Ang “Pro-life” na Panukala ni de Lima Laban sa Extrajudicial Killing

ANG “PRO-LIFE” NA PANUKALA NI DE LIMA

LABAN SA EXTRAJUDICIAL KILLING

…NAPAKAHALAGA, KAYA CONTINUE READING…

Ni Apolinario Villalobos

 

Highlight ng panukala ni senador de Lima upang maiwasan kuno ang extrajudicial killing ay ang  paggamit ng megaphone sa halip na pagpapaputok ng baril at paggamit ng hindi nakamamatay na sandata sa pakikipaglaban sa hinuhuli. Dahil diyan, dapat habang hinahabol ng pulis ang huhulihin ay sinasabayan niya ng pagsigaw sa megaphone. Upang siguradong magaling siya sa ganito, dapat ay ituro ito sa PNP Academy (PNPA) – ang pagpapahaba ng paghinga, at pagtakbo habang bumibirit ng kahit anong kanta ng grupong “Aegis”. Kapag binaril ng drug addict ang pulis, dapat hawak pa rin niya ang ebidensiya para ebidensiya na sinunod niya ang batas ni de Lima.

 

May iba pang gustong mangyari ni de Lima upang walang mapatay na kriminal na na-aktuhang nang-rape, o nanaksak, o nang-hostage, etc. Na-derail na yata si de Lima dahil nakalimutan din niyang may immunity ang presidenteng balak daw niyang sampahan ng kaso sa Supreme Court…good luck!… lalo pa at sabay niyang gagawin ang dalawang plano. Hindi na niya alam ang gagawin upang matanggal sa kanya ang attention ng taong bayan dahil sa pagdiin sa kanya ng mga Bilibid witness, bilang “protector” ng Bilibid drug trade.

 

Sa isang banda, kalakaran sa kongreso at senado ang pagkunsulta sa mga ahensiya at grupong apektado ng mga panukalang batas na balak ihain ng mga mambabatas. Sa kaso ng extrajudicial killing, dapat ay kunsultahin din de Lima ang mga kaalyado niyang mga Obispo at human rights groups, para lalo pang “tumibay” ang kanyang panukala. Kapag ginawa niya ito, baka makadagdag pa sila ng mga provision na olrayt, tulad ng mga sumusunod:

 

  • pagsigaw sa megaphone ng, “in the name of god… surrender u… pulis we ar…or 2 hell u go!” – linyang madaling i-memorize ng mga pulis at angkop na magagamit sa mga adik na mahilig mag-text…upang madaling magkaintindihan;

 

  • kapag successful sa paghuli, dapat ay i-pray over muna ang nahuli at pagsuutin ng rosary bago dalhin sa kulungan na ang mga dingding ay napapalibutan ng mga krus na umiilaw sa dilim – yong made in China, at painumin din sila ng welcome drink – marijuana tea;

 

  •  padalhin ang mga pulis ng water gun na palaging puno ng holy water dahil binasbasan kuno ng mga Obispo, sa halip na kalibre 45, upang “pambaril” sa mga taong actual na gumagawa ng krimen, at upang siguradong hindi maubusan ng holy water kuno, dapat bawat isa ay may baong tig-isang gallon nito na nakalagay sa backpack;

 

  • kapag tumagal ang hostage-taking, magdasal ng rosary at novena ang mga pulis kahit pa-morningan pa sa lugar ng pangyayari…yong tipong prayer vigil;

 

  • kapag nagpambuno o nagpang-abot ang hinuhuli at ang pulis, habang gumugulong sila at nagsasampalan o nagsasabunutan, dapat kilitiin ng todo ng pulis ang hinuhuli upang manghina ito sa katatawa, kaya dapat kasama rin ito sa training nila sa PNPA;

 

  • dapat may nakahandang mga satchet ng shabu at sticks ng marijuana ang mga pulis kung ang huhulihing nangho-hostage ay bangag o malakas ang tama para ibigay sa “nakakaawang” adik na hostage-taker (baka bitin pa kasi) upang magpakasawa ito to the max hanggang sa magkandaduling sa pagka-high at manghina habang humahagikhik sa tuwa…makakatakas na ang na-hostage…kapag ligtas na ang na-hostage, dapat sabay sa pagsigaw ang mga pulis ng, “Hallelujah!!!”

 

  • tuwing may hostage-taking incident, dapat tumawag ng Obispo o human rights advocate upang ipakausap dito…face to face, hindi sa pamamagitan ng sigaw o megaphone…tingin rin lang nila sa sarili nila ay kasangga sila ng mga adik kaya ayaw nilang masaktan man lang ang mga ito….kaya feeling pa nila ay “tagapagligtas” sila ng mga drug pusher at drug lords na “naliligaw ng landas”….samantalang hindi man lang nila inisip ang mga biktimang itinulak ng mga hangal na ito sa bangin ng kapahamakan!

