Antonette…Nakadanas Mangalakal at Tumira sa Bangketa, ngayon ay Eskolar sa Kolehiyo

ANTONETTE…NAKADANAS MANGALAKAL AT

TUMIRA SA BANGKETA, NGAYON AY ESKOLAR SA KOLEHIYO

Ni Apolinario Villalobos

 

Si Antonette ay nag-iisang anak ni Minda na nagtitinda ng kape, tinapay at tsitserya sa bangketa malapit sa Sta. Monica St. ng Ermita na nai-blog ko two days ago. Nahiya akong tanungin noong unang nag-usap kami kung single mom si Minda pero mabuti na lang at siya mismo ang nagsabi na maliit pa si Antonette ay namatay na ang tatay nito nang magkita kami uli. Bumalik ako sa puwesto ni Minda upang maghatid ng kumot at ilang gamit. Mabuti rin at napaunlakan ang pakiusap kong makita si Antonette kaya walang kaabug-abog na sindundo siya ni Minda mula sa inuupahan nilang maliit na kuwarto.

 

Sa mabilis na pag-uusap namin ni Antonette, nalaman kong eskolar pala siya, kaya sa isang semester ay mahigit lang ng kaunti sa sampung libong piso lang binabayaran sa Universidad de Manila subalit malaki ang nagagastos pa rin sa mga project at iba pang requirements para sa kurso niyang Business Administration. Ang allowance niya sa isang araw ay 150pesos. Second year na siya at napansin ko ang hawak niyang lumang cellphone na inamin niyang ginagamit niya sa kanyang pag-research. Tulad ng ginagawa ng ibang mga kinakapus na estudyante, naghahanap siya ng libreng wifi site upang makapag-browse. Hindi nila kaya ang bayad sa internet café na ang singil ay hindi bababa sa 30pesos kada oras. Hindi ko na tinanong kung saan galing ang cellphone dahil baka isipin niyang masyado akong maurirat.

 

Nang makiusap ako kung pwede akong sumama sa kanya sa inuupahan nilang kuwarto ay malugod niya akong pinagbigyan. Mula sa puwesto ng nanay niya ay nilakad namin ang di-kalayuang kanto ng Sta. Monica at pumasok kami sa isang maliit na sidestreet. Naalala ko ang mga eskinita sa Baseco compound na pinapasok ko habang binabaybay namin ang eskinitang maputik at sa isang gilid ay mga barung-barong. Akala ko, nang pumasok kami sa isang maliit na pinto, nandoon na ang kuwarto. Ang ground floor ay marami ring maliliit na kuwarto. Pumasok pa kami sa isang maliit na pinto bago itinuro ni Antonette ang butas sa itaas na animo ay manhole lang sa laki. Ito ang “lulusutan” papunta sa “second floor”.

 

Sa tabi ng matarik o halos patayong hagdan papunta sa “second floor” ay may isa pang kuwarto na ang pinakatakip ay kurtina. Hahawiin ko sana out of curiosity kung hindi ko narinig ang, “may tao pa kuya”….CR pala! Unang “lumusot” si Antonette sa butas papunta sa “kuwarto” niya at sumunod ako. Dahil sa kalakihan ko ay halos hindi ako kasya at kinabahan pa ako dahil sa dulas ng matarik na hagdanang gawa lang sa maliliit na pinagtagpi-tagping kahoy.

 

Ang kuwarto ay talagang maliit. Kung ako siguro ang hihiga sa loob ay nakalabas ang mga paa ko sa pinto. Para lang itong malaking cabinet. Walang bintana at ang pinanggagalingan ng hangin ay isang maliit na electric fan.  Ang upa sa kuwarto ay 1,500 pesos isang buwan, libre nga lang ang tubig at ilaw kaya pinagtitiyagaan ng mag-ina. Ang nakakabahala lang ay kung magkaroon ng sunog. Siguradong lahat ng nakatira sa lugar na yon ay masasawi.

