Swabe ang Anarkiya sa Pilipinas…dahil wala pang marahas na reaksyon ang mga Pilipino

Swabe ang Anarkiya sa Pilipinas
…dahil wala pang marahas na reaksyon ang mga Pilipino
Ni Apolinario Villalobos

Ang matinding anarkiya sa isang bansa ay nangyayari kapag hindi na makatiis ang mga mamamayan sa mahinang pamunuan o kung humagupit ang isang matinding kalamidad kaya halos paralisado ang pamahalaan. Ang pinakamalalang mangyayari ay mga patayan at hantarang nakawan o looting. Anarkiya ding masasabi ang kaguluhan sa pagpapatakbo ng gobyerno. Sa Pilipinas, swabe ang mga nakikitang kaguluhan, na hindi pa masyadong binigyang-pansin dahil sa kultura ng Pilipino na nakaka-ayon sa lahat ng sitwasyon, tulad ng mga sumusunod:

1. Hindi pagsunod ng mga local officials sa mga desisyon ng Ombudsman na pagsuspinde sa kanila na ang nakasayang gawin ay tumakbo sa mga tiwali at nababayarang huwes upang kumuha ng Temporary Restraing Order o TRO, o di kaya ay hindi pag-alis sa kanilang opisina, na isang malinaw na kawalan ng respeto sa Ombudsman. Dahil dito ay nagkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga supporter ng suspendidong opisyal at pansamantalang itinalagang opisyal.

2. Pagka-inutil ng DILG sa pagpipilit na maipatupad ang kautusan ng Ombudsman sa pamamagitan ng pagpaalis sa suspendidong opisyal mula sa opisina upang makagawa ng maayos ng audit, ganoong ang mga LGU ay nasa ilalim naman ng nasabing ahensiya. Sa nangyayari ngayon sa Makati halimbawa, ang hepe ng DILG na si Roxas ay “nakikiusap” pa sa suspendidong mayor na si Junjun Binay na sumunod na lang. Paano siyang rerespetuhin at susundin kung ang pinapakita niya ay kalamyaan na maihahalintulad sa kaduwagan o kawalan ng gulugod? Hindi makakaapekto sa buong bansa kung gagamit ng lakas ang DILG upang ipilit ang kapangyarihan nito…plus factor pa ito ni Roxas kung sakali.

3. Pagka-inutil ng mga ahensiya ng pamahalaan na makontrol ang maya’t- mayang pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin sa palengke, lalo na ang bigas. Isama pa rito ang mga presyo ng langis, bayarin sa tubig at kuryente.

4. Patuloy na hantarang smuggling dahil sa katiwalian sa loob ng mga ahensiyang dapat ay nangangasiwa sa mga pantalan.

5. Hindi makontrol na mga krimen sa loob mismo ng mga kulungan na dati ay patayan kung may riot lang, subalit ngayon ay may prostitution na rin at droga.

6. Hindi makontrol na pangungumisyon sa mga proyekto ng gobyerno, at ang pinakamatindi ay ang pamamayagpag ng mga negosyanteng nagpapatakbo ng mga pekeng NGO na kinasasabwatan ng mga opisyal ng gobyerno upang makakuha ng pondo mula sa kaban ng bayan.

7. Paglala ng krimen dahil ang iba sa hanay ng kapulisan ay sangkot na rin.

8. Patuloy na pagpapahirap sa mga mahihirap na dahil sa K-12 program, na ginamitan ng mga librong hindi bababa sa halagang 500 pesos ang isa. Dahil sa inutil na bagong programa na yan, lalo pang pinagpipiyestahan ng mga tiwaling opisyal na may kinalaman sa edukasyon at mga hidhid na negosyante ng libro ang mga mahihirap kaya nadagdagan ang bilang ng mga batang hindi nakakapag-aral.

