FOODS FOR RAMADAN 2019….by Apolinario Villalobos

The foods for Ramadan 2019 being sold at the public market of Buluan, a town of Maguindanao Province of the Philippines….

Foods are for the Stomach, as Writings are for the Mind

Foods are for the Stomach

As writings are for the Mind

By Apolinario Villalobos

 

The foods can look appetizing by how they are presented, so are the writings that can be made attractive for reading by their title and first few lines. The writings are the poems and essays, and foods are appetizers, main dishes and desserts. While the print media, and today, the internet are the venue to showcase writings, outlets such as dining places and parties, are for the food.

 

Every country has its own specialties and distinct recipes or styles in cooking. So are the different nationalities that have their respective and distinct kind of literature, based on their culture. Honesty in presentation, though how seem simple they may be discerned, are on what the foods and writings are judged.

 

The intriguing simple dishes of a far away Asian country can elicit curiosity and admiration due to their exotic taste, just like the equally intriguing broken-lined poetry of young poets today.

 

Respect is what foods and writings should be given. They should not be altered based on the whims of others. Those who cannot take the taste of certain foods and intriguing literary style should prepare their own dish or come up with their own poems or essays.

 

Invented gadgets, contraptions, and machines can be altered and improved based on their progressing necessity. But dishes should remain as originally concocted and can just be made as basis for new ones by food enthusiasts. In the same manner that the different styles in writing poems and essays should remain as they are written by the author and those who have been inspired should come up with their own style of presenting the idea.

 

Based on the above, nobody should be timid in coming up with their own cookery, essay or poem. What they come up with, unconsciously reflect their personality, such that, simple people may come up with simple dishes and simply written poems, as well as, short essays. Those with complex character, on the other hand, may come up with equally complicated dishes due to various ingredients, as well as, poems and essays with difficult to discern messages.

 

What I mean here is: everybody can cook and write which are just two of the many expressions of life…our various reasons for living. Most importantly, while the styles in preparing foods and presenting ideas vary, their respective essence remains the same.

Mga “Reject” na Pagkaing Napapakinabangan

Mga “Reject” na Pagkaing

Napapakinabangan

Ni Apolinario Villalobos

 

Noong namili ako sa isang palengke, dumaan ako sa bahagi kung saan ay may mga nagtitinda ng mga tuyo at sa isang puwesto ay may nakita akong bilao na nasa tabi lang na ang laman ay mga durog na dilis, halatang itatapon na. Tinanong ko ang tindera kung ibinebenta pa ba ang nasa bilao, ang sabi hindi na, ibibigay na lang daw sa nag-aalaga ng itik. Sinubukan kong hingin at ibinigay naman dahil gagamitin na daw niya ang bilao. Pagdating sa bahay, sinala ko upang maihiwalay ang mga ulo sa mga durog. Ang mga ulo ay ginisa ko sa konting olive oil at tostadong granulated na bawang, nang maluto, pinalamig, inilagay sa garapon at dinagdagan ko pa ng olive oil upang pumantay sa dami. Masarap itong pang-flavor ng stir-fried na gulay or adobong kangkong. Ang mga durog naman, ginisa ko rin sa katamtamang dami ng olive oil at nang maluto, dinagdagan ko pa ng olive oil upang maging “anchovy paste”. Hinahaluan ko ito ng mayonnaise upang gawing sawsawan ng piniritong talong.

 

Isang beses naman, may natiyempuhan akong mga reject na isdang daing, binentang pa-tumpok. Bumili ako ng marami at nang mahugasan ay binilad ko sa araw. Nang matuyo ay pinirito ko ng patostado, pinalamig at inilagay sa Tupperware at nilagyan ko ng maraming olive oil. Pwedeng iluto ang daing na escabeche, o di kaya ay pandagdag sa itlog na sinarsahan ng kamatis at sibuyas. Ang olive oil ay hindi kumukorta sa loob ng ref, kaya pwedeng pang-preserve ng mga tinatabing nalutong ulam para tumagal.

 

Para hindi masayang ang sapal ng niyog, tostahin ito at kung medyo brown na haluan ng ginisang bagoong alamang at pinulbo o tinadtad na maanghang na sili, cinnamon, turmeric, konting suka at asukal. Haluin ng dalawampung minute pa bago hanguin. Tawag ko dito ay “dry palapa”, pwedeng pang-flavor sa fried rice o pambudbod sa piniritong talong o isda. Panghalo rin ito sa ginisang gulay o pinakbet. Pwede itong itabi sa ref para tumagal ng maski 6 months. Para maging “wet palapa” naman, dagdagan lang ng langis habang niluluto. Mas masarap ito kung maanghang ang pagkatimpla. Para mabawasan ang alat ng bagoong alamang, banlawan muna ito bago igisa at ihalo sa sinasangag na sapal ng niyog.

