The Hedonistic Celebration of Special Occasions by Impoverished Filipinos

The Hedonistic Celebration of Special Occasions

By Impoverished Filipinos

By Apolinario Villalobos

 

Many Filipinos borrow money to celebrate special occasions such as birthday, fiesta, and anniversaries…I mean here, Filipinos who cannot even afford three square meals a day. They hinge their desire on the wrong justification that the celebration is just once a year, anyway. What they forgot is that the obligation to pay the debt could stretch for not less than three months, especially, if the money is from a loan shark who slaps suckers with as much as 20% interest per month! These unthinking Filipinos are blinded by arrogance as they want to show others that they can afford to splurge money. They also forgot that the people who know them are already aware about their impoverish status in life, so that any effort to cover it up, is useless.

 

The hedonistic way of celebrating special occasions among Christians is an influence from pagan Romans who were converted into Christianity. The Roman Saturnalia was celebrated for days with fun – dancing, drinking, eating, and sexual activities with wild abandon. Not only was Saturnalia celebrated without let up but anything that can be used as an excuse. This hedonistic practice was brought to the Philippine archipelago by the Spanish friars who preceded the contingents of armed conquistadores who came on galleons. The friars used the celebrations that they masked with spirituality to entice the natives to come down from their mountain abodes with eventual motive of converting them.

 

Today, the influence is so deeply rooted that it has practically ruined the character of Filipinos in general. As mentioned earlier, many Filipinos would go to the extent of borrowing money from loan sharks in order to celebrate “debut” of daughters, fiestas, birthday, etc, for one day, and suffer from the consequence for months!

 

On the other hand, those who can afford to feed a barangay as a way of celebrating their birthday, for instance, may go ahead, as nothing could stop them, not even this blog that serves as just a simple reminder, and which they may even view as an idiocy!

 

 

Ang Pagkagulat ay Bahagi na ng Buhay ng mga Pilipino

ANG PAGKAGULAT AY BAHAGI

NA NG BUHAY NG MGA PILIPINO

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahilig sa bulagaan o gulatan (surprise) ang mga Pilipino, o di kaya ay masasabing ang bulagaan ay bahagi na ng ating buhay. Ang mga sanggol na umiiyak ay ginugulat upang tumigil ito sa pagngangawa, subalit ang epekto naman ay lumalaki itong nerbiyoso. Dahil sa sobrang pakisama, pagdating ng panahon, nabibigla na lang tayo na ang pinakitaan ng mabuting pakikisama ay traidor pala o ahas, pero hindi pa rin tayo natututo. Maraming nag-akala na dahil may mga nahuhuling manggagantso o swindler ay tapos na ang problemang ito, pero nagugulat na lang tayo kapag may lumutang na panibagong “modus operandi”.

 

Bago dumating ang mga Kastila ay matiwasay ang buhay ng ating mga ninunong nakikipagkalakalan pa sa ibang lahi na dumadayo. Nang unang dumating ang mga Kastila, hindi man lang nila naisip na may intensiyon palang manakop ang mga ito dahil ang inilagay sa harap ng mga sundalo ay mga prayle (friars) na ang hawak ay krus, kaya nagkagulatan na lang nang dumagsa na ang mga Kastila at nangamkam na ng mga lupain. Ganoon din ang nangyari sa pagdating ng mga Amerikano na ang pinangbalatkayo sa intensiyong sipsipin ang likas na yaman ng bansa, ay ang edukasyon kaya may mga “Thomasites” na dumating – mga unang Amerikanong titser na sinundan bandang huli ng mga Peace Corp Volunteers. Nabulaga na lang ang mga Pilipino na ang Saligang Batas ay nasalaula o nabastos dahil sa pagpilit ng mga Amerikanong isingit ang “Parity Rights” na nagbibigay sa kanila ng pantay na karapatan sa mga Pilipino sa larangan ng paggamit ng likas na yaman at negosyo.

 

Nang mapatalsik si Marcos, umupo si Cory, isang babae at nanay, kaya inasahang “magpapalambot” ng mga patakarang ginawa ni Marcos, pero hindi binigyang pansin ang pagbalik din ng mga amuyong na mga dating kaalyado ng diktador pero nagpalit lang ng kulay dahil sa pagkatao nilang mala-hunyango (type of lizard that can change color based on the surrounding). Nagkabiglaan na lang dahil ang mga inaasahang pagbabago ay hindi natupad, lalo na ang pagbawi ng “ninakaw na yaman” ng bayan….naging obvious din ang pagdami ng mga korap dahil ang mga kalakarang ito ay lumala pa. Dahil hindi nila masikmura ang mga nangyayari, maraming mga tauhan ni Cory ang nag-resign, tanda ng pagkawala ng “Cory magic”…na ikinagulat din ng marami.

