ANG PEYSBUK (FACEBOOK)

ANG PEYSBUK (FACEBOOK)

Ni Apolinario Villalobos

 

Nagsimula sa “friendster” ang ugnayan

Ilang dekada na ang nakaraan

Kinagat din naman at naging tanyag

Subalit hindi nagtagal, may iba nang “tumawag”.

 

Tawag ng ibang nabuong application ito

Madaling gamitin ng mga tao

Sa sandaling gamit, many ay nagulat

Sa buong mundo ay spectacular ang pagkalat.

 

Facebook sa English, Peysbuk sa Pinoy

Puno ng photos at mga “hoy”

Ito yong sinasabi, mga shoutout kuno

At, may mga messages din na puno ng siphayo.

 

Maraming tao, sa Peysbuk ay nai-ugnay

Relatives sa tunay na buhay

May mga magkakaibigang di nagkita

At sa Peysbuk, halos hindi sila makapaniwala!

 

Mayroon nagkikindatan, nagmumurahan

Iba’y naglalabas ng kalooban

Matagal na kanilang kinuyom sa puso

At nang mailabas, naging makulay ang mundo!

 

Sa Peysbuk ay maraming nagkikita, matindi!

Nagka-impresan sa mga ngiti

Na nakita sa kanilang posted na photos

At sa aybolan nila, makita sana ay di  “etchos”!

 

Mayroon pa ring nari-reyp dahil sa Peysbuk

Kung bakit kasi napakamapusok

Nakita lang photo na pogi, akala’y siya na

Ang nakipagkonek, gumamit ng photo ng iba!

 

Kaya sa Peysbuk dapat lahat tayo’y mag-ingat

Pag-isipang mabuti ang nararapat

Ang fb request, huwag i-okey nang basta

Dahil ang pagsisisi ay nangyayari kapag huli na!

 

download

 

 

Ang Mga Pino-post sa Facebook

Ang Mga Pino-post sa Facebook

Ni Apolinario Villalobos

 

Hanggang ngayon ay may nag-aakalang may bayad ang pag-post ng mga larawan sa facebook, na isang maling akala. May mga tao ring nangungutya ng mga nagpi-facebook na ang pino-post ay mga larawang nagpapakita ng kasiyahan – mga kuha sa bertdey kaya maraming pagkain, o di kaya ay nang nakaraang pasko kaya may Christmas tree at mga regalo, nag-eemote na pakenkoy ang posing kaya masaya ang dating, at marami pang iba. Dapat unawain ng mga nangungutya na hindi dapat pinakikialaman ng kung sino man ang pino-post ng may-ari sa facebook niya.

 

May nabasa pa akong comment na, “ang hilig  magpo-posing suot magagandang damit pero hindi naman nagbabayad ng utang”. Para sa akin, kung ang inutangan ay ang nag-comment, hindi niya dapat hiyain ang may-ari ng facebook sa mga viewers na kapwa nila friends. Dahil sa ginawa niya, lumalabas ang kagunggungan niya, dahil dapat ay kinukulit niya ng singil at kung away magbayad ay ipa-barangay niya. Bakit hindi niya sugurin at singilin?…kaladkarin pa niya sa labas ng bahay at sabunutan sa gitna ng kalye kung ayaw magbayad. Ang commentor ay nagpapakita ng ugaling manlilibak….okey kapag kaharap ang kaibigan pero nililibak ito pagtalikod niya dahil siguro sa inggit!

 

May mga taong inaakala ng ibang naghihirap kaya ang inaasahan sa kanila ng mga nakakakilala  ay wala na silang karapatang mag-post ng mga photos na naglalarawan ng masaya nilang mukha at ang suot ay magagandang damit, may make-up at abot-tenga ang ngiti. Ang gusto ng mga nakakakilala sa mga taong inaakala nilang naghihirap kaya tumatanggap ng tulong mula sa iba ay malungkot ang mukha ng mga ito sa larawan upang ipakita na sila ay naghihirap. Libre ang pag-post ng mga larawan sa facebook kaya walang dapat makialam basta ang i-post ay huwag lang panawagan sa paghasik ng terorismo!

