Si Juliet…at ang kanyang “feel-at-home” carinderia

SI JULIET…AT ANG KANYANG “FEEL- AT- HOME” CARINDERIA

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang fb friend, si Mark Anthony M. Casero ang nagbanggit tungkol sa akin tungkol kay Juliet na ang nakatawag ng pansin sa kanya ay ang kawalan nito ng kanang kamao subalit masigasig sa pagka-karinderya. Mura pa raw ang mga ulam na paninda.

 

Kaninang umagang-umaga, bago mag-7AM ay pumunta na ako sa address na tinukoy ni Mark…lampas kaunti sa simbahan ng Iglesia ni Kristo, papasok ng San Pablo, bago makarating sa Fernandez Elementary School. Pagdating ko ay tiyempong nagluluto na si Juliet pero walang tindang kape. Nahalata yata na ayaw kong umalis kaya sabi niya ay bumili na lang ako ng kape at may mainit na tubig siya. Tinapat ko agad siya tungkol sa pakay ko na i-blog siya at sa simula ay tumanggi siya dahil nahihiya subalit nang sabihin kong makakatulong ang kuwento niya upang ma-inspire ang iba ay pumayag din.

 

Apat ang anak niya at ang namayapang asawa ay tricycle driver. CASIṄO  ang apelyido niya noong dalaga pa siya. Apat ang anak niya at tinutulungan siya ng kuya niya sa pamamagitan ng pagpapaaral sa bunsong anak. Ang panganay na nasa Grade 9 ay nagtatrabaho sa isang tindahan tuwing Sabado at Linggo kaya nakakaipon at lumalabas na self-supporting. Ang sumunod na nasa Grade 4 ay nakakatulong na sa karinderya. Nang umagang pasyalan ko siya ay nakita ko rin kung paano siyang tinutulungan ng kanyang nanay at kuya.

 

Anim na putahe ang niluluto nina Juliet kaninang umaga – pata, dinuguan (Ilocano style), ensaladang labanos, papaitan, at ginisang monggo. Mainstay o permanente sa menu ang papaitan, pata at dinuguan. Ang mga gulay ay pabago-bago. 7AM pa lang ay maramin nang tumitigil para magtanong kung may naluto na. Ang unang inilatag ay ang ensaladang labanos na hindi inabot ng twenty minutes…ubos agad. Ang mga dumating upang kumain ay nag-ulam ng pata at ilang sandal pa ay inilatag na rin ang dinuguan at papait…pinakahuli ang monggo. Wala pang dalawang oras ay ubos ang panindang ulam! Napansin ko ang parang bahay na atmosphere ng karinderya na parang “dirty kitchen” lang at ang mga kostumer ay libreng maghagilap ng kailangan nila tulad ng sili, at kung ano pa.

 

Habang nag-uusap kami ni Juliet nang umalis na ang kostumer ay nagsimulang maghugas ng pinagkainan ang anak niyang babae na siya ring nagluto ng monggo. Marami kaming napag-usapan ni Juliet na tumalakay sa pasasalamat niya sa suporta ng kanyang nanay at mga kapatid kaya hindi siya nahirapan sa pag-alaga ng mga anak. Hindi siya conscious sa kanyang kapansanan kaya lalo akong bumilib sa kanya. Hindi daw siya susuko sa pagsikap hangga’t kaya niyang kumilos dahil may responsibilidad pa siyang gagampanan para sa kinabukasan ng kanyang mga anak…..MABUHAY KA, JULIET!….SANA AY TULARAN KA NG IBA.

Ang Mga Tsinelas ni JONATHAN PADRONES

ANG MGA TSINELAS NI JONATHAN
ni Apolinario Villalobos

Una akong bumilib kay Jonathan Padrones nang makita ko siya sa kanyang lypsinch act at lalong bumilib pa nang malaman kong marami siyang mga advocacies sa abot ng kanyang makakaya, at ang pinaka-popular ay ang pamimigay ng tsinelas sa mga kinakapos na mga kabataan.