 

Nang ibenta ang mga kampo ng sundalo upang magkaroon ng pondo na magagamit sa “modernization” ng sandatahang Pilipinas, ay marami ang natuwa. Subalit makaraan ang ilang administrasyon ay nabistong ang mga armas ng mga sundalo ay antigo pa rin, ang mga biniling helicopter ay second hand pati ang mga barko, at ang nakakalungkot, halos hindi regular na nabibigyan ng supply ang mga sundalong nakikipagbakbakan sa mga rebelde at Abu Sayyaf sa kabundukan….ang mga boots nila ay nakanganga, walang matinong backpack at kapote, at ang pagkaing rasyon ay tinitipid pa! Saan napunta ang perang pinagbentahan ng kampo na ang isa ngayon ay ang maunlad na business district, ang Global City,  at ang nakatiwangwang na reclaimed area sa Paranaque ay naging isa sa maunlad at malawak na business district sa buong Asya, ang “ASEANA City”?

 

Nang tumakbo si Noynoy Aquino, malugod siyang ibinoto dahil “mukhang mabait”, isang tanda ng busilak na kalooban, subalit nagulat ang mga Pilipino dahil ang nakitang kabaitan sa kanyang pagkatao ay may ibang kahulugan pala. Sa panahon niya lalong dumami ang mga korap. Subalit dahil nag-akala ang partido niyang malakas pa ang hatak ng alaala ng kanyang mga yumaong magulang ay nagpakampanti sila.

 

Nang maghanap ng ipapalit kay Pnoy Aquino, ang gusto na ng mga Pilipino ay isang taong matapang, may sariling paninindigan, matigas, hindi malamya at malambot. Nakita nila si Duterte na maski walang pondo para sa kampanya ay nanalo – record breaker pa ang dami ng boto. Ang mga nagpakampanting Liberal Party ay nagulat sa dami ng nagpalit ng kulay na dating kaalyado nila, kaya ang mga dating kulay “dilaw”, ay naging kulay “pera” eheste, “pula” na!

 

Nang umupo si Duterte, nagkagulatan dahil ang mga Pilipinong edukado kuno at “proper” ay nakarinig ng matataginting at malulutong na pagmumura. Ang iba ay nagsisi kung bakit nila ito ibinoto, ang iba ay nagsabing, “sige na lang”, na tipikal na ugali ng isang Pilipino. Lalo silang nagulat dahil ang kamay na bakal na ginamit niya sa Davao ay ginagamit ngayon sa buong bansa kaya nalusaw ang akala ng mga walang bilib sa kanya na hindi nito kakayanin ang lawak o kabuuhan ng bansa.

 

Nagulat din ang bansa dahil sa pagkakaladkad kay de Lima sa isyu ng droga, na ang pagka-upo sa senado ay nakakagulat din. Ang hinala kasi ay nagkaroon ng dayaan upang maipuwesto si de Lima at magamit ng mga “dilaw” bilang salag (shield) o taga-harang ng mga gagawin ng bagong administrasyon laban sa mga opisyal ng nakaraan, na sangkot sa mga kaso, lalo na si Pnoy Aquino. Lalong nagkagulatan nang mabunyag na ang lawak ng saklaw ng droga ay umabot na sa mga liblib na barangay at ang itinuturong dahilan ay kapabayaan pa rin ni de Lima, at lalong nakakagulat ang sinasabing koneksiyon niya sa mga drug lords.

 

Ngayon, nadagdagan ang pagkagulat ng bansa dahil sa desisyon ng Korte Suprema na pwedeng ilibing si Marcos sa sinasabing “Libingan ng mga Bayani”…isyu na dapat ay hindi nangyari kung noon pa man ay hindi na pinabalik ang pamilya sa Pilipinas. Ang nakakagulat ay hindi man lang ito naisip ng mga laban sa kanya noon pa, na ang pwedeng gawin ay baguhin lang ang batas na sumasaklaw sa pagpapalibing ng mga labi ng kung sino sa sementeryong ito.

 

Batay sa mga ilang nailahad ko, sa palagay ko ay walang dapat mangyaring sisihan dahil sa mga  nangyayari sa atin….na kung tutuusin ay tayo rin ang may kasalanan. Dapat tanggapin ang pagkatalo kung may pinaglalaban man upang magkaroon ng pagkakaisa at makausad na. At, ang importante, itigil na ang mga rally at demonstrasyon kahit pro-Duterte pa dahil lalo lang nakakasagabal sa trapik na mala-impiyerno na!

