Nang Dahil sa Sobrang Privacy at Kayabangan…(mga kuwentong kapupulutan ng leksiyon)

Nang Dahil sa Sobrang Privacy at Kayabangan…

(mga kuwentong kapupulutan ng leksiyon)

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahalaga sa buhay ng tao ang pakikipagkapwa at ang pagiging simple lang sa buhay. Pwedeng ipagmalaki ang mga biyayang natamo dahil pinaghirapan pero hindi dapat ipagyabang. Ang pagmamalaki ay hindi masyadong mabigat ang dating hindi tulad ng pagyayabang kahit halos pareho lang ang ibig sabihin ng dalawang kataga.

 

Nagpapakita ng sobrang privacy ang iba kung ayaw nilang lapitan sila ng mga nagso-solicit, o ng mga namumulot ng basurang makikiinom na kumakatok sa gate, o di kaya ay mismong mga kapitbahay na feeling nila ay “poor” at hihingi lang ng walang katapusang tulong . Halos hindi din sila nakikita sa labas ng bahay, dahil wala silang pakialam sa mga kapitbahay, na okey sana kahit papaano, subalit kung haluan ng pagmamataas dahil sila ay nakakaangat sa buhay daw…iba na ang usapan. Ang isang paraan sa pagpapahiwatig na ayaw nilang maistorbo dahil hindi naman daw sila nakikialam sa iba, ay ang pagpapalakas nila ng tugtog. Kung magpa-party naman, ang mga imbitado ay mga taga-ibang lugar, puro may kotse kaya ang kahabaan ng kalye sa tapat nila ay umaapaw sa mga ito. Alam ko ito dahil kuwento ito ng isa kong kaibigan na ganito ang ugali, na nagkaroon ng mga kaibigang nakilala lang niya sa mga party kaya hindi niya gaanong alam ang mga pagkatao.

 

Ang kaibigan kong ito ay kumakagat sa mga business proposal na inaalok  sa kanya ng mga taong tingin niya ay mayaman naman. Hindi pumasok sa isip niyang siya ay ginagamit lang. At upang ipakita na kahanay siya ng mga ito sa “mataas na lipunan”, kahit walang alam sa golf ay bumili ng mga gamit upang makasabit sa paggo-golf ng mga ito. Puro naman siya sablay sa palo, kaya kadalasan ay nakaka-tatlong kape siya habang nanonood na lang. Paanong hindi sasablay ay mataas lang siya ng one foot sa mga golf clubs! Siya din ang nagkukuwento ng mga “adventure” daw niya pati ang pagsasama niya sa mga casino, sabay tawa.  Pagkatapos ng golf ay naghahatid pa siya sa dalawang kaibigang tamad magmaneho ng kotse nila, pero ang gamit naman ay kotse niya.  Hinihiraman din siya ng mga gamit na kailangan daw sa opisina. Upang ipakitang kaya niyang gumastos, bumibili pa siya ng ibang mga kailangang gamit.

 

Sa kasamaang palad, bago niya namalayan ay nalusaw na pala ang kanyang mga investment, laspag ang kotse at ang mga gamit na pinahiram para sa opisina ay hindi na naibalik. Naka-apat siya ng “business ventures” na inalok ng mga ka-golf niya, na puro nauwi sa wala. Nang mag-usap kami minsan nalaman ko na ang gusto lang sana niyang mangyari ay “makita” ng ibang tao na siya ay isang “businessman” tulad ng dalawa niyang kapitbahay na may mga puwesto sa mall…kaya ang inipong pera para sa retirement nilang mag-asawa ay halos nasaid. Ngayon ang bahay nila ay nakasangla, may sakit pa silang mag-asawa sa puso dahil sa nervous breakdown. Ang mga dating ka-sosyo at ka-golf ay halos hindi na pumapansin sa kanya. Pinaliwanagan naman daw siya, pero ang sabi ay, “…ganoon talaga sa negosyo, minsan ay sinusuwerte pero kadalasan ay bumabagsak”.  Ang kaibigan ko ay dating manager ng isang multi-national company sa Saudi….na ang kuwento ng buhay ay “from rags to riches”….na kadalasan namang nagreresulta sa pagiging social climber.

 

Yon namang isa kong kilala ay mahilig magpakita ng mga biyaya, ibig sabihin ay mayabang. Setyembre pa lang ay nagtodo na sa paglagay ng mga Christmas lights sa loob at labas ng bahay na dati na niyang ginagawa.  Kahit masikip na ang bahay, ay may Christmas tree pa rin na umabot ang taas sa kisame. Nang pumunta ako sa kanila sa Pasay isang gabi ng Oktubre, nakita kong halos naglalagablab na ang bahay nila sa dami ng Christmas bulbs. Nagpayo uli ako na baka masunog sila. Ang sagot sa akin ay hayaan na lang dahil mura lang naman daw ang pagkabili ng mga Christmas bulbs at mabuti nga dahil napapansin agad ang bahay nila.