 

Nang bumalik ako kay Minda, tinanong ko siya kung bakit wala halos siyang paninda ganoong maaga pa. Wala raw siyang pambili at ayaw pa muna siyang pautangin ng Bombay at nagpaparinig pa daw ito na mahirap maningil kaya dapat ay magbayad pa daw muna siya ng balance. Nag-alala nga daw siya dahil sa sinabi ng anak na aabot na sa mahigit 600pesos ang mga kailangan para sa kanyang mga kailangan sa eskwelahan. Mabuti na lang at hindi ko pa nagastos ang 500pesos na pambili sana ng mga payong kaya inabot ko na muna sa kanya upang magamit nila. Pati ang payong na gamit ko ay iniwan ko kay Antonette dahil wala pala itong payong. Dahil kulang na ang pamasahe ko pauwi sa Cavite, pinagkasya ko ang mga barya hanggang sa Buendia (Pasay) at dahil umuulan ay patakbu-takbo ako upang makarating sa bahay ng isang kaibigan na inutangan ko ng pera para magamit sa pagbili ng mga payong sa Baclaran bago umuwi sa Cavite. Mabuti na lang at inabot ko ang kaibigan kong paalis na sana kung hindi bumagsak ang ulan. Ang mga payong ay para sa mga pinangakuan kong mga estudyante noon pa, at ang iba ay pambenta ng mag-asawang may sanggol na nakilala ko sa Luneta.

 

Babalikan ko sina Minda upang dalhin kay Antonette ang mga gamit na naitabi ko na magagamit niya tulad ng laptop bag dahil ang ginagamit niya ay maliit na backpack lang….

Minda….sidewalk vendor na may pangarap

MINDA…SIDEWALK VENDOR NA MAY PANGARAP

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Sa sobrang pagod ko dahil sa paglalakad alas singko pa lang ng madaling araw sa kahabaan ng  Roxas Boulevard ay tumawid ako sa Ermita upang maghanap ng mapapagkapehan. Nasumpungan ko ang puwesto ni Minda Bantan na nasa isang bangketa kung saan ay matatagpuan ang mga sarado nang dating tanyag na mga antique shops. Sa di-kalayuan naman ay ang kuwartong inuupahan niya ng 1,500.00 pesos. Hindi kasya silang dalawa ng anak niyang nasa second year college sa kuwarto kaya nagtitiyaga siyang matulog sa tabi ng kanyang puwesto. Kaya pala doon ko na rin nakita ang iba pa niyang gamit dahil malamang kung ipapasok pa sa kuwarto ay wala na ring matutulugan ang anak niyang si Maria Antonette.

 

Limang taon nang nagtitinda sa bangketa si Minda at dahil marunong siyang humawak ng pera ay nairaraos niya ang mga pangangailangan nilang mag-ina pati ang pang-matrikula ng kanyang anak. Taga-Bohol si Minda at nakipagsapalaran sa Maynila dahil wala daw siyang mapagkitaan sa probinsiya. Nasunugan na rin sila sa unang tinirhan nila sa Maynila subalit wala siyang natanggap na tulong mula sa kanilang barangay kaya sa halip na maghinagpis ay nangalakal silang mag-ina…namulot ng plastic, bote at iba pang mabebenta sa junk shop. Wala rin daw siyang natatanggap na 1,500 pesos na galing sa DSW para sana makatulong maski papaano sa pangangailangan ng kanyang anak. Sa madaling salita, matagal na panahon din silang tumira sa bangketa.

 

Ang tanging inaasahan ngayon ni Minda ay ang “5/6” na inuutang niya sa Bombay. Kape, softdrink, biscuit, tinapay, at mga chichirya ang mga tinitinda niya at kahit papaano ay pinagkakasya sa pangangailangan nila ang kinikita. At dahil isang sakayan lang ang layo ng kolehiyong pinapasukan ng kanyang anak, sa Universidad de Manila sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza) ay hindi gaanong magastos ang pamasahe, subalit ang problema ay ang baon na hindi ko na lang itinanong dahil halata namang siguradong tipid na tipid.

 

May pangarap si Minda para sa kanyang anak kaya halos igapang niya ang pagpapaaral dito. Mula pa man noong maliit ito ay naging bahagi na siya ng pagsisikap ng kanyang ina. At, dahil sinabi ni Minda na matalino daw ang kanyang anak, hindi na kailangan pang ipaalala sa kanya ang mga dapat niyang gawin upang makaraos sa kahirapan.