Due Process?…Aww, come on!

DUE PROCESS?…AWWW, COME ON!

By Apolinario Villalobos

 

 

Given: The democracy system of the Philippines has three branches, Executive, Judiciary, and Legislative which are independent from each other.

 

Scenario 1:  Apprehension of Drug Addict/Runner/Pusher

 

  • The police apprehends the culprit and logs the incident in the precinct’s “blotter”. THE POLICE IS UNDER THE EXECUTIVE BRANCH – THE PRESIDENT VIA THE PNP.

 

  • The culprit is brought to the fiscal’s office for “booking”. THE JUDGE IS UNDER THE JUDICIARY BRANCH.

 

  • The action of the judge who accepted the bail is based on the law. THE LEGISLATIVE BRANCH MADE THE LAW.

 

Questions:

 

  • What if the judge is in the payroll of the drug lord as manifested by the “quick” release of apprehended culprit due to the bail readily handed out by the financier, most of the time? It has been observed that many organized “akyat bahay” crimes and drug pushing culprits enjoy this system because “financiers” are waiting at the fiscal’s office, so that on the same day of “booking”, they became free again.

 

  • What can the president do if he cannot meddle in the affairs of the Judiciary which could have been infested with corruption for a long time, as such assumption brought to light the so-called “rogues in robe”? He cannot give orders to the Chief Justice of the Supreme Court to cleanse their rank. This is the reason why the Chief Justice suddenly kept quiet after the president told her to mind her own business, after she attempted to admonish him.

 

  • What can the president do to the drug-related laws that are full of holes as undoing or revising them can virtually takes an eternity, considering the slow-footedness of the lawmakers, some of whom have been found to be corrupt and even involved in narco-politics?

 

  • Why can’t the law makers do something to patch up the holes of the law?…is it because doing so will affect their “benefits”? Take note that until today, the information transparency enjoyed by the journalists is limited only to the Executive Branch because a totally encompassing law based on the Freedom of Information Bill, is yet to be passed by the Legislative, BUT WHICH THE LATTER HAS INDEFENITELY SHELVED. The issue on the political dynasty bill is another question which the Legislative has to answer…that if ever it will be passed, how “realistic” can it be?

 

 

NOTES:

  • The deeply-rooted corruption in the whole system of the Philippine governance has been inherited by the current president, Duterte, even those under his stead, such as the New Bilibid Prison, Philippine National Police and the rest of government agencies.

 

  • The president has no hold on the Judiciary and the Legislative branches, hence, has no say on the corruption that proliferates among their members, except if their acts affect the operation of the Executive Branch, one of which is the de Lima/Bilibid case because the network of anomaly has included personnel under the Executive Branch.

 

  • Obviously, the reason why there was a massive change of color from “yellow” and “white” to “red” is the nauseating corrupt political system of the country.

 

SO, THERE’S THE DUE PROCESS….FOR THE DRUG ADDICTS, DRUG PUSHERS, DRUG LORDS, NARCO-POLITICIANS.

 

BUT, WHAT ABOUT THE DUE PROCESS FOR THEIR VICTIMS, NOT ONLY THE YOUTH AND THEIR FAMILIES, BUT EVENTUALLY, THE WHOLE COUNTRY?

 

 

On Being a “True” Filipino…are we all, really?

On Being a “True” Filipino

…are we all, really?

By Apolinario Villalobos

 

 

First, there is a question on our culture which many “proudly” declare to be influenced by many others – Hispanic, American, Japanese, Chinese, Malay, etc. But if we go deeper into the Philippine history, the “Filipinos” referred to during the Spanish regime were the full-blood Spaniards who were settled in Manila as part of their colonization process. The natives whom the Spaniards found living on the islands were either called “Moros” or “Indios”. These natives lived in scattered communities under clannish system throughout the archipelago, including settlements along Pasig River.  What Spanish name many Filipinos use today were “dictated” as required for conversion into Christianity of our pagan ancestors who had only one name, some of which are, “Habagat”, “Maliksi”, “Malakas”, Mahinhin”, “Alindog”, etc.

 

Along with the Spaniards, natives from their other colonized nations were also brought in, such as Mexicans and mercenary Sepoys from India. These natives were also generally referred to as “Indios”. In Pampanga, there is a town called “New Mexico” because the Mexicans settled in that area when the Spaniards left to give way to the Americans, while the Sepoys chose to settle in Rizal province,  reason why many families in that area have strong Indian features.  On the other hand, Chinese were called by the Spaniards, as “Sangley”. It was only during the later part of the colonization that “mestizos” and “mestizas” were called Filipinos, and much later on, the “cultured natives” were included in the reference. But those living in the mountains and forested villages were still called as “Indios”.

