Ang Globalization at Pilipinas

Ang Globalization at Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang pagsirit ng mga halaga ng iba’t ibang bilihin, lalo na ng mga pagkain – ito ang bangungot ng globalization na dulot sa Pilipinas. Ang idinulot ay malawakang paghihirap. Kung dati, ang mga umaangal ay ang mga walang regular na trabaho, lalo na yong mga nakatira sa depressed areas, ngayon, halos lahat na ay nag-iingay. Hindi kasama dito ang mga talagang mayayaman na kayang sabayan ang mga pangyayari.

 

Nakakatawa ang sitwasyon ng Pilipinas sa paningin ng mga taga-ibang bansa. Nandito sa atin ang International Rice Research Institute (IRRI), dalubhasaan ng mga rice scientists at technologists mula sa ibang bansa upang mag-aral ng mga bagay-bagay tungkol sa makabagong kaalaman sa pagtanim ng palay, subali’t nag-aangkat tayo ng bigas mula sa bansa nila! Isang agricultural country ang Pilipinas, subali’t ang presyo ng sibuyas, bawang at luya ay katulad ng sa mga bansa sa Europe at Amerika na nag-aangkat ng rekadong ito. Ang mga gulay-butil tulad ng monggo, tapilan, at iba pa ay tahimik kaya hindi napansin ang pagsirit din ng mga presyo. Idagdag pa diyan ang pananamantala ng ibang Pilipinong mangangalakal na nagtataas ng mga presyo ng mga dati na nilang paninda, upang sumabay sa kaguluhan, at lalo na ang kalamyaan ng pamunuan ng bansa kaya hindi makontrol ang mga pangyayari.

 

Ang mga nananamantala para bang sinubukan lang ang pamahalaan kung makakalusot sila…nakalusot nga!… kaya, kaliwa’t kanan ang pagsirit ng mga presyo. May ginagawa din naman ang gobyerno – ang walang katapusang imbestigasyon. Baka isa ito sa ipamamana ng pangulo sa susunod na administrasyon. Wala man lang sinampulan upang maging halimbawa, kaya pati yong tauhan niya na dapat noon pa nag-resign o tinanggal dahil sa kapabayaan, kapit-tuko sa pwesto. Sabagay, maganda ang dahilan niya – siya pala ang may pinakamalaking sweldo!

 

Nang umupo bilang pangulo si Fidel Ramos, nagsimula ang walang puknat na pagbenta ng mga pag-aari ng bansa na pinalabas na “privatization” upang mapaayos daw ang pagpapatakbo ng mga ito dahil tadtad ng korapsyon. Yong iba, ibinenta dahil “non-performing” o natetengga lang, hindi kumikita. Isang panlilinlang na nakalusot. Mabuti na lang at naagapan ang pagbenta sana ng historical landmark ng bansa na Manila Hotel. Ang mga ospital na gustong ibenta ay bantay-sarado ng mga militante. Ipapaayos daw ang mga ito upang maging moderno kaya ibebenta ng gobyerno sa mga private corporations. Ang mga lupang kinatitirikan ng mga ospital, hanggang ngayon ay hindi pa nalilipat sa kanila. May malaking dahilan kaya?

 

Ibenenta ang Fort Bonifacio sa mga negosyanteng Indonesian, ang National Steel sa mga Chinese-Malaysians, Petron sa mga Saudi Arabians, pinuno ang Subic ng mga Taiwanese, ang mga iba’t ibang nakatiwangwang na mga lupa ng bayan, sa iba pang mga banyaga ibinenta at pinatayuan ng mga condo at malls. Ang mga condo, karamihan ay tinitirhan ng mga banyaga dahil hindi kaya ng mga Pilipino ang presyo. Ang mga malls ay pinuno ng mga produkto galing sa ibang bansa, lalo na China at Korea. Ang karamihan sa mga pwesto, pag-aari ng mga banyaga. Saan nakalugar ang mga Pilipino?…..kung hindi mga dispatsadora, janitor at security guards, ang iba nagtitinda sa mga bangketa!