Ang mga nangyayari sa kasalukuyang pamahalaan ay kasukdulan ng mga naipong katiwalian mula pa noong panahon ng Martial Law. Hindi nakatulong ang pagkamaka-Diyos ng presidenteng si Cory Aquino kahit nakasandal siya sa simbahang Katoliko. Sa halip na mabawasan ang mga katiwalian, lumala pa noong kapanahunan niya dahil lumakas pa ang loob ng mga tiwali na nagpalit lang ng kulay mula sa pula tungo sa dilaw. Hindi rin nakatulong ang pagka-heneral dati ng pumalit na presidente na si Fidel Ramos, ganoon din ang pagkasikat ni Erap Estrada, at lalo na ng pagka-ekonomista ng isang Gloria Arroyo.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ang hilahod nang ekonomiya ay bumagsak na! Nasira ang mga akala ng mga nagluklok kay Pnoy sa puwesto: na siya ay magaling, hindi pala dahil hanggang salita lang daw; na siya ay makikinig sa kanyang mga “boss” – ang taong bayan, tulad ng ipinangako niya, hindi nangyari dahil wala pala siyang isang salita; na siya ay pantay sa pagtingin sa lahat, hindi pala dahil may mga pinapaburang mga ka-barilan at mga classmate daw na pinagtatalaga niya sa puwesto, at kahit hindi maganda ang performance ay ayaw niyang tanggalin. At, marami pang maling akala…

Yan ang Pilipinas…ang mga mamamayan ay swabe sa pagharap sa mga pagsubok…. kaya nakakatiis pa kahit papaano…..at, kaya hindi na lang muna pinapansin ang nakasayan nang swabeng anarkiya!

Ang Pilipinas…tinitingala noon, inaalipusta ngayon….nirerespeto noon, inaabuso ngayon

Ang Pilipinas
…tinitingala noon, inaalipusta ngayon
…nirerespeto noon, inaabuso ngayon

Ni Apolinario Villalobos

Noong panahon ni Diosdado Macapagal, kinilala ang Pilipinas bilang isa sa mga nangunguna sa pag-export ng mga produktong tulad ng tabako, asukal, mga hibla ng abaca at pati lubid na yari dito, at lalong kilala dahil sa mataas na uri ng bigas na ini-export din. Walang nakakamanghang pangyayari na pagdagsa ng mga Pilipino sa ibang bansa upang magtrabaho na tulad ng nangyayari ngayon. Busy ang karamihan ng mga tao sa pagtatanim, pangingisda, paghahabi ng mga telang tulad ng jablon na kilala din sa ibang bansa. Pinangunahan ni Macapagal ang pagtatag ng MAPHILINDO, samahan ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia, at kauna-unahang samahan ng magkakalapit na bansa sa timog silangang Asya. Ang walong piso noon ay katumbas na ng isang dolyar ng Amerika. Nirerespeto ang lahing Pilipino ng buong mundo.

Nang maging presidente si Ferdinand Marcos, lalong nadagdagan ang pagkilala dahil sa kagalingan nitong magsalita. Nagkaroon ng mga bantayog at istruktura na nagdagdag sa mga pagkakakilanlan ng Pilipinas, tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, Folk Arts, Metropolitan Theater, mga ospital na ang espesyalisasyon ay tungkol sa puso, baga at bato. Napalakihan ang Philippine General Hospital. Nagkaroon ang Maynila ng mass transport system na LRT. Lalong napaigting ang pag-export ng bigas at iba pang produkto. Naging sentro ng mundo ang Pilipinas pagdating sa pananaliksik tungkol sa bigas dahil sa International Rice Research Institute (IRRI) sa Laguna. Unti-unti ring kinilala ang bansa sa larangan ng sining, lalo na sa musika at pelikula. Hindi rin nagpahuli ang mga Pilipina sa larangan ng pagandahan. Lalong tiningala ng mundo ang Pilipinas….naudlot lamang nang nagkaroon ng Martial Law. Inabuso ni Marcos ang tiwala ng mga Pilipino.

Nang mapatalsik si Marcos, pumalit si Cory Aquino, ordinaryong maybahay na may prinsipyo. Subalit itong prinsipyo ay hindi rin ito nagamit upang magkaroon ng pagbabago sa pamamahala ng gobyerno. Napalitan lang ang mukha at pangalan ng mga taong tiwaling umaaligid sa Malakanyang…at mas tiwali pa pala dahil sinamantala ang walang kaalaman ni Cory sa pagpatakbo ng gobyerno.