 

Karapatan ng may-ari ng facebook ang pagpili kung ano ang gusto niyang i-post. Sa mga naging biyuda pero bata pa o di kaya ay mga naghahanap ng asawa, facebook ang pinakamadaling paraan para sa mga nabanggit na pangangailangan. Ang problema nga lang ay inaabuso ng mga utak-kriminal tulad ng mga magnanakaw at rapist. Ang mga kawatan ay nagmamatyag sa mga inilagagay ng mayayabang sa facebook nila tulad ng “balita” na sila ay magbabakasyon sa malalayong lugar na tulad lang nilang mayaman ang may “karapatang” gumawa, o di kaya ay mga larawan ng interior ng bahay, ari-arian tulad ng alahas at kotse….pati address!

 

Ang mga manyakis naman na kalimitan ay may porma-  guwapo at matikas kung manamit na nakikita sa mga larawan sa facebook niya, ay nakikipagkaibigan sa mga babae, bata man o matanda na “matakaw” sa kaibigan. Ang mga naguguyo ng manyakis ay iniimbita sa isang “eyeball to eyeball” o pagkikita, halimbawa, sa mall. Ang susunod na kuwento dahil may halong krimen ang layunin ng pagkikita ay paggahasa sa babaeng may kabataan pa o pagnanakaw sa matandang babaeng nag-akalang may asim pa siya!

Huwag Magpa-impress sa Pamamagitan ng Facebook

Huwag Magpa-Impress

sa Pamamagitan ng Facebook

Ni Apolinario Villalobos

 

Malimit nakakabasa tayo ng mga balita tungkol sa mga tin-edyer na babaeng ginahasa. Ang matindi, bukod sa pinagnakawan na ay pinatay pa pagkatapos makipagkita o makipag-eyeball sa bagong kaibigan na sa facebook lang nakilala. Makikita ang larawan ng mga tin-edyer na maganda at sa pananamit ay halatang galing sa may sinasabing pamilya. Ang iba ay nakasuot pa ng uniporme ng kanilang eskwelahan. Sa ganitong mga pagkakataon, kalimitan ay ang kapusukan ng mga kabataan ang masisisi, at dahil ang gusto ay “adventure”, hindi nila pinapaalam sa mga  magulang ang kanilang mga ginagawa. Magtataka na lang ang mga magulang sa hindi pag-uwi ng kanilang anak ng kung ilang araw na at ang masakit ay makikita na lang nila ang larawan ng kanilang ginahasang anak sa diyaryo.

 

May mga tin-edyer at ilang nasa tamang gulang na ring mga babae ang sobrang bilib sa kanilang “kagandahan” kaya kung anu-anong selfie posing ang nilalagay sa facebook nila, dahil feeling cute nga sila, kaya inaasahang maraming magla-like at ang iba ay magpapadala pa ng “friend request”. Ang hindi nila naunawaan ay nagpapahiwatig ang mga nilalagay nilang larawan ng motibo na “game” sila dahil ang dating nila sa mga larawan ay animo nang-aakit. Ang masakit ay ang mga mga “comments” ng mga friends nila na “nice try”, o di kaya ay “take it easy”, etc., kaya sa bandang huli ay sama lang ng loob ang nakukuha nila hanggang kung minsan ay nagreresulta pa sa away.

 

Kung para sa mga nabanggit, ang mga “naughty” na posing nila ay katuwaan lang at para sana sa mga kaibigan, iba naman ang pagkakabasa ng ibang browsers na hindi “friends” at  may masamang layunin na pagsa- “shopping” ng mga mabibiktima. Karamihan ng mga kriminal na ito ay mga lalaking masasabing mapoporma dahil kita naman sa mga larawan nila sa facebook. Malimit nilang gawin ang pagbukas ng kung ilang facebook account at nilalagyan ng mga larawan nilang iba-iba ang ayos ng mukha at pananamit upang hindi agad makilala sa biglang tingin. At, kapag may makitang mabibiktima ay saka magri-request ng friend, na susundan na ng ligawan kahit hindi pa personal na nagkita.