 

When finally, “Filipino” as a racial reference has been given to all citizens of the archipelago by virtue of legislation, instead of taking the opportunity in flaunting to the whole world our distinct culture, early Filipinos tried their best to act, speak, and eat like Spaniards or Americans. Instead of taking pride in our “barong Tagalog” and “kimona”, they preferred European and American garbs. That is how the “amerikana” which is referred to the coat has been developed, as well as, the “mestiza dress” a gown with butterfly sleeves which is common in other countries colonized by the Spaniards. In full contrast, peoples of other Asian countries have become easily distinguishable because of their national costumes that they proudly wear during special occasions at home or abroad.

 

The colonial mentality has practically seeped into the system of Filipinos, so that there is now a prevailing general preference of foods assimilated from other cultures. Among these are the “pansit”, spaghetti, menudo, adobo, kare-kare, kaldereta, arroz a la valenciana, fruit salad, sandwich, etc. It is no wonder then, that while foods of other Asian countries such as Malaysia, Thailand, Indonesia, China and Japan became popular in other countries, those of the Philippines are not. As an example, right in Manila, one can savor in trendy restaurants, the Thai rice which is actually flavored with “bagoong”, the Japanese rice which is sprinkled with vinegar, “kiampong” a Chinese fried rice flavored with whatever broth is boiling, the “Java rice” flavored with the “luyang dilaw”…..all expensive fares. But, nothing is being done to introduce our own fried rice, because, obviously, we are ashamed to let other people know that we eat “recycled” cold rice or leftover rice or overnight rice! The obnoxious pride among some of us dictates that whatever food left on the table after dinner should go to the cats and the dogs or worse, the garbage. As a consolation, the lowly “sinangag”, Filipino fried rice which many families abhor, can be partaken at carinderias whose one way of surviving stiff competition is by recycling leftover foods.

 

Filipinos just love sandwiches such as those bought at American and Italian joints. Parents take pride in how their children easily recognize even from a distance, the golden arc of a popular brand of American sandwich and spaghetti. What is funny is that, we do not even have a local name for the sandwich. Many so-called “cultured” Filipinos laugh at the idea of the pansit as filling of two slices of bread or inserted in the pan de sal. But they delight in eating American sandwiches filled with pasta or spaghetti. These same “cultured” Filipinos are laughing at the idea of a sandwich filled with “paksiw dilis” or “tortang talong”,  but they spend enormous amount of money for a sandwich in expensive restaurants with a filling of pickled herring (relative of “tamban” and “tunsoy”).

 

They also laugh at the idea of pan de sal eaten with grated fresh coconut, but they eat with gusto a sandwich filled with mayonnaise and spinach! They smirk at the idea of bread eaten with ripe mango or papaya, but they proudly eat open half-sandwiches or crackers topped with thinly sliced radish, strawberry, kiwi, celery stalk, sweet onion, etc. served at cocktail parties in high-end restaurants and homes in exclusive subdivisions. They are also ashamed of our own “bagoong” and “patis”, but the fact is that Thailand is proud of her own, which practically made their dishes very distinctly “Thai” and world class. On the other hand, “cultured” Filipinos would rather let their friends know that they partake only of Western, as well as, “exotic” Asian foods….from any Asian country for that matter, but Philippines!

 

The problem with some of us, especially, the “cultured”, is that they are ashamed of their own. They even try to sound American in pronouncing the letter “R”, as they speak in dialect, which unfortunately, even teachers do…so how can we expect rectifications when those who are supposed to be “molders” – the teachers, themselves are guilty of doing what are wrong? It is no wonder, therefore that the young generation, especially, those who are in their learning stage of development are not “molded” properly. It is a shame that many years from now, our country which is already known in the world,  as one with the most corrupt government system (just check the internet), shall also be known as one whose people are with diluted culture, hopelessly murky with repugnant pride of some….the so-called  “cultured”.

 

I love my country and proud as a Filipino…unfortunately, blogging is the only way I can do to open the eyes of ALL who claim to be Filipino!

Ang Kalasingan

Ang Kalasingan

Ni   Apolinario   Villalobos

 

Hindi lamang sa alkohol ng alak, ang tao’y nalalasing

Kundi sa mga bagay na sa hinagap ma’y di natin akalain

Nariyan ang kalasingan sa biglang yaman na naangkin

At  kalasingan sa karangalang, sa katagala’y nakamit din.

 

Hindi masama ang uminom ng alak kung ilagay sa wasto

Lalo na’t sa Misa, ito ay  simbolo rin ng dugo ni Hesukristo

Subali’t sadya yatang may mga taong sa katakawan nito

Sa labis na natunggang alak, ang alkohol ay napunta sa ulo.

