Ang Matamis na Ngiti…para kay Rosita Segala

Ang Matamis na Ngiti…

(para kay Rosita Segala)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ngiti ang nagpapaaliwalas ng paligid

Lalo’t sa mga sandaling lungkot ay nakalukob

Kahit mga labi ay tila parang pintong nakasara

Sapat na, basta’t magkabilang dulo’y ‘di nakababa.

 

Kalooban ay napapagaan ng isang ngiti

Napapawi nito, lungkot na sa puso’y ramdam

Sigla ay dulot sa mga nalulungkot at nanlulumo

Nagpapalakas sa mga taong nanlata dahil sa siphayo.

 

Walang katumbas na halaga ang ngiti

Libre ito’t hindi nabibili, lalong ‘di rin inuutang

Mula sa kaibuturan ng puso, galing ang pagkukusa

Kaya para kay Rose,  pagngiti ay ‘di kailangan ipilit pa!

Rosita Segala