabila ng ganoong kalagayan, nangako pa rin sila na maaasikaso agad ang nilalakad ko. Ang pagkakamali ko ay humirit pa ako ng pakiusap na baka pwede akong maghintay. Lumabas tuloy na hindi ko sila inunawa sa kabila ng nakatambak nilang trabaho. Sa halip na mainis sa ginawa ko ay malumanay pa rin silang nakiusap na bumalik ako kinabukasan. Ni hindi nila binanggit ang sangkaterbang dokumentong unang naipila sa kanilang mesa.

Nagulat ako nang malaman kong ang una ko palang nakausap ay mismong hepe ng departamento ng Assessor’s Office, na si G. Nolasco S. Espiritu. Humanga ako sa kanya dahil hindi man lang niya ako ini-refer sa isa sa mga staff niya. Ang kinausap naman niyang nakaupo sa harap niya ay si Bb. Jessica S. Sarino, Assessment Clerk III. Pareho silang maaliwalas ang mukha sa kabila ng sangkaterbang dokumentong kailangang asikasuhin, kaya nawala ang lahat ng agam-agam ko na baka mahirapan ako sa pagkuha ng kailangan kong dokumento. Napatunayan ko ang kanilang katapatan sa binitiwang pangako dahil kinabukasan ay nakuha ko rin ang dokumento.

Malaking bagay para sa kliyente ng isang opisina, ma-gobyerno man o ma-pribado, ang malumanay na pag-asikaso sa kanyang pangangailangan. Naipapakita ito ng empleyado sa pamamagitan ng maaliwalas na mukha at pakikipag-usap na may halong pang-unawa. Hindi maiwasan ng mga kliyenteng magkaroon ng pag-alinlangan at agam-agam  sa maaaring mangyari sa nilalakad nilang dokumento. Kaya ang malinaw at malumanay na paliwanag na ginawa nina G. Espiritu at Bb. Sarino ay nakatulong ng malaki upang mawala ang aking pag-alinlangan at naramdamang kaba.

Sa isang banda naman,  hindi ko maiwasang bigyan ng pansin, na sa kabila ng masikip nilang kalagayan, maliksi pa rin sa pagkilos ang mga empleyado. Mabuti na lamang at magkakaroon na rin sila ng maluwag na opisina sa bagong City Hall ng lunsod na nasa Molino Boulevard, pagkalampas lang ng St. Dominic Hospital. Ito ang magiging pamana ni mayor Strike Revilla sa mga taga-Bacoor, sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan.

Ang mga katulad nina G. Espiritu at Bb. Sarino ay dapat tularan ng mga nagtatrabaho sa gobyerno, lalo pa at sa panahon ngayon ay sunud-sunod ang mga pagbatikos na nangyayari sa kanila. Idagdag pa diyan ang hindi magandang imahe ng kasalukuyang administrasyon, kaya nadadamay ang ibang maganda naman ang ginagawa. Sa isang bagong lunsod tulad ng Bacoor na may makulay at madugong kasaysayan kaya nakakahatak ng mga turistang lokal at dayuhan, mahalaga ang isa o ilang tatak na magbibigay ng alaala. Sa ginawa nina G. Espiritu at Bb. Sarino, ang tumatak sa aking isip ay ang taos-puso nilang pagtupad ng kanilang tungkulin…na magiging tatak na rin ng lunsod ng Bacoor.

It is High Time for the President of the Philippines to be Assisted by Career Service Officers (CSOs)

It is High Time for the President of the Philippines

To be Assisted by Career Service Officers (CSOs)

By Apolinario Villalobos

The Career Service Officers (CSOs), in doing their duties and responsibilities, are bound to the Civil Service guidelines. Their failure could mean suspension, dismissal or imprisonment – after due process. Their positions are supposed to be sanitized, hence, non-political. There is no reason therefore, why they cannot cooperate with any sitting President as it is their duty to do so, for as long as they are within bounds of the guidelines, otherwise, they can be meted appropriate penalties. Compare this with erring politically-appointed agency Heads who just shrug their shoulders with indifference, because they are friends of the President, hence, untouchable and excused from prosecution!