 

Ang iba namang gustong magyabang ng kanilang karangyaan upang inggitin ang mga kaibigan ay nagpo-post ng mga larawan ng kanilang bahay mula sa gate, garden, swimming pool kung meron, loob ng kanilang bahay, alagang mga hayop, pati collection nila ng mga alahas, damit, sapatos, bag, at iba pang mga gamit. Tanggap kasi ang katotohanan, batay sa mga survey, na marami ang nagpi-facebook upang magyabang o mang-inngit lang, at ang iba naman ay upang makaganti sa mga dating nang-api sa kanila noong sila ay mahirap pa at sa maliit na kuwarto lang nakatira.

 

Kung magbabakasyon naman ang mga nabanggit na nagyayabang ay kontodo post pa ng airline ticket at passport para masabing nagsasabi sila ng totoo. Sinasabi din nila kung gaano sila katagal mawawala, dahil para sa kanila, mas mahabang bakasyon, mas malaking gastos, kaya mas lalong nakakabilib ang yaman nila. Dahil sa ugaling yan, may lumalabas na mga balita tungkol sa mga bahay na nalimas ang laman nang ang buong pamilya ay nagbakasyon!

 

Pero kung minsan, ang kayabangan ng ilang gumagawa ng masama ang nagkakanulo sa kanila dahil sa mga post nila sa facebook. Ang isang pangyayari ay nang i-post ng isang babaeng taga-Norte ang daliring may singsing at brasong may pulseras. Ninakaw pala niya yon sa kanyang dating amo na kanyang nilayasan agad makalipas ang ilang buwan. Dahil alam ng amo na may facebook ang dating kasambahay, ang ginawa niya ay minanmanan ang facebook nito hanggang sa nai-post nga ang ninakaw na mga alahas kaya nagkaroon na siya ng batayan upang habulin ito sa probinsiya nila upang mahuli.

 

Ang dalawang magkaibigan namang “riding in tandem” ang istilo sa panghoholdap ay nahuli din dahil sa post nila sa facebook. Sa kuwento ng ninakawang bagong uwing seafarer, naglilinis daw siya sa labas ng kanilang gate nang dumating ang dalawang nakasakay sa motorsiklo, walang takip sa mukha ang isa at palihim na tinutukan siya ng baril habang itinutulak papasok sa bahay nila. Minamanmanan na pala ang seafarer ng kung ilang araw dahil halos araw-araw itong nagpapainom ng mga kaibigan sa bakuran nila. May kontak pala ang mga kawatang “riding in tandem” sa lugar ng biktima at nabistong may pera dahil sa halos araw-araw na pagpapainom ng mga kaibigan. Natangay ang seaman’s book ng seafarer, mga dolyar na pang-deposito sana sa bangko, bagong palit na peso, mga alahas, mga cellphone pati ng sa kasambahay nila, at dalawang laptop na isinilid sa backpack na ninakaw din.

 

Kaswal lang na lumabas ng gate ang dalawang magnanakaw at sa malakas na boses ay nagpaalam pa kunwari upang marinig ng mga kapitbahay. Ang mga tao naman sa bahay na pinagnakawan ay nakagapos at may mga takip sa bibig. Makalipas ang ilang araw, sa kaba-browse ng biktimang seafarer sa facebook upang maghanap ng kaibigan, may napansin siyang larawan sa isang facebook at nang busisiin niya ay napansin niyang kamukha ito ng holdaper na walang takip sa mukha. Nakita rin ng biktima ang diver’s watch niya na suot naman ng isa. Nagyayabang ang nag-post sa pagsabing nasa isang  beach resort sila sa Zambales at nagsi-celebrate. Agad  humingi ng tulong sa pulis ang biktima at hinanap ang beach resort sa Zambales na binanggit ng mga kawatan sa facebook. Ang masakit ay “ facebook friend” pa pala ng biktima ang “pointer” o “contact” ng dalawang kawatan, at nakatira ilang kanto lang mula sa kanilang bahay, kaya pati ito ay hinuli rin.

