Mga Iba’t ibang Uri ng Kaibigan

(Mahalagang basahin upang mabisto kung anong uring kaibigan meron ka….mahaba nga lang.)

 

Mga Iba’t ibang Uri Ng Kaibigan

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagkauso ng “BFF” o “best friend forever” na turingan, hindi maiwasang bigyan ng matamang pansin ang ganitong relasyon. Napakaswerte ng mga magkakaibigan na habang buhay na raw nga, ang halos ay pagkit na pagkakadikit sa isa’t isa sa lahat ng panahon. May mga magkakabarkada na hanggang tumanda na ay regular pa ring nagre-reunion. Ang ganitong samahan ay hindi dapat maging dahilan ng pagselos ng mag-asawa, dahil iba ang uri ng samahan ng magkakaibigan sa uri ng samahan ng mag-asawa.

 

Ang magkakaibigan lalo na yong mga magkakabata ay halos magkadugtong na ang mga pusod kung sila ay magturingan. Nangyayari ito kadalasan sa mga anak ng magkukumare at magkukumpare. Kung minsan naman ay sa magkakapitbahay. Mas malalim wika nga ang samahan dahil kung baga sa puno ay matatag na ang pagkakaugat.

 

Ang samahan ng mag-asawa ay nagsisimula kadalasan sa panahong ang babae at lalaki ay pareho nang nasa tamang gulang, at nagsisimula sa pagkikita sa paaralan, lalo na sa kolehiyo,  o di kaya ay sa trabaho. Sa bihirang pagkakataon kung minsan naman, nauuwi sa pag-aasawahan ang nagsimula sa puppy love na na-develop nang high school pa lang.

 

Sa barkadahan, wala halos itinatago sa isa’t isa ang magkakaibigan, hindi tulad ng mag-asawa na may mga nirereserba pang sekreto sa isa’t isa, lalo na yong biglang nagsama makaraan lamang ng ilang araw, linggo o buwang ligawan. Paano nga namang magtitiwala sa isa’t isa ang nagkadebelupan lang dahil sa eyeball to eyeball na nagsimula sa facebook?…na nauwi lang minsan sa isang short time sa mumurahin at masurot na motel…. naging mag-asawa na?

 

Sa magbabarkada, walang sinumpaang obligasyon ang isa’t isa, kaya walang sumbatang nangyayari. Hindi tulad sa mag-asawa na parehong pumirma sa kontrata upang magsama sa hirap at ginhawa, at ang kontratang ito ay tumitiim pagdating ng panahon na may mga anak na sila. At ang matindi pa, ang hindi tutupad sa kontrata ay makakasuhan, lalo na kung umabot sa puntong nagkasawaan at naghanap ng mga bagong kandungan ang bawa’t isa.

 

Sa magbabakarda, kung may tampo ang isa sa isa pang kabarkada, pwede siyang tumakbo sa iba pang kabarkada upang maglabas ng hinaing. May mga payong ibibigay – take them or leave them pa, may choice. Sa mag-asawa namang nagkatampuhan lalo na ang may matataas na pride, kung minsan, ang tampuhang nagresulta sa simpleng kalmutan at sampalan ay umaabante sa batuhan ng plato, baso, ispinan ng kutsilyo, at lasunan!

 

Ang tunay na pagkakaibigan ay tapat at walang kundisyon na sinusunod. Wala mang kundisyon ay mayroong nangyayaring “pakiramdaman”  batay sa prinsipyo ng kamutan ng likod, sa Ingles, “scratch my back and I’ll scratch yours. Yan ang pinakamagandang uri ng pagkakaibigan – bukal sa kalooban at nagbibigayan.

 

Sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagkaibigan sa iba na sa tingin nila ay may pakinabang. Ito yong mga social climber na nakikipagkaibigan sa mga mayayaman o di kaya ay maimpluwensiyang tao upang mahatak din sila paitaas tungo sa mundong ginagalawan ng taong kinaibigan. Nangyayari din ito sa mundo ng pulitika kung saan, ang mga baguhang pulitiko ay pilit na dumidikit sa mga may pangalan na upang maamutan sila ng katanyagan nang sa ganoon ay umusad ang kanilang karera sa pulitika. Pagdating ng panahong tanyag na rin sila, ang mga dating dinikitan nila ay balewala na, lalo na kung nasira ang pangalan dahil sa mga kaso ng katiwalian.  Kapag tinanong ng reporter, sasabihin ng dating social climber at ambisyosong politician na ang nakakasuhan ay “minsan” na niyang nakausap, yong lang.