 

Ang mga Pilipinong gustong sumabay sa “globalization”, nagbenta ng mga lupain nilang dati ay taniman ng palay, gulay, kape at mga punong-prutas upang ma-develop na subdivision. Ang developer ng malalawak na lupain…mga banyaga! Inasahan ang turismo at may nakitang kapirasong pagbabago subali’t karamihan pa rin ng mga pasilidad para sa industriyang ito ay pag-aari ng mga banyaga, ito ang mga mauunlad na resort sa mga popular na isla tulad ng Boracay.

 

Pinapalabas na korporasyong Pilipino ang nagpapatakbo sa mga na-privatize na pasilidad para sa tubig at kuryente, subali’t sa loob ng mga korporasyong ito ay may mga banyaga, kaya ganoon din ang kinalalabasan ng lahat, na ang pang-kontrol ng mga ito ay may impluwensiya nila at ito ang nakakapag-alala.

 

Ang mga likas na yaman tulad ng itim na buhangin na pinagkukuhanan ng mga elementong ginagamit sa makabagong gadget, hantarang hinahakot sa ibang bansa. Nakatanghod lang mga lokal na opisyal at mga ahensiyang nakatalaga para dito, duda tuloy ng iba, pati sila ay sangkot sa mga transaksyon – kumita!

 

Ang masaklap, kung nagtaasan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin, ang tanging naisip agad na gawin ng gobyerno ay umangkat sa ibang bansa. Umabot nga sa punto na pati ang galunggong at pusit ay galing sa Taiwan – frozen!

 

Ang prinsipyo ng globalization ay umiinog sa maayos at hindi sa kung sino ang nagpapatakbo ng negosyo. Kaya maraming banyagang negosyante sa ating bansa ngayon ay dahil sa ganitong prinsipyo. Ang paniwala ng mga taong may pakana na isali ang bansa sa globalization, mga banyaga lamang ang may kakayahang mamuhunan o magpatakbo ng negosyo – wala silang tiwala sa kababayan nila. Isa pa, pangangalakal na lang ba ang maaaring pagkitaan? Bakit pinabayaan ang agrikultura na dapat sana ay pinaunlad muna? Alam naman ng lahat na ang bansa ay kabilang sa grupo ng third world countries kaya wala talagang kakayahang makisabay sa mga nakakaangat na mga bansa pagdating sa kalakalan at teknolohiya.

 

Nagkaroon man ng trabaho ang ibang Pilipino dahil sa globalization, ito ay seasonal lamang at higit sa lahat, kontraktwal, kaya ganoon din ang nangyari, wala pa ring spending capacity ang mga Pilipino, dahil sapat lang o kulang pa ang kita nila. Sinasabi kasi ng mga ekonomista na kung maraming gumagastos, tuloy ang kalakalan, kaya aangat ang ekonomiya ng bansa. Hindi ito nangyari sa Pilipinas. Kaya siguro ang mga may pakana ng globalization ay halatang tahimik, dahil napahiya!

 

Kung malampasan man natin ang bangungot at magigising pa tayo na buhay, baka ang mabuglawan ng ating mga mata isang umaga ay mas matinding pangyayari, na ang nagpapatakbo ng Pilipinas ay hindi Pilipino. Yan ay haka-haka lang naman dala ng matinding panlulumo dahil sa mga nakakabaliw na pangyayari sa ating bansa!

Globalization…Dead-end for the Filipino Nationalism?

Globalization…dead-end for the

Filipino Nationalism?

By Apolinario Villalobos

 

The country had its first taste of “globalization” with the Open-Skies Policy that opened the so-called gates of the country’s aviation industry to the rest of players from all over the world. When before, negotiations were almost next to impossible due to red tapes, the policy changed all those in favor of the players to be able to enter the Philippine skies with a breeze. Small domestic airlines mushroomed with one emerging to be the stiffest rival of Philippine Airlines, touted to be the country’s flag carrier. Domestic and international fares plunged due to cutthroat competition.

