Sa pagkalaglag ni Mar Roxas mula sa kalinga ni Pnoy Aquino dahil sa hindi pagka-apruba sa dalawang libong pisong dagdag sa buwanang pensiyon ng mga retirado, wala ring problema sakaling manalo si Jejomar Binay. Dapat tandaang ang kalaban ni Binay ay ang tatlong senador na pursigidong siya ay makulong- sina Escudero, Trillanes at Pimentel. Sa isang banda ay paulit-ulit na sinasabi ni Binay na malaki ang utang na loob niya kay Cory Aquino na siyang nagluklok sa kanya sa Makati City bilang mayor nang umupo ito bilang presidente pagkatapos ng People Power 1. Dahil diyan, malayo sa isip niya na sumuporta sa anumang balak na kasuhan si Pnoy, bilang pagpapakita ng utang na loob. Wala rin siyang probema dahil naghihintay na sa kanya ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, na lalo pang nilakihan sa halagang nakakalula.
Maraming mapaggagamitan ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, lalo na sa panunuhol upang maharangan ang anumang tangkang kasuhan siya sa kanyang pagbaba at pagkawala ng immunity. Sa Ingles wika nga ay, the road has been paved for smooth travel….o pag-absuwelto kay Pnoy mula sa anumang kaso. Majority ng miyembro ng Korte Suprema ay naimpluwensiyahan na ni Pnoy at ang iba ay iniluklok naman niya sa panahon ng kanyang panunungkulan kaya hindi maiiwasang magkaroon sila ng utang na loob sa kanya. Yong mga inuluklok ni Pnoy na nagsasabi ng, “gagawin ko lang ang trabahong itinalaga sa akin”, ay mabuti pang manahimik na lamang mula ngayon dahil siguradong sisirain lang nila ang binitiwang pangako. Hindi dapat kalimutan na ang isang bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay matiim na nakaangkla sa “utang na loob” na siya namang dahilan kung bakit napakarumi ng pulitika sa Pilipinas.
Ang mga nabanggit na senaryo ay malamang na matagal nang nakikita ni Pnoy kaya kung gumawa siya ng mararahas na aksiyon na taliwas sa mga inaasahan ay ganoon na lang. Samantala, ang pag-asa na lamang ay ang kasong inilalatag sa kanya ni Juan Ponce Enrile tungkol sa direktang pananagutan niya sa madugong kamatayan ng SAF44 sa Tokanalipao, Mamasapano, sa probinsiya ng Maguindanao. Subalit kung ito ay ihahain sa Korte Suprema, tatanggapin naman kaya ng karamihan ng mga mahistrado ang “command responsibility” bilang batayan ng kanyang kasalanan? Ano ang magagawa ng isang mabigat na ebidensiya sa harap ng mga naimpluwensiyahang kaisipan na nabaluktot kaya hindi makagawa ng patas na desisyon? Nangyari na yan nang kung ilang beses….at siguradong mangyayari pa!
The Insecurity of the President is
Intensified with the onset of Election 2016
By Apolinario Villalobos
The early manifestation of the President’s insecurity in his refusal to fire unproductive cabinet secretaries was tolerated. But the irritation of the Filipinos went out of hand when they clamored for the removal of Allan Purisima from his post as Chief of the Philippine National Police.
With the onset of elections, another manifestation of insecurity of the highest official of the land is again showing, and this time, even loudly expressed, when he refused to give instruction to his Cabinet secretaries who plan to run in the coming election, to resign. The reason for the popular call to for these government officials is obvious – there is a great possibility for them to use their respective agency in campaigns.
Unlike the senators who can return to their jobs if they lost in the election, the cabinet secretaries do not have this option. This could be the reason why the president is in a quandary because he cannot just seem to trust others than those who are now in his “stable”. What insecurity, indeed!…no wonder he is called by some parties as “weakling”.
Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016
Ni Apolinario Villalobos
Binay…..kailangan niyang manalo upang hindi tuluyang makulong dahil sa patung-patong niyang kaso. Ang hindi lang malaman ng mga tao ay kung ang ambisyon bang maging presidente ang nagtulak sa kanya upang “mag-ipon” ng panggastos mula pa noong Mayor siya ng Makati, kaya nangyari ang sinasabing pangungumisyon niya ng malaki sa mga proyekto sa Makati na ang ginawang dahilan na alam ng mga tao doon ay pagmamahal daw niya sa mga ito. Lumalabas kasi, gumawa siya ng long-ranged plan na nakakabilib!
Pnoy….kailangan niyang makahanap ng isang matapang at may paninindigang kandidato na mai-endorso upang kung sakaling manalo bilang presidente, ay ligtas siya sa mga balak ihaing kaso laban sa kanya. Hindi pwede si Roxas dahil walang mga ganoong katangian, kaya maski manalo ay siguradong matatalo lang ng mga kalaban niya (Pnoy) na may balak magpakulong sa kanya.
Roxas….kailangan niyang ma-endorso ng pangulo dahil maski simbahang Katoliko ay wala na ring tiwala sa kanya; ang huling hirit niya ay ang lumapit sa El Shaddai, Quiboloy Group na naka-base sa Davao, at ang Iglesia ni Kristo – kung papansinin siya dahil noon pa man ay hindi naman talaga siya nakitaan ng kahit kapirasong gilas. Ang pinapakita kasi niya hanggang ngayon ay ang pagiging “bow man” ng presidente – bow na lang ng bow!
Allan Peter Cayetano….noon pa man ay maingay na sa pagsabi na lahat naman daw ay may ambisyong umupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno – kasama na siya doon; kailangan niyang manalo bilang presidente upang lalong malampaso ang mga Binay sa Makati na kapitlunsod ng Pasig.
Trillanes….kailangan niyang maging presidente upang maipakulong ang pinanggigigilang si Jejomar Binay; kung hindi pwede, maski bise-presidente na lang upang patunayang may anghang talaga siya bilang pulitiko…kailangan niyang patunayan na bilang dating taga-military ay matapang siya, kaya nga siya nasangkot sa mga coup d’etat noon.
Ang ibang mga taong binabanggit na maaaring tumakbo ay hindi naman ganoon ka-desperado, tulad ni Grace Poe na hanggang ngayon ay walang pakialam kahit mataas ang rating sa survey. Si Duterte naman ay neutral ang image kaya maski sinong manalo ay pwedeng kumuha sa kanya bilang isang kalihim ng gabinete na aangkop sa kanyang katapangan, at kung hindi naman niya kakagatin ay makakabalik siya sa pinakamamahal niyang Davao City, nagmamahal din sa kanya!
Dasal para sa darating na kampanyahan
at eleksiyon 2016 ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos
Oh, Diyos na makapangyarihan sa lahat
Naglalang sa lahat ng bagay at may buhay sa mundo
Darating na naman ang panahon ng pangangampanya
Susundan ng eleksyon 2016 na inaabangan ng buong bansa.
Ipag-adya nyo po kami sa mga sinungaling
Silang nangangako ng langit, ang mukha ay makapal
Sila na ang mga labi ay may pilit at permanenteng ngiti
Sila na maya’t maya ang pagpahid ng alcohol sa mga pisngi.
Ipag-adya nyo po kami sa pang-aakit nila –
Gamit ay nakaw na yaman mula sa kaban ng bayan
At bungkos ng salapi na sa harap nami’y iwawagayway
Na ang kapalit nama’y walang katiwasayang pamumuhay.
Harinawa naman na ang ibang malilinis pa
Ay hindi matulad sa mga bantad sa mga katiwalian
Silang malinis ang mga layunin ang tangi naming pag-asa
Upang mabawasan man lang kahit kaunti ang aming dusa.
Hinihiling namin ang mga ito sa ngalan ni Hesus
Na ang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus
Ay may layuning iligtas kami sa mga kasalanan –
Utang na loob namin sa Kanyang walang hanggan.