 

Ang nangyayari sa mundo ng pulitika ay nangyayari din sa mundo ng show business. May nakausap akong direktor sa pelikula na umaming dumikit siya kay Lino Brocka upang mawisikan man lang ng grasya ng katanyagan. Nagtagumpay siya. Dumating din ang panahon na siya naman ang dinikitan, subalit sa pagkakataong iyon, ang tinulungan niya upang magtagumpay ay hindi na kumilala sa kanya nang dumalang na ang mga offer upang magdirek ng pelikula. Yong walang utang na loob naman ay nakarma dahil nagkaroon ng kanser at naubos sa pagpapagamot ang perang naipon sa pagdidirek. Sana ang nangyari sa walang utang na loob na nagkaroon ng kanser ay mangyari rin sa mga pulitiko, para yong mga nagkakainan ng dumi ay pare-pareho nang mamatay sa kanser. Magiging sikat ang Pilipinas dahil lahat ng mga namatay na pulitiko ay kanser ang dahilan – only in the Philippines!…at maitatala pa sa Guinness Book of World Records!

 

May mga kaibigan din na doble-kara. Ito yong mga taong ayaw nilang mahigitan sila ng mga kaibigan sa lahat ng bagay. Sila yong mga nagdadaos ng party na ang pakay pala ay ipakitang mas nakakahigit sila sa karangyaan kung ihambing sa ibang kaibigan nila. Kadalasan nahuhuli ang mga taong ito sa mga salita nila mismo, tulad ng pabirong “o…meron kayo nito?” Hindi nawawala ang ganitong klaseng kaibigan sa isang grupo na kadalasan ay nauuto upang gumastos dahil sinasakyan na lang siya ng iba, lalo na sa isyu ng yaman. Siya nga naman ang may pera, kaya, sige pagastusin na lang kung gusto niyang magyabang…yan ang kadalasang sinasabi ng mga pinakikitaan ng kayabangan.

 

May mga kaibigang traidor. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang samahan ni Hesus at ni Hudas na disipulo niya. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa ilang pirasong pilak. Sa Pilipinas, itinanggi si Janet Lim Napoles ng mga taong itinuring niyang kaibigan at inambunan ng mga ninakaw niyang pera mula sa kaban ng bayan. Ito yong mga taong ka-kodakan niya (Napoles) sa mga party niya sa mausoleo ng kanyang ama sa Pasig, may pa-toast toast pa ng alak ang mga hiyu….ta. Bandang huli pare-pareho silang “pinag-iingatan to death” ng mga guwardiya, dahil nakakulong na…friends together….anywhere…talaga lang!

 

 

 

 

Friends

Happy Friendship Day!

 

FRIENDS

By Apolinario Villalobos

 

Friends are people and as such have different characters, as no two persons are alike, not even twins. And, because of the varying characters of friends, they can be classified into several kinds:

  • Friends who use their “friends” for selfish motives.
  • Friends who boost their ego at the expense of their “friends”.
  • Friends who are actually “enemies” in disguise.

 

There are no permanent friends, as in a group, any “friend” can sow distrust resulting to a break-up. There may be reconciliation, but whatever fracture that resulted could not be totally healed. In Tagalog it means, “may lamat na ang samahan”.

 

As a simple precaution, in any “friendly” relationship, there should be restraint in revealing the total self. Only the arrogant will reveal to a “friend” about his fat bank account in order to give an impression of his being a superior financial-wise. Only the arrogant will reveal to a “trusted” colleague about his sexual escapades to prove his machismo. And, only the arrogant will reveal to a business associate the total expanse of his clout or connections to prove that he is powerful.

 

Making friends is a risky endeavor as one might accidentally connect with any of the three kinds mentioned above. In making friends, make sure that resulting detrimental situations can be handled. However, if you are any of the three mentioned above, PLEASE….change your ways, because, although, your would-be victims may not be aware of your intention, there is SOMEBODY who knows everything…HE IS UP THERE, LOOKING DOWN AT US!