Siguro ang nasa isip niya ay upang hindi masaktan ang talampakan ng mga batang nagsusumikap sa buhay habang tinatahak ang mabatong landasin patungo sa kanilang pangarap….HINDI TULAD NIYA NONG KABATAAN NIYA NA SA KAGUSTUHANG MAKATULONG SA MGA MAHAL SA BUHAY AY MATINDING HIRAP ANG DINANAS SA PAGTAHAK SA LANDAS NA NABANGGIT UPANG MATUPAD ANG KANYANG PANGARAP.

The Woman I Know…this is Virgie (for Virgie Paragas-Adonis)

The Woman I Know… this is Virgie

(For Virgie Paragas-Adonis)

By Apolinario B Villalobos

 

 

With boundless desire

to accomplish many things

that others think are impossible,

the woman I know

through impeding hurdles

would just simply breeze through.

Her mother’s strength and loving ways

tempered by her father’s intelligence

and innate golden values –

her overpowering person shows..

 

A woman of fiery temper

and a heart brimming with affection,

the woman I know

always fights for the righteousness

not much for her own

but for others who, though abused

can’t fight back

as guts and  persistence

are what they lack.

 

She is the woman I know,

who, on some occasion

could be furious or let out tears

in a candid show of emotion.

 

She oozes with intelligence

that she would unselfishly share

just like the comfort

of her tender motherly care.

Could there be other women

just like this one I know?       

10430456_10205781633130523_4746175866961168608_n                                     

BAI HAYVI…nagpatunay na may kasiyahan sa pagtulong sa mga mahal sa buhay

BAI HAYVI…nagpatunay na may kasiyahan

sa pagtulong sa mga mahal sa buhay

ni Apolinario Villalobos

 

Panganay si Bai Hayvi Antilino Montaner sa kanilang apat na magkapatid. At sa kagustuhang makatulong sa mga magulang ay nakipagsapalaran sa Kingdom of Saudi Arabia, sa Madina at pinalad namang maging Supervisor sa saloon ng Queen’s Palace. Maganda ang kanyang pinakitang pagganap sa trabahong iniatang sa kanya kaya bawa’t taon sa loob ng anim na kanyang itinagal ay nakakapagbakasyon siya.

 

Isang malaking pagsubok ang dumating sa kanyang buhay habang nasa ibang bansa siya, at ito ay ang pagkamatay ng kanyang ina. Huli na nang malaman niya ang nangyari kaya hindi siya nakauwi bago ito namatay. Mabuti na lamang at kahit papaano, noong buhay pa ito ay palaging nagbibilin sa kanya ang kanyang ina na huwag niyang pabayaan ang kanyang mga kapatid, kaya hindi man siya nakauwi nang ito ay mamatay, ang tagubilin na lamang niya ang nagpawi ng kanyang lungkot at pagdaramdam.

 

Retired na guro ang kanyang ama kaya’t lalo pang pinagsikapan ni Bai Hayvi ang pagtulong sa kanyang mga kapatid, dahil lumilitaw na siya na rin ang umaaktong ama at ina ng kanilang pamilya. Napagsabay niya sa paggastos sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid ang pagbili ng bahay sa isang subdivision sa Davao City.

 

Ngayon, ang kanyang ama at mga kapatid ay doon na nakatira samantalang napatapos naman niya ang kapatid na babae ng BS Criminology, ang isang kapatid naman ay kursong HRM, at ang bunsong kapatid ay sa elementary pa.

 

Pinalad si Bai Hayvi na matanggap sa Capitol ng Sultan Kudarat at malaki ang kanyang pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ng gobernador ng probinsiya na si Sultan Pax Mangudadatu. Malaking bagay sa kanya ang pagkakataon dahil hindi na niya kailangan pang magtrabaho sa ibang bansa, lalo pa at retired na ang kanyang ama na gusto niyang maalagaan, pati ang bunsong kapatid.