The Career Service Officers are considered “managers” with ample trainings and knowledge on how to run agencies. They also rise from the ranks making them well-versed on all aspects of operations. The government is assured of the best performance possible, because they have their career path to take care of. Any mistake could mean their being sidetracked or worse, removed from the path. In other words, they have reasons to work as best as they can, if they want to grow professionally, thereby, forced to earn their keeps honestly and earnestly.

On the other hand, political appointees, have only their loyalty to the sitting President as credential. It is true that some may have earned their diplomas and certificates of masters and doctorates from reputable colleges and universities here and abroad, but these are just papers for show, to gain favorable impression. They are degree holders but with stagnant knowledge due to lack of practice in actuality, because their involvement is in politics which for them is a more “rewarding” career. There may be some, however, who before their appointment, may be holding “similar job” or with “similar function” in private companies. But the environment in a government agency is very much different from that of a private company, making the “similarities” not a guarantee of acceptable or exemplary performance.

What the nation needs are “honest-to-goodness” workers with accumulated experience and exposure in agency operation. For instance, the Department of Social Welfare needs Social Workers who have been working with it, thereby, exposed to the real situations for a number of years making them fully understand the sentiments and the needs of the socially-deprived people, and not just somebody who became close to the President after several toasts in social gatherings, or somebody who claps the loudest in the middle of his speech.

In some cases, the political appointees, aside from being co-terminus with the appointing President, may also be nurturing an ambition to run for an elective position. When campaign period for election sets in or if the President is approaching the end of his term, they leave their agencies in a quandary due to unclear directions for the continuity of projects, and which is worse, if another political appointee takes over. How about “official turnover” as some sympathizers of the government would ask?….to them I say, “tell that to the marines!”. The government is so dysfunctional that it seems, agencies do not even know what “coordination” means!  It is different if the Agency Head is permanent, as project implementation will not change direction, while Presidents come and go. These permanent Career Service Officers are protected by their eligibility, so that no political ignoramus can ever budge them from their position, not even the President…that is, if the Civil Service guidelines shall be followed to the letter.

Lately, very clear circumstances point to the necessity of professionalizing the administration of the Republican government, in order to remove the taint of politics in its administration. Since the Commonwealth period, the administrative system of the Philippines has been founded on traditional “utang na loob” or gratitude and sympathy. The worried American Governor Generals saw and felt this, making them apprehensive and conclude that the Filipinos were not ripe for self-rule yet, at the time. The perpetuated tradition became a habit, and now Filipinos suffer from the result.

As a practice, Presidents chose people who contributed much for their election, to saucy positions in his administration as an “assurance for smooth operation” and continued support. Presidents chose people whom they can trust with cooperation for quick release of funds. Presidents chose pea-brained people to head agencies that are directly involved with the voting base of the population, especially, the poverty-stricken who are always ready to bite dangled morsels of insignificant relief. The practice has nurtured the growth of a deeply-rooted corrupt system that eventually ruined the Filipino culture. What we see today is a country that needs a drastic change to turn it around, for the better.

Personally, as a last resort, I maintain a change in the system from the centralized to federal….

Bakit May Gobyerno Pa?

Bakit May Gobyerno Pa?

Ni Apolinario Villalobos

Sa mga rally, lalo na noong nakaraang pagdiwang ng Araw ng Kalayaan, ang sigaw ng ilan ay hindi ang pagbagsak ng kasalukuyang gobyerno, bagkus ay isang katanungan: “BAKIT MAY GOBYERNO PA?” Ang nararamdaman kasi ng mga tao, ay para na ring walang namumuno, dahil halos wala man lang napaparusahang mga tiwaling opisyal o nagpapataw ng kaukulang parusa sa mga lumalabag ng batas….kaya ang mga Pilipino ay nagsasariling diskarte na lang upang mabuhay. Palaging naririnig ang parusang “pagsibak”, na ibig sabihin lang pala ay pagtanggal sa kasalukuyang pwesto at “paglipat” sa ibang pwesto…wala ring nangyari.

