Ang Mga “Negative” na Kapalit ng Ginagawa Ko ay Okey Lang Dahil Nag-eenjoy Naman Ako

Ang Mga “Negative” na Kapalit ng Ginagawa Ko

ay Okey Lang Dahil Nag-eenjoy Naman Ako

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung may masasayang bahagi ng buhay, mayroon ding nakakalungkot na hindi maiwasang madanasan ng isang tao sa kabila ng kanyang magandang layunin…yan ang nangyayari sa akin. Para sa akin ay madali lang ang pagsusulat, pero ang mahirap ay ang magpaunawa ng aking layunin.

 

Hindi nauunawaan ng mga taong makasarili o selfish kung bakit ako nagsasakripisyo sa pagsusulat at maipakita ang mga pagkakamaling dapat ituwid o mga pagkukulang na dapat punan. Ang nakakatuwa sa mga taong makasarili ay ang pag-isipan akong tumatanggap ng suweldo o kapalit ng mga ginagawa ko. Bilang makasarili, hindi kasi nila kayang gawin ang ginagawa ko kaya para sa kanila ay imposible. Hindi nila maunawaan kung bakit ako gumagastos para lang makarating sa mga liblib na lugar kung saan ay may makukuha akong magandang kuwento, tulad ng mga slum areas ng Tondo.

 

May mga taong nai-intimidate ng mga ginagawa ko dahil sa kakulangan ng kaalaman nila tungkol sa salitang “blogger” na akala nila ay bumabatikos lang. Ang hindi nila alam, ito ang equivalent ng mga nagsusulat sa diyaryo o magazine….sa simpleng salita, manunulat sa cyberspace o internet, at saklaw o sakop ang lahat ng larangan. Unang ginamit ng mga kabataang internet users ang salitang “blog” pero ang intention ay manira. Ito ay maituturing na bahagi ng “street language” o sa Pilipino ay “salitang kanto” tulad ng “toma” o pag-inom ng alak. At, dahil pa rin diyan, marami ang nagugulat kapag nakita ako nang personal dahil hindi ako bata.

 

Mayroon pa akong narinig na comment noon na, “blogger ba yan?…bakit walang camera?” at  “…ay!…matanda na pala”. Akala nila, ang pagba-blog ay hanggang paglagay lang ng mga pa-cute na mga larawan sa facebook na ginagawa ng mga kabataan. Ang hindi nila alam ay maraming sites ang internet na ginagamit ng mga seryosong blogger tulad ko. Kaya ako gumamit ng facebook ay dahil lang sa pakiusap ng mga kaibigan ko noon pa man na ang ginagamit ay cellphone na may application ng facebook.

 

May mga tao ring nai-insecure dahil sa ginagawa ko. Feeling nila ay nasasapawan ko sila sa mga dapat nilang gawin….silang mga nagsusuweldo pero wala rin naman palang binatbat sa trabaho. Sa halip na i-appreciate ang ginagawa ko o ay pinag-iisipan pa ako ng masama. Kulang na lang ay tanungin ako ng diretsahan kung tatakbo ba akong mayor. May joke tungkol sa taong nakita lang na naglilinis ng kalsada sa tapat ng bahay niya ay kinantiyawan ng, “tatakbo ka yata sa pagka- Barangay Chairman, pare….”.

 

May mga tao na dahil sa sobrang pagkamakasarili, ang tingin sa kapwa nilang nanlilimahid at namumulot ng mapapakinabangan sa mga basurahan, pati na sa mga taong mababa ang kalagayan sa lipunan, ay hindi  mapapagkatiwalaan at hindi dapat pakisamahan. Ang mga taong ito ay sobra rin ang “pagka-sosyal” ang ugali kaya pinandidirihan ang mga kainan sa tabi ng kalsada….mga karinderya….wa class daw! Dahil sa ugali nila, hindi nila maunawaan kung bakit gusto kong makipagkaibigan sa mga taong nabanggit o kumain sa mga pinandidirihan nilang kainan.

 

Bilib ako sa lakas ng loob ng mga nagtanong sa akin kung bakit daw mahilig akong magsulat tungkol sa mga tao at mga karinderyang nabanggit. Kung ginagamit nila ang kanilang utak sa pag-isip ng malalim kahit minsan lang, hindi na sila dapat pang nagtatanong. Nagpapakita lang sila ng kamangmangan at walang kaalaman sa iba’t ibang uri ng buhay sa mundo. Pero yong iba ay mahinahon ko namang sinagot ng,  “ kung hindi ko isinulat, malalaman mo ba na may masarap palang kainan at mura pa diyan lang sa kanto”? Ang alam lang kasi ng mga ungas ay mga kainan tulad ng Jollibee at iba pang mga kainan na ang mga binebenta ay dapat inilubog sa mantika!