 

Una kaming nagkita sa facebook si Bai Hayvi nang mabasa niya ang mga blogs ko tungkol sa probinsiya at ang sumunod na pagkakataon ay sa isang okasyon sa provincial Capitol. Kapansin-pansin ang masaya niyang ngiti na hindi nawawala sa kanyang mukha, palatandaan na madali siyang makapalagayang-loob. Oras na ng tanghalian noon subalit abala pa rin siya at kanyang mga kasama sa pag-asikaso ng mga bisita…obvious na ini-enjoy niya ang kanyang trabaho. Inisip ko rin na ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang maging masigasig sa trabaho ay ang likas niyang pagmamahal sa kanyang ama at mga kapatid , maliban pa sa tagubilin ng kanyang namayapang ina. At, higit sa lahat, ay nais niyang ipakita na karapat-dapat siya sa ibinigay na pagkakataong makapagtrabahong hindi na lalayo pa sa kanyang pamilya – sa “ama” ng Sultan Kudarat, si Governor Pax Mangudadatu.

 

Love of the Mother

Love of the Mother

By Apolinario B Villalobos

 

When it comes to giving love –

Nothing can beat the one

Who nurtured us within her

And for months endured our weight

A burden that she carried –

Until with hard drawn effort

Brought us forth into this world.

 

While in her womb

We partake of the air she breathes

We partake of the food she eats

We partake of the emotions she feels

Her blood makes our heart beat

And careful that we float with ease

She moves with well-guarded steps.

 

Our heart that beats is her mark in us

Greater than anything, we owe it to her –

She who cries when we succumb to sickness

And dry her breast for precious milk…

Our life, we owe to our dear mother

She, we should love more than any other.

LOVE OF THE MOTHER

 

Ang Makasarili at Mapagbigay

Ang Makasarili at Mapagbigay

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahahalata ang taong makasarili at mapagbigay sa pamamagitan ng isang halimbawang sumusunod: ….sa hapag-kainan, ang pinipiling saging ng makasarili ay ang may pinakamagandang balat at malaki; ang mapagbigay naman ay pinipili ang maliit at may halos nangingitim nang balat dahil nanghihinayang siya kung tuluyang mabulok. Kung piniritong isda o manok ang ulam, ang pinipili ng makasarili ay ang pinakamalaki; ang mapagbigay ay hindi namimili.

 

Walang masama sa pagpili ng pinakamagandang bagay kung ito ay iyong binili. Subalit kung nakalatag sa harap ng isang pamilya kung saan ay kasama ang magulang at mga kapatid, dapat ay kailangang maging mapagbigay lalo na sa magulang at nakababatang kapatid. Kadalasan, ang mga nakatatanda pang mga kapatid ang nag-aagawan ng pinakamaganda habang nakatunganga ang mga nakababatang kapatid at magulang.

 

Ang pagkamakasarili ay nagbibigay-buhay sa kasabihan sa Ingles na, “what are we in power for”…na nagpapairal ng lakas laban sa mahihina. Nangyayari yan sa lahat ng sitwasyon, sa loob man ng tahanan o sa komunidad na maliit hanggang sa kabuuhan ng isang bansa. Dahil diyan ay may korapsyon sa mga pamahalaan at sa loob ng ILANG tahanan ay may magkakapatid na palaging nag-aaway.

 

Sa mga pamilyang mayayaman, ang pagkamakasarili din ang dahilan ng awayan ng magkakapatid dahil sa mga minana mula sa mga namayapang magulang.

The “Culture of Entitlement”

The “Culture of Entitlement”

By Apolinario Villalobos

 

 

The “culture of entitlement” has made many Filipinos, especially, the youth, dependent on their expected inheritance from rich parents and generous relatives. The expectation has resulted to their indolence and loss of drive to strive on their own. This culture was never a part of the Filipino life prior to the arrival of the Spaniards. Early Filipinos were expected to work hard for survival because of the striated society. Instead of “entitlement”, the early Filipinos were “awarded” for their hard-earned accomplishments.

 

In grave contrast, the western nations, especially, America, are devoid of the aforementioned culture. In America for instance, soonest as a member of the family reaches the age of 18, he or she is expected to move out of the house of the parents to be on his or her own. And, even children of billionaires work hard to earn their living.