 

Nang inalok ko si Minda ng trapal na magagamit dahil napansin kong mga plastic na pira-piraso ang ginagamit niyang pantakip sa kanyang mga gamit, marami siyang sinabing dahilan para makatanggi. Akala niya siguro ay isa na naman akong “researcher” na nagkakanulo ng mga tulad niyang sidewalk vendor sa kinauukulan. Nang ilabas ko ang mga kopya ng National Geographic, stuffed toys at mga damit pambata upang ipaliwanag na pinamimigay ko sila, napanatag ang loob niya kaya humingi na rin ng ilang kopya ng babasahin para sa kanyang anak, at saka pa lang tinanggap ang trapal na binigay ko. At, dahil napansin ko ang interes niya sa isang stuffed toy ay ibinigay ko na rin, at saka pa lang niya nasabing siguradong magugustuhan ito ng kanyang anak. Nagpaalam na ako nang maubos ang kape ko, dahil may pupuntahan pa ako sa Pandacan at pagkatapos ay susuyurin ko naman ang gilid ng Ilog Pasig mula sa Luneta papuntang Divisoria…

ERMITA MINDA

 

Ermita (historic district of Manila)

Ermita

(Historic District of Manila)

By Apolinario Villalobos

Once the elite’s enclave

of Manila’s Hispanics,

crumbled to the ground

during the World War II,

it metamorphosed into

a lively district that

would come to life

at the strike of two.

At three, made up women

would lend color

to its drab surroundings,

at four, customers of

different shades

would peek through doors

if what’s inside was

for their taking,

and at five, with blaring

jukeboxes and enticing neon lights

Ermita would become fully awake

to begin another nocturnal life.

In this side of Manila by the bay,

while the sun slips sleepily

down the horizon yonder for the day,

Ermita would come to life –

a made-up face of the city.

The last days of ’94 however saw

Ermita’s lights fade;

No longer were there

made up women and sailors

who would tease each other

along corridors.

No longer were there

blaring music and

dancing neon lights

that made gay life beat

through seemingly endless nights.

Drab buildings became more stoic

to their surroundings,

robbed of life and earthly pleasure

that for years made Ermita

a temporal delight…

Daniel Dejapin…batang Ermita

Daniel
…batang Ermita
(para kay Daniel Dejapin)
Ni Apolinario Villalobos

Batang kalye kung ituring ng iba
Subali’t panglalait, ‘di niya alintana
Ang nasa isip ay kung paanong mabuhay
At matupad ang pangarap na siya’y magtagumpay.

Ni hindi naisip, gumawa ng masama
Dahil panlalamang ‘to ng kanyang kapwa
Payak na pangarap, sa kanya’y gumagabay
Tumulong sa iba, kapag siya nama’y magtagumpay.

Nagtitiis sa init ng araw at lamig ng ulan
Kailanga’y magsikap at walang nasasandalan
Kaya’t sa Roxas Boulevard, abutin man ng gabi
Nagtinda ng sigarilyo at kung anu-anong mga kendi.

Talagang ang Diyos ay mabait, mapagmahal
Sa mga taong nagsisikap, matatag at marangal
Kaya sa katulad ni Daniel na ang kalooba’y busilak
Isang pagkakatao’y kanyang ibinigay, ito’y ‘di hamak.

Libreng pag-aaral sa Alemanya’y natanggap niya
Pagsisimula upang matamo’ng kanyang mga adhika
Sana ang kuwento ng buhay ni Daniel, maging inspirasyon –
Maging gabay ng iba na hangad ay maganda ring pagkakataon.

Touristic Manila

Touristic Manila

By Apolinario Villalobos

 

When I came to Manila during the early 80’s, the city was just gaining a momentum toward its recognition as a prime tourist destination in Asia. The most popular district then was Ermita which would come alive just when the sun was about to set beyond the horizon of Manila Bay. From its daytime drabness the district would undergo an instant transformation into the gaudiness made heady by the loud music that emanated from the hole-in-the-wall beer joints. The jolly racket lasted until just before sunup. A night was never complete without a brawl. And when the sun finally warmed its sidewalks, giddy girls with still rouged faces lined the sidewalks for cheap jeepney ride home.