Nang pinalitan si Cory ng iba pang mga presidente tulad ni Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Arroyo, lalong nadiskaril ang ekonomiya ng bansa. Nagkabentahan ng mga pag-aari ng Pilipinas na ang napagbilhan ay hindi alam kung saan napunta. Ang mga naging popular na kasabihan ay: “what are we in power for”…”weather weather lang yan”…”if you cannot lick them, join them”…at “matira ang matibay”. Ang sabi pa ng iba, mas maganda pa noong panahon ni Marcos dahil iisa lang ang korap, pero, nang mapatalsik ito, dumami na at hindi na nakontrol ang lalong pagdami pa habang napapalitan ang liderato.

Ang mga dapat na taniman ng palay, mais at iba pang produktong agrikultura ay naging subdivision, kaya pati sibuyas at bawang ay inangkat na sa ibang bansa – iniismagel pa! Ang mga lupain ng gobyerno ay tinayuan ng nagtataasang gusali na pagmamay-ari ng mga dayuhang gumamit ng mga Pilipinong dummy. Pati ang Fort Bonifacio na may bahaging dapat ay nakalaan sa mga retiradong sundalo ay nabenta rin upang may magamit daw sa pagmodernisa ng hukbong sandatahan ng bansa. Subali’t nasaan ang napagbentahan? Nagkaroon nga ng mga modernong istruktura na nangailangan ng mga empleyado, pero kontraktwal naman. Ang mga kakarampot na trabaho ay pinag-aagawan ng mga mga lumolobong dami ng mga nagtatapos sa kolehiyo taon-taon. Dahil dito, lalong dumami ang nangibang-bansa. Tuluyan nang naging dependent ang Pilipinas sa mga remittances ng mga OFWs.

Ngayon, mas lalong tumindi ang sitwasyon dahil ang simpleng pangako ng pangulo na makikinig daw siya sa kanyang mga boss ay hindi niya natutupad. Maraming dapat ay pinaalis na niya sa kanyang gabinete dahil hindi maayos ang trabaho, subali’t pinagkikibit-balikat lamang niya. Hindi nga siya korap, subalit ang mga nakapaligid naman sa kanya ay sinasabing nag-eenjoy sa pangungurakot daw, kaya marami na ang naiimbistigahan. Dawit din siya dahil mistulang kinunsinte niya. Marami ring mga dapat aksyunan ay inuupuan lamang niya lalo na sa pagkumpleto ng plantilya ng mga sangay ng gobyerno na ang iba ay walang hepe.

Sa administrasyong kasalukuyan, halos masaid na ang kaban ng bayan dahil sa kaliwa’t kanang pangungurakot na sinalihan pa ng mga sibilyang NGO. At ang nakakalungkot pa, kahi’t isang hindi nakapagtapos ng kolehiyo ay nagawang maloko ang pamahalaang namumutiktik sa dami ng abogadong opisyal. Sinadya kaya?… o nagbulagbulagan upang maambunan? Kalat na rin sa buong mundo ang tungkol sa bilihan ng boto tuwing eleksiyon sa Pilipinas. Ito ay malayo sa magandang imahe ng election system noon kaya may isang Asyanong bansa na humiling na tulungan sila ng Philippine COMELEC upang magkaroon din ng magandang sistema.

Ang inaanay na sistema ng gobyerno ngayon ay nakakahiya! Dahil dito, halos hindi na nirerespeto ang mga karapatan nito lalo na sa isyu ng West Philippine Sea. Pinagtatawanan ng Tsina ang Balikatan exercises na ginagawa kasama ang mga Amerikano dahil sa tingin nila ay “cute” lang ito…walang binatbat! Hanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng Pilipinas ang mga ampaw na pangakong pagtulong daw ng Amerika sakaling may mangyaring masama….sinasabi ito ng mga puti habang nakikipagmabutihan naman sa Tsina!

Ang Organization of Islamic Conference (OIC) ay nakikisawsaw na sa isyu ng BBL para sa planong pagtatag ng Bangsamoro sa Mindanao. Animo ay nananakot pa ang OIC na kung hindi masusunod ang gusto ng MILF ay magkakaroon ng kaguluhan sa Mindanao. Sinundan pa ito ng banta naman ng MNLF na gusto rin nila ng autonomous region, at wala pa diyan ang isyu naman ng separate Islamic State ng BIFF!

Ang nangyayari ngayon sa Pilipinas ay kamalasan daw dahil sa pagkaroon ng isang malamyang lider, ayon sa mga kritiko ng administrasyon. Dahil sa kahinaang ito, nalubog sa putik ng kahihiyan ang isang lahi na noon ay nirerespeto at tinitingala ng buong mundo!…at ang malungkot ay tila imposibleng makabawi pa ang mga Pilipino dahil sa nagsasalikop na mga banta, mula sa timog at hilaga!