 

In the Philippines, children of OFWs and those with high positions in private companies and government tend to take things easy as they are assured of comfortable life, anyway. Some of them even lost interest in pursuing their studies, and develop a vice, instead. They are so conscious about the obligation of their parents to support them, by all means, that some of them even have the courage to ask for their inheritance in advance! Children of some OFWs do not even give a thought to the difficulties that their parents have to hurdle just to be able to send home hard earned money.

 

Unless the attitude of dependence or the culture of entitlement is softened a bit, the character of the Filipinos in general shall continue to be on its downhill trend. But then, some of the parents can be blamed for this attitude for having pampered their children. Some of these parents who have suddenly experienced a bit of affluence due to finances that trickle from abroad give their young children the impression that they are rich which expectedly, has been deeply impressed in their mind. As these children grow, they speak and act as if they belong to rich families!

 

Finally, the aforementioned culture has created chaos in homes as children tend to think that they are not loved by their parents who, on the other hand, think that they have brought up ungrateful children.

 

 

BADONG PIDO…mapalad na nilalang sa kalinga ni Jose “Beng” Lim V at kanyang pamilya

BADONG PIDO…mapalad na nilalang

sa kalinga ni Jose “Beng” Lim V at kanyang pamiya

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa kabila ng pagiging “special guy” ni Badong, napakapalad niya dahil nasa kalinga siya ng pamilya ni Jose “Beng” Lim V. Subalit bago tuluyang naampon ng pamiya Lim si Badong, napansin siya noon ng mga empleyado sa hardware store, kung saan ay halos araw-araw itong tumatambay sa counter kaya nakasanayan na rin nilang bigyan ito ng pagkain. Kalaunan ay pinasundan siya upang malaman kung saan talaga siya umuuwi at laking gulat nila nang malamang sa sulok ng isang gasolinahan na malapit sa bagong Tacurong public market (New Isabela) siya natutulog gamit ang nakalatag na karton. Akala nila ay may pamilya itong inuuwian at nakakatuwaan lang ang paggala sa araw.

 

Kinausap ni Beng si Badong at inimbitang sa kanila na tumira na ikinatuwa naman nito. Ang unang nakagaanan ng loob ni Beng ay si Ranger, na tinawag nitong “boss Ranger”. Si Beng naman ay tinawag niyang “Ninong” at ang misis nito ay “Ninang”. Sinubukan ng mag-asawang ipasok siya sa eskwela subalit hindi siya nagtagal dahil sa kanyang kalagayan. Napag-alaman din nila na ang makakapagpapirmi kay Badong sa bahay ay TV.

 

Pautal-utal kung magsalita si Badong subalit pinipilit ng pamilya na maunawaan siya. Naging malapit din siya sa mga anak ng mag-asawa at ayaw nilang mawala ito sa kanila. Subalit isang araw ay may nakakita sa kanya sa store at nagsabi kay Beng na taga-General Santos daw ito at sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pinagpalagay nila na maaaring hindi sinasadyang nakalabas siya ng tinitirhan at nakatiyempong makasakay ng bus na biyaheng Tacurong City. At dahil nasa bagong public market ang bus terminal, naghanap na lang ito ng isang sulok na matutulugan. Mabuti na lang din na hindi siya naliligaw at nakakabalik pa sa kanyang tinutulugan tuwing gumala siya sa downtown area na kinaroroonan ng hardware store ng mga Lim.

 

Masama man sa kalooban ng pamilya ay nagdesisyon silang ibalik si Badong sa DSWD kaya naghanda sila ng despedida party para sa kanya. Si Beng mismo ang naghatid sa kanya sa General Santos, subalit nang iwanan na niya ay nagwala ito at nagpilit na sumama pabalik sa Tacurong. Walang nagawa ang DSWD kundi ang gawing pormal ang pagpaalaga kay Badong sa mga Lim. Ngayon, dinadala na rin ni Badong ang apelyidong Lim.