 

Makalipas ang dalawang linggo, nang pasyalan ko uli, nagulat ako dahil mahigit kalahati ng bahay nila ay naging uling. Ang kaibigan ko naman at pamilya niya ay nakikitira na lang ngayon sa isang pinsan na binabayaran niya ng tatlong libong piso isang buwan para sa isang entresuwelo o extension ng bahay – sa isang slum area malapit sa kanila.

 

Yong isa pang kuwento ng kayabangan at sobrang privacy ay tungkol naman sa isang pamilya na feeling mayaman na, kahit hindi pa naman. Malakas magpatugtog kaya hanggang sa ikaapat na bahay mula sa kanila ay abot ang ingay na animo ay galing sa isang videoke unit. Gusto yatang ipabatid na palaging may party sa kanila. Hindi rin sila nakikisama sa mga kapitbahay.

 

Isang araw ay pinasok sila ng mga magnanakaw. Ang nakita ng isang kapitabahay ay nakaparadang mamahaling kotse at van sa labas nila at naririnig pa rin ang malakas na tugtog. Sunod na nakita naman ay tatlong lalaki na disente ang mga ayos at mukha na lumabas ng bahay at may mga bitbit na gamit.  Hindi sila pinansin ng mga kapitbahay, kahit nakailang beses sila ng hakot ng iba’t ibang gamit sa van. Bandang huli, nakita silang lumabas ng pinto na halos pasigaw pang “nagpaalam” sa kung sino man sa loob ng bahay.

 

Nalaman na lang mga kapitbahay na may nangyari palang nakawan nang dumating ang nanay ng kasambahay ng may–ari ng tinutukoy kong bahay. Pabalik-balik na pala ito at inabot na ng hapon sa katatawag sa gate pero hindi pinagbubuksan. Dahil nag-alalang baka ikinulong ng mga amo ang anak niya, tulad ng mga kuwentong napapanood sa TV, humingi ito ng tulong sa Barangay. Ang ginawa ng isang Barangay tanod ay umakyat sa pader na lampas-tao at sumilip sa bintana, pero nagulat siya dahil hindi nakakandado ang pinto nang subukan niya itong buksan. Nang pumasok siya, naghinala siya na pinagnakawan ang bahay dahil halata ang mga pinagtanggalan ng mga appliances, may mga kawad pa kasing naiwan. Ang mga miyembro naman ng pamilya na nakagapos at may mga tape sa bibig ay pinagsisiksikan na parang sardinas sa banyo. Ang anak na dalagita ay nakita sa isang kwarto at nalamang na-rape pala! Ang hinala ng mga taga-barangay ay pinalitan ng mga magnanakaw ang kandado ng gate upang hindi mabuksan ng sasaklolo kaya nai-lock nila ito nang sila ay umalis.

 

Ang hirap lang sa iba nating kapwa nilalang ng Diyos, nang magkaroon ng pera ay “feeling secured” na kaya para sa kanila ay hindi na nila kailangan ang tulong ng ibang tao. Ang dasal ko….sana ay magbago sila ngayong pasko….Amen?

The Need to Re-examine the historical books about the People whom Spanish Colonizers called “Filipinos”

The Need to Re-examine the Historical Books

About the People whom Spanish Colonizers called “Filipinos”

By Apolinario Villalobos

It is surprising to know that well-known writers were vocal about the supposedly Malaysian ancestry of the Filipinos, a reference which yet, was imposed by the Spanish colonizers. These early writers obviously based their claim on the “Ten Bornean Datus” and the “Code of Kalantiaw”, the veracity of which, have been questioned, since researchers today consider them as “legends”. Pre-Spanish history books made mention about the natives of the islands of Southeast Asian islands, and with whom the early traders such as Indians, Arabs and Chinese had a prosperous commercial intercourse, and in the process intermarried with them. It could be possible that because of trading ventures, those from the Malay Peninsula who have ventured into the Philippine archipelago could have also intermarried with the natives just like the three mentioned groups of traders, but who were never referred to as the ancestors of Filipinos in general . It is unfair then to make a sweeping reference to the Malaysians as the common ancestors of the Filipinos.

The following are some disturbing quotes:

From the poem,”I am a Filipino Boy”, by Amado M. Yuzon, in his book, “The Citizen’s Poems” (1960), the first two line state:

“I am a Filipino boy,

Runs in my veins, Malayan blood;”

From the poem, “Filipinas”, of the same author, from the same book, the second paragraph states:

“I see its face upon your face,

My friend, my sister, my brother;

Your browny skin is its Malayan race,

The Blessed Damosel(?) its mother.