 

Kung minsan ‘di natin masisisi, taong sinwerte ang kapalaran

Na dati ay lagi na lang kumakalam ang sikmurang walang laman

Subali’t sa pag-angat ng isinusumpa-sumpa niyang kinalalagyan

Kayamanang nakamit,  halos hindi niya alam kung paano dapaan.

 

Yong iba naman, lahat ng paraan, walang humpay nilang ginawa

Mangiyak-ngiyak na kung minsan dahil sa kawalan nila ng pag-asa

Makamit lang ang inaasam na karangalang sa kanila’y napakahalaga  –

Subali’t nang makamit , mga paang umangat,   hindi na maibaba sa lupa!

 

 

Mabuti Pa Noong Unang Panahon

Mabuti Pa Noong Unang Panahon

Ni Apolinario Villalobos

 

Mabuti pa noong unang panahon

Mga ninuno nating tadtad man ng tattoo

Nagnganganga, nakabahag, walang siphayo.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Payak ang takbo ng isip, walang pag-iimbot

Na sa pangangamkam ng ibang lupa’y umaabot.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Magkakatabing kaharian ay nagtutulungan

Sa pangangailangan ng iba’y malugod ang bigayan.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Ang mga bundok ay nababalot ng kagubatan

Masaya pati mga ibong nagliliparan sa kalawakan.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Ginto’t pilak, ‘di pinapansin, walang gahaman

‘Di tulad ngayon, pamantayan ng buhay ay yaman.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Kung magdasal sila ay diretso sa Amang Poon

‘Di tulad ngayon, tao’y kasanib sa iba’t ibang kampon.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Pagtiwala sa kapwa ay di basta-basta nasisira

‘Di tulad ngayon, dangal ay kayang lusawin ng pera.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Sa malawak na gubat, may pagkaing makukuha

‘Di tulad ngayon, mga bundok at pastulan, kalbo na.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Masarap samyuhin ang hanging sariwa, malinis

‘Di tulad ngayon, amoy nito, animo’y pagkaing panis.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Tubig na iniinom, sa ilog ay maaari nang salukin

‘Di tulad ngayon, pinakuluan lang ang dapat inumin.

 

Huwag Maliitin…

Huwag Maliitin…

Ni Apolinario Villalobos

 

…ang mga magsasaka –

sila na paglaruan man ng panahon

sa kagipita’y pilit pa ring umaahon.

 

…ang mga mangingisda –

sila na sa gitna ng galit′ na daluyong

at hagupit ng habagat ay ‘di uurong.

 

…ang mga tindera’t tindero-

sila na umula’t umaraw, nagsisikap

kaya’t kakambal na yata  ang hirap.

 

…ang mga panadero –

sila na tigmak ng pawis sa pagmasa

upang may pan de sal tuwing umaga.

 

…ang mga drayber –

silang ang simpleng hawak sa manibela

katumbas ay biyahe na walang sakuna.

 

…ang mga dyanitor –

sila na bawa’t palis ng hawak na walis

ay hinahangad nating paligid na malinis.

 

…ang mga mesendyer –

silang masigasig, sumasagasa sa ula’t init

‘Di rin alintana ang bagyong humahagupit.

 

…ang mga tagalinis ng kalsada –

sila na ang iba’y mga senyor nguni’t maliksi

daig ang ibang kabataang tamad, walang silbi.

 

…ang mga basurero –

sila na hindi alintana ang alingasaw ng basura

mapalinis lang ang paligid, lalo pang gumanda.

 

…ang mga titser –

sila na halos lahat  gagawin para sa mga kabataan

kaya sarili mang pera, handang ibili ng kagamitan.

 

(sa susunod na ang iba pang tribute…)

 

Ang Pagkaing Pilipino at Ugali ng Ilang Kababayan Natin

Ang Pagkaing Pilipino

at Ugali ng Ilang Kababayan Natin

Ni Apolinario Villalobos

 

Ayaw ko sanang magsulat tungkol sa bagay na ito dahil alam kong maraming magagalit sa akin. Subalit hindi ko mapigil ang pagkainis minsang nanood ako ng TV na ang palabas ay tungkol sa mga pagkaing Italyano na pinagyabang ng isang broadcaster na nandoon dahil may kinoberan din siyang isang importanteng pangyayari.

