Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang “Festival”

Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang “Festival”

Ni Apolinario Villalobos

 

The word “festival” connotes pageantry, a showy presentation about a certain thing being promoted. If something is ATTACHED to it such as “rice”, for example, to come up with “Rice Festival”, dapat ay may maipakitang iba’t ibang uri ng “rice” – mga bagong ani na nasa tangkay, hindi pa nagiling o palay pa lang na bagong ani pero wala na sa tangkay, mga iba’t ibang variety ng bigas, mga iba’t ibang kakaning pang-meryenda gawa sa bigas na malagkit, o iba’t ibang uri ng pagluto nito gamit ang kawayan, palayok, o tela na ginagawa ng mga sundalo sa kabundukan.

 

If the festival is about egg, halimbawa pa rin…then, let it be called “Egg Festival”. But make sure that the egg is among the primary products of the place that is promoting it para hindi nakakahiya at lumabas lang na naggagaya sa iba pang lugar na MARAMING FESTIVAL. Kung “Egg Festival”, dapat ay may iba’t ibang uri ng itlog – manok, itik, pato, pugo, bugok, balut. At, iba’t ibang pagkaluto tulad ng torta, leche flan, sopas….o, pagpinta ng design sa shells. Pwede ring magpakita ng mga handicraft na ginamitan ng egg shells.

 

Sa kapistahan ng Our Lady of the Candles o Seῆora de la Candelaria ay napansin ko ang kasamang  nakasulat na announcement sa tarpaulin na, “Candela Festival” ….at ikinagulat ko. Kung ang ibig sabihin ng “candela” ay “kandila”….nasaan ang mga kandila?…iba’t ibang hugis o kulay man lang ng kandila? At isa pa, hindi produkto ng Tacurong ang kandila. Hindi na dapat gumamit pa ng “candela festival” para lang magkaroon ng impression na malaking event ang kapistahan ng Our Lady of the Candles. KUNG ANG “CANDELA” AY PINAIKLING “CANDELARIA”, ITO AY ISANG OUTRIGHT NA MISINFORMATION!

 

Hindi dahil ang patron ng Tacurong ay Birheng may hawak na kandila ay kailangan nang magkaroon ng “candela festival”…o “kandila festival” kung ito ang ibig tukuyin, dahil lalabas ito na pagta- “trying hard” o pagmamaang-maangan. Sa uulitin, hindi produkto ng Tacurong ang kandila, dahilan para ma-promote ito.  Okey na kasama sa pista ang singing contest, tiyangge, perya (Spanish –feria) na may mga palaro, ferris wheel, etc., at beauty contest dahil talaga din namang kasama ang mga nabanggit sa pagdaos ng pista mula pa noong panahon ng Kastila.

 

Ang kapistahan sa February 2 ay pagbubunyi sa Birheng Maria at kung mayroon mang mahalagang dapat gawin ay ang pagdasal ng rosary sa mga barangay…palipat-palipat ng imahen niya sa mga barangay na pagrorosaryuhan at ang pinaka-bisperas ng pista ay para sa pagbalik  nito sa simbahan. Para naman sa prusisyon, dapat ay i-encourage ang mga dadalo na magdala ng imahen ni Birhen Maria na nilalagay sa altar ng bahay upang maisali sa okasyon pagkatapos basbasan ng pari sa simbahan.

 

ANG BIRHENG MARIA NA MAY HAWAK NA KANDILA  AT BATANG HESUS,  AY TANYAG NA SA BUONG MUNDO KAYA HINDI NA KAILANGAN PANG GAMITAN NG KUNG ANU-ANO PA UPANG MAGKAROON NG ANYONG “FESTIVAL” ANG SAGRADONG OKASYON PARA SA KANYA.

 

KUNG ANG LAYUNIN NAMAN AY PARA MAKAHATAK NG MGA TURISTA, HAYAAN ANG MGA ITONG HUMUSGA KUNG KARAPAT-DAPAT BANG BALIK-BALIKAN….HUWAG MAGING “TRYING HARD”.  HIGIT SA LAHAT, DAPAT ALALAHANING DINADAOS ANG PISTA BILANG PAGPAPAKITA NG MGA TACURONGNON NG MASIDHING PANANAMPALATAYA NILA SA BIRHENG MARIA DAHIL SA KADAKILAAN NITO….AT HINDI DAHIL SA KUNG ANU-ANO PA.