 

The government was hopeful that tourist arrival would triple or even quadruple, yet, for the several years after the aviation industry was globalized, the country did not beat Thailand and Indonesia, even surprisingly, Malaysia in terms of inbound tourism. Room occupancy of hotels did not improve much as expected.

 

Government properties were privatized even Fort Bonifacio viewed by some government officials as a liability, for conversion into a modern business center in line with globalization, with the proceeds supposedly to be used in the modernization of the Armed Forces. But, according to observers, whatever procurements being made now for the said purpose are done with the use of borrowed funds. There was an attempt to auction off to investors from Malaysia, the Manila Hotel, one of the important historical landmarks of the country, but fortunately, checked just in time. There was a rush for other auctions – National Steel to Chinese and Malaysians, Petron to the Saudis, Subic to the Taiwanese.  Globalization, indeed!

 

Condominiums mushroomed but due to their prohibitive prices, only foreign traders are able to buy units. It seems that these structures were built in expectation of the influx of medium scale foreign business investors from Hongkong, South Korea and China. Malls are practically full of them manning their stores with the help of Filipino sales clerks. Even conglomerates that develop these socialized facilities are never without foreign incorporators.

 

The country has been tied to the provisions of the globalized commerce. All doors of the country have been opened wide. The vulnerability of the country has been exposed and this is what China, the most interested country saw – the weaknesses of the country hinged on the squabbles that caused the turmoil after the toppling of the Marcos dictatorship. Those who took over proved to be far from being satisfactory in regaining even just a bit of respectability for the country. The government continually reeked with corruption. Even the image of the so-called People Power that inspired other countries, is slowly melting!

 

Observers jokingly say that while during the time of Marcos, only one was corrupt, today, practically government people can always find an excuse to filch money not only from the government coffers but directly from their countrymen and foreign investors.  Opportunity for corruption has proliferated. Even janitors and messengers in some government agencies are found to own expensive cars and houses in exclusive subdivisions!

 

A sane Filipino will never understand how the government could insist that globalization has brought progress to the country because of the influx of investors. Common sense dictates that these foreign investors came for selfish motive – to“earn” revenue out of their short-term investments such as assembly factories and call centers that can be uprooted and transferred to safer countries anytime where labor is cheap in case of problems. And, their profits are deposited, where else, but in banks in their home countries. The poor Filipino employees are on contract – five months, very few lucky to be on renewable basis, hence, paid pittance wages, not even enough for a family of three or four. In other words, the globalization did nothing to check the ever ascending unemployment rate because, what the country experiences today is a short-term and seasonal employment trend. Simply said, what we have now is an “on and off” phenomenon of survival due to short term and seasonal employment. Simply translated, it is like saying, “we eat now, tomorrow we don’t…. we eat now, tomorrow we don’t…..”

 

What the country also needs to develop are the countryside – vast agricultural lands and its other natural resources. It is ironic that rice technicians from other Asian countries come to the Philippines to learn the rudiments of modern techniques in rice propagation at International Rice Research Institute (IRRI) in Laguna, after which they go back to their countries to put into practice what they have learned. At the end, their countries export rice to the Philippines!

 

Several times, the President mumbled praises on the Filipino labor force with global reliability. At home they are paid minimum wage, some even underpaid, and worst, on contract basis. In other countries, they are paid comparably high wages. But shall we stop there? What will happen if there will be a global slump in production due to inevitable reasons? These “modern heroes” will come home to become idle as there is no solid foundation for Philippine-based opportunities.

 

Globalization calls for efficiency as a very important tool to be competitive. Simply put, weaker and inefficient countries are at the mercy of stronger and efficient ones that became such due to their advanced high technological capabilities. We need not go far for this because by tradition, we have the so-called third world countries, a classification to which the Philippines belong. How can we then expect, to march towards progress if this is the case?