 

Sa kabila ng mga nabanggit, natutuwa pa rin ako at nasusulit ang pagod ko…lalo na kapag ang kakainin ko sa mga paborito kong pastilan ay tutong na kanin at gulay na lalong pinasarap ng siling labuyo! Sa mga naiinis sa akin, ito lang ang masasabi…EAT YOUR HEART OUT, GUYS!

 

 

Huwag Pagnasahan ang Hindi Iyo

Huwag Mong Pagnasahan Ang Hindi Iyo

Ni Apolinario Villalobos

 

  • Huwag mong pagnakawan ang iyon boss para lang masabing gumaganti ka dahil maliit ang suweldo mo. Mag-resign ka at maghanap ng ibang trabaho.

 

  • Huwag mong pagnasahan ang magandang asawa ng iba at baka maputulan ka ng pututoy….hindi man gawin sa iyo ng misis mo ay malamang asawa ng pinagnanasahan mo. Kung may pera ka pumunta ka na lang sa beerhouse dahil maraming maganda sa lugar na yan. Kung babae ka magtanong ka na lang sa kumare mo kung saan niya nadampot ang pogi niyang kulukadidang.

 

  • Kung collector ka ng isang kumpanya o gobyeno, i-remit mo ang nakolekta mo dahil darating ang panahong malalaman din ang ginagawa mong panloloko. Tandaan mong kaya ka na-hire ay dahil pinagkatiwalaan ka.

 

  • Huwag mong pagnasahan ang karangyaang pinagsikapan ng iba. Magsikap ka upang magkaroon din. Huwag kang mamatay sa inggit dahil kung ilalamay ka baka walang pupunta kung alam ang dahilan ng kamatayan mo – heart attack dahil sa inggit!

 

  • Huwag mang-apak ng iba upang umangat at maagaw mo ang recognition na dapat ay para sa inapakan o tinungtungan mo. Huwag mong pagnasahan ang kaalaman o skills ng iba dahil may ibang uring ganyan ang ibinigay sa iyo ng Diyos na dapat ay gamitin mo sa maayos na paraan at hindi sa panloloko ng kapwa tulad ng ginagawa ng maraming hinayupak na mga opisyal ng gobyerno.

 

  • Huwag mong pagnasahan na aabot sa inggit ang kagandahan ng iba dahil kapag pinilit mo at pina-retoke mo ang mukha at katawan mo at ang resulta ay hind bagay sa iyo, hindi ka na maibabalik sa dati mong anyo. Tanggapin mo kung anumang katawan o mukha ang ibinigay sa iyo ng Diyos…tandaan mong nandiyan lang palagi ang nanay mo na pupuri sa iyo kahit nililibak ka ng iba…kung buhay pa siya.

 

 

Kung ayaw mong namnamin ang nilalaman ng sini-share kong ito, bahala ka sa buhay mo!

Hindi Magandang Pakinggan ang “Nakakainggit Ka”

Hindi Magandang Pakinggan ang
“Nakakainggit Ka”
Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat ay tanggalin sa talaan ng pansariling expression ang, “nakakainggit ka” dahil lumalabas ang saloobing inggit, kahit pa sabihin ng nagsambit na ito ay biro lang. Kapag nakikipag-usap sa taong umasenso sa tamang paraan kaya naging mayaman, dapat ang sabihin sa kanya ay, “ang galing mo!…tutularan kita!”, o di kaya, “sana ay tumuluy-tuloy ang pag-asenso mo”, o di kaya, “turuan mo naman ako ng paraan”. Kapag nagkataong ang kausap mo ay talagang may layuning inggitin ka, pinasaya mo lang siya kapag sinabihan mo ng, “nakakainggit ka”.

 

Maraming taong basta na lang naiinggit sa iba. Sila ang mga tipong ayaw makakita ng mga taong masaya dahil sa tagumpay na tinamo ng kanilang kapwa. Meron ding ang gusto ay sa kanila mapunta ang lahat ng biyaya at ang iba ay walang karapatang magkaroon kahit isang piraso nito. Sila ang mga taong walang hangganan ang pagka-sakim kaya lahat ng paraan ay ginagawa upang ang iba ay hindi magkaroon ng pagkakataong magtagumpay.

 

Ilan na ang nakausap kong nagsabi sa akin ng “nakakainggit ka”. Ang iba ay diretsahan kong sinasabihan ng “magsikap ka…..huwag mainggit”. Pero ang ibang pasaway na ayaw paawat sa pag-uusisa ay binabara ko ng, “gayahin mo ako na isang illegal recruiter, nagbebenta ng shabu at bugaw pa…at kung minsan ay holdaper at kidnaper pa, depende sa mood”. Mula noon nginingitian na lang niya ako tuwing magsalubong kami…siguro ay hindi na siya nainggit dahil sa iba’t ibang uri ng “trabaho” ko….sa panaginip.