 

Akala ng iba, sa pakwan, laman lang nito ang kinakain, at ang buto naman ay pinapatuyo upang mapapak. Ang balat, actually, ay pwedeng gawing minatamis. Tanggalan ng kulay berdeng bahaging panlabas upang matira ang kulay puti na laman. Hiwain ng pakuwadradong maliit, hugasan at patuluin upang mabawasan ang katas. Sa pagluto, hindi na dadagdagan ng tubig, sa halip ay brown sugar at cinnamon lamang, dahil sariling katas nito at ang malulusaw na brown sugar ang magsisilbing sauce. Tantiyahin ang dami ng brown sugar na ihahalo, depende sa gustong tamis. Pwedeng kainin as is o haluan ng ginagad na yelo at gatas.

 

Ang reject na patatas, kamote at carrots ay maaaring gawing nilupak. Tadtarin ng maliliit upang madaling lumambot kung pakuluan sa tantiyadong dami ng tubig, brown sugar at cinnamon powder. Huwag biglain ang dami ng tubig, upang kung lumambot na at pwedeng lamasin gamit ang sandok, habang hinahalo ay wala nang babawasing tubig. Kailangang maghalo ang kamote, carrots at patatas hanggang ang mga ito ay halos matuyo habang nilalamas. Pagkaluto, hulmahin sa bandehado o mababaw na mangkok.

 

May nabibiling mga mansanas na tinapyasan ng nalamog na bahagi at binibenta by the plastic bag. Pwede itong gawing minatamis. Hugasang mabuti, hiwain ng manipis, at iluto lang sa brown sugar at cinnamon powder. Pwede itong palaman sa tinapay. Para maging apple sauce, i-blender muna ang mansanas bago iluto sa brown sugar at cinnamon powder. Masarap itong ipares sa inihaw o piniritong isda. Kung pang-meryenda, haluan ng ginagad na yelo, gatas, at nilagang saging. Para tumagal sa pagkakatabi, haluan ng ilang patak na apple cider vinegar ang apple sauce at ang unang nabanggit na minatamis habang niluluto.

 

Ang mga halos itapon nang overripe na saging saba ay maaaring gawing minatamis. Iluto sa brown sugar, huwag munang haluan ng tubig. Ang sariling katas nito at malulusaw na brown sugar ang magsisilbing sauce nito. Haluan ng cinnamon powder. Kung halos natutuyo na, saka pa lang dagdagan ng tubig na katamtaman ang dami. Dapat na may kalaputan lang ito kung luto na. Upang tumagal sa ref, dagdagan ng konting apple cider vinegar ang timpla.

 

Para sa iba, kapag ang balat ng talong ay kulubot na, reject na ito. Ang nawala sa talong ay konting water content, subali’t ang sustansiya ay nandiyan pa rin. Pwede itong igisa sa bawang, kamatis, konting turmeric, cinnamon powder at toyo. Kung nakaluto at nakapagtabi na ng palapa, maari ring maghalo ng konti sa timpla ng talong. Kapag lumambot na, lamasin, habang hinahalo. Para maging paste ang dating, pwedeng i-blender bago itabi. Pwede itong ipalaman sa tinapay maliban sa pagiging ulam nito. Pwede ring haluan ng binating itlog upang maging torta.

 

Ang lantang mustasa ay pwedeng buruhin sa asin at hugas bigas o kaunting suka. Pagkalipas ng ilang araw, maaari na itong ipares sa piniritong isda, o di kaya ay igisa sa itlog, kamatis at sibuyas. Huwag itapon ang pinagburuhan dahil pwede itong isabaw sa kamatis, sibuyas, at manggang hilaw na ensalada. Ang hindi alam ng karamihan, talagang pinapalanta ang mustasa bago buruhin. Subali’t pwede din namang ihalo sa pesang tilapia o dalag, o pangsapaw sa ipapaksiw na isda upang maalis ang lansa. Pwede rin itong ilutong sopas, na ang halo lang ay kamatis, sibuyas at miso. At, pwede pa ring igisa sa piniritong tuyong dilis at itlog.

 

Maraming pwedeng gawin sa mga pagkaing akala natin ay patapon na. Ang bansa natin ay sagana sa mga prutas at gulay, subali’t sa kasamaang palad ay nagmamahalan, kaya ang mainam na gawin ay bumili ng mga sa tingin ng iba ay reject na. Diskarte lang ang kailangan upang ang budget sa pagkain ay hindi kapusin.