 

 

The Convenience and Curse of the Hi-Tech Social Media

The Convenience and Curse of the Hi-Tech Social Media

By Apolinario Villalobos

 

Hackers can pick up personal information from ATM receipt and airline boarding pass. There is a gadget today that can be used to scan them for personal information of the identification owner. The best thing to do then is shred into pieces the used airline boarding pass and ATM receipt. Do not throw used boarding pass ATM receipt in trash cans or just anywhere in their intact form.

 

Restrain yourself from posting revealing personal information in your facebook to impress viewers. Do not use this social media as a diary. The most no-no is posting the interior of your lavishly furnished homes, again, to impress friends. Some even go to the extent of posting jewelries as if telling viewers to eat their heart out in envy, while others announce to the world that they will be out-of-town to enjoy weeks-long vacation.

 

Hackers can pick up passwords and usernames in free wi-fi sites, so that it is advised that upon reaching home, the passwords that were used in free wi-fi sites should be changed immediately. Some hackers frequent free wi-fi areas such as malls, airports, parks, hotel lobbies, and others to fish for easily hacked passwords.

 

Delete the history in the computer used in internet cafes. Hackers can retrace the route taken by browsers who forgot to delete the sites and pages that they opened and explored. The sites opened by the browser can betray his or her personality that hackers can use in invading his or her privacy. This should also be done when using personal computers such as laptop or desktop as they might be used by “friends” with unpleasant intention.

 

It is sad to note that the high-technology that brought about comfort and unquestionably helpful social media also brought with it a curse of destruction to the careless. The best protection that we can give ourselves is a reminder not to be too trusting.

Mag-ingat sa Email at Facebook Scams

Mag-ingat sa Email at Facebook Scams

Ni Apolinario Villalobos

 

Huwag basta buksan ang email na natanggap kahit may pangalan ng kaibigan, lalo na kung walang inaasahang ganito mula sa kanya. Nakakaduda ang email kung walang subject man lang na dapat ay familiar sa magkakaibigan. Nananakaw na kasi ang mga email password at ginagamit ito ng mga hacker sa masamang paraan. Ang kadalasang mensahe sa email ay nangangailangan daw ang nagpadalang “kaibigan” ng pera dahil “stranded” sa isang bayan o bansa kaya kailangang padalhan agad ng dollar sa pamamagitan ng Western Union.

 

Ang isa pang klaseng scam sa email ay yaong may pangalang hindi kilala ng pinadalhan, at karaniwang subject ay “Hi”. Ang nilalaman ng mensahe ay paghingi naman ng tulong dahil daw pinamanahan ang nagpadala ng email ng malaking halagang pera, pero dahil baka maubos lang daw sa tax na ipapataw ng kanilang bansa, kailangan daw ideposito ang pera sa ibang bansa upang makaiwas kaya kailangang magbukas ang pinadalhan ng email ng dollar account, pero may laman na at least ay $5k man lang. Mababawi naman daw ang dinepositong pera at may 20% pang regalo mula sa perang ideneposito pagdating sa Pilipinas ng nakipagkaibigan. At ang pinadalhan ng request ay pwede ring sumama sa hinayupak na scammer sa pagbalik nito sa kanilang bansa o sa mga babakasyunan-grandeng bansa sa Europe.  Kapag kinagat ito, goodbye ka na sa $5k mo!

 

Ang isa pa ay nanggagaling naman sa isang “estudyante” daw, taga-ibang bansa pa rin, at pinagmamalupitan daw ng magulang kaya lumayas at nakikitira lang sa isang kaibigan. Matataas daw ang mga grado niya at sayang kung titigil kaya kailangan ng perang pang-tuition. Ang isa pang style ng mensahe ay nakikitira naman daw ang “estudyanteng” nagpadala ng email sa isang kumbento at gusto niyang magtrabaho na lang o maging working student kaya kailangan niya ng perang pang-upa sa boarding house para sa limang buwan man lang at pambili ng pagkain sa loob din ng panahong nabanggit.