Never Learned Lessons from the Past

NEVER   LEARNED   LESSONS   

FROM    PAST   MISTAKES

 

By   Apolinario Villalobos

 

The     most    significant   turning    point   in   the   history   of    the   Filipinos   was   the  toppling    down    of      the   dictatorship    of   the   late   Ferdinand   Marcos,    by    the    so-called   “People   Power”.   Many   Filipinos    regretted    their   lack   of   concern   and   failed    to   discern    the   creeping   onset    of   the    dictatorship.   There   was    no   vigilance.   The   trusting    culture   of    the   Filipinos   is   such,     that    they  allowed   an     authoritarian     to   rule   their    lives   for   more   than    ten    years,    before   they    were    jolted    from   a   deep    indifference    and    realize    their   mistake.

 

 

Posthaste,   Cory    Aquino,    the    opponent    of    Marcos    in   the    presidential    election,      and     wife    of    the   assassinated   Ninoy   Aquino   was   installed   based    on   the   election   results    that   were   supposedly   rigged    to   favor   Marcos.    But    not    all    participants    to    the    political    tableau   were   satisfied.    Those   who   showed    disgust   were    open    about   their     apprehensions.    They   expected    that    the    inexperience    of   Mrs.    Aquino    in     Philippine   politics       would   just  be   exploited    by  the   seasoned  and    shrewd     politicians    who     have      hidden    and   selfish    agenda.   True   enough,    the    good      impression     on   the   Cory   administration   did   not   last   and   those   with   hidden  agenda  were   unmasked.   After     Cory   Aquino,   came    Fidel   Ramos,   Joseph    Estrada,   Gloria    Arroyo,   and   currently,    Benigno   Aquino   III,   son   of    Cory   Aquino.   

 

Today,     the    Filipinos     are  practically   wallowing   in     misery,   and  for  that  they are   blaming   the   government.   But   who  put   those  greedy  people  in  their  posts,  anyway?  Filipinos  failed   to   put   to   good   use   one   important   tool   of   democracy  –  election.    That  tool   is   supposed   to  give   them  the   power   to  choose  the   right   people   who  are expected   to   champion  different   causes   of   the  various   ethnic   groups   that   comprise     a proud   race.   That  power puts everyone  on    equal  footing  regardless of  social   and  financial   status  in society.  Unfortunately,     that    opportunity    is    blown   time    and   again    because    of    the    greedy    desire    to   exchange    such   “power”    with   a   few    hundred   of   pesos    every    election    day.

 

 

Filipinos    refuse    to    see    the   truth,   that     their     decision   come  election  time    is swayed   by   either   money  or  impression.   When   before,  Filipinos   in  general,   look  at   electoral  bribery   with  disgust  and  discussed  only  among      peers  and  used   as  a  dirty   accusation,   after  the  Marcos  administration,   such  subject   has   become    a  common topic  during   campaigns,   with  constituents  comparing  amounts  given  by  candidates.   On  the   other   hand,  those   who  belong  to  the   financially  better-off   group   of   voters,      base    their   impression      on  the  eloquence  of   candidates  in  mumbling   promises,   aside   from   the    tract  record  of     their   families    in     the    political   game,  a   practice    conveniently   tagged  as     perpetuation     of     political   dynasty.

 

 

Filipinos    are   emotionally  carried  by  sad     stories     about   “martyred”   father  or   mother     of     candidates    for  the  sake  of   the  country.     They      are   captivated   by   fluently   delivered   speeches   in      different   dialects.   They      are   mesmerized   by   the   seemingly   permanent   smile  of  pretty      candidates.     They    are   spellbound   by the  regal   bearing  of  candidates   who      suddenly   emerged    from    the  glittering   show business       world.     They      are   awed   by   the   mathematical   geniuses   who   promised  billions,   even   trillions  for   the  government’s   coffer   if   given   the   chance   to   steer   the   country   towards   the     vast   international       commercial  arena.