 

Ang Kapistahan ng Imahen ng Patron Saint

Ang Kapistahan ng Imahen ng Patron Saint

Ni Apolinario Villalobos

 

Suggestions kung ano SANA ang mangyari sa isang kapistahan ng patron ng isang barangay, bayan, o lunsod:

 

  • Hindi dapat haluan ng kung ano pang activities para CONCENTRATED LANG SA PATRON ANG LAHAT NG ACTIVITIES.

 

  • Kung pista ng isang maliit na bayan na may mga barangay, at least two weeks bago ang kapistahan, SANA ang imahe ng santo ay “pabisitahin” sa lahat ng barangay at hayaang mamalagi ng overnight man lang upang madasalan ng mga thanksgiving prayers, lalo na ng novena at rosary.

 

  • Pagkatapos ng “barangay visitation” ng santo ay ibalik sa simbahan para sa pagbisita naman sa kanya ng lahat ng mga deboto.

 

  • Sa araw ng prusisyon, SANA ay isang “float” lang ang gamitin, na ang nakasakay ay ang patron saint lang at ilang aalalay na tunay na deboto…hindi ang mga pumapapel na mga religious kuno.

 

  • Bago ang pagsapit ng araw ng prusisyon, SANA ay mag-announce ang parish priest ng pag-imbita sa mga deboto na magdala ng sarili nilang patron sa simbahan na bebendisyunan ng pari pagkatapos ng misa sa araw ng prusisyon.

 

  • Sa prusisyon, SANA ay kanya-kanyang bitbit ang mga deboto ng imahe ng patron nila na pwede namang isakay sa tricycle o kariton o topdown na sasakyan na may mga dekorasyon. Magandang magbitbit ng simbolo ng santo ang mga deboto, tulad halimbawa ng kay San Pedro Calungsod ay dahon ng palmer, ang kay San Isidro Labrador ay isang bungkos ng palay, ang sa Our Lady of the Candles ay kandila, etc.

 

  • Nasa pinakahuling bahagi ng prusisyon ang nag-iisang “float” na ang lulan o nakasakay ay ang imahe ng patron ng bayan.

 

  • Kung may mga produktong pwedeng isabay sa pista, SANA dapat ang tawag ay “EXHIBIT” lang, HINDI “FESTIVAL”. Halimbawa ay kung may isang barangay na gustong mag-exhibit ng giant yellow corn na produkto nito, okey lang. Kung may isang organization na gustong mag-exhibit ng kanilang handicraft, okey lang. Kung may gustong mag-exhibit ng giant bibingka na niluto niya, okey lang….etc. Kung may mga magulang na gustong mag-exhibit ng magandang anak nila na pang-beauty contest, okey lang….araw-araw, paistambayin sa loob ng booth nila na palaging nakangiti for photo opportunities.

 

  • Ang mga booth ay pwedeng ilagay sa isang bahagi ng bayan na ire-request sa mayor.

 

  • Hindi SANA pahirapan ng mga kung anu-anong kaek-ekan tulad ng contribution ang mga deboto para lang magamit sa pagpagawa ng mga floats na pang-contest bilang bahagi ng prusisyon. Nakatatawang isipin kung anong pa-contest ang gagawin para sa kapistahan ng isang patron….MAGPAPABONGGAHAN BA NG DAMIT NG PATRON?…MAGPAPADAMIHAN BA NG BULAKLAK SA SASAKYAN NITO NA ITATAPON LANG SA BASURAHAN PAGKATAPOS BILHIN NG KUNG ILANG LIBONG PISO NAGALING SA BULSA NG MGA NAGHIHIRAP NA MGA DEBOTO NA HALOS HINDI MAKABILI NG ISANG KILONG TUYONG DILIS?