 

Today, Ermita has been transformed into a safe tourist haven. Roxas Boulevard is dotted with five-star hotels, and side by side with the Children’s Museum is the United States Embassy complex at the western end of the boulevard. M.H. del Pilar and A. Mabini Streets previously known for their raucous beer joints are now assuming a wholesome façade with rows of restaurants, affordable hotels, and a casino housed in five-star Hyatt Hotel that provides a highlight. The newly-renovated National Library of the Philippines breaks the monotony of T.M. Kalaw St., and a few meters from the imposing structure is the office of the National Historical Institute. A big shopping mall stands out among the condo buildings being built along the  United Nations Avenue where the World Health Organization (WHO) headquarters are also located. Manila Pavilion that adds splendor to this particular section of Ermita was once the popular Manila Hilton.

 

Avenida, the main thoroughfare of the Sta. Cruz district, is still alive with sidewalk bazaars that overflow to the adjacent Quiapo district. Both districts have historic churches that serve as their centerpiece, and which are popular among pilgrims during Lenten season. Quiapo Church is the shrine of the Black Nazarene, the festivity of which draws millions of devotees every year. On the other side of Quezon Boulevard is the Islamic district, in the midst of which is the Golden Mosque. Though differing in faith, the residents of the two districts live in harmony.

 

Another shopping district of Manila is Divisoria where malls have mushroomed during the past years. It is still the most popular shoppers’ mecca of Manila where one can find practically everything – from school supply to the latest electronic gadgets. It is, however, more popular as showcase for latest fashions.  Late in the afternoon, a portion of the Recto Avenue is closed to give way to stalls of vegetable wholesalers who come from different provinces. Practically, the whole area is alive the whole night until six in the morning of the following day during which the merchants begin to pack up whatever are left of their goods. It is also at this time that the sanitary teams of the city begin to haul out piles of garbage and mop up the street for daytime shoppers.

 

The Chinatown of Manila, known more among the locals as Ongpin, referring to the main street, is the oldest in the world. It went through different historic transformations – from its being made as a segregated Chinese settlement or “parian” during the Spanish regime, into becoming a hideaway of urban Filipino guerillas during the WWII, until finally blossoming into an elegant enclave of oriental culture today with its towering condo buildings and restaurants where one could partake of exotic cuisine, though, the reliable steadfast apothecaries are still around with their different aromatic concoctions.

 

The Pasig River cuts across the landscape of Manila. The Manila City Hall is found on its west bank which is lately enhanced by a newly-built shopping mall, while the Malacaῆan Palace occupies a well-shaded north bank. The so-called “university belt” because of the several educational institutions within this particular section, is located several street corners from the palace.

 

The Liwasang Bonifacio (Bonifacio Park) near the Manila City Hall is dominated by the Post Office building and across from it is the idle Metropolitan Theater, still trying to stand proud despite years of neglect. The structure, though, could still gain attention because of its classical architecture. The theater was once the principal venue of both local and international plays, aside from concerts which launched several singers, actors and actresses to stardom.

 

Across the street from Liwasang Bonifacio, the Old Intramuros beckons to those with a desire to quench their thirst for history. Within the walls of Intramuros are the centuries- old Manila Cathedral and San Agustin Church. On foot, going around the Walled City, including leisurely stops for refreshing drinks or snacks, takes only about three hours. However, if the Fort Santiago is included in the itinerary, one should add another hour to their stroll. Inside the fort, one can find cells where prisoners were confined during the Spanish regime and the WWII. Local horse-driven coaches or rigs are available for leisurely ride that can be contracted for a jaunt up to Rizal Park or Luneta.

 

Rizal Park  was known in history as Bagumbayan where Jose Rizal, the country’s national hero was shot for purportedly instigating rebellion against the Spaniards. Behind the grandstand, one can find the H20 Hotel and Ocean Park which are just a few steps from the historic Manila Hotel. Lately, the park has undergone facelifts that made it more alluring to regular visitors. The park’s administration is not daunted by the small area of the park, instead, defied this limitation by using resourcefulness and creativity. The park’s crowning glory today is the cluster of renovated fountains that “dance” with the music and lights. The imposing Department of Tourism building is located on the T.M. Kalaw side of the park with its façade facing the giant bronze statue of Lapu-lapu that stands at what was once the skating rink, and a few meters from them is the National Parks Development office that manages Luneta. The Philippine map lagoon has been made more stroller-friendly with the floating lane that diagonally cuts across it.

 

The mentioned landmarks of Manila are accessible via the Light Rail Transit (LRT) system, jeepneys, buses, and aircon vans.