Isang Pagbusisi sa Mundo ng Facebook

Isang Pagbusisi sa Mundo ng Facebook

Ni Apolinario Villalobos

Ngayon, ang facebook na yata ang pinakatanyag na bahagi ng internet dahil marami na ang nakapagpatunay na talagang malaking tulong ito sa buhay ng tao. Malamang na ang orihinal nitong gamit ay para lamang sa mga retrato, kaya dapat ay naka-frame ang mga ipo-post sa facebook, upang magmukha itong “photo album” , kaya nga “facebook” o “aklat ng mukha”. Dahil dito ay nagdalawang- isip ako noon sa paglagay ng mga ginawa kong sanaysay at tula. At, kung kailangan ko talagang maglagay, dapat ay i-frame ko rin sila. Sa payak kong kaisipan, pwede nga siguro, pero kailangan kong tadtarin at ilagay sa kung ilang frame dahil kung ang isang sanaysay ay mahaba, iisang buong page na ng facebook ang siguradong masasakop nito….at sigurado ding isusumpa ako ng nangangasiwa dahil sa pang-aabuso!

Maaaring magkaroon ng ilang “katauhan” gamit ang ilan ding facebook dahil hindi naman alam ng nangangasiwa kung sino talaga ang may-ari ng mga ito. Dahil sa nabanggit, dapat lang na bago mag-confirm ng “friend request” ay kailangang tsekin ang mga detalye sa facebook ng nagpadala. Ang siste lang, marami ang gumagawa ng facebook na ang tanging laman ay pangalan at hindi pa sigurado kung totoo. Lalo na ngayong panahon ng batikusan sa larangan ng pulitika na nagbigay- buhay sa maraming grupo na ang layunin ay mambatikos ng mga pulitiko. Kung papansinin, ang facebook ng ibang nambabatikos ay walang lamang detalye kundi nakakadudang pangalan. Okey lang sana kung makabuluhan ang mga pagbatikos, subali’t ang iba ay halata namang hindi pinag-isipan, kaya ang labas ng mga gumawa ay ang tinatawag sa social media na “bashers”. Sila ang mga mahilig lang mangantiyaw at makisakay sa mga isyu.

Ang problema sa kaso ng “bashing” ay mahirap i-trace kung sino ang mga kaibigan ng “bashers” at kung kaninong facebook sila nakakabit kaya nagawa nilang pumasok sa “loop” o samahan ng mga dapat sana ay magkakakilala. Problema din dito kung naka-“public” ang isang facebook kaya napapasok ng kahit sino.

Mayroon ring nanlilito ng mga viewers. Ito yong parang may iniiwasan. Ang payo ko lang, kapag dating kaibigan ang gumagawa nito at obvious na talagang namimili lang siya ng makakadaupang-palad sa facebook, huwang nang magpumilit na mag-reach out sa kanya. Pagbigyan siya sa kanyang kagustuhan dahil baka nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa piling ng mga dating ka-fb, kaya dinelet niya ang dati at nagbukas ng bago, at pati katauhan niya para sa mundo ng internet ay binago na rin.

Hindi rin pala tinatanggal ng nangangasiwa ng facebook ang mga namamayapa na, kaya tuloy pa rin ang pagsulpot ng mga pangalan nila sa listahan ng mga suggested friends. Nagkakaroon tuloy ng tampo ang ibang palaging nagpapadala ng friend request na hindi naman daw inaaksiyunan, hanggang sa may magsabing patay na pala ang taong gusto nilang maka-friend!…nagsisi tuloy sila dahil sa pagtampo sa taong matagal na palang patay! …kaya nagkaroon pa ng obligasyon na taimtim na pagdasal upang humingi ng sorry sa namayapa!

Marami ring kuwentong “pagkikita” sa facebook pagkalipas ng kung ilang taon. May mga kabataan namang sa facebook naging magkaibigan, hanggang sa magligawan, na kung minsan ay nauuwi sa lokohan kaya may mga kaso ng panggagahasa. Mayroon ding kaso ng lokohan sa pera na idinaan sa pakikipagkaibigan sa facebook. Pero may mga sinusuwerte ding nakakita ng matinong asawa sa facebook.

Upang makaiwas sa kapahamakan, dapat na lang isaalang-alang ang lubusang pag-ingat sa paggamit ng facebook. At, huwag din abusuhin ang magandang layunin nito para lang makapangantiyaw ng kapwa upang hindi magantihan. Palaging alalahanin na hindi man tayo nakikita ng ating kapwa sa ating ginagawa, hindi bulag ang nasa itaas na 24/7 nakabantay sa atin…

Accepting a Loss and Moving On

Accepting a Loss and Moving On

By Apolinario Villalobos

 

Man by nature has the habit of keeping valuables, be they materials or loved ones.