 

Sana ay matakot sa Diyos ang mga taong ang iniisip para sa kapistahan ng isang patron saint na DAPAT ay payak o simple pero ginagawang parang pista ng mga pagano.

Suggestions para sa Pistang Nazareno

SUGGESTIONS PARA SA PISTA NG NAZARENO….

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil pinaniniwalaan ng mga debotong Katoliko na may milagrong mangyayari sa kanila kapag nakahawak man lang sila sa lubid, lalo na sa estatwa ng itim ng Kristo, nakikipagbalyahan sila upang makasampa sa karo at maipahid  ang face towel nila sa mukha nito, o di kaya ay nagkakandaipit sa pagpilit na makasama sa paghila ng lubid….resulta: ang iba ay nadadaganan ng kapwa deboto….kung hindi man mapilay, pag-goodbye sa mundo ang inaabot nila….dahil lang sa…….?

 

UPANG WALANG GULO, DAPAT AY TALIAN ANG BANDANG LIKURAN NG KARO NG ISANG KILOMETRONG LUBID UPANG MAHAWAKAN NG MGA DEBOTO, AT NANG HINDI SILA NAKIKIPAG-AGAWAN SA LUBID NA NASA HARAPAN. KAPAG NANGYARI YAN, SIGURADONG ANG DADAGSAIN AY ANG LIKURAN NG KARO KAYA MAPAPABILIS ANG PAG-USAD NG PROSESYON O TRANSLACION PABALIK SA QUIAPO CHURCH. NANINIWALA DIN LANG SILA SA MILAGRO, EH DI LUBUSIN NA NILA! ANG PALIWANAG KO SA SUGGESTION NA YAN AY “HINIHILA SILA NG NAZARENO PATUNGO SA PAGBABAGONG BUHAY”. KUNG NAKIKIHILA NAMAN SILA, PARA NILANG PINAPALABAS NA NAHIHIRAPAN SI HESUS NA MAKATULOY SA KANYANG PATUTUNGUHAN KAYA TINUTULUNGAN NILA, GANOONG PANAY NAMAN ANG HINGI NILA DITO NG BIYAYA, AT ANG IBA AY NAKAKALIMUTAN PA ANG MAGPASALAMAT!

 

UPANG WALA NAMANG PROBLEMA SA FACE TOWEL NA GUSTONG IPAHID SA MUKHA NG NAZARENO, DAPAT, SA LUNETA PA LANG AY MAGPAHID NA SA ESTATWA NG LIBU-LIBONG FACE TOWEL UPANG IPAMIGAY SA MGA TAO BAGO MAGPRUSISYON….MAGAGAMIT PA NILA KAPAG PINAWISAN HABANG NAKIKI-PRUSISYON. NAPAPANSIN KASI NA MAY IBANG SUMASAMPA NA SA ULO NG IBANG DEBOTO UPANG MAKAAKYAT LANG SA KARO AT MAGPAHID NG FACE TOWEL NILA SA MUKHA NG ESTATWA.

 

ANG HINDI MAINTINDIHAN AY KUNG BAKIT HIHINTAYIN PA  ANG ARAW NA PISTA NG NAZARENO GANOONG ITO AY NASA SIMBAHAN LANG NG QUIAPO 24/7 BUONG TAON. HUWAG SABIHING SA ARAW LANG NG PISTA INILALABAS ANG “TUNAY” KUNONG ESTATWA NG NAZARENO KAYA PAGKAKATAON NANG MAKITA ITO. KAPAG ANG DAHILANG YAN ANG IPAGPIPILITAN, LALABAS NA WALANG EPEK ANG PANANAMPALATAYA NG MGA DEBOTO DITO KUNG HINDI NAKIKITA O NAHAHAWAKAN ANG “TUNAY” NA ESTATWA, GANOONG ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA AY WALANG PINIPILING ORAS, PANAHON, AT LUGAR….YAN ANG DAPAT IPALIWANAG NG SIMBAHANG KATOLIKO UPANG MABAWASAN ANG KAMANGMANGAN NG ILANG SUNOD LANG NG SUNOD SA MGA SINASABI NG MGA PARI NA ANG ILAN NAMAN AY MAY KADUDA-DUDA NAMANG PAGKATAO….KAYA PAANONG PANINIWALAAN?