Matatapang ang mga negosyante sa pagtago ng mga basic commodities tulad ng bigas upang magkaroon ng dahilan na makapagtaas sila ng mga presyo nito, pati nga rekado na bawang at sibuyas ay napakialaman din. Ang mga negosyante ng langis, ganoon din ang tindi ng tapang sa panloloko sa pamamagitan ng animo ay pagsi-see-saw ng mga presyo…magbabawas ng ilang sentimo, at magtataas ng mahigit piso. Parang nakakaloko na sa pagpapatakam. Matatapang ang mga taong pamahalaan sa pagturing sa mga proyekto na animo ay sarili nilang negosyo kaya kung pagkitaan ang mga ito ay ganoon na lang.

Dahil wala man lang napapatawan ng parusa, pati ang sistema sa mga kulungan ay apektado at nakulapulan na rin ng kagaw ng corruption. Pati na rin ang mga paaralan, mula high school hanggang libel ng kolehiyo ay hindi man lang masita sa maya’t maya ay pagkakaroon ng mga sosyalang gastusan, tulad na lang ng “acquaintance party” na may costume pa…para ano ito, ganoong kabubukas lang ng mga eskwela? Sigurado, ilang buwan lang pagkatapos ng party na yan, magkakaroon na ng “educational tour” na kasama sa itinerary ay shopping mall o resort para makapasyal ang mga madre at mga titser at ang mga gastos nila ay pinababalikat sa mga estudyante. Ang mga estudyanteng hindi makasama dahil walang panggastos, pinapatawan ng mga kung anu-anong project naman, na hindi naman talaga kailangan. Bakit hindi na lang research project na may kabuluhan ang ipagawa sa mga estudyante o di kaya ay familiarization sa mga iba’t- ibang barangay ng lunsod o bayan kung saan nandoon ang paaralan, sa halip na “educational tour” sa malalayong lugar?

Nakakahiya, dahil ang mga taong inaasahan na dapat ay nagtuturo ng mga paraan kung paanong makaiwas sa gastos ang mga magulang dahil sa kahirapan ng buhay, ay siya pa ang pasimuno ng kaaliwaswasan na walang kabuhulang gastusan. Inutil ang mga ahensiyang nakatoka sa sistema ng edukasyon ng ating bansa. At, lalong walang konsiyensiya ang mga paaralang, animo ay nanghuhuthot sa mga magulang at estudyante sa halip na magturo nang maayos upang makapaghanda ang mga kabataan para sa kanilang kinabukasan.

Naturingang may Senado at Kongreso, subali’t ang mga ibinoto ng bayan upang umupo rito ay may mga bahid na ng corruption. Noong kampanyahan, animo mga santo at santa, puro pangako ng mga magagandang proyekto. Subali’t nang magkaroon ng pagkakataon upang makapangurakot, hindi na nagpapigil. Kailangan nga naman nila ang pondo para sa susunod na eleksiyon. Nagbibintangan sila sa isa’t isa at may mga “sinampahan” na ng mga kaso. Sino pa ang pagkakatiwalaan ng mga tao? Yong mga bago sa Senado tulad ni senadora Binay, ay may kinakaharap ding mga katanungang dapat niyang sagutin. Si senadora Poe, hindi naman nakakalimutan ang pangdaya daw ng dating Presidente Gloria sa kanyang ama…lumalabas na benggadora siya dahil hangga’t may pagkakataon, hindi niya maiwasang hindi banggitin ito. Para na rin siyang si Presidente Aquino na maya’t maya din ang paglingon sa dating pamunuan ni Presidente Gloria upang batuhin ng mga pagsisisi sa mga pangyayaring palpak sa kasalukuyang administrasyong hawak niya. Ang ugaling mapaghiganti ay nakakapagpigil sa pag-usad ng tao, at ang pinakamalaking halimbawa ay ang nangyayari ngayon – hirap sa pag-usad ang pamahalaan dahil panay ang sisi ng pamunuan sa mga corruption daw ng nakaraang administrasyon sa mga nangyayari ngayon.