From the book, “Philippine Civics” (1932), used in elementary schools during the American Regime, and authored by Conrado Benitez, p. 16 of Chapter I, the last paragraph states:

“At this point you should recall your Philippine History. How did the first Malay settlers of the Philippines reach these islands? Did they not come in boats called barangays? Yes, these boats or barangays, were loaded with families of Malay immigrants which were related to one another and which constituted a gens(?), or clan, that was under a headman, or chief, or dato. (He must be referring to the legendary “Ten Bornean Datus”).

On page  220, Benitez, emphasized the “Malays” by stating:

“The activities of these early Malays were characterized by cooperation……” (referring to the early Filipinos).

Another emphasis which the same author made was on the title itself of Chapter XIV:

“CHAPTER XIV – How Spain Built Upon our Old Malay Government”

Still, on page 270, Benitez, stated, under a sub-chapter, Bill Of Rights: “Under our old Malayan government, the people had few personal rights.”

Practically, the book of Benitez is replete with reference to the Malaysian ancestry of Filipinos, quoting them all would need several blog pages.  At the time of the book’s publication, he was the Director of Business Administration of the University of the Philippines. His family established the Philippine Women’s University (PWU), located along Taft Avenue. While he was still alive, clamors to re-write history books of the Philippines were loud in view of the questionable ancestry of the Filipinos, based on the controversial “Ten Bornean Datus” and “Code of Kalantiaw”, but he did nothing to republish his own book with necessary rectifications. Researchers who may encounter a copy of the book then, but who has no knowledge on the questionable issue of the Filipino ancestry, will definitely, gobble up the information that Benitez presented.

While the issue on Filipino ancestry has not been settled yet, the Philippine government has added confusion by allowing “authorities” in converting the textbooks into workbooks on other subjects, leaving many students ignorant of what really happened in the past, such as the effort of many national heroes who practically shed blood to gain freedom for the country.

On the issue of Mindanao autonomy, there is no need to cite questionable historic references to give it weight, as we, the people of the Philippines are proud anyway, or our unique Filipino race. There is diversity in religion and culture, just like in any other country, but what cannot be questioned is the harmony that unites us all. And, just like in any other country, the world over, the meddling of politics creates animosities in our country, resulting to the suffering of the Filipinos as a people.

Isang Pagbusisi sa Mundo ng Facebook

Isang Pagbusisi sa Mundo ng Facebook

Ni Apolinario Villalobos

Ngayon, ang facebook na yata ang pinakatanyag na bahagi ng internet dahil marami na ang nakapagpatunay na talagang malaking tulong ito sa buhay ng tao. Malamang na ang orihinal nitong gamit ay para lamang sa mga retrato, kaya dapat ay naka-frame ang mga ipo-post sa facebook, upang magmukha itong “photo album” , kaya nga “facebook” o “aklat ng mukha”. Dahil dito ay nagdalawang- isip ako noon sa paglagay ng mga ginawa kong sanaysay at tula. At, kung kailangan ko talagang maglagay, dapat ay i-frame ko rin sila. Sa payak kong kaisipan, pwede nga siguro, pero kailangan kong tadtarin at ilagay sa kung ilang frame dahil kung ang isang sanaysay ay mahaba, iisang buong page na ng facebook ang siguradong masasakop nito….at sigurado ding isusumpa ako ng nangangasiwa dahil sa pang-aabuso!

Maaaring magkaroon ng ilang “katauhan” gamit ang ilan ding facebook dahil hindi naman alam ng nangangasiwa kung sino talaga ang may-ari ng mga ito. Dahil sa nabanggit, dapat lang na bago mag-confirm ng “friend request” ay kailangang tsekin ang mga detalye sa facebook ng nagpadala. Ang siste lang, marami ang gumagawa ng facebook na ang tanging laman ay pangalan at hindi pa sigurado kung totoo. Lalo na ngayong panahon ng batikusan sa larangan ng pulitika na nagbigay- buhay sa maraming grupo na ang layunin ay mambatikos ng mga pulitiko. Kung papansinin, ang facebook ng ibang nambabatikos ay walang lamang detalye kundi nakakadudang pangalan. Okey lang sana kung makabuluhan ang mga pagbatikos, subali’t ang iba ay halata namang hindi pinag-isipan, kaya ang labas ng mga gumawa ay ang tinatawag sa social media na “bashers”. Sila ang mga mahilig lang mangantiyaw at makisakay sa mga isyu.