 

Ang turing kay Badong ng mga Lim ay talagang kapamilya. Sa lahat ng okasyon ay kasali siya, pati sa taunang cross-country ng Tacurong City Bikers na pinamumunuan ni Beng bilang Presidente. Sa loob ng 6 na taon ay kasa-kasama siya ng tropang bikers at itinalaga sa support o backup.

 

Ayon kay Beng, gusto niyang makita pa rin ni Badong ang kanyang mga magulang upang maging kumpleto ang pagkatao nito. Dagdag pa niya, kung sakaling mangailangan din ng tulong ang magulang ni Badong, baka matulungan din nila. Kahit  pautal kung magsalita si Badong, halatang nagpipilit itong maunawaan ng iba, at dahil normal ang turing sa kanya, na-develop ang kanyang self-confidence.

 

“Mongoloid” si Badong, subalit nakitaan ko siya ng katalinuhan nang sagutin niya ang mga tanong ko, at sa palagay ko ay nakatulong ng malaki sa unti-unting paglinang ng kanyang karunungan ang pagmamahal na hindi lang pinapakita kundi pinapadama din ni Beng, ng kanyang asawa at mga anak.

 

Nagpapasalamat ako sa pamangkin kong si Daniel Paclibar na miyembro ng Tacurong City Bikers dahil siya ang  nagparating sa akin ng kuwento ni Badong.

BADONG PIDO…mapalad na nilalang sa kalinga ni Jose “Beng” Lim V at kanyang pamilya

BADONG PIDO…mapalad na nilalang

sa kalinga ni Jose “Beng” Lim V at kanyang pamiya

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa kabila ng pagiging “special guy” ni Badong, napakapalad niya dahil nasa kalinga siya ng pamilya ni Jose “Beng” Lim V. Subalit bago tuluyang naampon ng pamiya Lim si Badong, napansin siya noon ng mga empleyado sa hardware store, kung saan ay halos araw-araw itong tumatambay sa counter kaya nakasanayan na rin nilang bigyan ito ng pagkain. Kalaunan ay pinasundan siya upang malaman kung saan talaga siya umuuwi at laking gulat nila nang malamang sa sulok ng isang gasolinahan na malapit sa bagong Tacurong public market (New Isabela) siya natutulog gamit ang nakalatag na karton. Akala nila ay may pamilya itong inuuwian at nakakatuwaan lang ang paggala sa araw.

 

Kinausap ni Beng si Badong at inimbitang sa kanila na tumira na ikinatuwa naman nito. Isa sa mga empleyado sa hardware store ang unang nakagaanan ng loob ni Beng, si Ranger, na tinawag nitong “boss Ranger”. Si Beng naman ay tinawag niyang “Ninong” at ang misis nito ay “Ninang”. Sinubukan ng mag-asawang ipasok siya sa eskwela subalit hindi siya nagtagal dahil sa kanyang kalagayan. Napag-alaman din nila na ang makakapagpapirmi kay Badong sa bahay ay TV.

 

Pautal-utal kung magsalita si Badong subalit pinipilit ng pamilya na maunawaan siya. Naging malapit din siya sa mga anak ng mag-asawa at ayaw nilang mawala ito sa kanila. Subalit isang araw ay may nakakita sa kanya sa store at nagsabi kay Beng na taga-General Santos daw ito at sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pinagpalagay nila na maaaring hindi sinasadyang nakalabas siya ng tinitirhan at nakatiyempong makasakay ng bus na biyaheng Tacurong City. At dahil nasa bagong public market ang bus terminal, naghanap na lang ito ng isang sulok na matutulugan. Mabuti na lang din na hindi siya naliligaw at nakakabalik pa sa kanyang tinutulugan tuwing gumala siya sa downtown area na kinaroroonan ng hardware store ng mga Lim.

 

Masama man sa kalooban ng pamilya ay nagdesisyon silang ibalik si Badong sa DSWD kaya naghanda sila ng despedida party para sa kanya. Si Beng mismo ang naghatid sa kanya sa General Santos, subalit nang iwanan na niya ay nagwala ito at nagpilit na sumama pabalik sa Tacurong. Walang nagawa ang DSWD kundi ang gawing pormal ang pagpaalaga kay Beng sa mga Lim. Ngayon, dinadala na rin ni Badong ang apelyidong Lim.