Ang Kasuwapangan ay Kakambal ng Inggit

Ang Kasuwapangan ay Kakambal ng Inggit

Ni Apolinario Villalobos

 

May mga taong ayaw na ngang tumulong sa kapwa ay gusto pang angkinin ang dapat ay itutulong ng kaibigan o kaanak sa iba sa pagtanong na may kasamang panunumbat ng, “paano naman ako?”….kahit obvious na hindi naman talaga niya kailangan ang tulong o di kaya ay nakakaraos naman siya kahit papaano kung ikukumpara sa talagang nangangailangan ng tulong. Napakahabang statement yan, na ang tinutuko ay iisang salita lang…ang “kasuwapangan”. Sa simple pa ring paliwanag, ang paghahangad ng mga bagay na nakalaan para sa iba ay palatandaan ng kasuwapangan.

 

Suwapang ang taong naghahangad ng bahagi sa bawa’t bagay o di kaya ay may kagustuhang magkaroon ng bawa’t bagay na nakikita niya sa iba. Ang ganyang ugali ang tumutugon sa kasabihan sa Ingles na, “living up with the Joneses”, na ibig sabihin ay pakikipagsabayan sa kapwa, sa lahat ng paraan kahit hindi kaya.

 

Ang mataas na antas na kasuwapangan ay korapsyon dahil hindil lang isa o dalawang tao ang pinahihirapan ng isang korap kundi buong sambayanan. Sa antas na ito, ang kasuwapangan na naging korapsyon ay naging kambal na ng pagka-ganid!

 

Dapat ay matuwa tayo kapag nakikita nating nakakaraos ang ating kapwa dahil kabawasan sila sa mga dapat tulungan….hindi sila dapat kainggitan. Sa isang banda naman,  ang mga ganid ay bantad o “numb” na sa mga nakikitang kahirapan ng mga tao dahil sa pagnanakaw nila ng pera sa kaban ng bayan na dapat ay nakalaan sa mga proyektong makabawas man lang sa paghihirap ng mga kapuspalad na Pilipino.

What Achievements Can Do

What Achievements Can Do

By Apolinario Villalobos

 

I have been blogging about achievers and their success, and I would like to add that such feat could generate the following:

  • Admiration from peers and strangers who have positive personalities, they who always see the positive side of things.
  • Satisfaction from people who are part of the achiever’s life, they who also sacrificed such as family members, relatives and some friends and even strangers who, in one way or another are instrumental for the achievement.
  • Envy from anybody, as evil is part of life.

 

There is no problem with the positive effects of achievements such as admiration and satisfaction. The problem is with envy, as it may result to:

  • Bashing in facebook and other blog sites even by friends supposedly using fictitious identity.
  • Jokes from envious friends such as anonymous and threatening messages sent through the cellphone and chat facility of the facebook.
  • Development of ill feeling towards the achiever.

 

Bashing and harmful jokes are the negative “gains” from the high technology that rules life today. Simply said, anybody can create hundreds of identity in the internet and use them for malicious intent, and SIM cards can be bought from sidewalk peddlers for as low as Php15, already with free text and calls to be used in sending anonymous messages or making calls to poor victims. On the other hand, the development of ill feeling towards the achiever occurs among selfish people who want everything in life at all cost. Their ego made them feel that only they are capable of succeeding in life.

 

Many successful lives have been ruined by the egoistic and selfish people who cannot stand the achievement of others…that is one of the reasons why the world is beset with disharmony. Man has no choice but to live with that reality. Meanwhile, what the achievers can do is thank the Lord for their success and restrain themselves from wishing bad karma for their detractors for it may just happen as dictated by the “Golden Rule”.

Intimidation, Insecurity, and Envy

INTIMIDATION, INSECURITY, AND ENVY

By Apolinario Villalobos

 

 

Life could be complicated for those who just want to live simply and work hard and honestly, because of people around them, who, they unknowingly intimidate, hence, become incredibly insecure and finally become unbelievably envious. Many people would just be surprised why all of a sudden they have “enemies”.  This is an ordinary occurrence in job sites where the honest and sincere performance of an employee can intimidate his lethargic colleagues.

 

Bloggers, too, are not safe from the envious viewers whose bloated ego made them believe that they are the best and cannot take the success of low-profile, though, serious internet users who just want to share their ideas with others. They are the bashers and the trolls who make fun of the well-intent bloggers. These bad guys enjoy in spoiling the day of unsuspecting bloggers with their uncalled for comments which, as viewed from all angles are not related to the blogged issue. These spoilers do not even know the bloggers personally and worse, the former may not even be capable of articulating extensively what they have in mind, otherwise, they should not be commenting only, or copy/paste materials taken from other sites, and which they tag with either favorable or unsavory remarks, then post on their facebook.