Ang problema sa kaso ng “bashing” ay mahirap i-trace kung sino ang mga kaibigan ng “bashers” at kung kaninong facebook sila nakakabit kaya nagawa nilang pumasok sa “loop” o samahan ng mga dapat sana ay magkakakilala. Problema din dito kung naka-“public” ang isang facebook kaya napapasok ng kahit sino.

Mayroon ring nanlilito ng mga viewers. Ito yong parang may iniiwasan. Ang payo ko lang, kapag dating kaibigan ang gumagawa nito at obvious na talagang namimili lang siya ng makakadaupang-palad sa facebook, huwang nang magpumilit na mag-reach out sa kanya. Pagbigyan siya sa kanyang kagustuhan dahil baka nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa piling ng mga dating ka-fb, kaya dinelet niya ang dati at nagbukas ng bago, at pati katauhan niya para sa mundo ng internet ay binago na rin.

Hindi rin pala tinatanggal ng nangangasiwa ng facebook ang mga namamayapa na, kaya tuloy pa rin ang pagsulpot ng mga pangalan nila sa listahan ng mga suggested friends. Nagkakaroon tuloy ng tampo ang ibang palaging nagpapadala ng friend request na hindi naman daw inaaksiyunan, hanggang sa may magsabing patay na pala ang taong gusto nilang maka-friend!…nagsisi tuloy sila dahil sa pagtampo sa taong matagal na palang patay! …kaya nagkaroon pa ng obligasyon na taimtim na pagdasal upang humingi ng sorry sa namayapa!

Marami ring kuwentong “pagkikita” sa facebook pagkalipas ng kung ilang taon. May mga kabataan namang sa facebook naging magkaibigan, hanggang sa magligawan, na kung minsan ay nauuwi sa lokohan kaya may mga kaso ng panggagahasa. Mayroon ding kaso ng lokohan sa pera na idinaan sa pakikipagkaibigan sa facebook. Pero may mga sinusuwerte ding nakakita ng matinong asawa sa facebook.

Upang makaiwas sa kapahamakan, dapat na lang isaalang-alang ang lubusang pag-ingat sa paggamit ng facebook. At, huwag din abusuhin ang magandang layunin nito para lang makapangantiyaw ng kapwa upang hindi magantihan. Palaging alalahanin na hindi man tayo nakikita ng ating kapwa sa ating ginagawa, hindi bulag ang nasa itaas na 24/7 nakabantay sa atin…

Religion and Fraudulence

Religion and Fraudulence
By Apolinario Villalobos

Religion is about the belief in a divine or superhuman power. It is about worship of whoever is believed to be powerful than man. The so-called ministers are supposed to represent such powerful being, on earth. For thousands of years since the first religion was practiced, many branches have been established.

During the Middle Ages, however, the spirituality of its essence has been overcome by selfishness, resulting to bloody skirmishes among groups, and prominently featured during this era was the struggle between the Christian Crusaders and the Islamic advocates. In time, the two major religions suffered from schism resulting to the formation of different sects. Also, the prevailing environment over which doubts hovered led to the founding of other religions by those who claimed to be “enlightened” ones and prophets.

Some religions employ elaborate paganistic ceremonies in their worship, others with songs and dances that induce worshippers to fall into trance, still others, use magic to enthrall worshippers who expect miracles. Some groups make do with heartfelt readings from their Holy Scriptures, that some chant for soulful effect, while others use eloquent and dramatic discourses that drive their listeners to tears.

There is nothing wrong with religion. It is an important spiritual instrument for unity, although, originally intended as a form of worship to pay homage to the Creator or Protector. What spoiled the essence of religion is the fraudulence that man developed to satisfy his selfish motive. It cannot be denied that there are fraudulent priests and ministers who abused their authority.

Some ministers even go to the extent of fooling followers to believe in financial gains if they will just be faithful in paying their tithes on schedule. There is a story about a minister who, in the middle of his oratorics, would tell his mesmerized followers to invert their umbrellas to catch blessings from heaven! There’s another story about the same minister who told his followers to open their windows and doors as soon as they have come home to welcome blessings which they did. Unfortunately for some, however, burglars broke in, instead!

To date, churches are undergoing cleansing by getting rid of unscrupulous ministers and priests. This is some kind of a relief because the world today is beset with political unrests and the people regardless of race are suffering from intermittent onslaught of natural disasters, as well as, prosecution by fellowmen. Expectedly, these disheartened people have nothing else left to cling to as their hope but the One who made everything, because it is only to Him that mankind belongs. Every desperate man who has gone astray, is practically retracing his step back to where he worshipped once. It is a fulfillment of an adage that says, “there is no other hope…but Him”.