 

HINDI AKO GALIT O KUMUKONTRA SA MGA GAWAIN NG SIMBAHANG KATOLIKO, PERO DAHIL SA CURIOSITY AY NAGTATANONG LANG AKO. CONCERNED DIN AKO SA MGA NAMAMATAY AT NASASAKTAN TUWING PISTA NG NAZARENO LALO NA ANG MGA SUMASAMA SA PRUSISYON. KARAPATAN KO YAN BILANG ISANG NAG-IISIP NA PILIPINO. DAPAT PANG UNAWAIN NA ANG MGA NAGLILINIS NG KALSADA AT MGA PULIS NA NAGMIMINTINA NG KAAYUSAN TUWING SASAPIT ANG PISTA NG NAZARENO AY SINUSUWELDUHAN NG TAONG BAYAN MULA SA BUWIS NA BINABAYAD NILA….KASAMA NA AKO DIYAN.

 

Pag-ipunan ang mga Pangangailangan…huwag umasa sa pangungutang

Pag-ipunan ang mga Pangangailangan

…huwag umasa sa pangungutang

Ni Apolinario Villalobos

Pera ang isa sa mga dahilan ng pagkasira ng samahan ng magkakaibigan at magkakapamilya. Sa diretsahang salita, ito ay dahil sa pangungutang ng mga oportunista na umaasang hindi sila sisingilin, kaya kung siningil naman ay sasama ang loob nila. Dapat baguhin na ang ganitong ugali – ang umasa sa ibang nakakaluwag. Kung may mga tao mang nakakaluwag sa buhay, ito ay dahil ngsikap sila para sa kanilang mga pangangailangan. At, hindi dahil “nakakaluwag” na sila sa buhay ay milyonaryo na sila. Ang kaluwagan ay nangangahulugang mayroon silang naitatabi upang madukot sa panahon ng kanilang pangangailangan. Tinatapatan naman ito ng mga mga oportunista ng linyang, “ipagamit mo muna sa akin yan….hindi mo pa naman kailangan”, subalit wala naman palang balak magbayad, o magbayad man ay masama ang loob at may panunumbat pa.

Dapat matutong mag-ipon para sa ibang pangangailangan. Ang piso ay dumadami kung ito ay dadagdagan, kaya huwag  itong hayaang nag-iisang piso lang. May iba kasi diyan na kapag mababa sa isandaang piso ang hawak, ang tingin nila dito ay hindi na pera, kaya kung waldasin ay ganoon na lang. Nariyang ibigay na lang sa mga anak upang gastusin sa internet games, o di kaya ay hayaang nakakalat lang sa loob ng bahay. Sa isang bahay na pinasyalan ko, ang mga barya, pati beyntehin at limampu ay nakapatong lang sa isang ibabaw ng mesa sa sala. Subalit bistado ko rin ang may-ari ng bahay na walang patlang ang pangungutang sa Bombay.

Ibatay sa uri ng pinagkikitaan ang paraan ng pag-ipon. Kung arawan ang kita tulad ng pagtitinda, dapat, araw-araw din kung magtabi ng ipon. Kung suwelduhan naman na 15/30, dapat tuwing suweldo naman magtabi ng extra. Dapat hindi galawin ng kumikita araw-araw ang kanilang puhunan upang hindi mapilitang makapangutang. Ang iba kasi na may ganitong pinagkikitaan, ang tingin sa kinita sa buong araw ay talagang “kinita” lang…hindi nila naisip na kasama dito ang puhunan at tubo, kaya ang dapat galawin ay ang tubo lang.  Ang mga suwelduhan naman, kapag natanggap na ang sahod, ang papasok naman sa isip ay may susunod pang suweldo, kaya okey lang na waldasin ang katatanggap lang na sahod.