Sana magmuni-muni din ang pangulo tungkol sa mga taong itinalaga niya bilang mga alalay niya lalo na sa namamahala ng budget na nahasa na sa mga nakaraang administrasyon. Ang mga napatunayan nang wala namang alam sa pagpapatakbo ng mga ahensiya ay nandiyan pa rin na naging mabigat pa niyang pasanin. At ang mga mambabatas na bihasa na sa pag-ikot sa mga batas ay nandiyan pa rin, kaya hindi lang ang nakaraan presidente ang dapat niyang sisihin. Ang mga talumpati niya na ang laman ay puro pagdedepensa sa kanyang mga kaalyado sa partido at mga alalay sa gobyerno ay ayaw na ring pakinggan ng marami dahil ampaw naman daw – walang laman.

Ultimo driver ng dyip na nasakyan ko minsan, pinatay ang kanyang radyo nang marinig ang nagsisimula pa lang na talumpati ng pangulo, sabay bitaw ng mga pagmumura. Hindi ko na lang pinansin dahil baka lalo lang mainis at ibangga ang dyip.

Mabuti na lang at madiskarte tayong mga Pilipino, kung hindi, baka sa kangkungan pupulutin ang lahi natin!

Why Not Make the Current Regions “Federal States”?

Why Not Make the Current Regions “Federal States”?
By Apolinario Villalobos

The clamor to make the country’s form of government “federal”, can be fast- tracked by giving the current regions a personality resembling that of “states”. In the process, the useless Senate and Congress will be eliminated. There will still be President and the Prime Minister can be added to the organizational set up. But the government think-tanks should come up with an appropriate title that can be used by those who will represent each region. The levels of governor, mayor and barangay chairman will be maintained as the autonomous regions shall assume heavier responsibilities in view of their self-governing status.

The present government has already established the Cordillera Autonomous Region (CAR) as well as, the Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), but due to constraints from the “corners” that block the smooth flow of functions, they failed to deliver expected results. Perhaps, the rest of the regions can be regrouped according to their commonality in dialect or regional culture, and they can assume regional names, such as, perhaps, Region of Christian Mindanao (RCM), Bikol Region (BR), Winaray Region (WR), Katagalugan Region (KR), Marikudnon Region (MR, for Panay Island and nearby islets), etc. Along this line, the number of regions will be reduced.

It should be noted that despite the division of the country into regions to supposedly accelerate the delivery of services to the Filipinos, the expected result did not happen, as still, negligence is very evident. Far-flung barangays failed to have decent school houses, bridges are not built to connect villages, even “farm to market” roads did not materialize as promised by Congressmen, even ending up as “ghost projects”.

If these fused regions will be made autonomous, benefits and services will definitely flow directly and speedily down to the constituents. Being autonomous, the flow of authority will now emanate only from the Regional Head to the governor, mayor, and the barangay chairman. With the reduced layers in the bureaucracy, the governor, mayor and barangay chairman who are directly in contact with their constituents will be forced to involve themselves in all projects. Also, they will have the sole authority to prioritize projects as they deem necessary. In this regard, it is important that the qualifications of the Barangay Chairman are upgraded.

As the flow of function and responsibility has been compressed, auditing will be made easy so that flaws in the project implementation and misconduct committed in the process, can be easily identified or detected.

The Philippines is so fragmented because of its island and islet components. This situation is made worse by the location of the central government at the northern main island. Clearly, the government is hindered by bodies of water and undeveloped road system, making it ineffective in uniting the country. This inadequacy is magnified by the corruption resulting from red tapes that have become worse in time, every time new set of administrators find their way to the halls of the government, through dubious election process and appointments. And, the only way to do this drastic change could be through a total revision of the Constitution whose latest amendments during the time of President Cory Aquino, seemed to even have made it more ineffective.