 

 

And    speaking    of    commerce,   there   is   a    fast    advancing    move    of    the   congress    to   amend    the   economic    provision   of    the   Philippine   Constitution    by    inserting   the   “unless,   otherwise,   provided    by   law”.    That    simple    amendment    is    supposed    to   invigorate    the   apathetic    performance    of    the   nation’s    economy,    as   foreign   investors    are    expected   to   flock   to   the   Philippine   shores,    by    then.    It’s    funny,    but    even    without    such    amendment,    foreigners    have   already    been   flocking   to    the    shores    of    the   country   for    the   black   sands    and   nickel –rich    soil    transported    out    on   big   ships    to    China.  So,    who   are   these    congressmen   fooling?    Who   formulates    the   law,   anyway?   What    will   stop   them   from   formulating   laws    that   will   favor    their    interests,    and   worse,    extend    their    term    by   inserting   fine   words      that    will    indicate    the   “economic     necessity”    of    such    extension?

 

 

The   ongoing    investigation   on   the   anomalous    dispensing   of   the   people’s    money,    known    as    the   pork     barrel    scandal,    says    it   all.   Lately,    even   the   people    that    surround    the   president    doubt    if    the    investigation    could   be   capped    with     the      departure      of      Pnoy   from        the   palace    by-the-Pasig     river.   Will     the    next    president    have    the   heart    to   go   on   with   such    investigation?    Some   observers   are    looking    at    the   investigation   as   some   kind   of   zarzuela,   where    participants    deliver   speeches   with   a   wink.

 

 

Law   makers    will   always    find   a   way   to   get    hold   of   the   people’s    money   by   all   possible   means.   Despite    the   declaration   of    the   Department    of    the   Budget    and   Management   (DBM)     that    the    pork    barrel   is    a   thing    of    the   past,   the   Congress   circumvented    the   blocking  restrictive   system    as   manifested   in   the   already   approved    budget,   by   coming   up   with   a   deceptive    form   which    the   representatives    can     fill    up    to   indicate    their    recommended    beneficiaries    of     their    projects    and   preferred    implementing   non-governmental  organization  (NGO).   Of   course,   the   congress   leadership   vehemently   denies   it,   despite   the   form’s   having   been   shown   by   a   seemingly   “honest”   congressman   on    TV.   Noticeably,    the   form    which    has    already    been    distributed   among   the   congressmen,   according   to   the   whistle   blower,     has    no   letterhead! Most    importantly,   who   will    know    if     conduit    NGOs     have     handed    out    cash    rebates,   perhaps,   a   few    months   after    the    liquidation   of    project   expenditures?   Unlike   bread,   cash   does   not   become   stale    despite   months    of   safekeeping.

 

 

Again,   all    that    the   Filipinos      can   do   now   is   mumble    a   painful     regret  and      draw    a   heavy   sigh   for   the   mistake    committed….again.   Good    thing    the   Filipinos   do   not   have   the   painful   habit    of   beating    their   chest,   or   their   head,   or   pull    their   hair,   or   cut   their   skin,   every   time   they  are  in     distress   brought   by   a    regrettable   act    or   sorrow,    otherwise,    most    of    them   would     have       been   disfigured   or  maimed  a   long   time    ago,   yet.

The Fading Glory of the EDSA Revolution

The   Fading   Glory   Of   EDSA Revolution

By   Apolinario   Villalobos

 

The   EDSA    Revolution    gave   the   Philippines eminence    as   the   initiator   of   a  peaceful  struggle  to  overthrow   a  dictatorship.  The   Philippines   became   known   as   the   birthplace   of   the    People   Power.   Other    countries   that   were   in   similar   situation   emulated   the   peaceful   democratic   effort.     The   Filipinos   proved   thata    military   takeover,   or   even   a    People’s   Council    was   not   necessary,   but   instead   proceeded   with   the    next   phase   such   as   the   proclamation   of   a   new   President,   Cory   Aquino. 

 

 Her   taking   over   the   helm   of   the      government     gave   so     much    expectation          among   the   Filipinos,   however,   as   the   saying   goes,   “you   cannot   please   everybody”.   But    those   who were not   pleased   by   her   administration   had   more   than   one    reason     to   be   dissatisfied.   They   averred   that   her   ascension   to   power   did   not    check   the     developing     elitist   politics  in   the  country.   With    the   Marcos  clique   gone,  a  new   group   came   in   and   some   even   claim   that   the   new   group   was   even   worse   as   it   exploited   her    neophyte   and  amateurish   capability   based   on   charisma,  being   the   wife   of  Ninoy   Aquino.   Not    even   the   shadow   of   Cardinal   Sin   was   enough   to   shelter   her   from  ridicule   and  insults. 