 

Kapag may napatay pa sa pagpapatupad ng batas ni de Lima….ewan ko lang…DAHIL PRO-LIFE NA PRO-LIFE saang anggulo man tingnan…mula sa itaas, harap, likod, gilid… huwag lang mula sa ilalim dahil baka ang makita ay pang sex video lang!

 

The Hystirics of de Lima during the 28 September morning Presscon

THE HYSTIRICS OF DE LIMA

DURING THE 28 SEPTEMBER MORNING PRESSCON

By Apolinario Villalobos

 

The hysterical antics of de Lima during a presscon at the Senate in the morning of 28 September could have been another attempt to show her innocence of the drug crimes thrown at her. Obviously she was trying to pinch the heart of those who took time in listening to her emotional presentations.

 

She did not take the presscon opportunity to explain what happened to the millions and various jewelries turned over to her after a raid of NBP, in which only 1.6M pesos was reported. Those involved in the turnover are asking where the more than 300M pesos went. She even presented a text message which for her implied that Sebastian was being forced to testify against her, when the message was a simple plea from the wife of the subject detainee to tell everything he knows to end his ordeal as practically, fingers of the detainee/resource persons were all pointing at him. That being alleged, Sebastian is being viewed as the direct connect to de Lima who could further pin her down. In that case, who would “desire” to eliminate him?

 

In her dire effort to defend herself, de Lima put the life of Sebastian in jeopardy when she said that he is a government “asset”. But then, this allegation has raised many eyebrows, as how can an “asset” whose activities are supposed to be covert, meet with a government official in full view of other inmates? One witness even testified that Sebastian bragged about his close connection with de Lima, emphasizing such arrogance with an assurance that de Lima would come at a certain time to visit him which indeed happen during which she had a grand couple or more hours with him in his luxurious “kubol. If he is a witness as de Lima is alleging, all she could have done was summon him secretly for a meeting at one of the offices of NBP. The publicly exposed allegations are what de Lima should refute instead of being hysterical during the presscon in the morning of September 28. The hystirics of de Lima according to Duterte are signs of her ominous breakdown.

 

Overall, though, I surmised that de Lima could be a very very fine coach for elocutions and declamations. She did a very good performance which deserves a gold medal, had it been done during an inter-collegiate literary competition.

Lumiliit na ang Mundo ni de Lima

LUMILIIT NA ANG MUNDO NI DE LIMA

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung tuluyan nang sampahan ng kaso si de Lima, magtutuluy-tuloy na rin ang pagsikip ng kanyang mundo. May dahilan na siya ngayong lumipat ng tirahan dahil marami daw banta sa kanyang buhay. Masama na rin daw ang kanyang pakiramdam dahil sa mga bantang ito. Yong iba naman kasing sumasakay sa isyu ay basta na lang nagpadala ng mga text sa kanyang cell phone pagkatapos ibunyag sa kongreso. Sa kasong ito, may mali ang pinanggalingan niyang departamento na Department of Justic (DOJ) dahil ang dapat ginawa ay kinansela ang numero ng cell phone niya nang mag-resign siya upang tumakbo sa eleksiyon. Dahil hindi nakansela, ang billing para sa cell phone ay pinapadala pa rin sa DOJ. Yan ang gobyerno ng Pinas….maraming butas! Napakasimpleng responsibilidad ay hindi ginagawa dahil sa katamaran ng mga taong sinuswelduhan ng taong bayan!

 

Dapat i-monitor ang kanyang kilos dahil baka biglang mawala at ang idahilan upang hindi lumabas sa pinagtataguan ay ang mga banta sa kanyang buhay kuno. Asahan din ang “hospital arrest” dahil sa pinahapyaw na niyang “masamang pakiramdam”. Hindi puwede ang LBM lang upang tumagal siya sa ospital. Upang magkaroon siya ng brace sa leeg dapat ay mahulog siya sa hagdanan una ang ulo. Pero ang pinakamaganda ay magkaroon siya ng schedule ng maraming operasyon sa katawan, na mangyayari kung may tatanggalin tulad ng matris, appendix, kidney, lapay, apdo, mga ngiping paisa-isang bunutin, puso upang palitan ng mechanical apparatus, tenga na namaga dahil napasukan ng higad o alupihan, mata na natusok na barbecue stick, lalamunan na natusok ng “kung anong bagay” na naisubo, mga daliring tatanggalin o buong braso, mga paa, etc.

 

As of 29September, nagsabi ang abogado ni BJ Sebastian na gusto nitong magsiwalat ng mga nalalaman niya tungkol sa kalakaran ng illegal drug trade sa loob at labas ng New Bilibid Prison dahil nalalagay na sa peligro ang kanyang buhay. Isa sa mga sinisisi ay si de Lima dahil sa pagsiwalat na government asset si Sebastia. Malamang nasabi yon ni de Lima bilang paliwanag kung bakit siya pumapasok sa kubol ni Sebastian….subalit walang gustong maniwala. Sinabi pa ni de Lima na isa sa panggigipit sa kanya ay ang pagkulong ng dati niyang security aide na si Sanchez at pinipilit na pumirma ng salaysay laban sa kanya, subalit pinabulaanan naman ito ng spokesperson ng military sa pagsabi na “confined to barracks” lang si Sanchez at ni isang dokumento ay wala itong pinirmahan.