 

Dalawang beses akong napadalhan ng mga email na nabanggit ko, pero dini-delete ko agad. Ang isa naman ay pumasok naman sa message ng facebook ko at ang nakita kong larawan ng nagpadala ay sa isang matandang foreigner. Ang message ay “how are you?”. Nang i-check ko ang facebook niya ay walang laman as in talagang wala kahit na personal info man lang! Hindi ko siya kilala kaya hindi ko pinansin. Nagsawa din yata sa pagmi-message kaya tumigil na.  Naisip ko na kung viewer ko siya, at seryosong gumagamit ng social media, dapat ay may laman ang facebook niya.  Hindi rin dapat sa facebook ko siya nagpadala ng message kundi nag-comment sa ibang sites na nilalagyan ko ng blogs na dapat ay nabasa niya, dahil ang mga sites na ito ang karaniwang nababasa ng viewers sa ibang bansa.

 

Kamakailan lang, ang pinakamalaking scam na idinaan sa cyberspace ay ang pumutok na balita tungkol sa na-hack na bank account ng Bangladesh  at ang perang nakuha ay inilagak sa ilang kilalang bangko sa Pilipinas. Bilyong dolyar ang nanakaw na pera at muntik nang makalusot kung walang nangyaring pagkakamali sa isang transaction.

Bilang payo……huwag matakaw sa pagnanasa ng maraming kaibigan sa facebook at maging gahaman sa pera upang makaiwas sa kapahamakan…

 

 

The Serious Netizens…who are they?

The Serious Netizens

…who are they?

By Apolinario Villalobos

Civilization has given us the high technology, thanks to the geniuses who toiled many 24/7 days of their life in order to develop bundles of convenience and comfort. And, the cyberspace is the centerfold of such effort. Today, not only texts and designs can be printed but some approved medicines, as well. Actual operations on patients in operating rooms thousands of miles away can be made via visual instructions. Interplanetary explorations are today made with ease, unlike before when taking an accurate photo of the moon’s cratered surface was a complex thing to do.

The emergence of high-technology has also developed a new generation of humanity – the “netizens”. These are the patient people who made the quick spread of knowledge possible. When before, one has to run to the library to check on something or pore over pages of encyclopedia at home, today, all that one need to do is tap the keys of his laptop, desk computer or smart phone, anywhere, anytime.

One can “travel” to other places by just browsing through the posts of travel bloggers, or check the posts of foodie bloggers to have an idea on what those in African continent and Mediterranean islands eat most of the time, or be updated on how to improve his health by going over the pages of posts on health and medicine.

The serious netizens are those who share what they know because they want to help humanity. They are also those who are hungry for the information that are archived in the webs of the cyberspace. They do not abuse the technology by bashing others through the facebook or post blogs that can foment misunderstanding, as well as, incite trouble.

The serious netizens are the unselfish ones who cause the viral spread of information about people, animal and places in distress. They offer help in any form – counsel, money or prayers to helpless strangers whose face they saw only on posted blogs. They are the new citizens of the world whose effort in helping others knows no boundary, and whose heart’s warmth penetrates even the deepest corners of any jungle all over the world.

You, who are viewing this, belong to this new generation! Congratulations!

The Mental Exercise in the Cyberspace also Benefits the Body as a whole

The Mental Exercise in the Cyberspace

also Benefits the Body as a Whole

By Apolinario Villalobos

The developers of blog sites such as blogspot, wordpress,Tumbler, facebook, etc., must have known the fact that all men have related ideas but some just beat the rest in posting them, hence, the buttons for the “like” and “comment”. If the viewer of a blog for instance, conforms to it because he has the same idea, he clicks the “like”, and if he feels like bringing out his own, he clicks the “comment” and proceeds to enhance the blog. That is the reason why posted or blogged materials are called “shares”.

Bloggers tickle the mind of viewers so that they will let go of what they harbor deep within the recesses of their brain. This makes the bloggers as initiators of discussions in forums of various blog sites. Some viewers may not even be aware about their ideas until they have come across blogs related to theirs. The only problem in this healthy exercise, are the “bashers” who muddle the discussion by interjecting unnecessary and irritating remarks. These are the viewers who try to join the intellectual intercourse, but could not honestly accept their limitation that gives them a feeling of inadequacy. What the “bashers” should do is absorb, instead, what are shared by bloggers and viewers to enhance their bit of knowledge on what are being discussed.  This opportunity should be seized by the “bashers” to enhance what teeny weeny bit of information they may have in their brain.