Hindi na natuto ang iba sa kasabihang “kung maiksi ang kumot, matutong mamaluktot”. Kahit ang badyet halimbawa ay kapos, ayaw nilang magtipid. Kung ano ang gastusin nila sa panahong nakakaluwag sila sa pera, ganoon pa rin ang ginagawa nila kahit kinakapos sila kaya dinadagdagan nila ng perang inutang ang kakulangan. Sa panahon namang may pagkakataong makaipon sila, todo pa rin ang gastos hanggang maubos ang pera. Kaya lumalabas na talagang walang limitasyon ang gastos nila hangga’t mayroon silang hawak na pera. Walang pagkakaiba sa kanila kung ang hawak nila halimbawa ay sampung libo o isandaan libo, dahil parehong ubos pa rin. Ang lalong nagpasama sa inaasal ng mga taong iresponsable kaya walang naiipon ay ang ugali nilang pandadamay ng ibang tao. Nag-aalala ang mga talagang walang maipahiram na pera. Ang iba namang ayaw magpautang ay gusto lang turuan ng leksiyon ang mga walang konsiyensiyang oportunista na kaibigan o kamag-anak.

Dapat alam na ng mga madalas umutang kung ano ang kanilang mga pangangailangan at kung kaylan dumarating ito, upang mapaglaanan nila ito ng karampatang ipon. Hindi maaaring idahilan ang maliit na sweldo o kinikita, dahil ang mga gastos ay dapat ibatay sa mga ito. Halimbawa, kung hindi kaya ng sweldo ang bayad sa tuition ng anak sa private school, bakit hindi ito ipasok sa public school? Kung kaya namang ihatid at sunduin sa eskwela, bakit iuupa pa ng school bus o tricycle? Kung ang kayang ulam sa araw-araw ay isda at gulay, bakit hindi gumawa ng paraan upang lalo pang makatipid sa halip na umasam pa ng karneng baboy, baka o manok? Wala namang namatay sa hindi pagkain ng karne. Maari rin namang kumain ng karne isang beses sa loob ng isang linggo.  Ang matindi ay ang pagsanay ng mga magulang sa mga anak sa pagkain ng hotdog, hamburger at kung anu-ano pang hindi naman masustansiya, at dinadagdagan pa ng mga chicherya na pang-meryenda. Kaya tuloy may ibang bata na ayaw kumain ng kangkong o talbos ng kamote o sitaw, o galunggong man lang. Sino ang may kasalanan ngayon? May iba pang magulang na nagmamalaki sa pagkuwento na ang anak nila ay hindi kumakain ng gulay at kunwari ay may pahimutok pang sinasabi na, “ewan ko ba”, ganoong alam naman ng iba na kung hindi sila mangutang ay wala silang maisasaing na bigas. Yan ang kaplastikan at kaartehan ng iba!

Ang diskarte ng isa kong kaibigan, si Liza, ay ang pagkaroon ng “food bank” sa kusina. Pagkatapos niyang bayaran ang mga buwanang obligasyon tulad ng kuryente, tubig, at ipa ba, ang natirang pera ay binibili niya ng mga sangkap para sa mga pagkaing karaniwang inihahanda sa party, tulad ng pansit at spaghetti, kaya nakakaipon siya ng mga de-lata, pasta, behon, miki, olive oil, tomato sauce at iba pa. Ginagamit niya ang mga ito sa paghanda kung magbertdey ang mga anak, pasko at bagong taon. Basta may sale, at may ekstra siyang panggastos, bumibili din siya ng mga pangregalo sa pasko. Dahil sa diskarte niya, hindi siya natataranta at lalong hindi nakapangungutang pagdating ng pangangailangan niya.

Ngayong papalapit na ang pasko, hindi na magkandaugaga ang iba sa pag-isip kung ano ang ihahanda o idi-display sa mesa, lalo na ang pagkain sa kapaskuhan at bagong taon. Ang hindi nila naisip ay wala silang pera, kundi mangungutang lang sa iba, lalo na sa Bombay! Kung gusto nila ng maluhong pasko at bagong taon, dapat, Enero pa lang ay nag-iipon na sila….ganoon lang kasimple. At, para naman sa iba pang bagay, dapat paglaanan man lang ng baryang  inaalkansiya!