 

The cradle of learning, the school, is not spared by this “phenomenon”. Many stories have surfaced in the internet about bullying which is a clear indication of insecurity masked by “superiority complex” on the part of the perpetrator. Victims are students with strong personality due to their intelligence or good looks.

 

The family is not spared by insecurity felt among siblings. And, most often, the parents are to be blamed due to their favoritism that makes the non-favorites among the brood, feel unloved. Rebellious manifestations in the acts of the “neglected” siblings follow. Ironically, parents wonder why they have a “black sheep” in the family.

 

Finally, many hardworking and serious employees resign from their job because their commendable performance has intimidated envious colleagues who resorted to doing all possible to pull them down. Specifically, on the national level of politics, many envious and ambitious  officials have been intimidated by Rodrigo Duterte. As he is not corrupt, they could not put him down using this issue, so they focused on his personality – brash, cussing probinsiyano, not-good looking, etc. But there is an adage that says, “you cannot put a good man, down”. It is happening to Duterte, and I personally hope, that his persistence to do good can see him through his six-year term…as long as he does not listen to the whispers of what he says is from “God” that tells him to stop his cussing….(joke only!)

 

 

Ang Kasabihang “Mamatay Ka Sa Inggit”…tungkol ito sa taong mainggitin

Ang Kasabihang “Mamatay Ka sa Inggit”

(tungkol ito sa taong mainggitin)

Ni Apolinario Villalobos

Totoo pala talaga ang kasabihang nasa titulo. Akala ko noon ay kantiyaw lang na pabiro, yon pala ay talagang totoo. Nahuli ko ang isa kong kaibigan na idinaan sa mga kantyaw ang kanyang pagkainggit sa mga natamo ng kanyang kaibigang sikat na kolumnista. Masakit ang mga kantiyaw niya sa kanyang kaibigan. Hindi ko personal na kilala ang kolumnista pero bilib ako sa galing niya sa pagsulat kaya bukod sa diyaryo ay may lingguhan din siyang sinusulatang magasin. Ang kaibigan ko namang mainggitin pala ay walang natamo sa buhay, maliban sa negosyong pumalpak kaya nalugi. Nakarma siguro dahil s ugali niyang pagkamainggitin.

Nang minsang hindi na ako makatiis ay pinagtanggol ko ang kolumnista sa pagbatikos ng kaibigan ko kahit walang dahilan. Para bang nabubuo lamang ang araw niya kapag may naibulalas siyang masama laban sa kaibigan niyang kolumnista. Pati sa akin ay nainis na rin ang kaibigan kong maiinggitin kaya mula noon ay iniwasan ko na lang. Para namang pinagtiyap ng pagkakataon ang pagkurus ng landas namin ng kolumnista sa isang handaan. Nagulat ako nang sabihin niyang ang iba pala niyang mga sinusulat sa kolum ay hango sa mga blogs ko na nababasa niya sa internet, kaya pala napansin kong may pagkahawig ang mga ideya.

Mula noon ay nagpalitan na kami ng mga mensahe sa internet at nagtulungan sa pagbuo ng mga sinusulat namin. Ilang beses na rin niya akong nahingan ng pormal na pahintulot na magbatay ng mga isusulat niyang pananaw, sa mga naisulat ko na. Buong lugod ko naman siyang pinagbigayan.

Nang minsan namang biglang magkita kami ng kaibigan kong maiinggitin at banggitin ko sa kanya na magkaibigan na kami ng kaibigan niyang kolumnista sabay sabing nagtutulungan kami, ay napansin kong namutla siya, na para bang aatakehin sa puso. Halos wala akong narinig sa sinabi niya nang talikuran niya ako at biglang lumayo na nakatungo ang ulo. Hindi ko nasakyan ang kanyang inasal dahil ang inaasahan ko ay matutuwa siya dapat.

Makalipas ang dalawang araw, may nagbalita sa aking naospital ang kaibigan kong mainggitin dahil inatake daw sa puso, pero hindi naman natuluyan…tumabingi lang ang mukha at bulol na kung magsalita.

Ang leksiyon: huwag tayong mainggit sa tagumpay ng kaibigan natin sa larangang hindi naman natin kaya. Dapat ikatuwa natin ang tagumpay ng kaibigan natin. Ang inggit ay nangyayari kung ang isang tao ay gustong magpakitang gilas upang masabing lahat ay kaya niyang gawin, kaya ang gusto niyang mangyari ay ituring siyang nag-iisa lamang na magaling at wala nang iba. Ang isa pang gustong mangyari ng taong mainggitin ay pare-pareho na lang sila ng kanyang mga kaibigan na walang pinagtagumpayan dahil siya ay hindi rin nagtagumpay!…ang tawag sa huli kong nabanggit ay ugaling hilahan pababa!