A simple vintage photo about happy school days posted on the facebook is enough to agitate the memory of the viewer while identifying those giving their best pose, which means that he is “exercising” his brain. A simple quote about the Virgin Mary or Jesus or the Pope or Mother Theresa, is enough to make a viewer think of something that can be correlated to it – another mental exercise. And, a long dissertation on politics, history, or science can provoke a viewer to think deeper for a better analysis of what is being shared – still another exercise, though, a heavy one.

The internet has given us a cheap opportunity to keep us mentally fit and healthy. All we need to do is just browse through the sites, absorb what we need, and share what we got. The brain is just like the body that needs an exercise, otherwise, if left idle, it will just be wasted and turn into a worthless gray matter that crams the head.

What is nice about the various cyberspace forums is the opportunity to execute what are being shared. Some viewers have learned how to cook through internet browsing. Still others somehow learned of their country’s history though shared trivia. Viewers whose farthest venture away from home is not more than fifty kilometers have learned about Africa through posted photos and travelogues. On my part, I must admit that through the cyberspace, I was able to pick up information about the traditional medicinal herbs that I need to improve my health. In other words, the mental intercourse in the cyberspace also benefits not only the mind, but the whole physical being of the viewer, as well.

Finally, the “addicts” of the games such as “candy crush”, solitaire, etc., as well as, facebook, need not be bashful about them, because they also provide some kind of mental exercise in another form. They are the mental equivalent of the “twirking” and zumba physical exercises that the body needs for toning. So the next time you tell your friends about the point you have earned in the nerve-wrecking and mentally taxing “candy crush”, be proud of it. You should also be proud and feel emotionally-boosted, after you have successfully located your childhood friends and classmates through facebook…so, now you can look forward to a grand and jovial reunion!

Isang Pagbusisi sa Mundo ng Facebook

Isang Pagbusisi sa Mundo ng Facebook

Ni Apolinario Villalobos

Ngayon, ang facebook na yata ang pinakatanyag na bahagi ng internet dahil marami na ang nakapagpatunay na talagang malaking tulong ito sa buhay ng tao. Malamang na ang orihinal nitong gamit ay para lamang sa mga retrato, kaya dapat ay naka-frame ang mga ipo-post sa facebook, upang magmukha itong “photo album” , kaya nga “facebook” o “aklat ng mukha”. Dahil dito ay nagdalawang- isip ako noon sa paglagay ng mga ginawa kong sanaysay at tula. At, kung kailangan ko talagang maglagay, dapat ay i-frame ko rin sila. Sa payak kong kaisipan, pwede nga siguro, pero kailangan kong tadtarin at ilagay sa kung ilang frame dahil kung ang isang sanaysay ay mahaba, iisang buong page na ng facebook ang siguradong masasakop nito….at sigurado ding isusumpa ako ng nangangasiwa dahil sa pang-aabuso!

Maaaring magkaroon ng ilang “katauhan” gamit ang ilan ding facebook dahil hindi naman alam ng nangangasiwa kung sino talaga ang may-ari ng mga ito. Dahil sa nabanggit, dapat lang na bago mag-confirm ng “friend request” ay kailangang tsekin ang mga detalye sa facebook ng nagpadala. Ang siste lang, marami ang gumagawa ng facebook na ang tanging laman ay pangalan at hindi pa sigurado kung totoo. Lalo na ngayong panahon ng batikusan sa larangan ng pulitika na nagbigay- buhay sa maraming grupo na ang layunin ay mambatikos ng mga pulitiko. Kung papansinin, ang facebook ng ibang nambabatikos ay walang lamang detalye kundi nakakadudang pangalan. Okey lang sana kung makabuluhan ang mga pagbatikos, subali’t ang iba ay halata namang hindi pinag-isipan, kaya ang labas ng mga gumawa ay ang tinatawag sa social media na “bashers”. Sila ang mga mahilig lang mangantiyaw at makisakay sa mga isyu.

Ang problema sa kaso ng “bashing” ay mahirap i-trace kung sino ang mga kaibigan ng “bashers” at kung kaninong facebook sila nakakabit kaya nagawa nilang pumasok sa “loop” o samahan ng mga dapat sana ay magkakakilala. Problema din dito kung naka-“public” ang isang facebook kaya napapasok ng kahit sino.