 

Marami siyang mga ipinakitang pagkain na sa kanyang pananalita ay para bang hindi nakikita sa ating kapaligiran sa Pilipinas, tulad ng mga lamang dagat na pusit, maliit na pugita, kamatis, at iba’t ibang hugis ng pasta. Proud na proud wika nga – sa pagkaing Italyano! At ang huli niyang pinagyabang ay ang “risotto” daw, eh, ito ay kanin lamang na malabsa ang pagkakaluto na hinaluan ng mga lamang dagat, kaya siya mismo ay nagsabing, “parang arroz caldo na pinatuyo!”. Pero sa pagpapakita niya, ini-close up pa ang pagsubo, para bang sa Italya lamang ito kayang iluto! Ang ugaling kolonyal nga naman ng ilan nating kababayan…talaga lang!

 

May mga kababayan tayo na naa-appreciate lamang ang mga pagkaing Pilipino kung ang mga ito ay kakainin nila sa mga mamahaling restaurant o hotel. Tulad na lamang ng bulaklak ng kalabasa na naglipana sa mga palengke na iilan lamang ang pumapansin. Para sa iba, bulaklak lamang ito at nakakabahalang kainin. Pero, dalhin mo sila sa isang 5-star hotel, kung saan ang hamak na bulaklak ng kalabasa ay sinisilbi bilang sahog ng isang mamahaling sopas – at dadalawang piraso lamang na lulutang-lutang sa maliit na mangkok! Napapamangha sila sa sarap pero halos himatayin sa presyo. Eh, kung bumili ba naman sa palengke ng kung ilang bungkos, nagsawa na sila. Ito rin ang kapalaran ng bulaklak ng katuray na pinagmamaangang hindi daw kilala ng ibang Pilipino, pero nakakain pala nila sa mamahaling restaurant bilang ensalada.

 

May mga sawsawang banyaga na sinasahugan ng “anchovy”. Ang iba nating kababayan na may pagka-kolonyal ang pag-iisip ay bilib na bilib, imported daw. May de-lata pa nga nito na ang isang piraso ay napakamahal. Pero ang “anchovy” at bagoong dilis natin ay pareho lang! … na ang malalaki ay “monamon” kung tawagin sa hilagang bahagi ng bansa. Tinanggalan lamang ng tinik ng mga Italyano, sinabawan ng konting olive oil, at presto!…ginto na ang halaga! Mas matagal pa ngang tanggalin ang aftertaste nito sa bibig kaysa bagoong natin, eh.

 

Minsang may sinabihan ako na pwedeng ihalo ang konting sabaw ng bagoong-dilis sa mayonnaise upang matanggal ang umay nito, ang mga nakarinig ay napangiwi at napa…”huh?!!!. Subali’t noong sabihin kong paborito itong sawsawan ng piniritong isda ng isang maarteng artista na ang pamilya ay nasa pulitika na, sabi ng mga kausap ko, “talaga?!!!! Nawala ang pagkangiwi ng kanilang mukha, nalaman kasi na paborito pala ng isang taklesang artista – kaya gusto na rin nila! Dinagdagan ko ang impormasyon sa pagsabing puwede itong pang-“twist” ng carbonara sauce para sa spaghetti. Para hindi mapahiya uli, tumahimik na lang ang mga kausap ko.

 

Sa isa namang party na pinuntahan ko, ang isa sa pinag-usapan ng umpukang nasamahan ko ay tungkol sa veggie diet. Kilala ako ng karamihan sa mga kausap ko bilang vegetarian kaya halos ako ang nagsi-share. Nang banggitin ko ang “saluyot”, may isang senior lady na sa tingin ko ay hindi naman mayaman ang nagtanong, “ano yon?”. Sa inis ko, habang kinikindatan ko ang iba, sinabihan ko siya na ito ay “imported” na gulay, paborito sa Japan bilang sopas, pinupulbo at ginagamit din na panghalo sa mga pang-snack na inumin. Nainis ako dahil sa tanda niya, para bang nakakaloko sa pagsabi na hindi niya kilala ang saluyot, eh.., kung ituring sa bansa natin ay parang damo na lang. Pero sa totoo lang, isa ito sa mga ini-export na gulay ng Pilipinas sa Japan at ginagawa ngang sopas at sangkap sa snack drinks. Sa ibang bansa, lalo na sa Saudi, sinasapaw ito sa lutong chicken curry. Hindi ko lang natanong sa babae kung saang probinsiya siya galing.  Sa pagkwento ko sa kanya tungkol sa saluyot binaligtad ko ang sitwasyon dahil pinalabas ko na Pilipinas ang umaangkat nito at hindi nagpapadala sa ibang bansa.  Bandang huli, nagsisi rin ako sa ginawa kong biro, kaya hinanap ko siya para humingi ng dispensa pero hindi ko na nakita.