 

Sa pagwawala ni de Lima noong nakaraang presscon niya sa senado, 28 September, ay binanggit niya ang suggestion ng kaibigan niyang maghanap na ng “asylum” dahil ipapakulong daw talaga siya ni Duterte. Kung gagawin niya ito ay dapat sa bansang extradition treaty sa Pilipinas…hindi ko lang sure, pero baka pwede ang Colombia.

 

Ngayon ay naniniwala na akong ang ibang composer ay nakakakita ng future kaya sila nakakagawa ng mga awit, tulad ng nag-compose ng “My Way” at “My World is Getting Smaller Everyday”. Kapag gumawa kasi sila ng kanta, hindi lang sila nakatingin sa kasalukuyan kundi pati sa mga araw na darating pa.

 

Pero ang da best na nagustuhan ko at palagi kong pinapaalala sa mga kaibigan ko ay ang kasabihang, “palaging nasa huli ang pagsisisi”, at ang palasak na pagsisising sinasabi sa death bed ng mga milyonaryo na, “aanhin ko pa ang yaman kung mamamatay na ako?”.

 

Ang Batong Ipinukpok ng isang Desperado sa Kanyang Ulo

ANG BATONG IPUNUKPOK

NG ISANG DESPERADO SA KANYANG ULO

Ni Apolinario Villalobos

 

Kuwento ito tungkol sa isang taong desperado

Siya ay mataas na opisyal sa gobyerno

Mambabatas pa nga sa senado

Subalit nahaharap sa kaso

Tungkol sa ka-chocho

Na driver na macho!

 

Malito ang taong bayan…yan ang kanyang gusto

Sa kaiisip, may nadampot na isang “bato”

Matapang sa tingin niya at sanggano

Pwede pangtapat kay Rodrigo

Pero doon sa senado

Sus! Despalinghado!

 

Wala na yatang alam gawin, itong taong desperado

Dahil sa kagustuhan niyang maabsuwelto

Ang “taong bato” na kanyang ini-show

Feel niya ay mabigat  na testigo

Doon sa hall ng senado

Mistulang naging bato

Na ipinukpok niya

Sa kanyang ulo!

 

Edgar Matobato….witness ng desperadong tao

EDGAR MATOBATO…WITNESS NG DESPERADONG TAO

Ni Apolinario Villalobos

 

Historical ang mga sinabi ni Matobato sa Senado, nangyari noong mayor pa lang si Duterte ng Davao. Ang mga pangyayari ay noong panahong DOJ secretary din si de Lima, kaya ibig sabihin ay nagpagpabaya si de Lima dahil noon pa man ay dapat na niyang inilabas ang witness…pero hindi niya ginawa. Kung ginawa ni de Lima ang trabaho niya noon bilang DOJ secretary, at SAKALING totoo ang sinasabi ng witness, eh, di sana hindi naging presidente si Duterte…na magpapasaya sa Liberal Party. Tuloy din sana ang masayang bentahan ng droga dahil walang mapapatay na drug pushers na siyang gusto yata ng mga maka-Diyos, kahit pa marami na ang nabubulid sa bisyong ito….buong Pilipinas pa, dahil maraming magulang, pati mga propesyonal, at mga opisyal sa gobyerno ang nabulid na sa bisyong ito….at ang nakakapanghilakbot ay maski mismo sa loob ng National Bilibid Prison ay may mga transaksyon!

 

Ang pinag-uusapan sa Senado ngayon ay extra-judicial killings ngayong presidente na si Duterte, hindi ang mga pangyayari noong siya ay mayor pa lang. Dahil diyan, lumalabas na out-of-tune si Matobato….kawawa naman dahil ginamit lang para sa kapakanan ng iilan, samantalang hindi nila inalintana ang dami ng mga kabataang magbubulid sa salot na dulot ng droga…at sa buong bansa! Dapat sa Commission on Human Rights dinala ni de Lima si Matobato….hindi sa Senado. Nasabugan tuloy uli si de Lima sa mukha ng sarili niyang bomba!

 

Ngayong may kaso si de Lima tungkol sa drug transactions sa loob ng Bilibid at kung kaylan umiinit dahil lahat ng mga ebidensiya ay nagtuturo sa kanya, ay saka inilabas ang witness na si Matobato, kaya malinaw ang layuning sapawan ang kaso sa Bilibid drugs na nagsasangkot sa kanya (de Lima)….na ang tinutumbok ay ang paggamit daw ng perang galing sa Bilibid para sa kampanya niya noong nakaraang eleksiyon.

 

Ang maging desperado nga naman!