Mayroon ring nanlilito ng mga viewers. Ito yong parang may iniiwasan. Ang payo ko lang, kapag dating kaibigan ang gumagawa nito at obvious na talagang namimili lang siya ng makakadaupang-palad sa facebook, huwang nang magpumilit na mag-reach out sa kanya. Pagbigyan siya sa kanyang kagustuhan dahil baka nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa piling ng mga dating ka-fb, kaya dinelet niya ang dati at nagbukas ng bago, at pati katauhan niya para sa mundo ng internet ay binago na rin.

Hindi rin pala tinatanggal ng nangangasiwa ng facebook ang mga namamayapa na, kaya tuloy pa rin ang pagsulpot ng mga pangalan nila sa listahan ng mga suggested friends. Nagkakaroon tuloy ng tampo ang ibang palaging nagpapadala ng friend request na hindi naman daw inaaksiyunan, hanggang sa may magsabing patay na pala ang taong gusto nilang maka-friend!…nagsisi tuloy sila dahil sa pagtampo sa taong matagal na palang patay! …kaya nagkaroon pa ng obligasyon na taimtim na pagdasal upang humingi ng sorry sa namayapa!

Marami ring kuwentong “pagkikita” sa facebook pagkalipas ng kung ilang taon. May mga kabataan namang sa facebook naging magkaibigan, hanggang sa magligawan, na kung minsan ay nauuwi sa lokohan kaya may mga kaso ng panggagahasa. Mayroon ding kaso ng lokohan sa pera na idinaan sa pakikipagkaibigan sa facebook. Pero may mga sinusuwerte ding nakakita ng matinong asawa sa facebook.

Upang makaiwas sa kapahamakan, dapat na lang isaalang-alang ang lubusang pag-ingat sa paggamit ng facebook. At, huwag din abusuhin ang magandang layunin nito para lang makapangantiyaw ng kapwa upang hindi magantihan. Palaging alalahanin na hindi man tayo nakikita ng ating kapwa sa ating ginagawa, hindi bulag ang nasa itaas na 24/7 nakabantay sa atin…

Wanted: Honest-to-goodness Community Service of Civic Organizations and Students

Wanted: Honest- to- Goodness Community Service
Of Civic Organizations and Students
By Apolinario Villalobos

With the onset of the school summer break in the Philippines and the official declaration by the weather bureau, PAGASA, of the start of summer season, expected are the “visits” of student groups and civic organizations to the shores of Manila Bay and the city esteros, to purportedly undertake “clean up drive”. While the civic organizations do it for the promotion of their groups to let the people know that they are active in community projects, the students do it to earn scholastic credits and enthusiastically, too, for photo opportunities – something for uploading on facebook. Aside from the facebook, expect community and academe sections of the broadsheets to splash “action” photos, in their weekend edition.

How can these supposedly concerned Filipinos be expected to do an “honest-to-goodness” community service with their tight-fitting denim pants, white shirts, and jogging shoes? They look more like going on a picnic in their attire. Their sight reminded me of a lady senator whose supposedly advocacy is about ecology, nature, trees, and who was shown in a photo, gingerly holding on to a shovel while in the act of planting a sapling… prettily attired in white long sleeves blouse, slacks, a pair of walking shoes, earrings, necklace, and bangles!

As regards the students who brave the sun with sunblock, why can’t the schools base the merit system on the number of bags of garbage collected at the end of the day? At least, the credit is fairly measured, rather than use a notebook to record their attendance. And, for the adult civic organizations, why can’t they just collect contributions from the members to come up with a substantial amount that can be paid to a couple or more “real” garbage collectors? In this way, aside from getting a real result, they have also helped the needy, unless, of course their real aim is just to pose while holding on to a broom, to perpetuate their “contribution” to the community – something that can be shown proudly to their grandchildren later on, and of course, for uploading also on facebook!