 

After   Cory   Aquino   came   Fidel   Ramos,   Joseph   Estrada,    Gloria   Arroyo.    All   of   them   tried   their   best   in    maintaining   the   image   of   the    revolution   as   an   important   turning   point   in   the   lives   of   the   Filipinos.  Every   year   ceremonies   were   held   at   the    “significant”   portion   of   the   longest   highway   in    Manila.   The    ceremonies  are   designed   such   that  they   spill    over   the   length   of   Ayala   Avenue,   the   swank   commercial  district   of   Makati.   The   avenue   would   get   tainted   with   colors   of   the   “new”   revolution   –   yellow,   blue,   white,  t-shirts   worn   by the  elite  revolutionists   who   hail   from   the   exclusive   subdivisions.    Gone   from   the   picture   were   the   red   flags   of   the   real   “new”   revolutionists,students,   and   the   faces   of   those   from   the   depressed   areas.      Noticeable   too,    was   the   ever   dwindling   number   of   attendees.  To   bloat   the   number   of   the  crowd,     included   in    the     count  were   mere   curious   spectators.

 

Today,  year   2014  is   witness   to   the   commemoration   of   this  “revolution”   in  the far-flung   city   of   Cebu   so   that  it  can   be   celebrated   in   the   midst   of   victims   of   natural   disasters   from   that   area.   In    Manila,    a    pathetic       of     handful    led   by   one   some   of   the   “original”   participants   was   shown   on    TV.  The   newscaster   revealed   that   some   of   those   who    joined   the    photo     opportunity   were    caddies   from   the    nearby   golf    course.   Obviously,   those   who   are   claiming   to   be   “original”   members   of   the   revolution   were   not   invited    to    Cebu   and   were   left   on   their   own   to   gather   themselves   in   EDSA.   But    who    will call   the  people   who   are   now  beginning   to   realize   their   past   mistake   when   they   gave   their   full   trust   to   those   intelligent   guys   who   are   now   being   investigated   for   anomalies?   The   new   administration   inherited   the   “half-cooked”  policies   that   lawmakers  seem  helpless to  undo.   Not   to   be    forgotten   too,   are    the    privatization     spree    of   the    past   administrations.   

 

With   the     Commission    of   Audit    reports   claiming   that    anomalies   had    been   going   on   even  right  after   the   Marcos   administration,    Filipinos   are   shocked.   All   the    while,  as   they   thought  that   everything   was   alright   with  the  dictator   gone,   the   plunder  of   people’s   money   was  going    on,  left   unchecked   by   the  trusted   and     committed   by   the   same   people   who   propelled   the  government   towards   a   new   direction,   purportedly,  that   of   progress.

 

Ever   wonder    why   some   of   those   who   strut   on   the   aisles   of   the   Senate   in   their   expensive   attire    during   SONAs,   are   very   silent   now?    My   guess   is   that   guilt   is   seeping     in     to   their   person   or   they   are   afraid   to   let   out   even   just   a   single   word   of   comment   as   the    focus   of   attention     will   include   them   and  expositions   will    also   be   made  on   their   own   kind     of    well-kept    anomaly.

 

For   the   unfortunate  trusting Filipinos,   the   late   realization  took  its   heavy   toll  … the   raped   Philippine   democracy    is   now     impregnated     with      more   nasty   findings   that   see   the   light    one   at   a    time.     Will   the   pork   barrel   and   other    issues      be   resolved   before   the  current   President   packs   up   his   luggage?   I   am   afraid   to  answer   that   question,   especially,   while   imagining   the   doggish   smile   of   those   being   investigated.  How   about    other   investigations,  such   as  ,  the   Maguindanao  massacre?    the    rice   smuggling?  those   involving     the  Bureau   of   Customs?     the    mishandling   of   relief   goods?   theZamboanga  incident?   My     unsolicited   answer   might    just   erase   the   smile   from   those   who   are   enjoying    political     shows   on  TV.   But   I   suggest,   they    count   days   to   realize   that   the   administration   of   Pnoy   has   barely     two   years   to    deliver   promised   comforts.