 

Ang turing kay Badong ng mga Lim ay talagang kapamilya. Sa lahat ng okasyon ay kasali siya, pati sa taunang cross-country ng Tacurong City Riders na pinamumunuan ni Beng bilang Presidente. Sa loob ng 6 na taon ay kasa-kasama siya ng tropang bikers at itinalaga sa support o backup.

 

Ayon kay Beng, gusto niyang makita pa rin ni Badong ang kanyang mga magulang upang maging kumpleto ang pagkatao nito. Dagdag pa niya, kung sakaling mangailangan din ng tulong ang magulang ni Badong, baka matulungan din nila. Kahit  pautal kung magsalita si Badong, halatang nagpipilit itong maunawaan ng iba, at dahil normal ang turing sa kanya, na-develop ang kanyang self-confidence.

 

May “Down Syndrome” si Badong, subalit nakitaan ko siya ng katalinuhan nang sagutin niya ang mga tanong ko, at sa palagay ko ay nakatulong ng malaki sa unti-unting paglinang ng kanyang karunungan ang pagmamahal na hindi lang pinapakita kundi pinapadama din ni Beng, ng kanyang asawa at mga anak…at siyempre, ni “boss Ranger” at mga empleyado ng hardware store.

 

Nagpapasalamat ako sa pamangkin kong si Daniel Paclibar na miyembro ng Tacurong City Riders dahil siya ang  nagparating sa akin ng kuwento ni Badong.

Marlyn “Nene” Dampog…young mother at 16, successful businesswoman at 53 and proud mother of Notre Damians

Marlyn “Nene” Dampog…young mother at 16, successful businesswoman at 53

and proud mother of Notre Damians

By Apolinario Villalobos

 

There’s more to the smile of Nene who sells any fruit in season along the highway going to barangay San Pablo of Tacurong City. She had been through the harrowing trials as a young mom at 16 and a single mom before she reached 20. Her parents were from Iloilo who migrated to Kapingkong a rice growing barangay of Tacurong.

 

Looking back her younger days, she told me that to be able to help her parents, she became an itinerant vendor when she was in Grade 3. She sold just anything, such as balut (boiled unhatched duck egg), rice cakes and fruits. She confided that she used to climb the high fence of the National Food Authority (NFA) instead of taking the circuitous footpath that led to the compound’s gate to be able to bring her basket of goodies to the employees quickly. Despite all the hardship, she was able to finish her high school, but fortunately, settled down at the young age of 16.

 

She doubled her effort as a vendor when she became a single mom. During the early 70s, she did not need much capital as her supplier trusted her with the then, prevailing “alsada system” or consignment. That was how she was able to earn and save more money to expand her “business”. She would also carry on her head sacks of fruits, herself, to save on the porterage.  During the time, her three daughters were in high school and as they would transfer from one rented shack to another, one of her daughters tearfully told her that in school, she was taunted that they lived like chicken. She consoled her daughter not to mind her classmates who looked down on her. To save on food, Nene and her daughters subsisted on a “pastil” each (a one-dish meal of rice topped with a spoonful of shredded chicken and wrapped in banana leaf) as breakfast.

 

As a single hardworking mom, she almost spread herself too thinly…and there were times when she felt like giving up. But, seeing how her daughters diligently pursued their studies despite financial difficulties, she more than doubled her courage and effort. She confided that did not attend a single meeting in school because her time was devoted to earning their daily subsistence. All her daughters graduated from the Notre Dame of Tacurong Girls’ Department, today, Sienna College and it was only during such occasion that she really took time to show herself up in school.

 

She is consoled today by the thought that she did not buckle down despite various pressure in her life and instead, has been able to have two daughters finish Nursing course, with the third, that of BS Commerce. Still selling fruits at 53, Nene, does not mind as her weariness at the end of the day is vanished by the giggles of her four grandchildren. They have their own big house in barangay San Pablo. She ended our conversation with her parting words, “nobody should be ashamed to work hard in order to survive”.