 

Sa internet, lalo na sa facebook, malalaman kung sino ang mga bloggers na makabayan. Sila yong buong pagmamalaking ibinabalandra sa kanilang pahina ang mga larawan ng pagkaing Pilipino. Makikita sa kanilang facebook ang mga larawan ng ginisang monggo, piniritong tuyo, bagoong alamang na may kamatis at sibuyas, tortang talong, maalat na itlog, mayroon pang sinigang na ulo ng bangus, pesang ulo ng salmon, adobong kangkong, at marami pang iba.  Ang mga bloggers na ito ay nasa ibang bansa – America, Europe, at ibang bansa sa Asia. Malayo ang asal nila sa ibang Pilipino na nandito mismo sa Pilipinas, na halos ikinahihiya ang mga pagkaing Pilipino. Nakakalungkot isipin na iilan lamang ang mga Pilipinong nagmamalaki ng mga sarili nating pagkain, kaya hirap makilala ang mga Filipino  restaurants sa ibang bansa, hindi tulad ng mga restaurant ng Indonesia, Malaysia, Thailand, at nitong huling mga araw ay Vietnam.

 

Dapat magtulungan ang mga Pilipino sa pagpapaangat ng sarili nating pagkain upang makilala sa buong mundo. Ang hari mismo ng Thailand ay nagsabing ipinagmamalaki niya ang patis na gawa sa Thailand. Magawa rin kayang makapagmalaki ng ating Presidente o maski na lang mga taong namamahala ng turismo o industriyang pangkabuhayan, ng isang partikular na pagkain natin? Ni minsan wala pa akong nabasa o narinig na may pagmamalaking endorsement na ginawa para sa produkto ng Pilipinas ang kung sino sa ating mga opisyal. Ang mga nababasa ko ay blogs tungkol sa balut, na ginagawa ng mga netizens. May mga nanay pa nga na ipinagmamalaki ang hindi pagkain ng anak nila ng pagkaing Pilipino tulad ng pinakbet o galunggong.  Madalas sabihin, “ewan ko ba kung bakit napakahilig niya sa hamburdyir!”.

 

Mayaman ang Pilipinas sa mga gulay at prutas na hindi pinapansin ng ibang kababayan natin. Hindi tulad ng ibang bansa na dahil sa apat nilang panahon, kaunti lamang ang klase ng mga gulay at prutas na kaya nilang itanim. Sinasabing, sa Pilipinas, maghagis ka lang ng buto o tangkay ng gulay sa isang sulok ng bakuran, ilang buwan lang may aanihin ka na. Subali’t napakalungkot dahil hindi ito binibigyang pansin. Mas gusto pa ng ibang Pilipino ang mga imported. Para bang gusto nilang ipahiwatig  na mga imported lamang ang masarap at masustansiya. Iyan ang isa sa mga balakid na hinaharap natin, kaya halos usad-pagong ang ating pag-asenso sa ganitong bagay. 

Odd Behavior of Some Filipinos

Odd Behavior of Some Filipinos

By Apolinario Villalobos

 

There is strangeness in the way some Filipinos behave. Let us take a look at the following:

 