Not only is the country suffering from the never-ending corruption and dishonesty of lawmakers and officials, but also from hypocrisy of its young citizens whose training in school is questionable, as well as, the adults who boastfully show the youth, their own kind of hypocrisy. We should no longer wonder why the country never ever had a chance to recover from the infection of dishonesty that continually deteriorates its culture. So with the exit of the senior corrupts later, the questionably trained youth enters the scene….a never ending cycle. From here… where are you going, poor and helpless Mother Philippines?

In Appreciation of Social Networking and its Unwritten Decorum

In Appreciation of Social Networking

And its Unwritten Decorum

By Apolinario Villalobos

 

I have just been blogging in less than a year. I started tinkering with the key pad of a computer when I made use of the email’s convenience. I would send poems to selected friends through my email hoping that these will be appreciated by them. Before the arrival of facebook, there was the Friendster. I looked at both as vanities and useless, time-consuming pastime for idle people….because I thought, only photos and short rubbish messages can be posted. Several friends had been egging me to open a facebook account which I adamantly refused to do. Later, I realized that the facebook is more than what I thought it to be. I realized that it is a powerful tool for social networking – getting in touch with friends, relatives, taking a peek at what strangers are doing through their photos, and most importantly, a venue, indeed, where I could post my works.

 

When I finally opened a facebook account and started posting poems and essays on my page, it got noticed by browsers. I was surprised to receive messages asking confirmation if I was the guy they know. This question is asked because of similarity in names. In fact, I have namesakes from as far as Mexico and Argentina. A friend told me that the web’s intricate system makes suggestions and references using the information that I inputted in my profile.

 

At a slow pace, I began to realize how the social networking in the web works. When friends knew about my facebook, they began to send me friend requests. Some sent me plain messages. Some made comments on my posts and status. It is funny, but I learned doing other things needed for my posting from strangers. I learned how to copy/paste my blogs from my USB disk to the sites from a kid who sat beside me in an internet café. Another kid showed me where to point the cursor of the mouse if want to log out or sign out of a site. A girl taught me how to clear the history of the server after I am done with browsing.

A foreign viewer who happened to come across one of my poems, suggested that I post them in a more appropriate site, just for poems, and he suggested one. The first attempt I made earned me encouraging reviews from viewers which encouraged me to post more. Some viewers commented that they have become my “followers”. I did not know anything about such comment, until a friend told me that it means, they have requested a notification from the server every time I made a post in my site. I did not know about the “like”, either, until someone told me that it can help the promotion of my posts. And, as for the “share”, I did not know in the beginning that it is the copying of posts to the viewer’s page and others within a “friend pool”.

 

Aside from the site for my poems, I opened another one, my own, for all my works – tula, poems, essays in English and Filipino, which is more exposed to all viewers of both yahoo and google. The site practically functions as the archive of all my works. I now realized the big difference between my other sites with that of facebook which is limited to friends. Foreign viewers from as far as Russia and Africa viewed my posts in my other sites and reposted them in their own. I was even surprised about an Italian viewer who appreciated a tula that I posted, until he commented that he lived long in Manila which made him adept in Filipino. A young and beautiful Russian woman whom I thought to be just a fashion blogger surprised me with her occasional poems. These and many more episodes in my blogging inspired me more to go on with my writing. But most important are the encouragements I keep on receiving from my facebook friends, some of whom patiently browse the web using their mobile phones, a feat that requires patience and sharp vision.

A few of my works are posted in the site of local news network such as GMA and the Yahoo contributors’ site. In these forums, I found out that viewers can be nasty, making nonsensical comments at times. It is as if, typing down a few words with punctuation marks at the end are enough. Some enjoy heckling at the posts of serious bloggers. These hecklers thought that just because they have made comments on the net, though babbles of sort, they have already accomplished a monumental task.

 

The social networks are there to be used properly. Serious posts deserve serious comments. If the blogger’s intention is just to have fun, it is indicated somewhere in the frame of the photo or as an accompanying comment to encourage viewers to post theirs. This kind of post deserves funny comments. Now, for the rest of the viewers who are at a loss of words to type, the best thing to do is just point the cursor at the “like” tab or, if far from being convinced, leave it and scroll down to the rest of the posts….or better, go to another page and just enjoy the view.