They become investments in life that need to be taken care of and well-guarded. Earned money could provide support in times of distress and comfort upon retirement. It is for this reason that some work so hard “while the iron is hot”, as a popular adage says. For the wise, every opportunity is seized.

 

On the other hand, some people oftentimes become over- possessive of their friends whom they have gathered to become part of their lives, more so with their families whom they have painstakingly raised through difficulties. Friendship is not easy to develop because it involves patience in dealing with different characters. As with the family, one starts by living under one roof with a partner by virtue of marriage or simple verbal arrangement. Broods are brought forth and the parents are not even sure if all of them will grow up to be good, therefore, effort to develop them well is exerted giving rise to close bonding among the members.  

 

So many expectations are the offshoot of all the exerted efforts in these investments in life so that unconsciously, a strong attachment to them has become deeply rooted. It becomes not easy to part with any of them. There is always that feeling of great loss. For how can one for instance, be not upset losing in a fire or flood, a house that took many years of saving to be acquired? Or how can one not be upset by the loss of a husband in a plane crash?

 

At first, there is a strong resistance to the acceptance of truth. But there is a need to understand that everything in this world is not permanent. Only by understanding this fact that one can let go of the valuable, though, how painful it may be.  It may take some time before the pain of loss will go away. The affected should not be overpowered by selfishness in his effort to accept the loss. Failure to go through this stage would mean sacrificing many things – erosion of his good relationship with others due to unconscious development of hate in him and failure on his part to give attention to his other loved ones. Most importantly, the failure to accept will hold him back from moving on.   

 

 

 

 

Writing is an Expression of Oneself

Writing is an Expression of Oneself

By Apolinario Villalobos

 

Friends who  thought  that  I am adept in writing has the wrong perception.  It is just that I can “play” with words.  I told them to take note of the words that I use which are simple and common.  It is my determination to express myself through writing that I developed my own “style”.  It is not found in any reference book for literary writing. Grammatically, I know that it is wrong to start a sentence with  “and”, “or”, “if”, “then”.  I also use three dots (…), hyphen or dash  to serve as a “dramatic bridge” in a sentence. For poems I deliberately do not put comma or semi-colon  after each line to give the reader liberty in choosing in which line he wants to put emphasis. I only use either of the two marks after several lines to indicate an end of a certain thought.

My poems are “narrative” far different from what is prevailing now.  Some of my poems have rhymes, literally, but the rhyme in some is very subtle, depending on the reader. They also do not have meter or cadence because, I write the lines spontaneously, just letting go of what are in my mind. If I have to be conscious about those “limitations” I will not be able to come up with an honest expression because some words just do not fit what I have in my mind.  A poem writer deserves respect. One may not like the style of a writer  but he should be respected for his effort.  For some people whose expression of overwhelming joy is jumping,  others  shout at the top of their voice,others  cry, but  the rest just  faint.

Except for a serious essay, I write in the “first person” way, so I use the “I”, but  there are some portions of the material which necessitates the use of  “you”, “some”, or “one”.  My “conversational” style is apparent in my essays. That is how I develop my materials – it is if I am talking with someone, so from using the “I”, I would deviate to the use of “you”. It is just like saying, “ I have done it and it gave me good results, so why don’t you try it?”. In that instance,  to be more personal, I did not cut the statement after the word “results”, but instead, included the imaginary guy in the situation by asking him to “try it”.  I do not want to be distant from my readers, I want them to be part of my effort in expressing myself.

When I was in first high school, my English teacher persistently called my attention about my style, especially, on the way I began some sentences. The defiant in me told me just to go ahead, so I persistently got low ratings for my themes.  Later on, I found out that she transferred to the Notre Dame of Caloocan.  She learned from one of my classmates that I was with Philippine Airlines and  that part of my job was to edit a few-paged “magazine”, TOPIC, that promoted touristic destinations and activities in the Philippines. She also came across my contributed essays and poems in dailies and magazines.  After successfully getting in touch with me, she  asked if I would have  time to be one of the judges during a forthcoming literary writing contest in Caloocan City, to which I gladly said yes.  A few years later, she went to the USA where she got a job as a librarian until she retired. I appreciated her respect and recognition of my style though late in coming.

So, for my friends who are afraid to write because others may not appreciate their style, I would say, just go ahead, you are just being honest with yourself, and most specially, you are just being what you are, not a copycat who plagiarize!