  1. West Philippine Sea and Ayungin Shoal issues. The Filipino militants, instead of marching to the Chinese Embassy to make protests, persist in breaking the protective cordon at the US embassy and shout obscenities against joint military exercises of the Armed Forces of the Philippines and the visiting US forces. It is very obvious that the Philippines is no match to the power of China and the presence of the US forces somehow provides a subtle antidote to the country’s helplessness. During the latest incident at the Ayungin Shoal when two Chinese patrol boats tried to dangerously cut the way of a Philippine civilian ship on March 29, 2014, a Filipino media man reported that the two Chinese patrol boats went away when a helicopter with a US mark, flew overhead.
  2. Capture of the two New People’s Army (NPA) leaders – Tiamzon couple.  The Commission on Human Rights (CHR) again tried to grab the limelight by declaring that it is going to conduct an investigation regarding the “illegal arrest”. The arrest boosted the morale of the Armed Forces of the Philippines which is hoping that it would send signal to the comrades of the couple to lay down their arms, but here comes the commission that has the habit of waiting for hot issues in which it can dip its finger. The commission could illicit appreciation if it will conduct an investigation on the discovered mass graves in Bicol and southern Tagalog, to which rebel “returnees” allegedly executed by their comrades found their way. Perhaps, to complete its nationalistic effort, it might as well check the condition of the cats and dogs of the couple that have monthly food allocation of Php14,000 per month.
  3. Vote buying during election.Bribery during election has become deeply rooted that finding a remedy to such practice is next to impossible. When before, it is done discreetly, today, bag men have the courage to attend political gatherings in broad daylight. The targets are voters belonging to the lower middle classes, or generally, the poor sector. Bribes are accepted, but after the election, the recipients blame each other when the bribing official failed to deliver the promised projects. Bribe recipients even join rallies against corruption in the government and shout “never again”. Another election comes, the same vote buying happens – with even bigger amount passed on to the willing voters.
  4. Lenten “sacrifices”. Weeks before the onset of the Lenten season, meetings to discuss religious activities are held. Street corners for the Stations of the Cross are identified. Participants to the live reenactment of Jesus’ sufferings on His way to the Calvary are likewise chosen. Churches to be visited as a popular practice are listed – the more, the better for the atonement of sins. Homes and sites for Lenten readings or “pabasa” are chosen, complete with singing readers…..and, where to unwind after the “sacrifices”, are painstakingly selected – Baguio, Tagaytay, resorts in Pangasinan, Laguna, La Union, or for the financially endowed, Hongkong, Taipei or Singapore. The “penitents” forgot that a sacrifice loses its meaning and value, if they seek pleasure afterwards.
  5. Abhorrence of “bad tasting” preventive herbal remedies. Some do not have the “courage” to eat or drink preventive herbal remedies despite the testimonies of those who have benefited from them. For them, anything herbal has a connotation of being lowly, no class, poor. But when time came for them to be admitted in a hospital for expensive check- up or worse, operation, they suddenly became “courageous” to borrow money or pawn valuables, all of which could have been avoided if they had the courage to take affordable preventive herbal remedies.
  6. Disgust over vegetables and other “cheap” homey meals. At home, some Filipinos never prepare affordable foods that could have helped them minimize their expense. As with the herbal medicines, for them, vegetables are lowly foods. But these same people when invited to dinners in expensive restaurants that serve “exotic” and “native” foods, swoon to the wonderful taste of pureed squash soup (nilamog na kalabasa sa bawang), sautéed water cabbage (adobong kangkong), yam leaves in coconut milk (laing), pasta with sauce piquantly drizzled with anchovy (bagoong dilis), stir-fried chinese spinach (alogbate), and other foods that they can easily prepare at home.

 

If only some Filipinos can be their real selves, then, as what a past Philippine president said, “this nation can be great again”. 

Dito sa Pilipinas

Dito sa Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Dito sa Pilipinas, masarap mamuhay….sana.
Mga tao’y masayahin, magalang, maka-Bathala
Mga islang sa karagatan nagkalat…iba’y berde pa
Kung sa himpapawid sipatin, talagang kaiga-igaya!

Kabisera niyang makasaysayan, tawag ay Maynila
Panahon pa ng kastila, ito’y kilala na sa Yuropa
Pagkilalang umabot sa hilagang kontinente ng Amerika
Kaya’t di kalaunan ay pinag- agawan ng mga banyaga!

Sa paglipas ng panahon, ng ilang makukulay na dekada
Si InangPilipinas, nakahinga ng maluwag at napayapa
Nakatikim ng kalayaan, nakatikim ng kaunting ginhawa –
Subali’t iya’y noong piso, ay karespe-respeto pa a nghalaga!

Mga naka-long sleeves na pulis, sukbit ma’y simpleng batuta
Matikas ang tayo, tiya’y di bundat, at kilos ay di kahina-hinala
Hindi tulad ngayon, matikas, malusog, at maliksi lang saumpisa
Subali’t kalaunan, dahil sa kabundatan, sila’y kay daling manghina!

Mga mambabatas noon, kagalang-galang, may laman ang mga salita
Kung magtalo sila sa plenaryo, ang nakikinig, may aral namatatamasa
Hindi tulad ngayon na bawa’t isa’y nagtatalumpati ng pagkahaba-haba
Kuntodo emote, sabay kumpas at ngiting aso pa sa harap ng kamera!

Ang mga batas noon, kakaunti man, ay naipatutupad at sinusunod talaga
Karapatan ay di nalalabag, dangal ay di nayuyurakan, walang mapagsamantala
Hindi tulad ngayon, kung sino pa ang mayaman, at inaasahan sa pamahalaan –
Sila pa itong lalong nagpapahirap at nagpapalugmok ng kapwa sa kahirapan!

Subali’t dahlia ko’y Pilipino, kayumanggi ang balat, mapagpaubayang naturingan
Titiisin ko ang lahat, babangon sa kahirapan, at upang umunlad, gagawa ng paraan
Upang sa harap ng ibang lahi, maipakita ko na ditto sa Pilipinas, mahal kong bayan
Walang puwang ang kahinaan, dahil sa hagupit ng mga unos, ang Pilipino –
Lumiyad man ay hindi mababali, dahil matibay – parang kawayan!